Professional Documents
Culture Documents
Teen Clash (Boys vs. Girls) PDF
Teen Clash (Boys vs. Girls) PDF
Teen Clash (Boys vs. Girls) PDF
Ano kaya ang mangyari kung magtransfer ang apat na amazonang babae sa eskwelahan na
pinamumunuan ng apat na maangas lalaki?
Papayag na lang kaya silang magpasailalim na lang din sa kamay ng mga lalaking kadalasang
inaapi ang mga kababaihan, o maglalakas loob na silang lumaban?
Laging away na nga lang ba ang maganap, o pwede ring may mamuong pagmamahalan?
Supladong Ice VS
Palaban na Zoe
May pag-asa pa nga bang magkabati silang walo o mapanindigan na nila ang pagiging..
BOYS VS GIRLS?
**
NO SOFTCOPIES. SORRY.
*******************************************
[2] Chapter 1 - The Story Begins
*******************************************
Zoe's POV
"Yannie, may naligaw ba akong dress sa closet mo? Parang ang konti ng damit ko dun kasi."
"Konti?! Halos di na nga masara ang walk-in closet mo sa sobrang dami ng damit na nandun. Ano
ba ang meaning ng konti sayo? Tss. Tingnan mo na lang sa closet ko kung meron."
Ang aga-aga nagtataray agad tong si Yannie. PMS ata. Ay! By the way, hello sa inyo. Ako nga
pala si Zoe Davis. Ang pinakamakulit at dakilang fashionista. At yung nagtataray naman ay si
Yannie Seung. Isa sa mga bestfriend ko. Sadyang mataray talaga yan pero mabait naman.
"Okay. Guguluhin ko na ang closet mo. Byeee." sabi ko sa kanya sabay takbo papunta sa room
niya. Pero pagliko ko may nabunggo ako at ayun, napaupo ako sa sahig.
"Syempre di mo ko nakita. Kaya nga nagkabungguan tayo oh. Pero okay lang. Patulong na lang
tumayo." tumayo naman ako at hinila pataas si Sab.
Siya naman si Sabrina Fortalejo. Ang simpleng elegante kong bestfriend pero wagas makapangbara.
Baradong barado kami lagi sa kanya. -________-
"Ayan okay na. Sorry ulit Sab. Punta muna ko sa kwarto ni Yannie."
Pagbukas kong pinto may nakita agad akong nakaupo malapit sa bintana at nagbabasa pa siya.
Ayan naman si Ayumi Kahn. Ang tahimik at bookworm kong bestfriend. Pero napakatalino niya.
"Sa kabilang room pa yung kay Yannie." sabi niya sabay point pa ng daliri sa right side.
"Sabi ko nga. Sige, labas na ko. Basa ka na ulit dyan." at sinara ko na pinto ng kwarto niya.
And finally! Nakita ko na room ni Yannie. Sure na akong kanya to. May pagkasophisticated ang
style e.
Siguro nagtataka kayo kung bakit lito pa ko sa mga rooms no? Kasi naman bagong lipat lang kami
sa bahay na to. We bought this huge house para malapit lang sa new school namin. And yes, we
live together. Gusto kasi namin magpakaindependent. Pumayag naman parents namin since may
tiwala raw sila. At saka magbebestfriends na kaming apat since I can't remember.
Last year na namin ng highschool pero nagtransfer pa rin kami ng school. Wanna know why? Kasi
nakakaimbyerna mga tao sa former school namin. Napakaaarte. Di naman mga kagandahan. Saka
walang thrill dun e. Boring.
One time nga nag-inarte yung isang student dun. Yung feeling maganda, e di ako nakapagtimpi,
nasapak ko sa mukha. Anak pa naman siya ng may ari. Kaya ang tagal na suspension nun. Lakas
kasi ng pagkakasapak ko. Nagpaayos pa siya ng mukha para raw bumalik ang ganda niya. As if
namang maganda siya.
Kung tatanungin niyo, kaming apat ay mahilig magsipag-away. Pero kapag nasa katwiran lang.
Except lang talaga nung nasapak ko yung anak ng owner ng dati kong school. For own benefit ko
lang yun. Bwahaha. Pero don't get me wrong, di kami gangster or what. Sadyang sanay lang sa
labanan. Na-train kasi kami bata pa lang. Para raw kaya naming depensahan sarili namin.
"Ang tagal mo naman maghanap dyan Zoe." sabi niya sabay higa sa kama niya.
"Wag ka ngang sumigaw. Okay na ba? Nakita mo na di ba? Pwede ka na siguro lumabas ng room ko."
Aish. Sungit talaga. Iniripan ko lang siya kahit di naman niya nakita kasi nga nakahiga siya.
Lalabas na sana ako kya lang, boom.
"ARAAAAAY!" Sigaw ko sabay hawak sa ilong ko. Kasi naman tumama mukha ko sa pinto. Bigla kasing
may nagbukas.
"SABRINA NAMAN!! ANG SAKIT HA! DAHAN DAHAN KA NGA SA PAGBUBUKAS NG PINTO!!" Masakit talaga.
Napango na ata ako. T______T
"Tumama kasi mukha ko sa pinto. Ayun lang. Okay naman. :)" Pero hindi talaga e. Ang sakit kaya.
"Bakit ba dito kayo nag-uusap usap sa kwarto ko? Labas na. Labas! Choo!"
"Sungit! Maka-choo ka naman. Ano kami aso? Hmp. Bahala ka nga diyan lalabas na ko."
"Wait. Wag ka muna lumabas Zoe. Andito ko kasi naman may pinapasabi si manager. Punta raw tayo
"Copy! Bihis lang ako. Kayo rin. Kanya kanyang punta na lang ha? Got to go!" sabi ko sabay walk
out.
Isang resto/bar ang No Name. Ayun talaga name nun. Tamad mag-isip si Manager Ry e. Manager
tawag namin sa owner ng bar. Ewan ko bakit manager at hindi owner. Basta. Nagtratrabaho kami
dun tuwing Tuesdays and Thursdays. Sunday ngayon at ewan ko sa manager na yun kung bakit kami
pinapatawag. Trip trip lang namin pagtrabaho dito. May magawa lang. Saka masaya naman kami pag
tumutugtog e.
***
At No Name's..
"Ang sinasuggest ko lang naman, tutal magpapasukan na rin kayo, ay babawasan ko na ang araw ng
gig niyo. Sa halip na T-Th, every Tuesdays na lang."
"Hindi! Ayoko."
"Ikaw makulit dyan manager! Ayoko sabi! Bakit ba kasi babawasan? Para maipasok at magawan mo ng
sched yang bagong banda? May 7 araw sa isang linggo. Bakit ba isinisilsik mo sila sa Tuesday at
Thursday? May 5 araw pang natitira! Ganun ba talaga sila kaespesyal?!"
"Alam mo naman Zoe na para sa mga regular bands na yun. Tanging Tuesday at Thursday lang ang
pang part time."
"Bakit ba kasi pinipilit mong ipasok yang bagong banda na yan?" sabat naman ni Sabrina na
mukhang iritang irita na rin.
"Papatok din kasi to. Puro lalaki kasi ang dumadalaw sa resto dahil nga sa inyo. Humihina ako
sa girl customers. Kaya pag napasok na tong bagong banda magdadagsaan na rin ang mga babaeng
customers."
"Pero manager di mo ba naisip na pwede ka namang humina sa lalaking customers kasi magiging
isang araw na lang kami?" tanong naman ni Yannie. Napakamot naman sa ulo si manager. Mukhang
ngayong lang din niya naisip yun.
"Oo nga no. Tsk. Paano na ba to?" napasabunot siya sa buhok niya.
Nagtaas ng kamay si Ayu kaya napatingin kami sa kanya. "Ah, manager. Baka pwedeng parehas na
lang kaming tutugtog ng Tuesday and Thursday?"
"HOY AYU!! Ano ba yang suggestion mo? Ayokong makishare ng band no!" sigaw ko sa kanya.
"Hindi naman ganun. Kasi di ba 2 hrs lang naman tayo kung tumugtog. 8:00 - 10:00. What if after
natin, sila naman?"
"Hmm? Oo nga no. Sige. Maganda yan. Pag-usapan na lang natin hatian ng time niyo."
"No manager. We'll choose our time. 6:30-8:30" sabi ni Sabrina. Pabor naman samin yun. Para di
masyado gabihin.
"Good. Mukhang settled na. Aalis na kami." at tumayo na ko. Sumunod naman silang tatlo.
"Ay. Sorry miss. Di ko sinasadya." napatingin naman si Sab sa lalaki. Nako. Mukhang nagwapuhan
to sa lalaki. Nangiti bigla e. Pero infairness, gwapo siya. Tatlo sila actually, at lahat naman
gwapo.
"By the way, ako nga pala si Josh. And you are?"
"I'm --- " Di niya natuloy sasabihin niya. Dumating kasi bigla si manager.
"Nagkita na pala kayo. Girls, sila yung sinasabi kong makakahati niyo sa time." Nakaramdam ako
ng inis sa kanila. May kahati pa kasi. Tss. Maski si Sab na kaninang nakangiti biglang
nagsalubong yung kilay.
"Ohhh. So you're the girl band. Ano nga pala name mo miss? Di mo natuloy." sabi nung Josh.
"I'm.. I'M LEAVING!!." at naglakad na nga papalabas si Sabrina. Sumunod naman kami palabas.
Sumakay na sila sa kanya kanya nilang kotse at nagpaandar na. Sasakay na rin sana ako sa kotse
ko kaya lang may nakita akong wallet na nasa daan lang. Pinulot ko yung wallet at tiningnan
tingnan ang paligid para makita kung sino nakalaglag. Sa di naman kalayuan may lalaki ang
naglalakad papasok ng resto.
Tumakbo ako agad at kinalabit siya. Malamang sa kanya tong wallet. Humarap naman siya sakin at
oooohlala. Ang gwapo to the nth level naman nito. Pero may allergy ako sa mga gwapo e.
"Kuya, sayo ata to? Napulot ko kasi." kinuha naman niya yung wallet sa kamay ko at tumalikod
na. Ay bastusan?! Walang thank you?! Kapal ng mukha nito. Bago siya makapasok ng tuluyan sa
resto sumigaw ako.
"You're welcome." &$!#*%^& Hayup yun! Nakakainis. Di na nga nagawang mag thank you pero ang
lakas ng loob mag you're welcome. At wala pang kabuhay buhay nung sinabi niya yun. Nakatalikod
pa sakin. Letse siya. Letse talaga!!
*******************************************
[3] Chapter 2 - Second Encounter
*******************************************
Zoe's POV
"Urrrrggg. Ano ba yan?! Ingay ingay! May natutulog dito!" sigaw ko sa kung sino man ang nagiingay dun. Dinilat ko na naman ang isang mata ko at nagulat na lang ako kasi nasa harapan ko
na si Yannie.
"Bakit ba?! Anong oras pa lang? Ayan oh 5:30am. Saka paano ka ba nakapasok sa kwarto ko? Labas
nga." nagtalukbong pa ko sa kumot ko pero makulit talaga tong si Yannie. Hinila at tinapon pa
kumot ko.
"FYI Ms. Sleepyhead, today's our first day in school. Ang panget naman kung malalate ka di ba?
At idadamay mo pa kami. Ang bagal mo kaya kumilos kaya dapat lang gisingin ka ng maaga. And
paano ako nakapasok ng room mo? Well, I just kicked the door. I kept on knocking kanina pero
ayaw mo magising. Kaya sinipa ko na lang. Sige, maligo ka na ha." tinalikuran na niya ko at
lumabas na nga.
Psh. Oo na. Ako na mabagal mag-ayos. First day nga pala namin. Sabi ko pa naman magpapakagood
girl na ko, I mean kami ngayong school year. Dapat bawal din malate.
Pero teka.. nakapasok siya kasi.. sini-- sinipa niya yung pinto? Edi nasira ang door ng room
ko?!
"YAAAAAANNNNNNIIIIIEEEEEEE!!!!!"
***
Sabrina's POV
Nakarating na kami sa school. Isang car lang ginamit namin. Trip trip lang. Nagkatamaran na rin
kasi magdrive. Naglalakad na kami sa hallway. Pero bakit parang may something sa school na to?
Hmp. Nevermind. Hanapin muna namin kung saang section kami.
May nagdaan na isang lalaki kaya hinarangan ko siya. "Excuse lang kuya, saan po ba nakapost
yung sections?" tanong ko dun sa lalaki.
"Ewan ko sayo!!" at tinalikuran pa ko ng bwisit. Lalapit sana ako at bibigyan ng isang upper
cut si kuya pero pinigilan ako ni Zoe.
"Hayaan mo muna. First day natin. We need to be nice as much as we can. Iwas gulo tayo ngayon
di ba?" tumango na lang ako at napabuntong hininga. Magpakabait daw muna kasi kami ngayon.
May nadaanan naman kaming group ng girls. Lumapit si Ayumi sa kanila at nagtanong.
"Ay yun ba? Nakapost kasi yun sa bulletin board. Dirertsyo lang kayo sa hallway na yan tapos sa
unang likuan, kumaliwa na lang kayo.. Makikita nyo na agad yun." buti pa yung girl na to ang
bait. Hindi tulad nung pinagtanungan ko kanina. Nagpasalamat na kami at pumunta na sa may
bulletin board.
"Okay. Classmates tayo girls. 4A." sabi ni Yannie. Siya na kasi ang tumingin. Tapos may mga
nagbulungan sa gilid namin.
"4A sila?" G1
"Nako. Mukhang transferees pa naman to." G2
"Oo nga. Kawawa naman sila. Mukha pa namang mahihinhin." G3
Lalapit na sana ako para tanungin sila kasi obviuos na kami naman ang pinag-uusapan kaya lang
biglang tumahimik sa buong lugar.
"May nagdaang angel? Kanina halos maglagay na lang ng isda at baboy dito magmumuka na tayong
nasa palengke tapos ngayon napakatahimik naman." bulong ni Zoe sakin. Nagkibit balikat na lang
ako.
Nahati naman ang mga tao. I mean nagpuntahan sila sa gilid. Yung girls sa right, yung boys sa
left. At may apat na lalaki ang nagdaan sa gitna papunta sa bulletin board kung saan kami
nakatayo. Ano sila F4? May ganung factor pa. Kulang na lang magkaroon mg liwanag sa gilid nila
at wind effect. Tss. Mukhang ang aangas nito ha.
Nakaharang pa rin kaming apat sa board at pinagtitinginan na kami ng mga tao. May ano ba?
Tumayo naman sa harap ko yung isang lalaki. Tiningnan ko lang siya na may halong pagtatanong sa
mata ko.
"Hi. Nagkita ulit tayo." sabi nung lalaki sakin sabay wave pa nung left hand niya. Ulit? Huh?
Sino ba to?
"Ouch. Nakalimutan mo na agad ako?" may pahawak pa sa dibdib effect to. Nakapikit pa. Arte ha.
Nako. Mukhang lalabas na naman kapilosopohan ko nito. Aish.
"Magtatanong ba ko kung naaalala kita?" nag-gasp naman yung mga tao. Bakit ba kasi?
"Excuse me?!"
"Last night. At No Name's. You said, you're name is leaving." Oh. I get it. Siya yung kagabi.
Sa No Name bar. Yung nakikihati sa time namin. Sila yung bwisit. Pero tatlo lang silang nakita
namin kahapon ha. Bakit naging apat na sila? Psh.
"Saan kayo pupunta?" sabi nung lalaki. Ano ulit name niya? Sinabi niya yung kahapon. Isip.
Isip. Isip. Jo-- Joe? Jolas? Joel? Joko? Joshua? Josh? Ayun. Tama. Josh!
"Sa pupuntahan."
"Hindi kayo pwede pumunta kung saan man ang pupuntahan." sabi nung lalaking isa pa. Maputi e.
Nakangiti pa. Mukhang chickboy.
"ID." this time yung lalaking mukhang suplado na may headset pero sa leeg lang nakalagay yung
nagsalita.
"Hindi pwede yun." yung isa naman nagsalita. Yung mukhang tahimik.
"Obvious naman na bago kayo. You don't know the school rules. Paano kayo nakapasok e wala
kayong ID? At dahil diyan dapat kayo parusahan." - Josh
"But --"
"No but's. Kami ang student council kaya dapat sumunod kayo. Madali lang naman. Magsasayaw lang
kayo.. ng walang music."
"Sasayaw ba kayo o magkakarecord agad kayo sa guidance? First day pa lang oh. Transferee pa
kayo."
Urghh. Aga aga minamalas agad kami. Magsasayaw? Ang saklap pa walang music. At marami pang
nanunuod. Ano to live show? Anong klaseng school ba pinasukan namin.
"Girls. Sayaw na lang tayo. Hindi ako pwede magkarecord." oo nga pala. Makakaapekto to sa
kagustuhan ni Ayu na maging Valedictorian.
Nagsayaw na nga kami. Mukha namang na-amaze ang mga nanuod. Buti na lang performer kami.
Ngumiti lang yung mukhang tahimik. Tapos yung isa, yung mukhang suplado e poker face. Umalis na
kami dun at nagpuntang principal's office.
"Okay naman po ma'am. The students are very approachable. Saka friendly din po yung mga nasa
student council." LIES. LIES. LIES. Lahat yan kabaligtaran. Grrr.
"Good. Pero studet council? Walang student council sa school na to. Believe it or not pero
gumugulo lang pag may student council e." HA?! Anong klaseng school ba to? At sino ang apat na
yun?
"Po? Uhm. Pero po ma'am, mayroon po bang rule dito about sa school ID? Na kapag walang ID
magkakarecord sa guidance?" - Zoe
"Yes. May ganun talaga. Buti naman alam niyo na. Pero alam naman ng lahat na exempted ang
transferees sa first day kasi ibibigay ko pa lang ang ID nila."
"Ah ganun po ba ma'am. Sige po. Thank you po. Punta na po kaming room."
Nang makalabas na kami ng office at nakalayo na ng konti agad naman kaming nagmakatol.
"Argh. Nakakainis! I'm sure may mga binabalak yang apat na yan." - Ayumi
"Balak? Grabe naman sila. Kabago-bago natin dito tapos ganun agad." - Zoe
Nakakainis! Nakakainis talaga! Bakit kailangan pa nilang magpanggap na sila ay nasa student
council at pagsayawin pa kami? At saka bakit ganun yung mga estudyante dito? Parang may mali
talaga sa school na 'to. We need to figure it out.
"Ready girls?" tanong ni Yannie. Nasa may harap na kasi kami ng pinto ng room. Tumango naman
kami.
"Sandali lang. Remember to act natural. Hindi natin kunyari alam na naloko tayo nung apat na
lalaki. Wala tayong gagawin. Hindi tayo makikipag-away na away talaga except na lang kung
kailangan na. Okay?" bilin samin ni Ayu.
Wala pa ang teacher dun. Pero pagpasok namin nakatahimik lang ang girls pero nanggugulo ng
sobra yung boys. May nagbabatuhan pa ng papel at tumatama na ang iba sa mga babae pero mga di
naman nagsosorry ang mga lalaki. At saka kakaiba pa ang seating arrangement. Magkakasama sa
left side ang boys at nasa right side naman ang girls.
Dirediretsyo lang kami at inoccupy namin ang seats sa likod. Ayun na lang kasi ang bakante. Sa
kasamaang palad, katapat namin yung apat na lalaki kanina. Nabwibwisit talaga ako sa kanila.
Pero kailangan kong magtimpi sa ngayon.
"State the obvious." bulong ni Sab. Siniko tuloy siya ni Yannie. Keep cool.
"Oo nga kako. Kailangan na namin kasi to e. Baka mapagsayaw niyo ulit kami. Mahirap na. Mukha
pa naman kayong striktong mga nasa STUDENT COUNCIL." sarkastikong sabi ni Sab. Mukha namang di
nahalata nung Josh yun.
"Good morning ma'am." puno ng energy na pagkakasabi nung boys at malatang bati naman nung
girls.
"Kahit first day ngayon ng class, di niyo na kailangang magpakilalanan. Magkakakilala na naman
kayo. Kaya yung four transferees na lang magpapakilala. So girls, punta kayo dito sa harap at
introduce niyo sarili niyo."
Tumayo na kami ay nagpunta sa harap. Habang naglalakad kami nagbubulungan naman yung mga girls.
Tapos nagpipigil ng tawa yung boys. What's with them? May mga saltik ata tao sa school na to.
Pagdating namin sa harap di na namin pinagsalita yung teacher kasi nagsalita agad ako.
"Yannie."
"Sabrina here."
"AKALA KO BA YOUR NAME IS LEAVING?" sigaw nung Josh na nasa likod. Nagtawanan naman ang mga
boys.
"Like you said, AKALA mo lang yun. May tama bang akala?" Uh-oh. Mukhang napipikon na si Sab.
"Okay. Okay. Tama na yan guys. And girls, welcome sa school. You may go back to your places."
Hoo. Buti naman napigil ni ma'am.
Pero nasa gitna pa lang kami nagtawanan na ng malakas ang boys. Ano na naman?!
"Uhh girls, ahm.. Okay lang kung lumabas at mag-cr muna kayo." sabi nung teacher na di pa
masyadong nakatingin samin.
"Po?"
"But ---" kinalabit ako nung isang girl. Napatingin naman ako sa kanya.
"Uhm. May stain kayo. Talaga bang sabay sabay kayo nagkakaron?" tanong sakin nung girl.
Bumalik kami sa lugar namin at nakita na lang namin na may red paint pala dun. Napatingin naman
ako sa side ko, natingin naman sakin yung mukang supladong laging nakaheadset at biglang
ngumisi. I knew it. They did this. Pero infairness, pamilyar mukha nung ngumisi na yun. Ah!
Kilala ko na. Naaalala ko na. Siya yung kagabi Yung may ari nung wallet na napulot ko. Yung di
man lang nagpasalamat. >.<
Agad agad kong kinuha ang bag ko at lumabas ng room. Nagpunta agad kaming apat sa cr para
burahin yung paint.
"Bakit ba naman kasi nagakapaint dun sa upuan natin?! Grabe na talaga!" inis na inis na si Sab.
"Oo nga. First day natin tapos nagkandaletse letse na. Di pa man din nangagalahati yung araw."
maski si Ayu na pinakamahaba pasensya naiinis na.
"Tingin ko talaga someone did that. Parang sinadya talaga." at nilagay pa ni Yannie ang kamay
niya sa chin niya.
"Oo nga. At saka alam niyo feeling ko may something sa school na to." - Sab
"Ayun nga ang di ko alam. We need to figure that out. Pero parang about sa students." - Sab
"Oo nga. Kanina ko pa napapansin na laging hiwalay ang boys sa girls. At saka isa pa lang ang
nakita kong lalaki na kumausap sa babae. Bukod syempre sa apat na nagpanggap." - Ayu
"Oo nga no. Ngayon ko lang din napansin. Bakit kaya?" kinamot pa ni Sab gilid ng noo niya.
"Bakit nga kaya? Pero teka nga. Uy Zoe. Tahimik ka ata. That's new." - Yannie
"I think kilala ko na kung sino naglagay ng red paint." sabi ko sa kanila.
"Ssh. Sakit sa tenga ha. Pero kasi kanina bago tayo lumabas nagngisi sakin yung supladong
nakaheadset. I think sila pasimuno e."
"Yaaa. Bat di ko naisip yan? Sino pa nga ba gagawa nun edi sila lang. Pero ano ba kasi atraso
natin sa kanila?" natigilan kami sa pag-uusap kasi may pumasok sa cr.
Nginitian niya kami at ganun din kami sa kanya. Paglabas niya ng cubicle naghugas na siya ng
kamay kung saan kami malapit na nakatayo.
Tingin ko dapat na kaming magtanong kung ano meron sa school na to. Lumapit ako sa kanya at
magsasalita na dapat pero nauna siya.
"Kalat naman kasi sa campus kapag nagkakaroon ng transferees na babae. Bihira kasi yan dito."
tanong ni girl.
"Oh. I see. Kaya pala nag-enroll kayo dito kasi hindi niyo alam kung ano meron sa school na
to."
Ayu
"Teen Clash. Hey, I'll go ahead. May klase pa kasi ako baka sabihin nung teacher ko na naflush
na ko dito e. Sige bye." nagwave lang siya at umalis na.
Uwian na namin. Pero sa halip na umuwi agad ay nagpunta muna kaming No Name. Hindi kami ang
tutugtog. Kakausapin lang namin si manager about sa teen clash na sinasabi nila.
Pero kung maitatanong niyo kung ano nangyari sa first day of class namin after namin magpuntang
CR? Masasabi ko lang na masaya. Grabe.
Pagbalik namin ng room wala namang nangyaring di kanais nais. Tapos nagbreak time na, nagpunta
kaming canteen. Ang haba ng pila para sa bilihan ng pagkain.
Actually di naman siya mahaba talaga. Sadyang nagmukhang mahaba lang kasi laging may sumisingit
sa harap namin na mga lalaki. Ano nangyari samin? Ayun gutom.
Habang nagkaklase naman nagbabatuhan na naman ng papel ang boys. Di na namin sila pinansin at
hinayaan lang sa ginagawa nila. Pero kung minamalas ka nga naman, may tumama sakin na papel. At
ang masaklap pa dun, may bato sa loob ng papel. Sakit lang nun. Sasapakin ko na sana yung
nagbato pero bago pa ko makatayo, pinigilan na ko ni Sab.
Si Yannie naman nadikitan ng chewing gum sa buhok. Nilapitan lang naman siya nung mukhang
chickboy tapos napansin niyang may something na sa buhok niya. Tagal lang namin tinanggal yun.
Si Sab? Sandamakmak na kabadtripan ang inabot kay Josh. Paano lagi siyabg binibwisit. Minsan
nga sasabihan pa niya ng "Hoy Leaving. Bakit ang panget mo?" na gagatungan naman ng tawanan
nung boys.
Muntik namang magwala si Ayumi kanina. Buti napigilan agad ni Yannie. Paano naman kasi nagbreak
lang at pagbalik namin mg classroom punit punit na yung libro niya. Galawin mo na kasi kahit
anong gamit niya, wag lang yung libro niya.
Sabi ko sa inyo e. Masaya ang araw ngayon. Napakasaya!! Ang saya saya!! Grabe! Pasalamat sila
nagbabagong buhay kami ngayon. Kung hindi nakatikim na sila ng flying kick at upper cut samin.
At ang pinakamalupit, nung uwian na, inabutan namin ang kotse ni Ayu na may vandal na at flat
ang apat na gulong. Car lang niya gamit namin. Kaya eto. No choice kami kaya commute ang drama
ngayon.
Nang nasa No Name na kami dirediretsyo kami sa office ni manager. Wala ng katok katok.
"MANAGER!!" - Ako
"Magtatanong tanong lang kami about sa new school namin. Taga dito ka naman matagal na di ba?"
Nabuga ni manager yung iniinom niyang kape at naubo pa. "T-teen Clash? Wag niyong sabihing sa
Kingdom High kayo nagtransfer?"
"ANO? ANG DAMING SCHOOLS SA LUGAR NA TO!! BAKIT YUN YUNG PINILI NIYO?"
"Wag ka ngang sumigaw manager. Ingay mo." sabay irap ni Yannie kay manager.
"Sorry. Sorry. Pero bakit ba kasi kayo dun lumipat? Ang dami naman diyang iba."
"Bakit ba kasi manager? Ano ba yung school na yun? Saka ano nga kasi yung teen clash?" - Ayumi
"Kasi nga may teen clash sa school na yun. Ayun yung di nagkakasundo sundo yung mga estudyante.
Clash ng ugali. Walang napagkakasunduan kadalasan. Ayun lang ang alam ko dun."
"Ayun lang pala alam mo. Kung makareact ka kanina ang OA lang." - Yannie
"Nako kang bata ka. Ang taray mo talaga. Basta nga kasi ang alam ko api ang girls sa school na
yan."
"Ganun pala dun. Sige. Thank you mamager. BABYE!! BUKAS NA LANG!" nagflying kiss pa ko
niyan. :))
***
Another day na naman sa Kingdom High. Lunch break ngayon at nagstay muna kami sa may ground.
Nagoobserve sa paligid.
"ONE! FINALLY!! NAKAISA RIN!" napatingin naman kaming tatlo sa sumigaw na si Sab.
"Nakakita na ko ng isang babae at lalaki na nag-usap. Biruin niyo, halos mag-iisang oras na
tayo dito pero iisa pa lang ang nakita kong nag-uusap na girl at boy." - Sab
"Oo nga no. Wait. Baka naman yun ang sinasabi nilang Teen Clash. Clash between girls and boys."
- Ayumi
"Waa. Oo nga. Ang talino mo talaga Ayu. Pero tingin ko kailangan pa rin natin ng
mapagtatanungan about dito." tumango naman silang tatlo sa sinabi ko.
"Pero kanino tayo magtatanong?" tanong ni Sab. Napatahimik naman kaming tatlo dun. Oo nga
naman. Wala kaming tatanungan. Pero nagkalightbub sa ulo ko ng may babaeng nagdaan.
"MISS NA NAKAHEADBAND NA WHITE!" sigaw ko sa babaeng nagdaan. Napatingin naman sakin yung
tatlong kasama ko. Nagtataka ata sa ginagawa ko. Pero yung babae di pa rin tumitingin kaya
sumigaw ulit ako. Nakakatad tumayo at puntahan siya kasi.
"MISS NA NAKAHEADBAND NA WHITE NA MAY KINAKAIN NA LOLLIPOP NA MAY DALANG PINK NA BAG NA MAY
TATAK NA GUCCI!!" O di ba? Pati tatak ng bag niya alam ko. Syempre ako pa. Haha. Anyways,
napatigil naman siya at tiningnan niya naman ang bag niya.
"Yep. Ikaw nga. Di ba ikaw yung babaeng nakausap namin kahapon sa cr?"
"Huh? Ako? Hmm. Ay oo. Kayo yung mga bago. Ako nga pala si Ashley from 2A" inabot niya kamay
niya sakin na agad ko namang kinuha at nakipagshakehands.
"Nice to meet you. I'm Zoe." nagpakilala rin siya sa tatlo at nakipagkamay din.
"Magtatanong lang sana ako. About the teen clash thingy. Ano ba yun?"
Umupo siya sa
nagagawa pang
noon kaya eto
kaming inaapi
tabi namin, "Ganto kasi yun. Sa school na to, magkaaway ang boys at girls. Dati,
lumaban nung girls sa boys. Kaya lang grumaduate na yung parang leader ng girls
kami ngayon, wala na. Talo na lagi ang girls. Nadiscrimante na kami dito. Lagi
ng boys."
"Paano ba. Kasi iba iba e. Basta lagi kaming napapahiya. Puro utos sila. Puro sunod naman kami.
Kapag kasi di kami sumunod may gagawin silang parusa or pamamahiya samin."
"Agree naman ang lahat dito? I mean, wala ni isang lalaki ang nagmagandang loob na idefend man
lang kayo?" - Sab
"Bakit naman?"
"Kasi yung tumulong samin dati grabeng pangbubully ang natanggap. Kahit nga kumausap lang sila
ng babae mapaparusahan na sila e. Ganun kahigpit leader nila."
"Baka gf nila yun. Kapag kasi naging gf ka ng isa sa boys, itratrato ka nila ng normal. Pero
once na magbreak sila, balik yung girl na yun sa mga aapihin ng boys."
"Grabe talaga ang mean nila. Sino ba yang walang puso nilang leader? Ang antipatiko!" - Yannie
"Yung classmate niyo po ate. Yung apat na laging magkakasama. Ay ate, magtatime na. Babalik na
ko sa room ko."
"Okay. Salamat Ashley ha. Pero pwede ka bang bumalik ulit dito mamaya? After class? Dito mismo
sa ground. May mga itatanong pa kasi kami." - Ako
Grabe pala ang kasalbahehan ng mga hinayupak na lalaki na yun. We need more informations. At
once mabuo na namin to, they should get ready. Nice girls no more. Sisiguraduhin kong di na
sila mang-aapi ulit ng mga babae.
*******************************************
[6] Chapter 5 - About The Boys
*******************************************
Zoe's POV
"Tiis tiis muna tayo girls. Kailangan makumpleto natin ang informations bago tayo lumaban.
Okay?" bilin ko sa kanila nang makabalik na kami ng room.
"Basta kapag nadulas ka at nabara mo sila, bawiin mo lang sasabihin mo. Ibahin mo. Basta wag ka
pahalatang kaya mo lumaban."
"Got it."
Nagkwentuhan lang kami sa seats namin. Okay na sana talaga pero may dumating na asungot.
"Hello girls. Ang ganda ng araw ngayon di ba? Napansin niyo?" si Josh yan. At hila hila pa niya
upuan niya at umupo sa tapat namin. Ano na naman trip nito? Tss.
"Kanina maganda. Ngayon hindi na." bulong ni Yannie. Buti di niya narinig.
"Pero mas gaganda pa yun kung di ko kayo nakikita sa harapan ko. Lalo ka na LEAVING." epal pala
nito. Siya lalapit lapit tapos magrereklamo at nakikita niya raw kami.
"Buti alam mo. Hoy kayong tatlo, tara dito. Kwentuhan tayo." sigaw pa niya habang nakatalikod
samin. Tinatawag yung tatlo niyang kaibigan. Lumapit naman sila dala dala rin yung mga upuan
nila.
"Yo. May ano?" tanong nung lalaking maputi na mukhang chcikboy kay Josh.
Nung
bang
kaya
nila
una nagtataka ako kung bakit nila kami kakausapin or kwentuhan nga raw kasi nga bawal di
makipag-usap ang boys sa girls. Pero narealize ko lang na UNA, sila ang leader ng boys
di sila mapaparusahan. At PANGALAWA, makikipag-usap lang sila kasi aapihin at aasarin lang
kami. Porket di kami lumalaban. Psh.
"Hoy kayong apat! Magkwento nga kayo." pero hindi namin sinagot si Josh at tiningnan lang namin
sila.
"HOY! Di ba talaga kayo nakakarinig?! Bakit ayaw niyong sumagot?!" ay pikon si kuya. >:)
Lumapit pa si Josh at kinalabit ako. Tumingin ako sa kanya. "Bakit ba di kayo sumasagot? Ang
bingi bingi niyo. Wala kayong kwentang kausap. Ano ba yan."
"Mga walang kwenta talaga kayo." asdfghjkl. Hayop tong supaldong nakaheadset na to. Minsan na
lang magsalita ang harsh pa! Walanghiya. Impakto. Kapal ng mukha at sinabihan kaming walang
kwenta. Ibang usapan na to.
"HOY IMPAKTONG NAKAHEADSET!! MAKAPAGSALITA KA DYAN HA! TAPALAN KAYA NATIN NG PACKING TAPE YANG
BUNGANGA MO!! AYUSIN MO LANG MGA SALITANG LUMALABAS DYAN HA!"
Pero syempre hindi ko talaga sinabi yun. Hahaha. Masakit man sakin pero tiis tiis pa rin kami.
Hindi pa rin namin sila kinibo. Kaya ayun lumayas na din sila sa harapan namin. Mas nakakainis
naman kasi talaga ang silent treatment.
Sa kalagitnaan ng klase may di kaaya-ayang tunog. Halatang sadya naman yun. Pero natahimik ang
buong klase maski ang teacher. Bigla namang sumigaw si kuyang mukhang chickboy.
"YANNIE SWEETIE, KANINA KA PA NAG-IINGAY DIYAN. SABI KO KASI SAYO KANINA MAG-CR KA NA E."
tawanan naman ang letseng boys. Iritang irita na si Yannie pero tiis pa rin.
Matapos magtawanan ang mga lalaki, nagpasagot si ma'am sa board. Unahan magsolve. Isang lalaki
at isang babae. Nagvolunteer si Ayu. Sa boys naman, yung tahimik yung nagsasagot. Yung mukhang
pinakamatalino sa apat na nasa tapat namin.
Nauna matapos si Ayu kaua bumalik na siya sa upuan niya. May kumatok naman sa door nun kaya
nilapitan ni ma'am kung sino man yun. Pagbalik niya iche-check na niya answer nung dalawa.
Guess what, mali sa Ayu. Paano kasi habang nasa may pintuan si ma'am dinagdagan ng zero nung
lalaki yung sagot ni Ayu. Kitang kita namin nung dinagdagan pa niya yun. Lumingon pa nga siya
kay Ayu at ngumisi e. Pero wala kaming nagawa kasi tiis mode pa nga di ba. T____T
*kriiiiiiinnnnngggg*
Thank goodness tapos na klase. Mawawala na sa paningin ko ang mga lalaki dito. Palabas na kami
ng may marinig akong sinabi nung mukang chickboy sa mga kaibigan niya.
"Pustahan tayo magdra-drop yang apat na yan bago matapos ang linggo. Api na sila dito e.
Mukhang mahihina pa naman. Hahahaha."
Pustahan pala ha? Just wait and see. By tomorrow, babalik na kami sa dati.
"ASHLEY!!" sigaw ko sa kanya sabay kaway. Tumakbo naman siya papalapit satin.
Pumayag naman siya at naglakad na kaming parking lot kung saan andun ang kotse ni Ayu na
navandalize at flinat kahapon pero okay na ngayon. Nang makarating kaming cafe agad na kami
nagtanong kay Ashley.
"Okay Ashley. Alam na namin ang basic about dyan sa teen clash. Pero may mga tanong pa kasi
kami. Okay lang?" tanong ko habang umiinom ng capuccino.
"Uhh. Bakit hindi na lumalaban ang girls? Wala bang naglalakas loob lumaban?"
"Meron yan. May laban pa rin ang girls. E yung sa leader ng boys. Anong alam mo sa kanila?"
naglabas naman ng papel si Ayu. Ililista pa ata niya.
"Ayun nga, classmate niyo sila. Apat din like you. Magaling kasi makipalaban mga yan kaya
kinatatakutan."
"Hmm. O sige. Yung pinakamatalino sa kanila ay si Kenneth Yu. Matalino talaga yun at ayaw
niyang may kakumpitensya siya sa spot ng pagiging valedictorian. Only child. Mukha lang tahimik
pero maloko yan. Nakaka 3 gfs na ata yan e."
"Si Josh Alonzo, yung pinakamayabang. Alaskador. Lakas mang-asar sobra pero pikon naman. Astig
naman yan sa sport. Mapaka basketball, swimming, badminton o tennis walang nakakatalo dyan. MVP
na kumbaga. Pero kapag nagkagirlfriend yan seryoso siya."
"Seryoso his face. MVP huh. Tingnan lang natin. Continue.." - Sab
"Yung maputi naman na gwapo ay si Alexander Evans pero tawag sa kanya Xander. Cassanova.
Playboy. Chickboy. Player. Ayun siya. Dakilang flirt. Never pa kasi nainlove. Di pa nagtatagal
mga babae diyan. 4 days pinakamatagal niyan. Pero kapag napanuod mo siyang magsayaw grabe lang.
Nganga ka na lang."
"And last but definitely not the least ay yung leader nila. Si Ivan Charles Ethan Scott.
Suplado. Hindi basta basta nakikipag-usap sa kung sino sino. Pero kung kinausap ka niya mas
hihilingin mong sana hindi ka na lang niya kinausap. Kasi naman napakaharsh. Siya
pinakanakakatakot kalaban sa kanilang apat. Ay. NGSB nga pala yan. Di kasi alam ang salitang
love."
"Kung ano inikli ng name ko yun naman hinaba nung kanya. Ice. Ice na lang tawag ko sa supladong
matabil ang dila na yun." sabi ko. Natawa naman sila.
"Ate Zoe ayun naman talaga nickname niya e. Pero close friends at family lang tumatawag sa
kanya nun. Pero kapag hindi niya ka-close, Ivan ang tinatawag sa kanya."
"Teka nga Ash. Bakit ang dami mong alam sa tungkol sa kanila? Stalker ka?" para kasing alam
niya life story nung apat e. Baka stalker 'to. Kasi kahit na kaaway namin yung apat, di ko
naman maitatanggi na mga nagwagwaphuan sila.
"E bakit nga ang dami mong alam? Crush mo?" - Ayu
"Nope."
"Yep. Kuya ko siya. Kapatid niya ko. Parehas kami ng parents at nakatira kami sa iisang bubong.
Kaya wag ka ng matanong dyan Ate Zoe."
"Pero are they treating you right? Or damay ka pa rin sa clash na yan?"
"Syempre kasama ko sa clash. Dapat nga hindi ako idadamay dun. Kaya lang unfair naman yun para
sa iba ko pang mga friends no."
"Haha. Pero kapag nasa bahay naman kami maayos kami ni Kuya Ice. Sa school lang naman kasi nageexist ang clash. Mabait naman yan paminsan minsan. Sadyang harsh lang talaga at masakit
magsalita."
"Sa totoo lang mga ate naghihintay lang ako ng matatapang na girls para tapatan sila Kuya Ice.
And I guess tapos na paghihintay ko."
"Huh?"
Tumayo si Ashley at tinuro kami isa-isa, "You. You. You. And you. I know na nagtatanong tanong
kayo about dyan because gusto niyo silang labanan. You want them to treat girls right at hindi
nila maliitin tayong mga babae. I know kaya niyong labanan ang mga baliw kong kuya-kuyahan at
moody kong kuya. Don't worry. Kampi naman ako sa inyo e. Kaya di ko sasabihin sa kanila tong
background check na ginagawa niyo. And anytime you need more infos, tawagan niyo lang. I'm at
your back mga ate."
Nganga lang kami sa speech niya. Nagets pala niya yung reason ng pangbabackground check namin
sa apat.
"Mukhang di na kayo makapagsalita dyan. Hahaha. Sige na. Una na ko sa inyo. Oh. BTW, mag-ayos
na rin kayo. Quarter to 6 na. Kakanta pa kayo sa No Name di ba? Bye."
Paano niya nalaman na kumakanta kami dun? Anong klase ba yung babaeng 'to? Mukhang ang dami
niyang alam. Nagkatinginan lang kaming apat pero wala na ni isa ang nagtangkang magsalita.
Patayo na sana kami ng upuan pero humabol pa si Ashley.
"Ay Ate Zoe." nalingon naman ako sa kanya na nasa may door na ng cafe.
"Hmm?"
"Thank you.. in behalf of my brother." and she finally went out of the cafe.
Thank you raw? In behalf of his brother? For what? Waaa. Ang gulo niya.
***
At No Name's..
Nasa may mini stage kami at kakantahin na namin ang last song namin.
"This is our last song guys. Kung di niyo pa po kasi alam, may mga kahati na kami sa time. So
hanggang 8:30 lang kami." sabi ni Sab siya vocalist ngayon e.
"Hahaha. Don't worry guys, at least Tuesday ang Thursday pa rin kami. Okay, let's stop this
chitchat and just sing with me."
[Verse 1]
I threw a wish in the well,
Don't ask me, I'll never tell
I looked to you as it fell,
and now you're in my way
I trade my soul for a wish,
pennies and dimes for a kiss
I wasn't looking for this,
but now you're in my way
Your stare was holdin', Ripped jeans, skin was showin'
Hot night, wind was blowin'
Where you think you're going, baby?
[Chorus]
Hey, I just met you,
and this is crazy,
but here's my number,
so call me, maybe?
It's hard to look right,
at you baby,
but here's my number,
so call me, maybe?
Hey, I just met you,
and this is crazy,
but here's my number,
so call me, maybe?
And all the other boys,
try to chase me,
but here's my number,
so call me, maybe?
[Verse 2]
You took your time with the call,
I took no time with the fall
You gave me nothing at all,
but still, you're in my way
I beg, and borrow and steal
At first sight and it's real
I didn't know I would feel it,
but it's in my way
Your stare was holdin', Ripped jeans, skin was showin'
Hot night, wind was blowin'
Where you think you're going, baby?
[- From :http://www.elyrics.net/read/c/carly-rae-jepsen-lyrics/call-me-maybe-lyrics.html -]
Hey, I just met you,
and this is crazy,
but here's my number,
so call me, maybe?
It's hard to look right,
at you baby,
but here's my number,
so call me, maybe?
Hey, I just met you,
and this is crazy,
but here's my number,
so call me, maybe?
into my life
bad
bad
so bad
"Wooooo. Walang kupas! Two thumbs up for you girls." salubong samin ni manager na nakathumbs up
pa.
"You never fail to amaze me girls." napatingin naman kami sa katabi ni manager na umiinom pa ng
beer.
"Ate Cass?! Waaa. Ate Cass. I missed you. Nakauwi ka na pala galing Paris." sabay yakap ko sa
kanya. At yumakap din yung 3 kaya nagmukhang group hug.
"I missed you too girls. So ano, kamusta naman tong si Ry nung nawala ako?"
"Ay ano Ate Cass, ang daming chicks nyang si manager. Araw-araw iba-iba ang babae niyan. Tsk
tsk." sabay iling iling pa ni Ayu. Nanlaki naman ang mata ni Manager Ryan. Hahaha. Mukha!!
"Hoy! Hoy! Anong kasinungalingan yan Ayu?! Magtigil nga kayo. Baka ma-brain wash niyo tong si
Cass. Good boy kaya ako." sabay akbay niya kay Ate Cass.
"Whatever Manager. Haha. Anyway, we have to go. Baka abutan pa namin ang mga asungot e." Yannie
"Asungot? Sinong asungot? Hey, did something happened while I'm in Paris?" napakamot naman ng
ulo si manager nung bigla siyang tiningnan ni Ate Cass.
"Kasi may pinasok siyang new band. Boys actually kaya we're forced to share our Tuesdays and
Thursdays sched with them." - Yannie
"I was force to let them in. Di ko pa nga sila naririnig tumugtog pero naniniwala akong
magagaling din sila."
"Forced?! Nakoo manager magtigil ka. Sabi mo you want few more female customers kaya mo sila
ipapasok." - Ayu
"Pero --"
"Nakoo. Manahimik ka na manager. Magpalalusot ka lang. Hahaha." dagdag ni Sab. Mukhang api na
si manager samin. Haha.
"Hahaha. Mukha mo Manager!! Patawa! Hahahaha. At Ate Cass, pakibugbog na lang yan ha. Para
samin." asar ko kay manager. Na sinasakyan naman ni Ate Cass.
"Sige na nga. Mauna na talaga kami. Bahala na kayo dalawang magsweethearts dyan. Baka maabutan
at makita ko pa pagmumukha ng mga asungot na yun." sabi ko ulit sa kanila na tinawanan lang
nila.
Napalingon kami sa nagsalita. Psh. Yung mukhang chickboy lang pala. Xander daw name sabi ni
Ashley. Oh, siya pa lang ata?
"Meron. Hindi mo narinig? Well sorry. Wala na kong balak ulitin pa para sayo. And don't call me
Sweetie. Nakakakilabot. Geez." mukha namang nagulat si Xander sa inasta ni Yannie. Ngayon lang
kasi sumagot yan e.
"Oh! Andito pa kayo? Ano ba yan, nakita na naman kita Sab. Sira na naman gabi ko." biglang
sulpot ni Josh kasama nung matalino raw sa kanila. Kenneth ata.
"Pumikit ka para di mo ko makita! Saka paalis na rin kami wag kang mag-alala. And don't you
ever call me Sab! FC mo e no?" tulad ng reaksyon ni Xander, ganun din ang reaksyon ni Josh.
Kenneth
"Kaya nga kami aalis na. Andito na kasi kayo. Kala ko ba matalino ka? Use your brain naman Mr.
Mandurugas." - Ayu
"HOY BAKIT KA ANDITO?!" sigaw ni Ate Cass. Napatingin naman kami sa sinigawan niya.
"Waaaa. Alam ko na. Alam ko na talaga!!" sabay palakpak at talon talon pa niya. Parang teen
kung umasta tong si Ate Cass. Sumasabay pa si manager. -______-
Ano na ba pinag-uusapan nila? OP na ata kami. Mukhang Ate Cass at Manager lang
nagkakaintindihan. Nagpapalit palit lang kami ng tingin sa kanila.
"Tumigil nga kayong dalawa diyan!! Para kayong bata! Patalon patalon pa. Psh. Nakakahiya
kayo!!" - sigaw sa kanila ni Ice pero deadma yung dalawa.
Habang nagpapaka-isip bata yung dalawang ewan dun, naglakad na kaming apat palabas. Pero nang
madadaanan na namin yung apat, huminto muna ako sa gilid nila.
"Pustahan palang di kami tatagal ng one week ha? Mukhang mahihina? Tsk tsk. Next time
sisiguraduhin niyo muna sasabihin niyo. Baka kasi mapahiya lang kayo." ngumisi pa ko at tumuloy
na sa paglalakad.
"ZOE, YANNIE, SAB AT AYU!!" haaay. Ayun na e. Dramatic exit na kami tas bigla kaming tatawagin
ni Ate Cass. Panira ng moment.
"Wag muna kayo umuwi. Panuorin niyo muna tong apat na tong tumugtog." - Ate Cass
"Ay sorry ate. Never. Ayaw naming marinig yang mga yan. Lalo na yang bakulaw na Josh na yan."
sabay irap ni Sab kay Josh.
"Aww. Sayang naman. Di niyo sila mapapanuod." sabay pout ni Ate Cass. Ang isip bata talaga.
Haha.
Hello again Kingdom High. We're oh so back. When I said back, I mean really really back.
back in our old ways, old selves.
As in
Nagkanya kanya na kaming punta ng school using our own cars. Dahil nga sa ako ang makupad
kumilos, iniwan na nila ko. How meanie. :3
Nasa room na sila habang ako naghahanap ng mapaparkan. And boom. I found one. Nagpark na ko at
bumaba ng kotse ko. Palakad na ko ng may humintong kotse sa harap ko. Bumaba ang windshield sa
"Oo."
"Move it."
"Pardon?"
"But I want that spot too. And sorry ka, I arrived there first." sabay smirked ko sa kanya.
"Wala akong pakialam who arrived first. Basta I want that spot so you better move that f*ckin
car of yours." Oooh. Irita na siya. Pikon much.
"Whatever Ice! Di ko aalisin ang kotse ko dyan whether you like it or not. I don't care kung
gusto mo ang spot na yan. I want it too. So next time, pakiagahan na lang ha?" sabay irap ko sa
kanya.
"Ice? Tinawag mo kong Ice? You shouldn't. Ivan. Ayan ang tawag sakin dito. Di tayo close kaya
wag mo ko tawaging Ice."
"Pero di ba sabi nga nila keep your enemies closer? Kaya technically, close tayo sa ayaw at sa
gusto mo. And di naman ikaw ang tatawag ha. Ako naman. Kaya wala kang pakialam kung ano man ang
itawag ko sayo. So paano ba yan, ICE. Una na ko sa room ha? Bye!" sabay lakad palayo sa kanya.
Speechless ang mga tao e. Hahaha. Grabe. Priceless ang mga mukha nila. Sagot sagutin ko ba
naman kasi ang leader ng boys e. Bagay lang sa kanya yun.
Nalingon ako ulit sa place kung asan ang kotse ko kasi biglang nag-"Woooo" ang mga boys.
O____________O
Walangyang mga unggoy 'to!! Nagvandalize ng kotse ko!! Lumapit ako para tingnan ang ginawa
nila. Grrr.
Hayop talagang mga lalaki yan. Sinulatan ba naman ng "Spot stealer" "Go away" "Get lost" ang
lovey car ko. At ang kakapal pa talaga ng mukha. Nasa harap na nila ko pero mga ayaw pang
magsitigil. Yung halimaw na si Ice? Ayun nakagitna pa rin sa daan. Pero this time nasa labas na
siya ng kotse niya. Nakasandal at nakacross pa arms niya habang pinapanuod ang mga impakto
niyang galamay.
I stared at them, more like glare. Nung nalingon sila sakin natigil naman sila sa ginagawa
nila.. sa kotse ko.
"Ano?! Anong tinitingin tingin mo?" letseng unggoy one to. Nagtanong pa.
"Alam namin. Kaya nga pinapaintan namin. Ganda ba?" nagsmirk pa si unggoy two. Kala mo naman
gwapo.
"Wala kang paki! Ayaw mo kasing umalis dyan. Ayan nga raw ang gustong spot ni Ivan." - Unggoy 2
"URGGG. THE HELL I CARE KUNG GUSTO NG IMPAKTONG ICE NA YAN ANG SPOT NA YAN!! NAUNA KO KAYA WALA
KAYONG PAKIALAM SA KOTSE KO." tinawanan lang ako ng dalawang unggoy pati ng mga boys na
nanunuod. Nakangisi naman yung hinayupak na Ice na yan. Nakakapikon na!!!
Tinulak ko ang isa sa unggoy at may kinuha kong baseball bat sa kotse ko. Paano nagkaroon ng
ganun dun? Wala lang. For emergency use. And this is an emergency. Nakatingin lang sakin ang
mga nanunuod pati si Ice.
"HEY YOU TWO MONKEYS!! DI NAMAN ATA AKO PAPAYAG NA KOTSE KO LANG ANG MUKHANG EWAN." and after
saying those words, hinampas ko ng basebell bat ang salamin sa harap ng kotse ni Ice. Basaaaag!
Mwahahaha.
"Don't blame me kung ganyan nangyari sa car mo. Ang mga galamay mo nagsimula nito. Gumanti lang
ako. So paano ba yan? Quits na tayo." sabay pat ko sa likod niya. At naglakad na papuntang room
na may ngiting tagumpay.
***
Yannie's POV
Tinanggal ko ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko, "I told you na wag mo kong tawaging
sweetie. I'm not one of your toys Xander."
"And so?"
"Hindi ka takot maapi? Look around. Every girl in this school needs company. They'll never know
when they'll get bullied." walang kwentang kausap 'to. Bahala nga siyang magsalita ng
magsalita.
"Pero pwede kitang tulungan." napahinto naman ako sa paglalalad kaya pati siya huminto.
Tiningnan ko lang siya. Anong tulong sinasabi nito?
"I mean, I can get you out of this clash sweetie. Just be mine." sabay kindat sakin.
"ANO?!"
"Well, alam mo na. Be one of my girls. Swerte mo nga ako pa nag-alok sayo. Yung iba ngang babae
dyan sila pa nagtutulak ng sarili nila sakin."
"Swerte? Excuse me mister pero hindi yun swerte. That's pure bullsh*t. I know you. I know your
kind."
"My kind?"
"Yes. Yung mga tipo ng lalaking mangongolekta ng babae na mapaglalaruan. At kapag naikama na
nila at nakuha na ang perlas ng silangan bigla biglang itatapon na lang na parang isang
laruan."
"Wow. Good for you. Alam mo nga ang lahi ko. Astig no? So ano payag ka ba?" shunga pala to e.
Kanina ko pa nilalait ang lahi niya tas magtatanong ng ganyan.
"Tanga ka ba? Bakit tinatanong mo pa ko kung papayag ako or hindi diyan sa napakawalang kwenta
mong offer."
"Kasi hindi ka pa naman sumasagot kung ayaw mo talaga." inosente look pa siya. Grr. Kainis.
"THEN THE ANSWER IS NO!! NOW GET LOST!!" naglakad na ko ulit at iniwan siyang nakatayo dun.
And finally nakarating na ko sa pupuntuhan ko. Sa likod ng campus. Gusto ko lang kasing matulog
muna, maaga pa naman. Humiga na ko sa damuhan sa ilalim ng puno.
"Bakit?"
"Geez. Sinundan mo ba ko?! How annoying!" tumayo na ko at pinagpag ang damit ko at naglakad na
ulit papalayo.
"Oy Yannie. Bakit nga?" kinakalabit kalabit pa niya ko. Ang kulit ng lahi ng Xander na to.
"Anong bakit?!"
"Bakit ka di pumayag sa alok ko? Ako na nga nagmagandang loob dito oh." nagpout pa. Tss.
Kainis! Kainis!
"Bakit? Simply because I. DON'T. LIKE. YOU. Asa ka naman. We're enemies kung hindi mo alam.
Teen clash, remember? Psh."
Nakangisi pa to. Sungalngalin ko kaya yung mahangin na Xander na 'to. "Oh drop it sweetie. I
know you like me! Swerte ka nga kahit ganyan ka inaalok kita ng offer na maging babae ko e. Di
mo ba alam na girls like you *sabay turo sakin*, doesn't fit to boys like me. You just made the
wrong choice sweetie. You'll surely regret this." May pinaparating tong malanding to ha. _____-
"Hoy lalaking mas malandi pa babae!! Not in a million years I'll regret RE-JEC-TING you. At
tama ka. Boys like you and girls like me don't fit well." inemphasize ko pa ang rejecting ko
dyan. Mwahahaha.
"Tss. Buti alam mo na we don't fit." kita mo to. Biglang gaganyan ganyan ngayon. Porlet
nareject lang e. >:)
"Syempre naman. Kasi a girl like me, who's gorgeous, respectable and smart, won't settle for a
boy like you. Childish. Jerk. Irresponsible. And.. cheap." sabay smirk sa kanya. Napipikon na
to. Halata. Wala naman pala siya e.
"Yah. You heard me right SWEETIE. Sige, I'll go ahead ha? Nawala na antok ko. Istorba ka kasi.
Bye @-hole."
Naiwan na siyang nakatayo lang dun. The look on his face. Hahahahaha.
"You should have seen the look on his face when I smashed his car. Hahahahahaha." overjoyed na
tong si Zoe. Haha. Tuwang tuwa kasi at nabwisit niya yung leader ng boys na si Ice.
"Di ka naman masaya niyan no Zoe? Haha. Pero girls, the real game is officially on. Walang
papatalo sa mga lalaking yan." sabi ni Sabrina habang nakataas pa ang kamay niya. Yung
'fighting style'. Aja.
Natigil kami sa kwentuhan nang dumating yung teacher namin. Si Ma'am Rodriguez. Nagbalikan na
kami sa proper seat at binati siya ng good morning.
"Class, gagawa kayo ng research paper. By group to. Group which consist of seven members.
Okay?"
Sigawan naman ang boys ng "Kami na lang po pipili." At as usual, tahimik at itsyapwera pa rin
ang girls. -________-
Pinapatahimik na ni ma'am ang boys pero mga walang pakialam at mga di pinapakinggan ang teacher
"Ang babastos talaga. Parang walang teacher sa harap." sabi ko sa tatlong katabi ko.
"Sssh. Boys!! Quiet!" sigaw ni ma'am rodriguez. Bat ba kasi ang hinhin nito? Di halatang sigaw
ginagawa niya.
"Aissh. Ang kulit." bulong ni Zoe. Tumayo naman siya at naglakad papunta sa harap.
"BOOOOOOOYYYYYYSSSSS! QUIET NGA RAW DI BA? BINGI BA KAYO O HINDI NAKAKAINTINDI NG ENGLISH?
ISANG WORD LANG YAN. QUIET! Q-U-I-E-T!! PERO KUNG DI NIYO MAINTINDIHAN TATAGALUGIN KO NA!!
TUMAHIMIK DAW KAYO!!!!! TA-HI-MIK!!!" halata namang gulat na gulat ang lahat sa pagsigaw ni
Zoe. Lahat mga nanlaki mata. Pero kaming tatlong naiwan sa likod e nagpipigil na ng tawa.
Nasindak kay Zoe. Hahahahaha. At least tumahimik naman.
Nagbuntong hininga naman si Zoe at lumingon na kay Ma'am Rodriguez, "Sorry po sa pagsigaw
ma'am. Ayan. Okay na po. Ituloy niyo na po sasabihin niyo." at naglakad na siya pabalik sa
place namin.
Binigyan naman namin siya ng thumbs up at nakipag-apir pa siya kay Yannie na katabi talaga
niya.
"Ahm. T-thank you Ms. Davis sa pagpapatahimik sa.. boys." medyo nagtataka pa rin si ma'am kung
papano nagawa ni Zoe yun. Hahahaha. "As I was saying magkakaroon kayo ng research na by group.
At as for your groupmates.. *sabay tingin kay Zoe* Ms. Davis, since ikaw nagpakalma sa kanila,
paano ba gusto mo? Ako na mag-assign or kayo na mamili?"
"Okay. So, write down your names on a one-eight piece of paper then fold it into two at ipass
na sa harap."
Ginawa na nga namin ang utos niya. At nasa harap na ang mga papel. Then bumunot na siya ng
tigpipito.
"Randy, Ayu, Ken, Zeke, Danica, Yna and Emman. Kayo ang leaders ng group niyo. Goodluck sa
inyo. Class dismissed."
Lumapit sakin si Zoe at Sab at niyakap ako. Binaon pa nila ulo nila sa magkabilang shoulders
ko. Huh? Anong trip nito?
"Uy. Ano nangyari sa inyo?" inangat naman nila ulo nila at ang laki pa ng ngiti sakin.
"Waaa. Hindi. Asa kayo. Wag madaya. Lahat gagawa." sabay labas ko ng dila sa kanila.
"Hoy. Hoy. Kayong dalawa. Umandar na naman katamaran niyo. Hahaha. Pasalamat nga kayo
magkakagrupo kayo e. Kaya kayong dalawa *sabay turo kay Zoe at Sab* tulungan niyo to." buti
dumating si Yannie. ^_____^
Umakbay ako kay Yannie, "Oo nga naman. Tutulong kayo. :P Thank you Yannie!! Savior kita today."
sabay yakap ko sa kanya.
"Psh. Oo na. Tulong na. Pero sa ngayon, pwede bang bumaba na muna tayong canteen?" - Sab
"Sige, kayo na lang. Punta kong library e." pumayag naman sila at naghiwahiwalay na nga kami.
***
Sa Library..
Hihilahin ko na sana yung book kaya lang may isa pa palang tao ang nakahawak sa libro. Natingin
naman ako kung sino yun. Si Kenneth pala aka Ken. One of the leaders.-____-
"Nauna ko dito."
"Ako nga sabi! Bitaw na!" hinihila niya sakin yung libro pero hinigpitan ko lalo hawak dun.
"Ingay mo kasi."
"Hoy Kenneth Yu! Magtigil ka na at bitawan mo na to!" hinihila ko pa rin ang libro pero ayaw pa
rin niya bitawan.
"N-O. No."
"Sus naman Ayumi. Baka kaya ayaw mong bitawan tong libro kasi gusto mong ganto lang tayo.
Sabihin mo na lang ng mas maaga. Pagbibigyan naman kita e."
"Anong ganto? Nababaliw ka na ba? Kung ano ano sinasabi mo. Ikaw lang naman nakakaintindi."
Nilapit niya mukha niya sakin kaya napasandal na ko sa shelf, pero di ko pa rin binibitawan
yung libro. "Kala ko ba matalino ka? Ganto. Ibig sabihin ko, ganto tayo. Magkaharap.
Magkalapit. Magkausap." sabay ngisi niya at palapit pa rin ng palapit ang mukha niya sakin.
Antipatiko!!! Nauubos na pasensya ko!!
"In. Your. Dreams." sabay apak ko ng malakas sa paa niya. Take note, naka heels pa ko. >:))
"AW!" sigaw niya kaya napabitaw siya libro at hinawakan niya yung paa niyang inapakan ko.
"Sssh. Quiet! Sino ba yang sumigaw dyan?" lumapit na samin yung librarian.
"Nakagat po kasi siya ng langgam. E medyo weak po kasi talaga siya kaya ganyan. Sorry po sa
ingay pero okay na po." mukha namang naniwala ang librarian kaya umalis na. Samantalang si Ken
ay nakasalampak pa rin sa sahig at hawak ang paa.
Umupo ako ng konti sa tabi niya, "Ang kulit mo kasi e. Ayan tuloy. Akin na tong libro ha?
Gamitin mo na lang pag nabalik ko na. Bye LOSER!"
*******************************************
[10] Chapter 9 - Palabok
*******************************************
Sabrina's POV
Nag-iistrech ako ng braso habang naglalakd sa hallway kasama si Yannie, "I'm so hungry." sabay
himas ko kay tummy.
"Ako rin. Wag sana mahaba pila ngayon. Baka malipasan lang tayo."
Nang makarating kami sa canteen agad namin tiningnan ang pila. And luckily, hindi naman ganoon
kahaba. Buti maaga kami nadismissed kaya konti pa lang tao.
"Gusto ko rin yun. O ayan. Isa na lang malapit na tayo." pati si Yannie gutom lang. Ganun
talaga.
Nagulat na lang kami ng may biglang nasingit sa pila namin. Sa unahan pa namin lumagay. And
guess niyo kung sino. Tss. Sino pa ba edi yung walanghiyang Josh. Kinalabit ko siya at lumingon
naman. Nakapamewang pa ko.
"Sabrina. Ikaw pala yan." tae. Parang di niya alam na ako talaga siningitan niya. Arte nito.
"Kasi nauna kami dito. Chupi!" sabay taboy effect ng kamay ko.
sa pilang 'to?"
"Sabrina Fortalejo."
"Huh?!"
"Paano pag sinabi kong ayoko?!" daig pa babae kung magtaas ng kilay to.
"HA! You think you can make me leave? You're JUST a girl Sabrina."
"......" Sira pala to e!! Di ako pinansin at tinalikuran pa ko. Grrr. Ginagalit talaga ko nito.
Sabi ng gutom ako e.
Tumalikod na yung nasa pinakauna ng pila dala pagkain niya which means si Josh na ang bibili.
Pero di pwede. Ako muna.
Kinuha ko yung pagkain nung nasa una kanina, "Ate papalitan ko to mamaya promise. Basta pahiram
lang muna." pagkasabing pagkasabi ko nun sa babaeng kinuhanan ko ng pagkain agad ko agad
tinapon sa ulo ni Josh yung pagkain. Palabok yung food.
Humarap naman sakin si Josh na nanlalaki ang mata. At may palabok sa ulo. Hahahaha.
Dumating naman si Zoe kasama si Ayu at lumapit kay Yannie para tanungin ang nangyari.
"Putting some palabok on your hair?" mapang-inis kong sabi sa kanya. "Ayaw mo kasing umalis
dyan e. I warned you already."
Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa canteen. Mapalalaki man o babae. Sumulpot naman bigla si
Ice, Xander at Ken.
Bago pa sumagot si Josh, umextra na ko. "Nilagay ko sa ulo niya. Bakit?!" angas ko lang no.
Hahaha.
"AT SINO KA RIN PARA SIGAWAN ANG KAIBIGAN KO?!" ganting sigaw ni Zoe kay Ice kaya natahimik si
Ice.
"O ano naman? Ano ngayon kung babae kami at nag-aaral dito?" - Zoe
"Alam namin kung saan ang kami lulugar. Kaya nga eto kami ngayon at di pumapayag na api-apihin
niyo!" - Ayu
"Wala pang babae ang lumalaban samin. We're boys. Kami ang pinakamataas sa eskwelahan na 'to."
- Josh
"That was before. Before we came. No one dares to contradict you and your kind kasi natatakot
sila sa inyo. Kala niyo kasi kung sino kayo kung umarte." - Yannie
"At kayo? Hindi kayo natatakot? Kung alam ko lang, nagtatapang-tapangan lang kayo ngayon. Alam
ko nang di niyo kami kayang labanan. Babae lang kayo." sabi ni Xander sabay ngisi.
"Hoy wag kang mayabang dyan. Tsonggo ka!! Wag mo nga kaming minamaliit. Oo!! Kami ang lalaban
sa inyo. You better watch out. Di kami papatalo sa inyong mga lalaki." sigaw ni Zoe at naglakad
siya papunta sa isang tabe at tumayo sa lamesang yun.
"LAHAT KAYO!! MAKINIG KAYO SAKIN!! STARTING FROM THIS DAY, HINDI NA KO PAPAYAG NA MAGP-API LANG
SA INYONG MGA WALANG KWENTANG LALAKI!! KAYA WAG NA WAG NIYO NG BALAKIN ANG APIHIN AKO AT ANG
LAHAT NG BABAE SA ESKWELAHAN NA 'TO!! PANTAY PANTAY LANG ANG BINABAYAD NATING TUITION FEE KAYA
WALA KAYONG KARAPATANG MAGHARIHARIAN!! KUNG GUSTO NIYO KAYONG MGA LALAKI LANG ANG NASUSUNOD,
WAG NA KAYONG MAG-ARAL DITO. MAGTRANSFER NA LANG KAYO SA SCHOOL FOR BOYS!! KAYA SIMULA NGAYON,
ANG LALAKI AT BABAE NA NAG-AARAL SA KINGDOM HIGH AY MAGIGING PANTAY!!"
*******************************************
[11] Chapter 10 - Let the games begin!
*******************************************
Zoe's POV
"LAHAT KAYO!! MAKINIG KAYO SAKIN!! STARTING FROM THIS DAY, HINDI NA KO PAPAYAG NA MAGP-API LANG
SA INYONG MGA WALANG KWENTANG LALAKI!! KAYA WAG NA WAG NIYO NG BALAKIN ANG APIHIN AKO AT ANG
LAHAT NG BABAE SA ESKWELAHAN NA 'TO!! PANTAY PANTAY LANG ANG BINABAYAD NATING TUITION FEE KAYA
WALA KAYONG KARAPATANG MAGHARIHARIAN!! KUNG GUSTO NIYO KAYONG MGA LALAKI LANG ANG NASUSUNOD,
WAG NA KAYONG MAG-ARAL DITO. MAGTRANSFER NA LANG KAYO SA SCHOOL FOR BOYS!! KAYA SIMULA NGAYON,
ANG LALAKI AT BABAE NA NAG-AARAL SA KINGDOM HIGH AY MAGIGING PANTAY!!"
"Talaga lang ha? Pantay? Ha! Asa ka naman. Babae lang kayo. At sino ka ba para magsalita ng
ganyan? Bago ka lang dito kaya paki-ayos lang yang asta mo." sabi nung chakang lalaki na
nakatayo malapit sa table na tinungtungan ko.
Lahat ng tao sa canteen nakatingin lang sakin.. sa amin. Maski yung tatlong kaibigan ko at yung
apat na pinuno ng kaaway namin. Mukhang lahat nakikinig sa kung anong isasagot ko sa lalaking
umeextra.
Nagpamewang ako at yumuko para tingnan yung lalaking epal. "I'm Zoe. Zoe Davis of 4A. And
mister na epal, I'm serious about my words."
Magsasalita pa sana yung lalaki pero di niya natuloy kasi pinigilan siya ni Ice.
Naglakad si Ice papunta sa table na pinakamalapit samin. Kinuha niya yung baso na nandun. Mula
dito sa pwesto ko, kita kong orange juice ang laman nun. Hawak lang niya yung baso.
"Zoe. Sigurado ka bang kaya mo kami? Kaya NIYO kami? Siguradong mas malakas kami kung
ikukumpara sa inyong mga babae. Hindi ka ba natatakot?" sabi ni Ice na hindi nakatingin sakin
kundi dun sa hawak niyang baso ng orange juice na medyo shinashake niya.
"Hindi ako natatakot sa inyo. Hindi ako takot sa'yo." confident kong sabi sa kanya.
"Talaga? *he smirked* E anong gagawin mo kapag may ginawa na naman kaming hindi maganda sa mga
girls?" talaga bang hindi siya tumitingin sa kausap niya? Nakatingin pa rin siya sa baso.
Ay walangya. Ang sama talaga nila. Tinapon ni Ice yung juice sa babaeng pinakamalapit sa kanya.
Nagtawanan at nag "Ooohh" naman ang mga lalaki. Napatakip naman ng bibig ang ibang girls. Hindi
nakapalag yung babae. At nakita kong naiiyak na siya. Ikaw ba naman tapunan ng juice sa harap
ng maraming tao. Sakto pa sa mukha ni girl. Kawawa naman.
"May magagawa ka ba Zoe? Wala naman di ba? Wag kang puro satsat. Ganyan kayong mga babae.
Magaling lang mag-ingay." naglakad na siya papunta sa tatlo niyang kaibigan. Nakita ko namang
nikapagapir agad ang mga bwisit sa kanya. Lumapit naman sa kin yung tatlo kong kaibigan. Pero
bago pa sila magsalita, sumigaw na ko.
"IVAN CHARLES ETHAN SCOTT!!" lumingon naman si Ice at tumahimik na naman ang buong canteen.
"Oh." bumaba ako sa lamesa at bingyan ng panyo yung babaeng tinapunan niya.
"Nagpapatawa ka ba?"
"Tinapunan mo siya kaya magsorry ka." diretsyo kong tingin sa mata niya.
"Magtigil ka nga Zoe! E ano ngayon kung tinapunan ni Ice yung babae? Tinapunan din naman ako ng
palabok ni Sabrina pero hindi rin siya nagsorry ha." singit ni Josh sa usapan.
Tiningnan ko lang siya ng masama at napaatras naman siyang konti. "Hindi ikaw ang kausap ko
kaya wag kang sumabat." humarap ulit ako kay Ice, "Say. Sorry. To. Her."
"Ayoko." tinalikuran niya ko at naglakad na. Hindi naman nakasunod ang tatlo sa kanya. Parang
kaming dalawa lang ang tao sa canteen. Bawat estudyanye halatang hinhintay ang bawat kilos na
ginagawa namin at bawat salitang binibitawan namin sa isa't isa.
Bago pa siya makalayo kinuha ko ang juice na hawak ng isang babaeng nanunuod at hinabol ko si
Ice. Hinawakan ko siya sa balikat at pagharap na harap niya ay binuhos ko ang juice na hawak ko
sa ulo niya at ibinato ko ang plastic cup sa mukha niya.
"ANO BA?!" sa halip na sagutin ko siya tumalikod na lang ako at naglakad na papunta kila
Yannie.
Huminto ako sa paglakad at humarap ulit ako sa kanya at lumapit. "May nakalimutan pala ko."
pagkasabi ko nun sinampal ko siya at tinuhod ko sikmura niya. Napahawak naman siya sa tiyan nya
at napaupo sa sahig.
Pagtalikod ko may dalawang lalaki ang lumapit sakin at akamang susuntukin ako. Pero nahawakan
ko ang kamao ng isa at nasipa ko pa ang tiyan nung isa pa. Sinuntok ko sa mukha yung lalaking
nahawakan ko ang kamao. Ayun, tatlong lalaki ngayon ang nakasalampak sa sahig. May mga
nagsuguran pa at lahat din sila napabagsak ko. Okay. 7 lalaki na ang nasa sahig. May mga
naglapitan pang iba. Sh*t. Ang dami na. Pero suntok at sipa lang ang ginawa ko sa kanila.
Napatumba ko na sila pero napagod ako dun ha. Buti tapos na. Nangangawti na ko e. Pahakbang na
sana ulit ako pero pinalibutan ako ni Xander, Ken at Josh. Nangangawit na ko. Haaay. Pero no
choice, laban pa.
Lalaban na sana ako pero bago pa ko makagalaw tumalsik na ang tatlo. Paglingon ko sila Yannie,
Sab at Ayu pala ang tumulong sakin.
"Not bad for someone who hasn't fight again for almsot six months." sabi sakin ni Yannie at
tinawanan ko lang siya.
"WHO ELSE?!" sigaw ko. Napaatras naman ang ibang boys na mga nakatayo pa.
"SABI KO SA INYO SERYOSO AKO SA SINABI KO KANINA! DON'T MESS WITH US!" sa sinabi kung yun
nagsigawan naman ang mga babae at napatalon pa ang iba.
Finally!! Sa five days na pagpasok ko sa Kingdom High narinig ko rin na nag-ingay ang mga
babae. So this is it. Let the games begin!
*******************************************
[12] Chapter 11 - Akala ko pa naman
*******************************************
Sabado na at napag-isipan ko munang tumambay dito sa No Name. Nagsasawa na ko sa pagmumukha
nung tatlo e. Kaya iniwan ko muna sa bahay. Haha.
"Agang tambay mo naman Zoe? 11am pa lang. At di pa ko bukas." sabi ni Manager na nasa may bar
at nagpupunas ng mga baso.
peperwisyohin mo dito?" psh. Perwisyo raw oh. Hmp. Bahala nga siya. Di na
"Fine. I guess?" sabi ko habang nakadukdok pa rin ang mukha sa table at pinaglalaruan ang isang
baso.
"Weak? Aish. Nakipag-away kayo no? Ano ba naman kayo Zoe?! Wag na nga kayong mag-away away."
"They asked for it. Grabe kasi kung bastusin ang girls."
"Di ko na alam gagawin ko sa inyong mga teens kayo. Ang pasaway niyo."
Inangat ko naman ulo ko at tumingin kay Manager at nangalumbaba. "Manager. Paano nga ba napasok
yung apat na animal dito sa bar mo? Last time kasi sabi mo di mo pa sila naririnig kumanta.
Sabi mo pa nga napilitan ka lang ipasok sila."
"Huh? Sinabi ko ba yun? Parang di ko maalala?" nagkamot pa ng ulo. Halata namang nagmamaangmaangan lang.
"Basta may nanghingi lang ng favor sakin na ipasok sila. At dahil sa mabait ako, pinasok ko na.
Magaling naman pala sila kaya di ako nagsising pinasok ko sila."
"Para makita raw yung gusto niya." Ha? Ano raw? Di ko magets kausap tong si Manager. Lasing ba
'to?
"Ha? Ewan ko sayo Manager. Sino na lang nanghinging favor sayo para mapasok yung apat dito? Ay.
Bat ko ba tinatanong? As if naman kilala ko. Hahaha."
"Kilala mo."
"RYYYYYYY!!!!" si Ate Cass pala. Binati rin siya ni Manager at naghug pa sila sa harap ko. Psh.
"Hi Zoe! Dyan ka lang ha? Peram lang saglit dito kay Ry." di pa ko sumasagot e hinila na ni Ate
Cass si Manager. Medyo gumilid lang sila. At nag-usap.
"Ano bang trip mo at sinasabi mo sa kanya yun?" dinig kong tanong ni Ate Cass. Ano kaya pinaguusapan nila? Nagbubulungan pa naririnig ko naman.
"Haay pasaway ka talaga Ry. Muntik na yun. Oras na ---" hindi ko na sila marinig kasi hila hila
na ni Ate Cass si manager sa office niya.
*beep*
From: Ayu :)
Groupmates, gagawa tayong reasearch paper ngayon. Hindi pwedeng hindi kayo pupunta. Maghahati
hati tayo sa gagawin. Ang di makikipagcooperate, I swear di ko ililista name niyo kapag pinasa
ko na 'to. Kila Ice tayo gagawa. 3pm. Magkita kita na lang tayo sa may ****** para sabay sabay
na magpunta since si Josh lang naman nakakaalam ng bahay nila Ice.
O di ba? Strict leader talaga yang si Ayu. Kaya pala kinuha niya lahat ng number namin para
pala dito. Pero Bat kila Ice pa? Hay nako.
Sa pagkakatext niya parang ayos na girls at boys no? Pero hindi pa talaga. Asa naman kami di
ba? Basta last friday after ng eksena sa canteen nakatanggap kami ng death glare sa apat. As if
naman matakot kami. At nung uwian bago pa kami makalabas ay humarang si Ken sa pinto at sinabi
lang na, "Wag kayo makampante dahil sa nangyari. Watch your back. The game has just began."
sabay walk out. Whatever. War kung war.
Natigil ako sa pagdedaydream kasi lumabas na sila Ate Cass at Manager sa office.
"Sa bahay namin. Di ka pa napupunta dun di ba? Tutal wala ka kamong magawa. Tara na lang."
"Okay. Pero by 2:30 alis na ko. May pupuntahan kasi ako e."
"Hindi! Maiwan na yang madaldal na yan dyan." aww. War ata sila. Hahaha.
Lumabas na kami ng bar at sumakay na sa sariling kotse. Sinusundan ko lang si Ate Cass hanggang
sa huminto kami sa isang malaking gate. Mukhang eto na yung kanila. Pumasok na kami with our
car at infairness. Mayaman pala talaga si Ate Cass. Pinark ko lang kotse ko at bumaba na.
Lumapit ako lay Ate Cass na naghihintay lang sa may pinto.
"Nga pala Zoe. Nandito dalawang kapatid ko ngayon. Pakilala kita." tumango lang ako pumasok sa
loob. Pinauna niya ko e.
Sa sala may nakaupong lalaki. Nakatalikod kaya di ko kita mukha. Nanunuod lang siya ng
basketball sa tv at mukhang di napansin na may tao. Naubo ako bigla kaya napalingon yung lalaki
sakin.
O____________O
"Bahay ko to. Ikaw ang bakit nandito? Mamaya pang 3 ang usapan ha? At saka bakit mo alam bahay
ko? Stalker ba kita?"
"Hin --"
"Zoe, sorry ha. Binalikan ko lang kasi tong bag ko sa kotse. Naiwan ko e. Oh. Nagkita na pala
kayo ni Ice. Magkakilala naman na kayo di ba? Di ko na kayo papakilala sa isa't isa." sabi ni
Ate Cass.
"S-siya b-ba.. yung sinasabi mong k-kapatid mo?" tanong ko kay Ate Cass.
"Hoy manahimik ka dyan Ice. Kasama ko yan. Wag ka mag-alala hanggang 2:30 lang siya dito.
Except kung gusto mo siya magtagal dito." nagtataas baba pa kilay ni Ate Cass kay Ice.
"Ah. Eh. Ate Cass. Di ko pala alam kung hanggang anong oras ako dito. Dito rin kasi yung punta
ko talaga."
"Shut up ate!! Gagawa kaming project dito. Kasama sila Josh." kita mo tong Ice na to.
Makapagpatahimik sa kapatid parang abnoy lang.
"Ano ba yan? Bat nagsisigawan kayo Ate Cass at Kuya Ice? Ingay ingay." napatingin naman kami sa
babaeng naglalakad pababa ng hagdan. Si Ashley pala. Natingin siya dito.
"Yeah. Schoolmates kaya kami. Ano ka ba kuya, parang di rin kita schoolmate ha?" sabi ni Ashley
na hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sakin.
"Yeeeey!! Tara muna sa kwarto ko Ate Zoe. Kwentuhan tayo." hila na ni Ashley right hand ko.
Patakbo na sana siya ng may humila rin sa left hand ko. Si Ate Cass.
"Sa room ko siya pupunta. She's my guest, remember?" halalala. Ano to? Tag of war? At ako ang
rope? T________T
Lord help me. Hahaba na ata ng bongga kamay ko neto. Nagbabangayan pa sila sa magkabilang gilid
ko. Mabibingi na po ba ko?
"WILL BOTH OF YOU JUST LET HER GO?! HINDI SIYA ELASTIC, OKAY? BITIWAN NIYO NA!" napabitaw naman
silang dalawa sakin at napatingin kay Ice na sumigaw. Nakatingin lang kami sa kanya.
"Good. Ang ingay niyo kasi. Pinag-aagawan niyo pa. Yan lang e. Kung maghihilahan kayo wag dito.
Hindi ko marinig pinapanuod ko e. Layas na kayong tatlo." sus. Akala ko pa naman kung bat na
sumigaw e. Kala ko tinutulungan niya ko. Pero asa naman ako. Hahaha. Siya pa.
Nagulat na lang ako ng dinamba ni Ashley si Ice at sinabunutan tapos si Ate Cass pinagpapalo
siya nung hawak niyang bag.
Hala. Anong nangyari sa mga to? Umubo ako para naman di nila malimutan na andito pa ko.
Napatigil naman sa pangtotorture kay Ice yung dalawa. At napatingin sakin. Lumapit na silang
dalawa at hinila na ko paakyat ng bahay nila at iniwan mag-isa si Ice sa sala na mukhang narape ng limang babae.
*******************************************
[13] Chapter 12 - Laptop
*******************************************
Ayumi's POV
"Ano ba yan?! Ang tagaaaal." reklamo ni Josh. Nasa may meeting place na kami at si Zoe na lang
hinihintay. 3 lang ang usapan pero 3:30 na wala pa rin siya.
"Wag kang maingay dyan!! Matuto ka ngang maghintay." ayan na naman. Magbabangayan na naman sila
ni Sab. >.<
"Hintay hintay daw. Tss. Pupunta pa ba yang kaibigan mo?! Babagal talaga ng mga babae.
Nakakainip."
"O sige lalayas na ko!!! Alam niyo ba kung saan nakatira sila Ice?!"
"E kung ibigay mo kaya samin ang address para malaman namin kung saan siya nakatira? Utak naman
Josh. Try mo gamitin. Baka mabulok lang yan dyan!!"
Napakaingay ng dalawang to! Nakakarindi na. "SHUT UP!! Ano ba kayong dalawa?! Sigawan ng
sigawan. Kung mag-aaway kayo pwede bang lumayas lang kayo sa harapan ko?!"
"Pero Ayu, nasa likod mo kaya kami." haaaaay!!! Eto na naman ang reyna ng mga pilosopa.
"Sabrina!!! Grr. Hindi ko na lang kayo ililista sa names ng group members. Okay na ba yun?"
"Tatahimik na nga po." sabi ni Sab at nag-action pa siya na zinip niya mouth niya.
"Paul, tayo na nga lang mag-usap. Ang gulo ng mga babaeng yan e." sabi ni Josh sa groupmate
naming si Paul at tinalikuran na kami.
Lumapit naman ang isa ko pang kagroup na si Desiree, "Ayumi wala pa ba? Hanggang six lang kasi
ako."
"Ayaw sagutin phone niya e. Haay. Tara na nga lang. SAB, PAUL, JOSH. Alis na tayo." sigaw ko sa
groupmates ko.
"Finally! Sundan niyo na lang ako." sabi ni Josh sabay pindot ng sa lock ng kotse niya.
***
"Uy Sir Josh. Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir Ice." bati samin ni kuya manong na
nagbabantay sa gate nila Ice. Nginitian lang siya ni Josh at nagpaalam na. Pinark na namin ang
kotse namin at bumaba na.
"Kotse ba ni Zoe yun?" sabay turo sa pink na kotse na nakaparada rin. Kamukha nga ng kotse ni
Zoe. Di ko lang matandaan plate number niya kaya di ko alam kung kanya talaga yun. Pero
imposible namang andito siya. Bahay to ni Ice. Ice as in si Ice na kaaway niya.
Sinalubong kami ng maid nila Ice at dinala na sa living room. Naunang pumasok si Josh at Paul
at nakatayo lang sila sa gitna at di na naglakad pa. Parang gulat na ewan. Palapit na kami sa
kanila, "Mukha nung dalawa. Hahahahaha. Parang nakakita ng ghost." tawa ng tawa lang si Sab
habang papalapit kami sa dalawa.
O_______O
Totoo ba to? Si Ice. At si Zoe? Nakahiga sila sa sahig at nasa ibabaw ni Ice si Zoe.
"Z-zoe?"
Zoe's POV
Nanunuod kami ngayon sa may living room. Kasama ko yung tatlong magkakapatid. Napagkaisahan
nung dalawa si Ice kaya Phineas and Ferb ang pinanuod nila.. namin pala. Syempre di ako
tatanggi dun. Favorite ko rin ang Phines and Ferb e. Hahaha.
"Wait lang ha. Tulungan ko lang sila yaya sa paghanda ng foods." paalam ni Ashley at tuluyan ng
naglakad papuntang kusina nila.
Tawa lang kami ng tawa ni Ate Cass habang nanunuod. Samantalang si Ice.. aba malay ko. Hindi ko
Naputol na lang ang tawanan namin kasi biglang nag-ring yung phone ni Ate Cass. Speaking of
phone.. naiwan ko yung akin sa kotse ko. Tanga lang.
"Aish. Kainis. Nanunuod ako dito e. Uy kayong dalawa. Diyan lang kayo ha. Tumatawag tong si Ry
e." tumango lang ako at umalis saglit si Ate Cass.
Pagkaalis na pagkaalis ni Ate Cass biglang nilipat ni Ice yung channel. Nasa may basketball na.
Amp. Bastos!! Phineas and Ferb!!!
"TV namin to kaya wala kang pakialam kung gusto ko ilipat ang channel nito." sabi niya habang
nakadiquatro pa at nakapatong ang kamay sa sandalan nung sofa nilang mahaba. Medyo magkalayo
kasi kami.
"Bahala ka sa buhay mo. Basta manunuod ako dito." &$*^#!' naiimbyerna na ko talaga sa impaktong
to.
Tumayo ako at lumapit sa kanya para agawin ang remote pero bago ko pa makuha tumayo na siya sa
sofa at tinaas ang kamay niyang may hawak sa remote.
"TUMIGIL KA NGA! ANO BANG PROBLEMA MO?! ALIS! PARA KANG BATA!"
"AYOKO. LAYAS!" grr. Pilit ko pa rin inaabot ang remote pero mas matangkad siya sakin kaya di
ko makuha. Kaya naisipan kong talunin na lang yun. Pero nung pagtalon ko namali ang pagbagsak
ng paa ko kaya nalaglag ako sa sofa.. kasama siya. Naglanding ako sa kanya. Okay na rin yun at
least siya lang ang nasaktan at hindi ako. >:)
"Z-zoe?" napatingin ako sa tumawag sakin. Si Ayu pala. At nanlalaki ang mga mata nila. Pati
yung ibang groupamtes ko andito na pala at nakakatawa ang mga mukha. Mga di maipinta. Hahaha.
Bakit ba --- Ay pakshet!! Saka ko lang naalala na nasa sahig pa rin kami ni Ice. Agad naman
akong tumayo na parang walang nangyari.
"Uy Ayu, Sab, Desiree. Andyan na pala kayo." sabay wave ko pa ng kamay sa kanila. Pero hindi
nila pinansin pagbati ko. :3
"Kasi nainip siyang umupo dun sa sofa. Kaya naisip niyang itry yung ganung posisyon. Yung
inabutan niyo kanina. Para raw masaya. Dahil sa mabait naman ako sa mga babae, pinagbigyan ko
na. E nag-enjoy siya sa ganun pwesto kaya ayun, hindi tumayo agad." sinasabi ng walanghiyang
to? Letseng Ice to. Makapagimbento wagas.
"G*go! Siraulo! Walang modo! Imapkto! Gagawa ka pa ng kwento dyan hinayupak ka!" tapos
sinikmuraan ko siya. Edi bagsak siya ngayon. Tsk.
"Wag kayong maniwala dyan. Inagaw ko lang yung remote. Tinalon ko kasi ayaw niyang ibigay.
Namali landing ng paa ko kaya sa kanya ako naglanding." maniwala kayo please.
"Oh. Okay. We believe you. Maniniwala na sana ko sa statement ni Ice e. Kaya lang may sinabi pa
siyang mabait siya sa mga babae. Dahil dun nahalata na naming nagsisinungaling siya." hooo.
Buti naniwala tong si Sab.
"Pero bakit ka andito kila Ivan? Paano mo nalaman yung bahay nila? Nauna ka pa samin." tanong
ni Desiree.
Lumapit naman si Josh kay Ice, tinapik niya ito, "Pre, tara." nauna pang naglakad si Josh
paakyat. Baka sa kwarto ni Ice. At sumunod lang sa kanya si Ice. Pinaliwanag ko naman sa kanila
kung paano ako napunta dito kila Ice.
Bumalik na rin si Ate Cass at Ashley para ibigay ang pagkain pero umalis din agad para raw
makagawa na kami. Nakababa na rin si Josh at Ice kaya magsisimula na kaming gumawa.
"Research paper lang to. Bakit ba kailangan pang magkita kita para gawin to? Sana tinext mo na
lang samin kung ano gagawin. Daming kaartehan pang nalalaan." reklamo ni Josh kay Ayu.
"Para siguradong gagawa kayo. Malamang kasi hindi gawin nung iba ang nakatoka sa kanila. Lalo
ka na. Halatang tamad ka. Walang uuwi hanggat hindi pa tapos yung gagwin nilang part. Try niyo
lang tumakas paniguradong wala kayong grade." paninindak ni Ayu.
"Tatahimik ka ba dyan o wala kang grade?" pagtataray ni Ayu kay Ice. Pagdating talaga sa grade
sobrang seryoso ni Ayu.
Nagbukas na ng kanya kanyang laptop yung anim at pumwesto na para simulan ang sa part nila.
"Laptop mo Zoe?" tanong ni Sab sakin.
"Naiwan ko." nakayuko kong sagot. Medyo mahina lang din baka marinig ni Ayu. Sesermonan ako
niyan.
"ANO?! Zoe naman! Paano ka gagawa kung wala kang laptop? Dami daming pwedeng iwanan yun pa! Ano
ka ba naman." sabi ko sa inyo e. Sesermonan ako niyan. Nakayuko lang ako at di siya sinasagot.
"Ice pahiramin mo ngang laptop to." utos niya kay Ice na kasalukuyang nagtatype.
"Talaga."
"Hoo. Nakoo Ice. Baka naman ayaw mo lang na may matapos ako para di ako makauwi. Para andito
lang ako sa inyo. Di mo sinabi gusto mo palang andito lang ako." sinabi ko lang yun para
pahiramin niya ko ng laptop. Alam ko namang ayaw niyang andito ako sa kanila. Kaya pag wala
akong laptop, wala akong gawa. At kapag wala akong gawa, hindi ako makakauwi.
Halata namang nagulat lang siya sa sinabi ko. Natigil kasi siya sa pagtatype. "ASHLEYYY!
MAGBABA KA NGANG LAPTOP DITO!! PAHIRAM DAW SI ZOE!!" o di ba? Effective ang pang-aasar ko.
Nagkalaptop na ko. Mwahahaha.
Dumating na si Ashley at binigay sakin ang laptop. Nagthank you lang ako at umakyat na ulit
siya. Bubuksan ko na sana yung laptop pero di natuloy. Dali dali kasing hinablot ni Ice.
Pero hindi niya ko pinansin at umakyat lang sa taas nila. Ilang minutes lang at bumaba ulit
siya dala ang iba ng laptop. Nilapag lang niya sa harap ko yun at bumalik na ulit sa pwesto
niya kanina.
Zoe's POV
Aaaaaah!! Ang hirap naman nito. Natutuyot na utak ko. Bakit ba kasi bawal ang copy paste? :3
Nakaka tatlong page pa lang ako sa ginagawa ko. Bakit feeling ko thesis na ginagawa namin?
Highschool pa lang po ako. At ang mas masaklap pa, one week pa lang since nagstart ang school
year pero over sagad naman ata tong pinapagawa samin. Due pa to hanggang monday lang. >.<
"June 21." sagot naman ni Desiree. Seryosong seryoso lahat ha. Amazing. Pero.. June 21 ngayon?
Oh no.
"21 ngayon. June 21. Saturday. What's the big deal?! Arte naman. Makapagreact." sabi ni Josh na
nakatutok pa rin sa laptop niya.
"Tumahimik ka! Hindi hinihingi opinyon mo dito!" pagtanggol naman sakin ni Sab sabay irap pa
kay Josh. Inirapan lang din siya ni Josh. "Bakit ba Zoe? Bakit ganyan reaksyon mo?"
"Where's Yannie? She's alone right? Oh no. Oh no." napasabunot na ko sa ulo ko. Medyo
nagpapanic na ko.
"Yannie? Oo. Iniwan namin sa bahay. Bakit mo ba --" napahinto naman si Sab sa sinasabi niya at
nagkatinginan sila ni Ayu. Parehas nanlaki mata nila. "WE NEED TO GO." sabay na sabi nung
dalawa.
Tumayo kami pero nagpatigil kami nung nagsalita si Ice. "Where do you think you're going? Tapos
na ba kayo? If not, then stay." sabi niya habang nagtatype pa rin.
"Don't you think it's a bit unfair kung aalis ka? Kung aalis kayo? Hey, leader. Ikaw na nagsabi
na bawal umalis kapag di pa tapos. Kapag umalis, hindi ililista name sa group members. So I
think we all agreed on that." kalamadong kalmadong sabi ni Ice habang nakapalumbaba pa at
nakatingin samin.
"Pero we badly need to go. Di niyo kasi naiintindihan." sabi ni Sab habang pumapadyak padyak pa
sa sahig.
"Kahit anong rason niya di yan uubra. Nag-usap usap na tayo kanina." - Josh
"Pwede naman kayong umalis e. Wala nga lang kayong grade." this guy Ice is threathening us.
Tumayo ako ng diretsyo at kinuha ang susi ng kotse ko sabay lakad papalabas. Bago pa man din
ako makalayo nagsalita muna ko.
"Sab and Ayu, don't you dare follow me. Tuloy niyo lang yang ginagawa niyo. Ako nang bahala
dito. Just trust me okay? I can handle this." tumango at nginitian lang ako ng dalawa.
Lalakad na sana ulit ako pero nagsalita ulit si Ice. "Wag mo ng asahang may grade ka dito."
"I don't care about that damn grade. My friend needs me now." sabi ko sakanya ng di lumilingon
at nakatalikod. Pagsabi ko nun agad akong tumakbo papuntang kotse ko at umalis na.
Bat ba nakalimutan kong 21 ngayon. This was supposed to be Yannie and his ex, Tom, 3rd
anniversary.
Last year, June 21, inabutan naming lasing na lasing si Yannie na tumatawid sa kalsada. Muntik
na siyang mabangga nun buti na lang natulak agad siya ni Sab palayo. She's screaming and crying
that time. Sana safe lang siya ngayon. Please Lord. Sana hindi na naman gumawa ng kalokohan
yun.
Xander's POV
Yeah! This is life! Nasa No Name ako ngayon. Umiinom. Nagpaparty. Nangchichicks. At di lang isa
baby. Yeah.
Sa aming apat ako lang ata maswerte ngayon. Ako lang nakakapagsaya. Si Ice at Josh ayun
gumagawang research. Ang demanding naman kasi ng leader nila. Si Ken naman gumagawa rin ng
research. Pero dahil sa siya ang leader namin at grade conscious siya, inako na niya lahat.
Wala raw kasi siyang tiwala sa magiging result ng research paper if may gagawang iba pa e.
Hindi ko nga alam kung mabwibwisit ako dahil sa wala siyang tiwalang kaya namin gumawa nun o
kaya naman ay matutuwa kasi dahil sa pag-ako niya ng lahat ng gagawin nakakapagparty ako
ngayon.
"Xander." napatingin naman ako sa tumawag. Si Manager Ry lang pala. Tinanguan ko lang siya.
"Wag niyo masyadong apihin o seryosohin laban niyo nung apat. They may look tough outside pero
may mga pinagdaraanan din yun."
"Are you their dad or something?" pabiro kong sabi sa kanya. Sinamaan niya lang ako ng tingin
kaya tinaas ko na lang kamay as if I'm surrendering.
"Okay. Okay. Pero Manager, I can't promise you that. Kung nakita mo lang yung action scene
kahapon sa canteen, malamang sa kanila mo yan sasabihin at di samin."
"*sigh* Paano ko ba kayo mapagbabati mga bata kayo? Baka magmukha na kong matanda dahil sa
inyo." nakayuko niyang sabi sabay kamot sa ulo at walk out.
Totoo naman kasi sinabi ko. Kakaiba yung apat na yun. Ang lalakas. Pero hindi lang naman kami
nakalaban kahapon kasi nabigla kami sa mga pangyayari. Sa itsura nilang yun hindi mo iisipin na
kaya nilang makipaglaban. Akala mo puro pagpapaganda lang ang alam. Baka kamag-anak nila si
Pacquiao? Tapos tito nila si Jackie Chan.
Pero kahit na ba. They really are good. I find them interesting. Sila lang ulit naglakas loob
labanan kami. Sisiguraduhin kong pagsisisihan nila ang paglaban samin. Lalo na yang si Yannie.
Siya pa lang nagreject sakin ha. Ako na nga nag-offer, ako pa nireject. Siya nga lang tinatawag
kong sweetie kaya dapat matouch siya. Babe tawag ko sa mga babae ko e. Pero ngayon kahit
maghabol siya, di ko siya papatulan. Bahala siyang maglaway sakin.
Natigil ako sa pagdedaydream ng may maramdaman akong humahalik sa leeg ko. Nangiti na lang ako
sa kanya. Hinarap naman nung isang babae ang mukha ko sa kanya at hinalikan ako. We just keep
on making out nang nadilat ako at nahagip ng mata ko ang isang babae. Amazonang babae. Si
Yannie. I ended the kiss.
"Wait babes. May gagawin lang ako." sabi ko sa dalawang babaeng hindi ko alam ang pangalan.
Palapit sana ako kay Yannie na mag-isang nakaupo sa stool sa may bar at umiinom kaya lang may
lalaking nauna sakin mapunta dun.
"Hi miss. Mag-isa ka ata? Want me to join you." narinig kong sabi nung lalaki kay Yannie. Hmm.
Ano kaya sasabihin nito?
"Yeah. Sure." Woah? Pumayag? Nakakasakit naman sa ego ko yun. Mas gwapo ako sa lalaki pero ako
nireject. Tapos yung lalaki hindi. Malabo ata mata niya. Sagwa ng taste niya. Hahaha.
"Thanks. So.." umupo yung lalaki sa tabi niya. Tumalikod na ko para balikan ang mga babae ko
since mukhang di ko mabwibwisit ngayon si Yannie.
"Huh? Kala ko ba okay lang sayo na samahan kita?" hahaha. Nakakatawa itsura nung lalaki.
Naguguluhan na. Pero magulo naman talaga. May problema sa pag-iisip siguro si Yannie.
"Oo nga. Pero I'm not yet drunk kaya kung pwede umalis ka muna. Balikan mo na lang ako kapag
lasing na ko." nakakunot noo nang umalis yung lalaki.
Ngayon tinuloy ko na ang balak kong paglapit kay Yannie. Umupo ako sa katabi niyang stool kung
saan nakaupo yung lalaki kanina.
"Hey sweetie." sabay kindat ko pa sa kanya. Kaya lang walang epekto. Inirapan lang ako. Ano ba
tong babaeng 'to. Tss. Katarayan.
Natingin naman ako sa beer na iniinom niya, "Broken ka no?" kung brokenhearted siya edi eto na
ang perfect time para bwisitin siya.
"Excuse me?" sabay lingon niya sa akin. Sumandal naman ako sa may table at pinatong ang
dalawang siko dun.
"Brokenhearted ka."
"Wala ka bang magawa? Lumayas ka nga dito. Hindi ako broken no."
"Ang mga babae, hindi magbabalak maglasing mag-isa kung walang problema. Kung hindi ka
brokenhearted, siguro family problem yan."
"Kung may problema ko sa pera edi sana wala ako dito ngayon at umoorder ng drinks. Bukod sa mas
mahal dito, gumagastos pa ko para sa gasolina ng kotse ko. Pwede namang bumili na lang ako sa
kanto at magkukulong sa kwarto ko. Mas mura pag ganun. Common sense naman." sabay tungga niya
sa boteng hawak niya. Tingin ko medyo lasing na to. Medyo madaldal na e.
"Problema sa kaibigan yan. Nag-away away kayo no? Kaya ka mag-isa dito."
"Hindi family problem. Hindi rin naman tungkol sa pera. Hindi rin sa kaibigan. E
ka nga. Walang duda." wahaha. Makapang-inis lang e.
brokenhearted
"You don't know when to shut up." i hit the bull's eye. Tama nga.
"So I'm right. Sabi na e. Brokenhearted ka nga. Wahahahaha. Kawawa ka naman pala. Ano? Nauntog
yung lalaki? Brineakan ka ba? O baka nakita mong may kasamang iba? Pinagpalit ka no?
Wahahahaha."
Mukhang naiinis na siya. Yes! Mukhang mananalo ko sa kanya ngayon. Good job Alexander Evans.
I'm so proud of myself.
Magsasalita na sana siya nang may lumapit sa akin na chicks. Yung dalawang iniwan ko kanina.
"Oo nga Xander babe. We're naiinip na. Wait. Are you with this girl ba?" sabay turo kay Yannie.
"Don't worry girls, I'm not with him. You may take him with you. At ilayo niyo lang yan sakin."
yon. Napipikon na siya.
"Shut up! Just go away bago pa magdilim paningin ko at masapak pa kita. Oh. At kayong dalawang
babae kayo. Kung ako sa inyo iiwan ko rin yang Xander na yan. Tutal iiwan din naman kayo niyan
maya maya lang bakit hindi niyo na unahan? Ayaw niyo nun? Mapagmamalaki niyo pa sa kaibigan
niyo na iniwan iwan niyo lang ang isang Alexander Evans. Instant popularity yun honeys." WTF!
Ano bang pinagsasasabi ng babaeng to.
Napaisip naman yung dalawang babae at bumitaw na sa kin. "Tama ka girl. You're so matalino
pala. Hey Babe. We're going na. Yaay. I can smell popularity." sabi nung babae sabay kiss
sakin. Seriously?! Iniwan ako ng babae? Binabawi ko na ang sinabi kong talo ko si Yannie
ngayon. >.<
"YANNIE!! Ay jusko. Salamat naman at nakita kita dito. Ano? Okay ka ba? May nangyari ba sayo?"
biglang sumulpot na lang si Zoe na nagpapanic pa at chinecheck si Yannie.
Tapos hinila na lang niya si Yannie kung saan man. At ako naiwang mag-isa dito. Makahanap na
nga lang ng bagong babae.
Zoe's POV
"YANNIE!! Ay jusko. Salamat naman at nakita kita dito. Ano? Okay ka ba? May nangyari ba sayo?"
sabay check ko sa kanya. Baka may sugat, galos o pilay to.
"Hahaha. Ano ka ba Zoe? Okay lang ako." pagsabi niya nun hinila ko na siya palabas ng No Name.
"San tayo pupunta?" tanong niyang di ko sinagot. Pumasok na lang ako ng kotse ko at pinapasok
ko rin siya.
Walang nagsasalita buong ride. Pinapakiramdaman ko kasi si Yannie. Siya naman nakatingin lang
sa labas ng kotse. Walang kaimik-imik.
Dinala ko siya sa medyo mataas na lugar. Kitang kita mo ang mga ilaw galing sa mga bahay sa
ibaba. Halos kita mo dito ang buong city.
"Sigaw."
"Ha?"
"Sumigaw ka. Umiyak ka. Magwala ka. Gawin mo gusto mong gawin. Wag mong itago lahat ng
nararamdaman mo. Kung nasasaktan ka sabihin mo. Kung nahihirapan ka ipakita mo. Wag mo
sarilinin yang problema mo. Para saan pa't tinawag mo kaming kaibigan mo kung sasarilinin mo
lang din yang dinaramdam mo. Minsan okay lang ang umiyak at ipakitang mahina ka. Hindi sa lahat
ng pagkakataon dapat ipakita mong malakas ka."
"Umiyak ka. Sumigaw ka. Magpakahina ka muna ngayon. Wag mo muna itago yang nararamdaman mo.
Pero sana kapag tapos ka ng umiyak, pilitin mo ng maging okay. Wag mong hayaang mabuhay ka sa
nakaraan. Move on Yannie."
Napatahimik na si Yannie nun at humarap sa may mga ilaw na bahay. Naglakad siya papalapit sa
may cliff.
"NAKAKAINIS KA TOM!!! BAKIT KA UMALIS AGAD?! BAKIT MO KO INIWAN?! KALA KO BA WALANG IWANAN?!
KALA KO BA HANGGANG PAGTANDA MAGKASAMA TAYO?! NASAN NA ANG FOREVER MO?! SINUNGALING KA! INIWAN
MO PA RIN AKO." sigaw ni Yannie habang iyak ng iyak. Napaupo na lang siya at hikbi ng hikbi.
Lumapit ako sa kanya at umupo rin. Niyakap ko siya at hinayaan lang siyang umiyak sakin.
"Zoe bakit ba kasi.. ganun? Sabi niya.. hindi niya ko.. iiwan. Pero.. wala. Iniwan niya.. ko.
Naniwala ako e.. umasa ako. Pero asan siya.. ngayon? Di ba.. wala na? Wala na siya. Forever is
just a word. :("
"Tom!! Tom naman e. 3rd anniversary.. na sana natin ngayon. Masaya sana.. tayo. Pero imposible
na yun. Wala ka na. Iniwan mo na ko.. Iniwan mo na kami. Bakit ba kasi.. namatay ka pa.. sa car
accident na yan? Sana kasama.. pa kita ngayon. Sana.. sinamahan na lang kita.. sa aksidenteng
yun. Edi sana.."
"Yannie. Wag mo ng ituloy sasabihin mo. Marami pa kaming nagmamahal sayo dito. Tingin mo ba
masaya ngayon si Tom kung asan man siya kapag nakikita ka niyang ganyan? This would be the last
time Yannie. After neto you need to move on. Pilitin mo."
Tinuloy ko lang ang pagpat sa likod niya. Yannie needs us. We need to help her. Kailangan niya
mag move on. Kailangan niyang matutong magmahal ulit.
*******************************************
[15] Chapter 14 - Guidance
*******************************************
Zoe's POV
Nagsimula na naman ang panibagong week. Hindi na ko hihiling ng peaceful week kasi sa school na
pinasukan ko, imposible yun mangyari.
"Class, baka nakakalimutan niyong ngayon ang deadline ng research na pinagawa ko. Pass it
before kayo i-dismiss. Okay." sabi ni Ma'am Rodriguez.
"Yes ma'am." T__T Wala nga pala akong research paper. Bawi na nga lang ako next time.
Nagdiscuss lang si ma'am. Hindi naman ako nakikinig. Nakakaantok kasi tinuturo niya. First
subject para sa first day ng week tapos ganto kaboring. Kaantooook.
"Get one whole sheet of paper. May quiz tayo ngayon." Hala!! Quiz?! Kung kelan hindi ako
nakinig. Grabehan to. Gising na gising na ngayon ang kaninang natutulog kong diwa.
Nagkuhanan naman ng papel ang mga classmate ko at binigyan na rin ako ni Seatmate Yannie ng
papel.
"Hindi ka nakinig no? Umamin ka." bulong sakin ni Yannie habang inaabot ang papel. Medyo
natatawa pa ang bruha. >.<
"Wag na. Mahuli pa tayo edi madamay ka pa. Bait ko no? Haha. Saka keri ko naman magkaroon ng
isang bagsak. O kahit marami pa. Sanay na ko dyan. Hahaha."
Pinaayos na kami ni ma'am kasi magsisimula na raw ang quiz. Tumahimik na ang klase. Nagtanong
tanong na rin si ma'am. Medyo nalingon ako sa right side ko. Katapat ko nga pala yung apat na
lalaki. Huling huli ko na nangongopya si Xander kay Ken. Pero di ko na lang pinansin. Ayoko
ngang umeksena. Nagquiquiz tapos eepal ako?
Item number 17 na. Few more questions at tapos na. Nagtanong na si ma'am at sinusulat ko na
yung sagot.
"Ma'am. Nangongopya po si Zoe kay Yannie. Nakita ko pong tumingin siya sa paper ni Yannie."
ANO?! Makaimbento tong Xander na 'to. Siya yung nangongopya di naman ako. :|
"Ms. Davis and Ms. Seung. Guidance office. NOW!" sigaw ni ma'am habang nakapoint pa yung
hintuturo niya sa may pinto.
"Pero po ma'am.."
"I said pumunta na kayo sa guidance." grr. No choice. Sumunod na lang kami. Bago kami tuluyang
lumabas ng room I gave Xander and the other three one last look. Letse. Hayop na Xander yan.
Nakuha pang ngumiti.
Nang makalabas na kami nanggigil na ko. "Ugh. Nakakainis talaga. Ang childish ng move na yun."
"Sinabi mo pa. Kainin sana siya ng lupa. Zero na nga tayo for that quiz tapos na-guidance pa.
Ang saya. Grabe. Ang saya talaga."
Nagkarecord lang kami sa guidance. Wala namang suspension na naganap kasi isang beses pa lang
naman daw ginagawa. Isang beses daw. Ni hindi nga namin talaga ginawa yun e. Hindi naman kami
nangopya. Ayaw naman makinig sa explanation namin. Nasaan na ang right ko bilang isang
estudyante? Psh.
Second period na nang makabalik kami ng room. Wala pang teacher nung makapasok kami. Pag-upo na
pag-upo namin agad naman kaming tinanong nung dalawa.
"FYI Ms. Sabrina Fortalejo, hindi kami nangopya. Sadyang yung IBANG TAO DYAN mapagawa lang ng
kwento." pagpaparinig ko kay Xander.
Natigil naman kami sa kwentuhan dumating na kasi si sir. Oh noes. History na. Another boring
subject. Pinagdikit ni sir yung both rows para raw maaninaw namin yung presentation niya.
Nahihirapan "daw" kasing makakita yung mga nasa dulo. Kaya sa ayaw at sa ayaw ko man, katabi ko
ang hari ng yabang na si Josh.
Nagdidiscuss na si Sir nang kausapin ako ni Josh, "Kamusta guidance? Ayos no? Pakiramdam ko
magiging suki kayo dun. Edi suspension na pag naka tatlo kayo. Tsk. Tsk. Wag kasi lantaran ang
kopyahan." umiling iling pa siya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Guidance ba kamo? Gusto mo malaman kung kamusta na? Tsk. At "magiging" suki ba kamo ng
guidance? Let's see."
Tinaas ko ang kamay ko habang nagdidiscuss si sir kaya natuon naman atensyon niya sakin.
"Wala po akong tanong sir. May irereklamo lang po ako. Eto po kasing katabi ko, si Josh, panay
kausap sakin. Dinadaldal po ako kanina pa. Hindi po tuloy ako makapakinig sa inyo. Saka po ang
boring daw po ng subject niyo." gulat na gulat naman si Josh habang nagpipigil ng tawa yung
tatlong bruha. At si Sir? Halos umusok ang ilong. Hahaha. Ayaw niyang nasasabihang boring ang
subject niya kahit boring naman talaga.
"Sir hindi ko po sinabi yun. Swear!" tumayo pa siya habang nakataas yung right hand niya.
Hahaha. Nakakatawa itsura niya ngayon.
"Mr. Alonzo, please go to the guidance office. Immediately. Hintayin mo ko dun." oooh.
Nakakatakot pala talaga tong si sir.
"Kinakamusta mo guidance di ba? See for yourself. And sabi mo na magiging suki ako ng guidance?
Then might as well take you with me." bulong ko sa kanya bago siya tuluyang makalabas.
*******************************************
[16] Chapter 15 - Savior
*******************************************
Zoe's POV
Ngayon ay Wednesday. As usual ganun pa rin sistema namin. Away away pa rin. Kanya kanyang
prank. Minsan talo. Madalas panalo.
"Mukhang tahimik boys ngayon. Walang kabulastugang ginagawa." sabay kagat ni Sab sa kinakain
niyang sandwich.
"Oo nga pala. Walang isip mga yun. Hahaha." sabay apir namin ni Sab.
Nagkwentuhan lang kami ni Sab sa canteen. Nasa library kasi si Ayu kasama si Yannie. Mag-aaral
si Ayu samantalang matutulog si Yannie.
Maaga aga pa naman. 30 minutes pa bago mag-time. Kaya niyaya ko muna si Sab sa may bench sa
gilid ng building. Sa tabi lang ng bintana ng classrooms.
"Wala bang clubs sa school na 'to? Pang two weeks na natin dito pero wala namang nababanggit
mga teachers about dun." tanong ko kay Sab.
"Oo nga no. Pero in case na merong clubs, sa Dance club ako sasali syempre."
"Omygod Zoe."
Kainis! Grabe. Natapunan lang naman ako ng pintura. Or should I say, tinapunan. Nakatayo kasi
si Sab tapos ako nakaupo. Kaya ako lang natapunan. Bigla na lang kasi may nalaglag na lobo sa
ulo ko at may pinturang laman. Mukha tuloy akong buhay na painting ngayon. T_____T
Tiningnan ko kung saan nanggaling yung lobong may paint. Sa second floor. To be specific,sa
room namin.
"Wala pa tayong spare na damit sa locker room di ba? Saan ako kukuha ng damit. Ugh! Nakakairita
talaga. Uuwi na nga lang ako."
Naglakad na ko pabalik ng room para kunin yung bag ko. Pinagtatawanan ako ng mga lalaking
nadadaanan ko pero yung girls hindi. Malamang di sila tatawa. Isa ako sa leader nila kaya di
nila ako pagtatawanan.
Pagpasok naman namin ng room ni Sab wala nang tao. Wala na rin yung nagbato ng lobo sakin. Buti
Kukunin ko na sana yung gamit ko ng may nakita akong box na nasa ibabawa ng armchair ko. Mukha
bang patungan ang arm chair ko? Nagpapatong ng gamit nila di naman nila pwesto to. At dahil sa
badtrip ako ngayon, tinapon ko lang yung box sa sahig. At tuluyan ng kinuha mga gamit ko.
"Una na ko Sab. Pasabi na lang sa dalawa." nagpaalam na ko sa kanya. Di ko na rin siya hinintay
sumagot kasi alam naman nila na kapag badtrip ako di ako makakausap ng matino.
Nasa may pintuan na ko ng tinawag ako ni Sab. Lumingon naman ako sa kanya. "Not now Sab. Sa
bahay na lang." at tinalikuran ko na ulit siya.
"Bakit ba kasi?! Uuwi na nga sabi ko!" sabay lingon ko sa kanya na nakatunganga lang at
nakatingin dun sa box na tinapon ko sa sahig.
"Wag ka ng umuwi." sabi niya na di pa rin ako nililingon at medyo yumuko o umupo sa sahig para
kunin yung box.
"Hello Sab?! I look like a mess. Wala akong damit dito. Wala pa rin kayong extrang damit. Kaya
pwede ba, mauna na ko." sabay talikod ko sa kanya.
"Etong box. Para sayo ata." agad naman akong napatingin sakanya at lumapit.
May hawak siyang card na galing ata sa loob nung box. Binigay naman niya sakin yun. Kaya
malamang binasa ko.
Zoe,
Wear this clothes, okay? Wag ka nang magtaka kung kanino man to nanggaling. Basta suot mo na
lang 'to. Alam ko namang kailangan mo ng spare clothes ngayon.
"Weird. Nakatanggap ka ng clothes just when you need it the most. Maybe it's another prank. Go
check it. Dali dali." kita mo to. Kung makapagpamadali. Tss.
Kinuha ko naman yung damit. It's beautiful. Kung sino man nagbigay nito I could say na may alam
sya sa fashion. Chineck ko if may butas or sira. Pero wala naman.
"Suot mo?"
"Oo. There's no harm in trying. Sama ka ba o diyan ka na lang? Magpapalit at maglilinis na ko."
"Sama ko. Pero alam mo, we should thank kung sino man nagbigay niyan. Aba savior mo yan."
nginitian ko lang siya at nagpunta na kaming cr.
***
"Bukas nga pala yung simula ng sa mga clubs niyo. Ngayon ilista niyo kung anong club ang
pipiliin niyo and isubmit niyo sakin yan mamaya. Babalik ako dito after class kaya wala munang
uuwi. By clubs ang paglista niyan ha. Ayun lang. Class dismissed." sabay alis na ni ma'am.
Parang kanina lang pinag-uusapan namin yan ha.
"Anu-ano ba yung clubs? Sana diniscuss man lang yan satin kanina di ba?" nakapalumbabang sabi
ni Ayu.
"Unlike other schools, super konti lang ng clubs dito. Sports, Dance, Photography, Glee at
Arts." - Classmate 2, Grace
"Aww. Ayan lang? Ayoko nang mga clubs na yan. :3" - Ayu
"Kung ayaw mo ng limang yan may isa pang choice. Ayun ay kung magiging part ka ng school paper.
Mag-audition pa nga lang dun."
"Perfect!"
Nagkwentuhan nga lang kami about sa clubs at kung ano sasalihan namin. Photography pinili ko
syempre. At nailista na naming apat yung mga pinili ng ibang girls.
Nagklase lang din kami sa ibang subjects at nung dismissal na, hindi nga kami umuwi agad kasi
hinhintay namin si ma'am. And speaking of. Dumating na.
"Sorry class natagalan. Paki pass na yung list niyo." pinasa ko na at ni Ice yung lista.
Hiwalay nga kasi ang girls at boys di ba?
"Para sa mga pumili ng sports club, may try outs kayo bukas ng umaga. Sa mga glee at dance club
naman, may audition kayo sa auditorium. 1pm start nun. Para sa photography, magpresent lang
kayo ng photo or portfolio niyo. Sa Arts club wala namang problema. Pasok na lahat ng gusto
dun."
"Para nga pala sa student's paper, bukas titingnan kung sino ang pwede dun."
(a/n: Pag nabasa niyo yung (5 others) isipin niyo na lang may 5 pangalan akong nabanggit. Di na
kasi importante yung ibang names. Sorry kung magulo.)
"Listen carefully, eto ang list ng sinalihan niyo. Sports club, Josh and (5 others). Glee Club,
(5 people). Dance Club, Sabrina, Yannie, Xander and (6 others). Photography Club, Ice, Zoe (2
others). Arts Club, Ken and (10 others). At para sa school paper, Ayumi and (2 others). Ayun
lang class at makakauwi na kayo."
Si Ice na naman? Pati ba naman sa club? Hindi ba pwedeng maghiwalay na muna kami. T_____T
*******************************************
[17] Chapter 16 - Kiss/Locked
*******************************************
Hello readers! Wala lang, natripan ko lang mag AN. First time naman 'to kaya hayaan niyo
na. :)) Goodluck nga pala sa mga may klase na bukas. :*
***********************************************************************************************
***************************************
Zoe's POV
"Kahapon, you and Sab saw this clothes na binigay sayo ng kung sino man kasi alam niya na
marurumihan ka. And now, nangyari ulit yun." sabi sakin ni Ayu na nakaharap pa sa salamin sa cr
"And so?"
"Bakit naman?"
"Parang there's someone that's trying to help you. Parang alam niyang may mangyayaring di
maganda sayo kaya gumagawa siya agad ng solution sa problema mo. Savior kumbaga." napaisip
naman ako sa sinabi ni Ayu.
Two times. Two times na akong naliligo sa pintura. At two times na rin may nagpapadala sa akin
ng damit. Swear, bukas na bukas magbabaon na ako ng damit.
Sino nga kaya yung nagpapadala sakin ng damit? Nakakaintriga lang naman kasi. Pakiramdam ko nga
may savior ako. Bukod kasi sa damit, may unusual din na nangyari sakin kanina. Nagbreak kasi
nun tapos bumaba kami saglit nila Ayu. Pag akyat ko nakita ko na lang na sira sira na yung isa
kong book. Nung una okay lang sakin kasi ano ba namang pakialam ko dun sa librong yun. Pero
nung nakita ko na math book ko pala yun, parang nalaglag puso ko. Terror prof ko dun e. Kapag
walang book may punishment.
Kahit masakit sa loob ko, hinayaan ko na lang na wala akong book. Next time na lang kako ako
gaganti.
Tutal konting time pa naman bago magstart yung subject na yun, lumabas muna ko saglit. Nagulat
na lang ako pagbalik ko na may bagong math book na sa harap ko. At may note naman. Akin naman
daw yun so kinuha ko na.
***
Club time..
Tanggap ako sa Photography. Maganda raw kasi prinesent kong portfolio. At sa kasamaang palad,
tanggap din si Ice.
Inaayos ko na yung portfolio ko pati yung ibang pictures na dinala ko kaya medyo nakayuko ako
sa lamesa.
"Pakibilisan. Aayusin ko na rin yung akin." sabi ni boses sa likod ko. Si Ice yun alam ko.
Kahit di ko nakikita.
"Bat di mo na ayusin ngayon? Laki laki ng space. Tss." sabay irap ko kahit di naman niya kita.
"Ayokong makasabay ka sa pag-aayos." Ang arte nung mokong na to. Para namang may sakit ako na
nakakahawa.
At dahil sa hindi ko na matake na makashare sa isang lugar tong lalaking 'to, minadali ko na
ang pag-aayos. Nang makuha ko na lahat ng kailangan ko, tumalikod agad ako.
*tsup*
O___________O
First.. first kiss ko yun!! Wala na ang first kiss ko. Waaaaaa!!! At nag masaklap pa sa kaaway
ko pa siya napunta. Napakasakit sa damdamin nito. Hindi na virgin ang lips ko!!! Nakakaasar!!
Maski nga sa ex ko hindi ako nagpapakiss tapos sa walang kwentang Ice lang pala mapupunta first
kiss ko. Sira na buhay ko!! T______T
Matagal din kaming napatulala. Buti kami na lang tao dito kaya walang nakakita. Nang binalikan
na ko ng diwa ko, nakapagsalita na rin ako.
"WAAA!!! GRABE KA!!!! MANYAK!! MANYAK!!" mukha namang nagulat siya kasi sigaw na ko ng sigaw.
"Tumahimik ka! Ano ka ba! Baka may makarinig. Akalain pa na may ginawa nga ako sayo."
"AKSIDENTE MO MUKHA MO!! BAT BA KASI NAPAKALAPIT MO!! NAKAKAINIS NAKAKAINIS!" kasabay niyan ang
pagpalo ko ng pagpalo sa dibdib niya.
"Wag ka sabing -- aray -- maingay. Uy ano ba! Aray. Tumahimik ka." sabay pigil din niya sa
pagpalo ko sakanya. Pero di ako nagpapaawat.
O___________O
1..
2..
3..
4..
5..
"Sabi na kasing wag kang maingay. Aish." sabay kuha niya sa mga gamit niya at tuluyan ng
lumabas. Samantalang ako naiwang tulala dito.
Huhuhu. Wala na nga ang first kiss ko, wala na rin pati second kiss ko. At di na aksidente yung
pangalawa. Nagtagal pa ng 5 seconds yun. Kainis. Wala naaaaaaa! Lagot talaga yang Ice na yan
sakin. Maghintay lang siya.
Yannie's POV
"Hey Sab. Una ka na. Naiwan ko book ko sa pinagpraktisan natin kanina e. Kita na lang tayo sa
No Name. Bye!" sabay wave ko sa kanya at takbo pabalik sa pinagpraktisan namin sa Dance Club
kanina.
"BYE YANNIE!!" rinig ko pang sigaw niya kaya nagwave ulit ako.
Nang makarating na ko sa pupuntahan ko iniwan ko munang bukas yung pinto. Medyo sira kasi yun.
Baka malock pa ko dito ng di oras.
Nasan na ba yung libro ko? Ay ayun. Found it. Kinuha ko na yun at pagtalikod ko nakita kong may
tao rin pala sa room.
"Psh. Gwapo ko naman para maging bakulaw." at umupo siya sa sahig at sumandal sa wall habang
umiinom ng tubig.
Dahil nga kasi sa dance club kami, walang upuan or table sa room namin na 'to.
Pinakita ko yung book ko sa kanya, "Binalikan ko 'to. Bat ikaw andito pa?"
Tinuro niya yung bag na nasa sulok ng room, "Naiwan ko yung bag ko. Sanay kasi akong nasa
locker lang mga gamit ko kaya di ako nagdadala ng bag." tumango lang ako.
Akalain mo yun. Nagawa naming mag-usap ni Xander ng hindi nagsisigawan o hindi nag-aaway.
Xander at Yannie hindi nag-away? Bago yun ha.
"Nalock tayo. Bakit mo kasi sinara yung pinto? Iniwan ko ngang nakabukas kasi sira yan."
Lumapit naman siya sa pinto at pinihit din ang doorknob. Pinipilit niyang buksan pero ayaw
talaga.
"Wala. Stucked tayo dito." naglakad na siya pabalik sa pwesto niya kanina.
"Kailangan kong makalabas. 6:30 lang kami dapat nasa No Name. 5:10 na. Aish." lobat pa ko kaya
di ko sila matetext. :( Lumapit ulit ako sa may pinto at pinilit buksan yung pinto.
Nakaramdam na rin ako ng pagod kaya umupo na lang ako sa sahig. Yung ulo at likod ko nakasandal
sa may door at nakadiretsyo lang paa ko.
Tahimik. Wala kang maririnig kasi sobrang tahimik. Nakakabinging katahimikan. 6 na pero wala pa
ring nagsasalita samin. Wala rin naman ako balak kausapin siya. Tulog naman ata siya kaya
pumikit na lang din ako. Medyo tinatanggap ko pa na bukas kami makakalabas. T______T
"Bakit?" huh? Ako ba kausap nito? Ay malamang ako. Kami lang andito e. Stupid Yannie.
"Bakit mo ko nireject nun? Minsan lang kaya ako mag-aya sa babae." naaalala pa pala niya yun.
(a/n: Eto yung nasa Chapter 6)
"Psh. Nasagot ko na yang tanong mong yan." at sumandal na lang ulit ako at pumikit. Ang tahimik
kaya dumilat ulit ako. nagulat na lang ako kasi nasa harap ko na si Xander at naka indian sit.
Nakapatong pa siko niya sa tuhod niya at nakapalumbaba habang nakatitig sakin.
"I'm just wondering kung yung reason na sinabi mo dati ay totoo. That I'm cheap. A jerk.
Irresponsible."
"Inaamin ko jerk ako at iresponsable. Pero di ako cheap. May taste kaya ako." itsura niya
parang bata na nagpalaliwanag sa nanay niya. Hahaha.
"Hahahahahaha."
"Wag ka nga. Pero may iba pang reason no?" seryoso na ulit mukha niya. "Sa pagtanggi mo sakin.
Ano pa?"
"Kasi nasa matinong kaisipan pa ko. Kapag pumayag ako parang ang duwag ko naman ata. At unfair
yun sa mga kaibigan ko. Saka alam ko naman na saglit lang yun. Na dahil nga sa isa kang jerk,
ang inaalok mo sakin would probably last for a week. Or maybe days. Baka nga hours lang e. So
ano pang point di ba?" pwede ko namang di sagutin tanong niya pero pinili ko pa rin sagutin.
"Hahaha. Oo nga naman. Pero paano mo naman nalaman na baka maglast lang ang alok kong maging
akin ka for just a week? Or an hour?"
"Ayun lang?" seryoso na naman tono niya. Ano ba siya, ang bilis magpalit ng katauhan.
"Kasi lalaki ka. Mang-iiwan lang. Ganun naman kayo di ba? Mahilig mang-iwan?"
"Oo inaamin ko. Lagi akong nang-iiwan. Lagi akong nagpapaiyak ng babae. Pero paano kung may
seryosong lalaki at di jerk na tulad ko ang magtanong sayo kung pwede ka bang maging kanya. Ano
sasagot mo?" saan na ba napupunta usapan namin?
"Ano na ba pinag-uusa---"
"Sagutin mo na lang." makapang-utos to. -_____- Ni hindi ko nga alam kung bat ko siya
kinakausap kahit kaaway ko siya tapos ngayon uutus-utusan lang ako.
"Tss. Wala. Ayoko. Bakit? Kasi lalaki siya. Kasi iiwan din niya ako sa huli. Alam ko yun. Ganun
mangyayari. Ganun naman palagi ang mga lalaki."
"Wag mong itulad ang lahat ng lalaki sa akin o dyan sa nang-iwan sayo. Iba iba kami. Hindi
porket iniwan ka niya. Iiwan ka rin ng iba. Yung iniiyakan mo sa No Name nung sabado? Iniwan ka
niya di ba?" napatayo naman ako bigla at napatingin sa kanya.
"Iniwan ka di ba?" nangingilid na luha ko. Pag si Tom na kasi ang pinag-uusapan lagi na lang
akong ganto.
"Bat di ka makasagot? Sabi na e. Iniwan ka. Galing ko talaga. Sabi na mapapamin din kita sa
nangyari sayo nung sabado e. Kailangan pa palang makipagkwentuhan ako ng matino sayo bago ko
malaman na iniwan ka. Hahaha. Mukhang sating dalawa Yannie mas panalo ko. Oo nga't lagi akong
talo pagdating sa asaran o kung ano man. Pero sa totoo, ako ang panalo sating dalawa. Ako kasi
nang-iiwan. Ikaw iniiwan. Hahahaha." gago pala siya. Napakasama niya. Akala ko pa naman
nakikipag-usap lang talaga siya sakin. Yun pala maghahanap lang ng pang-asar sakin.
"OO NA! OO NA! AKO NA INIWAN. AKO NA INIWAN NIYA! At kahit kailan di na siya babalik!! Di na
siya makakabalik!! Ako na malas! Ako na!! Ako na iniwan ng lalaking mahal ko pero sigurado
akong di niya ginusto yun! Sino ba naman ang gustong mamatay ng maaga di ba?! Ngayong alam mo
na lahat.. MASAYA KA NA?!"
"Pero sating dalawa Xander di ako ang talo. Ikaw! Alam ko naman kasing minahal niya ko at ako
lang kahit iniwan niya ko. Pero ikaw ba? nagmahal ka na ba? Naging totoong masaya ka ba sa pagiwan iwan sa mga babae mo?!" di ko pa rin mapigilan ang pag-iyak ko.
Una nakayuko lang siya at biglang naglakad papunta sa may tapat ng pinto. Sinipa niya yun ng
sobrang lakas kaya bumukas bigla ang pinto.
"Kung tingin mo talo pa rin ako, nasisigurado ko na darating ang panahon, mananalo rin ako
Yannie." at tuluyan na siyang umalis.
*******************************************
[18] Chapter 17 - Other side of the story
*******************************************
Xander's POV
Nakatamabay kami ngayon kila Ken. Nagkayayaang mag-inuman e. Bihira lang 'to.
Nasa may kwarto kami ngayon ni Ken. Nakaupo lang kami habang nagjajam na rin. Naggigitara kasi
si Ken tapos kumakanta si Josh. Si Ice naman nakatahimik lang at ako nanunuod lang sa kanila.
"Kuha nga kayong pagkain sa baba. Damihan niya ha. Tingnan niyo rin kung may beer. Pag wala
bumili na lang kayo." utos ni Ken.
"Kami bisita tapos kami uutusan. Kami rin pinapabili. Bait mo rin." sagot ni Josh pero tumatayo
naman. Naglakad na siya papuntang pintuan pero huminto rin.
"Wala bang tutulong man lang sakin? Di ko kayang buhatin yun. :3" bakla ata to. Nagpout pa.
Hahaha.
"Taena Josh. Bading ka ba? Nakakakilabot ka." iritang sabi ni Ice habang kami ni Ken tumatawa
lang.
"Yes, Papa Ice. Baklush akes. Ano, sasama ka ba?" ipit na ipit ang boses. Hahahaha.
"Nakakadiri ka! Sasamahan na kita itigil mo lang yan." sabay tayo ni Ice at lumabas na nga sila
ni Josh habang naiwan naman kaming tumatawa ni Ken dito.
Oo marunong ako mag-isip. Anong akala niyo sakin? Tss. Pero seryoso. Iniisip ko kasi si Yannie.
Ay hindi. Mali pala. Iniisip ko ang nangyari sa dance club room. Ewan ko ba pero ginugulo pa
rin nun yung isip ko.
Parang nakonsensya ko sa sinabi ko sa kanya. Yung sa siya iniiwan tapos ako nang-iiwan. Hindi
ko naman kasi alam na iba pala yung term na 'iniwan' ang nangyari sa kanya. Akala ko naloko o
di kaya nagsawa yung lalaki. Yun pala sumakabilang buhay na. Sakit siguro nun.
Medyo nasaktan din ako sa sinabi niya sakin. Na siya yung panalo talaga kasi siya nagmahal at
minahal pero ako hindi ko pa nararanasan yun. Totoo naman kasi yun. Totoo ang sinabi niya.
Buong buhay ko di ko pa naranasan main-love. At sa pagkakaalam ko naman wala pa ring nagmamahal
ng totoo sakin. Marami lang babaeng umaaligid kasi nga sikat ako. Pero hindi nila ako mahal.
Sa totoo lang di naman ako nakipag-usap ng matino sa kanya para lang mang-asar. Nasabi ko lang
yun kasi baka kako isipin niya na natutuwa akong kausap siya. Kaya bago pa niya maisip yun,
nang-good time na ko. Pero totoo naman e. Natutuwa akong kausap siya. Ibang iba kasi siya sa
mga babaeng nakalandian ko. Ni hindi man lang niya ko type. Yung iba halos itapon na yung
sarili sakin tapos siya nirereject at tinatarayan lang ako. Pero dahil nga sa magkaaway kami,
di ko yun pwede maipakita sa kanya. Bakit ba kasi naisip pa namin yung Teen Clash na yan?
Banas!
Nung pagkalabas na pagkalabas ko nga nung room kahapon, dumiretsyo na ko sa No Name. Para
makapaglibang. Para di ko muna maisip sagutan namin ni Yannie.
Flashback..
Napaaga ako sa No Name. 8:30 pa kami pero 7 pa lang andito na ko. Napatingin naman ako sa may
stage. 3 lang silang tumutugtog. Malamang di na pupunta si Yannie.
Umupo ako sa may stool sa bar at umorder ng isang bote ng alak. Iinumin ko na sana pero may
kumuha. Si Manager pala.
"Maglalasing ka no? Magtigil ka. Tutugtog kayo mamaya." inalis ko na lang tingin ko kay Manager
at tumingin ulit sa stage.
"Ano problema?" tanong ni Manager. Tumalikod naman ako kaya sa may bar na mismo ako nakaharap.
Sabay hablot kay Manager ang alak ko. Bago pa niya mabawi ulit pinigilan ko na.
"Hindi ako maglalasing. Isa lang. At saka wala akong problema Manager. Iwan mo muna ko."
napabuntong hininga naman si Manager at umalis na.
Umiinom lang ako nang may marinig ako sa stage. Kaya napalingon ako agad.
"Good evening sa inyo. Pwedeng ako muna kumanta ngayon? Last song na naman to e. Pagbigyan niya
na ko. Sana po magustuhan niyo tong kakantahin ko." Si Yannie. Di ko inaasahan na papasok pa
siya.
Buong pagkanta niya nakatingin lang ako sa kanya. Hindi naman niya alam na andito ko. Damang
dama niya yung kanta. Habang kumakanta siya may narealize ako. Na sobra sobrang mali talaga ang
nasabi ko. Kailangan kong humingi ng sorry sa kanya. At parang.. Parang gusto ko siya tulungan.
Pero di ko alam kung paano.
"Girls, una na muna ko ha. Medyo di maganda pakiramdam ko. Sige, bye." agad agad naman siyang
umalis at iniwan akong nakatayo dun.
*End Of Flashback*
"HUY!"
"Ay Yannie!" baliw tong si Ken. Nanggugulat. Pero, Yannie ba kamo nasabi ko? Ako ata ang baliw
e.
"Anong Yannie? Ken pangalan ko. Kenneth Yu. At isa pa, lalaki ako. Kala ko pa naman masyado
kang nagandahan sa boses ko kaya ka napatulala dyan. Yun pala iniisip mo lang si Yannie. Pero
teka nga, bakit mo nga ba siya iniisip?" sabay lagay niya ng gitara sa gilid niya at tumingin
sakin na parang naghihintay nga ng sagot ko.
"Hindi masamang sumagot." sabi niya. Baka nainip na kasi di ako nagsasalita.
"Wag kang chismoso." at kinuha ko yung kakalapag lang niyang gitara at nagstrum.
"Aamin lang di pa magawa. Nakahanap kang katapat mo. Nako ikaw Xander. Type mo si Yannie no?
Wala yan pre. Di ka niyan papatusin. Mukhang man hater e. Ang taray taray pa. Parang laging may
dalaw."sabay sandal niya sa sofa sa room niya.
"Gago. Manahimik ka na lang dyan." sabay strum ko ulit ng gitara. Natahimik naman siya.
Pero sa totoo lang, kung type at type lang ang pag-uusapan, aba, oo naman. Type ko si Yannie.
Ganda niyang yun. At ang fierce pa. Pero kung tatanungin niyo kung gusto ko siya, di ko pa
alam. 2 weeks ko pa lang siyang nakikilala kaya siguro wala naman di ba? Pero nung umiyak siya
kahapon sa harap ko, at nalaman kong may ganun siyang pinagdaraanan, naawa na lang ako sa
kanya. Kaya simula ngayon ititigil ko na ang pakikipag-away sa kanya. Pero sa kanya lang.
*******************************************
[19] Chapter 18 - Girl in the music room
*******************************************
Ayumi's POV
Lumabas naman na ako ng kwarto ko at dumiretsyo na sa dining. Kumain lang kami saglit at
naghanda na para sa pagpasok ulit sa school.
"Uy Yannie. Sabay ako sa'yo. Nakakatamad kasi magdrive." tawag ni Zoe kay Yannie at nakangiti
pa ng malapad. Girl hyper talaga 'to.
"Sige."
"Uy kayong dalawa. Una na kami ha. See you na lang sa room. Bye!" kumaway pa ng kumaway sa Zoe
samantalang si Yannie tinanguan lang kami.
"Meron. Ang tamlay niya ngayon." sagot ko habang nakatingin pa rin sa daan.
"Oo nga. Dati kasi nagtataray lang siya. Ngayon parang ang lungkot lungkot niya."
"Sana makahanap na siya ng bago. Para maging masaya na siya. Saka sayang ang ganda ni Yannie.
Naging man-hater na siya e. Pakiramdam niya lahat ng lalaki iiwan lang din siya."
"Pero hindi naman ginusto ni Tom mamatay. Sana nga matuto ulit siyang magmahal. At sana rin
bumalik na siya sa mataray na Yannie. Di ako sanay ng di nagtataray yun e. At ganyang
katamlay."
"Sana nga. Pero babalik din yan sa dati. Kita mo nga si Zoe nung Thursday parang wala sa
katinuan, pero ngayon balik na sa pagkahyper." natawa naman si Sab sa sinabi ko.
Pero ano nga kayang nangyari kay Zoe last Thursday? Kasi para siyang ewan nun.
Flashback..
Nasa may parking lot na kami ni Sab at hinihintay lang si Zoe para sabay sabay na kami pumunta
sa No Name. Si Yannie kasi nagpaiwan na.
"Ang bagal talaga ni Zoe forever." sabi ni Sab habang nakasandal sa kotse niya.
Pero sobrang bagal ng lakad niya at nakayuko pa siya habang naglalakad. Naglakad na kami ni Sab
papalapit sa kanya at huminto sa may gilid niya. Pero siya tuloy pa rin sa paglakad. At parang
may binubulong pa. Sinabayan na namin siya sa paglakad.
"Uy Zoe." kinakalabit pa siya ni Sab pero wala pa rin hinto sa paglakad si Zoe.
"Zoe okay ka lang ba?" deadma pa rin. At bulong lang ng bulong. Medyo lumalakas na yung
lagsasalita niya kaya narinig na namin yung sinasabi niya.
"Wala na. First pati second wala na. At sa kanya pa napunta. Wala na." ayan lang ang paulitulit niyang sinasabi. Tumingin naman ako kay Sab, nagbilang gamit ang daliri ko.
1..
2..
3..
"Bumalik ka na rin sa katinuan. Ano ba yung sinasabi mong wala na? Yung first at second?"
"Wala. Tara na. Kailangan na tayo sa No Name. Bilisan niyo." tumalikod siya at naglakad na ulit
sa may left side namin. Pero kami ni Sab hindi gumagalaw sa pwesto namin. Nagkatinginan lang
kaming dalawa at nakakunot noo at tumingin ulit kay Zoe.
Lumingon siya ulit samin ni Sab. "Uy ano ba kayong dalawa. Tara na."
"Zoe kasi, mali yang pinupuntahan mo. Eto lang kotse natin." sabay turo ko sa kotse na nasa
harapan ko na. Agad agad naman siyang bumalik at sumakay sa kotse niya at iniwan kaming
nakatayo ni Sab dun.
"Ano nangyari dun?" nagkibitbalikat na lang ako at sumakay na rin sa kotse ko.
*End of flashback*
Nang makapark na ko ng kotse ko, pinauna ko na si Sab sa room. Parang feel kong maggitara at
kumanta ngayon e. Since maaga pa naman, dumiretsyo muna akong music room para magpiano.
Ken's POV
"Ano pre, makikita mo na si Yannie mamaya. Edi ang saya mo na." panunukso ko lay Xander.
Nakakatawa kasi pag naiinis na siya.
"Tae Ken! Wala ka bang balak tigilan ako? Yannie ka ng Yannie e di ko nga gusto yun." hahaha.
Kunot na noo niya.
"Pero type mo? Maganda naman siya. Yun nga lang mataray. At mortal enemy natin."
"Type na kung type. Maganda nga kasi. Pero di ako tataluhin nun."
"Hindi ko alam!! Hindi!! Oo, hindi nga!! Isa pa Ken!! Isa pa talaga, uupakan na kita.
Napakachismoso mo. Para kang babae."
Napahinto naman ako sa paglalakad. May naririnig kasi akong kumakanta. Ang ganda ng boses niya.
Lumingon naman sakin si Xander nung napansin niyang di na ko sumusunod sa kanya. "Nangyari
sayo? Tara na."
"Bahala ka nga dyan." at umalis na siya. Ako naman nakatayo pa rin sa gitna ng hallway. Parang
di ako makagalaw at nalunod na ko sa boses nang kung sino man na kumakanta.
[a/n: Pakiplay na lang po yung song sa gilid. And isipin niyo na lang sa Ayumi yung
kumakanta. :D ]
Masyadong masarap pakinggan ang boses niya. Kaya nung huminto siya agad naman akong pumasok sa
room kung san ko man siya narinig kumanta.
Pero wala. Wala nang tao dun. Malamang dumaan na siya ng back door. Nagbell na rin naman kasi.
Haay. Sayang. Sana nakita ko man lang kung sino may ari ng boses na yun.
Lumabas na lang ako ng room at pumunta na sa classroom. May teacher na pala. Kumatok na lang
ako.
"Mr. Yu. Late ka ata ngayon. Well this is the first. May I know your reason." salubong sakin ni
Ms. Rodriguez.
"Sorry po ma'am. Ano po kasi.." wala akong maisip na reason. Di ko naman kasi pwedeng sabihin
na 'nalate po ako kasi may narinig akong magandang boses ng babae kaya di ko napansin na late
na pala ko' kasi naman pagtatawanan lang nila ko. At ang babaw ng reason ko. Isa pa, babae yun.
May clash pa rin na nag-eexist sa school na 'to.
"Kasi?"
"Ah. Eh. Kasi.. kasi.. kasi po naflat yung kotse ko. Opo. Ganun po nangyari." pagsisinungaling
ko. Mukha namang naniwala siya.
"Okay. You may take your seat." pumunta na nga ako sa upuan ko at umupo na.
Pag-upo ko naman agad akong binulungan ni Josh. "First time malate ha. Haha. Palitan mo na yang
kotse mo."
"Hina mo Josh. Kahit kailan ka talaga. Halata namang di siya naflatan at nagsisinungaling lang
si Ken." singit naman ni Ice.
"E bakit ba?! Sa napaniwala niya ko e. Kung si ma'am nga naniwala sa alibi niya."
"Nangchicks yan mga pre." sabat naman ni Xander kaya napatingin yung dalawa sa kanya.
"Oh? Kung makatingin kayo ha." magsasalita na sana si Josh pero pinigilan siya ni Xander.
"Hephep. Itatanong mo kung paano? Kasi ganto yan. Kanina habang naglalakad kami sa hallway,
nagpaiwan siya bigla sakin. May nainig kasi siyang magandang boses."
"Oo. Hahaha. Halata ka kanina pre. Kaya nga iniwan na lang kita."
"Hala. Babae? Dito nag-aaral? Nako Ken. Alam mo naman na war ang babae at lalaki dito." - Josh
"Wag mo siyang pakialaman Josh. Ano naman kung may matipuhan siyang babae dito sa school
natin?" napatingin naman kaming tatlo sa nagsalitang si Ice. Nagulat lang kasi ako kasi okay
lang sa kanya na may matipuhan ako dito. Kasi sa pagkakaalam ko, ayaw na ayaw niya sa mga
babae. Lalo na mga babae dito sa Kingdom High. Okay pa sana kung sa ibang lalaki ko narinig yun
e. Pero kay Ice.. si Ice as in Ice. Weird.
"Okay lang talaga sayo na may matipuhan akong babae dito? Kahit maging girlfriend ko siya okay
lang din sayo?"
"Bakit? Bakit parang okay na lang sayo ngayon ang mga babae dito sa Kingdom High?" tanong ni
Xander.
"Wala lang. Wala naman akong sinabing okay lang lahat ha."
"Pero alam niyo okay lang talaga sa kanya kasi --- ARAY!" sabay tingin niya ng masama kay Ice.
"Bat ka ba nambabatok?!" tiningnan lang din siya ni Ice at bigla nalang nagpeace sign si Josh.
Okaaay? What was that all about? May secret ba ang dalawang to?
Nagdiscuss na ulit siya. Pero di ako makapagconcentrate kaya di ako makapakinig. Naaalala ko pa
rin kasi boses nung babae. Kailangan ko siyang makita. I need to find the girl in the music
room.
***********************************************************************************************
***********************************************************************************************
**************************
Author's Note:
Last update ngayong bakasyon. Weeeeee! Baka po medyo bumagal na pag-update ko kasi magpapasukan
na naman. Pero swear, I'll update once or twice a week. Kung sisipagin baka thrice pa. :))
BTW, sa dedication naman po, I'll just pick random readers tapos sa kanila ko na idededicate
yun.
Ayun lang. Thanks for reading and supporting my story. Love you people! :**
*******************************************
[20] Chapter 19 - Manager Ry
*******************************************
Josh's POV
Two months have passed. Ganun pa rin naman. Away-away. Pero this time hindi na masyadong
pagpapahirap ang ginagawa namin. Basta some things have changed. Ewan ko lang kung ano yun.
Pero the last two months medyo may something sa mga kaibigan ko e. Parang may mga problema.
Yung kay Ice, alam ko na problema nun. Hindi ko naman sinasadyang malaman. Basta, narinig ko
lang.
Yung kay Xander naman hindi ko alam. Medyo madalang na nga yang mangchicks e. Kung dati lagpas
10 babae niyan every week, pwes ngayon, lima lima na lang o mas kaunti pa sa lima kada week.
Minsan nga narinig ko pa yan nagsalita mag-isa. "I need to win. I know I'll win. Someday.. I
surely will." ayan yung sabi niya. Baliw ata tong lalaking to.
Yung kay Ken naman.. ewan ko rin. Pero malakas kutob ko na tungkol to dun sa babaeng nakwento
niya noon. Yung boses na maganda raw. Tinamaan ata siya sa boses nung babae. Problema niya kung
paano malaman kung sino may ari ng boses na yun.
"Woooo. Tagal nila." pagrereklamo ko. Sabado ngayon at nandito kami sa No Name. Hinahantay lang
yung apat na babae. May sasabihin daw na importante si Manager.
"Malapit na raw sila." sabi ni Manager. Isa pa 'to. Mukhang may problema rin.
"Bakit ba kasi pinatawag mo pa kami? Ano ba sasabihin mo? Game na Manager. Para makapaglaro na
kami ng basketball."
Siniko ko yung katabi kong si Xander, "Psst. Tingin mo bakit tayo tinawag ni Manager?"
"Aba anong malay ko? Magkakasama tayo nung nagtext siya kaya paano ko malalaman?"
Sabi ko nga wala akong mapapala sa kanya. Lumabas lang saglit si Manager. May aasikasuhin daw.
Mga ilang minutes lang bago lumabas si Manager, dumating naman yung apat.
"Ingaaay!" pambwibwisit ko sa kanya. Nagulat naman ata sila na kami ang inabutan nila at hindi
si Manager.
"Ay. Mali ata napuntahan natin. Nasa impyerno ata tayo." pagpaparinig ni Sab. Sabay tingin sa
direksyon ko.
"Hot-hotin mo mukha mo. Nasabi ko lang na nasa impyerno ko kasi may nakita kong demonyo."
"Urgg. Bigyan kaya kita ng cotton buds at linisin mo yang tenga mo! Panget ka na nga bingi ka
pa. Paano ka na niyan?" sabay tayo ko sa upuan. Pero syempre di totoo yung panget siya. Kasi
maganda talaga siya. Magandang maganda. Pang-inis lang. Masarap bwisitin 'to e.
"E kung bigyan kaya kita ng alcohol at ibuhos mo dyan sa mata mo! Panglinis lang. Panget ka
dyan! Ganda kong 'to sasabihan mo kong panget?" tumayo na rin siya sa upuan niya.
"Wooow. Confident ka masyado? E kung ikaw bigyan ko dyan ng alcohol para ibuhos sa mata mo."
"Ako ang unang nagbigay sayo ng alcohol kaya wag mo na kong bibigyan ulit nun!"
"Ikaw na nga binigyan ikaw pa magsasauli! Ibabalik ko na lang din sayo yung cotton buds na
ibibigay mo!!"
Nakatayo lang kami at sigawan ng sigawan. Hindi uso magpatalo ngayon no.
"Masyado ng walang konek ang pinag-uusapan niyong dalawa. Cotton buds at alcohol? Psh. Nakikita
niyo tong papel na hawak ko? Kung ipakain ko kaya sa inyo 'to para matahimik na kayo." - Yannie
Natahimik naman kaming dalawa at umupo na ulit sa upuan. Sigawan ka ba naman ng anim na tao?
Sabay sabay pa. At ipakain sayo ang papel? Mukhang ang iinit ng ulo ng mga to.
Bigla namang bumukas ang pinto at dumating si manager. "Oh. Andyan na pala kayo." sabi niya
kila Sab.
"Mukhang ang tahimik niyong walo ngayon ha. Himala ata at di sumabog tong office ko sa away
niyo. Hahaha." kung alam mo lang Manager.
"Aaaah. Eeeh."
"Ha? Ah. Oo naman. Hahaha. Syempre. Ayos. Bakit naman ako gugulo?" halata naman masyado si
Manager. Tss.
"Ah. Eh. Ano.. Mag-iinuman tayo. Hahaha." plastik ng tawa niya masyado.
"Manager tumigil ka nga sa kasinungalingan mo. Halata ka na. Bakit nga?" - Zoe
"Kasiiiii...."
"P*ta! Isa pa ha. Pabitin ka e. Kung wala kang balak sabihin, uuwi na lang kami." aakmang
tatayo na si Ice pero biglang nagsalita si Manager na ikinagulat naming lahat.
"I need to shut this bar down. Nalulugi na ko kaya isasarado ko na 'to. Wala na kong
ipapangsweldo sa mga tauhan ko."
Nanahimik lang kami. Walang nagsasalita. Halatang nagulat kaming lahat sa sinabi ni Manager.
Pero hindi pwede yun.
"Pa-paanong nalugi? Hindi ba marami ka namang customers? Okay naman di ba?" malungkot na tanong
ni Zoe.
"I don't know. Hindi ko rin alam kung paano. Sorry. Baka next month isara ko na 'to."
"I'll help you. I'll give you money. Para makabawi." prisinta ni Xander at napasang-ayon naman
kaming lahat.
"Nakakatuwa na gusto niyo kong tulungan. Pero hindi ko pwedeng tanggapin yang alok niyo. Pera
ng magulang niyo yang ibibigay niyo. Nakakahiya naman yun di ba? Haha. Ano ba kayo? Para namang
di na tayo magkikita kita kapag sinara ko na 'to."
"Manager..."
"Umayos nga kayo. Okay lang to no. Baka di lang talaga para sakin ang magkaroon ng sariling
bar. Sige na. Maiwan ko na kayo at tutulungan ko pang mag-ayos nga tauhan ko sa labas." sabay
lakad na niya papalabas ng pinto.
Wala pa ni isa sa min ang tumatayo at umaalis sa pwesto. Lahat nakatahimik pa rin.
"Pero Zoe, wala na tayong magagawa. Ayaw naman niya tumanggap ng tulong. Mahirap man para sa
kanya at para satin, pero kailangan na lang natin tanggapin yun." - Sab
"Kilala natin si Manager. Mahal niya ang bar na to. Masakit para sa kanya ang isara to. At
sigurado rin akong ayaw niyang masara ang bar."
"Pero anong magagawa natin? Ayaw niya tanggapin ang perang inaalok natin. Kesyo nakakahiya raw
sa magulang natin yun." - Xander
"Hindi ko alam kung ano ang magagawa natin pero kailangan nating mag-isip."
"Pera lang naman ng magulang natin ang ayaw niyang tanggapin di ba?" - Ice
"Huh?" - Zoe
"Ayaw niyang tanggapin yung perang inaalok natin kanina kasi hindi naman sa atin yun." - Ice
"Oo nga! Pero kung magbibigay tayo ng pera na tayo talaga ang naghirap, siguro naman di niya
magagawang tanggihan yun. At di rin natin siya hahayaang tanggihan yun." - Ken
"So you mean, magtratrabahao tayo para magkapera? Parang part-time?" - Yannie
"Oo." - Ken
"Pero anong trabaho naman niyan? Parang ang hirap naman maghanap." - Ako
"Right. We need to find a job as soon as possible. One month lang tayo di ba.." - Ayumi
Bigla namang bumukas ulit ang pinto at pumasok na naman si Manager. Labas pasok siya ngayon ha.
May kinukuha lang siya sa desk niya.
Nagpaalam lang kami kay Manager at lumabas na ng office niya. Nagpunta na kaming parking lot
para makauwi.
Dedicated po sa kanya yung story ko kasi.. wala lang. Nagagandahan ako sa story niya. "My Sweet
Revenge" yung title. Basahin niyo rin para masaya. :))
*****
Zoe's POV
Nakadukdok lang ang mukha ko sa desk ko habang nagtuturo pa rin si Ms. Rodriguez. Hindi ako
makapakinig ng maayos kasi iniisip ko pa rin kung paano matutulong si Manager. Kagabi pa ko
nag-iisip pero walang pumapasok sa isip ko. Hay.
"You may go. Class dismissed." napaangat naman ulo ko nung marinig ko yun. Break na. Baka
sakaling may pumasok na sa isip ko kapag kumain na ko.
Patayo na sana kami ng biglang huminto si Ms. "Nga pala. Lahat ng may kulang this quarter,
punta kayo sa office ko." oo nga pala. Wala akong research paper. Ngayon ko lang naalala. Tagal
na kasi nun. Nung June pa. E August na ngayon. [see Chapter 13.]
"Mr. Sarmiento, Ms. Sy at Mr. Hernandez. Kayong tatlo lang ang may kulang sa record ko. See you
after class." What? Ako pa kaya. Paano ako naging kumpleto? Ah. Itatanong ko na lang kay Ayu.
Siya naman leader namin noon e. Baka alam niya.
"Naaalala mo yung research paper natin? Yung kagroup ko kayo? Na gumawa tayo kila Ice?"
"Uhh. Kasi di ba umalis ako nung time na yun kasi hinanap ko si Yannie. Ahm. Nilista mo pa rin
ba ako sa members? Hindi kasi ako natawag ni Ms. kanina sa mga may kulang."
"Oo nakalista ka. Natapos mo naman kasi yung nakatoka sayo bago ka umalis nun." natapos?
Paanong natapos ko yun? Ang alam ko nga naka 3 page lang ako dun e. Paano nangyari yun?
"Girls, tara na. Gutom na ko." sabay akbay ni Sab saamin ni Ayu.
***
Sa Canteen...
Habang kumakain kami, nagplaplano na rin kami kung paano gagawin para matulungan si Manager.
"Iiih! Naman e! Kanina pa tayo mag-iisip dito. Okay na nga yang naisip ko." reklamo naman ni
Sab.
"Hindi nga pwede yan. Maghahanap ka ng ganyang trabaho? Secretary? Assisstant? Ganon? Ni hindi
pa nga tayo gumagraduate ng highschool. Akala mo naman makakahanap ka ng work na ganyan."
"At least hindi ako nagsasuggest ng kung anu-ano. Pinag-iisipan ko pang mabuti."
"Umayos nga kayo! Nag-away pa sa halip na mag-isip na lang." saway ni Ayu sa dalawa. Agad naman
silang tumahimik kaya napatawa ako ng mahina. Narinig naman ata nila yun kaya sinamaan ako ng
tingin nung dalawa.
"Haaay. Grabe! Nakakastress na ha. Paano ba 'to? Kanina pa tayo nag-iisip ng gagawin." - Ayu
Nagsuggest pa rin ng nag-suggest si Sab at nireject at nireject pa rin yun ni Yannie. Si Ayu
naman panay pa rin ang saway sa dalawa. Natigil lang kami ng may mga nagsi-upo sa table namin.
"So ano na plano?" tanong ni Ken na nilalapag ang tray niya sa table.
"Kanina pa nga rin kami nagtatalo talo pero wala pa rin." - Ken
"Wow. Nag-iisip ka na ngayon? Good for you." sabi ni Sab kay Josh kaya napatingin naman ng
masama si Josh kay Sab.
"Subukan niyong magbangayan dito. Siguradong lilipad kayong dalawa sa ibang table." banta ni
Ice kaya agad hindi na nga nagtalo yung dalawa.
"Pero wait nga lang. Bakit ba tayo nag-iisip ng magandang pag-aapplyan? Wala na tayong time
para magpaka-choosy. Maghanap lang tayo ng kahit na anong matinong trabaho na makakapagbigay ng
matinong sweldo. Part-time lang naman 'to." sabi ko.
"May point ka dyan. Tama nga naman. Wala na tayo sa posisyon mamili." pagsang-ayon ni Ayu.
"We need to find a job asap. Kaya maghanap na tayo this weekend. Game?" tanong ni Yannie.
"Mukhang masasabak ako sa pagtitipid nito ha. Pandagdag na rin sa ibinigay kay Manager. Hindi
na muna nga ako magbabar para makatipid." - Xander
"Ako rin. Hindi muna ko magshashopping at bibili ng kung ano ano." - Ako
"Suggestion ko lang para makatipid. Kasi di ba may kanya kanya tayong sasakyan. What if ngayon
2 cars na lang ang gamitin. Para na rin makatipid at di na magpagas."
"Okay. Weekly na lang palitan. Like, this week, ako. Next si Xander. And kaming boys ang
maghahatiran since hindi naman namin alam ang bahay niyo." - Ice
"Okay lang din samin. We live in one house lang naman kaya hindi kami mahihirapan." - Ako
"Wow. Sa iisang bahay lang kayo? Ang cool. Ano yan, pati parents niyo kasama niyo?" - Xander
"Nope. Kami kami lang. Pero parents namin nagbabayad ng sa electricity, tubig pati sa mga
helpers namin." - Sab
"Ngayon ko lang nalaman na nasa iisang bahay lang pala kayo." - Ken
Nagkatawanan naman kami dun. Oo nga no. Ngayon lang kami nag-usap usap ng walang halong
bangayan. At nagshashare pa kami sa iisang table ngayon sa canteen. This is new.
"End of the world na ba?" napatigil naman kami sa pagtawa at napatingin sa babaeng nagsalita.
Si Ashley pala. Nakatayo sa tapat ng lunch table namin at nakapamewang pa. Tapos tinuro turo
niya kami.
"Kayo. Kayo. Kayo. Kayo. Lahat kayo. Anong nangyayari at nagtatawanan kayo?"
"Ha? Bakit Ashley? Masama na bang makipagtawanan sa mga 'to?" sabay turo ko sa apat na lalaki.
"Hindi naman. Pero parang.. ang weird. Ang leader ng boys and girls ng Teen Clash, naging
friends bigla?"
"Little sis, wag ka ng maweirdan diyan. Ikaw lang nag-iisip niyan." sabi ni Ice
"Woah? Excuse me Kuya. Pero FYI, di lang ako. Marami kami. Look around." sabay ikot ni Ashley
ng pointing finger niya.
Tumingin naman kaming walo sa mga tao sa paligid. Ngayon ko lang napansin, lahat pala sila
nakatingin sa table namin. At walang mga nagsasalita. Kami lang pala ang maingay sa canteen
kanina pa.
"Ooops. Mukhang na-weirdan nga sila." bulong ni Ayu nung nagkaharap harap ulit kami.
Pero dahil sa mga reaksyon nila, ewan ko ba bigla na lang akong natawa. Na sinundan din naman
ng tawa nung pito.
"Hey! Ano nakakatawa? :3" natigilan na namin kami at napalingon sa nakapout na si Ashley.
Tumayo naman ako at inakbayan siya, "Alam mo kasi Ash, may himala rin namang nagaganap
paminsan-minsan. Parang ngayon lang, nagsama sama kaming walo sa iisang table at di man lang to
sumabog."
"Pero Ate Zoe, bakit ba kasi bati na kayo nila Kuya Ice? Uy Kuya, bakit? Ano nangyari?"
nginitian lang ni Ice si Ashley at biglang tumayo sa may upuan. Pahaba kasi upuan dito. Yung sa
isang upuan kasya limang tao. Infairness, bihira ko lang siya makita ngumiti. Ang gwapo
pala. :"> Landeee mo Zoe. Magtigil.
"Excuse me!!" sigaw ni ice habang nakatayo pa rin sa upuan niya. Lahat naman ngayon ay
napatingin sa kanya.
"Kilala niyo naman siguro ako. Gusto ko lang sana i-announce na simula ngayon..
Teen Clash won't exist anymore." nanlaki mata ng mga nanunuod maski yung mga kasama namin. Pero
di ko alam kung ano sumapi sakin at bigla na lang akong napangiti.
"Kaya simula rin ngayon, pwede na makipagkaibigan ang boys sa girls. And I just want to
apologize sa lahat ng girls. Sorry." woah. Doon ako nagulat. It takes so much courage para
magsorry ka. Kasi once na mag-apologize ka parang inamin mo na rin na ikaw ang mali. I salute
Ice for that.
Lumapit naman ako kay Ice, parang alam na niya yung gagawin ko kasi inabot niya yung kamay niya
sakin. Kinuha ko naman yun at tumayo rin sa upuan.
"Agree ako sa sinabi ni Ice. It will be better kung itigil na natin ang clash. Kaya sorry na
rin sa lahat ng boys." sabay yuko ko pa. Pagtaas ko ng ulo ko ganun pa rin reaksyon nila. Maski
nung mga kaibigan namin. Napatingin naman ako kay Ice at nakatingin din pala siya sakin. Kaya
nginitian ko na lang siya.
Tumayo naman bigla si Xander at lumapit samin ni Ice. "That was unexpected. Pero astig. Haha.
And hindi ako tutol sa sinabi niyo."
Nang medyo nagsink in na siguro sa iba yung sinabi namin ni Ice, nagtalunan at nagsigawan naman
ang ibang estudyante. Halatang lahat ay masaya sa desisyon ni Ice na itigil na ang clash.
Bumaba na kami at bumalik na sa pwesto ko. Agad naman akong niyakap nung tatlo at parang
pakiramdam ko kako bumibigat yun pala nakayakap na rin yung apat na lalaki sabay sigaw nila ng
"GROUP HUG".
"Hoy. Tama na. Layo na nga. Tsansing kayo e." sabi ni Sab.
"Hoy Sab. Wag kang feeling dyan. Si Zoe, Yannie at Ayu willing pa ko tsansingan. Pero ikaw?
Nevermind!"
At nagbangayan na naman po ang dalawa. Wala na ngang clash pero may sariling clash yang
dalawang yan e. Hindi ata sila mabubuhay ng hindi nag-aaway. Hahaha.
"Grabe!!! Ano ba talaga nangyari at nagkaganyan kayo? Pero infairness, I love your decision."
andito pa pala si Ashley. Hahaha.
"Wait! Kuyas and ates, don't tell me kaya niyo naisipan i-stop yung clash kasi yung leaders ay
may affair na. Tama ba Ate Zoe and Kuya Ice?"
O__________O
"SHUT UP AHSLEY!" sabay na sigaw namin ni Ice. Pinagtawanan lang kami nung anim.
"Okay. Okay. Tatahimik na. Hindi na kayo mabiro oh. At talagang sabay pa kayo sumigaw. Duet
lang? Concert to? Sumali pa kayo sa contest na gagawin next next next week. Dun kayo sa mga
magduduet." sabi lang niya at naghair flip sabay walk out.
Tuksuhin ba naman ako kay Ice. Sus. Pero pwede na rin. Gwapo naman siya. Haha.
"Wala akong naintindihan sa sinabi ng kapatid mo Ice. Nagkasabay lang kayo sa pagsasalita
pinapasali na agad kayo sa contest. Hahaha. Weird.. Contest? Psh. Ano namang mapapala natin sa
contest na yan." litanya ni Josh sabay inom sa coke niya na nasa can.
"CONTEST NGA!!!"
***
A/N: Sino po may twitter dyan? Tweet tweet tayo. :P :))
*******************************************
[22] Chapter 21 - Walking in the rain
*******************************************
Zoe's POV
Nakapaikot ngayon ang chairs namin. Last subject na namin ngayon at hindi naman kami inattendan
ng masipag naming teacher.
"First, hahanap tayo ng part time job. Lahat ha. And second, we'll submit an application form
para sa contest sa bayan." sabi ni Ayu while counting with her fingers.
"We'll meet sa sabado at 9am para mahaba ang time sa paghahanap and then may dalawang
magsusubmit ng form. Pero we need to decide what to do about sa contest." dagdag pa ni Ken sa
sinabi ni Ayu.
*kriiiiiiiiiiiiiing*
Agad agad naman naglabasan ang mababait kong kaklase. Super energetic ng lahat ngayon. Parang
first day of school lang e. Getting to know stage na ang boys and girls.
"Una na kayo. May naiwan ako sa locker." sabi ko sa tatlo. Nagpaalam lang sila sakin at nauna
na.
Nang makuha ko na ang kukunin ko, naglakad na ulit ako papalabas ng building. Kaya lang kung
sinuswerte ka nga naman, biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"Ugh. Wala pala akong payong." bulong ko habang kinakalikot bag ko.
Nakatayo lang ako dun at hinihintay humina ang ulan. Sa kasamaang palad, ilang minuto na kong
nakatayo pero mukhang mas lalong lumalakas lang yung ulan.
Kung hihintayin ko pang tumigil 'to, baka abutin na ko ng dilim sa school since 5:30 na. No
choice, mukhang tatakbuhin ko na lang ang parking lot.
3..
2..
1..
TAKBOOOO!
Waa. Basang basa na ko. Bakit ba kasi sa dulo pa ko nagpark. Lamiiig. Nakasakay na ko ng kotse.
Dapat pala naglalagay akong extrang damit sa car ko. Bat ba kasi nasa locker room ang extrang
damit ko. Tss. Makauwi na nga lang.
"Sh*t! Bakit ba ang swerte swerte ko?!" sigaw ko sa sarili ko at pinalo ko yung manibela.
Ayaw magstart ng car ko. Nasiraan pa ata ako. Itetext ko sana sila Ayu para magpasundo kaya
lang wala sakin phone ko. Pinahawak ko nga pala kay Sab. Could this day get any better? Wow.
Just, wow!
Commute ako ngayon. No choice kaya bumaba na lang ako ng kotse ko. Di na rin ako nagtangkang
tumakbo since basa na rin ako. Kung tatakbo ako, para saan pa di ba?
Lakad lang ako ng lakad habang nakayuko ng naramdaman kong parang hindi na ako nababasa. Pero
umuulan pa rin naman. Anyare?
"Wala ka sa music video or movies para magsenti sa ilalim ng ulan." napahinto at napatingin
naman ako sa nagsalita na siya ring nagpapapayong sakin. Kaya pala di na ko nababasa.
"Senti ka dyan. Wala lang talaga akong payong, okay?" sabi ko kay Ice. Yes. Si Ice yang
nagpapayong sakin.
"Commute. Tinotopak car ko." sabi ko at naglakad na ulit. Pero hinila niya braso ko at
kinaladkad ako. Huminto kami sa tapat ng kotse.. niya? "Sakay."
"Huh?"
"Sakay ka na kako. Bingi." psh. Narinig ko naman sinabi niya e. Makabingi 'to. Masungit pa rin
talaga. >.< Sumakay naman ako. Sabi niya sumakay daw, edi ayan. Umikot lang siya at sumakay na
rin.
"Oh." sabay abot niya ng tshirt na kinuha niya sa likod ng kotse niya.
"Suot mo malamang. Basang basa ka na." tiningnan ko lang siya. Mabait din pala siya. :))
"Wag kang tumingin ng ganyan. Di porket okay na tayong lahat ibig sabihin nag-aalala na ko
sayo. Ayoko lang konsensyahin ako kapag nagkasakit ka. Mamaya sisihin pa ko ng mga kaibigan mo.
At isa pa baka kasi pahinaan mo aircon ko dahil sa giniginaw ka na, e hindi naman ako sanay ng
mahina yan." wala naman akong sinabi ha. Adik pala 'to e. Ang sungit pa rin.
"Ano pang ginagawa mo diyan? Baka gusto monhg bumaba at magpapalit ako." sabi ko sa kanya.
Nakaupo pa rin kasi sa driver's seat.
Bumaba naman siya at nagpayong na lang para di maulanan at tumalikod. Nagpalit na ko ng damit.
Ang laki naman pala ng damit na 'to. Sabagay tshirt ata niya to.
"Address mo?"
"Huh?"
"Huh ka ng huh. Address mo kako. Ihahatid na kita. Pero kung ayaw mo okay lang din naman. Sige
lang at bumaba ka na ng kotse ko at maglakad sa ilalim ng ulan at humanap ng taxi o jeep o bus
na masasakyan." sinabi ko naman agad ang address ko. Ayoko ngang magcommute sa ganyang panahon.
Kung umaaraw lang kanina pa ko bumaba dito.
Drive lang siya ng drive habang ako nakatingin lang sa labas. Lakas pa rin ng ulan. Pagpatak
lang ng ulan maririnig mo ngayon dito. Ang tahimik kasi masyado. Wala naman nagsasalita samin.
Hindi rin nakabukas yung radio.
"Hindi."
"Personnel? Janitress?" napatingin lang siya sakin nun pero binalik din naman niya tingin sa
daan.
Pinukpok ko naman ulo ko, "Shunga mo lang Zoe. Yaman nilang yan tapos janitress? Daming pwedeng
isipin yun pa." sabi ko sa sarili ko.
"Ayoko nga. Wag mo kong utuin." napapout naman ako dun at sumandal na ulit sa upuan ko. Pero
ilang saglit lang, humarap ulit ako sa kanya.
"Principal."
Napapreno naman siya bigla, "Sh*t! Wag ka ngang sumigaw! Nakakagulat ka."
Hindi na ulit ako nagtanong nun. Highblood ata siya ngayon. Kanina tumawa pa ng konti tapos
ngayon sumisigaw at nakakunot noo na naman.
"Okay." bumaba na ko ng kotse pero bago pa makaalis si Ice, kinatok ko muna yung kotse niya.
Binaba naman niya yung window sa passenger seat. Medyo nagbend ako at sinilip siya.
Yannie's POV
"Girls!! Tara na!! Male-late na tayo!!" sigaw ko sa tatlo. Napakatatagal kasi. Ni hindi na nga
kami nakapagbreakfast. Mga nalate kasi kami ng gising. Hindi naman kami nagising ni Manang kasi
kinuha siya ng daddy ni Zoe. Dun na raw si manang para raw matuto naman kaming maging
independent talaga.
Bumaba na si Sab at Ayu. Halatang mga nagmadali lang kasi mga di pa nagsusuklay. So si Zoe na
lang ang hinihintay.
"Ang bagal talaga ni Zoe kahit kailan." sabi ni Sab habang nagsusuklay na.
Inakyat ko na nga ang kwarto niya. Wala ng katok katok. Bukas agad ng pinto.
Aba't nakahiga pa pala ang bruha. Nakatalukbong pa ng kumot. Aish. Kahit kailan talaga 'to.
"Zoe. Uy. Gising. Late na kaya." niyugyog yugyog ko siya pero nakatalukbong pa rin sa kamot.
Tinanggal ko yung kumot at niyugyug ko ulit siya.
"Zoe naman -- Teka. Huy. Okay ka lang?" sabay salat ko sa noo niya. Ang init. Nilalagnat pala.
Kasi naman nagpaulan daw siya kahapon.
"May lagnat. Mauna na kayo. Hindi na lang ako papasok para maalagaan to."
"Uy hindi. Ako na lang. Ako na lang magbabantay sa kanya." singit naman ni Sab at nakataas pa
ang isang kamay. Ano to? Recitation?
Nagtalo talo lang kaming apat dun. Sigawan kung sino magbabantay kay Zoe.
"Tumahimik nga kayo. Nakakastress kayong tatlo." natahimik naman kami at natingin kay Zoe na
umupo na sa kama niya.
"Kaya ko ng mag-isa. Hindi naman malala to. Lagnat lang naman. Sige na. Alis na kayo."
"Kaya ko na kasi. Kapag di pa kayo pumasok sisipain ko talaga kayo palabas ng bahay. Go na.
Shoo!"
Sa lahat ng may sakit siya lang yung ganyan. Kahit hindi naman gusto, umalis na nga kami at
iniwan siyang mag-isa. Uuwi na lang ako ng maaga mamaya para maasikaso siya.
Nang makarating na kaming school saktong kakarating lang din nung apat na lalaki. Sumunod nga
sa usapan na isang kotse lang gagamitin.
"Good morning!" bati nila samin. Hindi pa rin ako sanay na hindi sila kaaway. Mamimiss ko tuloy
awayan namin. :(
"Hindi naman ikaw tinatanong ko." ayan na naman po sila. Nagbabangayan na naman. Hindi ata
mabubuo araw nila ng hindi nag-aaway. At never pa sila nagkasundo. -____-
"Isa pa. Sige. Subukan niyong dugtungan yang sagutan niyo. Tatapalan ko ng tape yang bunganga
niyo." banta ni Ken kaya napatikom ng bibig yung dalawa na naging dahilan ng tawanan namin.
"Kasi naman. Tsk. Oh, YANNIE, nasan na nga ba si Zoe? Nauna na pumasok sa loob?" tanong ulit ni
Josh.
"Bakit?"
niya?"
"Teka. Teka. Bakit kapag si Ayu sumasabat okay lang? Tapos kapag ako hindi na? Aba. Sumusobra
ka na bakulaw ka ha. May discrimination na nagaganap dito." sabi ni Sab kay Josh. Nako po. Eto
na naman kami. -___-"
"Mabait mo mukha mo! Tatandaan mo 'to bakulaw ka ha!! Hindi ako magpapakabait sayo!! Mag-away
na tayo lagi kung ganun din lang."
"Talagang talaga!"
Bangayan pa rin ng banagayan yung dalawa. Nakakarindi na. May kinuha si Ken sa backpack niya at
tinapal sa bunganga nung dalawa. Finally! Katahimikan.
Nakakatawa tuloy ngayon mukha nung dalawa. Parehong may packaging tape sa bibig. Subukan lang
nilang tanggalin yan. Hahaha.
"Mabalik na tayo. Sino nga pala kasama ngayon ni Zoe dun?" tanong ni Ken.
"Uhh. Ano.. wala. Kasi kinuha na ng dad ni Zoe si manang. Matuto raw kami mag-isa." sagot ko
sabay kamot sa ulo.
Bago pa may sumabat, dinugtungan ko na yung sinabi ko, "She wanted us to go to school. Ayaw
niya kasing umabsent kami. Ganun kasi siya. Ayaw niya ng may naaabala."
Nag-ring naman bigla yung phone ni Ice kaya napatingin kami sa kanya. Sinagot lang niya yun at
walang salitang pumunta sa kotse niya at umalis.
"Ano nangyari dun?" tanong ni Xander habang nakatingin pa rin sa umaandar na sasakyan.
Nagkibit balikat na lang kami kasi di rin namin alam. Nasaniban ata si Ice. Si Josh naman gusto
atang magsalita.
"Tumahimik ka na lang dyan. Tara na lang sa loob." saway ni Ken at pumasok na nga sa loob ng
campus. Sumunod naman kami sa kanya pero nakakailang hakbang pa lang ako nang may humawak sa
braso ko at hinila ako.
"O-oy. Ano ba?! Xander!!" sigaw ko kay Xander na humihila sakin. Pilit kong kinakalas yung
pagkakahawak niya pero hindi ko makalas.
"Hindi. Sorry sa nangyari two months ago. Sorry sa mga sinabi ko sayo. Hindi ko naman alam na..
na ganun pala ang pinagdaanan mo. Basta sorry kung nasaktan ka man sa mga sinabi ko." naaalala
pa pala niya ang nangyari two months ago. Nung nakulong kami ng room at kung ano ano sinabi
niya sakin.
"Okay lang. Ano ka ba. Two months ago na yun." sabi ko sabay palo pa sa kanya. Totoo naman
kasi. Nasaktan ako sa mga sinabi niya nun. Kasi naman pagdating sa ex kong si Tom ang fragile
fragile ko. Pero napatawad ko na siya kahit di pa man din siya nagsosorry.
"Talaga? Thanks!" sabi niya na ngiting ngiti ng sobra at bigla akong niyakap. Hindi naman ako
nakapalag nun. Napansin naman ata niyang nagulat ako sa pagkakahug niya kaya bumitaw na rin
siya.
"Okay lang. Tara na. Malelate pa tayo nito." naglakad na ko. Kasi late na talaga kami.
"Yannie.." tiningnan ko naman siya. Hindi pa rin pala siya umaalis sa pwesto niya.
"Bakit?"
"Be my girlfriend."
O________O
A-ano raw? Girlfriend? As in kasintahan? Katipan? Kabiyak? Kapares? Ganun? Anong nakain nito?
"H-ha?"
Naglakad na siya papalapit sakin. "Sabi ko, be my girlfriend. Two months lang naman." Huh? May
expiration date? Naaning na talaga tong lalaking to.
"Huy wag mo ko pagtawanan. Seryoso ko. Sige na. Two months lang naman. Please?" pinagdikit pa
niya yung hands niya and nagpuppy eyes.
"Para sayo din naman kasi to. Saka, sige na nga. Para sakin na rin. Para makabawi ako sa sinabi
ko sayo two months ago."
"Paano naman magiging para sakin yan? Saka okay na nga atraso mo sakin di ba? Kaya hindi na
kailangan niyan."
"Eeeeeh. Sige na Yannie. Kasi never pa naman kita nakitang masaya. Kaya para sayo rin to." para
talagang bata kahit kailan.
"Hoy Mr. Evans! Sino nagsabi sayong hindi ako nagiging masaya? Masaya naman ako ha."
"Masaya ka? Hmm. Siguro nga. Pero hindi ka masayang masaya. Kapag pumayag, promise
papaligayahin kita." papaligayahin? Bakit parang kinikilabutan ako sa term na yun?
Natahimik na lang ako. Kasi naman papaligayahin talaga dapat gamitin na word? Parang.. parang..
"Itigil mo lang yang iniisip mo. Saya na lang. Papasayahin. I'll make you happier."
"Ayoko nga."
"Please."
"Ayaw."
Pero ano raw? In love? Sa kanya? Magaling magjoke talaga to. Hahahaha.
"Bakit ayaw mong pumayag? Ayun lang naman ang naiisip kong dahilan." hinahamon talglaga ko ng
lalaking to ha.
Huminga muna ko ng malalim. "Fine! Payag na ko pero dapat may rules. Seven rules." nangiti
naman siya bigla.
"Yannie naman. Saan ka nakakita ng magbfgf na walang physical contact?" kunot noo pa siya.
"Okay fine. Pwede holding hands and hugs. Anything beyond than that is a no no."
"Ugh. Pero hindi sa lips. To make it clear.. Rule # 1, pwede holding hands, hugs and kiss. Pero
bawal sa lips."
"Kj. Tss. Rule # 2. Magdedate tayo at least once a week." sinulat pa niya sa papel yun. Ngayon
ko lang napansin na may hawak pala siyang paper and ballpen.
Binitiwan naman niya yung hawak niya at humarap sa akin. "Seriously?! How about sweetie? Honey?
Love? Wifey? Mahal? Baby? Bhie? Babe?"
"Wala nga di ba. Reklamo ka ng reklamo sa rules ko. Sisipain na kita dyan e."
Nagpout naman siya, "Oo na nga. Rule # 4. Dapat WALANG makakaalam na fake lang tayo. Kahit
friends pa natin yan."
"Rule # 5. Hindi pwedeng mambabae or manlalaki hanggang di pa natatapos ang two months."
"Selos mo mukha mo. Teka nga. Kanina pa talaga yang side comments mo ha. Isa pa.. isa na lang
talaga."
"Sorry naman. Rule # 6. Sa loob ng two months, you should not think about your ex. Hindi mo
ulit siya pwedeng iyakan. Hindi mo rin ako pwedeng i-compare sa kanya."
Medyo kinilabutan ako sa kanya nun. Seryosong seryoso kasi siya sa pagkakasabi niya habang
nakatingin sa mga mata ko. Agad ko naman iniwas tingin ko.
"O-okay. W-walang comparison na magaganap. Rule # 7. Hmm.. Ano ba? Ah! Alam ko na. Kung sa two
months na yun, mainlove o may magustuhan man tayo, dapat magpretend break na tayo since nasa
pretend relationship tayo."
Xander's POV
"Mr. Yu and Ms. Kahn. Please meet me at the faculty room. And class.. you're dismissed."
Woooo. Eto lang talaga hinihintay ko. Ang mag-uwian. Half day lang pala kami ngayon. Buti na
lang.
Nag-aayos na ng gamit nila ang mga kaklase ko at lumabas na muna si Ken at Ayu para puntahan si
ma'am. Ako naman pumunta na kay Yannie.
"Ha?"
"Kakain tayo? Sige sige. Tara. Gutom na ko." epal nitong si Josh. Si Yannie lang niyayaya ko e.
Panirang kaibigan. >.<
"Psh. Patay gutom." sino pa nga ba ang magsasabi niyan? Edi ang "bestfriend" niyang si Sab.
Dinuro ni Josh si Sab, "Hoy ikaw nga Sabrina e manahimik dyan. Hindi naman kita kinakausap.
Bakit ka sumasabat?"
Nagpameywang naman si Sab at tinaasan ng kilay si Josh, "Ikaw ang wag sumabat! Ikaw ba
kinakausap ko? May sinabi ba akong patay gutom ka Josh? Wala naman di ba?! Patay gutom lang ang
sinabi ko!"
"Aminado ka naman? Edi ikaw na nga. Gusto mong ikaw e." kalmadong kalmadong sabi ni Sab.
Ginulo naman ni Josh ang buhok niya at lumayo na lang kay Sab. Talo ang loko. Hahaha.
Matapos naming manuod ng live show starring Sab and Josh, humarap na ulit ako kay Yannie,
"Yannie? Tara na."
"Uhh. Kasi uuwi akong maaga ngayon. May sakit si Zoe di ba? Wala pang kasama yun."
Nagulat naman ako ng biglang umakbay samin ni Yannie si Josh, "Sus. Wag niyo na isipin yun.
Sigurado akong nasa mabuting kalagayan ngayon si Zoe."
"Tss. Basta ayos lang yun. Alam ko. Promise!" taas pa niya kamay niya.
"At dahil sa ikaw ang nagsabi niyan Josh.. di ako maniniwala. Kaya Yannie, tara na." si Sab na
naman.
"Grabe ka makapagsalita. Kanina ka pa ha! Bahala ka! Kala mo naman nagsisinungaling ako."
inirapan lang ni Sab si Josh.
"Hintaying lang natin si Ayu." sabay upo ulit ni Yannie sa chair niya. Kaya ayun, sumunod naman
kaming tatlo.
"Bakit kayo pinatawag?" tanong agad ni Sab pagpasok na pagpasok nung dalawa.
"Kasali kayo? Sus. Panalo na kayo niyan walang duda. Kayo pinakamatalino sa school e." - Ako
"Ha?" - Yannie
"Waaaa. Kaya niyo yan. Goodluck sa inyo." sabi ni Sab habang tumatalon.
"Kaya niyo yan. Goodluck." sabay tayo ni Yannie at tinap ang shoulder ni Ken at Ayu.
"Nga pala, una na kami ha? Next time na lang tayo kumain sa labas." dagdag pa niya.
"Okay. Pero sayang naman. Kala ko pa naman sabay tayo ngayon maglalunch Yannie. :3"
"HA?" sabay sabay na taning nung apat. Siniko naman ako ni Yannie. Sus. Makapagreact naman mga
to. Sabay lang kumain e. >.<
"Sa amin na lang tayo maglunch. Kaya lang baka magutom kayo kasi syempre magluluto pa tapos
---"
"Teka! Wala tayong sasakyan. Umalis si Ice dala yun di ba?" tanong ko.
"Oo nga pala. Saan ba kasi nagpunta yun? Umabsent pa e andito na kanina." - Ken
"Kasya naman tayo sa kotse ni Yannie. Dun na lang. Magko-commute nga lang kayo pauwi." - Sab
Yeah, yeah, yeah. Mapupunta ako kila Yannie. Mapupunta ako kila Yannie.
"Ayos lang sakin. Sa inyo ba?" Pacool kong sabi kahit sa totoo lang e tuwang tuwa ako.
"Okay lang din. Pero sure naman akong di tayo magcocommute pauwi e. Tara na." sabay lakad
palabas ni Josh kaya di na namin siya natanong kung ano mga pinagsasabi niya. Kanina pa yan e.
Kung anu-ano sinasabi.
20 minutes away lang pala tong kila Yannie kaya nakarating na rin kami agad. Ang ganda ng bahay
nila. Malaki pa.
O__________O
"Yaaaaniiie. Wala si Zoe sa kwarto.. niya." at halatang gulat na gulat din si Sab sa nakita
niya. Mahina na ang pagkakasabi niya sa word na "niya".
Sino ba naman ang di magugulat kung makita mo ang kaibigan mong may sakit na nasa may dining
room at tawa pa ng tawa. Pero hindi naman siya tumatawang mag-isa.
***
Ken's POV
Napahinto naman sa pagtatawanan ang dalawa at napatingin sa direksyon namin. Mukhang nagulat si
Ice na makita kami samantalang si Zoe ay nginitian pa kami.
"Oh hi! Andyan na pala kayo. Ang aga niyo naman. And you even brought the boys here. Naglunch
na ba kayo? We cooked food. Maramirami rin to." sabi niya at tumayo sa kinauupuan niya. Baka
kukuha ng pagkain or maghahain.
Natigilan naman siya at lumingon ulit sa amin, "What's wrong with you guys? Mukha kayong ewan
dyan. Nakatayo lang kayo and you're not even talking. Umupo na kaya kayo dito. Ayos lang ba
kayo?"
Nagkatinginan naman kaming anim na nakatayo at umupo na rin naman sa may dining chair.
Samantalang yung tatlong babae ay nag-offer ng tulong kay Zoe.
After nila maghain, umupo na rin sila at nagsimula ng kumain except kay Zoe and Ice. Kakatapos
lang kasi ata nila.
"So.. What did I missed guys?" tanong ulit ni Zoe at pambabasag na rin ng katahimikan.
"Si Ayu and Ken isinali sa quiz bee. Quiz bee para sa buong region." sagot ni Yannie.
"Talaga? Wow. Congrats! And goodluck na rin. Alam ko namang kaya niyo yan." at binigyan niya ng
ngiti yung dalawa.
"Thanks."
Nagulat naman kami ng tumayo si Sab, "Ugh! Ayoko na! Ayoko na talaga."
"Ganun na ba kasama lasa ng niluto namin ni Ice? Ayos naman lasa ha." sagot ni Zoe.
"Kasi naman naku-curious na ko. Ikaw!" sabay turo niya kay Ice. "Bakit ka ba nandito?"
Mukhang nagtaka naman si Ice kay Sab, "Bakit? Anong masama? Di ba ko pwede dito?"
Magsasalita pa sana ulit si Sab kaya lang siningitan na siya ni Ayu, "Wait lang Sab ha." at
lumingon siya kay Ice, "Actually kanina pa kami nangangati magtanong kung bakit ka nandito Ice.
Umalis ka kanina sa school ng walang sinabi tapos dadatnan ka na lang namin dito sa bahay namin
na nakikipagtawanan kay Zoe."
Nagkamot naman ako ng ulo at sumabat, "Hindi ka pumasok kasi wala lang? Iniwan mo kami dala
dala yung sasakyan kasi wala lang?"
Ano ba yan. Word of the day na yang 'Wala lang' na yan ha.
Tumayo naman ulit si Sab kaya napatingin ulit kami, "Hoy Ice! Paano ka nga pala nakapunta
dito?!"
"Nagdrive?"
"Ugh! Hindi yan. Paano mo nalaman kung saan kami nakatira? Never ka pa naman napunta dito ha!
At hindi namin binigay address namin sa inyo."
Oo nga. Paano nga pala napunta dito si Ice? Paano niya nalaman ang address nila Zoe?
stalker tong si Ice?
Di kaya
Pinutol naman niya ang sasabihin ko, "Hindi ako stalker. Nagkataon lang na nalaman ko ang bahay
nila kasi hinatid ko siya dito kagabi."
"Ano ba to? Hot seat? Napadpad lang ako sa bahay niyo kung anu-ano na tinatanong niyo. Kung
ayaw niyong andito ako sabihin niyo na lang. Hindi yung tinatadtad niyo ko ng mga tanong niyong
di ko naman maintindihan."
Akmang tatayo na si Ice sa upuan niya para siguro lumabas pero di siya natuloy kasi binatukan
siya ni Zoe.
"Wag kang maarte dyan. Upo." sabay irap niya kay Ice. "Kayo naman.." at tinuro niya kami, "Ang
dami niyo ngang tanong. Paano niya nalaman bahay namin? Kasi hinatid niya ko kagabi. Bakit niya
ko hinatid? Kasi napakalakas ng ulan kahapon at hindi ako makauwi kasi nasira sasakyan ko.
Bakit hindi ako tumawag sa mga kaibigan ko para magpasundo? Kasi nasa kanila ang phone ko.
Bakit sa kanya pa ko sumabay? Kasi wala na namang tao sa school nun. Bakit late din siya umuwi?
Kasi andun pa rin yung mommy niya na principal ng school." dirediretsyo niyang sinabi yan.
Huminga siya ng malalim at nagsalita ulit, "May tanong pa kayo?" pasarcastic niyang tanong.
"What? E sa may tanong pa naman talaga ako." napailing na lang si Zoe. Kami rin pala. Kasi
naman ang haba haba na ng sinabi ni Zoe. Wala na kong maisip na itanong pa.
"Ayaw mong sumagot kasi. Wala lang is not considered as an answer. So.. Bakit nga?"
Napalingon naman kami lahat kay Ice nun. Oo nga naman. Ayun pala talaga dapat ang itanong
namin. Buti likas na chismosa si Sab at di pinalagpas ang tanong na yan.
"Kasi nakokonsensya ako. Alam ko na ngang nilalamig at naulanan siya kahapon tapos tinodo ko pa
rin yung aircon ng kotse ko. Nalaman ko pa na nagkasakit siya at wala siyang kasama sa bahay.
Baka kako isang reason yung ginawa ko kung bakit sya nagkasakit. Kahit sino naman siguro
makokonsensya di ba?" pagpalaliwanag niya.
Sabagay tama nga naman siya. Kahit ako man yun, makokonsensya. Pasaway din naman tong si Ice.
Bakit tinodo pa ang aircon e naulanan na nga yung tao. Tsk. Tsk.
Umubo naman ng malakas si Josh. Nasamid ata. Paano naman kasi kain pa rin ng kain habang
nakikinig. Kasibaan naman kasi.
***
ANNOUNCEMENT:
Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko para itry 'to.. pero gusto ko lang talagang itry. :))
Maglalagay ako ng quota. Ngayon ko lang gagawin 'to pagbigyan niyo na ko. :P
Kapag naka 25+ votes yung chapter na 'to (which never pang nagyari sa kahit na anong chapter
ko) at naka 10+ comments.. mag-aupdate ako agad agad agad agad. Pero kung hindi naman talaga
keri, magaupdate pa rin ako. Kaya lang baka sa friday or saturday pa.
Pasensya na at ang kapal ng face kong gawin 'to. Gusto ko lang maexperience. Hahahaha. Xoxo
people. :***
*******************************************
[26] Chapter 25 - Back off
*******************************************
Zoe's POV
Nagbago na ang plano namin. Instead na magpart-time job, nagdecide na lang kami na magfocus
para sa contest. We'll take the risk. Kung magtratrabaho kasi kami, baka mababa lang ang makuha
naming sahod since highschool student pa lang kami. At saka pahirapan pa sa paghahanap ng
trabaho.
Sa contest naman kasi, may four divisions dun. At ang winning prize para sa champion per
division ay 50,000php. Para naman sa second placer ay 40,000php at 30,000php naman para sa
third placer. Alam naming walang kasiguraduhan tong pagsali namin pero dahil sa laki ng premyo,
na talaga namang kailangan namin para maisalba ang No Name club, dapat lang siguro kaming
magrisk.
"Kailan ba tayo magsa-sign up?" tanong ni Sab. Nasa bahay lang kami ngayon at nagmomovie
marathon.
"Ewan. Wala naman kasi yung boys kaya di pa natin mapag-usapan ng maayos kung paano hatian per
division." sagot ni Ayu sabay kain sa binake naming cookies.
Napatingin ako sa tatlo, "May bisita ba kayo?" Umiling lang sila at tumayo na si Sab para
pagbuksan ng pinto kung sino man ang mga yun.
Nagulat na lang kami ng tuloy tuloy na pumasok si Josh at binuksan ang aircon sa sala
pagkatapos ay humiga sa sofa. Buti na lang sa lapag kami nakaupo. Kung sakali pala nadaganan na
kami ni Josh.
"Aba aba. Bahay mo 'to? Makahiga ka dyan ha. At kung makabukas lang ng aircon. Ikaw ba
nagbabayad ng kuryente?" sabi ko sa kanya. Talaga naman kasi, nasobrahan sa pagka "feel at
home" ata.
"Di rin naman ikaw ang nagbabayad ha. Parents niyo di ba?" tiningnan ko lang siya ng masama.
"Sorry na. Pero Zoe, parang awa mo na, hayaan mo muna ko okay?" dagdag pa niya sabay pikit.
Itatanong ko pa sana kung ano nangyari sa kanya pero may pumasok na naman sa bahay namin. Si
Ice, Xander at Ken. Mga pawis na pawis din. Umupo lang sila sa sofa at sinandal ang mga ulo
nila.
Naawa naman ako sa mga itsura nila kaya kumuha na ko ng tubig at bingay ko sa kanila.
"Ano nangyari sa inyo? Bakit ganyan mga itsura niyo?" tanong ni Yannie sabay abot ng bimpo kay
Xander. Pansin ko lang, lately nagiging close na yung dalawa.
Kinuha naman ni Xander ang bimpo at nagpunas ng pawis niya, "Paano naman kasi, napakaewan ni
Josh at nag-ayang magcommute papunta dito. E napakainit naman pala ngayon kaya ayan, hassle."
"Talaga? Tara na." singit ni Sab sa usapan nila Yannie at tumayo na sa kinauupuan niya para
siguro magpalit ng damit pero natigilan din siya ng magsalita sa Josh.
"Pwede bang wag ka munang excited? Kitang nagpapahinga pa kami." inirapan naman ni Sab si Josh
pero bumalik din sa pwesto niya.
Ilang saglit lang, umalis na rin kami. Nagpunta na kaming bayan para makapagsign-up.
Para sa solo male performance, si Ken ang pinanlaban namin. Sa female solo, si Sab. Sa duet, si
Yannie at si Xander at para naman sa group, ako, si Ayu, Josh at Ice. Kami na desperado para
salihan ang lahat ng divisions.
"Tamang tama pala pagpapasign up natin. Last day na ngayon." bungad samin ni Ken. Sila kasi ni
Ayu ang nag-ayos, naghintay lang kami.
***
Sabay sabay kaming naglalakad na mga babae habang nasa likod naman namin yung apat na lalaki.
Napahinto naman kami ng madaan sa isang bookstore. Actually si Ayu lang naman ang napahinto,
nasabay lang kami.
Lumingon si Ayu kay Ken, "Bili tayo ng books para sa review natin." tumango at ngumiti naman si
Ken sa kanya sabay pasok sa bookstore.
"Ano ba yan?! Puro libro naman dito. Napakasakit sa mata." reklamo ni Josh.
In 3..
2..
1..
"Tanga! Malamang puro libro dito. Bookstore to e. Magulat ka kung puro sapatos ang nandito. Edi
sana shoestore tawag." sabi ko sa inyo e sasabat yan.
"Oo."
Bahala na silang magtalo dyan. Kasiyahan nila yan e. Hindi na namin pipigilan.
Nang makabili na naman ng books yung dalawa, nag-aya naman silang mag-arcade.
Natripan na lang naming magvideoke sa isang closed room samantalang yung boys naman ay
naglalaro ng kung anu-ano.
Kantahan lang kami ng kantahan ng magpaalam si Yannie. "Girls, labas lang ako. Makikilaro
lang."
"Sama ako. Dyan muna kayong dalawa ha?" sabay labas namin ni Yannie.
Hinila niya ko sa may basketball. Aba at wala pala dito ang boys. Baka nagreracing o ano man
yung mga yun.
"Pataasan tayo." hamon ko kay Yannie at pumayag naman siya. And you know what? Panalo ako.
Yeah!
Nagulat na lang kaming dalawa ng may lumapit na pitong guys samin at pumapalakpak pa.
"Wow. Galing niyong magbasketball ha." sabi nung isa. Ngumiti na lang ako at hihilahin na sana
si Yannie para makaalis na sa place na yun. Kasi napakarami nila tapos mga ang chachaka pa ng
mukha. Mga mukhang di katiwatiwala. Kaya lang bago pa kami makalakad humarang yung isang
lalaki.
"Samahan niyo muna kami." dagdag pa nung kasama niya. Ano ba yan! Bakit ba kasi nakasulok tong
basketball-an. Di tuloy kami makaalis agad. Akala pa ata ng mga tao kakilala namin tong mga
asungot na 'to.
Hinawakan ako nung isang lalaki sa braso. Tapos yung isa naman hinawakan si Yannie Ang gaspang
gaspang naman ng kamay. Umaakyat na ang dugo ko sa ulo. Itataas ko na sana ang kamay ko para
suntukin yung lalaki kaya lang biglang may humawak sa braso ng lalaki at tinanggal ang
pagkakahawak nito sa kamay ko. Napalingon naman ako at nakita kong si Ice pala yun.
"Ano bang problema mo?!" sigaw nung lalaki kay Ice. Pero tiningnan lang ni Ice yung lalaki.
Magsasalita pa sana yung chakang lalaki kaya lang bigla naman nagsalita yung katabi niya. "Ano
ba?!"
Napalingon ako at nakita ko naman si Xander na katabi na ni Yannie. "Sino ka ba?!" sigaw ulit
nung lalaki.
Nginitian siya ni Xander at inakbayan niya si Yannie. "I'm her boyfriend dude. Back off!"
Boyfriend?! Kaya ba parang ang sweet na nila? Mag-on na sila Xander at Yannie?!
Naglakad na sila Yannie habang nakaakbay pa rin si Xander sa kanya. Nakatingin lang ako sa
kanila. Pero naalis din ang tingin ko sa kanila at napalingon kay Ice na hinawakan yung kamay
ko at hinila ako papaalis sa lugar na yun.
Habang naglalakad nadaanan namin si Ken at Josh na nagraracing. Napatingin sila sa amin at
binigyan naman ni Ice ng sunduin-niyo-na-yung-dalawang-babae-look. Nagets naman ata nila yun
kaya umalis agad para ata puntahan si Sab at Ayu.
Lakad lang kami ng lakad hanggang sa makita na namin sila Xander at Yannie na nasa may tapat ng
fountain. Nakaakbay pa rin si Xander. Huminto kami sa tapat nila. Napatingin naman ako kay Ice.
Hawak pa rin kasi niya yung kamay ko. Napansin din naman ata yun kaya bumitaw na siya sabay
sabi ng, "Sorry." ngumiti lang ako.
"Thank you sa kanina." sabi ko sa kanya. And now, it's his time to smile. Eeeeeh. Bihira siya
ngumiti kaya pagngumingiti siya kinikilig ako. Pero di ko naman siya crush or gusto ha. Sadyang
kinikilig lang ako. :))
Dumating na rin yung apat at tinanong kung ano ang nangyari. Kaya ayun, kwento naman kami. Pero
bago ko nga pala makalimutan, lumingon na ako kay Xander..
"Hoy! Kayo ba? Sabi mo kanina boyfriend ka niya?" nanlaki naman ang mata nila Josh, Ken, Ayu at
Sab. Pati na rin pala si Yannie.
***
Thank you sa mga nagvote at comment last chapter. Love you guys. :*
*******************************************
[27] Chapter 26 - I'm here for you
*******************************************
Yannie's POV
Hinatid kami pauwi nung boys. Hindi rin sila umuwi muna kasi trip lang daw nila. Nagluluto ako
sa kusina ng dinner namin. Oo, dinner namin. Kasama yung boys. Gabi na ayaw pa magsi-uwi.
Tinutulungan nga rin pala ako ni Xander ngayon magluto. Si Ken at Ayu naman, ayun, kaharap na
ang mga libro nila. Nag-aaral agad. Yung apat naman na natira, nasa may garden at di ko alam
kung ano na ginagawa.
"Kasi naman sinabi ko lang na mag-on na tayo. Ano masama dun? At least wala pa rin akong
nilabag sa rule. Hindi ko naman sinabi na fake lang to." sabagay may point siya. Bakit nga ba
ko nagagalit?
"Hindi mo naman kasi hinintay na makabwelo ako para sabihin sa kanila. Agad agad kang
nagbabalita dyan. Excited?" pangangatwiran ko.
"Malamang Yannie masasabi kong tayo na. Tinanong ako e. Ano gusto mo, magsinungaling ako?"
Tumingin lang ako sa kanya nun at pinagpatuloy na ang ginagawa ko. Wala na kong maisip na
dahilan e. Bakit ko nga naman kasi binibig deal yun? Psh.
***
Ken's POV
Nag-aaral kami ngayon ni Ayu. Naghahanda para sa regional quiz bee. Kung maitatanong niyo nga
pala kung saan kami ipapanglaban, sa History po. My favorite subject.
Tahimik lang kaming nagbabasa sa may sala nila. Sobrang nakafocus. Ilang saglit lang ay isinara
na ni Ayu yung libro niya sabay sandal sa upuan at pumikit. Sinara ko na rin yung libro ko at
tumabi sa kanya.
"Sumasakit lang ulo ko. Ang daming dates, names, places, events. Ugh!"
"Ayaw mo ng History?"
"Ayoko lang naman ng history pero it doesn't mean na hindi ko na yan inaaral."
"Hello?" "I'm fine." "Yes. Magrereview po ako." "Quiz Bee." "Thanks." "Medyo busy po. Why?"
"WHAT?!" "No. No. Ayaw." "I don't want to. I'm hanging up. Don't call me again kung yun lang
din naman ang sasabihin niyo." ayan ang mga sinabi niya sabay bagsak ng phone niya. Napatingin
naman siya sakin at nakita niyang nakatingin ako sa kanya.
Tinaas niya ang phone niya at hinarap sa kin, "My dad." Ganun na ba kahalata na curious ako?
Umupo naman siya ng maayos at humarap sakin, "Yes! Yes may problem. My dad. He's so.. Ugh!"
"Si dad kasi nakakainis. Kasi alam mo, my mom left us when I'm still young. Nagpunta na siya sa
mas masayang place. It was so hard for me to cope at first pero as time passed by, nasanay na
rin ako. My dad was there for me naman. Pero two years ago, parang everything changed. She met
another woman. She forgot about mom. Gusto niyang ipakilala sa akin yung babae pero ayoko. And
you know what he just said earlier? He's planning to propose to her. Ni hindi man lang niya ko
tinanong kung gusto ko ba or kung okay lang sa akin ang mag-asawa siya ulit." tuloy tuloy
niyang sabi.
Huminga siya ng malalim, tumingala at kumurap kurap. Halatang pinipigilan niyang umiyak. Pero
nung tumingin siya ulit sa akin, tuluyan ng tumulo ang luha niya. "Bakit sya ganun Ken?
Dadalawa na nga lang kami pero parang wala pa siyang pakialam sakin. Kapag nagpakasal siya
ulit, paano na ko? Parang magiging singit na lang ako sa pamilya nila. Magiging mag-isa na lang
ako."
Sa sobrang awa ko kay Ayu, niyakap ko na lang siya at pinapatahan. Mukhang ang bigat bigat pala
ng dinadala niya. Kung titingnan mo parang okay lang siya. Pero matindi rin pala pinagdaraanan
niya.
"Sssh. Tahan na Ayu. You'll never be alone. Marami kang kaibigan. You're friends are here for
you. I'm here for you Ayu."
***
Sab's POV
Nasa may garden kami ngayon kasama si Zoe at Ice. Naggitara si Ice pero di kumakanta tapos naguusap usap lang.
"Oo nga. Sinabi na kanina yan di ba? Di makamove on?" pang-inis ko sa kanya. Hay. Naging habit
ko na rin pala 'tong pangbwibwisit kay Josh. Never na kami magkakasundo nito.
"Inuulit lang e. Psh." inirapan ko lang siya at tumawa naman samin si Zoe.
"Alam niyo para kayong aso't pusa. Bakit ba kasi lagi kayong nag-aaway?" usisa ni Zoe.
Napatingin ako kay Josh nun. Actually, nagkatinginan kami. Pero binelatan ko lang siya at
nagulat naman ako kasi napangiti lang siya. Ngiti as in ngiti. Hindi ngisi. Umirap na lang ako
nun.
"Tapos ngayon nagngingitian na?" dagdag pa ni Zoe. Nagkatinginan ulit kami ni Josh.
"Walang ngumingiti dito Zoe. Namamalik mata ka ata. Asa kang ngitian ko tong si Sab. HA!"
kalmadong sabi ni Josh.
Tinawanan lang kami ni Zoe nun. Si Ice naman wala pa rin pakialam sa mundo. Basta naggigitara
siya tabi naman.
"Peram." sabi ko kay Ice. Napatingin naman siya ng may halong pagtataka. Tinuro ko ang gitara
gamit ang nguso ko kaya inabot naman niya sa akin ang gitara.
"Not bad." puri ni Ice. Ngumiti lang ako sa kanya at pagkatapos ay humarap kay Josh na painom
inom lang ng juice sa tabi.
"Whatever bakulaw. Hmp. Dyan na nga kayo." sabi ko sabay alis sa garden at pasok sa bahay.
***
Josh's POV
"Hahaha. Ang cute niyo ni Sab." sabi ni Zoe. Pero cute ako at si Sab? Pwe!
Tumayo na ako, "Bahala na nga kayo dyan. Tutulong na lang ako sa loob. Nagugutom na ko e." kaya
ayun. Diretsyo ako sa kusina.
Nagluluto lang sila Yannie at Xander. Lumapit na ko sa kanila at tumulong. Nang matapos na,
tinawag ko na silang lahat para kumain. After kumain nagstay pa rin kami sa bahay nila ng ilang
oras pa.
Nasa may sala kami at nagkwekwentuhan lang. Nakaramdam na ko ng antok kaya napahikab ako.
Napatingin naman si Yannie sa akin. "Inaantok ka na. 11 na pala." ang bilis naman ng oras? 11
na pala agad.
Nagkayaan na kaming magsi-uwi kasi mga inaantok na rin. Magcocommute pa sana kami kasi
pacommute kaming pumunta dito pero pinigilan nila kami. Delikado na raw. Pinahiram na lang nila
yung isang kotse nila sa amin.
Nagpaalaman lang at umalis na rin kami. Si Ice ang pinagdrive namin. Una niyang hinatid si Ken.
Tapos si Xander. Tapos ako na.
Bumaba na ko ng sasakyan pero bago ko isara ang pinto, humarap pa ko kay Ice. Nasa shotgun seat
kasi ako. "Uy pre. Umaasenso na ba?"
"Daldal mo. G*go." sagot niya. Sinara ko na agad yung pinto at pinagtawanan na lang siya habang
pailing-iling. Biruin mo..
Ice's POV
Siraulo talaga si Josh. Napakadaldal. Kaya mahahalata e. Mabagal na kung mabagal. Tss. Hindi
naman minamadali ang mga bagay bagay.
Naaalala ko pa noong unang beses ko siyang makita. Six months ago. Sa No Name yun.
*Flashback*
sa boyfriend niya.
"Sa kanya kasi tong bar na 'to. Pinapakita ko na rin sa'yo. Taray di ba? Bata pa lang may
business na." pagmamayabang niya sa kakayahan ng boyfriend niya. Sus! Siya na may ari kung
siya. Pero the fact na pinapaghintay niya ko, isa nang basehan para ayawan ko siya. Ayaw na
ayaw kong naghihintay. -_______-
"Hoy. Dyan ka muna. Babalikan kita." sabay tayo na ni ate at alis sa pwesto niya. Kita mo yun,
Ano namang gagawin ko dito? Wala naman ako sa mood uminom ngayon. Nilibot libot ko na lang yung
paningin ko. Kumukulo lang yung dugo sa mga nakikita. Mga babaeng nagpapacute. Kung
makapagdamit pa akala mo kinapos ng tela sa kanila. Psh.
"Good evening everyone. We'll be performing our first song tonight. Hope you'll enjoy."
napalingon naman ako sa stage nun.
[a/n: Paki-play na lang yung song sa gilid. Wala lang. Maisingit lang. :)) ]
Aba. Girl band pala 'to. Interesting. Ayos naman ang boses nung vocalist nila. Pero napalingon
ako sa isa pang tumutugtog.
She's.. she's beautiful. She's something. The moment I laid my eyes on her, parang automatic na
na bumilis yung heartbeat ko. And all I can see right now is her. My eyes is stucked at her.
Bumalik na lang ako sa mundo nung may bumatok sakin. "Aray!" sigaw ko. Si Ate Cass lang pala.
May kasama na siyang lalaki.
"Ano bang ayos mo Ice? Kanina pa kita pinapakilala sa kanya ayaw mo naman makinig. Uulitin ko
ha. *ehem* Ice this is my boyfriend Ryan but you can call him Ry. Ry, this is Ice. My brother."
nginitian naman ako nung Ryan at inextend nya kamay nya. Kaya nagshake hands kami malamang.
Umupo naman na sila sa vacant seat na katapat nung akin.
"Ano bang problema mo kapatid at tulaley ka dyan? Ano ba tinitingnan mo?" tanong ni Ate Cass ay
lumingon sa direksyon na tinitingnan ko kanina. Sa stage.
"Oooooh. May type ka dyan no? Sino dyan?" tsk. Bakit ba ang iingay ng mga babae?
Nakipagkwentuhan lang ako kay Kuya Ry. Ayos naman pala 'to e. Akala ko aayawan ko pero ayos
naman pala.
Nagulat na lang ako ng may mga sumulpot na sa harapan kong mga babae. Sila yung girl band
kanina. Binati nila si Kuya Ry at Ate Cass. Napatingin lang ako dun sa naggigitara. Mas maganda
pala siya sa malapitan. At kapag ngumingiti. Bumilis na naman tibok ng puso ko. Ano ba
nangyayari sa akin? Napahawak na lang ako sa dibdib ko at lumabas muna para makapagpahangin.
Narinig ko pa ngang 'Bro' ng 'Bro' si Ate Cass pero di ko na lang pinansin.
Ilang araw, linggo at buwan na rin ang lumipas pero di pa rin maalis sa isip ko yung babae.
Minsan nga napapatulala na lang ako tapos maiisip ko siya. Yung maganda niyang mukha lalo na
kapag ngumingiti siya. Makailang beses pa nga akong pumupunta sa No Name nung bakasyon e.
Kunyari gusto kong makipagkwentuhan kay Kuya Ry. Pero ang totoo, tinitingnan ko lang siya.
Nakakatawa nga at nagkakaganito ako e ni hindi ko pa nga alam pangalan niya. Maski boses niya
di ko pa naririnig. Nakakabading man pero kung hindi man totoo ang love at first sight na
sinasabi nila, ano tong nararamdaman ko ngayon?
Last week na ng bakasyon namin nang tumambay na naman ako sa No Name. Lunes pa. Ako lang magisa at di kasama si ate. Nangibang bansa e.
Nakakapanibago lang kasi wala siya sa may stage. Hindi sila ang kumakanta ngayon. Lumilingon
lingon ako sa paligid maya't maya kasi umaasa akong baka makita ko siya.
Nagulat ako kaya napaupo ako ng diretsyo bigla. Humarap ako sa kanya ng nagtataka, "Ha?"
"Last week ng bakasyon ngayon. Ngayon na yung start ng totoong schedule nila. Tuwing tuesday at
thursday lang sila magpeperform." tiningnan ko lang siya ng may halong pagtataka. "Hinahanap mo
Parang nag-iisip siya saglit tapos ay nagsalita ulit, "Ay oo nga. Mali ako. Hindi mo hinahanap
yung girl band. Si Zoe yung hinahanap mo."
"Oo. Si Zoe. Yung naggigitara. Yung gusto mo." nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Kuya Ry. Aalam niya? Pero paano? Magtatanong pa sana ko kaya lang sumagot na siya. "Paano ko nalaman?
Wala lang. Halata ka kasi. Hahaha. Ang bagal mo. Maski pangalan di mo naitanong. Panay tingin
ka pa sa malayo. Ano mapapala mo dun? Pero gusto mo naman talaga siya di ba Ice? Gusto mo si
Zoe?"
Wala na naman siguro akong rason para itanggi yun di ba? Saka wala namang masama kung malaman
niya. "Oo may gusto ako sa kanya. Gusto ko si Zoe."
Nagulat na naman ako ng may umakbay sa akin at umupo sa tabi ko. "Sinong Zoe? Ikaw pre ha. Di
ka nagsasabi." si Josh pala. Narinig tuloy niya. -________- Pinakilala ko muna siya kay Kuya Ry
at si Kuya Ry na ang nagkwento kay Josh.
"Wahahahaha. Torpe. Wahahahaha." makatawa tong si Josh. >.< Sarap sikmuraan. Pero tama naman
siya e.
"Bakit ba kasi di ka malapit?" tanong ni Kuya Ry. Ayoko namang sagutin siya na hindi ako
makalapit kasi nahihiya ako kasi paniguradong lalo lang akong pagtatawanan ni Josh.
"Alam ko na. Tutulungan na lang kita." dagdag ni Kuya Ry. "Para mapalapit ka sa kanya,
magtrabaho ka dito. Edi magkikita kayo. Magiging magkatrabaho pa kayo. Malay mo maging close na
kayo nun."
"Anong trabaho?"
Binatukan naman ako ni Josh, "Para saan pa kami nila Xander at Ken? Utak naman Ice."
Pumayag naman ako sa plano nila. Ilang araw ang lumipas at nagbalak ng sabihin ni Kuya Ry kila
Zoe na magtratrabaho rin kami sa No Name. Pinapunta rin kami sa No Name nun para ipakilala sa
kanila. Ewan ko ba pero kinakabahan ako. Pinauna ko nang pumasok sila Josh. Sabi ko susunod na
lang ako. Hindi naman ako magtatapat sa kanya pero para akong tanga dito na nag-iipon ng lakas
ng loob.
"Palpak Ice. Nagalit ata." medyo nagtaka naman alo sa sinasabi niya. Huminga siya ng malalim.
"Palpak ako. Naischedule ko kayo sa Tuesday & Thursday. Nagalit sila kasi may kahati sila sa
time. Pero pumayag din naman nung bandang huli. Yung nga lang, medyo uminit ulo." nasapo ko
naman ang noo ko.
Bad shot na pala ko kahit di pa nya ko kilala tapos nadagdagan ko pa yung pagkabad shot niya
dahil sa eksena sa labas kanina. Tsk.
***
First day ngayon. Badtrip pa rin ako dahil sa nangyari kagabi. Nakakainis.
"Yo! Tara na. Tingnan natin section natin. For sure naman classmates tayo." yaya ni Xander.
Sinundan naman namin siya.
Naglalakad kami sa gitna at gumigilid naman ang mga tao. Bakit? Sabihin na lang natin na takot
sila sa amin dahil kami ang leader ng boys sa clash. Pero bakit nga ba namin binuo ang clash na
to? Wala lang. Alam mo yung wala kang magawa kaya naisipan mo yun. Ganun lang.
Nang marating na namin yung lugar kung saan nakalagay ang list ng sections, laking gulat ko
nang makita ko si Zoe. Bakit dito pa sya nag-aral? May parte sakin na natuwa kasi madalas ko na
siyang makikita, pero may parte rin naman na nainis kasi sa sitwasyon sa school na to, malabong
maging magkaibigan kami. At dahil sa babae nga siya at walang nakakaalmam na may gusto ako sa
kanya bukod kay Josh, Kuya Ry at Ate Cass, ayun.. di sila nakaligtas sa clash.
Pagkauwing
na.
pagkauwi ko hinagis ko agad ang bag ko sa sofa sa sala at humiga dun. Nakakabaliw
"Obviously. Something's bothering you?" tanong niya at umupo sa may tabi ko.
"Nothing."
"Ah. Nothing nga naman. Mali ako e. I'll rephrase the question. Someone bothering you?"
tiningnan ko lang siya nun. Nagsmile siya, "Someone named.. Zoe?" napasandal na lang ako sa
upuan. My sister knows me too well.
"Hindi ka ba sasagot o malalaman niya ng di oras na may gusto ka sa kanya?" blackmailer. >.<
"Psh. Okay. Magsasalita na." I paused for a bit. "We met. Yung hindi lang ako ang nakakakita.
She talked to me."
"Ohmy! Really? Really? So ano? Friends na kayo? Nililigawan mo na? Okay na? Pwede ko na siya
maging sister-in-law?" sunod sunod na tanong ni ate.
Sinamaan ko siya ng tingin, "Patapusin mo kaya ako." nagpeace sign lang siya. "As I was saying
before you rudely interrupt me.. kinausap niya ko. Inaabot niya sa akin yung wallet ko na
nahulog ko raw. Pero dahil sa nerbyos ko, kinuha ko lang ang wallet ko at tinalikuran siya. And
to make things worst, pinaringgan ako ni Zoe ng 'thank you' and I answered back 'you're
welcome'."
sumulpot sa pagitan namin ni ate. Si Ashley pala. Ang bunso kong kapatid.
kuya. And Zoe? Hindi ba sya yung transferee na classmate niyo? Don't worry
her para sayo. Kasi binalik niya yung wallet mo." sabi lang niya saakin sabay
kung saan man siya nanggaling. Nadagdagan na naman ang nakakalam na gusto ko
Nung nasa No Name na ako para sa first day of work ko, nakita ko na agad sila. Nagkagulatan na
lang kami ni ate kasi di nga pala niya alam na nagtratrabaho ako. Muntik pa kong maibuking nung
dalawa. Napakadadaldal kasi.
May sinabi pa siya bago umalis e. Actually kay Xander ata nya sinabi yun. Parang tungkol dun sa
clash.
Kinabukasan, sa school, nakita ko siyang papasok. Pinauna ko siya. May nakita na ko ng spot na
pwedeng pagparadahan pero di ko kinuha. Kaya ayun, sya na yung kumuha.
Huminto ako sa tapat niya para pilitin syang umalis. Pero sa totoo lang, wala naman akong balak
agawan siya ng parking space. Gusto ko lang siyang makausap. Gawain naman ng ibang lalaki yun
di ba? Yung iinisin yung taong gusto nila para makapagpapansin. Kaya ginaya ko na.
"Oo."
"Move it."
"Pardon?"
"AT BAKIT ABER?!" woah? Sumasagot siya? Alam naman niya ang clash.
"But I want that spot too. And sorry ka, I arrived here first." sabay smirk niya. Bakit kahit
ang angas ng dating, ang ganda pa rin niya? Ay Ice, focus!
"Wala akong pakialam who arrived first. Basta I want that spot so you better move that f*ckin
car of yours." pagpapanggap ko na napipikon.
"Whatever Ice! Di ko aalisin ang kotse ko dyan whether you like it or not. I don't care kung
gusto mo ang spot na yan. I want it too. So next time, pakiagahan na lang ha?" Ice?
"Ice? Tinawag mo kong Ice? You shouldn't. Ivan. Ayan ang tawag sakin dito. Di tayo close kaya
wag mo ko tawaging Ice."
"Pero di ba sabi nga nila keep your enemies closer? Kaya technically, close tayo sa ayaw at sa
gusto mo. And di naman ikaw ang tatawag ha. Ako naman. Kaya wala kang pakialam kung ano man ang
itawag ko sayo. So paano ba yan, ICE. Una na ko sa room ha? Bye jerk!" sabay lakad palayo niya.
Sinundan ko na lang siya ng tingin. Haay. Bakit ba kasi naging magkaaway kami? Nagulat ako nang
marinig ko ang sigawan ng mga tao.
Vinandalize nila ang kotse ni Zoe. Alam kong ginawa nila yun kasi nakita nilang nag-aaway kami.
Pero sa halip na matuwa, nainis ako.
Lumabas ako ng kotse para sana patigilin na yung mga nagvavandal kaya lang bumalik si Zoe.
Napasandal na lang ako sa kotse ko. Curious ako sa kung anong gagawin niya.
"Ano?! Anong tinitingin tingin mo?" sigaw nung isang lalaki sa kanya. Kung di ko lang
pinapalabas na kaaway ko si Zoe, malamang nakatikim na tong lalaking to. >.<
"BAKIT NIYO PINAPAKIALAMAN ANG KOTSE KO?!!" ang tapang naman pala nito.
"Wala kang paki! Ayaw mo kasing umalis dyan. Ayan nga raw ang gustong spot ni Ivan."
"URGGG. THE HELL I CARE KUNG GUSTO NG IMPAKTONG ICE NA YAN ANG SPOT NA YAN!! NAUNA KO KAYA WALA
KAYONG PAKIALAM SA KOTSE KO." tinawanan lang siya ng mga tao. Ako naman nalangisi. Hindi dahil
sa natutuwa akong ginaganun siya. Napangisi na lang ako kasi natutuwa ako sa katapangan niya.
Pumunta siya sa may kote nya at kumuha ng.. Basebell bat? Anong gagawin nya dun? Lumapit sya sa
akin.
"HEY YOU TWO MONKEYS!! DI NAMAN ATA AKO PAPAYAG NA KOTSE KO LANG ANG MUKHANG EWAN."
O________O
"Don't blame me kung ganyan nangyari sa car mo. Ang mga galamay mo nagsimula nito. Gumanti lang
ako. So quits na tayo." bulong nya saakin. Napatulala na ako.
Kakaiba talaga. Parang wala siyang inuurungan. Amazona? Yun ata ang tawag sa kanya. Pero sa
nangyaring yun, sa halip na mainis, parang.. I just fall for her even more.
*******************************************
[29] Chapter 27.2 - Point of view ni Ice (2)
*******************************************
PAUNAWA: Continuation pa rin po 'to nung flashback at opinion ni Ice sa lahat ng nangyari nung
mga nakaraang chapters. :)
***
Nagkaroon ng goupings para sa research sa isang subject namin. Natuwa ako ng malaman na kagrupo
ko siyam kaya lang useless din kasi may clash nga pala. -____-
Nagpunta na nga kaming canteen at di ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa eksenang
naabutan ko. May palabok sa ulo si Josh at nakikipagsigawan kay Sab. Pinagtitinginan na nga
sila ng mga tao. Nilapitan namin sila.
"AT SINO KA RIN PARA SIGAWAN ANG KAIBIGAN KO?!" sigaw sakin ni Zoe. Natameme ako bigla. Si Zoe
yan e. Ibang usapan na. Buti na lang naisalba ako ni Ken.
Ang tatapang talaga ng apat na 'to. Since they came sa Kingdom high, our stay here became
more.. exciting. Nagulat na lang ako ng biglang sumigaw si Zoe. "LAHAT KAYO!! MAKINIG KAYO
SAKIN!! STARTING FROM THIS DAY, HINDI NA KO PAPAYAG NA MAGP-API LANG SA INYONG MGA WALANG
KWENTANG LALAKI!! KAYA WAG NA WAG NIYO NG BALAKIN ANG APIHIN AKO AT ANG LAHAT NG BABAE SA
ESKWELAHAN NA 'TO!! PANTAY PANTAY LANG ANG BINABAYAD NATING TUITION FEE KAYA WALA KAYONG
KARAPATANG MAGHARIHARIAN!! KUNG GUSTO NIYO KAYONG MGA LALAKI LANG ANG NASUSUNOD, WAG NA KAYONG
MAG-ARAL DITO. MAGTRANSFER NA LANG KAYO SA SCHOOL FOR BOYS!! KAYA SIMULA NGAYON, ANG LALAKI AT
BABAE NA NAG-AARAL SA KINGDOM HIGH AY MAGIGING PANTAY!!"
Binara sya nung lalaking malapit sa kanya pero hindi pa rin siya nagpatalo. Astig talaga ng
babaeng 'to. Naglakad ako papunta sa malapit na table at kumuha ng baso na may lamang juice at
sumingit sa usapan nila.
"Zoe. Sigurado ka bang kaya mo kami? Kaya NIYO kami? Siguradong mas malakas kami kung
ikukumpara sa inyong mga babae. Hindi ka ba natatakot?" tanong ko sa kanya. Ni hindi ko nga
siya tiningnan nun kasi alam kong kapag tumingin ako, di ko magagawang sabihin ang mga bagay na
yun sa kanya.
"Talaga? E anong gagawin mo kapag may ginawa na naman kaming hindi maganda sa mga girls? Anong
gagawin mo kapag ginawa ko 'to?" at tinapon ko yung juice sa isang babae. Hindi man magandang
gawin yun, pero dapat. Pinangangalagaan ko ang pagiging leader ko.
"May magagawa ka ba Zoe? Wala naman di ba? Wag kang puro satsat. Ganyan kayong mga babae.
Magaling lang mag-ingay." umalis na ko sa pwesto ko at gustong gusto ko na rin lumabas sa
canteen nun.
"IVAN CHARLES ETHAN SCOTT!!" napalingon ako nung sinigaw niya ang buong pangalan ko.
Gusto niyang mag-sorry ako sa babae pero dahil nga sa lintik na clash na yan, hindi ko yun
pwedeng gawin. Nagtangka na akong lumabas sa canteen pero may ginawa siyang di ko inaasahan.
Hinawakan niya ako sa braso. Kuryente. Ayan ang naramdaman ko. Pero binuhos niya naman sakin
ang juice na hawak niya. Naptulala na lang ako sa mga sumunod na nangyari. Grabe. Taob ang mga
lalaki namin sa kanya. Ang lakas at galing makipaglaban. She really is something.
***
Sabado na at ngayon na kami ininform ni Ayu na gagawa ng sa research. Basta basta na lang
nagdedecide. Sa bahay pa namin, -______-
Nanunuod ako sa sala namin ng may umubo. Napaharap naman ako.. si Zoe lang pala. TEKA?! SI
ZOE?!
Nagtaka ako kung bakit sya nasa amin. Kasama naman pala siya ni Ate Cass. Kahit kailan talaga
si ate. Tsk. Bigla namang nasinigit si Ashley at pinag-agawan si Zoe. Mga naghihilaan pa.
Agawan ng agawan e akin na nga yan. Naisip ko na baka nasasaktan na si Zoe sa kakahila nila
kaya pinatigil ko na sila. Syempre pinalabas ko na naiingayan ako pero ang totoo, nag-aalala
lang.
Habang nanunuod nga kami at iniwan kami ng dalawa kong kapatid, sobrang kaba yung naramdaman
ko. Lalo na at inaagaw pa niya sa kin yung remote at bumagsak kami sa floor. Laking pasasalamat
ko at hindi niya naramdaman yung sobrang bilis na tibok ng puso ko. Kaya lang inabutan naman
kami nila Josh sa ganung posisyon. Syempre I act cool.
Gagawa na dapat kami ng research kaya lang di pala siya nagdala ng laptop. Kaya sinabi ko kay
Ashley na pahiramin siya. Kaya lang may topak ata ang kapatid ko at ang pinakalaptop ko yung
binigay. Buti di pa niya nabuuksan yung laptop nun. Kung nabuksan niya, lagot na ako. Picture
niya kasi ang nasa desktop.
Nagpaalam siya na aalis na siya kaya tinakot ko siya tulad ng sinabi ni Ayu. Na walang name sa
research once hindi yun natapos. Pero hindi siya nagpasindak. Tanging sagot lang niya, "I don't
care about that damn grade. My friend needs me now." Ewan ko kung ano pumasok sa isip ko, pero
kinuha ko yung laptop niya at sinabi kila Ayu na ibabalik ko na sa taas at isesend na lang sa
kanya yung natapos ni Zoe, pero ang totoo, tinapos ko ang gawa niya. Mas nauna ko pa ngang
tapusin yung sa kanya kaysa sa ginagawa ko.
***
Habang club time, nakita ko siya na inaayos yung portfolio niya. Pinabilisan ko at medyo
lumapit ako sa kanya. And something unexpected happened. Nahalikan ko siya. Malamang
nagkagulatan kami at nagpakaingay siya kaya I just kissed her again. Di ko alam kung bakit ko
yun ginawa. Pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko nung time na yun. Agad agad na lang ako
umalis nun kasi pag nagtagal pa ko, baka maulit lang. Parang I just can't get enough.
***
Ilang months lang din ang lumipas and still, ang mga kasama ko ay plano ng plano para pahirapan
sila Zoe. Everytime na magplaplano sila ng di maganda kay Zoe, hindi ko naman sila pinipigilan
since ako ang leader nila. Pero I'm always saving her. Nagpakasavior niya ako. Para nga akong
tanga dun na makikiplano ng di maganda sa kanya tapos sa bandang huli ako rin magliligtas.
Pinatawag naman kami ni Kuya Ry para sabihin na nalulugi na yung No Name at napagdesisyunan
namin na tulungan siya ng di niya alam. Dito na rin nagsimula na magkasundo sundo kami. Kaya
napagdesisyunan kong itigil na lang yung clash. Para rin naman sa lahat to.
Tuwang tuwa naman sila sa desisyon ko.. namin ni Zoe actually. At syempre, masaya rin ako.
Naisip ko kasi na eto na. Siguro pwede ko na siyang maging kaibigan. Kahit kaibigan man lang.
Kinabukasan, nalaman kong may sakit pala siya. Naalala ko naulanan siya kagabi. Inactivate ko
ang "fake call" ng cellphone ko at nagpanggap na may tumawag pero sa totoo lang, ginawa ko lang
yun para di sila maghinala.
May lagnat si Zoe tapos iniwan lang siya ng mga kaibigan niya? Anong klase yun? Ni hindi man
lang siya binantayan. Nagmadali na kong magdrive papunta sa bahay nila Zoe. Buti na lang
naihatid ko siya kagabi kaya nalaman ko tinitirahan niya. Nang makarating na ko, nag-doorbell
agad ako. Pero walang nagbubukas.
"May sakit nga Ice di ba? Paano bubuksan? Aish. Bobo!" bulong ko sa sarili ko at kinatok ko ulo
ko.
Ano na gagawin ko ngayon? Sumandal muna ako sa may gate nila para mag-isip. "Aaah." whew! Buti
natungkod ko agad isang paa ko. Paano di pala nakasarado yung gate. Napakacareless naman ng mga
kaibigan ni Zoe. Paano kung may pumasok sa kanila at ninakawan? Haaay.
Bastos na kung bastos pero pinasok ko na bahay nila. Pinasok ko ang mga kwarto at ayun. Nakita
ko rin sa wakas si Zoe. Natutulog lang. Lumapit ako at sinalat siya sa noo. Mukha namang hindi
mataas lagnat niya. Pero nangialam pa rin ako at naghanap ng bimpo at mainit na tubig at
nilagay yun sa noo niya. Masyado siyang mahimbing matulog. Umupo muna ako sa sofa sa gilid ng
kama niya at iidlip lang ako saglit.
"WAAAAAAH!!" napadilat naman ako agad at muntikan pang malaglag sa kinauupuan ko nung sumigaw
si Zoe.
"Ikaw! Bakit ka nandito sa kwarto ko?! At paano ka nakapasok?! Anong ginawa mong masama sakin?!
Idedemanda kita kapag nalaman kong may ginawa kang masama!!" Para sa isang taong may sakit,
napakahyper naman ata niya. Nasigaw palagi. -____-
"Kapal mo naman! Demanda demanda! Pumasok lang ako sa kwarto mo idedemanda mo na agad ako?"
"Bakit ka ba kasi andito? Ano bang ginawa mo?" sa wakas malumanay na siya.
"Wala. Binantayan ka. Nag-aala -- ay este nakokonsensya kasi ako kung bakit ka nagkasakit. Kasi
hindi ko pa hininaan yung aircon sa kotse ko kagabi kaya ka siguro nagkasakit. Kargo ka pa ng
konsensya ko."
"Tss. Oo na. Oo na. Salamat na sa pagbantay kahit na nakokonsensya ka lang talaga." sarcastic
niyang sagot.
"Wala ka na agad lagnat? Kaya pala maingay ka na. Parang ang bilis naman." tiningnan ko ang
orasan niya. 11:30 na pala. 3 hrs pala ako nakatulog.
"Maliligo na. Kaya pwede bang bumaba ka muna?" sabi niya sakin habang kumukuha ng damit.
"Wala na nga di ba? Dun ka na. Labas na. Bilis." sabay bukas niya ng pinto.
Lumabas naman ako at dumiretsyo na sa sala. Mahirap na baka mabugbog pa ko kapag di ko siya
sinunod.
***
"Hindi ka ba nagugutom?" napatingin naman ako sa nagsalita. Si Zoe. Ngayon lang natapos maligo.
Halos isang oras ata sya sa banyo. -____-
Nagulat na lang ako ng humarang siya sa may TV at pinatay yun at nagpameywang pa. "Feel at home
ka masyado. Pasalamat ka binantayan mo ko. Kung hindi kanina pa kita nasipa palabas ng bahay."
"Oo na. Pwede ka na bang umalis dyan at buksan ulit ang tv? Nanunuod kasi ako."
"Kapal mo naman. Hindi ka manunuod dyan. Tutulungan mo kong magluto." di na ko nakapalag kasi
Nagkwentuhan lang kami nun at saktong dumating naman yung anim at nagtanong nang kung anu-ano.
Eto namang si Josh may paubo-ubo pang nalalaman. Kapag napahamak ako sa ubong yan. Tsk.
*end of flashback*
Ngayon, eto pa rin ako at natotorpe sa kanya. Pero kahit papaano naman ay naging magkaibigan na
kami kaya mas okay na 'to para sakin.
*******************************************
[30] Chapter 28 - Piggyback ride
*******************************************
Josh POV
"Good game Josh." bati sa akin ni coach. At nakipag-apir naman ang teammates ko. Kakatapos lang
ng practice namin sa basketball.
Matapos kong maligo na at magpalit ng damit, dumiretsyo ako sa room ng dance club. May practice
kasi kami para sa contest ngayon at dito ang usapan namin kung saan magkikita kita.
Nagsasayaw pa sila ng makarating ako. Sumandal muna ako sa may pinto at nanuod sa kanila. Not
bad. Magagaling naman palang magsayaw tong mga to. Nang makita ako ni Xander at Yannie, lumapit
na sila sa akin.
"Hindi naman."
"Saglit na lang Josh ha. Tinuturuan pa kasi si Sab ng steps niya." sabi ni Yannie.
"Yo! Tapos na ba kayo people?" sulpot ni Zoe. Patalon pa siya niyan ha. Hyper as usual. Kasama
pala niya si Ice. Magkaclub nga pala sila.
"Itry daw nilang humabol. Nagrereview sila ngayon e. Next week na kasi yung quiz bee." ah. Kaya
naman pala. Edi okay lang.
"Wait lang guys ha. Mag-aayos lang kami dun. Tara Yannie." sabi ni Xander sabay hila sa kamay
ni Yannie. Psh. Hindi naman kalayuan ang pupuntahan naghoholding hands pa.
Umupo naman kaming tatlo sa sahig at nanuod lang sa pagsasayaw ni Sab. Hindi naman matatanggi
na magaling siyang sumayaw. Pero wala akong paki. Basta para sakin makulit at mataray pa rin
siya.
"Galing magsayaw no?" sabi ni Zoe. Di ko na lang siya pinansin. Nasisiraan na ng bait to e.
Lagi akong tinutukso kay Sab. Asa naman siya.
"Psh. Suplado naman. Padeadma deadma pa. Alam mo kasi Josh -- "
"Nako ka Zoe. Tutuksuhin mo na naman ako dyan sa kaibigan mo. Kita mong lagi kaming nag-aaway
kaya imposible yang iniisip mo. In your dreams."
"Malay mo naman kasi. The more you hate, the more -- "
"Magtigil ka Zoe. Bakit ba kasi di na lang si Ice yang asikasuhin mo? Matutuwa pa yan." biro ko
sa kanya. Pero obviously, di niya narinig.
Napatayo naman kami sa sigaw niyang yun. Nilapitan ako ni Ice at binatukan, "Aray!" Sinamaan
niya ako ng tingin, "Magdaldal ka pa malalagot ka na." natakot naman ako dun. Ibang iba kasi si
Ice kapag nagagalit. Nakakatakot talaga.
"Ma'am uuwi na po si Sab?" rinig ko namang tanong ni Zoe sa nagtuturong sumayaw kay Sab. Nandun
na pala siya katabi ni Sab pati si Xander at Yannie.
"Yes, pauwiin niyo na siya. Baka mamaga paa niya. Namali kasi ata bagsak ng paa niya. Pacheck
up niyo na rin para sure." sabi nung teacher. E bakit kaya hindi siya nagpapacheck up since sya
yung teacher? Tamad naman nito.
"Alalayan mo si Sab."
"Hoy Zoe! Bakit sa bakulaw na yan pa?! Ayan ka naman." singit nung bwisit na si Sab.
Lumapit naman si Xander kay Sab at sinubukang alalayan patayo. Nakatayo naman sila pero
bumagsak din ulit.
Inalalayan naman namin sila, "Sorry Xander nahila pa kita pababa. Hindi ko pala kasi kayang
tumayo."
"Okay lang. Ako nga dapat magsorry e. Bugbog ako sa practice kaya medyo nangawit pa."
"Oy Zoe. Ayan pa si Ice oh. Siya na lang pwede?" tanong ni Sab. Choosy pa. Kung ayaw niyang ako
magbuhat sa kanya, mas ayoko namang buhatin sya.
"Ayan naman si Josh. Bakit ba ---- " di natuloy ni Zoe sasabihin niya ng kaladkarin na siya ni
Ice.
"Sa parking lot na lang." sabay taas ni Ice ng isang kamay niya habang hawak pa rin niya si Zoe
sa isang kamay pa niya.
"Bili lang kaming tubig ha. Sunod na lang kayo sa parking." paalam ni Xander at lumabas na ng
room na kaholding hands si Yannie.
Umupo naman ako ng konti para kapantay si Sab. Nakaupo pa rin siya sa sahig hanggang ngayon.
"Tara na nga." sabi ko at hinila yung isang kamay niya para ilagay sa balikat ko habang hawak
hawak ko naman ang bewang niya.
"A-aray."
"Sakay."
"Huh?"
"Sakay na kako."
"Sumakay ka na lang Sab. Wag ka ng makipagtalo." sumakay din naman siya. Himala at di
nakipagtalo to ngayon. Siguro naman nahihiya siya na binubuhat ko siya ngayon.
Tahimik lang kaming dalawa. Hindi nag-aaway. Hindi nagtatalo. Hindi nagsisigawan.
Nakakapanibago for short. Eto ba epekto ng namamagang paa kay Sab?
Medyo mabigat din tong si Sab. Kung titingnan mo mukhang ang gaan, pero di pala. Todo goodluck
na lang pala sa akin. Third floor pa to.
Tahimik lang kami hanggang sa marinig ko ang mga salitang never ko naimagine na sasabihin sa
akin ni Sab,
"Thank you Josh." halos pabulong na sabi lang niya. Tumango na lang ako nun.
Kathimikan. Ilang minuto na kami naglalakad at tahimik na naman. Nasa second floor pa lang
kami. Bakita ba kasi nasa dulo pa yung room ng dance club? Parang napakalayo tuloy nitong
nilalakad ko.
Ano bang trip nito? Pauga uga pa yung ulo. Nauuntog na sakin. Nagulat na lang ako ng biglang
pumatong yung ulo niya sa balikat ko. "Oy Sab ano ba?" pinilit kong tingnan siya. Kaya naman
pala. Nakatulog na. Bilis naman.
Ice' POV
Hawak hawak ko pa rin ang kamay ni Zoe. Yun e. Dalawang beses ko na siyang nakakaholding hands.
Paraparaan lang.
Nang makarating na kami sa parking lot, sa tapat ng van na gagamitin namin, bumitaw na ko.
"Ginawan lang kita ng pabor. Gusto mong si Josh magbuhat kay Sab di ba? Kaya hinila n kita para
di ako ang magbuhat sa kanya."
Medyo nakayuko siya at nakahawak sa tuhod niya. Sobra ata siyang napagod sa paglalakad. Sabagay
third flr yun.
Lumapit ako sa kanya, "Okay ka lang ba?" Nagthumbs up lang siya pero halatang hinihingal pa
rin.
Nakita ko naman na paparating si Xander at Yannie. Tumakbo ako palapit kay Xander at hinila
yung bote ng tubig na hawak niya. Buti di pa bukas. "Oy akin yan!" sigaw ni Xander pero di ko
siya pinansin at tumakbo lang pabalik kay Zoe. Inabot ko sa kanya yung tubig. "Here."
Ininom niya naman yun pagkatapos ay nagsalita na, "Thanks. Grabe. Napakalaki naman ng steps mo.
Halos mapatakbo na ko."
Dahil pala sakin kaya siya hiningal ng ganun. I felt bad. "Sorry."
Hinampas niya ko sa braso pero mahina lang, "Okay lang. Eto naman. Haha."
"Hoy Ice! Bakit ka nangunguha ng tubig?!" parang yun lang e. Kahit kelan talaga tong si Xander.
"Para kang ewan Xander. Tubig lang e. Eto na lang. Di ko naman naubos." sabi ni Yannie at
inabot yung tubig nya kay Xander.
Pumasok na ng van si Yannie at Zoe. Si Xander naman tumabi at umakbay sakin. "Thank you na rin
pala at kinuha mo tubig ko. Binigay tuloy ni Yannie sa akin yung kanya. Parang nag-indirect
kiss na tuloy kami." sabi niya sabay inom ng tubig. Napailing na lang ako. Utak ni Xander. >.<
Ken's POV
"End of thinking capacity." biglang sabi ni Ayu. Napatingin naman ako sa kanya. Nag-uunat na
pala.
Nasa library pa rin kami ngayon. Halos magsisix na pero nag-aaral pa rin kami dito.
"Let's end our review here." sabi ko sa kanya. Inangat naman niya agad yung ulo niya, tumingin
sakin at ngumiti ng pagkalapad lapad.
"Sa wakas. Tara na! Magpractice na lang tayo para sa contest." para sa isang grade concious, di
ko ineexpect na ganto pala siya. May pagkatamad din. It's cool actually.
Lumabas na kami ng library. Medyo madilim na pala. Tahimik lang kaming naglalakad palabas ng
school.
"Ken." tawag niya sakin kaya napatingin ako sa kanya. Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto
rin ako. Nakatingin siya sa akin ng diretsyo parang kinakabisa ang bawat anggulo ng mukha ko.
Napalunok na lang ako sa inaasta niya ngayon.
"A-ayu?" ayan lang ang nasabi ko. Ewan ko pero bigla akong kinabahan.
Medyo lumapit pa siya ng konti sa akin. Lalo akong kinabahan. Takte! Ano bang problema ko at
natataranta ko?
"Gwapo ka nga.. pero nasasawa na ko sa pagmumukha mo e. Hahahahaha." medyo naguluhan naman ako
dun. Ano?
"H-ha?"
"Kahapon, kagabi, pagpasok, sa room, recess, lunch, dismissal, review, pauwi at kahit pagdating
ko samin mukha mo nakikita ko. Two whole days na kitang kasama ha." nakahinga naman ako ng
maluwag. Malakas din trip ni Ayu ha.
"Ah ganun? Nagsasawa ka na pala sa mukha ko ha. Sige, di na ko pupunta sa inyo. Magsosolo
practice na lang ako samin. Tutal solo performance lang din ako." pagbibiro ko sa kanya at
nauna nang maglakad.
Humabol naman siya sakin at nagcling sa braso ko. "Eto naman nageemote agad. Joke lang yun.
Partner kita sa quiz bee kaya dapat lang tayo magsama no. Saka isa pa, friends tayo kaya pwede
ba kong magsawa sa pagmumukha mo? Gwapo ka naman kaya okay lang na makita ko 24/7 yang mukha
mo." natawa naman ako sa mga sinabi niya. Sobrang close na pala namin kahit di pa naman ganun
katagal nung nagkabati kami. Pero magaan loob ko sa kanya kaya feeling ko girl bestfriend ko na
rin siya.
"Lakas mangbola. Pero effective." nagtawanan lang kami dun. Pero napahinto kami nung nagring
phone niya. Tiningnan lang niya yun tapos pinatay niya phone niya at nagcling ulit sa braso ko
at naglakad na ulit.
"Daddy mo?"
"Yep."
"Alam ko na sasabihan nun e. Either pipilitin akong makipagmeet sa babae niya or ipapakilala
ako sa anak ng mga friends/business partners niya para ipadate."
"Ipadate?"
"What?"
"You heard me right. Pero syempre di naman ako pumapayag at wala siyang magagawa dun. Actually,
may nirereto siya sakin last week lang. Pero syempre ayoko nga. Bahala na si Daddy maghanap ng
ibang irereto dun sa anak ng mga partners niya. Wag lang ako. Pero wag na nga natin pag-usapan
yun. Naiinis lang ako e." Gustuhin ko mang magtanong pa, di ko na ginawa. Wag na raw magtanong
e. Edi sumunod naman ako.
***
P.S. Sino may Twitter Account dyan? Send me your username, I'll follow you. Pero follow back
kayo ha. Hahaha.
*******************************************
[31] Chapter 29 - Usapang lovelife
*******************************************
Ayumi's POV
Bilis lang ng oras. Sa makalawa laban na namin sa quiz bee. Buti na lang. Naiistress na kasi
ako kakabasa ng mga libro about sa History. Napakasakit sa ulo!
Lunch break at kasama ko yung tatlo ngayon sa likod ng campus. Favorite spot ko 'to sa school
e. Konti lang yung tao. Minsan nga kami lang. Medyo malayo layo kasi 'to kaya di mo tyatyagain
lakarin, pero di ko alam kung paanong nangyaring nakita namin 'to. Ang ganda pa ng ambiance
dito. Medyo madamo tapos maraming flowers. May mga butterflies din.
Naglatag lang kami ng blanket at humiga sa damuhan. Saktong di maaraw ngayon kaya mas maganda
ngayon dito. Nagtatawanan lang kami at bumubuo ng mga images sa clouds.
"Ang bilis ng time no?" medyo ginilid ko ang ulo ko para tingnan si Zoe na nagsalita.
"Oo nga. Biruin mo, parang last week lang first year pa lang tayo tapos ngayon fourth year na."
dagdag ni Yannie.
"Parang kailan lang din nung lumipat tayo sa Kingdom High at nakipag-away pero ngayon friends
na natin yung mga kaaway natin." sabi ko naman.
"Uhm. Parang kailan lang.. Parang.. Ugh! Wala! Wala akong maisip. Sinabi niyo na kasi!" Kahit
kailan talaga 'tong si Sab.
Dumapa ako at nangalumbaba, "Zoe, napansin ko lang, parang tumal ng lovelife mo ngayon ha. Last
boyfriend mo nung second year pa tayo."
"Eto naman kung makapagsabi ng tumal. Nakakadalawang bf pa lang naman ako e. At ni isa wala
akong sineryoso. Narealize ko lang na kung sakasakaling magkakabf ulit ako, gusto ko dun na sa
lalaking mahal ko."
Napaupo naman si Sab nun, "Teka nga. Ano ba pinag-uusapan natin? Kanina yung parang kailan lang
thingy. Tapos ngayon lovelife ni Zoe?" Panira talaga si Sab.
Minsan lang kami mag-usap usap about sa lovelife lovelife na yan. Kaya sagarin na.
"Panira ka ng momentum Sab. Mamaya ka na nga. Kay Zoe muna ako." sabi ni Yannie sabay lingon
kay Zoe. "Ikaw babae, baka naman tomboy ka? Kaya di ka nagkakagusto sa mga lalaki kasi babae
type mo?"
Sinamaan naman ng tingin ni Zoe si Yannie, "Utak mo rin. May crush ako no." nung marining namin
yun napaupo kami at tumingin sa kanya.
"Secret walang clue. Hahaha. Ayoko na. Ayoko na. Ikaw na lang Yannie! Ikaw pa lang naman
naiinlove sa atin e."
"Posible ba yun?"
"Mahal mo siya?" tanong ko. Kasi ang pagkakaalam ko talaga mahal na mahal ni Yannie si Tom na
ex nya, pero parang bigla bigla na lang, malalaman namin na sila na ni Xander.
"You're hiding something. Mind to tell us?" usisa ni Zoe. Sa aming apat, si Zoe yung tipo na
makakaalam sa isang tinginan lang kung nagsisinungaling, may bumabagabag o may sinisikreto ang
isa sa amin.
Napabuntong hininga si Yannie, "Napapansin mo talaga lahat. Seems like I'm about to break Rule
#4."
Nagkatinginan kaming tatlo nila Zoe and Sab, "Rule #4?" tanong ko.
"We're pretending. Fake relationship lang ang meron kami ni Xander. I don't know kung ano
pumasok sa isip niya at naisip niya 'to. Pero mas di ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at
naisipan kong pumayag sa naisip niyang 'to."
Napanganga na lang kaming tatlo. Laglag panga. All this time yung sweet gestures nila acting
lang? It was all a lie? Napaniwala nila kami dun ha.
"Ako rin kaya. Pero Yannie, payo lang ha. Ihanda mo sarili mo sa kahit na ano mang mangyayari.
Ang daming naiinlove sa mga fake relationship na yan. Swerte mo kung dalawa kayong mainlove.
Pero kung magiging one-sided, hirap yan." - Zoe
"Hindi. Nababasa at napapanuod ko lang. Hahahaha." Adik talaga nitong si Zoe. Haha.
"Don't worry. I can handle myself. Basta wag niyo lang pagsasabi yun ha. Pero itigil niyo na
yang fake relationship ko. Lipat tayo kay Ayu." sabi ni Yannie at lumipat ng tingin sakin at
nagtaas baba ang kilay.
Napatingin din si Zoe at Sab sakin sabay ngiti ng nakakaloko, "What?!" tanong ko naman sa
kanila.
"Wala naman. Gusto ko lang malaman kamusta kayo ni Ken?" oh? Bakit pumasok si Ken dito?
"Fine? Still reviewing?" I was unsure sa sagot ko. Alam ko kasing may ibang meaning tong mga to
e.
"Hindi yan! I mean, kamusta kayo? Close friends? Or nasa 'I'm getting there' stage na?"
"I'm getting there stage? Ano yun?" tanong ko kay Sab. Ang gulo nito.
Pero 'I'm getting there stage' ? Hindi naman alo umabot sa stage na yun. Nung mga nakakaraan
kasi naging super close kami ni Ken kaya baka akala nila nay something na. Para ko lang siyang
bestfriend na lalaki. And siguro hanga ako sa kanya. Gwapo. Matalino. Mabait. Wait, edi crush
ko sya? Haaay. Ang gulo ko.
Tiaasan ako ng kilay ni Yannie. Tinitigan ako ni Zoe. Nakatingin naman sakin ng salubong ang
kilay si Sab.
Kapag ganyan ang mga mukha nila alam ko nang hindi sila naniniwala sa sagot ko at hinihintay
nilang magsabi pa ko ng totoo.
Tinaas ko ang kamay as if I'm surrendering, "Okay. Okay. Tama na yang mga tingin niyong yan.
Totoo na tingin ko sa kanya ay guy bestfriend. Pero sabihin nating.. Crush ko rin siya."
Pumitik si Sab, "I knew it! Sabi na talaga e. Ikaw ha. Yiii." tinusok tusok pa nya tagiliran
ko.
"Ewan? Pero ngayon ko lang narealize nung tinanong niyo ko. Hahahaha. Pero cut na ang topic
sakin. Shift to Sab tayo."
"Hep! Wag ng subukin. Wala kayong mapapala sa akin. Wala akong crush, like, love, etc."
"Defensive naman nito. Hahaha. First kiss. Wala ka rin." tukso ni Yannie kay Sab. Hahaha. Paano
kaya napunta yun sa first kiss.
"So? Di lang naman ako ha. Si Ayu walang first kiss. Si Zoe wala rin." sabi ni Sab sabay belat
kay Yannie.
"Sino nagsabing wala pa ko?" agad kaming napatingin kay Zoe nun. Kasi ang alam talaga namin
wala pa siya e. Gusto kasi niya na sa first love niya mapunta ang first kiss nya. At dahil sa
wala pa siyang first love, wala rin siyang first kiss. Pero bakit malakas ang feeling ko na
meron na.
Lumapit si Yannie sa kanya, "Meron na ba Zoe? Sino? Sino yun?" halatang intrigang intrigang
tanong ni Yannie kay Zoe.
Bigla namang nagblush si Zoe at tumayo, "Ahh. Ano, nawiwiwi ako. CR lang muna ko. Mauna na
kayo sa room." paalam niya at tumakbo na paalis. Weird.
Tulad nga ng sabi ni Zoe, maglalakad na kami papuntang room. Kwentuhan about sa topic namin
kanina except yung sa kay Yannie. Baka may makarinig kasi.
Napahinto si Sab, "Uy sila Ice pala yun oh." sabay turo ni Sab sa greenhouse na nasa may gawing
likod pa rin ng school. Dahil nga sa greenhouse yun, glass ang windows so kitang kita namin
sila. Mukhang nag-uusap usap lang din.
Naglakad na nga kaming papuntang greenhouse. Mukhang di naman nila kami napapansin pa kaya
pumasok na kami sa loob. Nag-uusap usap pa rin sila at di pa rin kami nakikita. Marami rin
kasing harang na halaman sa gilid gilid e.
Napahinto naman kaming tatlo nun. May gusto si Ice kay Zoe? "Oo. May gusto ako sa kanya." sagot
ni Ice.
Nakatingin lang kami sa kanila. Di ko nahalata yun ha. Gusto pala ni Ice si Zoe.
"Gusto mo si Zoe, Ice?" singit ni Sab sa usapan nila. Napalingon naman ang apat samin na
halatang gulat na gulat.
***
Hello readers! Sa mga nagbigay ng twitter account nila, ANG DAYA NIYO. Ang dami kong finollow,
apat lang nagfollow back. -_____- :)) Ako na lang magbibigay ng UN ko. @ilyndanganan Ayan po.
Tweet me or message me dito for a follow back. :)
And one more thing. Pwede pabasa nung One shot ko? "Set You Free" yung title. Tingnan niyo na
lang sa proffy ko. For those who will read, advance thank you. For those who will not, thank
you pa rin. :)) :**
*******************************************
[32] Chapter 30 - Tipo ni Zoe
*******************************************
Ice' POV
"May gusto ka kay Zoe, Ice?" alam kong di boses lalaki yun kaya imposibleng ang mga kasama ko
ang nagsabi nun.
Nilingon ko ang direksyon kung saan nanggaling yung salita. Nanlaki ang mata ko ng makita si
Ayu, Sab at Yannie.
"Oo. Wag mo na rin balakin itanong kung anu-ano ang narinig namin." sabi ni Yannie.
"Oo nga Ice. Kailan pa?" gatong naman ni Xander. Sh*t tong lalaking 'to. Siya may kasalanan
kung bakit narinig nung mga babae yun e.
Pinalibutan naman nila ko. Nakapaikot pa talaga sila sa akin. Tsk. Tanging si Josh lang ang
nakatayo sa may gilid at pinapanuod kami.
Tiningnan ko sila isa-isa, "Matagal na. Hindi pa tayo magkakakilala." Pag-amin ko.
Mga nanlaki mga mata nila. "Paano?" usisa ni Sab. Tiningnan ko si Josh, at mukha namang
naintindihan nya na wala ako sa mood magkwento kaya nagsalita na siya.
"Ganto kasi yan.." panimula ni Josh. Napatingin naman agad yung lima sa kanya at sya naman ang
pinalibutan.
Napasandal na lang ako nun at di na sila pinakinggan. Nakakatawa na ang dami dami ng nakakaalam
pero yung mismong taong gusto ko wala pa rin kaalam alam.
"Napakatorpe mo naman Ice." natingin ako kay Ken nun. Tapos na pala silang magkwentuhan at
pagpyestahan ang buhay ko. Nagkibit balikat lang ako.
"Huh? Paano naman naging cute yun?" kunot noong tanong ni Ken.
Lumapit si Ayu sa kanya at umakbay, "Alam mo kasi Ken, mas okay pa yung lalaking di sinasabi
yung feelings nya at nagpapakatorpe pero totoo yung nararamdaman. Kesa naman sa mga
dumidiskarte nga at napakavocal, PERO, mga di naman totoo at purong pangbobola lang yung
sinasabi." tumango tango naman si Sab at Yannie bilang pagsang-ayon kay Ayu.
"Pero kung torpe naman siya at tinatago lang yung nararamdaman nya, di ba mahirap din yun?
Paano kapag naunahan siya ng iba? Paano kapag hinihintay lang din pala siya ng babae na umamin
ng nararamdan niya?"
Tinanggal naman ni Ayu ang pagkakaakbay kay Ken, "May point ka dyan."
"Sabihin na lang natin na okay lang magpakatorpe paminsan minsan. Pero dapat alam mo rin kung
kailan ka dapat umamin sa nararamdaman mo." dagdag pa ni Sab.
Trip na trip ako ng mga 'to. Laging ako na lang nilalagay sa hot seat. Nagkibit balikat lang
ulit ako. Kasi sa totoo lang, hindi ko rin alam kung kailan ako aamin. O kung magagawa ko bang
umamin.
Si Zoe.
Siguro kung may sakit lang ako sa puso, malamang ko ba inatake na ko. Pakiramdam ko lalabas na
ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Oo kinakabahan ako. Kinakabahan ako na baka narinig
niya lahat ng napag-usapan namin. Na baka nalaman na niya ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Oo. Pero may naiwan ako sa place natin kanina kaya bumalik ako. Tapos nakita ko kaya dito kaya
pumasok na ko." nakangiti niyang paliwanag.
"Nope. Kakarating ko lang." nakahinga naman ulit ako ng maluwag nun. Akala ko buking na. "So..
sino nga yung torpe?" nakangiting tanong nya.
Bumalik yung kaba sa dibdib ko. Nagkatinginan lang kami. Parang naninimbang kung sino ang
magsasalita. I was about to speak nang magsalita na si Ken, "A friend of mine.. Zoe."
"Really? Akala ko isa sa inyo." sabay tawa pa niya. Nagkatinginan naman kaming pito at halata
mong nagpipigil ng tawa yung anim. Tsk.
"Bakit mo naman maiisip yun? Tingin mo ba torpe kami? Ha! Hindi ah. Walang torpe samin. Di ba
Ice?" hayup tong si Josh. Tsk. Nang-iinis pa.
"O-oo naman. Walang t-torpe samin." sagot ko at tumingin ng masama kay Josh.
"Teka nga pala Zoe. Anong tipo mong lalaki?" usisa ni Sab.
"Uh, kasi kanina nung wala ka pa natanong ko na sila e. Di ba guys?" lingon samin ni Sab at
nagsitanguan naman mga kasama ko.
"Ah. Tipo ko? Hmm. Gusto ko kasing gwapo at kasing cool ni Daniel Padilla. Kasing galing
kumanta ni Liam Payne. Kasing hot ni Chanming Tatum. Kasing cute ni Logan Lerman. Kasing yaman
ni Bill Gates. Kasing talino ni Einstein. Yun. Yun yung tipo ko." literal na napanganga kami sa
sagot ni Zoe. Tae. Mukhang walang wala ako dun ha.
Binatukan naman ni Yannie si Zoe, "Aray!" sigaw nya habang kinakamot yung ulo niya.
"Umayos ka nga Zoe. Makakatikim ka sakin e! Perfect yang dinedescribe mo. Yung nag-eexist naman
sana yung banggitin mo."
"Sumagot ka na lang!" sabay sabay na sigaw nila Yannie, Ayu at Sab kay Zoe. Napaatras naman
kaming mga lalaki. Amazona talaga tong apat na to.
Tinaas naman ni Zoe kamay niya, "Chill! Masyado kayong hot e. Eto na. Eto na." Nagsilapitan
naman yung anim sa kanya.
"Iiih. Wala e. Wala akong maisip." sabay sabay ulit na napatalikod kay Zoe yung anim at
nagsikamot ng ulo.
"Ano ba yan! Pwede bang wala? Kahit isa man lang?" reklamo ni Sab.
Medyo nag-isip naman si Zoe nun. "Wala kasi talaga e. Wala akong tipo tipong ganyan. Basta kung
kanino tumibok puso ko, dun na ko."
Tumingin naman si Zoe kay Xander tapos kay Yannie. Tapos kay Sab naman na nagtanong. "Sorry.
Sabi ko nga fail ang question e." sabi ni Sab.
"Di imposible yan." sagot ni Zoe. Aray ha. Pwede siyang magkagusto kay Ken? "Pero.. malabo e.
Hahahaha." E yun naman pala.
Tiningnan ako ni Zoe. Bumilis tibok ng puso ko sa tingin niyang yun. Ewan ko pero bigla akong
kinabahan sa magiging sagot niya. Nakatingin lang din ako sa kanya tulad ng iba at naghihintay
ng sagot. Mamaya, nginitian niya ko, yung ngiting umaabot sa mata, na lalong nagpabilis ng
tibok ng puso ko.
"Hindi e." <///3 Takte! Wala pa man din basted na?! Kapag yung iba may posibilidad magustuhan
niya tapos ako wala? Ganun ba niya ko hindi kagusto?
Sinulyapan naman ako nung anim. Parang sinisigurado kung anong naging reaksyon ko.
"Hindi.
Ken's POV
"Guys, una na muna kami ni Ayu." paalam ko sa mga kaibigan kong kinakantsyawan si Zoe kay Ice
dahil sa sagot nyang 'hindi malabo'.
Napatingin naman sakin si Ayu na nakasalubong pa ang dalawang kilay. Natuwa ako sa reaksyon
niyang yun kaya pinadaan ko yung kamay ko sa mukha niya. Yung palad ko nilagay ko noo nya
pababa sa may ilong nya. Parang hinilamos. Ganun.
Tinabig naman nya yung kamay ko at pinalo ako, "Aray naman!" reklamo ko sa kanya.
"Psh. Ewan ko sa'yo!" pagkasabi niya nun pinisil ko naman ang pisngi niya at napapout siya.
"Ehem. Ehem." napalingon naman kami ni Ayu kay Sab na paubo ubo. "Tapos na maglambingan?"
dagdag pa niya.
Nagkatinginan naman kami ni Ayu. Pero nung nagtama yung mata namin, agad rin naman namin iniwas
yung tingin. Teka, bakit ba nag-iwas ako ng tingin?
"Inggit ka lang!" banat ni Josh kay Sab. Sinamaan lang niya ng tingin si Josh.
Lumapit naman si Josh sa kanya at umakbay, "Wag ka nang mainggit dyan Sab. Para saan pa at
nandito ko?" halata namang nagblush si Sab sa sinabi ni Josh pero di yun nahalata ni Josh.
Pwede rin pala ang dalawang to. Ngayon ko lang napansin.
Nang medyo nakarecover si Sab, siniko niya yung tagiliran ni Josh at tinanggal ang pagkakaakbay
nito. "Asa ka pa! Unang una di ako naiinggit. At pangalawa, kung mainggit man ako, wala kang
pakialam dun. At pangatlo, ano naman kung andyan ka? Di kita type!"
"Choosy ka pa! Pasalamat ka nga naaawa pa ko sa'yo at pagtyatyagaan pa kita dyan e. Wag kang
mag-alala.. di rin kita type."
"Wow! Wow talaga! Hanep yang confidence mo. Wag ka na umasa Sabrina! Para sa kaalaman mo, ang
mga type kong babae, yung mga kasing ganda ni Yannie. Kasing sexy ni Zoe. At kasing talino at
lambing ni Ayu. Pagpapantasyahan ko na yung tatlong yun kesa sayo. Asa ka pa!"
Binatukan ni Xander si Josh. Kusa rin gumalaw ang kamay ko at binatukan ko si Josh. Pati si Ice
nakibatok na. "ARAY! Ano bang problema niyo?!" sigaw ni Josh.
"Sorry naman. Chill lang dude. Eto naman di na mabiro." sabi ni Josh kay Xander. Pagkatapos ay
humarap siya sa amin, "Kayong dalawa! Ano namang problema niyo at nambabatok kayo?!"
"Bumatok sila. Gumaya lang ako." chill na sagot ni Ice. Alibi nito. Hoo. Bumatok lang yan dahil
kay Zoe.
Tiningnan ulit ako ni Josh na parang naghihintay ng sagot. Takte! Bakit nga ba ako nakibatok?
"Ano.. Kasi -- "
"Alam mo tama lang sayo ang mabatukan! Ambisyoso ka kasi. Taas pa ng standards mo akala mo
naman kagwapuhan ka." whew! Saved by Sab.
"Maganda talaga ako. Magandang maganda. Kalevel ko ng ganda si Yannie. Kasing sexy ko si Zoe.
Ang wala lang ako ay ang talino at lambing ni Ayu."
"Teka teka. Bakit kinukumpara mo sarili mo sa mga katangian ng type kong babae?"
"TAMA NA! INGAY NIYONG DALAWA! Pagbuhulin ko kayo dyan!" sigaw ni Zoe sa dalawa. Pagkatapos ay
lumingon sakin, "Uy, di ba sabi mo mauna na kayo?"
"Magrereview."
Oo nga naman Ken. Tss. Ano ngayon isasagot mo? Kasi excited kang mag-aral? E bakit nga ba
excited akong mag-aral ngayon? Nababaliw na ata ako. Kanina pa ko ganto ha. "Uhh. Kasi.. Uhm.
Para ano.. Para mas marami tayong mareview. Mas maganda yun di ba? Kaya tara na wag ka ng
matanong dyan ha." sabi ko sa kanya at naglakad na palabas ng greenhouse at tinaas ang kamay
senyales ng pagpapaalam.
"H-ha?"
"Sabi ko.. May girlfriend ka ba ngayon? Kasi nacurious lang akong itanong. Haha. Ikaw marami ka
na alam sakin kaya dapat alam ko rin ang nangyayari sa buhay mo. Partners pa man din tayo."
"Ahh. Yun lang pala." sabi ko at naglakad na ulit. Sumabay naman sya. "Wala. Nagkagirlfriends
ako dati pero wala na yun ngayon."
Ayu's POV
"Gusto? Hmm. Meron ata." napahinto naman ako nun. Di ko alam kung bakit.
"Ah.. Wala naman. Akala ko lang may naapakan akong something." pagpapalusot ko sa kanya. "Tuloy
mo na sinasabi mo. Bakit ata lang?"
"Mali pala. Gusto ko siya. Yun nga lang hindi ko alam kung sino siya." tuloy niya sa kwento.
"Ha? Paano nangyari yun? Hindi mo kilala yung taong gusto mo?"
Tumango naman siya, "Her voice. Ayun lang pinanghahawakan ko. One time kasi nakarinig ako ng
boses ng babaeng kumakanta. Since narinig ko boses nya, lagi ko na siyang naiisip. Lagi ko na
rin naririnig yung boses nya kahit wala naman talaga."
"Triny mo bang hanapin kung sino man may ari ng boses na yun?"
"Hindi. Hindi ko alam kung paano e. Saka naniniwala naman ako na gagawa ng paraan si destiny
para magkita na kami."
"Ha?"
"Ha? Ah. Wala. Sabi ko ang baduy mo. Destiny ka dyan. Hahaha." pagpapalusot ko.
"Ah ganon? Baduy pala ha. Etong sayo." kiniliti niya na ko nun.
"Hahahahahah. Ta-- hahahahah. Tama na. Hahaha. Ayaw -- Hahaha. Na." tinigil naman nya na yun at
naglakad na ulit kami papuntang library.
Haaay. Ano na ba 'tong nararamdaman ko? Kanikanina lang nung nalaman at naamin ko sa sarili
long crush ko si Ken. Pero crush lang yun e. Paghanga. Kaya dapat wala akong pakialam kung may
gusto siyang iba. Pero bakit parang may mali sa nararamdaman ko? Bakit parang...
***
"Tara. Meryenda muna tayo." yaya sakin ni Ken. Break muna sa review.
Sa may garden kami ng school pumunta. Dito na lang din daw kami magreview para mas relaxing.
Pumayag naman ako syempre. Payag lang ng naman ako ng payag e.
"Dito ka lang muna Ayu. Bili lang akong pagkain natin." tumango naman ako nun.
May nakikita na ako sa peripheral view ko na papalapit. Si Ken na 'to malamang kaya tumayo na
ko sa kinauupuan ko at humarap, "Ang tagal mo naman gutom ---" Ay! Pahiya pa ko. Di pala siya.
"Sorry po. I thought ikaw yung friend ko e." sabi ko sa lalaki. Nagsmile naman sya at lumapit
sakin.
"Sure po."
"Ah, saan po yung room ng 3A?" ah. Yun lang pala. Tinuro ko naman yung direksyon sa kanya nun.
"Thank you."
"Kuya, pwede magtanong? Bakit niyo hinahanap room nila? Nako. May girlfriend ka dun no? Yii."
grabe. Ang FC ko. Pero okay lang. Nacurious talaga ko e. Hahaha.
Namula naman yung tenga nung lalaki. Tapos napahawak sa batok niya, "Oo e." yiii. Dinadalaw pa
niya yung gf niya. Sinadya pa nya sa school puntahan. Ang sweet lang.
Medyo tinukso tukso ko pa yung lalaki nun. FC nga kasi ako. Ganun din naman sya so quits lang.
Haha. Medyo nalingon ako sa likod nung lalaki at nakita ko na si Ken na papalapit. "Uy Ken --"
"Review na tayo." sabi niya at nilapag lang yung pagkain sa table. Sabay upo at binuklat na
yung libro.
Nagkatinginan lang kami nung lalaki nun. Lumapit ako sa kanya at bumulong, "Sorry kuya.
Masungit talaga yan minsan. Sinungitan din ako niyan nung una kaming nagmeet e." natawa naman
ng mahina yung lalaki nun.
"Sige na Kuya ha. Review na ulit ako. Babye!" sabay wave ko sa kanya.
Umupo naman na ako sa tabi ni Ken. Kinuha ko muna ang pagkain ko at nagbuklat lang ng libro.
"Di ka kakain?" tanong ko sa kanya. Di kasi niya pinapakialaman yung pagkain niya.
Kaya lang meron ata to ngayon at nagsusungit. Hindi ba naman ako pinansin. Psh. -_____-
***
Isang oras na kami dito pero di pa rin siya nagsasalita. Baka naman may nangyari kanina nung
bumili siya. Matanong nga. Mapapanis na yung laway ko e.
"Ken -- Uy! KUYAAAA!" di ko natuloy sasabihin ko kasi nakita ko yung lalaking nagtanong kanina.
"HELLOOOO!" sigaw din niya at nagwave. Medyo malayo kasi kami sa isa't isa. Uwian na naman kaya
ayos lang sumigaw.
Nakita ko namang may kasama siyang babae kaya sumigaw ulit ako, "SIYA BA YUN?!" gets na siguro
niya yun.
Nagthumbs up naman siya, "OO! SIYA YUNG GIRLFRIEND KO!" tapos nagwave naman yung babae. Nagwave
lang din ako tapos sumenyas na sila na aalis na sila.
Nalingon naman ako kay Ken. Nakatingin lang pala siya sa akin nun at tumigil na sa pagbabasa.
"Huh? Wala. Ang ingay mo kasi. Sigaw ka ng sigaw. Parang tatlong taon kang di nakapagsalita
kung makasigaw ka."
"Tss. Parang ganun na nga. Ang tahimik mo kasi. Kaya feeling ko 3 taon na ko di nagsalita. At
buti naman nagsasalita ka na. Ano bang problema mo kanina?"
"Wala naman. Hahaha. Nastress lang siguro sa pag-aaral. Sige. Kainin ko lang tong pagkain ko.
Hahahahaha." tinanguan ko lang siya nun habang siya naman kain na ng kain.
Weird din 'tong lalaking 'to e. Bipolar. Kanina nagsusungit tapos biglang tatawa ng tatawa na
lang.
*****
Hey guys. Alam kong maraming makaIce&Zoe sa inyo. Pero sorry at wala muna silang moment dito.
Kailangan ko lang din po kasing bigay ng moment yung ibang characters. Nagmumukha na kasi
silang support. Yun lang. Stay safe! :* <3
*******************************************
[34] Chapter 32 - Bakulaw
*******************************************
Sabrina's POV
"Hoooooy! Bilisan niyo kaya! Baka pagdating natin dun wala na tayong abutan!" sigaw ko sa
napakababagal kong mga kaibigan.
Nasa may classroom pa kasi. E manunuod nga kami ng laban nila Ayu at Ken sa quiz bee ngayon.
Moral support ba. Kaya nga shorten period lang kami e. Pero ewan ko lang kung may abutan pa
kami. Kay babagal kasi ng mga kasama ko. >.<
Lumabas naman na si Zoe, Ice at Josh. "Napakaingay mo. Nakakaistorbo ka ng ibang klase. Baka
nakakalimutan mong fourth year lang ang nakashorten period." sabi sakin ni Zoe.
"4 pa simula."
"Hoy Sabrina! Makapagreact ka dyan. Parang napakalayo ng convention. 20 minutes away lang kaya
yun. OA nito."
"Zoe naman e. Hihintayin mo pa bang magalasquatro bago ka pumunta dun. Kung kaya mo nang gawin
ngayon, wag mo nang gawin mamaya. Ngayon na dapat." pangangatwiran ko.
"Yang bunganga mo walang preno! Alam mo ba yung maaga pa? Excited ka masyado e!" epal nung
bakulaw.
"Kinakausap?"
"Wala kang kwentang kausap! Bahala ka dyan!" tapos tinabig ko siya at akmang pupuntahan sila
Yannie at Xander sa loob ng room. Napakatagal naman kasi.
Papasok pa lang ako ng pigilan ako ni Zoe, "Nag-aaway pa. Wag kang istorbo."
Oh? Nag-aaway yung dalawa? Pero dahil sa dakilang pasaway ako, pumasok pa rin ako.
Magkaharap lang yung dalawa. Nakakunot noo ni Xander at nakataas naman kilay ni Yannie, "MAMAYA
NA LQ! LATE NA TAYOOOOO!" napatingin naman sila sakin.
"Hoy Sab! Kulit mo. Ano ba!" saway sakin ni Zoe pero di ko siya pinansin.
"Saaab naman! Ingay mo. Saka bigyan mo ng privacy yang dalawa. Tara na." hila hila na ko ni Zoe
sa braso pero nagpupumiglas pa rin ako.
"Wag ngang maingay di ba. Napakakulit mo. Tara na sa parking." taeng bakulaw 'to. Panira!
Bwisit. Nagpupumiglas ako pero di ako makapalag. Laking tao ba naman kasi nito.
"Asdfghjklqwertyuiop"
"Shut up Sab! Hoy! Kayong dalawa! Tara na!" sigaw niya kay Ice at Zoe pero di man lang siya
tumingin.
Mababaliw na ko dito. Salita ako ng salita pero di naman maintindihan sinasabi ko. Makawala
lang ako makakatikim sakin tong bakulaw na 'to. Letse talaga siya!
"Wag ka sabing maingay! Hanggat nagsasalita ka di ko tatanggalin tong kamay ko! Napakahirap
mong kausap!" sigaw nung bakulaw. Grabe. Nakarating na kami ng parking nakatakip pa rin kamay
niya sakin. Masusuffocate na ko ha.
Nang natanaw ko na yung van na gamit namin nagpumiglas na naman ako. Full force na ko ngayon.
Sa sobrang bongga ko, nakawala naman ako sa kanya. Oha. Kabog ko siya.
"Grabe! Papatayin mo ba ko?! E kung ikaw kaya unahin ko dyan!" sigaw ko sa kanya.
Kaya lang kung di ba naman ako tanga at kalahati, di ko napansin yung bag ni Josh na nabitawan
pala niya nung nagpumuglas ako kaya ayun. Plangak. Nadapa ako. Tsk.
"Tsk!"
"Jusko naman Sab. Tatanga tanga ka na naman dyan e. Laki laki ng bag di mo ba nakikita?"
"Ikaw ang tanga dyan! Nagtatanong ka pa kung nakita ko ba. Kung nakita ko yan tingin mo ba
nakasalampak ako ngayon dito?! Letse naman!" nagtatanong pa kasi halata naman. Hindi naman
masamang pairalin ang common sense paminsan minsan. Tsk.
"Psh." pinulot lang nya yung bag nya tapos ay naglakad na papuntang van.
Wow naman di ba. Napakabait. Iniwan akong nakasalampak dito. Grabe! Pinaglihi ata sa kasakiman
yung lalaking yun.
Sinubukan kong tumayo, pero syempre keri ko naman at nakatayo ako. Kainis. Wrong timing ang
outfit ko. Nakashort lang ako. Edi ayun. Nagkasugat. T_____T
Naglakad na ko papuntang van yun nga lang masakit ng konti pa yung tuhod ko. Nagkasugat nga
kasi.
Nagulat na lang ako ng makita si Josh sa harap ko. "Oh? Ano? Masaya ka nang nakikita akong --"
Naputol ang sinasabi ko kasi biglang yumuko si Josh, "Kasi naman di tinitingnan ang dinadaanan.
Di ko alam kung lapitin ka ba ng kamalasan o sadyang clumsy ka lang. Nakakstrike two ka na
ngayong week." pagkatapos ay tumayo na siya.
"Ayan. Pasalamat ka may dala akong band aid ngayon." si Josh ba talaga tong kaharap ko? Anong
nakain nito ngayon? Bait ata. Nilagyan pa ko ng band aid sa tuhod ko.
"Karma?"
"Oo. Kasi napakasama mo sakin. At kasi napakaingay mo kanina. Mwahahahaha. Buti nga." anak ng..
Okaaaay. Binabawi ko na sinabi ko kanina. Walanghiya pa rin po siya.
Karma karma pala ha? Dahil sa badtrip ako sa kanya, sinukmuraan ko nga. Bwahaha. Halos mapaupo
tuloy sya at nakahawak pa sa tiyan nya. Kala nya ha. >:)
Tiningnan ko lang siya at nagbelat. "Grabe ha. Pagkatapos kitang bigyan ng band-aid, eto pa
igaganti mo sakin?"
"Bayaran ko pa band-aid mo e. Bilhan pa kitang isang box dyan. Matahimik at wag mo lang
maisumbat yan. Bwisit ! Dyan ka na nga!" iniwan ko na sya dun at sumakay na ng van habang
hinihintay yung apat.
***
Sa wakas. Nakarating na kami ng convention. 3:30 pa lang. Masyado nga akong excited. Mehehehe.
"Ayan kasi. Masyadong nagmamadali. Maghihintay tuloy tayo." bulong sakin nung bakulaw ng
makapasok kami ng convention. Siniko ko nga. "Aray." reklamo niya pero di ko pinansin.
"Guys, dun na lang tayo sa harap para makita natin sila." suggest ni Zoe. Syempre pumayag naman
kami.
Magkatabi sa pinakadulo si Ice tapos si Zoe. Katabi naman ako ni Zoe at ang nakatabi ko ay yung
bakulaw. Nasa kabilang dulo naman si Xander at Yannie na hanggang ngayon ay di pa rin
nagpapansinan. Ano kayang pinag-awayan nung dalawa? Machismis nga si Yannie mamaya.
Nagstart na ang quiz bee. Wala akong masabi. Nga nga na lang kami. Ang talino talaga nung
dalawa. Wala pa silang mali. Lahat ng tinatanong alam nila. Yung mga kalaban nila ang dami ng
mali pero sila bongga. Perfect!
Kaya in the end.. panalo sila Ayu! Sa sobrang tuwa namin napatayo na lang kami at nagtatatalon.
Very proud friends here! Hindi pa ko nakuntento kakatalon kaya niyakap ko naman si Zoe. Ganun
kasi talaga ako kapag sobrang saya, nangyayakap ng katabi. Lumingon naman ako sa isa ko pang
katabi at yumakap din. Si Josh naman tong katabi ko e.
Teka..
Si Josh?! Ay jusko! Agad akong bumitaw sa kanya. Mukha namang nagulat siya sa pagkakayakap ko
kaya napatulala siya. Pero kung nagulat sya.. MAS NAGULAT NAMAN AKO SA GINAWA KO.
Nagkatinginan lang kami ni Josh. More like titigan pala. Pero naiwas na rin ako ng tingin nung
bigla siyang ngumisi. "Tsansing ka ha." asdfghjkl.
"Feelingero kang bakulaw ka. Nagkataon lang na ikaw katabi ko!" sabay irap ko sa kanya. Bigla
naman siyang nagchuckle.
Psh. Tawa tawa pa. Tsk. Para maiayos ang mood ko tumalon talon ulit ako at sumigaw pa.
"CONGRATS AYU AND KEN!! THE BEST TALAGA KAYO!!"
Lumingon naman silang dalawa sakin at kumaway kaya kumaway din ako. "CONGRATS ULIIIIT! WOOO.
ANG SAYAAA! PANALO SILA AYUUUU! YANNIE PANALO SILA!! SAMAHAN MO KO SA RESTROOM!!!" napalingon
naman sakin si Yannie at sinamaan ako ng tingin.
"Kailangan isigaw? Tsk. Tara na." sabi lang nya pero iniwan naman ako at nauna nang lumabas.
Nagbabalik na naman ang mataray na Yannie.
Tumakbo naman ako para maabutan siya. "Yannie!! Wait naman. Bakit ka ba nagmamadali dyan?" Pero
di naman nya ko sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Pagdating namin sa cr, diretsyo ako sa isang cubicle syempre. Paglabas ko sa cubicle na yun
inabutan ko lang na nakaharap sa salamin si Yannie. Nagbuntong hininga siya at naghilamos na
lang bigla.
Nilapitan ko siya, "Uhh. Ano.. Yannie.. Ayos ka lang ba? Ano bang problema?"
"Problema? Yung Xander na yun. Jusko! Jusko! Sarap ihagis sa pader." sabi ni Yannie at naglakad
na naman palabas ng cr. INIWAN NA NAMAN AKO! Kaya sunod na naman ang drama ko. Ano ba yan. Tsk.
Paglabas ko ng cr, hahabulin ko na sana si Yannie kaya lang bigla na lang siyang huminto. "Ano
ka ba Yannie. Pinapagod mo ba ko? Kanina pa kita hinahabol ha."
Deadma na naman ang beauty ko! Haaaay. "Huy Yannie. Ano ba kasi yang kinahahighblood mo?"
tiningnan ko siya at parang may tinitingnan lang din siya kaya tumingin ako sa direksyon ng
tinitingnan ni Yannie.
Sabrina's POV
Ilang minuto ata kaming nakatayo ni Yannie dun habang pimagmamasadan si Xander na
nakikipagtawanan at nakikipag-usap sa isang babae. Chicks kaya nya 'to? Akala ko pa naman di na
chickboy si Xander. Mukhang mali ako.
Bigla na lang naglakad si Yannie pabalik at papasok sa hall kung saan ginanap yung quiz bee.
"YANNIEEEE!" sigaw ko sa kanya kasi as usual.. INIWAN NA NAMAN AKO.
Dinaanan lang niya si Xander at hindi ako pinansin. Mukha namang nagulat si Xander nun kasi di
niya alam na nakikita siya ni Yannie. Tinwag ni Xander si Yannie pero di naman siya pinansin ni
Yannie.
Lumapit sa akin si Xander kasama yung babaeng kausap niya kanina. Pero bago pa siya magsalita,
sinamaan ko na siya ng tingin tapos ay dinuro duro, "IKAW! Ikaw na lalaki ka. Diretsyuhin mo
nga ako. Babae mo ba yan?" sabay turo ko dun sa kasama niyang babae na parang napagexperimentan
yung mukha ng isang frustrated painter. Mukha namang nagulat ang dalawang taksil.
Magsasalita na sana siya pero tinaas ko yung kamay ko para pigilan siya, "How dare you! Are you
cheating on Yannie?! Kaya ba kayo LQ kanina?! Grabe naman Xander. Kung yung mga nagbrebreak nga
kailangan may sundin na 3 month rule bago humanap ng bago tapos ikaw, nagLQ lang kayo may bago
ka na agad?"
"Teka! Baka naman si Yannie ang ginawa mong kabit sa inyo? Pinaglaruan mo ba si Yannie?
Niligawan mo ba siya kahit na may gf ka?!"
"Sab -- "
"Grabe ka talaga! Middle name mo na ba ang manloloko? Mauubusan ka ba ng babae kaya dapat
dalawa silang pinagsasabay mo? Masaya ka na ba Xander?!"
"Malabo na ata yang mata mo e! Mas pipiliin mo ang babaeng yan kaysa kay Yannie? Dalhin na kaya
kita sa EO. Di hamak naman na mas maganda, mas sexy, mas charming si Yannie diyan. At alam ko,
kasi halata naman, na mas matalino, mayaman at mabait si Yannie kaysa sa babaeng yan! Tingnan
mo nga yang babae mo! Tingnan mo lang mabuti itsura nya.. napaka.. napaka.. ay basta! No
comment!"
"SABRINAAA!"
"Bakit Xander? Bakit mo ko sinisigawan? Ayaw mo bang nilalait ko ang girlfriend mo? Nasasaktan
ka rin --- "
Dahil sa gulat at medyo takot na naramdaman ko, tumahimik na nga ako. Seryosong seryoso na si
Xander e. Para na siyang si Yannie. Nakakatakot. T___T
"Kanina mo pa ko di pinapatapos sa sasabihin ko. Pwede bang makinig ka muna?!" tinikom ko ang
bibig ko at tumango tango.
Magsasalita na sana siya kaya lang biglang epal nung babae, "Xander. Mauna na ko. At saka next
time kung sakaling makikita ulit kita, wag ka sanang magalit o magtampo kung di na kita
kausapin o pansinin ha. Sangkatutak na lait ang inabot ko ngayong araw. Nakakatrauma na." sabi
nung babae sabay takbo paalis.
"Nakita mo ba'y ginawa mo?" tumango tango ulit ako. "Nilait mo siya e di ko naman babae yun.
Kaibigan ko yun. Girlfriend siya ng pinsan ko." girlfriend ng pinsan? Ay jusko. Patawarin sana
ako ni girl sa panglalait ko sa kanya. Dala lang ng bugso ng damdadamin.
"Isa pa Sab, wala akong babae. At saka bakit ka nga pala ganyan magreact? Parang hindi mo alam
na di totoo tong relasyon namin?"
Tumango siya, "Kaya nga kami nag-aaway. Dalawa na sa mga ginawa naming rules ang nilabag namin.
Siguro ngayon tatlo na since akala niya nambababae ako."
"D-dalawa? Ay mali. Mali. Tatlo? Di ba isa pa lang? I mean, dalawa. Pero since di ka naman
talaga nambababae, isa lang talaga."
"Una na nga yung sa pagsabi nyang fake relationship lang 'to. Pangalawa ay yung di namin
pagdedate twice a week. Pero mahirap naman pala kasi talaga yun kasi busy rin tayo sa
pagprapractice. And pangatlo, eto nga. Yung akala nya nambababae ako."
"Sus! Pero teka lang ha. You mean, nagLQ kayo because di niyo nasunod ang ilang sa mga rules?"
tumango naman si Xander.
Medyo natawa naman ako dun, "Ano nakakatawa?" tanong nya sakin.
"Wala naman. Your reasons are just so.. petty." natahimik naman si Xander nun. Parang nagiisip. "You're both childish kaya lumaki ng ganyan ang LQ nyo. Pero dahil na rin sa eksenang
inabutan namin kanina.. nakoo Xander."
"Tsk. Tsk. Goodluck na lang sayo. Mahirap amuhin yang si Ms. Katarayan. Parang di mo kilala
yan." napabuntong hininga naman siya sa sinabi ko. O di ba? Sa halip na i-encourage parang lalo
ko pa siyang dina-down. Hahahaha.
Natigil na lang kami sa pag-uusap nang bumukas na ulit ang pinto sa may hall kung saan nagquiz
bee at naglabasan na ang mga tao. Nakita na rin namin ang mga kasamahan namin na lumabas na
kasama ang ibang schoolmates namin pati na rin ang teachers, at si Ayu at Ken.
"Bakit di na kayo bumalik sa loob?" tanong ni Zoe. Walang sumasagot sa amin ni Xander. Si
Yannie naman nakatahimik pa rin. Black aura po siya ngayon. T___T
At dahil siya nga si Zoe, na madaling makaalam ng feelings at tinatago namin, parang nagets na
nya yung ngiti kong yun.
"Uhh, wait lang guys ha. Mauna na kayo sa van. Restroom lang. Sab, pasama." paalam ni Zoe sa
kanila.
Bakit ba kasi ako.. aaah! Gets ko na. Ang slow ko talaga paminsan minsan. Natraffic pa siguro
common sense ko.
"Ah, oo nga. Sabi ko nga pupunta tayong restroom e. Ang cute kasi ng restroom dito kaya nageenjoy akong balik-balikan. Sige, una na kayo guys. Sunod na lang kami ni Zoe." paalam ko.
Yannie's POV
Nakakatapak lang
makikita nila si
nila ako. That's
sa kagagawana na
kasi sa pride ko e. Dahil nga sa ang akala ng mga tao na totoong kami, kung
Xander with another girl, iisipin nila na uto uto akong babae. At kakaawaan
the least thing I want right now. Oh my precious ego. Baka mayurakan ka dahil
napakawalanghiyang Xander Evans na yan.
Dahil sa inis ko di ko magawang makipagcelebrate sa mga 'to e. Sayang naman ang venue. Tsk.
Nagrent kasi kami ng karaoke room. Yung parang sa Korea. Nagcecelebrate sa pagkapanalo nila
Ayu.
Si Sab, Zoe, Josh at Ken kanta ng kanta. Si Ice nakaupo lang sa gilid at pinapanuod yung mga
yun at nakikitawa. Si Ayu nakikisayaw lang since malat siya ngayon at di makakanta. Si Xander?
Pakialam ko dun.
"Yannie." nilingon ko yung tumawag. Speaking of the devil. Si Xander nga. Tumabi siya sa kin
pero inirapan ko lang siya.
"Okay. I'm sorry. Sorry kung nagalit ako at inaway kita nung sinabi mo sa girls na fake lang
tayo. I'm sorry kung nakita mo ko kanina with a girl. Pero kasi --- "
Naputol yung sinasabi niya kasi tumayo ako at akmang lalabas ng room ng tinawag ako ni Zoe na
nakamic pa. "Yannie, san punta?"
"Labas lang. May masamang hangin dito e." sagot ko sabay labas.
Haaay.
Lumabas ako at nagpahangin muna. Eto kailangan ko ngayon. Umupo lang ako sa isang bench. May
tumabi naman sakin.
Tiningnan ko lang siya. Nginitian niya ko pero di ko siya pinansin. "Mag-isa ka lang miss?"
tanong nung lalaki na halos ka-age ko lang.
"May nakikita ka bang kasama ko?" tanong ko sa kanya. Tumawa naman siya. "Mukha ba kong
nagjojoke?"
Tinaas niya yung dalawang kamay niya, "Okay. Okay. Sorry miss. Mukhang badtrip ka ha."
"What's it to you?"
"None of your business." napakakulit nitong lalaking to. Nakakadagdag lang sa kabadtripan ko.
"Psh. E miss. Ano na lang pangalan mo?" bahala nga siya magsalita dyan. Ang kulit.
"Shut up, will you?!" singhal ko sa lalaki. Pero makulit talaga e. Di pa rin tumahimik.
"Tatahimik ako kapag sinabi mo na pangalan mo. Ano na name mo? Ano na? Ano? Ano --- "
"I'm not interested." di ko naman kasi tinatanong sasabihin pa niya pangalan niya.
Medyo nagulat ako ng makita si Xander sa harap ko. "Nagagalit ka kasi may kasama akong ibang
babae pero ikaw, eto.. may kasama rin ibang lalaki." seryosong sabi niya.
Tumayo yung lalaking makulit, "Sino ka ba? Kita mong nag-uusap kami dito e." sabi niya kay
Xander.
"WAS. Was my boyfriend, if you ever consider yourself as one." singit ko.
"Ex ka pala niya e. Umalis ka na dito pre. Kausap ko siya e." sabi nung makulit. Hindi siya
pinansin ni Xander. Instead ako ang kinausap niya, "You can't do this Yannie. Let's talk."
nagulat na lang ako nung tinulak siya nung lalaking makulit.
Napaatras lang si Xander at tiningnan ng masama yung lalaki. Then, boom. Sinuntok niya yung
lalaki kaya nasalampak siya ngayon.
"Tinatanong mo pa! Hindi ka ba maiinis kung makita mong yung 'fake' boyfriend mo, may kasamang
iba?!"
"Nagseselos ka ba?"
Napaatras ako sa tanong niya. Ako? Magseselos? Hahahaha. Hindi ako nagseselos. Of course not. I
can't be jealous. I'll never be jealous. "In your dreams. Psh. Nakakaapak lang ng pride! Kahit
fake lang to pakiramdam ko niloloko pa rin ako!"
"Hindi kita niloloko! She's not one of my girls Yannie." huh. So ineexpect nyang maninwala ako?
Asa pa siya.
"Buti alam mo." sagot ko sa kanya. Napasabunot na lang siya sa ulo niya.
"Ugh! Basta nagsasabi ako ng totoo. Ikaw nga dyan e. Ikaw dyan ang may kausap ba ibang lalaki.
Nakikipag-away ka sa akin kasi akala mo may babae ako pero ikaw tong may kinakausap na iba kasi
magkaaway tayo." aba. At ako pa ngayon? Binaliktad pa niya.
Dinuro ko siya, "Wag mo kong baligtarin ha! I don't even know that guy. Kanina ko pa nga yan
tinatarayan pero ayaw pa rin umalis sa tabi ko. Why am I even explaining myself to you? Ugh!"
"Wait.." i paused. "Baka ikaw. Ikaw ang nagseselos?" sabay ngisi ko pa sa kanya.
Pero bakit ko ba sinabi yun? Asa pa ko. Wala sa bokabularyo nito ang salitang selos. At bakit
naman siya magseselos? Sino ba naman ako sa kanya?
***
PAKIBASA LANG PO PLEASE.
Sa mga magtatanong kung kailan yung next UD, hindi ko po alam. Pinopost ko naman po sa MB ko
kung kailan ako mag-a-update kapag alam ko na e. Sana lang binabasa niyo.
At para naman dun sa nagfafollow sa Twitter, kung gusto niyo po ng follow back, just ask.
*******************************************
[36] Chapter 34 - Blush
*******************************************
SORRY PO SA LATE UPDATE. ALAM NYO NAMAN SIGURONG MAY NANGYARING HINDI MAGANDA KAYA HINDI AKO
NAKAKAUPDATE. MARAMING SALAMAT DIN SA MGA NAGBIGAY NG CONDOLENCES NILA. :)
AT DAHIL PHONE LANG GAMIT KO SA PAG-UPDATE, HINDI KO MASYADONG NAAYOS TO. I'LL EDIT THIS NA
LANG NEXT TIME.
Yannie's POV
A-ano raw? Nagseselos siya? Seryoso? Pero bakit? At bakit ganto rin tong heartbeat ko. Ayaw
magtigil sa sobrang bilis ng tibok.. Parang sasabak sa olympics.
Nakatitig lang ako sa kanya nun at ganun lang din siya. Kaya lang parang na-a-awkwardan ako
bigla. What's wrong with me?
"Hoy Yannie at Xander. Andyan lang pala kayo. Tara na kaya sa loob. Magkantahan na lang tayo."
biglang sulpot ni Josh.
Inakbayan ako ni Josh, "Oh Yannie. May sakit ka ba? Bakit namumula ka?" ako? Namumula?
"H-ha? W-wala kaya. Tara na lang sa loob." sabi ko kay Josh at tinanggal na ang pagkakaakbay
niya sabay pasok sa loob.
Pagpasok na pagpasok ko, nakita ko agad si Sab na umiinom ng kung ano man yun. Inagaw ko agad
yung inumin niya at ininom yun. Para kasing bigla akong nainitan.
"O-oy! Ano ba?! Inumin ko yan e!" reklamo nya sabay pout. "Teka Yannie. Bakit namumula ka? May
sakit ka ba?" tanong pa niya.
"Psh. Wala nga kasi akong sakit. Para kang si Josh." at inirapan ko siya.
Biglang dumating naman si Josh at tumabi kay Sab, "Yo! I heard my name."
"Fine! Hangga't kaya kong di ka barahin, di kita babarahin." ginulo naman ni Josh buhok ni Sab.
"Madali ka naman palang kausap e."
"Pero maiba nga tayo, bakit ka ba namumula Yannie? Sigurado kang okay ka lang?" ang kulit naman
ni Sab. >.<
"Sabi ko sa'yo namumula ka e. Teka. Baka nagblablush ka lang. Yiii." at tinusok tusok pa ni
Josh tagiliran ko.
"Blush? Ano yun?" pagmamaang maangan ko. Tinaasan lang ako ng kilay ni Josh.
"Oh?"
Pinutol naman ni Sab sasabihin niya, "Ano?! Maiirita ka? Maiinis? Magagalit? Mabwibwisit? Ay
nako Josh! The feeling is mutual kung ganun."
Nagkamot ng ulo si Josh. "Try mo kayang patapusin muna ko sa sasabihin ko?!" medyo inis na sabi
niya. Nagpeace sign lang si Sab.
Umubo ubo naman si Josh. Yung parang naghahanda sa sasabihin. Umayos na siya ng upo at humarap
ulit kay Sab.
"Sabrina Fortalejo. Alam mo ba.. Kung araw-araw kong makikita yang pagmumukha mo..
Wala nang malungkot na araw pa ang darating sa buhay ko." sabi niya sabay ngiti kay Sab.
Si Sab? Ayun. Tulala. Nashock siguro. Hahaha. Paano naman kasi bigla bigla na lang babanat tong
si Josh.
"Oy Yannie. Tingnan mo si Sab. Ayan. Ayan ang tinatawag na nagblublush. Ngayon alam mo na."
sabay ngisi niya.
Nagsalubong naman ang kilay ni Sab, "BAKULAW KA! Sino nagsabing nagblush ako? HAHAHAHAHA! Pataw
ka! ASA KA! BAHALA KA NGA DYAN!" sigaw ni Sab sa kanya sabay tayo at inagaw niya ang mic kay
Ken at kumanta. Tawa naman ng tawa si Josh sa tabi ko.
"Sus. Tatawa tawa pa. If I know, totoo naman sinabi mo kay Sab. Gagamitin mo pa ko sa
pagdamoves mo ha." pagpaparinig ko.
Tumigil naman siya sa pagtawa, "Nababaliw ka na ata." sagot niya sakin at iniwan din ako.
Tumayo at umalis na. Hahaha. Nako yung dalawang 'to. :)))
Medyo natawa naman ako kasi nga natutuwa ako sa dalawa. Napatigil din ako sa pagtawa kasi
napatingin ako sa kabilang dulo ng room. Si Xander kasi andun. Nakatingin sakin. Nagkatitigan
kami pero agad agad ko rin iniwas ang tingin ko. Ano ba yan. Parang sumakit bigla tiyan ko.
Nagkahalo halo na ata kinain ko dito.
Zoe's POV
Nang matapos kami sa pagpaparty, hinatid na kami ng mga boys sa bahay. 1:30 am na ata nun. Buti
na lang Sabado na.
"Salamat sa paghatid." sabi ni Yannie sa kanila sabay pasok sa loob ng bahay. Ang weird ni
Yannie ngayon ha. Alam kong may LQ sila pero parang hindi na yun yung prinoproblema nya e.
"Walang goodnight kiss?" tanong ni Ken. Ay oo nga pala. Hindi alam nila Ayu at Ken yung LQ nung
dalawa. Nasa convention na kasi sila nun.
"Magkaaway kasi yang dalawa. Hahahaha." kita mo tong si Josh. Pinagtawanan pa.
"Kasi baliw tong si Xander. Silang dalawa pala. Dahil sa sinabi samin ni Yannie na fake couples
lang sila, nagalit si Xander. Tapos akala pa ni Yannie nambabae si Xander. Hahahaha." si Sab.
Natigil naman sa pagtawa si Sab, "Ha? Ahh. Ano kasi.. " tapos napayuko siya.
"Aish. Oo na. Fake lang kami. Wag nyo ng tanungin kung paano nangyari. Wala ko sa mood
magkwento. Tara na lang. Uwi na tayo." inis na sabi ni Xander at pumasok na sa van ng di man
lang nagpapaalam samin. -____-
"Kung fake lang sila, why are they acting like a real one ngayon?" takang sabi ni Ken.
Napatingin na lang kami sa kanya. May point kasi siya. Bakit nga naman sila ganun kung umarte.
"Hoy ano ba? May balak ba kayo umuwi?" sigaw ni Xander nung buksan niya yung bintana ng van.
"Highblood na yung andun. Mauna na nga kami. Bye girls." paalam ni Josh sabay gulo pa sa buhok
ni Sab bago pumasok ng kotse.
"Una na kami ha? Sobrang late na e. And Ayu, congrats." sabi ni Ken sabay hug kay Ayu. Talagang
kailangan may hug pang kasama?
"Una na kayo." sabi ko kay Ice. Siya na lang kasi yung di pa sumasakay sa van.
"Ha?"
"Pasok ka na kako. Saka na kami aalis kapag nakapasok ka na." ah. Yun pala. Tumango naman ako
at nagwave. "Bye! Ingat kayo." sabay talikod.
"Ay Zoe." tawag niya sakin kaya lumingon ako. "Hmm?" tanong ko sa kanya.
"Sweetdreams."
Ayu's POV
Back to normal na kami ni Ken sa school. Hindi na kami ineexcuse sa ibang subjects kasi tapos
na rin naman daw yung quiz bee.
"HOOOOOY! AKIN YANG CHOCOLATE!!" napalingon ako sa sumigaw na si Sab at napailing na lang
habang tumatawa.
"Parang chocolate lang e. Damot naman. Akin na lang." sabi ni Josh habang nakataas pa yung
kamay. Si Sab naman ayaw talagang ibigay at tinatalon pa yung chocolate.
"Nakakastress talaga yang dalawang yan kahit kailan." sabi ni Zoe na nasa tabi ko.
"Sinabi mo pa."
"Teka. Nasaan na nga pala si Yannie?" huh? Oo nga no. Nawala si Yannie.
"Lumabas na kanina pa. Nauna siyang lumabas pagkadismissed pa lang e." sabat ni Ken na
nakasandal pa sa pader sa likod. Katabi nung bulletin board.
Kumokopya pa kasi ako ng notes sa board. At as usual, ako ang kokopyahan ng mga yan.
Tumango naman ako, "Mauna ka na. Bili ka munang inumin. Sunod na lang ako sa parking."
"Okay." tumayo na siya. "Xander, Ice, pasabay." sabi niya sa dalawa at tumakbo papunta sa
kanila.
"HATI NA LANG KASI TAYO." napalingon naman ako sa dalawang nag-aaway na naman. Pambihirang
chocolate yan. >.<
"AYOKO NGA SABI. AKIN YAN E!" haaay. Kumukulot na buhok ko sa dalawang to ha.
Tinakbo na ni Josh yung chocolate palabas ng room kaya sumunod naman si Sab sa kanya. Finally!
Silence. Ako na lang mag-isa sa room. Napangiti ako at bumalik na sa pagsusilat ng notes.
"Tara na?"
"Ay tara na palakang bakla." medyo napatalon pa ko. Bigla bigla na lang kasing may nagsasalita
sa likod ko.
"Hahahahahahahahahahaha. You're cute when you're shocked." sabay pinch nya sa cheeks ko.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at napapout ako.
"Actually, cute ka naman palagi e." dagdag pa ni Ken. Ohmy! Mukhang naiinitan ako. Something's
wrong with my stomach. Kasi naman si tong si Ken e. Konting push pa baka mahulog na ko -- aish!
Scrap that thought Ayu.
"You're blushing. Wag mong sabihing kinikilig ka?" sabay ngisi pa niya.
Inirapan ko siya at dinala na ang bag ko sabay lakad papalabas ng room at sabing, "In your
dreams." I heard him chuckle at sumunod na sakin.
"Yeah. Whatever."
"Alam ko namang di mo ko magugustuhan bilang more than friends." napatingin naman ako kay Ken
nun pero inalis ko rin agad tingin ko.
"Right. I know naman na ganun ka rin sakin." sabi ko sa kanya hoping that he'll say na 'hindi
Napatingin naman siya sa akin na parang confuse, "Bakit mo naman nasabi yan?"
"You.. like someone else, right? The myterious girl of yours?" it take some time before he
answers. Pero when I heard his answer, parang mas gusto ko pang hindi na lang talaga siya
sumagot.
"Oo nga. Gusto ko nga siya. I like her whoever she is."
I guess I'm already pushed too hard. Kasi ngayon, I think tuluyan na nga akong nahulog sa
lalaking katabi ko. At ang masakit dun, may gusto na siya. At hindi ako yun. </3
*******************************************
[37] Chapter 35 - Stay Close, Don't Go
*******************************************
AFTER 12456789 YEARS NAKAPG-UD DIN. NAAYOS KO NA NGA PALA YUNG PREVIOUS CHAPTER. MAY PICTURE NA
DIN NG MGA COUPLES DUN. :"">
Yannie's POV
"STOP! Tigil niyo yan." sigaw ni Zoe kaya napahinto naman ako. I mean, kami pala ng ka-duet
kong si Xander.
"Ano ba naman kayo?! Paano tayo mananalo niyan? Walang kabuhay-buhay yang kinakanta niyo.
Walang kafeelings feelings. Jusko lagpas ten tries na tayo dito." pagmamaktol nya habang ako
nakatingin lang sa kaniya.
"Tingin ko dapat mamaya na kayo magpractice. Mauna ka na lang muna Sab." suggestion ni Ayu.
Walang salita naman akong umalis sa harap nila at umupo sa tabi ni Zoe habang si Sab, ayun at
nag-aayos na. Yung kasama ko naman sa pagduduet lumabas muna sa bahay. Ewan ko kung saan
pupunta nun. Sumunod naman sa kanya si Josh.
"Hey. You okay?" tanong ni Zoe. Tiningnan ko lang siya at tumango sabay nuod kay Sab sa
pagkanta.
Narinig ko na lang na bumuntong hininga siya, "Haay. Bakit ba tinanong pa kita. I know na di ka
naman magsasabi ng totoo. Something's bothering you.. or should I say.. someone?" napalingon
naman ako sa kanya nun.
"What are you talking about? Someone, eh? Utak mo." sabay irap ko pa sa kanya.
Bigla namang sumingit si Ayu sa usapan, "Tingin ko tama si Zoe. May gumugulo sa iyo ngayon.
Hindi yun bagay. Sigurado ako. Tao siya."
Tss. Wala na. Alam ko namang kahit i-deny ko hindi sila maniniwala. Tama naman kasi sila e. May
bumabagabag na tao sa isip ko ngayon. Actually hindi naman ngayon lang. Nung nakaraang gabi pa.
"Bakit di ka makasagot? Tama kami no?" tanong ni Zoe. "May tao ngang bumabagabag sayo ngayon."
"Tsk. Umamin ka na lang kasing ginugulo ng isip mo si Xander." epal ni Ice. Psh. Minsan na lang
magsalita to maiinis ka pa sa sasabihin nya e. Kapag ako nabwisit ibubuking ko pa to kay Zoe.
Makita lang niya. -_-"
"Alam mo Yannie, di ko kayo maintindihan nyang si Xander." sabi ni Ken na nakisama na rin sa
panggigisa sa akin.
"Hindi naman talaga kayo pero kung mag-inarte kayo parang kayo talaga. I mean, daig nyo pa real
couples e. Kung di ko lang alam na fake kayo, iisipin kong may nararamdaman talaga kayo sa
isa't isa."
Bumilis na naman tibok ng puso ko. Ano ba naman yan. Eto. Eto talaga yung mga ayokong
pakiramdam e. Nakakainis lang talaga. Dagdag mo pa yung apat na kasama kong nakapalibot sa akin
at mga nakatingin sakin na para bang naghihintay talaga sila ng sagot sa tanong ni Ayu.
Pero oo nga. Wala nga ba? Kasi ako mismo naguguluhan na sa nararamdaman ko. Di ko na alam kung
ano na ba 'to. Ang gulo gulo na.
"Waaa. Ang daya nyo naman e. Hindi kayo nakikinig sa pagkanta ko." sabi ni Sab kaya agad kaming
napatingin sa kanya na nakatayo sa harap at parang batang magmamaktol. Binitiwan na niya yung
mic umupo sa tabi namin..
"Sorry Sab. Medyo naiintriga kasi kami dito kay Yannie e." sabi ni Zoe.
Ngumiti lang si Sab at lumingon sa akin, "Go Yannie! Ano na.. Wala ka pa bang nafifeel kay
Xander?" napasapo naman ako sa noo ko. Sabi na e. Knowing Sab.. makikichismis lang yan kaya di
na kumanta. Tsk.
Nagbuntong hininga ako, yung malalim na malaim, "I don't know." Medyo nangiti si Ice, Zoe, Ayu
at Ken samantalang si Sab takang taka lang yung mukha.
"Kasi hindi ko talaga alam. Basta ang alam ko lang masaya naman ako kapag nandyan siya.
Natutuwa ako kapag inaalala niya ko. Sa totoo lang kinikilig din naman ako minsan sa kanya
kahit tinatarayan ko siya. Pero naiinis ako sa kanya kapag nagagalit siya sa petty reasons. At
syempre naiinis din ako sa sarili ko kasi sinasabayan ko yung pagkachildish niya. And.."
"Kasi.. ano.."
"Anak ng! Isa pa Yannie. Ituloy mo na nga yang sasabihin mo. Nabibitin --- "
"And nagseselos ako nung nakita ko siyang may katawanang ibang babae." sabi ko ng mabilis sabay
yuko.
"Uh-oh. Mukhang may something ka na nga Yannie." sabi ni Sab na iiling iling pa.
"Winarningan na kita Yannie. Sabi na sayo delikado ang mga fake relationships na yan e.
Paniguradong may maiinlove." sabi naman ni Zoe.
"Teka nga! Bakit ba parang ayaw niyong magkagusto yang si Yannie kay Xander?" medyo pasigaw na
tanong ni Ken.
Medyo natawa ako sa reaksyon niya. Parang ipagtatanggol kasi niya yung kaibigan niya. "Ahh..
Ehh.. Ano.. Hindi naman sa ayaw. Pero kasi --" medyo putol putol na sagot ni Ayu.
"Kasi naman kilala niyo yang kaibigan niyo. Lakas sa babae niyan. Kung magpalit ng babae parang
kumakain lang. May pangbreakfast, lunch, meryenda, dinner at kung minsan midnight snack pa. At
ang pinakamasaklap sa lahat, brunch." paliwanag ni Sab.
Medyo nagtaka at napakunot naman ang noo nung dalawang lalaki, "Brunch?" tanong ni Ice.
"Huh?"
"Partly true. Hindi naman maitatanggi na madalas siyang magpalit ng babae at kung minsan ay
pinagsasabaysabay pa niya yung mga yun. Yes, he's a player -- "
"Kitams. Sayo na mismo nanggaling na player siya." putol ni Zoe sa sinasabi ni Ice.
Naghand gesture naman si Zoe na ipagpatuloy ni Ice yung sinasabi niya, "Okay. As I was saying..
Player nga si Xander. NOON."
"Noon lang?"
"Oo. Noon. Before maging sila, I mean maging fake sila ni Yannie. Araw araw yang may bagong
babae. Minsan ng ilang oras lang ang pagitan. Pero dati lang yun. Kasi ngayon ni minsan, hindi
namin siya nakitang nambabae. Kaya nga ang akala ko sila talaga ni Yannie. Syempre nagulat ako
at naisip ko na kaya palang tumino ni Xander. Pero ang mas ikinagulat ko ay yung malamang fake
lang sila ni Yannie pero nagawa niyang magpakatino at tumigil sa pambabae."
"Ayon kasi sa rules na ginawa namin, bawal ang mangbabae." sagot ko kay Ice. Kasi ayokong
maniwala. Ayokong umasa na nagbago nga si Xander. Na nagbago siya dahil sakin.
Tumango tango naman siya, "Pero naisip mo ba na pwede naman niyang hindi sundin ang rules kasi
wala namang mawawala? Pero hindi niya ginawa yun kasi nga nagpapakatino siya."
"Oo kaibigan ko siya pero hindi ko sinasabi to sayo dahil dun. Sinasabi ko to kasi yun ang
totoo."
Tinapik ako ni Zoe, "Alamin mo ang nararamdaman mo Yannie." and with that, tumayo na siya at
umalis.
Nagsibalik na rin yung iba sa mga ginagawa nila at naiwan akong nakaupo. Pero.. ano ba talaga
ang nararamdaman ko? Gusto ko na nga ba siya? Kaya ko pa bang magrisk ulit sa love? Ayoko.
Ayoko pa.
Alam kong masasaktan lang din ako sa bandang huli. Iiyak lang din ako. Iiwan lang ulit ako.
Kaya hindi pwede. Hindi pwedeng magkagusto ako sa kanya.
***
"Bumili lang. Bakit, namiss mo ko?" pang-iinis ni Josh pero inirapan lang siya ni Sab na naging
dahilan ng pagtawa niya.
Dirediretsyo si Xander sa harap at inayos yung gitara. Wow lang ha. Magprapractice siyang magisa? Duet kami di ba? May duet bang mag-isa lang? -___-
Napalingon naman ako kay Josh na umupo sa tabi ko at dumikwatro pa. May dala pa siyang popcorn
at mukhang tuwang tuwa pa siya sa pwesto niya.
"Syempre. Maya maya manunuod tayo ng movie. Live." sabi niya sabay ngiti ng pagkalaki laki.
Pero di ko nagets yung sinabi niya. >.<
Lumingon ulit ako sa harap, tapos na pala sa pag-aayos si Xander. Sinabit na niya sa kanya yung
gitara at inayos na yung mic. "Mic test. Mic test." psh. Galing lang ha. Akala ko ba
magprapractice kami para sa contest? Bakit nagsosolo to? Solo practice pala gusto niya ha. Edi
fine! Solo na lang! Kainis.
"Yannie." nagulat naman ako kasi di ko ineexpect na tatawagin niya ako kaya napayuko ako bigla.
Lumabas naman sa kusina si Zoe, Ken at Ice na nag-aayos ata ng pagkain namin at umupo sa sofa
na parang manunuod lang ng concert. Ganun lang din si Ayu at Sab. Habang si Josh, para talagang
nanunuod ng movie kasi kain pa rin ng kain ng popcorn.
"Look at me Yannie." para naman akong ewan at biglang napatingin sa kanya. Nginitian niya ako.
Medyo weak smile.
[A/N : Pakiplay yung video sa gilid. Yun yung song ni Xander kay Yannie.]
Nakatingin lang siya ng diretsyo sa mata ko habang kumakanta. Nang matapos na siya, tinaggal
niya yung gitara pero nakatapat pa rin siya sa mic. Takte. Bakit ba nakamic pa siya e kaming
walo lang naman nandito.
"Yannie, there are five things I wanna say. Una sa lahat gusto kong magsorry sayo. I know ang
immature ko. Simpleng bagay pinapalaki ko. Second, about dun sa nakita mong babaeng kasama
ko.." napahinto pa siya. Tsk. Ano.. aamin na ba siyang babae niya yun?
"Hindi ko alam kung gusto mo bang malaman kung sino yun kasi ano nga namang pakialam mo samin
di ba? Naisip ko nga na baka nagseselos ka pero ang imposible naman nung mangyari. Pero
seryoso, mas gugustuhin ko pang magselos ka nga. Bakit? Ewan ko rin. Haha. Ang gulo ko ba?
Sorry ha. Pero ano.. gusto ko lang malaman mo na hindi ko siya babae. Hindi kita tinutwotime.
Kaibigan ko lang yun. Girlfriend nga yun ng pinsan ko e. Kahit itanong mo pa kay Sab."
Napahinto naman siya sa pagsasalita at tumingon kay Sab kaya lang etong si Sab kaaway pala si
Josh, "Akin to. Wag kang kumuha." pabulong na medyo malakas na sabi ni Josh kay Sab at nilalayo
yung popcorn niya.
"Wag mo na nga tong ipagdamot. Kung yung chocolate ko nga kinain mo e." sagot ni Sab na nguya
pa ng nguya.
"Ssshhh." sabay sabay na saway nung apat. Nagpeace sign na lang si Josh at Sab.
Napachuckle naman si Xander dun. Hay. Namiss ko rin marinig yung tawa nya. Ang tagal na kasi
nyang nakatahimik lang. Teka nga. Ano ba yang pinagsasabi ko? Tsk.
"Third.." pagpapatuloy niya. "Seryoso ako nun. Nung sinabi kong nagseselos ako." putik! Ayan na
naman. Bumibilis na naman tibok ng puso ko.
"Yannie, nagblablush ka na naman." bulong ng katabi kong si Josh kaya ayun, siniko ko lang sya
sa tagiliran.
"Fourth, ayon sa rules natin, two months ang itatagal natin. Almost 1 month pa lang tayo. At
sabi rin sa rule, ititigil natin to kung inlove na tayo sa iba. Pero hindi pa naman di ba?"
"So anong gusto mong palabasin?" taas kilay kong tanong sa kanya.
Nginitian nya naman ako, "Gusto ko lang sabihin na fifth, technically, tayo pa rin."
"What?! Nakipagbreak na ko sayo ha. I mean fake na break pero totoong fake na break. Ugh! What
am I even talking about?!"
"Ikaw lang nakipagbreak. Di naman ako pumayag. Ang relasyon ay binubuo ng dalawang tao kaya
hindi pwede na yung isa lang yung nasusunod. Dapat kung magdedesisyon sila, dalawa silang payag
sa desisyon na yun."
"Teka nga. Akala ko ba nagsosorry ka sakin? Bakit parang hindi naman? Nakikipagtalo ka lang e."
Napabuntong hininga naman siya, "Okay. I'm sorry Yannie. Alam kong mali talaga ako. Except dun
sa part ng break up. We still have one month left. So pwede bang wag ka munang makipagbreak?
Pwede ba tayo na ulit?" tanong niya. Nakatingin lang ako sa mga mata niya nun at kita ko namang
gusto talaga niyang balikan ako.
Hindi ako sumagot agad kasi ewan ko ba. Parang nakain ko yung lahat ng words na sasabihin ko at
umurong na ang dila ko. "Yannie, makipagbalikan ka na." sabi ni Zoe. Tumango naman yung iba.
"Please let's get back together." puno na ng pagsusumamo yung mukha niya.
"Please?" sa halip na sumagot, tumayo na lang ako. Parang hindi ko na kontrolado ang galaw ko.
Napayuko na lang siya bigla.
Pero sa halip na lumabas, dinala ako ng mga paa ko sa harap ni Xander. Mukha namang nagulat
siya. Bigla kasi siyang tumingala at tumingin sakin.
Hindi ko alam kung ano nakain ko. Basta the next thing I know, yakap yakap ko na si Xander
hanggang sa naramdaman kong yakap na rin niya ako. "Y-yannie." bulong niya sakin.
"Request granted, fake boyfriend." medyo natawa siya sa sinabi ko at hinigpitan lang ang yakap
sakin.
Ice's POV
Happy ending na ulit si Xander at Yannie. Parang walang nangyari e. Ang sweet na naman nila.
Parehas naman kasing may nararamdaman na sa isa't isa ayaw pang gawing totoo yung relasyon
nila.
Iniwan muna namin sila sa loob at nagpunta kaming garden. Mukhang may mga pag-uusapan pa yun e.
Maya na lang ituloy ang practice.
"Wait lang. I'll get some snacks." prisinta ni Ayu at naglakad na papasok. Tumayo naman si Zoe
at sumunod, "Wait Ayu. I'll help you."
"Ang sweet sweet lang ni Xander." sabi ni Sab na niyayakap yakap pa ang sarili.
"Hoy Sab." tawag ni Josh. Tinaasan siya ng kilay ni Sab. Parang may hinahanap siya dun sa
plastic bag na pinili niya kanina nung lumabas sila ni Xander.
"Oh." natahimik si Sab kasi may inabot bigla sa kanya si Josh. "A-ano yan?" tanong ni Sab.
"Chocolate malamang."
"Kasi kinain ko yung chocolate mo." nakatingin lang si Sab sa kanya na parang nagtataka.
Nakaabot lang din yung chocolate at di kinukuha ni Sab.
Binawi ni Josh yung chocolate, "Tsk. Sabihin mo na lang kung ayaw mo."
Hinila naman ni Sab kamay ni Josh, "Sino nagsabing ayaw ko? Akin na 'to no. Chocolate kaya
'to." at kinuha na niya yung chocolate. Napangisi naman si Josh bigla dun.
"*cough* Sweet. *cough*" singit ni Ken at natawa naman ako bigla. "Pero mabalik nga tayo kila
Yannie. Pakiramdam ko, soonee or later, magiging totohanan na yan."
"Parehas naman kasing may nararamdaman sa isa't isa ayaw pang magsiamin." sabi ko.
"Wow ha. Nagsalita ang umamin na." okay. Barado ako ni Sab dun. Sabi ko nga. Pinagtawanan pa ko
ng mga 'to. Psh.
"Turuan kita Ice. Sabihin mo 'to kay Zoe." umakbay sakin si Josh at may mga ibinulong.
Tinanggal ko naman pagkakaakbay niya at medyo tinulak siya, "Baduy mo! Sinong magsasabi niyan?
Kilabutan ka nga!" pinagtawanan lang nya ko.
"Oh. Eto na. You may eat." biglang dating naman ni Ayu at nilapag ang snacks sa round table sa
gitna.
Umupo naman na ulit sa katabi kong upuan si Zoe. Kinalabit ako ni Josh at tinangutanguan. Asa
pa tong lokong to. Hinding hindi ko sasabihin yun kay Zoe. Kabaduyan.
Lumingon sakin si Zoe. Bigla nya akong nginitian, "Eto Ice oh." sabay abot nya ng sandwich.
Kumakain lang ako ng sandwich habang nakatitig sa kanya na nakikipagkwentuhan kila Ayu at Sab.
"Epal ka kanina ka pa. Sasapakin na kita e." tinaas nya lang yung dalawang kamay niya at medyo
tatawa tawa pa.
Sumandal lang ako sa upuan ko. Pero ilang minuto lang nagsalita ulit ako, "Zoe." Lumingon naman
sya agad sakin at nakangiti pa. Teka. Sasabihin ko ba? Wag na lang kaya.
"Uhh. Ano.."
"Anong ano?" tanong niya. Inayos ko naman ang sarili ko at himingang malalim. "Alam mo Zoe,
para kang makitid na tulay."
"Kasi sa tuwing dadaan ako sayo, kinakabahan ako. Pakiramdam ko kasi mahuhulog ako." napangiti
ako ng makita kong medyo nagblush sya. Ang cute lang talaga niya.
"Haha. Bumabanat ka na rin Ice?" sabi niyang tatawa tawa. natatawa rin ako. Ang baduy ko. :))
Napangiti ako at napayuko. Nagulat na lang ako ng biglang may humawak sa mukha ko at pinisil
ang pisngi ko. Si Zoe pala. Takte. Para akong nakukuryente. "Ang cute cute cute mo talaga Ice."
A-ano raw?
Binitiwan na nya yung mukha ko, "Ayan na." sagot nya at tumayo na. Pero nakakailang hakbang
palang ng bumalil ulit sya, "Last na. Haha." sabi niya at pinisil na naman ang pisngi ko sabay
alis.
Naiwan naman akong tulala. "Kabaduyan pala ha? Hahahahahaha." pangaasar sakin ni Josh kaya
bumalil na ulit ako sa katinuan.
"Bibigyan ko lang kayo ng sampung segundo para tumakbo. Siguraduhin niyo lang na di ko kaya
aabutan... " bago pa ko matapos sa sasabihin ko nagsipagtakbuhan na sila.
Kinikilig ako.
*******************************************
[38] Chapter 36 - Truth or Dare
*******************************************
Ice' POV
Palabas na ko ng bahay ng pigilan ako ni Ate Cass, "Hoy lalake! Saan punta mo?"
"Kila Zoe."
"Talaga?! Bati na kayo nila Zoe?! Kailan pa?! Paano nangyari?!" sunod sunod nyang tanong.
Pero takte lang. Bakit ko ba nasabi yun? Hindi pa nga pala alam ni ate na bati na kami ng
girls. Baka kasi sabihin pa nya kay Manager Ry. Pagnalaman pa nila yung dahilan kung bakit kami
nagkabati, baka masira pa plano naming pagtulong sa kanya.
"Oo kaya. Rinig na rinig ko pa. Sabi mo, *cough* Kila Zoe." ginaya pa nya pati boses ko. -___-
"Wala akong sinabing Zoe. Sabi ko.. Joey. Oo. Joey ang sinabi ko."
"Huh? Joey? May kaibigan ka bang Joey ang name?" napakachismosa naman ng babaeng 'to. Daig pa
nanay. Tsk.
"Meron."
Bigla namang sumulpot sa pagitan namin si Ashley, "Chismosa mo lang ate. Dapat nagpulis ka na
lang e. Dami mong tanong."
"Nagtatanong lang e. Hmp. Dyan na nga kayo." sabi ni Ate Cass sabay walk out.
Nang makalayo na si Ate Cass, nakipag-apir ako kay Ashley, "Nice sis."
"You owe me one Kuya. Haha. Nga pala. Anong gagawin mo kila Ate Zoe? Practice again?" tanong
niya.
"Yep. Sige. Alis na ko. Wag kang dadaldal dyan kay Ate Cass ha. Baka umabot pa kay Manager Ry
yan. Bye!" sabi ko sabay gulo sa buhok niya.
Lalabas na sana ako ng hilahin niya braso ko. "Oh? Bakit na naman? Aalis na sabi ko."
"Hindi pwede Ash. Magprapractice kami. We need to focus. At saka miss miss ka dyan. 1 week pa
lang ata kayo hindi nagkikita tapos miss mo na agad?"
"Anong ako?"
"If I know namimiss mo rin agad si Ate Zoe kahit isang araw pa lang kayo hindi nagkikita. Kaya
nga alis na alis ka na e. Hahahahaha."
Psh. Ano bang sinasabi nito? Sino bang matinong tao ang makakamiss agad sa isang tao kung one
day pa lang silang di nagkikita? Tss.
"Uy kuya jinojoke lang kita. Wag kang mamula nang ganyan. Hahahaha."
"Ewan ko sa'yo. Bahala ka nga dyan." bulyaw ko sa kanya at lumabas na talaga ako ng bahay.
Natuloy na ko sa paglabas.
Hindi pa ako nakakalayo ng narinig kong sumigaw si Ashley, "KUYA!! SABIHIN MO I MISS YOU SABI
KO KAMO! AKO NAGSABI HA! SABIHIN MO YAN!! KAPAG HINDI MO SINABI PUPUNUIN KO NG STICKER NI PERRY
THE PLATYPUS ANG KWARTO MOOOOOO!!"
Hay. Kapatid ko ba talaga yan? Bakit ang iingay nila? Ampon lang kaya ako? Tss.
Dinaanan ko muna si Xander sa kanila. Sabay sabay kasi kaming apat pupunta sa bahay nila Zoe.
Inuna ko na si Xander.
"Hey!" bati niya sakin at sumakay na sa harap katabi ko. Tinanguan ko lang siya.
"You set it again, my heart's in motion. Every word feels like a shooting star. I'm at the edge
of my emotion, watching the shadows burning in the dark. And I'm in love. And I'm terrified for
the first time and the last time in my only life." kanta niya. Paulit ulit niyang kinakanta ang
lines na yan. Five times? Six times? Seven times? Eight times.
"Tumahimik ka na nga."
"Bat ba? Meron ka ba ngayon? Kumakanta lang ako dito nag-aalburoto ka na dyan."
"Eto kaya kakantahin namin ni Yannie sa isang araw. Pinili ng girls to e. Ayos ba?" pangiti
ngiti pa 'to. I-untog ko kaya siya sa manibela. >.<
"Psh."
Paulit-ulit na kinakanta ni Xander yun hanggang makarating kami kila Ken. Pagsakay niya
napansin na rin niya yung kinakanta ni Xander.
"Kanina pa ba yan?" tanong niya sakin. Talking about Xander. Tumango naman ako.
"Anong napagtyagaan? Konti na nga lang ilalaglag ko na sa kotse 'to e." sabi ko at pinaandar na
ulit ang kotse. Pero dahil sa hindi pa rin tumitigil sa pagkanta si Xander, bigla akong
nagbreak.
Nilingon ko naman siya, "Lumayas ka nga lang dyan. Dun ka na lang sa likod kumanta ng kumanta."
"Hoy hoy! Anong ako? Asa ka pa. Lilipat ako dyan sa harap. Layas!" at natahimik na lang si
Xander. Pero maya maya kumakanta na naman siya. -____________-
"Si Sab." sabi nya. "Mukhang mamomove ang practice. 3hrs to go pa pala."
Bigla namang bumukas yung isang pinto sa kotse ko. Pumasok na pala si Josh. May dala pang drum
sticks at pinalo palo pa yung upuan sa kotse ko. >.<
"Game. Leggo!"
"Leggo mo mukha mo. Nagtext kaya si Sab kay Ken. Maya maya pa raw practice." sabi ni Xander.
Kinuha naman ni Josh yung phone niya sa bulsa niya para i-check, "Ang daya naman. Bakit ikaw
lang tinext? Dapat kaming tatlo din. Nahahalata tuloy. May favoritism talaga yung babaeng yun.
Tsk. Sandali nga. Matawagan." tapos nagdial dial na siya dun. Ni-loud speaker pa niya cellphone
niya.
[Bakit ba?!]
"Bakit si Ken lang tinext mo?! Ikaw! Napaghahalata kung sino crush mo sa aming apat ha! Madaya
ka talaga!" parang bata tong si Josh. >.<
[Hoy OA na Bakulaw! Tumahimik ka lang nga dyan. Makapagreact ka! Crush crush ka pang nalalaman!
Hindi naman ako nagtext nun! Nakitext lang si Ayu sakin!]
[SHATAAAAP! May bisita kami dito no! Sasaglit dito daddy ni Ayu! Kaya matuto kang maghintay
dyan! Babye!!]
"OY! Teka --- Aba't. Binabaan ako ng phone. Tsk. Kainis! Paano na yan? Saan na tayo pupunta
ngayon? Three hrs pa! Alangan namang magsiuwi pa tayo sa mga bahay natin. Sayang lang sa gas."
Nababaliw na talaga 'to. Binatukan siya ni Xander, "Tanga! Di pa tayo umaandar! Nandito pa tayo
sa inyo. Bahala ka nga dyan. Papasok na lang kami sa loob!"
***
Hawak hawak ni Ken ang gitara ni Josh at nagstrastrum lang. Si Xander naman naglalaptop. Kami
naman ni Josh nakahiga lang sa kama nya.
May pinindot pindot si Josh sa cellphone niya at biglang umupo sa kama at humarap kay Ken,
"Nakakarelate?"
"H-huh? Hi-hindi."
Sinara naman na ni Xander ang laptop at lumapit sa amin, "Wag ka nang magpapilit Ken. Di ka
chix. Umamin ka na lang."
"AAMIN NA! Oo na! Gusto ko pa rin yung babaeng narinig ko sa may Music Rm noon! Ayan! Masaya na
kayo?" tae to. Hirap paaminin.
Binatukan ko siya at sinamaan ng tingin. "Aray naman! Tsk. Oo na. Alam ko na gusto niyong
sabihin ko. Kung ano man yang iniisip niyo, tama na kayo."
"Tsk. Gusto pang sinasabi e." bulong ni Ken pero rinig naman namin. >.< "Ang iniisip niyo..
gusto ko yung babaeng di ko pa nakikita at narinig ko lang ang boses. At hanggang ngayon gusto
ko pa rin siya."
ang clash.
ang turing
sabihin sa
tungkol sa
"Kaya lang di ko naman akalain na magkakagusto rin ako sa kanya. Na magkakagusto rin ako kay
Ayu."
"Aray! Aray! Ang bibigat niyo! Layas! Layas!" tinulak tulak niya pa kami.
Nang makaayos na kaming apat bigla akong nagtanong kay Ken, "Pero pre, posible ba yun? Dalawa
silang gusto mo?"
Sa halip na si Ken ang sumagot, biglang sumingit si Josh, "Posible kayang magkagusto sa
dalawang tao ng sabay. Yun nga lang paniguradong may nakakalamang. Imposibleng pantay. Saka
gusto lang naman yun e. Gusto lang."
"Alam mo Josh.. minsan di ko alam kung saan mo napupulot yang mga sinasabi mo. Minsan may
sense. Minsan wala." sabi ni Xander.
"Ganun talaga. Pero mabalik nga tayo sayo Ken, paano kung makita mo na yung babae sa music
room? Ano nang mangyayari kay Ayu niyan?"
"Nagtatanong lang e. Psh. Ganto na lang.. paano kung makita mo na yung babae? Liligawan mo ba
siya?"
"Kasi gusto ko lang siya. Gusto ko lang makita kung sino siya. Dati siguro gusto ko talaga
siya. Pero ngayon, gusto ko lang malaman kung sino siya."
"Ang ibig kong sabihin, gusto ko lang makita yung babae para malaman kung sino ang may ari ng
boses. Pero si Ayu.. iba siya. Siya yung gusto ko.. gusto kong makita araw-araw. Gusto kong
makasama madalas. Gusto kong alagaan. Kasi.. higit pa sa pagkagusto yung nararamdan ko sa
kanya."
"Higit pa?"
"Oo higit pa. Bigla ko na lang naramdaman to e. Si Ayu, siya.. siya yung taong mahal ko."
Pagkatapos nang aminan na nangyari, puro kantyawan lang ang ginawa namin kay Ken. Sabi na e.
May gusto to kay Ayu. I mean, beyond gusto.
Umayos na rin kami ng makatanggap ulit ng text kay Sab na pwede na kaming pumunta. This time,
si Josh na tinext niya. Baka raw kasi tawagan at sigawan na naman siya.
Nang makarating kami sa kanila, malamang nagpractice kami. Last practice na kasi namin 'to.
Malapit na kasi ang contest. Yung kakantahin nila Xander at Yannie, Terrified. Kay Ken,
Endlessly. Kay Sab, Suddenly. At para sa group na kakantahin namin ni Zoe ay ang Good Time.
"DINNEEEEEEEEEEEEER TIME!" sigaw ni Sab na nanggaling sa kusina kaya nagpuntahan na kami sa may
dining.
Habang kumakain, nagtatawanan at nagkwekwentuhan lang kami nang may maalala ako. Tinawag ko si
Zoe na katapat ko lang. "Zoe."
"I miss you." bigla kong sinabi. Napaubo bigla si Zoe. Nagsipagtahimikan naman ang iba naming
kasama. Talagang kailngan magsipagtahimik? Mga nakatingin pa sa kin at nanlalaki mata. May mali
ba sa sinabi -- Ay tanga. Ano ba yung sinabi ko? Bobo! Anong I miss you?! Kabobohan mo Ice.
"A-ano. Hindi. Hindi. Mali ka ng intindi. Paano ba to? Kasi ano.. si Ashley. Si Ash yung ano..
nagpapasabi sayo nun. Nung ano.. I miss you. Sabihin ko raw sa'yo. Kaya ano.. ayun." Takte! Ano
ba yun? Puro ano na lang sinabi ko. Tsk.
"Palusot." dinig kong bulong ni Josh kaya sinipa ko sya. Hindi naman kita ni Zoe e.
"I miss you too." biglang sabi ni Zoe. Bigla namang nagdoble yung bilis ng tibok ng puso ko.
Triple na pala kung posible man yun.
"I miss you too. Pakisabi kay Ash. Matagal na kaming di nakakpagbond e." sabi niya pagkatapos
ay ngumiti. Yan. Yang ngiting yan ang lalong nagpapahulog sakin. Kahit ang pagkakaalaman ko,
ngayon pa lang sobra sobrang nahulog na ko sa kanya.
"Pft. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." biglang tumawa ng malakas si Xander kaya napatingin ako, kami sa
kanya. Maya maya bigla na lang din tumawa yung iba. Tanging kami lang ni Zoe ang hindi.
"Hindi ko rin alam." Kahit ang totoo alam ko naman. Ako lang naman kasi pinagtatawanan niyang
mga yan panigurado. >.<
***
"TRUTH OR DARE." Hay. Ano pa nga ba? Babae sila e. Kaya paniguradong ito ang isasuggest nila.
Wala naman kaming nagawang mga lalaki kasi kukulitin lang kami ng apat na 'to. >.<
"Game. Magspin na ko ha." sabi ni Sab at inikot na nga yung bottle. Unang tumapat kay Ayu.
"Truth syempre."
"Truth? Hmm. Sige. Sa apat na lalaking nakabilog na yan. Sino ang sa tingin mo ang
pinakaboyfriend material?" tanong ni Sab. Bigla namang nagblush si Ayu. "Pangit ng tanong."
Medyo nag-isip si Ayu tapos ay sumagot na, "Si Josh, masyadong makulit. Si Xander naman
babaero. Si.. Hmm? Si Ice, walang sweet hormones sa katawan. Kaya si Ken na lang." naptingin
naman kaming tatlong kay Ken. Mukhang nagpipigil ng ngiti. Hahahaha.
"Next na!" sabi ni Ayu at nag-spin sa bottle. Natapat naman ang bote kay Sab. "Hala. Tayo lang
ata naglalaro. Pero dare ako!" sabi niya.
"Dare? Madali lang yan. Magholding hands kayo ni Josh. 3 mins lang." bigla namang nanlaki mata
ni Sab. "Ano?! Ako?! Ayaw!"
"Wow choosy pa. Swerte mo na nga dyan e." sabat ni Josh na tumayo at lumipat ng upuan. Bale sa
tabi na siya ni Sab at bigla na lang hinawakan ang kamay ni Sab at inintertwine ang kamay nito
sa kanya. "Ginawan na kita ng pabor wag ka ng magreklamo." mahinahong sabi niya kay Sab kaya
napatahimik na lang si Sab.
Nung inispin ang bote, tumapat naman kay Zoe. Bago pa man may magtanong, sumagot na agad siya,
"Truth."
"Truth. Hm."
"Teka lang naman di ba? Wag ka ngang excited. O eto na lang. Kung yung dun sa kay Ayu tinanong
ko yung kung sino sa tingin niya yung boyfriend material, sayo naman.. sino sa apat na yan ang
tingin mong pwede mong magustuhan?"
"Bakit ba ang hilig mong gawin kaming choices apat?" tanong ni Josh sa kanya.
"Actually lahat naman sila pwede. Pero if there's a possibility na magkagusto ako sa isa
kanila, then si Ice na siguro yung lalaking yun. No offense sa inyong tatlo ha. Sumasagot lang
ako."
Ako? Ako talaga? Kung pwede lang tumalon ngayon dito malamang ko ba nagtatatalon na ko. "Pre
pigilin mo yang tuwa mo. Nagmumukha ka ng kamatis." bulong sakin ni Xander. Siniko ko na lang
siya.
Inikot na ulit nila yung bote at tumapat kay Josh. "Truth." aba! Naduwag atang mag-dare to
ngayon.
"Posible." diretsyo ring sagot ni Josh at nung napatingin ako sa kamay nila, parang hingpitan
pa niya yung hawak kay Sab. Mukha ngang posible talaga.
"Hug mo si Ayu. Ten seconds." agad namang sumunod si Ken at binilangan namin sila.
Bumitaw naman na si Ken at humarap kay Josh, "Utot mo. Di ka lang marunong magbilang. Ngayon
palang sila nakaten. Next na lang nga." tapos tumapat kay Yannie ang bote. "Truth ako."
"Kung sakaling liligawan ni Xander, papayag ka? Ipagpalagay nating wala pa kayo sa fake
relationship na yan."
"Wait kasi. I mean kung sagad pa rin ang pagkababaero ni Xander, asa pa siyang pumayag ako.
Pero kung seseryosohin naman niya ko, why not di ba?" pagsabi niya nun, nagspin siya at tumapat
kay Xander. "Truth din ako."
"Hm. Ano ba magandang tanong?" medyo nag-isip pa si Yannie. Tapos maya maya bigla siyang
ngumiti ng nakakaloko. "Ni minsan ba naisip mong totohanin na tong relasyon na to?"
Tinitigan ni Xandee si Yannie, "Madalas." natahimik naman si Yannie at napatitig lang din kay
Xander. "Madalas kong maisip na totohanin na to."
Nagtititigan lang ang dalawa dun ng istorbohin sila ni Josh, "Ahem. Si Ice pa po." bigla namang
nag-iwasan ng tingin ang dalawa at umayos ng upo.
"Dare." mas madali to kesa naman magtruth alo ay paaminin pa nila ako ky Zoe.
Kung akin lang syempre ayos sakin to. Kaya lang baka maoffend si Zoe. Tumingin ako sa kanya na
parang nagtatanong. Tinanguan naman niya ko. "Para pang bago sayo to Ice." maloko niyang sabi.
Naalala ko tuloy nung aksidente ko siyang nahalikan.
"Teka! Hindi na ba bago sa inyo yun?" tanong ni Sab pero di namin siya pinansin.
Lumapit lang ako kay Zoe at lumuhod sa harap niya. Hinawakan ko siya sa mukha at hinalikan sa
pisngi. Bigla naman siyang namula nun. Cute. :)
"Wuhooo! Chansing si Ice." sigaw ni Josh. Natawa na lang kami. Pero syempre babawian ko 'to.
"Ako pa tsumatsansing? Sino kaya ang nakahawak pa rin sa kamay ni Sab e lagpas 3 mins na kanina
pa." sabi ko.
Bigla namang napatingin yung dalawa sa kamay nila at nagbitaw. Parehas na mapula ang mga mukha.
Hahahahaha.
***
Kung binabasa mo 'to ngayon, salamat. Kasi po ang daming madalas magtanong kung kailan ang next
update. Pinopost ko po sa MB ko kung magaupdate na ba ko or hindi pa. Sana po kasi binabasa
niyo. Maraming salamat din po sa lahat ng nagvovote, nagcocomment at nagpropromote ng story ko.
I so love you guys.
And one more thing. Sino mga KathNiel dyan? Or kahit hindi. Haha. Pabasa naman po ng new one
shot ko entitled. "Ang Pakialamero kong Ex-Boyfriend". Paki-click na alng ang external link or
punta na lang sa profile ko. Plug plug din. Hahaha. Thanks sa mga magbabasa. :D
*******************************************
[39] Chapter 37 - Love has no reason
*******************************************
Zoe's POV
Mamayang gabi na ang contest. May konting kaba pero keri naman.
Nga pala, hindi pa rin alam ni Manager Ry yung tungkol sa contest na sinalihan namin pati na
rin yung pagkakabati-bati namin ng boys.
Papunta kami ngayon ni Ayu sa No Name para papuntahin si Manager Ry sa contest. Nang makarating
kami, agad akong bumaba at pumasok sa loob. Grabe nakakamiss dito. One month din pala kaming di
nagpunta dito.
Inabutan namin si Manager Ry sa may bar at nag-aayos ng drinks. "MANAGER RY!" sigaw namin ni
Ayu at tumakbo palapit kay Manager para yakapin siya.
"Grabe ka Manager. One month lang tayong hindi nagkita nakalimutan mo na agad kami. Tsk tsk."
sabi ko at kunwaring nagdaramdam. Si Ayu naman natatawa lang.
"E sino kaya yung mga nawala ng walang pasabi tapos after one month bigla na lang susulpot sa
harap ko? Ha?"
Nagpeace sign si Ayu at tumawa, "Sorry Manager. May inaasikaso kasi kaming importanteng bagay."
"Sa sobrang importante ni hindi nyo man lang ako nagawang tawagan o kahit itext man lang para
sabihin na mawawala kayo ng isang buwan?"
Tumango naman kami ni Ayu. "Hindi ko alam kung pinagtritripan niyo ko nila Xander at sabay
sabay pa kayong nawala."
"Hindi ka namin -- " kinurot ako ni Ayu kaya di ko natuloy sinasabi ko. "Bakit mo naman naisip
yan Manager? War kami di ba?" ah kaya pala. Muntikan pa kong nadulas. Tss.
"Hanggang ngayon?!"
"Yep!"
"Ano yun Manager?" tanong ko. Kasi naman ano ba pinagsasabi nito? Tsk.
Mukhang medyo nagulat si Manager nang tanungin ko siya. Tumingin siya sa likod namin ni Ayu,
"Uy andyan na pala yung pinabili kong ice cream. Gusto niyo?"
"Waaa! Ice cream!" sigaw ko at kinuha ang isang galon ng ice cream. "Manager akin na lang to
lahat ha? Marami ka pa naman e." sabi ko sa kanya at kinuha na rin yung kutsarang dala ng staff
niya at kumain na ng ice cream.
"No thanks."
Umupo kami ni Ayu sa stool sa may bar tapos si Manager nasa loob. Kumakain din ng ice cream.
"Eto maganda pa rin." biro ko sa kanya tapos ay kumain na ulit ng ice cream.
"Fine. I guess?"
"Di sigurado? Ano na naman yang problema mo? Pinadate ka na naman ba ng daddy mo sa iba? O
pinilit ka na naman niya makipagkita sa girlfriend niya?"
"Fiance Manager. Not girlfriend. And sanay na ko dun kaya di ko na poproblemahin yung mga
ganung bagay."
"Nagprapractice e."
"For what?"
"Contest."
"Yung sa may bayan ba?" tanong ni Manager kay Ayu at nilapag na yung ice cream na kinakain
niya.
Nagsalin naman ng water si Ayu, "Yep. Sasali kami. Mamaya na yun. Haha." Tiningnan naman ako ni
Ayu, "Uy okay ka pa ba dyan? Kain ka ng kain."
Kahit puno pa yung bibig ko ng ice cream at nabebrain freeze na ko sumagot pa rin ako kay Ayu,
"I'm fine. Don't mind me." sabi ko at yumuko ulit para kumain ng ice cream. Grabe mauubos ko
ata tong isang buong galon.
"Okay. As I was saying Manager, sasali kami sa contest sa bayan. At mamaya na yun. Kaya ikaw,
dapat kang pumunta at manuod samin. Supporter lang."
"Okay sige. Iiwan ko na lang sa staff muna tong No Name. Pero anong category sinalihan niyo
dun?"
"WHAT? Lahat? Kailangan niyo ba ng pera ngayon or something? And how could that be possible?
Apat lang kayo so di niyo kayang salihan ang lahat. And may male division kaya dun."
"Nakakacurious ha. Anong kalokohan ba yang ginagawa niyo? Sino kakanta nga pala sa inyo?"
"Para sa female si Sab. Sa duet, si Yannie and someone. Sa grp si Zoe and someone. Tutugtog
lang ako."
"Teka. Kung si Zoe ang kakanta, bakit siya kain ng kain ng ice cream? Mapapaos yan." sabi ni
Manager at tumingin sakin.
Napahinto naman ako sa pagkain ng marinig ko yun at binitawan ko ang kutsara. "Uh-oh." tanging
nasabi ko ng marealize na halos maubos ko na pala ang isang buong galon ng ice cream. Paano na
ko nyan mamaya? T____T
***
Ayu's POV
Napaktino talaga nitong si Zoe. Kumain ng ice cream sya nga pala kakanta.
"Oo na nga. Ayos na. Kanina ka pa Zoe ha. Pumunta ka na nga sa kotse! Uwi na tayo para
makapaghanda." utos ko sa kanya. Tumango naman siya tapos ay nagpaalam na kay Manager at iniwan
na ko sa loob.
"Ingat!"
Humakbang na ko palayo kay Manager pero maya maya ay umatras ako ng isang hakbang. May gusto
kasi akong tanong sa kanya e. Pero wag na lang pala. Kaya humakbang ulit ako palayo. Pero
napahinto na naman ako at humakbang paatras. Aish. Gulo ko. Wag na nga. Di na ko magtatanong.
Wala lang naman to. Hahakbang na sana ulit ako ng magsalita siya, "Sabihin mo na ang gusto mong
sabihin."
Napakamot na lang ako sa ulo ko at unti-unting humarap sa kanya. Bumalik ako sa inuupuan ko
kanina, "May tatanong lang ako." tinanguan lang niya ako at pinapatuloy.
"Ikaw ba ni minsan nagkagusto na sa taong di mo pa nakikita?" may halong pagtataka yung mukha
niya kaya mas pinaliwanag ko yung sinabi ko. "Ganto na lang.. kunyari naglalakad ka sa kung
saan man tapos may narinig ka na lang na boses. Magandang boses ng babae. Di mo siya nakita ha.
Di mo alam mukha niya. Sa tingin mo ba pwede mo yung magustuhan?"
"Ewan. Pero boses lang talaga? Posible ba yun? Magkagusto ka sa boses lang?" nagkibit balikat
lang ako.
"Sige na nga Manager. Wag mo na pansinin yung tanong ko. Una na lang ako para makapag-ayos na."
***
Zoe's POV
Nasa may backstage na kami ngayon at kasalukuyan akong pinapagalitan ni Yannie. Nakapamewang
siya at pinagsasabihan ako, "Kasi naman, kung di dahil sa ice cream na yan edi sana di ka
mapapaos. Paano na yan ngayon?!" nakayuko na nga lang ako dito e. Nahihiya at nakokonsensya
kasi ako. Kasibaan kasi. :(
"Ako na lang kakanta. Wag mo na pagalitan yan Yannie." prisinta ni Ayu. Tumingin naman ako sa
kanya at ngumiti tapos ay niyakap ko siya. "You're a life saver Ayu." sabi ko with my malat
voice.
Dumating naman na bigla yung apat, "Guys, nagkaroon na ng konting pagbabago ha. Si Ayu na
kakanta instead of Zoe." pumayag naman yung iba.
"Zoe. Hanap ka ni Ate Cass. Nandun sya sa may audience." sabi sakin ni Ice.
Malayo pa lang nakikita ko na si Ate Cass. Kakausapin ko na ata sya kaya lang biglang dumating
si Manager Ry kaya di niya kami nakita ni Ice.
"Hindi. Nagpunta kaninang No Name si Zoe at Ayu. Tinanong ko sila. Di pa rin daw sila ayos."
"Wala na atang pag-asang magkabati bati yung mga yun. Tss. Sayang naman. Pero paano yan Ry?
Paano mo sasabihin na di pa talaga nalulugi ang No Name at palabas mo lang ang lahat para
mapagbati bati sila?"
Nagkatinginan naman kami ni Ice. Parehas na nagulat sa narinig namin. Hindi ko na kayang
nakikinig lang kaya lumapit ako, "So sinet up nyo kami?"
Gulat na gulat na napalingon si Ate Cass at Manager Ry samin, "Ice at Zoe? Kanina pa kayo
dyan?"
"Oh. Bakit ganyan mukha niyo?" salubong sa amin ni Sab pagbalik namin. Agad naman akong tumili
at tumalon papayakap kay Sab.
"Kyaaaa. Saaaaab!"
"ANO?!" sigaw nila samin. Napatakip naman kami ni Ice sa tenga namin. -____-
"Syempre! Ibig sabihin kasi, okay lang talaga ang No Name at walang dapat ikabahala. Saka
naging friends naman tayo dahil dun di ba." napatango naman sila sa sinabi ko.
"Pero paano ba tong contest? Atras na tayo?" tanong ni Xander. Binatukan naman siya ni Josh,
"Andito na aalis pa. Sumali na tayo e. Gawin na lang natin to just for fun."
Nagkatinginan na lang kami kasi nagkasundo yung dalawa tapos biglang sumigaw si Xander, "GROUP
HUG!"
***
Nagsisimula na yung contest at kasalukuyang ang male category ang naglalaban laban. Magagaling
ang mga kalaban namin pero hindi na rin naman kami kinakabahan. Bakit? Kasi ngayon, kakanta
kami para magsaya at hindi para maiuwi ang panalo. Win or lose man, higit pa sa prize ng
contest na to ang natanggap namin. At ayun ay ang pagkakaibigang di namin inasahang mabubuo.
"Ladies ans gentleman let's welcome contestant #8, Kenneth Yu." announce nung host.
"Goodluck Ken."
Lumabas ang boys sa backstage para video-han si Ken kaya naiwan kaming mga babae sa likod.
Nakikinig lang ako sa kanta nang kalabitin ako ni Yannie at tinuro niya si Ayu. Nasa may isang
sulok lang at parang ang lalim ng iniisip. Lumapit kaming tatlo sa kanya, "Spill." sabi ni Sab.
"Huh?"
"What's with the face? Ano yang problema mo?" tanong ni Sab.
Bago pa matuloy sasabihin nya, inunahan ko na. "Huwag mo na tangkaing magdeny. Ano yun?"
Napangiti na lang si Ayu at napailing, "Kilala nyo na talaga ko. Haha." huminto sya saglit at
yumuko, "I guess I'm in love." bulong nya.
"Anong problema dun Ayu? Wala naman siyang girlfriend. Wala rin nan syang nililigawan. So
there's nothing to worry." paliwanag ni Yannie at tinapik pa sa likod si Ayu.
"Pero may gusto na siya." tumingala sya at nginitian kami. Obviously, it's a fake one.
Napa-gasp naman si Sab, "Sino? Sino yang babaeng yan? Tara at putulan ng buhok." natawa naman
si Ayu sa kanya.
"Narinig lang daw nya yung boses nung babae. Tapos bigla na lang nya naramdaman na yun nga.
Gusto.. na.. nya." mahina na lang ang pagkakasabi ni Ayu sa last sentence nya.
Wala rin nakapagsalita agad samin. Pero binasag ni Sab ang katahimikan, "Ano ka ba Ayu? Never
say never. Di pa naman nya kilala yung babae. Saka mawawala rin agad yung nararamdaman ni Ken
dun sa babae no. Imagine nagkagusto sya sa boses lang nung babae. Paano kapag nakita na nya
yun, di naman pala nya gusto yung ugali? Edi wala rin. Saka hello? Paano kung di na magaling
kumanta yung babae? Kunyari napipi? Napaos? Basta naiba na yung boses. Edi di na sya
magugustuhan ni Ken."
Napatingin lang si Ayu sa kanya, "Saka for sure naman na di in love si Ken dun. Kasi nga wala
namang rason ang love. Kasi once na magkaron ka ng dahilan para mahalin ang isang tao, di na
love tawag dyan. Paano kung mawala na yung dahilan nya? Edi wala na rin yung love na
nararamdaman nya?"
Infairness kay Sab ha. Minsan tama ang sinasabi. Napatango naman si Ayu, "Tama ka Sab. Hindi
rin ako dapat malungkot. Makakalimutan din ni Ken yung babaeng yun."
*******************************************
[40] Chapter 38 - Contest
*******************************************
Sab's POV
This is it. Female division naaa! Malapit na ko. Excited na kong kumanta at magperform sa harap
ng maraming tao. Namiss ko to. Tagal ko na kasing di kumakanta sa No Name kaya di na rin ako
nakakakanta sa harap ng maraming tao.
"Excited ka masyado Sab." natatawang sabi ni Zoe. Di ko na siya pinansin. Lumayo muna ako sa
kanila at lumapit sa may gawing stage. Hinihintay matapos si #6 para si #7 na. Para pagtapos na
si 7, ako na. Bwahahaha.
"Mas magaling ka pa dyan e." halos mapatalon ako sa gulat ng may bumulong sa tabi ko.
Napahawak na lang ako sa dibdib ko at napapikit, "Nakakagulat ka Josh. Pero wait. Ano ulit sabi
mo kanina?"
"Psh. Gusto mo lang marinig ulit e. Wag na. Baka pumalakpak pa tenga mo." natawa pa sya sa
sinabi niya. Hawak hawak ko pa rin yung chest ko. Ang tagal naman bago mawala yung bilis ng
heartbeat ko. OA naman pala ako kung magulat.
"Hindi ha." sabi ko lang sa kanya at tumalikod na para panuorin yung kumakanta. Si #7 na pala.
"Panalo ka na panigurado." nagsalita na naman si Josh kaya napaharap ulit ako sa kanya. At
teka.. nakangiti pa?
Napakunot ang noo ko sa ngiti nya, "Nakakapanibago ka ngayon." This time, sya naman ang
napakunot ang noo. "Bakit?"
"Ah. Yun lang pala. Haha. E ganun talaga. Nakakapagod din makipag-away sayo no. Pero wag kang
mag-alala, bukas away ulit tayo." adik ata to e. >.<
"Okay?" medyo patanong na sagot ko. Humarap na naman ako sa may stage. Di pa tapos si #7. "Ang
tagal naman nya kumanta." sabi ko kay Josh.
"Oo siya di masyadong maganda yung boses. Pero yung ibang nauna sa kanya maganda mga boses."
Tumango siya at tumingin sakin, "Pero mas maganda yung iyo." tapos ngumiti na naman.
Nakakapanibago talaga si Josh ngayon. Pero wala rin akong nagawa kaya nginitian ko lang din
siya. Di ko alam kung gaano na kami katagal nagngingitian dun.
"Tama na ngitian. Kanina ka pa tinatawag Sab." biglang sabi sakin ni Zoe kaya napalingon ako sa
stage. Hala ako na nga pala. Ano ba yan. Tsk.
"Goodluck Sab!" sigaw nila sakin. Ngumiti at tumango naman ako sa kanila. Bago pa ako tuluyang
makalabas sa stage narinig ko ang sigaw ni Josh, "Goodluck Sab! Mas magaling ka pa sa mga
nauna!" napahawak na naman ako sa chest ko. Nagugulat pa rin ba ko?
Ang saya. Ang sarap talagang kumanta. Pagkatapos ko ay nagbow na ko sa mga tao at bumalik na
ulit sa backstage. Sinalubong naman nila ko at niyakap na naman. "Galing mo talaga!"
***
Ayan na. Sila Yannie na ang kakanta. Lumabas ako ng backstage at dinala ko ang videocam tapos
ay nagpunta sa may front row katabi ng mga audience para irecord ang performance nung dalawa.
Nung simula, magkalayo pa yung dalawa. Pero kikiligin ka na kasi nga bagay na bagay sila.
Naririndi na nga ako sa mga katabi kong teens din e. Panay tili. Nakakabasag ng eardrums.
Nung nagchorus naglapit na sila at nagtitigan pa. Tinaas din nila ang kamay nila at pinagdikit
iyon. Maya maya ay inintertwine na nila yung fingers nila. Hooo. Oxygen. Kinikilig akoooo.
Ngayon ko lang narealize, super nakakakilig pala talaga silang dalawa.
Nang matapos silang kumanta bigla na lang kiniss ni Xander si Yannie sa cheeks kaya lalong
nagtilian ang crowd. Kasama ako dun! Magnakaw daw ba kasi ng halik. Jusko Xander! Pinapakilig
niyo ko! :))))
Agad naman akong pumuntang backstage para batiin sila, "Kyaaa ~ I'm so kinikilig ng sobra sa
inyo kanina." sigaw ko habang tumatalon talon pa. Natawa na lang silang dalawa.
Nagulat na lang ako ng may umakbay sakin kaya naphinto ako sa pagtalon. Si Josh pala. "Wag kang
mag-alala. Next time tayo naman ang magiging ganyan ka-sweet." a-ano raw?
"Ayiiiiieee." nang marining ko yang tukso ni Yannie at Zoe naconcious ako bigla kaya siniko ko
na lang si Josh. "Eto naman hindi na mabiro. Syempre joke lang yun." dagdag pa niya. Phew!
Kinabahan ako dun ha. Buti na lang hindi totoo.
***
Paakyat na nang stage sila Ayu, Josh, Ice at Zoe. Last performance na. Sila na yung kakanta.
This izzz really izzz it.
"Woooo! Go go go! Fight fight fight!" sigaw ko tapos ay hinila si Ken sa may tabi ng mga
audience. Si Yannie at Xander sumunod din.
"Wooo! Galingan niyo!" sigaw ko ulit habang vinivideo-han sila. Inaayos pa lang nila yung gamit
nila. "Uy Ken. Maki-cheer ka." sabi ko sa kanya.
Tapos na silang mag-ayos ng gamit at humarap na sa audience. Tinaas ni Ayu ang kamay niya at
nagbilang. One. Two. Three. And boom. Nagstart na sila.
Iba ang kanta? Bakit di na Good Time? Humarap ako kila Yannie at nagtanong, "Iniba?" tumango
naman sila Yannie. "Since si Ayu na raw ang kakanta, mas okay daw kung yang kanta na lang.
Napractice naman nila dati yan e. Yun nga lang, di pa si Ayu ang vocalist. Di ba Ken?"
paliwanag ni Xander at lumingon kay Ken.
Teka? Anong nangyari dito kay Ken? Mukhang gulat na gulat. Na-amaze na siguro kay Ayu. Yun e!
Sabi ko sa kanya may chance pa.
"Uy Ken. Ayos ka lang?" tanong ni Yannie. Pero nanatiling nakatulala si Ken.
"Ano nangyari dyan?" tanong ko kila Yannie pero nagkibit balikat lang sila.
"You mean -- " bago matapos sasabihin ni Xander nagsalita na si Ken. "Siya ang babaeng
hinahanap ko. Yung nasa music room. It was her. It was really her."
***
Ayu's POV
Bumalik na kami sa may back stage. Sinalubong agad nila kami at niyakap. Puro papuri rin ang
narinig ko sa kanila.
"Ayu." lumingon ako sa tumawag si Ken pala. Nginitian ko lang sya. Magsasalita pa sana siya
nang biglang nanahimik ang mga kasama namin kaya napalingon ako sa kanila.
"Uhh. You did great." sabi niya. Medyo awkward siya sa amin. Malamang kasi alam nyang alam na
namin yung ginawa niya.
Ilang segundo ulit walang nagsasalita. Nagtinginan sila ni Ate Cass at sabay nagsabi ng,
"Sorry." sabay yuko.
Nagkatinginan naman kami at pagkatapos ay nag-group hug kasama ang dalawa. "Woooo!"
Nang magsiayos na ulit kami nakangiti na ang lahat. "So hindi kayo galit?" tanong niya at ni
Ate Cass.
"Sa totoo lang di naman palpak plano niyo e. Look at us. Magkakaibigan na kami." pagmamalaki ni
Sab.
"Are you ready to hear the winners' names guys?" dinig naming sabi ng host.
Habang naghihintay kami ng mga names ng panalo nagcling sa braso ko si Zoe at bumulong, "Lusaw
ka na friend." napakunot noo ako sa sinabi niya kaya ngumuso siya at tumingin naman ako sa
tinuturo niya. Si Ken. Okaaay? May dumi ba sa mukha ko?
***
Inannounce na lahat ng panalo. At ano pa nga ba? Edi panalo kaming lahat. Galing lang. Haha.
Past 1am na kaya di kami magcecelbrate ngayon. Pag-uusapan na lang daw next time. Nag-aayos pa
sila ng gamit kaya lumabas muna ako saglit sa may hall.
Tumingala ako at tumingin sa mga stars ng may biglang humablot sa braso ko at niyakap ako.
Sa sobrang gulat ko hindi ako agad nakapagreact. "I finally found you." bulong niya sakin. At
dun lang nagsink in sakin na si Ken ang lalaking nakayakap sa akin ngayon. Humigpit pa lalo ang
yakap nya na naging dahilan ng lalong pagbilis ng tibok ng puso ko. Ano ba nangyayari?
Naguguluhan ako.
"Ikaw siya Ayu. Ikaw sya. Nakita na rin kita. Ikaw ang babaeng matagal ko ng gustong makita.
Ikaw ang may-ari ng boses Ayu. Ikaw."
Ibig sabihin ako ang babaeng gusto niya? Ako ang babaeng lagi niyang kinekwento? Nang malaman
ko yun nakaramdam ako ng saya. Gusto nya ako. Gusto niya rin ako. Gusto niya rin ako kasi ako
yung babaeng may ari ng boses.
Pero.. gusto niya lang ba ako dahil sa boses ko? Naisip ko yun at naalala ko bigla yung sinabi
ni Sab kanina. Walang dahilan ang pag-ibig. Dahil kung may dahilan man yan, kapag nawala na ang
dahilan niya, wala na rin ang pagmamahal niya.
Hindi ko na alam ang nagyayari kaya bumitaw ako sa kanya at tumakbo paalis. Mahal niya rin ako?
Pero bakit parang may mali sa nararamdaman ko. Sobrang naguguluhan na talaga ko. Sorry Ken.
Sorry.
***
Nang marinig ko ang mga sinabing iyon ni Ken, hindi ko alam pero pakiramdam ko may mali. Siguro
kasi hindi ganun yung inaasahan kong mangyayari. Hindi yung bigla na lang syang lalapit sa akin
at sasabihing ako pala ang matagal na nyang gustong makita.
Nakarating kami sa bahay nang hindi ako umiimik. Tinanong nila ako pero di ko sila sinagot.
Natapos ang isang buong gabi na wala akong naisip na matino. Lutang ang diwa ko.
Kinaumagahan nagising ako at agad na nag-ayos para sa school. Inabutan kong nag-aayos na yung
tatlo ng breakfast.
Napalingon sa akin si Yannie, "Kain na tayo." nginitian ko lang sya at umupo na.
Tahimik lang kaming kumakain. Feeling ko tuloy nadadamay sila sa kaartehan ko. Bakit ba kasi
ganto ang nagiging reaksyon ko? Kainis.
Nang matapos ay niligpit na rin namin yung pinagkainan namin at lumabas na ng bahay.
"Paano na ngayon? Solo solo ulit?" tanong ni Sab. Oo nga pala. Ayos lang ang No Name at hindi
na namin kailangan magtipid.
Sasagot na sana ako nang may bumusina. Napatingin kaming apat sa may gate.
Ah. Meron palang may sundo. Bumaba ng kotse nya si Xander at kumaway sa amin. "Good morning."
bati niya.
"Susunduin ko lang kaibigan niyo." sabi niya habang papalapit kay Yannie.
"Akin naman na talaga 'to e." sabi ni Xander. "Ouch." kinurot naman siya ni Yannie sa
tagiliran. "Ayos ka rin e? Makaangkin. Tara na nga lang. Girls, kita na lang tayo dun. Bye!"
paalam ni Yannie at hinila na palabas si Xander.
"Ang kulit." pailing iling na sabi ni Zoe. "Sabay sabay na nga lang tayong tatlo. Tara na."
Tahimik lang din kaming byumahe papuntang school. Nang makarating kami, dumiretsyo lang kami sa
room kasi halos magtatime na rin.
Nasa tapat na kami ng room ng biglang tumunog ang bell. Papasok na sana ako ng makasabay namin
si Ken at Ice. "Good morning!" bati sa kanila ni Sab at nagsipasok na ng room. Papasok na rin
sana ako kaya lang may pumigil sa akin. Si Ken.
"Teka lang." napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Kagabi? Bakit -- "
"Ms. Khan and Mr. Yu. Nagbell na. Bakit nasa labas pa kayo." suway sa amin ng teacher namin.
***
Mabilis lang natapos ang dalawang period namin kaya break na rin agad.
Naglalakad lang kaming apat papuntang canteen ng sabayan kami ng apat na lalaki. Lumapit si
Xander kay Yannie at nauna na silang maglakad habang si Josh, Zoe, Ice at Sab ang magkakasabay
na nagkwekwentuhan habang naglalakad. Naiwan ako sa likod. Napatingin ako kay Ken at nagtagpo
yung tingin namin kaya agad ko rin iniwas yung tingin ko. Lalakad na sana ulit ako ng pigilan
niya ako.
Himarap ako sa kanya, "Ah, a-ano. G-gutom na kasi ako. Kain muna ko." sabi ko sa kanya at
iniwan siya doon na nakatayo. Binilisan ko ang lakad ko para masigurong di niya ko abutan.
Bakit ba ako nagkakaganito? Tsk. Hindi pwedeng iiwas na lang ako sa kanya palagi. Pero siguro
nga di pa ako handang harapin siya sa ngayon.
Natapos ang break or should I say na natapos ang buong araw na iniiwasan ko lang si Ken.
Nakakahalata na rin siguro ang iba. Paano, kami ang dating palaging magkasama tapos ngayon
iniiwasan ko na siya.
Pag-uwi agad akong nagpunta sa cr sa kwarto ko. Naghilamos ako at humarap sa salamin, "Ano bang
problema mo Ayu? Umayos ka nga. May mga nadadamay pa sa pag-iwas mo e. Umayos ka Ayu. Hay."
Paglabas ko ng cr nagulat na lang ako ng makita yung tatlo na nasa kwarto mo. Nakahiga si Sab
sa kama ko. Si Zoe naman nakaupo lang samantalang si Yannie tumitingin tingin sa desk ko.
"Yung kama mo Ayu masyadong malinis. Parang walang humihiga. Walang gusot. Kaya ako na lang
gugusot." puna ni Sab na gumulong gulong sa kama ko.
"Bakit ganto yung sahig mo? Parang masyadong madulas. Baka may madulas dito tapos mabalian pa."
sabi naman ni Zoe na nakaupo sa kama habang makasayad yung paa sa sahig.
"Saka bakit napakarami mo namang libro dito sa desk mo? Para saan pa ang shelf kung dito mo
lang din yan ilalagay?" hawak hawak naman ni Yannie yung libro ko at binubuklat buklat pa.
Napabunting hininga na lang ako at umupo sa kama, "Alam kong hindi kayo nagpunta dito para lang
punahin at pakialaman ang kwarto ko. Ano na sasabihin niyo?"
Umupo na rin si Yannie sa kama, "Anong nangyari kagabi?" diretsyong tanong niya.
Napangiti na lang ako. Alam kong itatanong nila 'to. "Alam ko namang alam niyo na yun e."
Napatango si Zoe, "Ken. The mystery girl. Ikaw. Nasabi nga samin ni Xander. Pero di lang yun
Ayu. May nangyari kagabi. Ay ayun ang gusto namin malaman. We gave you time for yourself
already. Baka naman pwede mo na kaming sabihan ng problema mo?"
Natahimik lang kami nun. Nakatingin lang sila sa akin. Isa o dalawang minuto bago pa ako
magsalita. "Kagabi habang nasa labas kami.. sinabi nga niya na ako at ang babaeng may ari ng
boses ay iisa." tumango naman sila as if motioning me to go on.
"By that time naisip ko na, wow, ibig sabihin gusto niya rin ako. Kasi ang pagkakaalam ko gusto
niya yung may ari ng boses. I felt glad. Di ko timatanggi yun. But.. " i stopped tapos ay
yumuko, "Naalala ko yung sinabi ni Sab. About sa love and kapag may reason yun. Then, para
akong nakaramdam nang doubt. So I pushed him and ran away."
"Oh no. Oh no." napatingin naman ako kay Sab. "Sorry Ayu. Sorry talaga. Di lang talaga maipreno
tong bibig ko. Hindi ko dapat sinabi yun. Wag kang dumepende sa sinabi ko."
"Don't worry Sab. Wala kang kasalanan no." niyakap naman ako ni Sab at nagsosorry pa rin.
"I don't know Ayu kung tama ba yang pinaggagawa mo ngayon. Yung pag-iwas. Bakit di mo kausapin
si Ken? Malamang naguguluhan din yun ngayon." payo ni Yannie.
"Wag kayong mag-alala. I'll talk to him. I just don't know when. Sige na. Magbihis na kayo.
Okay lang ako." tumayo naman na si Yannie at Sab tapos ay niyakap ako at lumabas na.
Napatingin naman ako kay Zoe na nakayuko lang dun. "Uy. Ayos mo?" tanong ko sa kanya. Nginitian
lang niya ako at niyakap. Lalabas na siya ng kwarto ko. Hawak na niya yung doorknob pero
huminto siya, "Ayu. Alam ko matalino ka at proud ako sayo for that. Magaling yang takbo ng utak
mo e. Basta walang duda na matalino ka at magaling mag-isip."
Ano raw? Napakunot ang noo ko. Hindi ko kasi naiintindihan si Zoe e. Binuksan na niya ang pinto
pero di pa rin siya lumalabas. "Kaya lang.. minsan.. hindi pwedeng laging utak lang ang
paganahin." tinuro niya yung chest niya, "Minsan pairalin mo rin yan. Wala namang masamang
maniwala paminsan minsan. Don't be afraid to take risk. Kung masyado kang magiging sigurista,
baka kapag narealize mo na ang dapat mong marealize huli na pala." kinindatan pa niya ko at
lumabas.
***
Bumabyahe na kami papuntang school. Apat ulit kaming magkakasabay. Traffic kaya nakahinto lang
kami.
Tumuro siya sa labas ng bintana, "Si manong magtataho kasi umalis na. May tumatawag pa sa kanya
bibili ata. E nabwisit na ata yung ale kasi di sya marinig ni manong. Kaya ayun di na lang
bumili yung ale. Kita rin yun." napailing naman ako. Ayun lang pala. Akala ko naman kung ano.
Pagdating ko ng school same routine malamang. Medyo busy kaya di rin kami masyadong
nagkasalubong ni Ken. Buti na lang. Kapag nasa classroom naman, di ko maiwasan mapatingin sa
kanya. Madalas magtama paningin namin pero iniiwas ko rin agad.
Nang mag-uwian, naiwan ako sa room kasi kumokopya na naman ako sa board. Pagkayari inayos ko na
ang gamit ko at lumabas. Bakit naiinip na sa akin yung tatlo.
Halos wala ng tao sa corridor. Lagi namang ganto e. Napakatagal ko kasing kumopya. >.<
Nagpunta siya sa harap ko, "Ano bang problema? Bakit ka ba umiiwas?" tanong niya. Hinigpitan ko
ang pagkakayakap ko sa libro ko.
"Dahil ba to sa nangyari nung isang gabi? Dahil nalaman mo na ikaw ang babaeng hinahanap ko? I
swear Ayu di ko rin na ikaw yun. Pero I'm -- "
"Ayun nga Ken e!" napahinto siya dahil medyo napataas ang boses ko. Huminga ako ng malalim at
humarap sa kanya, "Ayun ang problema Ken. Hindi mo rin alam na ako yun not until you heard my
voice sa contest!"
"PAANO KUNG HINDI AKO ANG MAY ARI NG BOSES?! PAANO KUNG IBANG TAO PALA? PAANO KUNG SI SAB? SI
YANNIE? SI ZOE? MAGUGUSTUHAN MO PA RIN BA AKO?!" sigaw ko sa kanya.
"Ayu naman."
Hindi ko na napigilan kaya may pumatak na palang mga luha sa mata ko, "Nagustuhan mo ako sa
boses ko. Pero bilang ako? Nagustuhan mo rin ba? Paano kung bukas makalawa nawalan ako ng
boses? Gusto mo pa rin ba ko?" tuloy tuloy lang agos ng luha ko. Lalapitan sana niya ko pero
lumayo ako. "Dyan ka lang." sabi ko at naglakad na palayo sa kanya.
Napahinto ako ng magsalita siya, "Pero Ayu, gusto kita. Gusto talaga kita." mahina lang
pagkakasabi niya pero sapat na para marinig ko. "Hindi mo ko gusto Ken. Gusto mo boses ko."
***
"Ayu, umuwi na lang tayo. Mukhang di ka okay e. Tara na." yaya sa akin ni Zoe. Nasa No Name na
naman kami at balik na sa pagkanta.
"Hindi. Ayos lang ako. Wag mo na kong alalahanain." napabuntong hininga na lang siya at
tinabihan ako.
Dumating naman si Sab at Yannie, "Merge na raw tayo. Sa band. Palit palit na lang pero tayong
walo na." paliwanag ni Yannie samin. Tumango na lang ako.
Ilang minuto lang dumating na rin ang boys. Lumapit sila sa amin at naupo kung saan kami
nakaupo. Magkatapat kami ni Ken pero di ko siya magawang tingnan. "Excuse lang." paalam ko sa
kanila at dumiretsyo ng cr.
Naghilamos ako at nag-ubos lang ng oras dun. Halos limang minuto bago ko maisipan bumalik ulit.
Papalapit ako sa kanila ng marinig ko ang sigaw nila, "BUKAS NA?" "Wag ka na umalis." ayan lang
ang narinig ko kasi napahinto rin sila ng dumating ako.
***
Hay. Paulit ulit na lang ata ang routine ko. Gigising. Mag-aayos. Kakain. Papasok sa school.
Iiwasan siya. Uuwi. Matutulog.
Pumasok ako ng school. Wala pa siya. Andito na yung tatlo pero wala pa siya. Nagbell, nagklase,
nagbreak, nagklase ulit, naglunch, nagklase pero di ko nakita si Ken. Iiwas iwasan ko tapos
hahanap hanapin ko? Ang gulo ko!
Sab's POV
Nasa may school garden ako ngayon. Pero di ako cutting ha. Wala kasi kaming teacher kaya
lumabas ako. Kasama ko si Josh sa maniwala kayo't hindi.
"Hindi nga e. Nung naghiwahiwalay tayo kagabi di na ulit nagsalita. Napakatamlay. E si Ayu ano
sabi?"
"Pag-uwi ko nakatulog na ata sya e. Kaya di ko na inistorbo. Pero di pa rin kasi siya
naniniwala na gusto talaga siya ni Ken. Alam niya dahil lang sa boses niya. Haaay. Ang
kumplikado nila. Peram na nga lang ng phone."
"Ha? Bakit?"
"Papatugtog ako. Naiistress ako sa dalawa kaya magmumusic na lang ako. Pamparelax." inabot
naman na niya sakin yung phone niya.
Kinalikot ko phone niya at nagpatugtog na. Napapasway na nga lang ako dito e. Kaya lang bigla
kaming may narinig ni Josh. Nanlaki mata ko at nagkatinginan kami.
"Narecord ko nga pala to noon. Tara. Bilis!" sigaw niya sa akin at hinila ako patakbo sa room.
Ayu's POV
Nag-aayos na kami ng gamit ng biglang may kumalabog. Agad naman akong napatingin sa pinto. Si
Josh at Sab lang pala. Baka naghahabulan na naman. Hindi ko na lang pinansin at inayos na ulit
ang gamit ko.
"AYU!" sigaw ni Sab. Nilingon ko naman siya. "May ipaparinig -- Ay teka. Bakit kayong lima na
lang tao dito?"
"Dyan lang sa -- Aish. Basta dyan. Ayu! Pakinggan mo 'to. Dali." utos ni Sab at inaabot sakin
yung cellphone ni Josh.
"Ganun talaga. Pero mabalik nga tayo sayo Ken, paano kung makita mo na yung babae sa music
room? Ano nang mangyayari kay Ayu niyan?" - Josh
"Tss. Makapagtanong ka naman. Parang girlfriend ko si Ayu ha? E hindi naman." - Ken
"Nagtatanong lang e. Psh. Ganto na lang.. paano kung makita mo na yung babae? Liligawan mo ba
siya?"
"Hindi."
"Bakit?"
"Kasi gusto ko lang siya. Gusto ko lang makita kung sino siya. Dati siguro gusto ko talaga
siya. Pero ngayon, gusto ko lang malaman kung sino siya."
"Ang ibig kong sabihin, gusto ko lang makita yung babae para malaman kung sino ang may ari ng
boses. Pero si Ayu.. iba siya. Siya yung gusto ko.. gusto kong makita araw-araw. Gusto kong
makasama madalas. Gusto kong alagaan. Kasi.. higit pa sa pagkagusto yung nararamdan ko sa
kanya."
"Higit pa?"
"Oo higit pa. Bigla ko na lang naramdaman to e. Si Ayu, siya.. siya yung taong mahal ko."
Mahal niya talaga ko? Mahal niya ko di dahil sa boses ko? Ang tanga tanga ko talaga. Bakit
hindi ako agad naniwala? Tama si Zoe. Hindi dapat laging utak ang pinapairal.
Napayuko naman siya. Napaiwas ng tingin ang iba. "Bakit di kayo sumasagot?"
tanong.
kinakabahan kong
"4 pa flight niya. 3:20 pa lang. Tara baka abutan pa natin siya." sabi ni Xander.
Nagmadali naman kaming umalis. Pagdating na pagdating namin ng airport, tumakbo agad kami.
Napaupo na lang ako sa sahig nang marinig yun. Tuluyan na rin nagbagsakan ang luha ko. Wala na.
Nahuli na ko.
*******************************************
[42] Chapter 40 - Payo ni Ayu
*******************************************
Guys! Baka naman pwede niyong basahin yung story ng friend kong si @louisezhenace? Try niyong
basahin story niya ha. My Gayfriend slash my Boyfriend??? yung title. Or kahit paclick ng
external link. Andun yun. Salamat po ng marami sa magbabasa. :)
Josh' POV
Nakatambay kami ngayon kila Ayu. Sabado naman kasi kaya ayos lang. Nasa may favorite spot kami
ng bahay nila. Ang garden. Napakarelaxing kasi ng place na 'to kaya ang sarap lang tambayan.
Kasama ko si Ice, Xander, Yannie at Sab ngayon dito. Nasa loob kasi ng bahay si Ayu at umuwi
naman si Zoe sa totoong bahay nila.
"Matagal na rin pala. Tsk. Ang lungkot tuloy lagi ni Ayu." sabi ni Sab at nagpangalumbaba pa sa
round table sa gitna namin.
"Malamang lulungkot siya. Ano gusto mong gawin nya? Magcelebrate kasi umalis na yung taong
mahal niya?!"
"Awww. Nakakainis. Nambabara ka na naman Josh ih." sabi niya sakin at nagpout pa. Hahaha.
Kinurot ko naman sya sa pisngi niya kaya lang pinalo niya kamay ko. "Saturday ngayon e. M-W-F
lang kita di aawayin di ba?"
"Plus sunday!"
Natawa naman si Yannie at Xander at ngumiti si Ice habang umiiling iling pa. "Problema niyo?"
tanong ko.
"WALANG BASAGAN NG TRIP!" sabay na sigaw namin ni Sab. Nagkatinginan pa kami at nag-apir.
Biruin mo, nakasundo ko pa 'tong babaeng 'to. Lagi kong kaaway tapos biglang naging bati na.
Haha. Ang bilis din ng pangyayari kaya di ko rin alam kung paano nangyari yun. Basta kasi ang
alam ko lang, after nang contest, nagkajive na kami.
"Nakakapanghinayang lang no." panimula ni Yannie. "Ayun na e. Mahal na nila ang isa't isa pero
di pa naging sila."
"It's because I used my head instead of my heart." napalingon kami sa nagsalita. Si Ayu pala.
Lumapit siya sa amin at umupo sa tabi ni Sab. Nginitian niya kami. "At pinagsisisihan ko yun."
Ngumiti sya, "Oo? Hindi? Ewan. Pero okay man ako or hindi wala namang magbabago di ba? Hindi
naman mababalik si Ken."
"Pero mas sasaya siya kung okay ka." sabi ni Ice. Nilingon siya ni Ayu at ngumiti. Ang hilig
niya ngumiti ngayon ha.
"Maybe. Pero di naman nya malalaman kung masaya ba ako or hindi kasi wala naman siya dito. Kasi
iniwan niya tayo. Kasi umalis siya. Kasi pinairal ko utak ko. Kasi di ako naniwala sa kanya.
Kasi nahuli na ko ng dating."
"Okay lang ako no Sab. Kabayaran to sa actions ko. Kasalanan ko naman kung bakit ako
nagkakaganto ngayon. Kaya wag na kayong gagaya sa akin ha. Na nahuli na bago pa marealize ang
bagay bagay."
Tinuro niya si Xander at Yannie, "Kayo. I don't know kung ano nang estado niyo. Kung fake pa
rin ba yan or totoo na. Gusto ko lang ipaalala na less than a month na lang ang natitira sa
inyo. Kapag natapos na usapan nyo ano na mangyayari sa inyo? Pag-usapan niyo na yan habang
maaga pa. Kung mahal niyo ang isa't isa wag na kayong magdalawang isip pa." namula naman yung
dalawa. Kung hindi lang siguro seryoso sa pagsesermon si Ayu, kanina pa ko natawa dito. Patawa
si Xander e. Namumula rin pala.
Humarap naman sa akin si Ayu, "Ikaw! Huwag mong daanin ang lahat sa lokohan. Huwag kang
masyadong maloko dyan. Minsan pakiseryoso rin ang ibang bagay. Kasi baka mamaya kapag maging
seryoso ka na hindi ka na nila paniwalaan kasi panay nga ang pagloloko mo." hala? Ganun na ba
ako kaloko loko?
Tinalikuran naman nya ako at humarap kay Sab, "Ikaw bruha! Alam kong di ka pa naiinlove. Kaya
sana kung dumating ang time na magmahal ka man, wag kang matakot sundin yang puso mo. Go lang
ng go! Ikaw pa."
"And lastly ikaw Ice! Ang torpe torpe torpe mo. Aamin ka na lang di mo pa magawa. Tsk."
"Sino ba nagsabing madaling umamin? Ang hirap hirap kaya." reklamo ni Ice.
Sinamaan naman sya ng tingin ni Ayu. "Hindi naman mahirap. Natatakot ka lang. Natatakot ka na
baka kasi mareject ka."
Nag-iwas ng tingin si Ice. Huli ang loko. Natatakot mabasted. Sabagay, sino bang lalaki ang
hindi natatakot mabusted? "Tama ako di ba?" tanong ulit ni Ayu.
"Hay nako Ice. Kung ako sayo kumilos kilos ka na. Maganda si Zoe. Sexy. Mabait. Matapang.
Maraming nagkakagusto sa kanya. Alam kong alam mo yan. Bahala ka. Baka may makauna pa sa'yo.
Magsisi ka pa sa bandang huli. Huwag mo ng gayahin yung pagkakamali ko. Mahirap Ice. Mahirap
mahuli ng dating." nagbuntong hininga si Ayu at tumayo, "Sige. Pasok na ko. Magbabasa na lang
ako. Tandaan nyo mga sinabi ko ha."
Nakatingin lang kami sa kanya hanggang makapasok siya. Nilingon ko yung apat, "Lasing ba yun?"
"Loko! Brokenhearted kaya ganun." sabi ni Xander. Ngayon ko lang napansin. Paraparaan tong
lokong to e. Nakaakbay na pala kay Yannie. Sumisimple pa.
"Saan?"
"Sa lahat ng sinabi niya. Lalo na yung sayo Ice. Bagal mo. Mas mabilis pa'y mga pagong sayo e."
Sinamaan naman siya ng tingin ni Ice, "Hindi naman kasi ikaw ang aamin kaya di mo alam na
mahirap talaga yun."
Nagcross ng arms si Sab, "Alam ko kaya! Kaya lang mas mahirap kung mauunahan ka ng iba no."
"Alam mo kasi Sab mahirap din naman maging lalaki. Akala niyo puro sarap lang nararansan namin.
Kapag ganyang nainlove kami di niyo alam kung gaano kahirap mag-ipon ng lakas ng loob para lang
umamin sa taon mahal namin. Tapos anong mapapala namin? Marereject lang?" depense ni ice sa
sarili.
Sumingit naman ako sa usapan nila, "Tama! Tama ka dyan pre! Kayo kasing mga babae pili lang ng
pili. Kung ayaw niyo yung lalaki basted agad. Kung gusto niyo naman papayagan niyong manligaw.
Pero wala pang kasiguraduhan kung sasagutin niyo ba sila o hindi."
"Teka teka. Hindi lang kayo nahihirapan no. Mga babae rin kaya. Akala niyo madali yung
naghihintay ka lang sa taong gusto mo? Nakakapagod din kaya yun."
"Oo nga. Tama si Sab. Mahirap yung naghihintay ka lang. Ni hindi mo nga alam kung may
hinihintay ka ba talaga o wala." binack up-an na ni Yannie si Sab.
Aba. Aba. Hindi kami papatalo. "E bakit ba kasi hintay lang kayo ng hintay? Bakit hindi na lang
kayo ang umamin? Pwede rin naman yun. Hindi yung iaasa niyo samin lagi yung first move."
"Kapag umamin kami, sasama ang tingin sa amin. Di mo ba alam yun? Sasabihing napakaarte namin.
Kababaeng tao tapos kami gumagawa ng first move." sagot sa akin ni Sab.
"E bakit niyo naman kasi iisipin ang sasabihin ng iba?" tanong ko.
"Tsk. Hindi mo naman kasi maiintindihan kasi hindi ka babae. Konting galaw lang namin
nahuhusgahan agad kami." depensa ni Sab.
"Babae!"
"Lalaki!"
"Wow ha. Pagdating ko dito aabutan ko pala ang pagbabangayan niyo." napatahimik kami ni Sab at
napalingon sa nagsalita.
"Oo. Pero bawal na ba akong bumalik dito at ganyan ang reaksyon mo Josh? Bahay ko rin naman 'to
ha." lumapit sya sa amin at umupo sa may inupuan ni Ayu kanina. Sa pagitan namin ni Sab.
"Parang nagtatanong lang e. Wala ka bang uwi man lang sa amin dyan?" tanong ko sa kanya.
"Grabe naman ha. Parang nangibang bansa lang? May uwi talaga dapat?" biglang nagring yung phone
na hawak niya. "Ssh. Excuse lang guys ha. May tumatawag." tumayo siya at lumayo ng konti sa
amin.
Napatingin kaming apat kay Ice na mukhang nagtratransform na. Mabwisit nga. >:))
Nagshrug si Yannie, "Maybe? Madalas makausap ni Zoe yun ngayon e. Bakit mo natanong?"
"Oo. Nitong mga nakakaraang araw madalas tumawag kay Zoe yan e."
Napangiti ako at tumingin kay Ice. Hala. Mukhang umuusok na ang ilong nito ha. Tae. Bakit ba
tinanong ko pa si Yannie? Pagtritripan ko pa sana si Ice kaya lang wag na lang pala.
Nakakatakot e.
"Hahahahaha! Baliw ka! Ewan ko sayo. Oo na. Bye!" napalingon na naman kami kay Zoe na kakababa
lang ng phone niya.
Umupo na ulit sya sa tabi namin, "Zoe, si Jude ba yun?" tanong ni Sab. Nako naman. Ako lang ba
nakakapansin ng black aura ni Ice? Ano bang problema ni Sab at tinanong pa niya yun?
"Yep! Hindi ka pa nasanay Sab. Madalas naman tumawag yun ngayon e." sagot ni Zoe. Nakaramdam
naman akong may sumipa ng paa ko. Mukhang si Xander kaya tiningnan ko siya. Sumenyas sya sakin
na tingnan ko raw si Ice. Kaya tumingin naman ako.
Grabe. Natatakot ako kay Ice ngayon. Para na siyang mangangain ng tao.
"Nasasanay na nga ako e. Haha. Bakit ba kasi tumatawag sayo yang si Jude?" isa pa talaga
Sabrina iistapler ko na yang bibig mo. Hina makaramdam. Kinikilabutan na nga ako kay Ice tapos
etong Sab na to wala pang preno kakatanong. >.<
"Aaah. A-ano.. Zoe, kamusta naman sa pununtahan mo? Doon sa inyo?" pag-iiba ko ng usapan.
Mahirap na e.
"Ayos lang naman. Teka nga. Ano na naman yang pinag-aawayan niyo ni Sab kanina?"
Nagkatinginan kami ni Sab. Sinamaan niya ako ng tingin. "Paano kasi 'tong si Josh sabi mas
mahirap daw maging lalaki. Pero kasi nga mas mahirap maging babae."
Tumawa naman bigla si Zoe, "Akala ko naman kung ano na. Hahaha. Pero ano ba kayo. Parehas lang
mahirap yan no. Nag-aaway pa kayo."
"May tatanong lang ako sa'yo Zoe." sabi ni Xander. Tinanguan siya ni Zoe. "Sa tingin mo ba okay
lang magpakatorpe yung mga lalaki?" pagtanong niya nyan, napatingin agad ako kay Ice. Pero
wala. Walang kaexpreexpression ang mukha. Selos pa rin ang loko.
"Hmm. Okay lang. Hindi naman masamang mag-ipon muna ng lakas ng loob di ba?"
Tumango naman kami. Oo nga naman. "Kaya lang.." dagdag niya. "Wag naman sana magpakatorpe ng
sobrang tagal. Baka maunahan pa siya ng iba. Saka anong malay niya, baka hinihintay lang din
siya ng babae. Edi naghintayan lang sila. Okay lang magpakatorpe pero sana naman matuto rin
siyang umamin." Tama nga naman. Kaya dapat talaga tong si Ice e kumilos kilos na. Aba. May
umaaligid atang Jude kay Zoe e.
Bigla na namang nagring yung phone ni Zoe. Sinagot niya yun. "Napatawag ka ulit Jude?" tumayo
na siya at sumenyas sa amin na papasok na siya sa loob. Nang makapasok na siya napatingin
kaming apat kay Ice. Bigla na lang tumayo si Ice, "Uwi na ko." paalam niya at iniwan na kaming
apat sa garden.
***
Ayu's POV
Halos dalawang linggo na magbuhat nung umalis si Ken. Nakakamiss talaga yun. Nakakainis naman
kasi e. Bakit ang bagal ko at nahuli pa ko ng dating? Hindi kasi ako agad naniwala. Ayan tuloy.
Tsk.
Maaga akong umalis sa bahay at pumasok sa school. Nauna na ako sa kanila. Konti pa lang ang tao
ng makarating ako sa school. Pumunta akong library. Dito kami madalas magstay noon ni Ken e.
Nung nag-aaral pa kami para sa quiz bee. Nakakatawa na lang isipin yung mga panahon yun.
Nagpunta naman ako ng classroom pero konti pa lang tao. Nilapag ko lang ang bag ko at lumabas
ulit. Naglilibot libot lang ako sa may school ground nang madaanan ko yung music room.
Napangiti na lang ako at pumasok sa loob.
Umupo ako dun at tiningnan yung paligid. Dito niya unang narinig ang boses ko. Nakakatuwa lang.
Binuksan ko ang piano at nagsimulang tumugtog. [A/N: Pero yung simula lang yung papiano sa
video sa gilid. ^__^V]
So, why does your pride make you run and hide?
Are you that afraid of me?
But I know it's a lie, what you keep inside
This is not how you want it to be
Bakit ba kasi umalis ka agad? Hindi mo man lang sinabi sa akin. Alam ko namang mali ako kasi
hindi ako naniwala sayo at hindi kita pinakinggan, pero sana di mo naman ako sinukuan agad.
Hindi naman siguro ito ang gusto mong kahantungan nating dalawa di ba? Babalik ka pa. Alam kong
babalik ka pa.
Natapos akong tumugtog pero hawak ko pa rin yung piano. "Hihintayin kita Ken. Babalik ka pa
naman di ba?" sabi ko sa sarili ko.
Tatayo na sana ako ng may narinig akong pumalakpak. Napatingin ako sa may gawing pinto. May
nakasandal na lalaki dun at pumapalakpak. Hindi ko sya masyadong maaninag. Lumapit siya sa
akin, "Syempre naman. Eto na nga oh. Nakabalik na ko."
Si Ken? Si Ken ba talaga 'to? Nagulat na lang ako ng niyakap niya ko at bumulong, "Namiss kita
Ayu."
***
Pahabol na update. Haha. Wala munang update sa mga susunod na araw. Buhay estudyante muna ko.
Tanong ko lang, ano nga ba mas mahirap sa tingin niyo? Maging babae o maging lalaki? :))
*******************************************
[43] Chapter 41 - Asungot
*******************************************
Ayu's POV
"Namiss kita Ayu." hindi ko magawang gumalaw. Totoo ba talaga 'to? Andito na agad si Ken.
Bumitaw na sya sa pagkakayakap pero nanatili pa rin akong tulala. Para kasing di lang ako
makapaniwala. Kinaway niya yung kamay niya sa tapat ng mukha ko, "Ayos ka lang ba?" tinitigan
ko lang sya at tinusok tusok ang pisngi niya. Totoo nga. Hindi ako nananaginip. Hindi siya
ilusyon. Andito talaga si Ken.
Natawa na lang sya ng mahina at pinisil psingi ko, "Ano bang ginagawa mo? Haha." wala. Hindi pa
rin ako makapagsalita. "Hay. Ayaw magsalita nito." sabi niya sakin at niyakap na naman ako.
"Sorry ha. Hindi ako nakapagpaalam. Babalikan naman talaga kita e. Kahit hindi mo ko hinabol.
Kaya lang nalaman ko sa tita ko na hinabol mo pala ako kaya napaaga uwi ko." bumitaw ulit sya
sa pagyakap sa akin at hinarap ako. Nakahawak lang siya sa dalawang balikat ko at nakatingin sa
mga mata ko.
"Nga pala Ayu. Gusto kong malaman mo na hindi kita nagustuhan dahil lang sa boses mo. Bago ko
pa malaman na ikaw at yung babaeng hinahanap ko ay iisa, mahal na kita. Oo Ayu. Mahal kita.
Bigla ko na lang naramdaman 'to e. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko lang mahal
talaga kita." kung pwede lang magtumbling ngayon sa sobrang kilig malamang ko ba ginawa ko na.
"Uy Ayu. Magsalita ka naman. Ngayon lang tayo ulit nagkita after two weeks tapos di mo pa ko
kakausapin? Galit ka pa ba sa akin? Kung galit ka bakit -- "
"Mahal din kita." agad naman akong napatakip sa bibig ko ng masabi ko ang mga salitang yan. Si
Ken naman nanlaki ang mata. E bakit kasi di ko makontrol 'tong bibig ko? Tss.
"M-mahal mo rin ako?" paninigurado niya. Tutal nasabi ko na, edi panindigan ko na lang. Tumango
ako sa kanya. Bigla namang lumapad ang ngiti niya. "Edi ibig sabihin ba nyan -- "
Tinaas ko ang kamay ko at tinapat sa mukha niya, "Hindi. Hindi pa. Hindi porket alam mong mahal
kita e tayo na. Gusto ko namang maranasan ligawan."
Tinanggal naman nya sa tapat ng mukha niya yung kamay ko pero hindi niya yun binatawan,
hinawakan lang niya, "Sige. Liligawan kita. Ayos na muna sa akin na alam kong mahal mo rin
ako." tapos ay nginitian niya ko.
Nagkwentuhan lang kami sa may music room ng biglang nagbell. Late na kami nito. Pero kahit na
late na kami, hindi pa rin kami nagmadali maglakad pabalik ng classroom. Wala na ngang tao sa
corridor e. Kaming dalawa na lang.
Bago pa kami makarating at makapasok sa room, ding na dinig na yung sigawan ng mga kaklase ko.
Mukhang walang teacher ha.
Pagbukas namin ng pinto, inabutan naming tumatakbo at nagbabatuhan ng papel yung mga boys. At
namumuno si Xander at Josh dun. Parang mga bata talaga. Si Ice nakaheadset at nakapikit habang
nakasandal yung ulo sa pader. Si Sab at Zoe nakatayo pa sa teacher's desk at kumakanta habang
si Yannie nakikipagkwentuhan sa iba.
O________________O
Pft. Gusto ko nang matawa sa reaksyon nila. But on the second thought, wag na lang pala. Kasi
parang ganyan din ang reaksyon ko kanina.
Nagsigawan sila ng, "KEEEEEEN!" tumalon sa may desk si Sab at Zoe at tumakbo payakap si Yannie
kay Ken. Bigla rin naman tumakbo si Josh at Xander palapit kay Ken at halos daganan na siya.
"A-aray.. Oy.. Tama -- Aray. Tama na." reklamo ni Ken. Tinigilan naman na nila si Ken at inayos
niya yung buhok niya. Natawa na lang ako. Ang kulit. Haha. "Tsk. Masyado niyo kong namiss."
naks. Kapal ng mukha nito. Pero totoo naman. Haha.
"Alam ko namang namiss mo rin kami e. Umamin ka na. Haha." biro ni Josh.
Lumapit sa akin si Ken at umakbay, well hindi naman siya actually akbay kasi parang sinasakal
na niya ko. Haha. Pero kinikilig ako wag ka. Tinuro niya ako gamit ang isa pa niyang kamay na
hindi nakaakbay sa akin, "Eto. Siya ang talagang namiss ko." >////////<
Tiningnan lang nila kaming dalawa ni Ken. Maya-maya, "WOW! Ikaw na pre! Bilis ha. Mala Flash
ang dating! Sana ganyan din si qwertyuiop." naputol yung sinasabi ni Josh nang ipakain ni
Xander yung hawak niyang papel sa kanya. Hahaha. Daldal kasi ni Josh. Ayan tuloy.
"Teka nga. Kulang kayo ha. San si Ice?" tanong niya. Tinuro naman ni Sab si Ice na nakaheadset
at nakapikit lang sa may likod habang nakasandal sa pader. Tulog.
Naglakad kami papalapit kay Ice. Tumapat si Ken sa kanya at biglang hinila ang headset niya
sabay sigaw. "SUNOOOG!"
"Ay p*ta." sigaw ni Ice na halos malaglag na sa kinauupuan niya. Laughtrip. Hahahaha.
Tiningnan niya ng masama si Ken at akmang babatukan ng biglang hilahin ni Ken si Zoe at
gagawing panangga kaya agad na nabawi ni Ice yung kamay niya. "Tsk." sabay upo niya ulit sa
upuan.
Humila kami ng mga upuan at nilapit sa pwesto ni Ice at bumilog. "Huy Ken. Magkwento ka. Ano
nangayari? Nakakagulat ka ha. Biglaan kang umalis tapos bigla ka rin babalik." excited na sabi
ni Yannie.
"Nagpaalam naman ako sa inyo ha. At saka sinabi ko kaya kay Ice bago ako umalis na three weeks
lang ako sa Jersey."
"Alam mong three weeks lang?" tanong ko kay Ice. "Oo." sagot naman niya.
"Hindi niyo naman tinanong." poker face na sagot niya. Napalo ko na lang noo ko. Mainam talaga
tong si Ice kahit kailan e.
"Kasal kasi ng pinsan ko. Invited kami kaya malamang pupunta ko. Pinsan ko yun e. Maaga kaming
pumunta para sa preparation tsaka nagtagal ako dun kasi di nila ako agad pinauwi. Matagal kasi
nila akong di nakita."
"Teka lang. Kala ko ba three weeks ka dapat dun? Two weeks pa lang ha?" tanong ni Xander.
Ngumiti naman ng pagkalaki laki si Ken at hinawakan ang kamay at inintertwine yung daliri niya
sa akin. "Namiss ko 'to e. Saka nalaman ko kay Tita na pumunta kayong airport. Kaya pinaagahan
ko uwi ko."
Nagtinginan naman yung anim at bigla na lang pinagbabato ng papel si Ken. Dahil sa katabi niya
ako tinatamaan din ako ng papel pero nahinto rin kasi hinarangan niya ako. "In love talaga si
Ken oh." sabi pa nila.
"Kayo na ba?" tanong ni Zoe na kinikilig kilig pa pagtapos nila kaming batuhin.
"Hindi PA. Pero kahit hindi pa at kahit matagal pa bago maging kami ayos lang. Sigurado naman
akong dun din punta namin e." mangbabato dapat ulit sila ng papel ng tumayo si Ken at hinawakan
yung silya, "Isa pang bato niyo ihahagis ko na tong upuan sa inyo." hahahaha. Ang kakaros
talaga. Kaya love ko tong mga kaibigan ko e. Pati si Ken syempre. :">
***
Ice' POV
May kumatok kaya napalingon kami sa may pintuan. Biglang nag-init ang ulo ko at niyukom ko ang
kamay ko.
"Excuse me. Excuse ko lang si Zoe." sabi nung asungot na Jude na yun.
Eto namang si Zoe grabe kung makangiti at kumaway pa. Tsk. Tumayo na rin siya at lumapit kay
Jude. Nakatingin lang ako ng masama kay Jude. Nararamdaman ko rin na nakatingin na sakin yung
anim.
"Close si Zoe at Jude?" tanong ni Ken. Inalis ko na yung tingin ko sa asungot. Bigla namang
binatukan ni Josh si Ken. "Aray!" reklamo niya habang himas himas yung ulo niya.
Nakita ko naman ang paghawak ni Ayu sa braso niya at parang pinisil niya yun. Napatingin naman
sa akin si Ken tapos napalunok. "Ah. A-ano. K-kamusta naman kayo dito?" biglang tanong niya at
lumingon kay Xander.
"M-maayos naman? Ha ha." di siguradong sagot niya at tumawa pa nang parang kinakabahan.
Tumayo naman ako bigla sa kinauupuan ko. Nagulat silang anim. Pero tumayo rin bigla yung
tatlong lalaki at hinawakan ako. "Ice kalma." sabi ni Xander.
"Pre chill lang. Nag-uusap lang naman sila oh." sabi naman ni Josh.
Nadaanan ko pa silang dalawa. Tawa pa ng tawa. E kung ipakain ko kaya sa Jude na 'to yung
silya? Tingnan ko lang kung matawa pa sya. Eto namang si Zoe tawa rin ng tawa. Maganda naman
siya kapag tumatawa, pero mas maganda siya kung ako nagpapatawa sa kanya.
Nagdaan na ko't lahat di pa ako pinansin? Wow pre. Heavy! Lakad lang ako ng lakad ng may
makabunggo ako. Tsk. Badtrip.
"Hindi naman kasi masamang tumingin sa dinaraanan. Try mo minsan. Tsk." sabi sakin nung
nakabangga ko. Tiningnan ko lang sya at naglakad na ulit.
"Naks. Hindi talaga uso mamansin?" ang kulit naman nitong kapatid kong 'to. Hindi ko pa rin sya
pinansin at naglalakad pa rin ako.
"Huy Ice! Problema mo?" sinusundan na niya pala ko. >.< Nilingon ko siya, "Bakit ba kasi
naligaw ka dito Ate Cass?" tanong ko.
"Bawal? Highblood mo naman. Pinuntahan ko lang naman si ma 'no. Saka dadaan din ako sa room
nyo. Wala naman daw mga teachers ngayon sabi ni Ashley e." tinanguan ko lang siya.
"Hoo. Wala kang sense kausap. Mapuntahan na nga lang sila sa room niyo." sabi lang niya at
tinalikuran na ako.
Ang sabi ko sa kanila pupunta lang akong cr. Pero di na lang pala. Pumunta na lang ako sa may
Tama. Dito na lang muna ako. Kung babalik ako ng room baka mabwisit lang ako ng Jude na yun e.
Ilalagay ko na sana sa tenga ko yung headset na nakasabit sa leeg ko ng may biglang nagsalita
sa tabi ko.
"You're so slow kuya." napalingon ako kay Ashley na nakaupo na pala sa tabi ko. Bakit di ko
napansin? -______-
"I heard kila Kuya Josh na Kuya Jude and Ate Zoe is getting closer already. Tsk tsk."
"Psh."
"Alam mo kasi kuya, gumawa ka na ng move mo before ka pa maunahan ni Kuya Jude. Kasi sa totoo
lang hindi malabong magkagusto si Ate Zoe kay Kuya Jude. Bakit? Kasi mabait siya. Gwapo.
Mayaman. Sporty. Gentleman. Friendly. Crush ko nga yun e."
"...."
"Bahala ka. Ikaw din. Totorpe torpe ka pa dyan. Sa sobrang tagal ng proseso mo nang pag-iipon
ng lakas ng loob, baka masulot na sa'yo si Ate Zoe." sabi niya at tumayo na. Naiwan naman akong
nag-iisip. Ayoko ngang may mauna sa akin kay Zoe. Kaya lang hindi pa ako handang umamin.
Nababading na naman ako. Tsk.
***
Pagdilat ko, nagulat ako ng abutan kong katabi ko si Zoe. Nakaupo lang din siya sa damuhan,
hawak hawak yung camera niya at kuha ng kuha ng litrato ng paligid o kaya ng mga nagdadaan.
Napalingon siya sa akin, "Gising ka na pala." tiningnan ko naman yung orasan ko. 11:30 na pala.
Halos three hours akong nakatulog?
"Almost two hours ata? Ikaw lang kasi mag-isang natutulog dito e. Kaya sinamahan na lang kita
para di ka mukhang loner." sabi niya at tumawa. Pero ako nanatiling poker face.
Tumigil siya sa pagtawa at tiningnan ako, "Para kang ewan." napakunot noo ko dun at tiningnan
ko lang siyang nagtataka.
Hinawakan niya yung noo ko gamit yung dalawa niyang kamay, "Lagi kasing nakakunot noo mo."
tapos ay hinawakan naman niya yung dalawa kong pisngi at inistretch. "Tapos poker face ka
madalas. Bihira kang magsmile."
Binitawan na niya ko at lumingon na ulit sa kakaunting tao sa park. Pero mamaya humarap siya sa
akin at ngumiti na naman, "Pero okay na rin naman at improving ka ngayon kumpara nung dati.
Hahaha." nangiti naman ako sa tawa niya. Agad agad niyang kinuha yung camera niya na nakasabit
sa leeg niya at pinicture-an ako.
"Ayan. Forever ka nang nakangiti dyan. Stolen pa yan ha. Haha." sabi niya sabay pakita ng
litrato kong nakangiti.
Bigla namang dumating si Josh na hinihingal pa. Mukhang galing sa takbuhan."Andito lang pala
kayo. Grabe napagod ako. Whew."
"Nagugutom na kasi ako kaya dapat ko na kayong mahanap agad para makapaglunch na tayo. Tara
na." psh. Istorbo.
Maglalakad na sana kami papuntang canteen ng may tumawag, "Zoe!" napalingon naman kami sa
tumawag na asungot.
Tiningnan kami ni Zoe, "Ay di muna pala ako sasabay. Sabay kami maglunch ni Jude e. Nakapangako
na ako kanina. Sige ha. Maya na lang. Bye!" paalam lang niya at umalis na sila ni Jude papunta
sa kung saan man.
Nakaingin lang ako sa kanila hanggang sa makalayo na sila. Mukhang nauunahan na nga ako nung
asungot ha. Hindi pwede 'to.
"Alam mo kasi Ice, ang babae parang test paper. Walang mangyayari kung tititigan mo lang. Uso
gumalaw."
***
*******************************************
[44] Chapter 42 - Kukunin ko siya
*******************************************
Ice' POV
Shorten period lang pala kami ngayon kaya papauwiin na rin kami maya maya.
Nasa may room lang kami at tulad ng kanina, nakapaikot na naman ang mga silya namin. Si Zoe
wala pa rin. >.<
"Nakasalubong ko nga."
"Nakita nga rin niya si Zoe at Jude e. Nang-iintriga tuloy." psh. Narinig ko na naman yang
pangalan ng asungot.
"Alam niyo kasi guys, hindi naman sa iniinis ko si Ice. Ang akin lang, gusto kong matauhan na
'tong torpeng lalaking 'to. Sagaran na'y katorpehan mo kasi kaya nakakainis na."
"Ano? Sandali nga kasi. Walang nagsasabi sa kanya ng mga gantong bagay kaya ako na lang
magsasabi. Puro kayo pinapangunahan ng takot kay Ice e."
Tumahimik sila at nagpatuloy sa pagsasalita si Sab, "Alam mo kasi Ice, ang bagal mo na masyado.
Kung mahal mo hindi mo siya hahayaang makitang kasama yung ibang lalaki."
"Oo Ice! Ibang lalaki. Hindi lalaking pinsan. Hindi rin lalaking kapatid. Hindi sila magkamaganak. Hindi sila magkadugo. Hindi mo ba naisip na baka nililigawan na niyang si Jude si Zoe? O
masaklap pa, baka sila na. Kasi hindi malabong magkagusto si Zoe sa kanya. Kasi siya, kahit
hindi pa sila matagal magkaclose ni Zoe, may ginagawa siya. E ikaw? Ano ba ginagawa mo? Wala.
Tinitingnan mo lang siya. Sus. Ano magagawa ng tingin tingin mo? Ugh. Nakakainis ka Ice." tuloy
tuloy na sabi ni Sab at ginulo pa buhok niya. Bakit ba inis na inis 'to sa akin ngayon?
"Pre, tama 'tong si Sab e. Walang mangyayari sa iyo niyan. Try mo naman kasing magparamdam kay
Zoe. Ano bang gusto mong mangyari? Ano ba ikinakatakot mo? Rejection?" pagpanig ni Josh kay
Sab.
Hindi ako sumagot kaya pinagpatuloy ni Josh sinasabi niya, "Tsk. Alam ko namang dun ka
natatakot e. Ang mareject. Pero di ba parang mas masakit naman yung napunta siya sa iba kasi
wala kang ginawa para malaman niyang mahal mo siya. Syempre kung mangyari yun paniguradong
araw-araw mong pagsisisihan na hindi mo nagawang umamin sa kanya. Pero kung ang gusto mo talaga
ay ang mapunta siya sa iba, sige lang. Pagpatuloy mo lang yan. Yung walang ginagawa."
"Kaibigan ko si Zoe. Kaibigan din kita. Kung may gugustuhin man akong magkatuluyan, kayo na
yun. Pero kung ganyan ka ng ganyan, mukhang okay na rin kung kay Jude mapunta si Zoe." sabi ni
Sab at lumabas na. Dinala na rin niya ang bag at mga gamit niya.
Sumunod naman sa kanya si Yannie kaya pati si Xander sumunod na rin. Naiwan ako kasama si Josh.
Ayu at Ken.
Maya-maya biglang pumasok si Zoe sa room. Lumapit siya sa amin, "Oh? Nasan na'y iba?"
"Ah. Kaya. Nga pala. Hindi muna ako sasabay sa inyo ngayon ha."
"Bakit?"
Sasagot pa lang sana si Zoe nang may kumatok sa pinto. Yung asungot. >.<
Lumapit naman yung asungot sa amin. Hinawakan siya ni Zoe sa balikat, "Guys. Kialla niyo naman
siguro si Jude. Haha. Wala lang pero gusto ko lang siya pakilala sa inyo ng personal. Galing
no? Ngayon ko lang naisip gawin yun kahit na kanina niyo pa sya nakikitang pumpunta dito sa
room. Haha." tumawa naman na halatang pilit yung tatlo kong kasama at ngumiti yung asungot.
"Jude, meet Ayu, Ken, Josh and Ice. And guys, this is Jude."
Tapos nakipag shake hands din siya kay Ken. Nung tinapat na niya yung kamay niya sa akin,
tiningnan ko lang yun. Tapos bigla na lang hinablot ni Josh yung kamay nung asungot. "Nice to
meet you pre." sabi pa niya. -.-
"Sige una na kami. Ihatid ko na lang siya mamaya sa inyo Ayu." at tuluyan na nga silang
lumabas. Alam na rin pala niya na magkakasama sa iisang bahay yung mga girls. Ang dami na
siguro nilang napagkwentuhan. Aish.
***
Halos isang linggo na ang lumipas at ganun pa rin si Zoe at Jude. Sobrang close. Madalas sila
sabay umuwi. Saka kapag lunch. Madalas din magpunta sa room yung asungot para i-excuse si Zoe.
Nakakapikon lang. >.<
Zoe's POV
I'm getting used to Jude's prescence lately. Sabagay lagi kaming magkasama. Wala naman kaming
dull moments pagmagkasama kasi nakakatuwa rin siya. Ang gentleman pa. Lagi pa akong inaalala.
Ang bait bait tapos ang galang galang pa. Boyfriend material na kumbaga. Hihi.
"Hindi mo ata kasama si Jude ngayon?" tanong sa akin ni Yannie. Nasa may canteen kami. Lunch
break na e.
"Ah. Kaya. Boyfriend mo ba yun?" nasamid naman ako sa tanong ni Yannie. Dirediretsyo magtanong
'to.
Uminom agad ako ng tubig at sinagot siya, "Hindi. Bakit mo naman natanong?"
"Type mo?"
Bigla naman nagdatingan at nakishare sa amin ni Yannie yung anim. Tinabihan ako ni Sab, "Asan
si Jude?" hanapan ba ko ng nawawalang Jude.
"Ah." sabi lang niya at kumain na. Tahimik lang kaming kumakain ng nagsalita ulit si Sab, "Zoe
ano tingin mo kay Jude?"
Napatingin ako sa kanya nun. Naramdaman ko namang napatingin din sa akin ang iba. Ano ba
tinging ko kay Jude, "Si Jude? Hmm. Gwapo siya. Hindi maipagkakaila. Mabait. Lagi pa akong
inaalalayan. Matalino. Nakakatuwa. Ang gentleman pa. Saka napakamasayahin kaya hindi ka maiinip
kapag kasama mo siya." sagot ko kay Sab.
Bigla namang tumayo si Ice at umalis. Napatingin lang kami sa kanya hanggang mawala na siya sa
paningin namin, "Ano nangyari dun?" tanong ko sa kanila.
"Ahhh. Ehh. Baka.. baka may emergency." emergency? Nagkibit balikat na lang ako at kumain na
ulit.
***
"Guys, una na muna ako sa inyo ha." paalam ko sa pito at kinuha agad ang sasakyan ko para
magpuntang No Name.
"MANAGEEEEER! -- Oh, hello Ate Cass." nadito pala si Ate Cass. Nag-uusap sila ni Manager.
Napatingin silang dalawa sa akin.
"Magpapaalam ako e." bulong ko kay Ate Cass at lumapit sa may table ni Manager. "Manager, bakit
parang ang gwapo gwapo mo ngayon. Nagpagupit ka ba? Saka bagay na bagay sa yo yang damit mo
ha."
"Anong hihilingin mo Zoe?" tanong niya na di man lang tumitingin sa akin at nagsusulat lang.
"Kasi.. Ano.."
"Payagan mo na Ry." putol ni Ate Cass sa sinasabi ni Manager. Napabuntong hininga naman si
Manager at tumango na lang.
***
Ice' POV
Nasa may No Name na kami. Si Josh, Xander, Yannie at Ken ang tumutugtog ngayon. Tapos kami
naman nila Sab at Ayu, nasa may bar lang at kaharap si Manager at Ate Cass na nasa may loob ng
bar.
Kanina ko pa hinihintay si Zoe pero di pa rin siya dumarating. Ang akala ko nauna na siya dito.
Asan na ba yun?
"Manager, di ba nagpunta dito si Zoe? Sabi niya kanina pupunta sya e." ayun. Buti naitanong ni
Sab.
Uminom lang muna si Ate, "Kasi may imimeet siya. Yung inabutan kong kausap niya noon sa may
pinto. Yung gwapong bata na palaging nakangiti."
"Oo. Ayan yung binanggit niyang pangalan kanina. Jude. Magdedate ata sila e. Pero sa Starbucks
sila magkikita."
"Date? As in date date? O friendly date? Pero date pa rin parehas yan. Tsk tsk. Nako. Ayan na
Ice. Sabi ko kasi sayo e. Wala na. Naunahan ka na." pailing iling na sabi ni Sab.
"Oo nga Ice. Iburo mo na lang yang nararamdaman mo kay Zoe." gatong ni Manager.
"Hay Ice. Ikaw kasi e. Alam mo kasi kapag nandyan na sa harap mo, dapat di mo na hinahayaan
mawala pa. Hindi ka na natuto sa nangyari aakin nun hinabol ko si Ken. Kaloka ka. Hinayaan mo
lang siya maagaw. Wala na rin -- "
Hindi ko na pinakinggan si Ayu dahil tumayo na agad ako. Narinig ko pang tinatawag nila ako
pero di ko sila pinapansin.
Hindi pwede 'to. Hindi pwedeng makuha ni Jude si Zoe habang ako walang ginagawa at pinapanuod
lang siyang maagaw ng iba. Kailangan kong makuha si Zoe. Kukunin ko siya.
***
Next update? I don't know. Pero soon. And uulit-ulitin ko po 'to.. nilalagay ko sa Message
Board ko kung kailan UD ko at sinesend ko sa inyo para aware kayo. Check your news feed na
lang. Aorry rin kung may di man po ako narereply-an. Sorry talaga. Yun, ingat tayo. :D
*******************************************
[45] Chapter 43 - Untitled
*******************************************
Ice' POV
Pinaharurot ko na yung sasakyan ko papuntang Starbucks. Maabutan ko pa kaya sila dun? Tsk. Kasi
naman Ice bakit ba ang kupad kupad mo? May nalalaman ka pang ipon ipon ng lakas ng loob.
Kakaipon mo ayan, naunahan ka na.
Pero baka naman hindi ako ganun kabagal? Sadyang mabilis lang yung asungot. Pero hindi e.
Aminado na ko. Mabagal talaga ko.
Takte, saan nga ulit ako pupunta? Ah sa Starbucks. Letse naman oh. Aba't kung siswertihin ka
nga naman. Mauubusan na pala ako ng gas. Tsk.
Nang may nadaanan akong gasoline station nagbusina agad ako para may lumapit na na gasoline
boy.
"Gold."
"Nagmamadali na ho ako. Babalik na lang ako para magpagas pa ulit. Dali na kuya."
Tumakbo naman agad ang gasoline boy at kinargahan yung kotse ko. Kailangan kong magmadali. Baka
kung saan dalin ni Asungot si Zoe.
"Eto po." inabot ko sa kanya yung unang perang nakuha ko sa wallet ko.
Nang makarating ako sa Starbucks nilock ko lang agad kotse ko at dumiretsyo na sa loob. Takte.
Asan na ba si Zoe? Nilibot libot ko paningin ko at ayun. Nakita ko na sila ni Jude. Tsk.
Nakikiwifi lang ata yung asungot dito e. Sinasama pa si Zoe. Tsk.
Lumapit ako sa kanila. Napalingon sila sa akin, "Ice? Oh. Bakit andito ka? Di ba may tugtog -" di ko na siya pinatapos sa pagsasalita kasi hinila ko na siya patayo at palabas sa Starbucks.
"Ice ano ba? Saan ba tayo pupunta? Uy! Ano ba trip mo?" nang nasa labas na kami binitawan ko na
siya at binuksan ko yung pinto sa passenger seat. "Pasok." utos ko.
"PASOK!"
Napagtaasan ko siya ng boses kaya nasunod siya ng di oras. Tsk. Bakit ko ba siya sinigawan?
Nang makapasok na siya, pumunta na rin ako sa driver's seat. Drive lang ako ng drive. Hindi ko
alam kung saan ako pupunta. Letse. 100 nga lang pala pinagas ko. >.<
"Anong trip mo?" kalmadong tanong ni Zoe pero halatang naiinis na. Hindi ko lang siya pinansin
at nagpatuloy sa pagdradrive.
"..."
"Sh*t." nilingon ko siya, "Ayos ka lang ba?" pero hindi niya ako sinagot at bumaba lang siya sa
sasakyan.
"..."
Tsk. Tumakbo na ko at hinawakan siya sa braso tapos ay hinarap sa akin. "Ano bang problema mo?"
"Ikaw?! Anong problema mo?! Nananahimik kami dun tapos bigla mo na lang akong hihilahin at
dadalhin kung saan mang lupalop. Tapos pag tatanungin kita kung ano ang trip mo at ginagawa mo
'to, hindi ka naman namamansin."
"...."
"Oh? Ano? Ayan na naman. Hindi ka naman magsasalita. Lakas din ng trip mo e. Pero hindi na 'to
nakakatuwa. Kainis. Iniwan ko pa si Jude -- "
"JUDE NA NAMAN!"
"IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO! Ikaw at ang sarili ko! Bakit ba kasi kasama mo yang Jude na yan?
Kayo na ba? Nililigawan ka ba niya? Boyfriend mo na ba yun?"
"Ha? Anong boyfriend at ligaw ligaw sinasabi mo? Umayos ka nga Ice! Ang gulo gulo mo. Hindi na
kita maintindihan!"
kanya at humigang
na yan. Siya na lang
ko nang tinorture yang
na makalapit sa'yo."
"Ano? Selos? Ikaw, nagseselos? Ano ba? Hindi ko nga maintindihan!! Bakit ka naman magseselos?!"
"KASI NGA GUSTO KITA!! Hindi. Mali. Mahal kita. Mahal kita simula pa lang. Hindi ka pa nagaaral sa Kingdom High mahal na kita. Hindi mo pa ko kilala mahal na kita. Kahit nung panahong
nag-aaway tayo, mahal na kita. At hanggang ngayon mahal pa rin kita! Alam na ng lahat ikaw na
lang hindi. Hindi ko alam kung saksakan lang ba ako ng torpe o may pagkamanhid ka rin! Hindi ko
alam kung bakit. Hindi ko alam kung paano. Pero the moment I laid my eyes on you nakaramdam na
ko ng mga bagay na hindi ko naman nararamdaman noon. Sabihin mo nang ang cheesy pero makita pa
lang kitang papalapit nagwawala na'y puso ko. Umaga, tanghali, hapon, gabi, may ginaawa man ako
o wala, lagi na lang ikaw pumapasok sa isip ko. Mababaliw na ko kakaisip sayo. Kasi nga mahal
kita."
"....."
"....."
"Huh? Ah. Ano.. Wait lang ha. Nagpraprocess pa sa utak ko e." pumikit siya at hinawakan yung
noo niya.
Maya maya ay dumilat na siya at tumingin sa akin, "Mahal mo talaga ako?" tumango naman ako.
"Kailan pa?"
"Huh?"
"Ang sabi ko liligawan kita. Hindi ako nagpapaalam sa'yo. Sinasabi ko lang 'to para alam mo.
Basta gagawin ko 'to. Pumayag ka man o hindi, liligawin pa rin kita. Kaya wala ka nang magagawa
kahit hindi ka man pumayag." seryosong sabi ko na nakatingin ng diretsyo sa mata niya.
Bigla naman siyang umiling at medyo nangingiti pa, "Sa lahat ng nagpaalam sa akin na manligaw,
ikaw lang kakaiba."
"Hindi nga sabi ako nagpapaalam. Pinapaalam ko lang sayo. Kaya kahit ayaw mo magpaligaw, wala
kang magagawa kasi liligawan at liligawan kita."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ibig sabihin papayag talaga siyang ligawan ko siya? Edi
ibig sabihin ba nun may pag-asa ko kasi yun nga, pumayag siya. Pero may pag-asa man o wala
manliligaw pa rin ako.
Pumitik pitik siya kaya nagbalik na ko sa katinuan. Napatulala pala ako saglit. Kaya nung nasa
realidad na ulit ako, ngumiti na lang ako ng sobra at di ko napiligan, napayakap ako sa kanya.
Nginitian ko lang siya at lumapit sa kanya. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya,
"Zoe."
"Hmm?"
"Hindi man ako kasing hot ni Channing Tatum. Kasing cute ni Logan Lerman. Kasing yaman ni Billl
Gates at kasing talino ni Einstein -- "
"Oo nga. Teka lang. Di pa ko tapos sa sinasabi ko." umubo muna ako. "As I was saying, hindi man
ako yang ideal guy mo, sinisigurado ko naman sayo na ako lang ang lalaking magmamahal sayo ng
ganito."
Tinitigan lang niya ako tapos ay ngumiti, "Baduy mo. Pero sweet. Kinikilig tuloy ako. Haha."
"To -- " di niya tinuloy yung sinasabi niya at tinikom lang bibig niya. Umiwas siya ng tingin
sa 'kin, "A-ano. T-tara na kaya. Late na kasi." nauna na siyang maglakad at nilagpasan ako.
Napangiti na lang ako bigla. Nagblush kasi sya. :))
"Oh?"
"Si ano? Si Jude? Nanliligaw ba sayo?" tinitigan niya lang ako at di sumagot.
Bigla siyang tumawa ng malakas, "Nagseselos ka pala talaga 'no? Hahaha. Pero wag kang magalala. Hindi nanliligaw sa kin yun. May pinapagawa sa amin kasi si Ms. Rodriguez para sa
newspaper ng school na ididistribite sa buong place natin. Di ba nga nagsusulat siya kaya
magkaclub sila ni Ayu? Siya yung journalist ako ang photographer at nag-aayos ng sa lahat ng
pictures sa newspaper kaya madalas kami magkasama. Maraming cheche burecheng ginagawa kaya
madalas kami nagsasama. Pero alam mo ba crush ko yun. Haha."
"Crush lang naman. Hanga. Gusto? Hmm. Oo. As a friend. Saka may gusto yung iba 'no.. Kaya ikaw,
itigil mo yang pagseselos mo kay Jude. Para ka lang timang." sabay kurot niya sa ilong ko at
pumasok na sa kotse.
Napangiti na lang ako. Wala palang dahilan pagseselos ko. Nakangiti pa rin akong sumakay sa may
driver's seat.
***
Balak ko na sana siyang ihatid sa kanila tutal gabi na. Kaya lang bumuhos ang napakalakas na
ulan. At malapit na ako mawalan ng gas.
"Ha? Bakit?"
Sasabihin ko pa lang sana na 'okay' kaya lang bilang huminto na ang makina ng sasakyan ko. >.<
"Tsk. Ubos na."
Nasan na ba kami? Aba. Teka lang. Alam ko lugar na 'to ha. Sobrang occupied na ata ng utak ko
di ko napansin kung nasaan kami.
"Saan?"
"Sa inyo."
Ngumiti lang siya at lumabas na ng kotse. Anong ayos niya? Ang lakas ng lakas ng ulan. Tsk.
Lumabas na rin ako at lumapit sa kanya, "Ano bang ayos mo Zoe? Ang lakas lakas ng ulan e. Tara
na. Bumalik na lang tayo sa loob. Basang basa na tayo e."
"Ano ka ba? Basa na tayo kaya enjoy-in na lang natin 'to. Tara na. Lakarin na lang natin yung
inyo."
"Yun lang pala." sabi niya at naglakad papunta sa may guard house. Sumunod naman ako. "Hi,
manong guard."
Napalingon naman sa amin yung nakaduty na guard. "Hala! Anong nangyari sa inyo ma'am? Sir Ice?
Ikaw po pala yan. Bakit po basang basa kayo?" nagkibit balikat lang ako.
"Trip trip lang manong. Haha. Nga po pala. Nawalan ng gas yung kotse ni Ice. Baka po pwedeng
pabantay na lang din. Ayan lang naman sa gilid niyo e."
Napangiti na lang ako at sumunod sa kanya. "Wala namang mga asong nanghahabol dito di ba?"
tanong niya sa kin. Mukhang takot. Haha.
Lumingon siya sa akin na nanlalaki ang mata, "Totoo?" tumango naman ako.
"Halaaa." dali dali siyang lumapit sa akin at nagcling sa braso ko. Natawa na lang ako sa
reaksyon nya. "Wala namang nakakatawa e." sabi niya at napapout pa. Nakakapit pa rin siya sa
akin.
"Sa tingin mo ba sa lakas ng ulan na 'to may mga aso pang maglilibot libot sa kalsada? Syempre
wala na. Saka binibiro lang kita. Hindi nanghahabol mga aso dito. Haha."
"Aish. Kainis 'to." sabay palo niya sa braso. Tatanggalin na sana niya yung kamay niyang
nakakapit sa braso ko pero pinigilan ko siya at hinawakan ang kamay na yun.
Napatingin siya sa kamay namin tapos ay sa akin. Ngumiti lang ako at pinisil ang kamay niya at
sabay na rin kaming naglakad papunta sa bahay namin.
***
Pagpasok ko ng bahay inabutan namin si Ashley na nasa may sala at nanunuod ng TV.
"Oo."
"Nasabi sakin ni Ate Cass na nagdate daw si Ate Zoe pati Kuya Jude."
"Hoo. Wag mo nang palakasin loob mo Kuya. Kahit saang banda mo tingnan, huli ka na. Itago mo na
lang yang nararamdaman mo. Atin atin na lang 'to. Mabagal ka e."
Nilingon ko si Zoe na pinipigilan yug tawa niya. Parang baliw lang tong si Ashley. Nakatalikod
kasi kung makipag-usap. Di tuloy nakikita na kasama ko na si Zoe.
Nailing na lang ako kay Ashley, "Ash. Basang basa na ako. Nagpaulan kasi ako e. Akyat muna ko
ha."
"Sige. Go lang."
"Ah nga pala. Basang basa na rin kasama ko e. Pahiramin mo naman ng damit si Zoe."
"Sige. Papahiramin ko ng damit -- ATE ZOE?!!!" biglang harap sa amin ni Ashley na nanlalaki pa
ang mata.
Hindi na namin napigilan ni Zoe kaya natawa na talaga kami sa reaksyon ni Ash. Lumapit agad
samin si Ashley at kinurot sa pisngi si Zoe. "Totoo ka nga. Hala. Bakit kayo magkasama ni Kuya?
Saka may narinig ka ba sa mga sinabi ko kanina? Ay ate wag mo na lang -- "
Hindi ko na lang pinansin si Ashley at umakyat na sa kwarto ko para magpalit. Alam ko namang
aasikasuhin ni Ashley si Zoe e. Pagkapalit ko nagpunta lang ako sa may sala at hihintayin lang
matapos yung dalawa. Maya maya lang ay bumaba na rin sila.
"Iwan ko muna kayo dyan ha. Gagawa lang akong assign. Ciao!" sabay takbo mi Ashley pabalik sa
room niya.
Nagkwentuhan lang kami ni Zoe. Hinihintay namin tumila ulan para maihatid ko na siya pero wala
pa rin e. Ayaw tumila.
Nahinto kami sa pag-uusap ng narinig naming bumukas pinto. Mukhang si Ate Cass.
"ICE? ZOE?!!" gulat niyang sabi. Agad siyang lumapit sa amin at nagtanong ng kung ano ano.
Pinakwento rin niya yung nangyari. Panay tukso pa nga nya sakin e. Tsk. Sinabi na rin nya sa
kin na trip lang niya sabihing nagdate ai Zoe at Jude para pagselosin ako ng sobra at magawa
kong umamin. Effective ang plano niya.
"Zoe, dito ka na lang matulog. Ang lakas pa ng ulan e. Hindi ka pwedeng umayaw dahil di talga
kita papauwiin. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, dito ka matutulog." wala na ring nagawa si Zoe at
tumango na lang sya kay Ate Cass.
Nag-goodnight lang sya sa amin at umakyat na. Hinatid ko naman si Zoe sa may guest room.
"Dito ka na lang matulog. Kung may kailangan ka katok ka na lang sa kwarto ko ha?"
"Sige. Thank you. Goodnight." isasara na sana nya yung pinto ng pinigilan ko siya.
"Bakit?"
"A-ano. Uhm. I love you." sabi ko at ako na mismo ang nagsara nung pintuan niya.
***
A/N: KAHIT PARA NA AKONG SIRANG PLAKA UULIT-ULITIN KO PA RIN NA NILALAGAY KO SA MB KUNG KAILAN
ANG UPDATE. KUNG WALANG NAKALAGAY, IBIG SABIHIN HINDI KO PA ALAM. KAYA NEXT TIME PO NA
MAGTANONG KAYO KUNG KAILAN YUNG UPDATE, HINDI KO NA MUNA PO SASAGUTIN HA? :))
Kung sasabihin niyo rin na bitin to at gusto niyo ng next update, pwede pong pabalikan at
basahin na lang yung announcement na pinost ko after ng Chapter 39.
Si Hye Ju at Ji Ho [Xander & Yannie] na lang ang natirang couple sa mga nagtatanong. Ayun lang
at salamat. Bow! :))
*******************************************
[46] Chapter 44 - No way
*******************************************
Zoe's POV
Nagising ako sa kwartong hindi naman akin. Nasaan ba ako? Ano bang nangyari?
Biglang nagvibrate yung cellphone ko kaya chineck ko naman kung sino ang nagtext.
O__________O
143 messages and 79 missed calls? Karamihan galing kila Yannie, Ayu at Sab. Tinatanong kung
nasaan na ko at pinapauwi ako. Hala. Nakalimutan kong magtext sa kanila kagabi. Patay na ko sa
kanila kapag nagkita kita kami. T.T
*Calling Yannie..
Hala! Ayan na. Tumatawag na naman. Kaya ko 'to. Breathe in. Breathe out. Hoo. Priness ko na
yung answer button.
"He -- "
[ZOE DAVIS!! THANK GOD SINAGOT MO RIN. GRABE KA! PINAG-ALALA MO KAMI! ALAM MO BANG SALITAN LANG
ANG TULOG NAMIN PARA HINTAYIN YANG TAWAG MO AT KUNG UUWI KA BA!! NASAAN KA BA NGAYON?! SINO
KASAMA MO? MAY NANGYARI BANG HINDI MAGANDA SAYO?! HUY ZOE SUMAGOT KA KAYA. MAY KAUSAP PA BA KO
DITO?!] paano ako sasagot e dirediretsyo syang nagsalita? Haay nako.
Nilapit ko na ulit sa tenga ko yung phone ko na nilayo ko kanina nung sumigaw si Yannie, "Okay
lang ako Yannie. Wala namang nangyaring masama sa akin e. Sorry di ko kayo nainform kahapon.
Pero don't worry I'm fine. Uuwi na rin ako maya maya."
[Buti naman okay ka lang. Grabe ka. Kung saan saan ka kasi nagpupunta naabsent ka tuloy. Teka.
Nasaan ka ba kasi ngayon?]
"Absent?"
[Oo. Absent. So feeling mo excused ka? Hindi ha. Absent ka kaya. Sige na Zoe. Andito na si sir.
Nasigurado ko na naman na safe ka kaya panatag na rin kami dito. Babye.]
Paano ako naging absent e ang aga aga pa naman kaya. Napalingon ako sa orasan na nasa gilid ng
kama ko. Oh sh*t. Seriously?! 10:30 na?!
Grabe naman. Late na pala. Nakakahiya. Wala pa naman ako sa bahay namin tapos late ako
nagising. Bwisit kasi yang Ice na yan e. Di ako nakatulog sa kakaisip sa mga nangyari.
Lumabas na ko ng room at naglakad ng dahan dahan. Mukhang wala na namang mga tao. Pero letseng
Ice yun. Iniwan ako. Pumasok mag-isa. Hindi man lang ako ginising. Lagot sa kin yun mamaya.
Napahinto ako sa paglalakad kasi nung natapat ako sa isang pinto, bigla yung bumukas.
O______________O
Tumalikod din ako agad ng makita ko sya. Sheeeet. Baka maka-rape ako ng di oras dito. Bakit ba
topless tong si Ice at nakatuwalya lang?
"I tried. Pero wala. Hindi mo ata naririnig kaya hinayaan na lang kita."
"A-ah. O-okay."
Bago pa nya matapos sinasabi niya, humarap na ako sa kanya, "Hindi. Hindi ako naiilang kasi
nakaganyan ka lang."
Tiningnan lang nya ko maya maya ay ngumisi, "Sige. Sabi mo e." unti unti siyang lumapit sa kin.
Napapalunok na lang ako dito. Hindi naman ako makagalaw at parang nadikit na sa sahig ang mga
paa ko. Palapit sya ng palapit. Napapikit na lang ako. Ewan ko ba kung bakit. Naramdaman ko na
lang na may nagpat ng ulo ko. Minulat ko ang mata ko at tiningnan ko lang sya.
"Kain muna tayo tapos ihatid na kita sa inyo. Magbibihis lang ako. Mauna ka na sa baba." sabi
niya at iniwan akong mag-isang nakatayo.
***
Tahimik lang kaming kumakain ng nasamid ako bigla. Binigyan niya ako agad ng tubig at hinimas
himas sa likod.
"Thank you." at ayun nga. Bumalik na sya sa upuan niya. Sa tapat ko.
"Nine."
"Ha?"
"Number nine."
"Sabi nila kapag nasamid ka, may umiisip o nakaalala sayo. Kaya bibigyan sya ng number tapos
bibilangin niya yun at kung ano ang katapat na letter ng number na yun, ayun daw ang first
letter ng pangalan ng taong nakaisip sayo." sabi niya habang naghihiwa ng pagkain niya at di
nakatingin sa kin.
"Pwedeng Ice yan. Pwede rin naman Ivan Charles Ethan. O kaya I lang talaga. I na ako. Lagi kasi
kitang iniisip e." sabi niya at ngumiti pa.
Napailing na lang ako, "I nga. I for Ikaw. Haha. Ewan ko sayo. Kain na lang tayo."
Pagkatapos namin mag-ayos, hinatid na niya ako pauwi. Naiuwi na pala nya sasakyan niya at
nagasolinahan na rin.
Pinapasok ko naman siya sa bahay kasi napagdesisyunan namin mag half day na lang.
Nag-ayos at naligo lang ako. Nang matapos hinila ko lang sya palabas ng bahay. Kasi naman half
day na nga lang kami tapos malelate pa. Kamusta naman yun di ba? Edi sana umabsent na lang
kami.
"Hindi na tayo aabot sa first subject ngayon hapon." sabi niya sa akin habang nagdadrive.
Nang makarating kami sa school, wala nang masyadong tao sa corridor. Malamang nagsisimula na
mga klase nila. Pero may isang lalaki ang lumapit sa akin.
"Jude." bati ko sa kanya. "Sorry nga pala kagabi ha. Kung naiwan man kita." dagdag ko pa.
"Okay lang. Buti na nga lang iniwan mo ko e. Nagkita kami nung kinekwento ko sayo. Niyaya ko
siya magdate. At pumayag naman sya." excited na excited na kwento nya. Halos mapatalon na nga
sya sa sobrang saya e. Pero di nya ginawa yun at sa halip ay niyakap ako. "Waaa. Thank you Zoe.
Thank you talaga."
Napabitaw naman siya sa pagkakayakap ng pumagitna sa amin si Ice at inakbayan ako. "Mawalang
galang lang asung -- ay este pre. Makayakap ka e." pft. Tatawa ba ko o kikiligin.
Napailing na lang si Jude na ngingiti ngiti pa. Ako naman nagpipigil na ng tawa.. at kilig.
Hihi.
"Pero pwede ba mahiram muna saglit si Zoe? Last day na namin ngayon para sa newspaper na
ginagawa namin. Mga 1 hr lang naman."
Tinanggal ko naman ang pagkakaakbay ni Ice sa akin at humarap sa kanya, "Sige na. Punta ka ng
room. Kita na lang tayo dun mamaya."
Ice' POV
Pagpasok ko ng room saktong nagpasukan na rin yung mga kaklase kong nagPE.
"Uy Ice!" bati sa akin ni Josh at tumabi. Tinanguan ko naman sya. "Bakit ka absent kaninang
umaga?"
"Basta."
"Kasi nga nagdate si Jude at Zoe kagabi di ba? Sabi ni Ate Cass. Kaya malamang uminom yan."
katwiran ni Xander.
"Speaking of Zoe. Nako Ice. Alam mo bang hindi yun umuwi kagabi." sabi ni Ayu.
Teka nga lang. Bakit ba pinapalibutan ako mga 'to? At saka kanina wala naman sila dito ha. Ano
bang trip ng anim na 'to? >.<
Magsasalita pa lang sana ako ng pumasok na si Zoe kaya napatingin sa kanya yung anim.
Tuloy tuloy lang sya sa paglakad at sumalampak sa upuan niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Bilis mo naman?"
"Ewan ko lang."
Lumuhod ako sa tapat niya at hinawakan siya sa noo. Mainit. Tsk. "May lagnat ka. Kasi naman
sabi nang wag magpaulan e. Ayan tuloy."
"Mangangatwiran pa. Tara na. Bawal na ang objections." sabi ko sabay hawak sa kamay niya at
hinila patayo.
Lalakad pa lang sana ako para kunin ang bag ko nang tapatan ako ni Josh, Ken at Xander. "Parang
may iba." sabi ni Josh.
"Oo. Umamin na ko sa kanya kagabi, okay? Nililigawan ko na siya. Kaya pwede bang iuwi ko na sya
sa kanila at baka tumaas pa lagnat niya." sabi ko at kinuha na ang bag ko at lumabas na ng room
kasama si Zoe.
Josh' POV
Nakaamin na pala si Ice. Biruin mo yun. Akala ko hindi na aamin yun e. Kailangan lang pala
"Oh Em Gee!! Grabe lang talaga. Kinikilig ako to the nth level. Sagaran to the backbones.
Hihihi."
"Agree Sab! Ako rin. After ng 1234 years nakaamin na sya. Pwede na. Lalovelife na ulit si Zoe
bebe." pagsang-ayon ni Ayu kay Sab na pormang mga kinikilig nga.
"Paano ba yan. Si Ice may Zoe. Si Xander pansamantalang sila ni Yannie. Ako may Ayu. Kayo, ano
na?" anong gustong palabasin ng Ken na 'to?
"Sus." sabi ko kay Ken at humarap kay Sab, "Sab. Tayo na lang."
"Hindi pwede maging tayo. Hindi ako makikipagrelasyon sa yo para lang maki-in sa kanila 'no."
-________-
"Makapag-object ka naman kasi. Hindi yun ang ibig sabihin ko. What I mean is that tayong dalawa
na lang ang walang you-know. Hindi kita niyaya na makipagrelsayon sa kin para maki-in. Babaw
naman nun."
Tumawa naman bigla si Ayu at Ken kaya napatingin kami sa kanila na may halong pagtataka.
"Sorry. Pft. Haha. Natatawa lang.. Hahaha. Kami sa inyo." tingnan mo 'tong si Ayu. Makatawa
parang wala ng bukas.
"Oo nga. Haha. Bagay na bagay talaga kayo. Haha." gagatungan pa nitong Ken na 'to. Tsk.
Umayos na yung dalawa at tiningnan lang kami ni Sab. Baliw ata tong dalawang 'to e. Nung una
tawa ng tawa. Ngayong seryoso na. Ang gulo.
Nanlaki mata ko. Napatingin ako kay Sab at napatingin lang din siya sa akin. Lumingon kami ulit
kila Ken at Ayu sabay sigaw ng, "NO WAY!"
**
Nilipat ko na po siya sa Humor category instead of Short Story. Hindi na kasi sya short e.
Sorry na rin po sa update na 'to. Sabaw na sabaw na ko e. Sa mga nagpapadedic naman, may mga
napangakuan na po ako e. Sorry. Pero kapag naubos ko na yung mga pinangakuan ko, ibabase ko na
lang sa comment yung dedic. Sorry po if may A/N na naman.
*******************************************
[47] Chapter 45 - Phone call
*******************************************
Zoe's POV
Iniuwi nga ako ni Ice sa amin at binantayan. Nakatulog na ko't lahat pero andito pa rin siya at
binabantayan ako.
Nasa may sala kami at nanunuod lang. Sinat na lang ang meron ako kaya keri ko na to. Ganun
naman ako kapag nagkakalagnat e. Nawawala rin agad.
"Maya na. Wala pa rin naman sila e. Wala kang kasama." sagot niya habang nakatingin pa rin sa
TV.
"Thank you."
"Kasi nag-aalala ka sakin." tinitigan lang nya ko maya maya ay ngumiti. Ayan na naman. Ayan na
naman ang ngiting yan. Wag naman sya masyadong ngumiti. Nasisilaw ako e.
"Wala. Kasi ikaw. Natutuwa lang ako sayo." bola naman nito. Pero effective. "E ikaw bakit
ngumingiti ka dyan?"
Napangiti na rin pala ako ng di ko alam. Posible pala yun. :)) "Ewan ko. Kapag napangiti ka na,
napapangiti na rin ako."
"Tapos na ba kayong magngitian?" napalingon kami ni Ice sa nagsalita. Sila Yannie pala.
Agad lumapit at umupo sa tabi ko si Sab, "Kwento. Anong nangyari kagabi? Paano kayo nag-aminan?
Ano yung exact lines na sinabi nyo sa isa't isa. Dali na. Game."
Sabi na e. Bilang dakilang chismosa, di 'to papalagpasin ni Sab. Kinwento ko naman sa kanila
kung ano nangyari pero syempre hindi eksakto. Todo kilig naman yung 3 babae at kinantyawan
naman nung mga lalaki si Ice.
"Nakaamin ka rin sa wakas. Kala ko di ka na aamin dyan e. Kailangan lang pala na may dumating
na Jude sa eksena para umamin ka." biro ni Josh kay Ice. Pinagtawanan naman sya nung iba.
"Movie marathon tayo. Para coool." sagot niya sa akin at lumapit na dun sa may TV at
nangalikot. Naglalagay ata sya ng action movie nang lumapit si Sab sa kanya. "Yaaa! Ayoko nyan.
Barilan yan e. Maingay."
"Edi tatanggalin ko. Hindi naman problema yun 'no." papakialaman na sana ni Sab yung player
"HEEP! Pagbotohan na lang natin yan." lumingon silang dalawa sa amin, "Guys sino may gusto
nito?" tinaas ni Sab yung dvd ng isang romantic drama film. Nagtaas naman agad kami ng kamay
nila Yannie at Ayu. Tiningnan ko si Ice, maya maya ay nagtaas na sya ng kamay. Ganun din sila
Xander at Ken.
Josh' POV
Akala ko mga under lang mga kaibigan ko kaya pinili yung movie na gusto ng mga girls, yun pala
mga gusto lang tsumansing. Paraparaan.
Si Ken at Ayu magkaholdinghands tapos nakasandal yung ulo ni Ayu sa balikat ni Ken. Si Ken
naman nakasandal din yung ulo sa ulo ni Ayu. Si Xander naman nakaakbay kay Yannie habang
nakasandal ulo niya sa dibdib ni Xander. Eto namang si Ice nakaakbay lang kay Zoe tapos
pinupunasan paminsan minsan yung luha ni Zoe.
Napalingon ako kay Sab na punas ng punas ng luha niya gamit yung kamay nya. Di ko talaga gets
yung mga babae. Manunuod ng mga gantong palabas tapos iiyak iyak.
Kinapakapa ko yung bulsa ko, "Uy wag ka namang magulo. Nagcoconcentrate kami sa panunuod oh."
sabi sakin ni Sab pero di ko sya pinansin at nagpatuloy sa pagkapa sa bulsa ko.
Nang makuha ko na yung hinahanap ko, hinarap ko si Sab, "Oh." Tiningnan lang muna ni Sab yung
inaabot kong panyo at kinuha rin. "Thanks." sabi nya sabay punas ng mga luha nya.
Natapos ang palabas na mugto ang mata nung mga babae. Todo comfort naman yung mga kasama ko.
Biglang nagring yung cellphone ni Ayu. Napatahimik kami at tumingin sa kanya. Tiningnan lang
nya yung phone niya at sumama ang mukha nya.
"Your dad?" tanong ni Ken. Tumango naman si Ayu, nagbuntong hininga at sinagot na yung phone
nya.
"Yes dad?" sabi ni Ayu sa kabilang linya. Hindi naman na lingid sa kaalaman namin yung
sitwasyon ni Ayu. About sa soon to be stepmom nya. Pati na rin sa mga lalaking pinipilit
ipadate sa kanya.
Nag-aalala nga si Ken e. Baka kasi mamaya may sumulpot na kung sino man at ipadate ulit kay
Ayu. Ang mas masama pa, baka pilitin si Ayu na ipakasal sa taong yun. Pero that's how the world
of business goes. Buti na nga lang at hindi lahat ng parents namin ay ganun kahit na may kanya
kanya kaming business.
"What is it this time?" sabi ulit nya sa kabilang linya. At niloud speaker ng phone niya.
[Of course you can honey. Parehas lang naman kayo ng school na pinapasukan.]
[Yes.]
[Josh.]
"AS IN ALONZO?!"
Alonzo? Josh Alonzo? Sa pagkakatanda ko ako yun ha. Pero teka lang naman. Ano ba ginawa ko at
pinag-uusapan ako ng mag-amang 'to. At saka bakit ako kilala ng tatay niya?
[Really? Well that's good. Mukhang di na kami mahihirapan na pagkasunduin kayong dalawa. Spend
some time together ha. Sige na, bye.]
Sinamaan ako ng tingin ni Ayu. E teka lang naman. Ano ba ginawa ko? Bakit ang sama ng tingin
nya sakin? Pinagchichismisan na ko nilang mag-ama tapos ako pa ang titingnan nya ng masama?
"Follow me." utos nya sakin at naglakad na palabas ng bahay. Sa may likod papuntang garden to
be specific.
Tiningnan ko lang ang mga kasamahan ko at nagkibit balikat tapos ay sumunod kay Ayu. Inabutan
ko siya sa labas na nakatayo lang.
"You! Paano mo nakilala yung magaling kong tatay? Kainis ha. Ipapakilala niya ko sayo? And then
what? Ipapadate na naman? Tapos pipilitin makipagrelasyon? Lagi na lang pinapakialaman buhay
ko. Okay lang sana kung yung tipong ginaguide lang ako e. Yung sinasabi yung mga ginagawa kong
mali. Pero hindi e. Pinapakialaman na nya pati yung future ko. Kung si Ken pa yung ipapakilala
nya dapat, okay lang e. Higit pa nga sa okay yun. Pero bakit ikaw? Bakit ikaw pa yung gusto
niyang makilala ko?"
"Aba Ayu. Teka lang ha. Hindi ko alam kung sa last sentence mo e minamaliit mo ko o ano. Hindi
naman sa gusto kong makatuluyan ka, no offense, pero para namang luging lugi ka sa kin?"
"Tungkol naman dyan sa tatay mo.. aba anong malay ko kung sino yan. Alam kong sya si Mr. Kahn
kasi Kahn ang apelido mo. Pero bukod sa pangalan, I meam apelido, di ko na sya kilala."
"Si Mr. and Mrs. Alonzo?" bigla naman nya akong binatukan kaya napakamot ako sa ulo ko.
"Meron."
"Tsk. Kaya naman pala e. Maybe isa sa business partners ni dad yang daddy mo."
"Hahahahahaha. Nagpapatawa ka ata Ayu? I doubt it. Si Mommy posible pa. Mamaya na nga natin
problemahin yan. Tara na lang sa loob." sabi ko sa kanya at iniwan na sya sa labas.
Pero posible nga kaya ang sinabi nya? Na ipadate ako ni mommy sa iba?
Agad akong nahiga sa sofa nang makapasok ako sa loob at pumikit. "Hoy. Ano ba yan? Tumayo ka
nga." dinilat ko ang mata ko at tiningnan si Sab. "Mamaya na. Pahiga lang muna please." nung
paghiga ko kasi sa sofa saktong andun sya kaya humiga na lang ako sa lap nya. Wala naman nang
tao dun siya na lang. Baka nagpuntang dining yung iba.
"Marunong ka ng magplease?" tanong niya pero ngumiti lang ako kahit nakapikit pa rin.
Sab's POV
Nagulat na lang ako ng biglang humiga sa lap ko si Josh. Pero ang mas ikinagulat ko ay yung
nagplease pa sya sakin. Tutal first time naman nya yun, hinayaan ko na lang.
Nagdaan naman si Ayu sa amin. Tinatanong nya ko kung nasaan na ang iba. Sabi ko nasa may dining
sila. Tumango naman sya. Pero bago pa man din siya makaalis lumingon ulit sya sa akin and
mouthed the words na "Bagay kayo."
Napailing na lang ako. Hanggang kailan ba nila ipipilit si Josh sa akin? Porket ba nagliligawan
na silang lahat dapat gumaya na rin kami? Psh.
Tiningnan ko naman si Josh na nakapikit pa rin at nakahiga sa lap ko. Hmm. Mahaba pala pilik
mata niya. Ang perfect din ng kilay. Parang inahit. Parang babae. Yung nose nya matangos. Yung
lips nya mapula. Ang kinis pa ng mukha. Walang bahid ng pimples kahit blackheads man lang.
Overall.. gwapo.
"Gwapo." sabi ko sakanya. Bigla naman syang napangisi. Sus. Ngingisi pa e sinabi ko lang naman
na -- teka.
Putakte naman! Sinabi ko ba talagang gwapo sya?! Sofa, eat me now please. Nakakahiya. Ano ba
yun? Bakit ko ba sinabi yun? Bwisit ka Sab. Dapat sayo nilalagyan ng tape sa bibig e.
"Psh. Yabang!" ngumiti lang ulit sya at di na nagsalita. Aba seryoso? Di ako aawayin nito
ngayon?
Ilang minuto pa syang nakatahimik nang maisipan ko ulit magsalita, "Bakulaw?" tawag ko sa
kanya.
Dumilat sya at tiningnan na naman ako. Maya maya ay ngumiti, "Naks. Bakit? Tutulungan mo ba ako
kung may problema man? Nag-aalala ka na nyan?"
"Haha. Sabi na e." sagot nya at pumikit ulit. "Anong tingin mo sa daddy ni Ayu?" huh? Bakit
bigla nyang natanong si tito?
"Si Tito? Hmm. Mabait naman sya samin. Pero kasi seryosong tao yun pagdating sa business. Alam
mo naman di ba yung sitwasyon ni Ayu? Sa sobrang pagmamahal niya sa negosyo niya, minsan pati
si Ayu iniipit na niya."
"Yep. Bakit mo tinatanong? Ikaw na ba? Ikaw na ba ang kasunod na ipapadate kay Ayu? Nako. Di
pwede. May Ken na yan e. Hahahaha." biro ko sa kanya. Tatawa tawa pa ko.
Dumilat naman sya at tiningnan ako sa mata, "Yes. Mukhang ako na nga ang kasunod."
Napatigil na lang ako sa sinabi niya. Sila? Pinapagdate sila ni tito? Unbelievable.
Tumayo na sya mula sa pagkakahiga. "Kain tayo." sabi nya sabay gulo ng buhok ko at nagpunta na
nga sa may dining.
Pero seryoso? Hindi talaga ako makapaniwala. Ipapagdate sila? Parang.. parang mali naman yun.
Paano naman -- si Ken. Oo tama. Paano na si Ken?
***
Nakahiga ako sa may kama ko ng magring ang phone ko. Si mommy. Tinitigan ko lang ang phone ko.
It's been 3-5 days, I guess, since nalaman ko yung tungkol sa amin ni Ayu. Actually, wala naman
pala ako masyadong alam. Naguguluhan pa ko. Pagktapos nun wala na kaming narinig na news ni Ayu
tungkol dun. Wala rin naman nagbago sa pakikitungo namin sa isa't isa.
Kinuha ko na ang phone ko at sinagot yun. I think it's about time para malaman ko kung ano ang
gustong mangyari ni mommy.
[Hello? Josh?]
"Hey ma."
"Po?"
[Good. I want you to spend some time with her. Kilalanin nyong mabuti ang isa't isa. Kung
kinakailangang magsama kayo 24/7 -- ]
"MA!"
[O sige. Hindi na 24/7. Basta kilalanin nyo mabuti ang isa't isa. Be nice to each other. Be
super close to her if possible. Are we clear Josh?]
[It's for the better. Sige na. May mga gagawin pa ko. And I'll be home in 2 weeks dear. Be good
there okay? Love you. Bye!]
Ano bang problema ngayon ni mommy? Hindi naman nya ako pinapakilala sa mga anak ng business
partners nya ha. Tapos all of a sudden ipapakilala/ipapadate nya na ko sa iba. What's worse?
She's Ayu Kahn, my friend. And what's even worst? She's Ken's girl for Pete's sake.
Hindi pwede 'to. I need to do something. Soon makakaisip din ako ng magandang gawin. Pero sa
ngayon, tunganga muna ko.
Nakahiga pa rin ako sa may kama ko at nakatingin lang sa kisame nang narinig kong magbeep ang
phone ko. Kinuha ko yun at tiningnan kung sino nagtext.
[Wag ka mainggit. Magdrama ka rin kung gusto mo. IGM mo pa. -.-" ] Napikon agad?
Ako inggit? Ha! Asa naman sya. Makapag-GM na nga lang din.
And hit send. Ayan. Pili lang sinesendan ko ng GM. Di naman ako nausuhan nyan e. Ngayon lang.
[Woah? NagGM? Anong ginagawa ko kapag hindi ko alam gagawin ko? Sus. Edi kakausapin si Yannie.]
- Xander
[Kapag di mo alam kung ano dapat mong gawin, itulog mo na lang yan. :)) ] - Zoe
Nireply-an ko lang sila. Bakit hindi na nagtext yung halimaw? Aba! Teka nga..
"Bawal ba?"
[Ano?]
[........]
"Huy."
***
"Ayu. Tara lang." tawag ko sa kanya. Napalingon naman sya. Tatayo na sana sya ng magtanong si
Yannie, "Saan kayo pupunta?"
"Papaturo lang sya sa trigo." sagot ni Ayu at sinenyasan ako na sumakay na lang.
"Ah. Oo. Papaturo lang ako. Maaga pa naman kaya sa library muna kami para mas maintindihan ko."
tumango lang naman si Yannie at hinayaan na kami.
Napalingon ako sa side ni Sab. Tuesday ngayon kaya ang pagkakaalala ko, bati kami. Napatingin
din sya sakin. Ngingitian ko pa lang sana sya pero agad din syang nagbawi ng tingin. Ano bang
problema ng babaeng 'to?
"Josh. Tara na." tawag sa akin ni Ayu na nasa may pintuan na pala.
"Una ka na muna. Sunod ako." sabi ko sa kanya at lumapit na sa may pwesto ni Sab.
"Ah, ano. CR lang ako." sabi nya at agad tumayo at iniwan ako.
Itatanong ko lang naman kung ano problema nya sakin tapos bigla bigla na lang aalis. Tsk. Ang
gulo talaga ng mga babae. Baka naman meron lang? Psh.
Lumabas na rin aki at nakita ko si Ayu na hinhintay ako sa may hallway. Nagpunta kami sa may
staircase kung saan konti lang ang tao at hindi sa library tulad ng sabi namin sa kanila.
"Nakausap ko si ma." sabi ko saknya. "Sinabi niya kilalanin raw kita at maging close sa yo. Ng
sobra."
Napayuko n lang sya at nilaro and kamay niya, "So they're really serious about this huh?"
"Siguro."
"Haay. Dad!!! Why are you torturing me?" reklamo ni Ayu na napapadyak pa.
***
Sab's POV
Nauna kami nila Zoe at Ice sa No Name. Hinihintay lang namin dumating yung iba.
"SAB!!" napatingin naman ako agad sa sumigaw na si Zoe. "Nakakainis ka naman e. Kwento ako ng
kwento dito tapos dinedeadma mo ko. Wala naman palang nakikinig sa kin." reklamo nya sabay
pout.
"Nakikinig naman ako sa'yo. Saka wag ka ngang gumanyan." sabi sa kanya ng katabi niyang si Ice.
"Wag umano?"
"Magpout."
"Bakit?"
Tumawa ako ng tumawa. Nang naubos ko na nga ang tawa ko huminga lang ako ng malalim at humarap
na ulit sa kanila ng maayos. "Kasi narinig ko si Ice. May binulong siya nanatutukso syang
ikis--alskdkckfodz." tinakpan agad ni Ice yung bibig ko bago ko pa man din matapos sinasabi ko.
Lalo namang nagtaka si Zoe sa amin. Nagsalubong kilay niya, "Daya. Ano yoooon?" parang bata
niyang tanong.
Napatingjn kaming tatlo sa nagsalita. Si Josh pala. Kasama si Ayu. Ewan ko pero napatahimik na
lang ako bigla.
Naghilamos ako. Seriously, what.s wrong with me? Parang automatic na na napapaalis ako kapag
nakikita ko sila e. E bakit ba kasi? Tss.
"Malamang. Kita mong dyan ako lumabas sa CR e. Depende na lang kung iba pa tingin mo dyan."
nagtatanong pa to halata naman.
"Reyna ka na ata ng CR? Lagi ka na lang nag-eenjoy magCR." Grabe naman yun. Hindi ko alam kung
matutwa ba ako dahil kahit papaano sinabihan niya akong reyna, o maiinis kasi sa dinami rami ng
pwedeng pagreynahan yung CR pa. >.< Wala naman akong ginagawa sa CR e. Tatambay lang. Psh.
"Ano?"
Tinaas ko ang kamay ko at inekis. "Ayoko. Ayoko nga sabi. Narinig ko na yan last time e. Wala
akong balak -- "
"Tsk. Kayo na lang kako ni Josh magduet ngayon. Malat si Yannie. Kaya hindi kami pwede."
"Wala. Kayo na. Nagbotohan kami e." sabi niya at nagbelat pa. Letse naman.
***
No choice. Kakanta na nga ako with Josh. Kainis. Nasa may baba lang ako ng mini stage
nakasabukot ang noo. Hinihintay matapos magperform sila Zoe.
Bigla namang nagpalakpakan ang mga tao. Tapos na pala sila magperform. Kaya sa halip na sagutin
ko si Josh, umakyat na lang ako sa stage at hinawakan ang mic. Sumunod na rin naman sya sakin.
Narinig ko na lang ang pagplay ng music.
Nakatingin siya sakin habang kumakanta. Naiilang ako sa hindi malamang dahilan kaya tumingin na
lang ako sa audience.
Like an aeroplane
I took flight
Fell in love with you that first night
Cause you danced with me
And I could see that there was more to life
I'm falling
I'm falling
In love with you
I'm falling
I'm falling
In love with you-ooh
Just before the strike of midnight
You said "This could be the good life"
And you say "Goodbye, hope that I get to see you soon"
Then I walked for several miles
Couldn't rid me of my smile
Cause you found me and I found you
In this lovely month of June
I'm falling
I'm falling
In love with you
I'm falling
I'm falling
In love with you
Will you catch me
Because lately
You're a dream come true
Say you love me
You are lovely
Do you feel it too?
I'm falling
I'm falling
In love with you
I'm falling
I'm falling
In love with you
Hindi ko siya tiningnan buong pagkanta namin at bumaba na agad ako pagkatapos magperform.
Napatigil na lang ako ng may humablot sa braso ko. Pagtingin ko si Josh pala. "May problema ba
tayo Sab?" tanong niya.
"Ha? Ano.. Wala naman. Teka. CR lang ako." Totoo naman kasi. Wala naman kaming problema. Di ba?
"Mukha ba kong inidoro? Ewan ko kung ako lang nakakapansin pero kada makikita mo ko parang
gusto mo lagi magpuntang CR."
"Basta. Basta. CR lang ako. Sige na Bye!" sabi ko sa kanya at hinila ko na ang braso ko.
Pagpasok ko sa CR, humarap lang ako sa may salamin. "Sabrina Fortalejo. Ano bang problema mo?
Bakit ba alis ka ng alis kapag kinakausap ka ng taong yun? Ano ba nangyayari sayo? Nababaliw ka
na ata e. Hindi ka naman ganyan dati ha. Bigla bigla ka na lang nagkaganyan. Napopossess ka na
ba? Ayos ka lang ba?" yumuko ako at nagbuntong hininga, Humarap ulit ako sa salamin, "Ayos ka
lang di ba? Tara na." sabi ko sa sarili ko at lumabas na ng CR.
Bumalik ako sa may bar at inabutan kong kumakanta yung tatlong lalaki. Umupo ako sa tabi ni
Ayu, "Nasaan yung dalawa?"
"Ewan ko ba dun." bigla namang nagring yung phone niya. "Sab wait lang ha. Tumatawag si Ken."
medyo may pagkakilig na sabi niya at iniwan na nga akong mag-isa.
Nakapalungbaba lang ako habang nanunuod sa kanila. Magaling talaga sila. Mas nagiging gwapo
sila kapag tumutugtog. Parang mahal na mahal nila ginagawa nila.
"Makatitig." halos mapatalon ako sa gulat ng may bumulong sa akin. Napahawak na lang ako sa
puso ko. "Shet ka Zoe. Makabulong. Aatakihin ata ako sayo."
"Hahaha. Kasi naman masyado kang nagcoconcentrate sa panunuod dyan kila Josh." di ko na lang
siya pinansin at nanuod na lang ulit.
Hay. Ang galing pala talaga nila kumanta. Lamig ng mga boses.
Medyo nanlaki ang mata ko at napalingon sa kanila. "Hoy. Di ko kaya tinititigan si Josh."
Bigla namang tumawa ng malakas si Yannie, "Hahahaha. Ewan ko sayo Sab. Si Josh na lang kaya
nasa stage kanina pa. Nasa office kaya ni Manager Ry sila Xander. Tingnan mo lang. Nagsosolo
performance si Josh ngayon. Dyan na nga kayo. Puntahan ko lang sila Xander." napalunok naman
ako sa sinabi ni Yannie at unti-unting lumingon sa may mini stage. Hala. Siya na nga lang magisa dun. Bakit hindi ako aware?
"Alam mo Sab. Dalawa lang naman ang dahilan kung bakit nakatitig ang isang tao, sa isa pang
tao. It's either may mali sa kanya or.. " huminto muna siya at uminom. Seryoso? Kailangan pa ng
pabitin effect? -____- "Or may tama ka sa kanya."
"In your case mukhang dun ka nakajoin sa pangalawa e." dagdag pa ni Zoe.
Napangiti at napailing na lang si Zoe, "Ang sinasabi ko lang naman.. may tama ka sa kanya.
Tinamaan. May gusto. I overheard your monologue kanina sa CR e."
Napatulala ako sa sinabi ni Zoe. Ako magkakagusto kay Josh Alonzo? I don't think so.
***
Kayo, what do you usually do when you don't know what to do? :)
*******************************************
[49] Chapter 47 - Mall
*******************************************
Sab's POV
"Isa? Dalawa? Tatlo? Apat? Lima? Anim? Pito? Ugh!" reklamo ko at nagpagulong gulong sa kama ko.
Tapos ay humiga lang ako at tumitig sa kisame. Tinaas ko ang kamay ko at nagbilang. "Ilang araw
ko na ba iniiwasan yun?" sabi ko sa sarili ko.
"Eight. Eight days Sab." agad akong napatayo sa kinahihigaan ko at tumingin sa may direksyon ng
pinto.
Nakatayo at nakasandal si Zoe at Yannie dun. Para silang ewan na nakatingin at nakangisi sa
'kin. Lumapit din sila at umupo sa kama ko, pinaggitnaan ako.
Nagbilang si Yannie, gamit ang daliri niya, "One, two, three, four, five, six, seven and eight.
Yun. Sakto. Tama. Eight days na nga."
"I told ya. Hahaha." nagtawanan yung dalawa at nag-apir pa. Problema ng mga 'to?
"Taray. Pero trip lang namin. Bakit mo nga pala binibilang kung ilang araw mo na iniiwasan si
Josh?" taas babang kilay na tanong ni Yannie.
"Ha? Hindi kaya. Kayo napag-gawa ng kwento ha. Wag ganun. Bad -- " natigil ang sasabihin ko ng
binatukan ako ni Zoe. "Aray! Para saan yun?"
"Lulusot ka pa kasi e huling huli ka na. Wag ka na magdahilan. Ikaw naman kasi Yannie, mali
naman kasi tanong mo e." sabi ni Zoe sa kanya.
"Hindi naman kasi iyon ang tanong. Ang tanong dyan, bakit mo iniiwasan si Josh." napatango
naman si Yannie sa sinabi ni Zoe.
Tumayo ako sa kama, "Ano.. tinatawag ata ako ni Ayu. Oo, tinatawag nga ako. Puntahan ko -- "
bigla na lang hinila pababa nung dalawa kaya napaupo ulit ako.
"Ah ganun ba? Edi sumama na lang din kayo kay Xander at Ice para di ako pineperwisyo niyo
dito." sagot ko sa kanila. Sinamaan naman nila ako ng tingin.
"Umiiwas ka ba kay Josh kasi may nararamdaman ka na sa kanya?" diretsyong tanong ni Yannie.
Umatras ata ang dila ko at di ko nagawang sabihin ang mga gusto komg sabihin.
"Silence means yes." dugtong pa niya. Ha. Hindi lahat ng silence ibig sabihin yes. Minsan kasi
sadyang di mo lang alam ang dapat at gusto mong sabihin.
Bumuntog hininga naman si Zoe, "Haaay Sab. Masyado ka kasing in denial. Sabagay ganyan naman
talaga siguro yung iba. Yung tipong in love na di pa alam."
"Ilang beses ko ba dapat ulit-ulitin na hindi nga ako in love kay Josh?!"
"Sige lang Sab. Deny lang. Bakit ba kasi di mo matanggap na may gusto ka na sa kanya?" tanong
ni Yannie.
Nagring naman bigla phone ni Yannie, "Hello?" sagot nya dito. "Bakit? Saan pupunta?" pupusta
ko si Xander kausap nito. "Ah. Sige. Punta na ko. Bye." binaba na nya yung phone at tumingin sa
amin ni Zoe.
"Si Xander. Alis muna raw kami." paalam niya. Tumango naman kami ni Zoe. "Sab di pa tayo tapos
ha. Pagbalik ko -- "
Nilingon ko naman si Zoe na humiga na sa kama ko at nakaspread pa ang kamay. "Wala ka pang
balak lumabas?" tanong na pagpaparinig ko sa kanya.
Nagkibit balikat lang ako at umupo sa tapat ng desk para maglaptop. Bubuksan ko pa lang yun na
niyaya ako ni Zoe, "Tara. Mall."
"So no choice ka lang kaya ako ang sinasama mo?" biro ko kay Zoe.
"Hmm." aba't.. Nag-isip pa 'to. Sinamaan ko sya ng tingin. Bigla naman siyang tumawa at
nagpeace sign. "Joke lang. Syempre namiss ko lang magikot si mall with you. Medyo busy tayo
nung nakaraan e."
***
Nanuod lang kami sa Cinema ni Zoe. Nag-ikot ikot din kami syempre at namili ng mga damit. Eto
ang favorite naming gawin e. Mamili ng damit. Lalo na kapag stress kami. Pero di ko sinabing
naiiatress ako ha. Wala lang. Feel ko lang mamili.
"Nagugutom na ko. Kain tayo." yaya ko kay Zoe. Pumayag naman sya at pumasok na kami sa isang
fast food chain.
Habang kumakain kami di mawawala ang kwentuhan syempre. Salita lang ng salita si Zoe pero bigla
syang natahimik at natingin sa may labas ng kinakainan namin. Nacurious ako kaya tumalikod ako
para tingnan yung tinitingnan niya.
Oh. Sila pala yun. Si Ayu.. With Josh. Unconciously, napahawak ako sa may dibdib ko.
"So that's the reason?" napatingin ako kay Zoe. Di ko gets. Tiningnan ko sya ng may halong
pagtatanong sa mukha. "That's the reason why you're avoiding Josh right? Kasi si Ayu." wala
bang hindi mahahalata tong si Zoe?
"Hindi."
"Kaya tumawag si Tito Erik kay Ayu, para sabihin n ipapadate na naman sya sa kung sino man. At
yung guy na ipapadate sa kanya.. ay si Josh." bakit ang galing makhalata nitong si Zoe?
Nakakainis ha. Hindi na lang ako umimik.
"Now I get it. Pinipigil mo ang sarili mong mapalapit kay Josh kasi baka mahulog ka sa kanya."
sabi niya at kumain ng sundae na hawak niya. Tulad kanina, di na naman ako sumagot.
Nilapag nya muna yung hawak niya at nangalumbaba, "What's the point Sab?" napakunot noo ako sa
sinabi niya. "I mean, bakit mo pa siya iiwasan e mukhang nahulog ka na ng tuluyan sa kanya.
Kasi di ba umiiwas ka para di tuluyang mahulog sa kanya.. pero parang late na yang pag-iwas mo
e. You've fallen already."
I've fallen? Nahulog na ba ako? No. Hindi ako nahulog kay Josh.
Ayu's POV
Nasa mall ako with Ken. Ewan ko ba kung bakit nya ko naisipan yayain. Basta okay lang ako kasi
siya ang kasama ko.
Nakaupo kami malapit sa may fountain ng magsalita siya, "So, kamusta naman kayo ng daddy mo?"
tanong niya ng di nakatingin sa akin at nakatingin lang sa mga taong nagdadaan.
"Wala lang. Naalala ko lang na last week, tumawag sya sayo. Pagtapos nun parang medyo nagiging
balisa ka." ako? Balisa? Akala ko natatago ko yung problema sa kanya. Peri mukhang hindi pala.
"Ano ka ba? Ayos lang kaya ako. Saka ano.. tumwag lang siya kasi.." ano ba sasabihin ko?
Tumawag siya para sabihing maging close ako kay Josh kasi ipapadate niya ko sa kanya? Tsk.
Hindi. Wag muna. "Kasi gusto niya raw makilala ko na yung babae niya." pagsisinungaling ko.
Tiningnan niya ako. I can't read his face. Pero maya maya ay ngumiti siya, "Bakit ba ayaw mo
sya mameet? Give the two of them a chance."
"Pero -- "
"Baka kasi nagiging unfair ka na sa daddy mo. Ayaw mo ba siya makitang masaya?"
"Gusto ko syempreng maging masaya siya. Kaya lang, yung aalisin nya na lang si mommy sa buhay
namin, ibang usapan na yun."
"Wala naman siya sigurong sinabing aalisin niya na yung mommy mo sa buhay mo. Sa buhay niyo.
Hindi naman porket magmamahal sya ng iba, ibig sabihin ay kakalimutan at buburahin na niya yung
dati niyang mahal sa buhay niya. Mukha namang hindi nya magagawa yun. Minahal at mahal pa rin
naman niya ang mommy mo. Kaya lang, hindi naman na natin maitatanggi yung katotohanan na hindi
na babalik yung mommy mo." natahimik na lang ako sa sinabi niya.
"Minsan hindi dapat ang sarili lang ang isipin natin. Isipin din dapat natin yung
makapagpapasaya sa mga nakapaligid satin. At kung kaya mong ibigay yung kasiyahan na yun sa
kanya, ibigay mo. Even if it means hurting yourself. Kasi sa sitwasyon ngayon baka siya naman
ang nasasaktan mo."
Tumango naman siya, "Hindi ko man alam iniisip ng daddy mo, pero sa tingin ko nasasaktan din
siya para sayo."
Nasasaktan si dad? Ayoko namang masaktan sya. It's the last thing I want to do. Kung sabagay,
may point si Ken. I think I've been too selfish. Siguro nga mas sasaya si dad wth someone new.
Kaya bakit ko naman ipagkakait sa kanya yung kaligayahan na yun?
"Tara, lakad lakad muna tayo?" sabi niya sabay tayo at nilahad ang kamay sa kin. Kinuha ko
naman yun at naglakad lakad na kami.
"Si Josh ba yun?" tanong niya na medyo inaaninag yung taong tinuturo niya.
Nung meduo malapit na ang lalaki, si Josh nga yun. Mag-isa lang. Tinawag siya ni Ken.
Habang nag-uusap usap kami, biglang nagring ang phone ni Ken, "Hello?" "Huh?" "Sige po. Uuwi na
ko." sagot nya at binaba na ang phone.
"Sige na. Okay lang ako. Kaya ko na mag-isa dito." sabi ko sa kanya at ngumiti.
Tiningnan niya muna ako, "No. Josh, accompany her for me." sabi niya kay Josh. At hinalikan
lang ako sa pisngi ko sabay takbo.
Nag-ikot ikot lang kami ni Josh. Biglang nagring yung phone niya, sinenyasan niya ko na
sasagutin lang nya yun. "Hello?" "Opo." "Okay po." sabi niya at binaba na ang phone.
Magsasalita na sana siya ng biglang nagring phone ko. Yung totoo? Bakit ang daming tawag ng
tawag ngayon?
"Nasan ka ngayon?"
"Mall po."
"Sige po." sagot ko sa kanya kahit ang totoo sobrang labag sa loob ko ang makipagdate.
I-eend ko na sana ang call ng magsalita pa siya ulit, "Oh. And one more thing, hindi mo na
kailangan ng magdrive. Josh will pick you up at 6 or 7 pm para sa date niyo. Nasabihan na
siya." napatingin naman ako kay Josh.
Nang maibaba na ang phone kinausap ko si Josh, "Alam mong may date tayo?"
"Para saan pa? Saka nakakahiya e. He sounds nice. Mukhang in-law material naman." sinamaan ko
sya ng tingin. "What?" painosenteng tanong niya.
"Wala ka talagang gagawin para di nila tayo pag date-in?" taas kilay kong tanong sa kanya
habang nakapamewang pa.
Nagshrug naman siya, "Wala. Eto na naman to e. Di na natin mababago. Why don't we give it a
try? Malay mo magwork."
Tiningnan ko siya ng may halong pagkairita. Seryoso siya? Okay lang mag-date kami?
ayoko. Si Ken lang ang idedate ko.
Pwes ako
"Eto naman. Parang date lang e. Wala namang masamang itry." pangangatwiran niya.
"Magdedate kayong dalawa?" agad akong napalingon sa nagsalita. Si Zoe na gulat na gulat. Kasama
rin nya sa Sab na nakatingin lang sa ibang direksyon.
*******************************************
[50] Chapter 48 - Curious
*******************************************
Sab's POV
Akala ko ba ayaw niya makipagdate? Anong tawag sa narinig namin? Joke? Tss. E teka nga. Bakit
ba ako naiinis? Wala namang dahilan para mainis ako di ba? Wala namang mawawala sa akin kung
magdate man sila. Anong pakialam ko di ba? Edi go! Magdate sila. Ano naman sakin? Kung gusto
"Huy Sab! Huy! Ano ba?" napatingin ako kay Zoe na pumitik sa harap ko. Natingin din ako kay Ayu
na parang nagtataka at kay Josh na nakatingin lang din sakin pero walang expression ang mukha.
Agad din akong nagbawi ng tingin.
"B-bakit?" tanong ko kay Zoe. Tiningnan lang niya ko. Pero alam ko yung tingin na yun. Parang
nagtatanong siya kung ayos lang ba ako. Kaya nginitian ko na lang siya.
Nagring ang phone ko kaya hinanap ko sya sa bag ko. "Uso ba talaga phone calls today?" tanong
ni Ayu.
Tiningnan ko lang siya at nagkibit balikat ako at nagpatuloy na sa paghahanap ng phone. Nang
makuha ko na, agad ko siyang sinagot.
[Di mo na narecognize voice ko? Nakakapagtampo.] hala. Anong trip nitong tao 'to? Tss. Mukha ba
akog manghuhula? Psh.
[Ouch. Ang sakit naman. Bakit hindi mo na ko nabobosesan? Parang dati lang isang hello ko lang
kiala mo na ko.] Medyo pamilyar boses niya. Hindi ko lang maalala. Saan ko ba 'to narinig?
[Pinas na ko. Nasa tapat na nga ako ng bahay niyo e. Binigay sakin nila tita yung address.
Mukhang walang tao nga lang.]
"Ha? Andyan ka? Sige sige. Uwi na ko. Laters Drake!" tapos ay inend call ko na.
"Ay sorry. Sorry. Sabi ko nga mali e. Haha. Naexcite lang kasi ako. Nasa bahay si Drake, baka
mainip yun. Kaya uuwi na ko. Sama ka ba?"
"Oo naman. Syempre. Nakauwi na pala yun. Tara na." lumingon siya kay Josh at Ayu. "Guys, una na
kami ha. May bisita pala tong si Sab sa bahay. And Ayu.. explain. Pero later na. Ciao!" sabi
niya at nagwave.
Nginitian ko lang yung dalawa at umalis na. Ayan, free na sila. Solo na ulit. Libre nang
magdate. -.-
***
Josh' POV
Tingnan mo'y mga taong yun. Bigla na lang umalis. Ang mga babae talaga napakawiweird.
"Huy Josh. Ayos mo dyan? Pwede na siguro tayong umalis sa kinatatayuan natin no?"
Tiningnan ko lang si Ayu at naglakad na. Sumabay na rin siya. "Sino yung Drake?"
Napahinto siya kaya napahinto rin ako. Tiningnan pa niya ko ng nakakaloko. Anong problema ng
isang 'to?
Teka lang naman. May masama ba sa tanong ko? Bawal na ba magtanong ngayon? Bakit di ko alam na
bawal na rin pala yun? Sana may nagpaalam man lang sakin.
"Hay nako Josh. Been there, done that." sabay tapik niya sa balikat ko at iniwan akong nakatayo
dun. Ano raw? Gulo!
Naghiwalay na kami ni Ayu. Umuwi na siya at umuwi na rin ako. Susunduin ko pa siya mamaya.
Nahiga lang ako sa kama ko. Sino ba yung Drake? Bakit ba kanina ko pa yan tinatanong sa sarili
ko? Si Ayu naman kasi di pa sinabi sakin kung sino yung Drake na yun.
"Sino si Drake?" basa ko sa tinype ko. "Pangit. Masyadong presko." tapos ay dinelete ko na ang
tinype ko.
"Hoy Halimaw! Sino yang Drake na yan?" tinitigan ko ang screen at maya maya ay binura rin ang
natype ko na. "Pangit din. Hindi nga ako pinapansin tapos gaganunin ko pa."
"Hi Sab. Pwede ko bang malaman kung sino si Drake?" tss. "Tae. Napakapormal. Wag na nga lang."
kaya sa bandang huli, hinagis ko lang ang phone ko at tumitig sa kisame.
Bakit ba masyado akong naiintriga dyan kay Drake. Teka. Di kaya type ko sya? Hindi naman ako
bakla ha. Napailing na lang ako sa naisip kong yun.
"Ay Sabrinang halimaw!" sigaw ko at agad napupo. Nakatingin lang naman sa akin ang nagsalita
kaninang si Ice. "Paano ka nakapasok dito?"
"Di naman nakasara pinto mo." sabi niya at umupo sa may upuan at kinuha yung gitara ko.
Nagstrum lang sya dun. "Sino yung Drake?" tanong niya na di pa rin nakatingin.
"Malay ko. Ang alam ko lang nagpunta kila Zoe yun ngayon." agad naman syang napatingin saakin
at nilapag ang gitara ko.
"Wag kang mag-alala. Bisita ni Sab yun at hindi ni Zoe." pagsabi ko nun bumalik na lang ulit
sya sa pwesto nya. "Kala ko ba aalis kayo nila Ash ngayon?"
"Nakauwi na kami."
"May ibang tao kasi kila Zoe. Baka yun yung sinasabi mong Drake. Kala ko kanina babae bisita
nya e. Lalaki pala. Pero dahil bisita naman pala kamo ni Sab yun, okay lang."
"Di nga nya bisita. Pero bisita naman ni Sab kaya di rin okay yun. Tss." sagot ko sa kanya at
humiga na lang ulit sa kama.
Tahimik lang sya. Pero ilang saglit lang, nagsalita ulit sya. May katawagan nga lang. "Hello
Zoe?" "Wala lang. Namiss kita." "Hahaha. Pati kasi may nagseselos akong kaibigan dito e."
pagkarinig ko nun agad akong napaupo at tumingin sa kanya. "Si Josh. Teka. I-loud speaker ko."
[Hoy Joooosh. Totoo? Jelly ka? Wala e. Naunahan ka na. Hanap ka na lang iba. Hahaha.] anong
sinasabing jelly nitong babaeng 'to?
Tinanggal na ni Ice ang pagkaloud speaker ng phone niya. "Hahaha." "Sige. Oo po. Babye." Psh.
Love his face.
"Umuwi ka na nga! Dumayo ka lang ng inis e. Tss. Alis na. May pupuntahan pa ko." sabi ko
sakanya sabay bato ng unan.
"Pait mo pre."
***
Pagbukas ng pinto, "Nasaan si A -- " napahinto ako sa sasabihin ko ng nakita kong may lalaki sa
harap ko. Eto ba si Drake?
"Draaaaake! Sino yan?!" at biglang sumulpot si Sab na halatang gulat. "Josh." bulong niya.
"Josh, andyan ka na pala. Tara na ba?" lumitaw din naman bigla si Ayu. Napatingin ako kay Sab.
Nakayuko lang siya.
May boyfriend pala si Sab? Bakit hindi niya sinabi? Bakit di ko alam? Sana simula pa lang
nalaman ko na. Para hindi ganto.
***
Ayu's POV
Nagbyabyahe kami ni Josh pero sobrang tahimik lang nya. Nararamdaman ko nagseselos 'to. Feeling
ko talaga may gusto 'to kay Sab e. Di lang niya maamin sa sarili niya. The more you hate the
more you love talaga.
Pero sa panahon ngayon, wala ako sa mood kiligin. BV pa rin at pinapadate ako ni Daddy. Kung di
ko lang mahal yun di ko siya susundin e. Pero sooner or later, sasabihin ko rin na may mahal
akong iba.
Huminto kami ni Josh sa isang romantic place. Yes, super romantic nga ng lugar na 'to. Pero ano
ang sense nya kung di ko naman kasama ang taong mahal ko.
"Ayu. Eto na happiness mo." sabi sakin ni Josh at iniwan ako. Hahabulin ko palang sana siya
pero bago pa ko makahakbang, may narinig na akong musika.
Sa sobrang curious ko, tumuloy ako. And there I saw someone. Nakatalikod siya. Pero kahit
nakatalikod pa sya, kilalang kilala ko sya.
Humarap naman sya sakin. "You came my little angel." sabi niya at lumapit sakin at niyakap ako.
"Ssh. Let's talk later anak. Not now. Kasi ngayon, I came here to give you your happiness."
Ha? Naguluhan ako sa sinabi niya. Bumitaw sya sakin at hinalikan ako sa noo. "Dalaga na talaga
anak ko. Nagmamahal na." sabi niya at ginulo ang buhok ko. Naglakad na rin sya. Papalayo.
"Dad." tawag ko sa kanya pero di siya lumingon.
"Hi Ayu." kinilabutan ako nung marinig ko ang boses na yun. "Sorry for leaving you awhile ago.
Inayos ko pa 'to e." sabi niya habang may daladalang boquet.
"K-ken."
***
Alam ko. Bitin. Kasi nga ongoing 'to. Pero please lang. Wag po muna mangulit ng UD. Saka sana
pakibasa yung messages na pinopost ko sa Message board ko. Halatang konti lang nagbabasa e.
Salamat.
*******************************************
[51] Chapter 49 - Sana
*******************************************
Ken's POV
"Grabe. All this time ang akala ko si Josh yung gustong ipa-date sakin ni daddy." sabi sakin ni
Ayu habang nakahiga kami sa dumuhan at pinagmamasadan ang mga stars.
"Sorry ha. Hindi ko agad nasabi sa'yo. I-surprise sana kita e."
"I was surprised. Pero teka. Paanong nangyari yun? Paano mo nakilala ang dad ko?"
"Naalala mo nung pumunta akong NJ? After ng kasal ng pinsan ko nagtanong tanong ako tungkol sa
company nyo. Pinuntahan ko ang dad mo. Kinausap ko siya. Sabi ko na seryoso ko sayo. Hindi ko
alam kung paanong nangyari pagkatapos nun. Basta ang alam ko lang pagkatapos, pinayagan na niya
akong ligawan ka."
"Huh? E hindi ka pa naman nanliligaw nun di ba? I was avoiding you that time. Bakit ginawa mo
pa rin yun?"
"Syempre pinapaalam ko na sa daddy mo hanggat maaga pa. Tulad nga ng sabi ko nung pag-uwi ko
dati, wala akong planong sukuan ka. Susuyuin kita kahit anong mangyari."
Natahimik siya sandali, "Paano naging magkakilala si Josh at ang daddy ko?"
Tumahimik lang din ako sandali at nagbuntong hininga, "Ang sabi sakin ng daddy mo ako ang
magsabi nito sayo. Hindi dahil sa naduduwag sya o ano. Ang sabi niya kung siya ang magsasabi,
malaki ang chance na di mo siya pakinggan."
Naramdaman kong tumingin siya sa akin, "Magsabi ng?" tanong niya at umupo.
Umupo na
know her
sabit sa
love you
rin ako, "Josh will be your stepbrother. Anak sya ng fiance ng daddy mo. Si Tita Fe. I
Ayu. She's a good mother. A good person. Di ba ang sabi mo dati natatakot kang maging
pamilya nila? Don't be Ayu. I'll guarantee you that she will treat you right. She'll
just like how she loves Josh. Give her a chance."
"I know Ken. Alam kong hindi ako magiging sabit sa magiging bagong pamilya ko. I was too
selfish before kaya di ko nagawang harapin sila ng daddy ko. Pero ngayon, I'm ready to face
them. Dahil nga sya yung mom ni Josh, naniniwala akong mabuti siyang tao. Kasi mabuti rin ang
anak niya." sabi niya sa akin na medyo nangingilid pa ang luha.
Niyakap ko si Ayu. Finally. Nagawa na niyang tanggapin at hayaan magmahal ulit ang daddy niya.
"Uhm, Ayu?"
"Hmm?"
May fireworks na pumutok at sa fireworks na yun nakalagay ang mga salitang, "Will you be my
girl?"
Agad naman siyang napatingin sakin at naiiyak na naman. Ang iyakin talaga nito. Pero mahal ko.
"Yes. Yes Ken. I'll be your girl." for a moment napatulala ako sa kanya. At nang magsink in na
lahat ng sinabi niya, niyakap ko siya. Ng mahigpit. "I love you so much Ayu."
***
Sab's POV
"Huy Sab. Tulaley lang?" tanong sakin ni Yannie at umupo sa may tabi ko. Nasa may canteen ako.
"Psh. Hindi."
"Sige. Kunyari naniniwala ako." sabi lang niya at kumain na sa tabi ko. "Ah. Kaya pala tulala.
Nagseselos."
Napatingin ako agad sa kanya. Sinong nagseselos? Ha! Asa naman. Selos? Hindi ha. Walang
nagseselos dito.
"Wag mo kasi tingnan masyado para di ka masaktan. You enjoy being hurt e. Nakita mo nang
magkasama, tititigan mo pa."
Tumuro siya sa may bintana. Sa labas, andun si Ayu at Josh na masayang nagkwekwentuhan at
tatawa tawa pa.
"Kapag nasasaktan ka na, wag mo nang tingnan. Pikit mo lang para di mo makita." di ko na lang
sya sinagot at uminom na lang.
"Bakit kasi iniiwasan e ayaw mo naman palang makitang may kasamang iba?"
"Ay nako Yannie, bahala ka na nga lang dyan. Aalis na ko." kinuha ko lang ang tray ko at umalis
na.
Bakit ganun? Ako lang ba talaga ang nahihirapan na hindi sya pinapansin? Na wala siya sa mundo
ko? Ako lang?
Pumunta ako ng may room at sinubsob lang ang mukha ko sa may desk. Inaantok ako e.
"Mamaya?"
"Grabe naman 'to. Pumayag ka na. Bonding lang. Para na rin maging super close siya sa magiging
bago niyang anak." tsk. Kitang may natutulog nag-iingay pa. >.<
Tumingala ako, "Tsk. Kitang may natutu -- " nahinto ang sasabihin ko nang makita kong si Ayu at
Josh ang nag-uusap.
Tiningnan lang ako ni Josh pero hindi nagsorry. Teka lang. Ano ang sabi niya? Magiging bagong
anak ng mommy niya si Ayu? So it means, ikakasal sila?
Bakit? Bakit ganto nararamdaman ko? Parang napapaso yung puso at nagtutubig ang mata ko. Ano
bang nangyayari sakin? Wala na akong maintindihan.
"Wala. Dinadalaw ka lang. Mahirap na. Baka mamaya may umaalialigid sayo dito e." sabi niya at
tumingin sa direksyon ni Josh. "Tara?" sabay lahad niya ng kamay nya.
"Saan tayo pupunta?" sa halip na sagutin niya ang tanong ko, hinila niya na lang ang kamay ko.
Bago kami tuluyang makalabas, may tumawag sa akin na naging dahilan ng pagkakahinto ko, "Sab."
Napadiin ang hawak ko sa kamay ni Drake. Naramdaman ko namang napatingin sya sa akin. Lumingon
ako sa nagsalitang si Josh.
Nagkatitigan lang kami. Walang nagsasalita. Bigla na lang akong hinila ni Drake papalabas ng
room.
"Oy! Ano bang ginagawa mo Drake?" sigaw ko sa kanya. Huminto naman sya sa paglalad ang humarap
sakin.
"Nililigtas ka." ha? Ano raw? Ang gulo naman ng lalaking 'to. "Kung hindi pa ako dumating baka
nag-iiyak ka na dun."
"Hin -- "
"Wag ka na magpalusot dyan! Kilalang kilala na kita. Magkababata nga tayo di ba? Datirati kapag
sinasabi kong boyfriend mo ko sa mga nagbabalak manligaw sa'yo, halos lumabas yang lalamunan mo
kakatawa sa mga nagiging reaksyon nila. Pero nung nakaraang gabi, nung sinabi ko dun sa
lalaking Josh ata ang pangalan, halos hindi maipinta yang mukha mo. At nahalata ko naman na
kung bakit."
"Pero iba naman kasi siya. Hindi ko siya manliligaw at isa pa -- "
"At isa pa, mahal mo siya." natahimik ako sa sinabi niyang yun. Mahal. Mahal. Anong mahal?
"Tss. Halika nga dito." sabi niya sakin at bigla na lang akong hinila at niyakap, "Ang tanga mo
rin minsan Sab e. Ikaw ang nakakaramdam pero parang mas kami pa ang nakakaalam." ginantihan ko
na lang sya ng yakap.
Matapos ang eksena sa corridor, bumalik na ako sa room at hinatid ako ni Drake. Dirediretsyo
lang ako sa upuan ko. Natingin tingin ako sa paligid at nakita ko na naman sila. Ayan na naman.
Para na namang tinutusok ng karayom ang puso ko.
Natapos ang buong maghapon na laging sila lang ang nakikita kong magkasama. Umuwi agad ako at
di sila hinintay. Nagpalit lang ako at palabas sana ng bahay ng makita kong hinatid ni Josh si
Ayu.
"Wag kang makulit. Susunduin sabi kita. Baka bulyawan ako ni mama kapag hinayaan kita mag-isa.
Kaya sa ayaw at sa gusto mo, susunduin kita."
"Oh?"
"Thank you. Thank you sa pamilya mo. Kasi tinanggap nyo ko."
"Oo nga. Haha. Sige na. Sige na. Go ka na. Mamaya na lang ulit. Bye!"
Nang makaalis na sila, agad akong lumabas sa pinagtataguan ko. Masakit. Ayan ang tamang
explanasyon sa nararamdaman ko ngayon. Parang dinudurog ang puso ko. </3
"Babayaran ko naman."
Napakamot naman ng ulo si Manager at binigyan din ako ng gusto ko. "Mas panatag ang loob ko
kung dito ka malalasing."
Ilang minuto lang ang lumipas, biglang may dumating, tumabi sakin at inagaw ang beer ko. "Tama
na Sab."
Pero di nila binalik sakin yung inumin ko. Sa halip, pinagitnaan lang nila ako at tiningnan.
Tsk. Kasi naman.
Kinagat ko ang labi ko. Nagbabakasakaling mapigilan ko yung pagpatak ng luha ko. Pero wala rin
namang nangyari. Traydor ang luha ko e. Kumawala pa rin.
"Bakit ganun?" sabi ko sabay punas ng luha ko. "Hindi ko naman dapat nararamdan to di ba? Hindi
ko naman dapat iniiyakan yung bakulaw na yun. Pero anong nangyayari ngayon? Iniiyakan ko siya.
Bakit ko ba kasi nararamdaman to? Ayoko ng ganto."
"Wala siyang ginawa kundi sirain ang araw ko. Pero kung di naman niya
ang araw ko. Siya kasi yung sumisira pero bumubuo rin ng araw ko. Ang
na kayo. Gusto ko -- mali. Mahal ko yung siraulong yun. Hindi ko alam
Hindi ko rin naman yun ginusto. Pero wala e. Eto ako ngayon. Mahal na
"Kaya lang kahit alam ko, at ngayon alam na natin na mahal ko siya, may magbabago pa ba? Wala
naman na di ba? Wala na." napahagulgol na lang ako.
"Ang sakit. Ang sakit dito." sabay turo ko sa puso ko. "Sana di ko na lang nararamdaman 'to.
Kung alam ko lang na magkakaganto, sana noon pa lang lumayo na ko."
Sana noon pa lang nilayuan ko na siya. Para hindi ako umabot sa puntong ganto. Yung puntong
mahal ko na siya. Pero wala na rin e. Gustuhin ko mang lumabas sa gulong 'to ngayon, wala na.
Hindi ko na kaya. Mahal ko na talaga siya.
***
Si Drake yang nasa gilid ha. Pati yung nasa previous chapter.
Pakitandaan na lang din ang ibang characters. Kahit yung mga extra lang. Malay niyo magkaside
story sila. >:)
*******************************************
[52] Chapter 50 - Debate
*******************************************
Josh' POV
Napatingin ako sa mama ko at ngumiti, "Oo naman po Ma. Okay lang ako."
"Sus Ma. Paano mo naman nasabi yan? Ayos lang kaya ako." tumawa pa ko at hinampas ang dibdib ko
para maniwala siya.
"Alam mo kasi Josh, este Kuya Josh, aish. Josh na nga lang. Ahem. Alam mo kasi Josh. Wag ka na
magsinungaling. Halatang hindi ko okay 'no. Sinong okay na tao ang magsasalin ng tubig sa
basong punong puno na ang laman?" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ayu at napatingin sa hawak
kong pitsel.
"At sino ring matinong tao ang kakain ng kakain habang nakabaligtad pa ang pinggan?" yumuko ako
para tingnan ang pinggan ko. Baligtad nga. Pero may laman na. -.-
"Ay nako Dad, hindi naman sasagot ng matino yang si Josh. Kaya ako na lang magsasabi ng
problema niya." tumigil lang siya at umayos ng upo. "Kasi po nagseselos yan. Type kasi niyan si
Sab. Kaya lang -- "
"Good choice Josh. Napakabait na bata nyang si Sab. Maganda pa at nakakatuwa. Magaling kang
pipili ha."
Umiling iling naman ako, "Ay nako, hindi po. Imbento lang yang si Ayu."
"Hoy. Hindi ako imbento. Alam ko kasi nakikita ko yung tingin mo sa kanya. Kala mo hindi ko
napapansin yun ha. Saka nung kanina, nung inabutan mo sa bahay si Draasdfghjkl." naputol ang
sinasabi ni Sab ng takpan ko ang bibig niya. Napakaingay.
Pagkatapos naming kumain, lumabas lang ako para magpahangin. Umupo ako sa may swing.
Maya-maya lang, sumunod na pala sa akin si Ayu. Umupo rin sya sa katabing swing na inupuan ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. Makatanga naman kasi. >.< "I mean, ang hina mo makaramdam. Hindi mo
maramdaman yung feelings mo towards Sab."
"Hirap sa'yo e. Ayaw mo i-admit sa sarili mong nagseselos ka kay Sab at Drake. Kitang kita ko
kaya yun. Kanina lang sa bahay nung sinundo mo ko, inabutan mo si Drake dun. Halos mapatay mo
na nga sya sa tingin mo e. Kaya lang, wag kang mag-alala kasi nga, wala naman si Sab dun."
"Mabait kaya yun. Mukha lang maangas kasi hindi naman kayo close. Saka hello? Wala naman syang
ginagawa sayo kanina ha. Paano mo nasabing maangas?"
"Nasabi mo lang na maangas siya kasi nga ayaw mo sa kanya. Ayaw mo sa kanya, kasi sila ni Sab."
naramdaman kong tumingin siya sakin. Pero ako, tumingala lang at tumingin sa langit. "Hay nako.
Kung alam mo lang."
"Ano? May binulong ka ba?" tanong ko sa kanya. Para kasing may sinabi siya. Di ko lang narinig.
***
Kinabukasan sa school, agad akong dumiretsyo sa may classroom. Nilapag ko lang ang bag ko at
nag-ikot-ikot.
Napahinto ako ng may narinig akong pamilyar na tawa. Oo. Pati tawa niya alam ko na.
Hindi nga ako nagkamali. Si Sab nga yun. Pero kasama na naman niya yung Drake. Bakit ba kasi
nakakapasok ang outsider sa school na 'to? Badtrip.
Nagdaan ako sa harap nila. Hindi nila ako pinansin pero napahinto sila sa pagtatawanan.
Nagpunta akong gym. Nababadtrip na talaga ako kaya sa panahong ganto, basketball ang katapat
ko.
Shoot lang ako ng shoot. Nang sumablay yung tira ko, irerebound ko na sana yung bola kaya lang
may nakakuha.
"Mang-aagaw ng bola." bulong ko at tumalikod na lang. Kukuha sana ako ng bagong bola nang
magsalita siya.
"You know.. wait. What's your name? Josh, right?" nang-iinis ba 'to o nang-iinis? Kasi kung
nang-iinis siya, aba congrats sa kanya. Effective!
"Tss. Hindi mo naman pwedeng sabihing inagaw ko ang bola mo. Kasi hindi naman 'to sayo."
"Ang akin lang naman, hindi mo ko pwede sabihang inagaw ko ang bola mo. Masyado ka lang kasing
confident kaya ang akala mo, solo mo ang bola kasi ikaw lang ang tao dito. Pero di mo alam,
pwedeng may dumating na ibang tao para agawin yung bolang ginagamit mo."
"Hindi rin. Iyo ba 'to? Hindi naman di ba? At isa pa, di ba tumalikod ka na? Balak mo nang
kumuha ng ibang bola."
"Oo. Para saan pa kung aagawin ko pa yang bolang yan kung hawak mo na?"
"Hahaha. Dahil ba nasakin na ang bolang 'to ibig sabihin wala ka nang karapatan para agawin
'to?"
"Magsasayang lang ako ng oras kung aagawin ko pa yan. Pwede namang kumuha ng iba."
"E bakit ka pa kukuha ng iba? Eto naman na yung nauna. Wala ka lang kasing tyaga. Hindi mo lang
siguro talaga gustong maagaw yung bolang 'to. Saka ano bang malay mo. Baka hinawakan ko lang
'to at ibabalik ko rin agad sayo. O baka naman, inagaw ko lang, para bwisitin at sirain ang
araw mo." niyukom ko na lang ang kamay ko. Nababanas na ko ng lalaking 'to. Kapag di ko
napigilan sarili ko, baka masuntok ko na talaga 'to.
Ngumisi lang sya at binato sakin ang bola. Agad ko namang nasalo yun, "Ayan na. Hindi rin naman
akin yang bolang yan e. Saka mukhang mas kaya mo yang alagaan kesa sakin." sabi lang niya at
umalis na. Ano? Tae. Ang gulo ng taong yun. Tss.
***
Ilang araw pa ang nakalipas at wala pa rin nagbabago sa routine ko. At oo hanggang ngayon,
hindi pa rin ako pinapansin ni Sab. Hindi ko rin naman sya pinapansin kaya quits lang. Psh.
Naktambay kami ngayon kila Ice. Nagpps3 si Ken at Xander habang nagppsp si Ice. At ako? Eto
nanunuod sa kanila.
"Uy Ken. Alam mo ba, yung tungkol kay Sab at Drake?" agad akong naplingon kay Xander nung
marinig ko ang pangalan nila.
"ANONG GINAWA NI DRAKE KAY SAB?!" tanong ko at napatayo pa. Nagulat naman sila at naphinto sa
mga paglalaro.
"Grabe nga e. Nagpunta ako kanina kila Ayu, nakita ko si Sab mugtong mugto yung mata. Tsk.
Sobrang depress nung tao."
"Umiiyak si Sab?!" sigaw ko kay Xander. Tumango naman siya. "Gagong lalaki yun! Wala siyang
karapatang paiyakin ng ganun si Sab! At anong pustahan?! Siraulo pala siya e. Shinota niya
dahil sa pustahan si Sab?! Ang kapal din ng mukha ng gagong yun!" sigaw ko at tulyan nang
lumabas ng kwarto ni Ice.
Papasok na sana ako ng sasakyan pero pinigilan ako nung tatlo. Mga nagsisunod pala. "Saan ka
pupunta?" tanong nila.
"Kila Sab."
"Ha? Bakit? Wag na. Dito ka nalang. Kaya na nila Yannie yun."
"Paano kung yung babaeng importante sayo alam mong pinaiyak ng siraulong lalaki? Uupo ka lang
ba sa isang tabi? Kasi ako hindi." sabi ko at tuluyan ng pumasok ng sasakyan ko at nagpunta
kila Sab.
"Oh, Josh. Ngayon ka lang nakapindot ng doorbell? Ignorante lang?" tanong ni Yannie pero di ko
siya pinansin at nagdirediretsyo sa may kwarto ni Sab.
Inabutan ko siyang nakahiga sa kama niya, naglalaptop at umiiyak. Agad akong lumapit sa kanya.
Gulat na gulat sya ng makita ako.
"Ha?"
"W-wala naman. Nilibre ako ng ice cream?" ano? Ano bang sinasabi nito?!
"Nilbre?! Ano ang naririnig kong nagbreak na raw kayo at pinagpustahan ka lang daw niya. Na
mugto na raw mata mo kakaiyak."
"Hindi totoong umiiyak ka? E ano yan?" sabay turo ko sa tissue na nakakalat sa kama niya.
Hinarap niya sakin ang laptop niya at pinakita ang pinapanuod niyang movie. Nahampas ko na lang
noo ko. Tsk.
"So hindi totoo lahat ng sinabi nila Xander? Yung umiyak ka? Hindi kayo nagbreak?"
Nagkibit balikat siya, "Hindi kami nagbreak." sabi lang niya sakin at nanuod ulit sa laptop
niya.
Pakiramdam ko kinurot ang puso ko sa narinig ko. So sila pa nga? Natingin lang ako sa kanya at
tumalikod na. Bago ko pa mabuksan ang pinto, nagsalita ulit siya, "Hindi kami nagbreak." bakit
kailangan pa niyang ulitin?!
"Hindi naman kasi naging kami." nahinto ako at natingin sa kanya agad. Hindi sila?!
Bumalik ako ng bahay nila Ice. Inabutan kong naglalaro pa rin yung tatlo. Padabog kong binuksan
ang pinto kaya napatingin sila sakin sandali. Binalik din nila yung tingin nila sa nilalaro
nila.
"Weh? Manahinik ka nga dyan Josh. Pagdating kay Sab walang sayang sayang sayo." sabi naman ni
Xander.
"Mahal mo pala pre e. Bakit di mo ligawan?" tanong naman ni Ice. Huminto na sila sa paglalaro
at hinarap ako.
"Torpe e. Magkaibigan nga kayo." sabat ni Xander kaya sinamaan namin siya ni Ice ng tingin.
"Pero kung di dumating yang si Drake malamang ko ba hindi mo pa rin naaamin samin yang
nararamdaman mo kay Sab."
"Hahaha. Mas malala ka pa pala kay Ice. Pero ano nang balak mo?" tanong ni Ken.
Wow ha. At sa kanya ko pa talaga narinig yan. Kung galing kay Ken o kay Xander, matatanggap ko
pa e. Pero si Ice? Sinabihan akong torpe? Aba. Psh.
***
Sab's POV
Ano kayang trip nung lalaking yun kagabi para sugurin ako sa kwarto ko? Nababaliw na ata sya.
Umakyat ako ng rooftop ng school para matahimik. Uupo pa lang sana ako ng may narinig akong
naggigitara habang kumakanta.
Unti unti akong sumilip sa kabilang gilid ng rooftop para tingnan ang kumakanta. Naramdaman ko
na naman ang kakaibang kaba sa dibdib ko ng makita kong siya pala yun.
Lalapit sana siya sakin ng bigla akong tumalikod at umalis sa rooftop habang tumatakbo.
Tsk. Ang hirap namang umiwas. Pero wala naman akong choice. Eto lang ang alam kong paraan para
mabawasan at sakaling matanggal yung pagmamahal ko sa kanya.
Takbo lang ako ng takbo ng makabunggo ko si Zoe. "Sab. Ayos ka lang?" tanong niya sakin at
tinulungan akong tumayo.
"Ayos lang."
"Bakit ka ba tumatakbo?"
Umiling si Zoe, "Walang mangyayari sa paglayo mo Sab. Why don't you try to face him just for
once?"
"Hindi na Zoe. Tanggap ko naman na hindi niya ko kayang gustuhin e. Tanggap ko naman na ako
lang ang nagmamahal." niyakap na lang ako bigla ni Zoe at tinapik.
Matapos ang eksena namin sa corridor kanina ni Zoe, pumasok na kami ng room para sa homeroom.
"Debate tayo class." sabi ng teacher namin. Agad namang nagtanungnan ng topic ang mga kaklase
ko. "Ssh. Silence. Topic ba kamo? Feelings. Love. Yan ang topic natin. Tutal ayan ang mga gusto
niyo. The one you love OR the one that loves you? Hatiin na ang klase."
Agad namang nagpuntahan sa kanya kanyang side ang mga kaklase ko. Sa barkada namin, lahat kami
nasa may side ng 'the one you love'. Hinanap ko si Josh. Pero wala siya. Wala sya sa room.
Haay.
"Syempre dun ako sa taong mahal ko. Kasi alam ko naman na sa piling lang niya ako sasaya."
"Hindi lahat ng pinipili ang taong mahal nila ay sumasaya. Mas marami ang umiiyak. Kasi hindi
naman lahat ng pagmamahal, nasusuklian. Dun ka na lang sa taong nagmamahal sayo. Para di ka
pinapaiyak."
"So ibig sabihin ba gusto mong gumamit ng ibang tao para mapunan yung sakit na nararamdan mo?
Hindi ba parang unfair naman yun? At isa pa, siguro nga di ka niya mapapaiyak, pero kaya ka ba
nyang pasayahin? Hindi rin naman di ba?"
"Pero kung ibabaling ko ang atensyon ko sa kanya, may pag-asang mahalin ko rin sya. Pwedeng sa
kanya mapunta yung pagmamahal nanararamdan ko sa ibang tao."
"Kung may pag-asang mahalin mo ang taong nagmamahal sayo, edi may posibilidad din na mahalin
ako ng taong mahal ko. Kaya hihintayin ko na lang yug panahon na yun. Yung mamahalin din niya
ako."
"Bakit ka pa maghihintay kung alam mo nalang may isang taong handang mahalin ka?"
"Ayoko naman kasing saktan yung tao na yun kung sakaling hindi dumating ang araw na mahalin ko
siya. Ayos na na ako lang ang nasasaktan. Hindi yung dadamay ko pa ang ibang tao sa kasawian
ko."
"Pero the mere fact na di mo siya binigyan mg chance, sinaktan mo na siya di ba?"
"Either way, masasaktan siya. Pero hindi ko naman na hahayaang patagalin pa yung sufferings
niya. Mas maayos na hanggang maaga pa, masabi ko na na hindi talaga pwede para hindi na sya
umasa pa."
"Sorry po Ms."
"Opo."
"Good. Nga pala. We're having a debate here about love. Choose which side you want. Either the
one you love or the that loves you. As for you class, proceed."
Nagpatuloy na nga ang debate. Napatingin ako kay Josh at halos manlamig ako ng makitang
nakatitig sya sakin. Agad akong umiwas ng tingin. Wala rin siyang piniling side. Nasa may
pagitan lang sya. Pwede pala yun?
"At bakit?"
"Sorry po ma'am if it sounds rude. Pero po kasi wala po talaga akong pakialam. Kasi po.. mahal
naman ako ng taong mahal ko. Kaya kahit anong piliin ko dyan, okay lang." nagtilian ang mga
kaklase ko at napangiti naman si ma'am. Ang saya nila. Bakit ako hindi? Masakit kaya. Yung
malaman mong may mahal ang taong mahal mo at mahal din sya ng taong yun.
Nakatingin lang ako sa kanya. Maya maya bigla siyang lumingon sakin at ngumiti, "Totoo naman di
ba? Mahal mo rin naman ako di ba Sab?"
***
Guys, I've posted another story. Story naman siya ni Cass at ni Manager. Sana suportahan niyo
rin yun. Click the external link na lang or punta na lang kayong profile ko para makita yung
new story ko. "Thr Love Project" nga pala title nun. :)
Pero may tanong ako, kayo? Saang side kayo? The one you love? or the one that loves you? :)
*******************************************
[53] Chapter 51 - Deny
*******************************************
Sab's POV
Napalunok ako. Anong sasabihin ko? Pero teka. Mahal mo RIN? Rin? As in rin?
"He overheard us awhile ago." bulong sakin ni Zoe. Kaya pala. Narinig nya. T.T
"CR lang po ako." sabi ko at agad tumakbo palabas ng room. Narinig ko ngang tinatawag nila ako
pero di ko sila pinansin.
Halaaa. Narinig niya ako kanina. Alam nyang mahal ko siya. Nakakahiya. T.T
Napahinto ako sa pagtakbo ng may humawak sa braso ko at hinarap ako sa kanya kung sino man sya.
"Ano -- " naputol ako sa sasabihin ko ng makita ko kung sino nasa harap ko.
"Bakit ka ba tumakbo? Lagi ka na lang bang ganyan? Tatakbuhan ako. Idadahilan na magcCR kahit
hindi naman?!"
"Sab naman. Umayos ka naman please." nanatili lang akong nakatingin sa kanya. "Narinig ko kayo
kanina ni Zoe. Di ko naman sinasadya e. Pero.. totoo ba yung sinabi mo?"
"A-alin?" ay tanga lang. Bakit ko ba tinanong pa yun? Gumagawa ka lang ng kahihiyan Sab e!!
"Ha? Sinabi ko ba yun?" nakita kong nalungkot yung itsura nya. Ay. Ang mean ko. :(
Maya maya, tumawa sya. Pero halatang pilit. "Haha. Asa pa nga naman ako di ba? You hate me.
Paano nga namang mamahalin mo ko di ba? Sorry kung nag-assume ako. Akala ko kasi you feel the
same way. I guess I was wrong."
Napakagat na lang ako sa labi ko. Nakikita ko kasing mukhang nasasaktan sya.
"Pero Sab, eto na rin naman ako.. aamin na ko. Mahal kita. Nakakatawa di ba? I fell in love
with my enemy."
"Josh -- "
"Sige Sab. Okay lang naman e. Gusto ko lang malaman mong mahal kita. Malaman mo lang ayos na
ko. Hindi rin naman ako naghihintay ng kapalit e. Hayaan mo lang akong mahalin ka, ayos na."
pagkasabi nya nyan, ngumiti sya sakin. Ngiting may halong lungkot at tumalikod.
Hala?
Aba. Ayaw mo talaga ha? Hinubad ko yung isang sapatos ko at binato sa kanya. Bull's eye. Sakto
sa ulo.
Napahawak sya sa ulo niya at humarap sakin. "Aray naman Sab. Masakit na nga yung puso ko pati
ba naman ulo ko sinaktan mo pa. Ganyan ka ba talaga kagalit sakin?" sabi niya habang lumalapit
sakin.
"Do you really loathed me that much? Pakiramdam ko nagkabukol na ko. Alam mo, kahit
napakasadista mo ewan ko ba kung bakit mahal pa rin kita. At kahit na binato mo pa ko ng
sapatos, walang magbabago sa nararamdaman ko sayo. Kahit isang buong shoe shop pa ang ibato mo
sakin, hindi yan makakaapekto sa nararamdaman ko sayo. Kasi nga -- " natahimik sya ng tinakpan
ko ying bibig niya.
"Alam mo minsan hindi ko alam kung sino satin ang babae. Napakaingay mo e. Pwede bang
magsalita?" tumango naman siya.
"Wala naman ako sinabing hindi totoo yung sinabi mo kanina e. Todo emote ka pa dyan. Ang arte
arte mo pa. Mahal din naman kaya kita."
"T-totoo?"
Nagulat ako ng bigla siyang ngumisi at tumingin sakin ng nakalaloko, "Sabi na e. May hidden
desire ka sakin." sabi niya pa ng pababa taas baba taas ang kilay.
"Ah ganun? Hindi. Wala. Wala. Hindi na. Kalimutan mo na sinabi ko. Wala lang yun. Hindi talaga
yun totoo." sabi ko sa kanya at naglakad papalayo.
"SAAAAB!"
"Sapatos mo nakalimutan mo!" ay leche! Mainam talaga e. Walk out na ang peg ko naiwan ko pa
sapatos ko. Bwisit.
Agad agad akong lumapit sa kanya at hinila ang sapatos kong hawak niya. Tatalikod na sana ako
ng hinila niya ang kamay ko at niyakap ako.
"Bitaw na. Tsansing." sabi ko sa kanya. Galit galitan ako e. Kaya di ko rin sya niyayakap.
"Mamaya na. Ganto muna tayo." tss. Ayaw umayos ng bakulaw na 'to e. Kinikilig na ko ha.
At dahil sa kinikilig ako sa kanya, niyakap ko na rin sya. Nung niyakap ko siya, mas humigpit
pa ang pagkakayakap nya sakin.
"I love you halimaw." medyo natawa naman ako sa sinabi nya. Makahalimaw to. Haha.
Bumitaw na kami sa yakap. Hinawakan niya ang balikat ko at tiningnan ako. "Nag-i love you too
ka na. Tayo na ha." natawa naman ako sa sinabi nya kaya napatango na lang ako. Wala ng ligaw
ligaw. Tutal magkakilala naman na talaga kami e.
Hawak kamay kaming bumalik ng classroom. Pagpasok namin wala na yung teacher. Nagpunta lang
kami sa pwesto namin. Lumapit naman yung anim.
"Hoy Sab. Ang bilis naman. Dapat nagpaligaw ka." sabi ni Ayu.
"Oo nga Sab. Hindi mo ba alam na ang babaeng pinaghihirapan, hindi pinapakawalan. Narinig ko
lang yan sa TV." sabi naman ni Zoe.
"Ay ganun ba dapat?" tanong ko sa kanila. Humarap ako kay Josh, "Josh, break -- "
"Magtigil ka Sab. Wala ng bawian. Saka wag kang mag-alala, liligawan naman kita habamg buhay
kahit tayo na e."
Tumingin naman sakin si Josh at ngumiti saka hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Haay. Who
would have thought na yung kaaway ko pa pala ang magiging boyfriend ko?
***
Yannie's POV
"Yaaaaaannnniiiiieee."
"Ayoko sa kanila."
"Choosy ka pa."
"Ikaw na lang kasi. Ikaw gusto ko kasama e. Hindi naman sila. Pleeeease?" sabi pa nya habang
nag puppy eyes.
Paano ba naman ako tatanggi kung ganyan sya? "Fine. You win." sabi ko at tumayo na.
Nauna akong maglakad pero nakahabol sya at umakbay sakin. Pinisil nya yung pisngi ko, "Sabi na
di mo ko matitiis e."
Habang naglalakad kami sa may hallway nakaakbay pa rin siya sakin. May mga babae rin na halata
mong nagpapacute dito kay Xander. Cassanova nga pala 'to dati. Nakalimutan ko. Kaya maraming
nagpapantasya.
May ibang babae pa ngang tumitili sa kanya at kung makatitig akala mo lulusawin tong si Xander
e. Kung hilahin ko kaya mga throat nila at dukutin ko mga mata? Imbyerna.
"Ha? Wala. Guni guni mo lang yun." hinigpitan nya ang pagkakaakbay sakin at ginulo ang buhok
ko.
***
Sabado ngayon at niyaya ako ni Xander magpuntang mall. Wala naman akong ginagawa kaya sumama
ako.
Habang nakapila at nagtuturo si Xander ng mga type nyang kainin, may babaeng grabe lang kung
makatitig sa kanya.
Kapal ng mukha nito. Mukha namang coloring book ang mukha. Tsk.
"Anong orderin mo Da?" tanong ko kay Xander. Medyo kumunot noo niya. "Daddy." medyo
pagpaparinig ko sa babae.
Napangisi naman siya bigla, "Hindi ko pa alam MA e. Pero kung anong sayo, ayun na lang din
akin." nginitian ko naman sya.
"Ay, taken na pala si pogi. Mukhang maagang natali." dinig kong sabi nung babaeng coloring book
sa kasama nya.
Lumapit at dumikit naman sakin si Xander, "Selosa ka talaga." bulong nya at kiniss ako sa
pisngi.
Hindi na naman kami sumunod sa rule. Tsk. Malapit nang matapos ang fake relationship namin. Sa
remaining days namin together, how many rules are we going to break again?
***
Isa lang ang official fan page ng Teen Clash. Click the external link na lang. Walang account
ang mga characters at nag-iisa lang ang pinayagan kong fan page ng Teen Clash.
Konti na lang pala mag-e-end na yung deal namin ni Yannie. Astig lang. Nakatagal ako ng two
months sa iisang babae lang. Achievement. Kaya lang, kung matatapos na yung deal namin, hindi
na magiging kami. Hay ewan. Hindi pa naman tapos kaya bakit ko ba iisipin agad yun?
"Woooooo! Shot!" sigaw ni Manager Ry. Binatukan naman sya ni Ate Cass.
"Hoy Ry. Ano ba yan? Kitang mga HS lang mga yan pinapainom mo na agad ng kung anu-ano."
"Chill Cass. Joke lang. Eto naman. Hindi naman alcohol 'to e." sagot naman ni Manager Ry at
Natawa na lang kaming walo sa dalawang matandang nasa harap namin. Oo, di pa sila ganun katanda
pero kung ikukumpara samin, matanda na sila.
"Grabe. After months of bangayan, nagkatuluyan na rin kayo sa wakas." sabi ni Zoe na kinikilig
kilig pa.
"True! Akala ko forever na lang kayo mag-aaway at magdedeny sa mga feelings niyo e." dagdag pa
ni Ayu.
"Alam niyo kasi.. medyo tinetest ko lang yang si Sab e. Tinitingnan ko kung gaano katagal niya
kayang pigilan yung nararamdaman niya. Medyo mas maaga nga syang umamin kaysa sa inaasahan ko.
Baka hindi kinaya yung kagwapu -- ARAY NAMAN!" natawa naman kami sa dalawa. Paano naman kasi
binato ni Sab sa ulo ni Josh yung bag niya.
"Manahimik ka nga dyan kasi. Imbento ka e! Sino kaya yung habang nagdedebate sa classroom
biglang babanat ng taldndoxosla." tinakpan naman agad ni Josh yung bibig ni Sab kaya lalo
kaming natawa sa kanila.
"Wag mo ng balikan ang nakaraan." bulong pa nya kay Sab pero narinig naman namin.
Kinagat ni Sab yung kamay ni Josh, "Ah ganun? Bakit kinakahiya mo ba yun? Nako. Hinayapuk kang
bakulaw ka e. Sabi na e. Hindi mo talaga ako ma -- "
"Yiiiiiii." sigawan naman nung mga babae. Kami naman natatawa na lang sa inaasta ng dalawang
'to. Mga hindi mabubuhay ng hindi nag-aaway e. Hahaha.
Oo nga pala. Kaya kami nasa No Name ay para sa double celebration ng pagiging mag-on ni Sab at
Josh pati na rin nila Ayu at Ken. Late na nga e. Pero better later than never.
Tiningnan ko si Yannie, parang hindi siya masyadong nagsasalita ngayon. Pero nakikitawa naman
sya sa iba.
"Okay ka lang?"
"Tara?"
"Saan pupunta?"
"Okay." lumingon sya sa mga kasamahan namin at nagpaalam, "Guys. Labas lang kami saglit ha?"
"Oo naman." sakay ko sa trip niya kaya ayun, nakatanggap ako ng palo kay Yannie.
Habang palabas kami ng No Name, may mga lalaking halos lusawin si Yannie kung makatingin.
Inakbayan ko si Yannie para malaman ng mga siraulong yun na may kasama sya.
Tumingala ako. Ang dami palang stars, "Oo nga." sagot ko sa kanya.
Tinitigan ko sya habang sya naman nakatingala at nakatingin pa rin sa mga stars, "Anong gagawin
mo pagkatapos nito?"
"Hindi. Ibig kong sabihin, yung pagtapos nitong deal natin. Kapag hindi na tayo." pagsabi ko
niyan, lumingon na sya sakin.
Nag-iwas ako ng tingin ko sa kanya at sumandal na lang sa maya bench, "Hindi ko alam."
"Let's just make our remaining days together memorable." sabi ko sa kanya at hinawakan ang
kamay niya.
Ilang minuto lang din ang lumipas ng maisipan naming bumalik sa loob.
"Hahahahahaha. Kasi naman, ilang months ang lumipas bago umamin yang si Ice e. Saksakan ng
torpe."
Mukhang inaasar nila Ken si Ice ha. Umupo ako at nagtanong na sa kanila, "Anong trip niyo?"
"Mga g*go kayo. Ako na naman trip niyo." cool lang na sabi ni Ice.
"E paano naman kasi napakabagal mo. Kilalang leader ng clash dati pero saksakan naman pala ng
torpe. Hahahahahaha."
"Umamin naman sya ha." defend ni Ayu kay Ice laban kay Josh.
"Oo nga naman Josh. Umamin naman si Ice e. Ayun ang mahalaga." biglang panig ni Ken kay Ayu at
panglalaglag niya kay Josh.
"Panig si Ayu kay Ice e. Kaya panig na rin ako dito. Kaya mo na yan." tango ni Ken kay Josh.
"Siraulo!"
"Itigil niyo na nga kasi yang pangbwibwisit kay Ice." sabat ni Zoe.
Tumingin naman kaming lahat sa kanya, "Yiii. Pinagtatanggol." sabi pa ni Sab habang tinutusok
sa tagiliran si Zoe.
"Masama? Tss. Ano naman kung torpe? At least nagawa pa rin makaamin. Di ba Ice?" sabi pa ni Zoe
at siniko si Ice.
"Dyan lang kayo. May gagawin ako." paalam ni Ice sabay tayo at pumunta ng may stage.
"Ano gagawin niyan?" tanong ni Ate Cass. Pero wala namang nakakaalam ng gagawin ni Ice e.
Kinakausp lang niya yung mga tumutugtog tapos nagbabaan na sila ng stage. Naiwan si Ice sa may
stage. Sinuot niya yung isang gitara at tumapat sa mic.
"Good evening. Alam ko hindi ako yung dapat tumutugtog ngayon kasi pang Tuesday at Thursday ako
kung di niyo maitatanong. Pero trip ko kumanta ngayon kaya pagpasensyahan niyo na ko."
nagtawanan naman kami at ang iba pang mga tao sa ginagawa nitong si Ice.
"Nakkita niyo po ba yung babeng yun?" sabay turo niya kay Zoe. Nagulat naman bigla si Zoe at
napaturo sa sarili niya na naging dahilan ng pagtawa ni Ice.
Bigla namang nagsigawan yung mga tao. Sobrang lakas ng sigawan na halos wala ka ng maririnig
pang iba. Tinulak tulak naman ni Ayu, Sab, Yannie at Ate Cass si Zoe.
***
Zoe's POV
"Grabe bruha ka! Ang haba ng buhok mo. Taray mo girl!" sabi sakin ni Sab habang tinutulak tulak
pa ko.
Nakakainis naman si Ice. Bakit ganyan siya? Hindi ba niya alam na kinikilig ako sa ginagawa
niya. Lalabas na ata yung puso ko.
Nakatitig lang ako kay Ice nasa may stage. Ngumiti siya sakin at nagsimula nang tumugtog.
Pagtapos nilang kumanta, lumapit agad si Ice sakin, "Kinilig ka 'no?" tanong niya sabay ngisi.
"Sus. Ayaw pa umamin nagblablush naman." napahawak ako bigla sa pisngi ko na naging dahilan ng
pagtawa niya.
Pinalo ko siya sa may balikat niya na lalong naging dahilan ng pagtawa niya. "Kainis to."
"Buti naman. Pero totoo mga sinabi ko sa stage ha." sabi pa niya sabay kindat.
***
Yannie's POV
NagCR ako matapos tumugtog nila Ice. Ang sweet lang ni Ice. Nakakatuwa.
Pabalik sana ako ng table namin ng makita ko si Xander na may kausap na babae. Nag-iinit ang
ulo ko. May papalo palo pa 'tong babae kay Xander. Eto namang lalaki nakikitawa pa. Bwisit.
"Ang pogi mo naman kuya. May girlfriend ka ba?" ay malandi tong haliparot na 'to.
"Wala naman." WHAT?! Ayos ha. Break na pala kami pero sya lang ang may alam.
Sa sobrang inis ko lumabas ako ng No Name. Pumulot ako ng bato at binalibag yun.
"Kainis. Kainis. Napakalandi niyong dalawa. Magsama kayo!" sabi ko sa sarili ko habang
pumapadyak padyak pa. "Ugh! Nakakainis. Bwisit talaga."
"Relax Miss." napalingon ako sa nagsalita. Okay. Stranger. "Sa kinikilos mo mukhang niloko ka
ng boyfriend mo."
"You see, I have this fake boyfriend. Playboy. Kanina I saw her with some.. bitch." hindi ko
alam pero sa sobrang inis ko nagagawa ko magkwento sa hindi ko kakilala.
"Yeah right. Nakikipag-usap lang sya. Pero alam mo kung anong kinaiinis ko? Wala raw syang
girlfriend sabi niya. Ugh!"
"See?"
"Pero at some point, tama rin naman sya. Technically, wala syang girlfriend. Fake lang kayo di
ba?"
Fake. He's right. Fake lang kami. At kung magkagusto man sya sa iba, wala naman akong karapatan
sa kanya. Kasi nga fake lang kami.
"What?"
Ngumiti lang sya at ginulo ang buhok ko, "Wala. Sabi ko ang cute mo."
Nagulat na lang ako ng may biglang humila sakin. Pero ano ang mas nakakagulat? Yun ay yung
hinalikan niya ko.
Hindi ko alam pero bigla na lang ako napapikit. When he broke the kiss, tumingin sya sakin,
"Kanina pa kita hinahanap MA. Andito ka lang pala. Namiss agad kita ha." Tapos ay tumingin sya
sa lalaking kausap ko kanina.
"Mukhang kailangan nyong mag-usap." sabi nung lalaki at kumaway lang sakin pagtapos ay umalis
na.
Sinamaan ko lang ng tingin si Xander, "You broke another rule." sabay lakad.
"Wala."
Tinitigan niya ko, maya maya ay binitawan din niya at biglang tumawa ng malakas.
Lalakad na ulit sana ako palayo pero pinigilan ulit nya ko. Kasabay ng pagpipigil niya sa tawa
niya.
"What?! Selos mo mukha mo. Bitawan mo na nga ako." nagpupumiglas ako pero di nya ko
binibitawan.
"Sabihin mo na kasi."
"Sabihin mo lang kung sino pinagseselosan mo, lalayuan ko siya para sa'yo."
Napatulala na lang ako sa sinabi ni Xander. Bigla rin tumibok ng sobrang bilis ang puso ko.
Pakiramam ko rin may nagliliparan na kung ano sa tyan ko.
Ngumiti si Xander at inakbayan ako, "Selosa ka talaga e." bulong niya sakin at sinama na ako
papasok ng No Name.
Bago makabalik sa table, natatanaw ko na yung babaeng haliparot. Bigla siyang napatingin sa
side namin ni Xander at kumaway. Seriously? The nerve of this woman. Lalapitan niya pa si
Xander kitang may kasama na oh. Nakaakbay na nga e.
"Wala. Sabi ko kasi sa kanya wala akong girlfriend. Asawa lang kako ang meron. Di ba Ma?"
natatawa pa nyang sabi.
Asawa? Nababaliw na ata tong si Xander. Matatapos na nga ang fake relationship namin biglang
magboyfriend girlfriend, gusto pa atang gumawa na bagong deal. Pero asawa? Not bad huh. Ay
teka. Ano ba 'tong iniisip ko? Umayos ka Yannie.
*******************************************
[55] Chapter 53 - Walk out
*******************************************
Yannie's POV
Madaling araw na nang matapos kaming magparty o kung ano man. Nagkanyakanya yung boys sa
paghatid sa amin.
Medyo malapit na kami sa bahay kaya natatanaw ko na sila habang nagpapaalaman. Medyo nahuli
kasi kami ni Xander.
Humarap ako sa kanya. Nakapamulsa siya at nakatingin lang sakin habang nakangiti. Pakiramdam ko
bumilis tibok ng puso ko pero hindi ko yun pinahalata sa kanya.
Pero may sapak ata 'to at hindi ako sinagot. Nakatitig pa rin siya at nakangiti sakin.
"Naman ee." sabi ko sa kanya at tinakpan ko yung mata niya. Natawa naman siya at tinanggal yung
pagkakatakip ko sa mata niya pero hindi na niya binitawan ang kamay ko.
"Bakit ba? Haha. Ang sarap mo lang kasi tingnan." nginitian niya ulit ako pero inirapan ko lang
siya.
"Umuwi ka na nga." sabi ko sa kanya at binabawi na yung kamay ko pero ayaw niyang bitawan.
Aww. Ang cute. Hinila ko na talaga yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya at pinisil ko yung
pisngi niya, "Drama mo. Late na kasi. Mahirapan ka pa umuwi."
"Concern? Yii." sabi niya at nagbaba taas pa ng kilay habang nakahawak sa pisngi niyang pinisil
ko.
"Bahala ka nga dyan." iiwan ko na sana siya ng hilahin niya ulit ako.
"HOY. Magtigil na kayong dalawang mag-asawa dyan. Late na. Maghiwalay na kayo. Xander, uwi!
Yannie, pasok!" sigaw ni Zoe na nakasilip sa may pinto.
Napatingin naman kami ni Xander sa kanya at natawa, "Opo, uuwi na." sagot ni Xander habang
natatawa pa. Sinara naman na ni Zoe yung pinto.
Naalala ko na naman tuloy yang asawa thingy na yan. Nalaman kasi ng mga kabarkada namin pati
nila Manager na sinabi ni Xander sa babae na asawa niya ko. Kaya panay tukso ang natanggap
namin sa kanila. Loko kasi tong si Xander. Asawa pa. Pwede namang girlfriend lang pakilala
sakin tutal ayun naman ang totoo. Ata?
"Sige. Ingat ka." nginitian ko lang sya at nagwave. Papasok na sana ako ng hilahin niya yung
kamay ko at niyakap ako.
"Ingat ka."
***
"Yo! Good morning." bati ni Josh sa amin at nilapag ang bag niya sa pwesto niya.
Kumaway naman kami sa kanya. Lumapit sya sa place namin at umupo sa tabi ni Sab.
"Samahan mo nga ako." sabi niya kay Sab. Pinapanuod lang namin sila nila Zoe at Ayu. Ewan ko
pero hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na hindi sila makitang nag-aaway.
"Saan ba?"
"Sa canteen. Hindi pa ko nagaalmusal e." pagsabi ni Josh nyan, pinalo sya ni Sab sa ulo. "Aray!
Sadista talaga. Tsk."
"Kasi naman bakit ba hindi ka nag-almusal? Tapos ngayon papasama sama ka sakin."
"E bakit ba? Excited akong makita ka e." natahimik na lang bigla si Sab sa sinabi ni Josh.
Nakakatawa lang itsura ni Sab. Hahaha. Nagpipigil na lang kami nila Ayu at Zoe ng tawa. Hahaha.
Ang cute lang. Kahit pala sila na, di pa rin matitigil bangayan nila. Ayos din e. :))
"Sige na. Ako na lang mag-isa kakain. Baka makaabala pa ko sa'yo." pag-iinarte ni Josh at
tumayo na. Papalabas na sana siya ng sigawan siya ni Sab.
Lumapit si Sab sa kanya, "Sandali. Sasamahan na kita." sabi ni Sab. Napangiti naman bigla si
Josh at hinawakan ang kamay ni Sab saka lumabas na ng room.
Napailing na lang ako sa kanila. Nakakatuwa kasi e. Kahit lagi silang nag-aaway, sa bandang
huli, nagbabati pa rin sila.
"Wala na naman daw tayong morning class." announce nung kaklase namin kaya napatingin kami
nila Ayu sa harap.
"Nag-aayos yung mga teachers para sa accreditation e." tumango na lang kami.
"Girls, anong balak niyo sa Christmas break?" tanong ni Zoe at inayos yung upuan niya paharap
sa chair namin ni Ayu.
"Uwi ako samin syempre. Namiss ko na parents ko pati kapatid ko e." sagot ko kay Zoe.
"Ako naman ganun din. Pero babalik ako satin ng 27." sabi naman ni Ayu.
"Parehas tayo. 27 din balik ko dito. Pero teka nga. Bakit ba pinag-uusapan natin 'to e ang aga
aga pa naman?"
"Anong outing yan?" tanong ng kakarating lang na si Xander. Kasama rin nya si Ken at Ice at
umupo sila sa tabi namin.
"Naalala ko lang kasi, di ba nanalo tayo sa contest noon? Yung sa akala nating nalulugi na yung
No Name pero di pa pala. Tutal wala na tayong pinaggamitan nung prize, what if gamitin na lang
natin yun para sa outing natin. Bonding na rin. What do you think?" tanong ni Zoe at ngiting
ngiti pa.
Napatango naman si Ayu sa naisip niya, "Agree ako dyan. Sama ako syempre."
"Great. Who's with us?" tanong ni Zoe. Nagtaasan naman kami ng kamay.
"Ano yan?" tanong ni Sab na nasa may pinto pa at umiinom ng Chuckie. Kasama nya si Josh.
***
Dahil nga sa wala kaming morning class, tumambay muna kami ni Xander kasama sila Ice at Zoe sa
likod ng school. Yung malapit sa may glasshouse na tinambayan din namin noon.
"Few more months and we'll bid goodbye to our highschool life." sabi ni Zoe.
"Mamimiss ko 'to. Kahit saglit pa lang tayo dito pakirdam ko buong buhay ko dito na ko nagaaral." sabi ko pa kay Zoe. Nginitian niya lang ako.
Naramdaman ko namang hinawakan ni Xander yung kamay ko. Tumingin ako sa kanya pero nakatingin
lang siya sa langit. Tumingin na lang din ako sa langit.
"Huh? May saranggola pa pala?" salita ulit ni Zoe at may tinuro siya. Napatingin naman ako sa
tinuro niya at napangiti.
"Naalala ko tuloy si Tom. Madalas kami magpalipad ng kite noon." napapangiti na lang ako as I
reminisced my days with Tom.
Umupo naman bigla si Ice at tumingin samin, "Who's Tom?" ay. Hindi pa nga pala nila alam yung
nangyari sakin noon.
"Anong nangyari?" bigla namang sinamaan ng tingin ni Zoe si Ice sa hindi malamang dahilan.
"No. Hindi ko naman sya makakalimutan. I miss him of course. May dumating mangbago, hindi mo pa
rin maiaalis sakin si Tom. He's my first love after all."
Nagulat naman ako ng bitawan bigla ni Xander ang kamay ko at tumayo bigla. Naglalakad na siya
paalis ng sumigaw si Ice, "Saan ka pupunta Xander?"
"Dyan lang." sagot niya at tinaas lang ang kamay. Ni hindi man lang sya lumingon samin.
"ARAY!" napatingin ako kay Ice na kakasigaw pa lang. Pinalo ata sya ni Zoe.
"Nakakainis ka!! Ang insensitive mo! Kanina pa kita tintingnan ng masama dahil dyan sa mga
tanong mo pero ayaw mo pa paawat. Alam mo dapat dyan sa bibig mo tinatahi e. Minsan ka na nga
lang mang-iintriga palpak pa!"
Napafacepalm na lang si Zoe, "Ugh! Katabi ni Yannie si Xander tapos itatanong mo yung mga
ganung bagay? Hello naman Ice?! Katabi yung boyfriend tapos magtatanong ka ng mga ganyan about
sa ex? Nag-iisip ka ba?"
"Grabe ka na Zoe ha. Syempre naman nag-iisip ako. Kaya lang sa tingin mo ba magfafunction pa ng
matino ang utak ko kung andyan ka sa tabi ko?! Syempre natutiliro rin ako." Yun lang. Kung di
lang nagwalk out si Xander malamang ko ba kinilig na ko e. Pero hindi e.
Nakikita ko namang namumula na si Zoe, "B-bakit.. ano.. Ay! Bahala ka nga dyan. Ewan ko sayo
Ice." sabi ni Zoe at nagwalk out.
"Ang gulo talagang ng mga babae." sabi lang ni Ice at hinabol si Zoe.
Nang mawala na sa paningin ko yung dalawa, humiga ulit ako at tumingin sa langit.
Bakit kaya naging ganun ang reaksyon ni Xander? Could it be -- hindi. Hindi. Imposible yun.
Pero bakit siya nagwalk out? Call of nature siguro? Or may gagawin lang siya? Tama. Tama. Ganun
nga siguro yun. May gagawin lang siya.
***
Sorry sa short update. Nga pala.. kung wala kayong magawa, pabasa na rin ng side story ng Teen
Clash. The Love Project yung title. Hihi. Thanks! :*
*******************************************
[56] Chapter 54 - Bitter
*******************************************
Xander's POV
"Hoy! Anong drama yan?" napatingin ako kay Ice na nasa may kwarto ko na pala. Hindi marunong
kumatok 'tong isang 'to.
"Edi ikaw lumayas. Ikaw nakaisip e." walangya 'to. Kapal ng mukha. Pinapalayas ako sa pamamahay
ko.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalaptop. Binuksan ko ang FB ni Yannie at
tiningnan ang albums.
Bakit ba ang ganda niya? Walang maipintas. Medyo mahilig din pala sya sa picture kahit papaano.
Huh? Teka. Ano 'to? Bakit paheart shape lang ang album title? Hindi ko alam kung ano ang sumapi
sa akin at binuksan ko ang album na yan.
"Ayan siguro si Tom." halos malaglag na ko sa upuan ko nung biglang nagsalita si Ice.
Umupo naman sya sa kama ko, "Bitter mo. Ikaw kaya sipain ko.
"Paki mo ba?" konti na lang talaga sisipain ko na palabas 'tong hayop na Ice na 'to.
"Tss."
"Psh. Stalker ka lang kasi. Pero alam mo, mukhang ang sweet nila Yannie at Tom noon 'no?"
"Daldal." ano ba kasing kinain ng walangyang 'to at ganto kadaldal ngayon? Bwisit.
"Hindi pa."
"Nakalimutan na nga sabi e! Bakit ba ang kulit mo?" sabi ko kay Ice at tumayo na sa kinauupuan
ko.
Tumingin lang siya sa akin. Maya maya biglang humagalpak ng tawa. Ano ba kasing problema nito?
Nakakabanas na.
"Alam mo halata ka e! Hahahahaha." sinamaan ko lang siya ng tingin. "May pa walk out walk out
ka pang nalalaman kanina. Hahahahhahahaha."
***
Yannie's POV
"Yannie nag-walk out daw si Xander kanina?" napatigil ako sa pagkain ng chocolate at napatingin
kay Ken na nagtatanong.
Nasa sala kami ngayon ng bahay namin. Kasama ko si Zoe at Ayu. Bumisita rin si Ken. Si Sab at
Josh baka may date. Yung dalawa namang lalaki malay ko kung nasaan.
"Si Zoe. At Ice." tumingin naman ako kay Zoe tapos sya tumingala lang.
"Wala. Okay lang naman kami e." okay nga lang ba kami?
"Ako nga ang nagsabi. Ibig sabihin, hindi siya nagpaalam sayo." pigilan niyo lang ako
papauwiinn ko na 'tong si Ken. Napakatsismoso kalalaking tao.
Pero walangya rin yung Xander na yun. Pagkatapos akong walk-out-an biglang hindi ako pinansin.
Hindi pa pumasok ng afternoon class kasi may importante raw pupuntahan. At take note, hindi
siya sakin nagpaalam. Hindi rin ako tinext o kung ano pa man. Nalaman ko lang dito kay Ken na
hindi na pala siya papasok. Kainis yun. Tss.
"Yannie, kung may buhay lang yung chocolate, malamang ko ba nagreklamo na yan at nasigawan ka
na." sabi ni Ayu at ngumuso lang. Tinuro yung chocolate.
Tiningnan ko naman yung chocolate. Napipi na. Masyado ko pala nadiinan pagkakahawak. Buti na
lang yung nasa lalalgyan pa yung napipi ko.
"Alam ko na kung bakit ka nawiwili sa chocolate ngayon. Pang-ilan mo na kasi yan." sabi ni Ken
at ngumiti ng nakakaloko.
"Kasi namimiss niya ang ka-sweet-an ni Xander. Bigla kasing naging cold sa kanya. Kaya ayan,
yung chocolate pinagdiskitahan. Saka comfort food niya malamang yang chocolate." sinamaan ko ng
tingin si Ken at binato ko yung throw pillow na nasa likod ko. Hindi siya yung maliit na throw
pillow ha. Yung malaki ang binato ko sa kanya. As in malaki.
"Aray." sabi niya. Pagbato ko kasi sakto sa ulo nya kaya yung ulo niya, nauntog sa pader. E
medyo nakatagilid siya, kaya ayun, yung gilid nung noo ang tumama sa kanya. Hinawakan naman
niya yung part na nuntog. Pati si Ayu hinimas yung nauntog.
"Luka ka Yannie! Pag nagkabukol 'to." inirapan ko lang siya. "Ako lang pwedeng magbigay ng
pahintulot kung kailan pwedeng saktan tong lalaking 'to 'no." kita mo tong si Ayu. Pinagpalit
ako sa boyfriend.
"Hahahahaha. Wala ka Yannie. Mas mahal na ni Ayu si Ken kesa sa'yo." isa pa 'tong si Zoe.
Gagatong pa.
"Isa ka pa Zoe! Mang-inis ka pa." binelatan ko si Zoe at nagmake face lang siya.
"Masakit?" tanong ni Ayu kay Ken habang hawak hawak pa niya yung mukha ni Ken.
Hindi sumagot si Ken at nakapikit lang. Bigla namang kiniss ni Ayu yung gilid ng noo ni Ken. Sa
may nauntog. Ngumiti naman bigla si Ken, dumilat at pininch ang mahkabilang pisngi ni Ayu.
Tumawa naman si Ayu at Ken, "Yannie, balibag mo pa nga sakin yung lahat ng unan niyo. Libre
kiss e."
"Oy! Libre ka dyan. Wala na. Last na yan." nagpout si Ken sa sinabi ni Ayu. Natawa na lang kami
ni Zoe. Ang kulit lang e. :))
"Kung saan saan na napunta ang usapan. Nililibang mo kami Yannie ha. So, bakit nga nagwalk-out
si Xander?" napairap na lang ako kay Ayu.
"Ako na nga sasagot!" sabi ni Zoe sabay taas ng kamay. "Kasi nga napag-usapan namin kanina si
Tom -- "
Tumingin muna sa akin si Ayu at tinanguan ko siya. Meaning, pwede nyang sabihin kay Ken kung
sino si Tom.
"Yannie's ex."
Tulad kanina, tiningnan ulit ako ni Ayu. At tumango lang ulit ako. "Hindi naman kasi sila
nagbreak. Tom, died. Car accident."
"As I was saying, tinanong ni Ice kung nakalimutan na raw ba ni Yannie si Tom. Ang sabi -- "
"P*CHA NAMAN KEN! MAYAYARI BA? MAGKWEKWENTO PA BA KO? ITANONG MO MUNA KAYA LAHAT NG ITATANONG
MO PARA SURE NA WALA NG IISTORBO!!" sigaw ni Zoe kay Ken.
"Chill naman. Highblood agad to. Sorry naman. Inhale. Exhale." sabi naman ni Ken kay Zoe habang
tinataas baba pa ang kamay.
Pinalo ni Ayu si Ken, "Kasi ikaw naman wag kang singit ng singit. Patapusin mo si Zoe."
"Magkwekwento na ulit ako. Wala ng eepal ha." sabi ni Zoe at tumingin kay Ken. "Ayun nga.
Tinanong sya ni Ice kung nakalimutan na raw ba niya si Tom. Sabi niya.. sandali. Hindi ganto
yung mismong sinabi ni Yannie ha. Pero parang ganto na rin ang meaning.. sabi niya, hindi raw.
Hindi na niya makakalimutan si Tom. At namimiss din niya si Tom."
"Oo. Bakit? Talaga naman kasi. Tom is a part of me kaya kahit anong mangyari I will not forget
him. Never. He's my first love nga di ba?" pagpapaliwanag ko sa kanila.
"Bagay nga kayo ni Ken. Parehas mahilig umistorbo sa mga eksena." sabi ni Zoe. Natawa naman ako
dun pati si Ken. Sumimangot naman si Ayu kay Zoe.
Hinila ni Ken si Ayu kaya napaupo si Ayu at inakbayan niya, "Okay lang yun 'no. At least bagay
pa rin tayo."
"Hoy Yannie! Tumigil ka nga dyan. Napaghahalata talaga yang kabitter-an mo. Wag mo silang
pakialaman kung sweet sila." okay. Pinagalitan pa ko ni Zoe.
"Pero alam mo Yannie, kung ako man ang nakarinig nun, ganun din gagawin ko. Kunyari may ex
'tong si Ayu at narinig kong sinabi niya na namimiss niya yung ex nya at di niya yun
makakalimutan, malamang ko ba lalayasan ko rin 'to."
"Bakit ba naman kasi kailangan pang magwalk-out? Pwede naman sabihin kung ano ang problema."
pangangatwiran ko.
Napalingon naman ako kay Zoe na biglang sumigaw at tumayo at nanggulo ng buhok niya, "Yannie!
Yannie! Yannie! Hindi ko alam kung tanga ka ba o nagtatanga-tangahan! Malamang aalis yun kasi
nga nagseselos. Ipamukha mo ba naman sa kanya na hindi ka pa nakakamove on dyan sa ex mo. Nasan
bang lupalop ng galaxy yang utak mo? Ha?" aray naman.
Umupo siya at huminga ng malalim. Pero maya-maya, tumayo rin sya ulit, "Nasaktan yung tao kaya
siya umalis. Hindi naman siguro siya tanga para magpretend na okay lang kahit narinig niya yung
mga sinabi mo kanina."
"Alam mo yung feeling na ikaw yung nandyan, ikaw yung katabi, ikaw yung kasama, pero yung puso
at isip niya nasa iba naman pala?" tanong ni Ayu.
"Ganun ang naramdaman niya. Nasaktan siya syempre Yannie." dagdag pa ni Ken.
Bakit? Hindi naman kasi sinasabi sakin ni Xander ang nararamdaman niya. Hindi ko tuloy alam
"KASI NGA MAHAL KA NIYA!!!" sabay sabay na sigaw nilang tatlo sakin.
*******************************************
[57] Chapter 55 - Words and actions
*******************************************
Parang si Sunako si Yannie sa picture niya sa gilid. :))
Yannie's POV
Tumango lang ako. Kasabay ko sila ni Ken pagpasok. Oo. Extra ang dating ko sa dalawa. Pero
anong magagawa ko? Pinilit nila ako e. Kesa naman daw mag-isa akong pumasok, edi sumabay na
lang ako sa kanila.
Si Xander? Psh. Ewan ko kung saang lupalop na nagpunta. Baka kinain na ng mga cannibals yun.
Wala akong pakialam sa kanya.
Napatingin ako kay Ken na nakatingin sa may rear view mirror. Pinalo naman siya ni Ayu sa
braso.
"Aray naman Ayu. Totoo naman kasi. Nagsasalita na kayang mag-isa yang kaibigan mo. Hindi mo ba
narinig yung sinabi? Wala raw siyang pakialam." huh? Nasabi ko ba ang iniisip ko? Tsk. Ipatahi
ko na kaya bunganga ko.
"Narinig. Pero hayaan mo na. Bigla kayang naging cold sa kanya si Xander. Kahapon hindi siya
hinatid. Tapos ngayon hindi sinundo. At ang masaklap pa dun, hindi siya yung nagsasabi kay
Yannie kung susunduin ba siya o hindi. Sayo sinasabi ni Xander."
"Alam mo naman. Nagseselos nga kasi. Saka baka sinasanay na niya yung sarili niya."
"Sinasanay saan?"
"Sinasanay ang sarili niyang wala si Yannie sa tabi niya. Matatapos na ang deal nila di ba?"
"Oo nga pala. Almost two weeks na lang ang natitira sa deal nila."
"Syempre after two weeks, balik na sila sa single life nila. Kaya siguro ngayon pa lang
sinasanay na niyang maging mag-isa. Yung single. Tutal dun din naman ang tuloy nila."
Makapag-usap 'tong dalawang 'to kala mo wala ako dito ha. Tsk. "Wow naman. Nahiya ako sa inyo.
Makapagchismisan lang parang wala ang topic niyo dito."
Agad naman napatingin sa akin si Ayu at ngumiti. Awkward smile nga lang. Hindi ko na lang sila
pinansin at tumingin sa may labas ng bintana.
Sinasanay ang sariling mag-isa? Single life? E bakit hindi na lang kaya magbreak na kami ngayon
mismo para single na talaga siya. Bwisit.
Nang makarating kaming room, andun na pala ang apat. Umupo ako sa tabi ni Zoe, "Yannie hindi
naman masamang matulog. Sana triny mo." seryosong sabi niya habang nakatitig sa mukha ko.
"How bakulaw. Maganda ako kahit anong sabihin mo. Saka isa pa, maganda naman siguro taste mo
kaya girlfriend mo ko ngayon."
"Maganda ang taste ko. Magandang babae. Matalino. Sexy. Mabait. Ganyan mga trip ko e."
"HA! I know. Kaya nga tingnan mo kung sinong girlfriend mo. Ako. Oha." proud na sabi ni Sab kay
Josh.
At ayan na. Nagsimula na po ang world war 3. Sinasabunutan na ni Sab si Josh at nagsisigawan na
sila. Natatawa naman kami sa kanilang dalawa. Ang kulit lang kasi.
Nahinto ako sa pagtawa ng may pumasok sa calssroom. Napatingin ako sa kanya. Natingin din sya
sakin pero ang cold ng expression niya. Agad din siyang umiwas ng tingin, dumiretsyo sa upuan
niya at dinukdok ang ulo sa desk. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.
"Anong problema nun?" inalis ko na ang tingin ko sa kanya at nilipat kay Josh na nagtanong
sabay kibit balikat.
Natahimik sila at tumingin sa akin. Alam ko namang alam nilang may mali e. Pero kung ganto ang
inaasta ni Xander, hindi ko naman siya masisisi. Kung nasakatan ko nga siya, may karapatan nga
siguro siyang gawin 'to sakin.
Nang magbreak na at matapos ang morning class, tumambay ako sa may bleacher ng field at nanuod
lang ng mga naglalaro. Pero hindi ko magawang magfocus sa panunuod. Lumilipad ang utak ko.
Nakakabaliw na ata 'to.
"Sana maging okay na kayo. Two weeks na lang oh." napabuntong hininga ako at napasandal.
"Gusto ko man yan e. Yung maging okay na kami. Pero wala. Galit siya sakin. Kahit hindi niya
sabihin yun, nararamdaman ko naman."
"Hindi ko naman siya masisisi Ken. Galit, selos, tampo. Kahit na ano pa yan, ayos lang. Lahat
yan may karapatan siyang maramdaman. Kasalanan ko naman din kasi kung bakit siya ganun sakin.
Insensitive kasi ako. Kaya lang -- "
"Hindi ka rin naman pwedeng sisihin Yannie. Hindi mo pwedeng sabihing kasalanan mo yan. Kasi
hindi mo alam kung ano ang nararamdaman niya. Natural na rin siguro na hindi mo alam kung ano
saloobin miya, kasi hindi nga naman niya sinasabi yun sa'yo." pero parang ako talaga ang mali.
Ako ang nanakit. Hindi ko man ginusto, nagawa ko na.
"Words without action is useless and action without words is confusing." tiningnan ko siya.
Confusion all over my face.
Ngumiti siya sakin, "Ang ibig kong sabihin.. ang taong puro salita lang at walang ginagawa para
patunayan ang sinasabi niya, parang nagsisinungaling lang. Pero kung yung tao naman puro
actions lang at walang sinasabi sayo kung ano meaning ng ginagawa niya, hindi ba parang
nakakalito naman yun?" words and action?
"What I mean is that you can't put all the blame on yourself. Hindi mo naman kasalanan na
masaktan si Xander kung sakaling nasasaktan man siya ngayon di ba? Hindi mo naman kasi
intensyon yun. Nasabi mo lang na namiss mo si Tom kasi ayun ang totoo. Wala namang masama na
mamiss mo siya at sabihin mong hindi mo siya makakalimitan. Kaya lang kung ako si Xander,
malamang ganun din maging reaksyon ko. Kasi magseselos ako. Ang lagay kasi e parang wala lang
sayo ang lahat ng ginagawa ko."
"Kung sakaling alam mo ba nung panahong yun yung nararamdaman ni Xander, sasabihin mo ba yung
mga nasabi mo na?"
Kung sakaling alam ko yun? Ganun pa nga rin ba kaya ang sasabihin ko?
"Exactly. Kung alam mo yung nararamdaman niya at sinabi niya sayo yun, hindi mo sasabihin sa
harap niya na miss mo na si Tom. Pero dahil nga sa hindi mo alam, nagawa mong sabihin yun."
"What?"
Napabuntong hininga siya at napakamot sa ulo niya, "Ang gusto kong sabihin, hindi lang ikaw ang
may mali. Parehas kayo. Mali ka, kasi naging insensitive ka. Pero hindi ka rin naman masisi dun
kasi nga di mo alam yung nararamdaman niya. At ayun naman ang pagkakamali niya. Hindi niya
sinabi sayo yung nararamdaman niya kaya naguluhan ka kung anong ibig sabihin ng mga kinikilos
niya. Hindi mo alam kung totoo na ba o parte pa rin ng deal niyo."
***
Zoe's POV
Naglalakad kasi kami palabas ng building minus Xander at niloloko nila Josh at Ken si Ice
tungkol sa panliligaw niya sakin.
"Oo nga pre. Paano kung next year ka pa sagutin niyang si Zoe? Hihintayin mo pa rin ba?" tanong
naman ni Ken.
Bigla namang sumingit si Ayu sa usapan, "E kung mag break kaya muna tayo tapos manligaw ka ulit
sakin tapos next year na kita sagutin, tingnan natin kung maiinip ka. Para hindi ka na
nagtatanong lang? Para maexperience mo pa."
"Tama. Tapos tayo naman Josh magbreak din muna at try mong manligaw. Tingnan natin kung
hanggang saan ka tatagal." dagdag pa ni Sab.
"Joke lang!" sabay na sabi ni Josh at Ken at nilambing lambing yung dalawa.
Natawa na lang kami sa kanila. "Pero oo nga Ice. Hindi ka ba maiinip kung matagalan pa bago ka
sagutin ni Zoe."
Natawa sila sa naging reaksyon ni Ice. Maski ako natatawa rin pero syempre mas lamang yung
kilig na nararamdaman ko.
Nang makarating kami sa parking lot, sasakay na sana kami ni Yannie ng sasakayan ni Ice pero
bigla siyang huminto sa pagsakay. May tinitingnan kasi siya.
"Uy Yannie. Bakit -- " nahinto ako sa pagsasalita ng makita ko ang tinitingan niya.
Si Xander. Nakatambay sya sa harap ng sasakyan niya. Peo ang masaklap, may kasama siyang babae.
Babae niya. Nakaakbay pa siya sa babae at nakikipagharutan. NapakaPDA.
"Xander!" sigaw ni Josh nung makita si Xander. Napatingin naman siya agad. Walang expression
ang mukha niya. Tumango lang siya kay Josh at nanatiling nakaakbay sa babae.
"Sino yan?" dali daling lapit ni Sab kay Xander at tinuro yung babae.
"Schoolmate natin."
"Bakit ka nakaakbay?"
Tumalikod at naglakad na palayo si Josh at Sab kay Xander. Hindi na lang din namin siya
pinansin. Aakyat na sana kami ng sasakyan ng may makita na naman kaming di magandang eksena.
Hinalikan nung babae si Xander at hindi naman siya pinigil ni Xander.
Agad akong lumapit kay Yannie at inalalayan siya. Halata mo rin na nagtutubig na ang mata niya.
"Shit." sabi ni Sab at sumugod sa dalawa. Hinatak niya at pinaghiwalay yun sabay sampal kay
Xander. "Sana naghintay ka man lang na makaalis kami!! Hindi yang harap harapan mong gagawin
yan!! Last time I checked, may girlfriend ka!!!" galit na galit na sabi ni Sab. Hinila na siya
palayo ni Josh at Ken kasi hindi na talaga siya maawat.
"What's wrong with you Xander?! Bakit ka ba kasi nagkakaganyan?!" sigaw naman ni Ayu sa kanya.
"Andito si Yannie for Pete's sake!! Hindi mo ba naisip pwede nyang maramdaman?"
Tumingin si Xander kay Yannie, "Wala akong pakialam sa nararamdan niya." walang buhay niyang
sagot.
Umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko. Lalapit na sana ako kay Xander ng biglang hinawakan ni
Yannie ang kamay ko at narinig ko na lang ang pagkakasuntok ni Ice kay Xander.
"Baka sakaling matauhan ka dyan." sabi sa kanya ni Ice at iniwang nakaupo si Xander sa sahig
habang pinupunasan ang gilid ng labi niya na may dugo na.
Lumapit sa amin si Ice at inalalayan din niya si Yannie papasok ng kotse. Tumabi ako kay Yannie
na nakatulala lang.
"Sabi niyo mahal niya ko. Ganun ba siya magmahal? Kasi kung ganun, mas mabuti pang wag na lang
niya ko mahalin. Masakit pala Zoe." sabi niya kasabay ng pagtulo ng luha sa mata niya.
***
Wala pa akong madedicate-an nito since pito or anim pa lang ang nakakatama sa pinahula ko sa
page ng TC. Sabi ko yung pang-eight e. Haha. Ngayon alam niyo na yung sagot. Pero yung pangwalo
pa rin na makapagcomment ng sagot dun sa page yung pagdedicate-an ko. :))
*******************************************
[58] Chapter 56 - Girl Talk
*******************************************
Dedicated sa kanya kasi siya yung pangpitong nakahula ng tanong ko sa page ng TC. :)
Yannie's POV
Napairap ako sa naririnig ko. Malamang sa malamang iniispy-an ako nung tatlo. Hindi kasi ako
lumalabas sa kwarto ko. Siguro nasa may pinto yang mga yan ngayon at balak alamin kung paanong
pagmumukmok ang ginagawa ko.
"Grabe naman Zoe at Sab. Wala akong marinig napakaingay niyo naman kasi. Tatahimik ba kayo o
tatapalan ko ng tape yang bibig niyo?"
Hay nako. Masyadong halata 'tong mga babaeng 'to. Gabi-gabi na lang ba silang mag-iispy sakin?
Nakakainis na ha.
Dahil sa naubusan na ako ng pasensya, lumapit na ako sa pinto at binuksan ko yun. Sakto
pagbukas ko napadapa sa sahig si Sab at dinadaganan siya ni Zoe samantalang si Ayu naman
napastraight body at tumingala. Patay malisya.
"Ah. Eh. Hi Yannie. Sinusundan lang namin ni Sab yung mga langgam. He he he."
"Ah, oo nga." yumuko si Sab at tumingin sa sahig, "Nako. Nawala. Tumakbo na ata sila Zoe. Tara
na. Labas na ulit tayo." tumayo yung dalawa pero bago sila makalabas, nagsalita ako.
"Drop it girls. Ano kailangan niyo? Every night na lang ata kayo nakatambay dyan sa pinto ko."
Nagtinginan silang tatlo at parang nagtuturuan pa kung sino ang magsasalita. Napabuntong
hininga ako, "Nevermind. Tara na lang. Samahan niyo ko."
Hindi sila gumagalaw sa pwesto nila kaya nilingon ko sila, "Sasama ba kayo o hindi?"
***
Tiningnan niya sila Zoe na nasa likod ko na parang nagtataka. Napailing ako at nilagpasan na
lang si Manager at umupo sa stool sa bar.
Sumunod sila Ayu sa akin at umupo sa tabi ko. Si Manager Ry naman nagpunta sa bar sa harap
namin.
"Manager -- "
"Helloooooo Ryyyyyyyyy!" biglang sulpot ni Ate Cass na tumalon at pumasan kay Manager.
Natawa si Manager at niyakap si Ate Cass. Ang cute. Ang sweet lang naman nila. Naalala ko tuloy
si Xan --. Tss. Wala pala.
"Nag-aayang pumarty 'to." sabi ni Sab at tinuro ako. Nginitian ko naman si Ate Cass. Yung as in
malaking ngiti.
Hindi niya ko pinansin at tumingin siya kila Zoe, "Girls. Tara samin."
"Pakihila na lang yan. Sunod na kayo ha." sabi niya kila Ayu at tinuro ako. "Bye Ry. Talk to
you later." paalam niya at kiniss sa cheek si Manager. We used to be like that. Hay.
***
"Thank you po Manang." sagot ni Ate Cass at kinuha ang mga pagkain at alcohol na binigay ni
manang.
Nasa may kwarto kami ngayon ni Ate Cass. Hindi ko alam kung ano bang trip niya at dinala niya
kami dito.
"May puso naman ako kaya makakarelate din ako. Ate, sige na. Dito na muna ko. Pretty please?"
tanong ni Ashley at pinagdikit pa ang palad saka nagpacute.
Nagsalang ng dvd si Ate Cass at umupo sa may sahig. Sa tapat ng TV. Si Ashley, Zoe at Sab naman
nakadapa sa may kama habang nanunuod at kami naman ni Ayu ay nakatabi kay Ate Cass.
Natapos ang palabas nang hindi ko naintindihan yung pinanuod ko. Lumulutang na naman kasi diwa
ko. Tsk.
"Napakasweet lang nila 'no? Just like me and Ry. Hahahaha." biro ni Ate Cass.
"Magiging ganyan din kasweet si kuya Ice at Ate Zoe e." sabat ni Ashley.
Tumingin sila sa kin as if waiting for me to speak. Hay nako. Fine, "Yah yah. Ganyan din kami
kasweet ni Xande -- I mean Tom."
"Wait, what? Parang I heard you said Xander." pang-iintriga ni Ate Cass na sinang-ayunan naman
nung apat.
"Wala. Hindi ko sinabi yun. Si Tom ang sinabi ko. Si Tom lang naman kasi di ba ang naging
boyfriend ko?"
"Pero fake lang yun Ash e. Kaya hindi na counted." sabi ko sa kanya.
"Fake. Real. Parehas lang yan basta ba minahal mo yung nakarelasyon mo." sabi ni Zoe.
Sabagay. May point nga naman si Zoe. Kahit na ano pa yun, basta ba mahal -- Ha? Teka lang
naman. Mahal? Ano yun joke? Tss.
"Aahh. So magkaiba nga si Xander at Tom. Kasi si Tom minahal ko yun. Si Xander -- "
"Alam mo Yannie, pwede ka naman umalis sa deal na yan kahit noon pa e. Pero hindi mo ginawa.
Bakit? Kasi di ba napapalapit na yung loob mo sa kanya."
"Ngayon mo sabihin samin na lahat ng ginawa, pinakita at pinaramdam mo kay Xander ay puro parte
lang ng deal niyo." sabi ni Sab.
Hindi ko magawang sabihin yun. Napayuko ako at pilit sinasaksak sa isip ko yung mga sinabi nila
sakin.
"Nagseselos. Nag-aalala. Iniisip kung anong ginagawa niya. Sumasaya kapag kasama siya.
Nalulungkot kapag wala siya. Nasasaktan kapag may kasama siyang iba." sabi ni Ate Cass habang
kumakain pa ng chips. Napakunot noo ko sa sinabi niya. Hindi ko lang kasi talaga nagets.
Nilapag niya yung pinggan na may chips at humarap sakin, "Ganun nararamdaman mo para sa kanya
di ba?"
Iniwas ko lang ang tingin ko sa kanya kasi alam kong tama siya. Alam kong ganun nga ang
nararamdaman ko kay Xander.
"Stop Yannie. Puro ka Tom. Alam kong alam mo sa sarili mo na hindi na si Tom yang laman ng puso
mo pero pinipilit mo pa rin kasi ayaw mong aminin na may mahal ka ng iba. At hindi si Tom yun!"
sigaw sa akin ni Zoe. Nagbuntong hininga siya at umayos ng umupo, "Masyado mo kasing sinanay
ang sarili mo na si Tom lang ang mahal mo. Na siya lang ang kaya mong mahalin. Pero Yannie,
iniisip mo na lan yan ngayon e. Hindi mo na nararamdaman."
"Bakit hindi mo magawang aminin sa sarili mo na mahal mo na si Xander?" tanong naman ni Ayu.
Sa halip na sagutin ko sila, kinuha ko na lang ang isang bote ng beer at ininom yun. Ang duwag
ko lang. Sinusubukan kong takasan ang bawat binabato nila sa akin.
Hindi ko alam kung gaano katagal na kaming umiinom dito. Ang alam ko lang tahimik kami at
***
Zoe's POV
Kamina pa kami nag-iinuman pero hindi naman kami yung umiinom ng marami. Sakto lang kumbaga.
Pero si Yannie.. nakakailang bote na ba 'to? Hay.
Ang tahimik pa. Hindi sila mga nagsasalita. Kaya hindi na lang din ako magsasalita.
Nakakakabingi na yung katahimikan.
"Mahal ko siya." biglang sabi ni Yannie at saka tumungga ulit sa bote ng beer.
Nagkatinginan kaming lima. Finally. Eto lang talaga ang hinahantay namin e. Ang ilabas ni
Yannie yung nararamdan niya.
"Si Tom. Ex ko yun. Mahal ko yun. Pero dati. Hahahaha." sagot ni Yannie. "Yung sinasabi ko.. si
"Sa -- "
"Ssh. Teka lang. Ako lang muna magsasalita ha. Wag muna kayo." pagpapatahimik niya sa amin.
"Alam niyo kasi.. si Xander, playboy yun. Kaya ayoko dun. E tanga 'to." sabay turo niya sa may
puso niya, "Ayun. Nainlove sa playboy. Hahahaha. Tanga kasi."
"Kasi naman. Ang bait bait sakin nung bwisit na lalaking yun. Akala ko tuloy pwedeng may
nararamdaman din siya sakin. Pero nung isang linggo.. napatunayan kong wala naman pala. Hindi
pa nga tapos yung usapan namin na fake relationship pero nakahanap agad siya ng babae. Hindi
siguro nakatiis. Babaero kasi. Hahahaha."
Dinukdok niya yung mukha niya sa kama ni Ate Cass. Nasa lapag kasi kami umiinom. Sabi na e.
Maraming kinikimkim tong si Yannie. Kailangan pang nalalasing bago umamin.
Maya maya lang naririnig ko na yung paghikbi niya. Umayos na siya at humarap sa amin. Umiiyak
na.
"Ang sakit sakit pala. Akala ko wala lang e. Pero ang makita ko siyang may kasamang iba?
Pakshet lang. Parang tinutusok yung puso ko. Harap harapan pa. Umasa ako e. Umasa ako na baka
mahal niya rin ako. Umasa ako na baka totoo yung mga pinapakita niya. Umasa ako. Pero wala. Sa
bandang huli ako rin yung nasaktan."
"Pero kasalanan ko naman to di ba? Wala naman siyang sinabi na umasa ko. Wala siyang sinabi na,
'Yannie, bago matapos ang deal kalimutan mo si Tom at mainlove ka sakin. Tapos maiinlove din
ako sayo.' wala namang ganun e."
"Pasaway lang talaga tong bwisit na puso ko na walang ibang ginawa kundi ipahamak ako. Kaya
ayokong nagmamahal e. Lagi lang kasi akong masasaktan sa bandang huli."
***
Ice' POV
From: Zoe
Kinakausap na namin si Yannie. Wag ka na munang umuwi sa inyo. Kausapin mo na lang din muna si
Xander.
Nakila Ken ako nang matanggap ko ang text na yan ni Zoe. Agad akong napatayo at hinila palabas
si Ken ng bahay nila.
"Kila Xander." nang makalabas kami ng bahay nila, biglang sumulpot sa harap namin si Josh.
Nang makarating kami kila Xander, dumiretsyo agad kami sa kwarto niya. Walang katok katok.
Nagigitara lang siya at nakaupo sa kama niya. Nang makita niya kami wala man lang siyang
reaksyon. Hindi man lang siya nagulat o nagtaka na nandito kami. Tumingin lang siya saglit sa
amin at binalik ang tingin sa gitara niya.
Magbuhat nung eksena nung isang linggo, ngayon lang ulit kami magkakausap ni Xander. Naging
ilap kasi siya sa amin.
"Hindi mo man lang ba kami babatiin?" tanong ni Josh pero hindi siya pinansin ni Xander.
Nakakainis na. Tumayo ako, "ANO BANG PROBLEMA MO?! NASASAKTAN MO NA SI YANNIE!! UMIYAK SIYA NG
DAHIL SAYO!!"
Mukhang nagulat siya kaya napahinto siya sa pagigitara at humarap sa akin, "Umiiyak siya?"
"Bakit siya umiyak?" tanong ni Xander. Tss. Tapos ngayon ano? Magiging concern siya sa
nararamdaman ni Yannie? Kung kailan nasaktan na niya.
"Dalawa lang naman ang pwedeng dahilan kung bakit umiiyak ang isang tao. Una, kasi sobrang saya
niya. O pangalawa, kasi sobrang nasasaktan na siya." sabi ni Josh.
"Sa kaso ni Yannie, dun siya sa pangalawa. Umiyak siya kasi nasasaktan na siya. Nasasaktan siya
ng dahil sayo Xander."
"Sa tingin niyo ba siya lang ang nasasaktan? Na siya lang ang nahihirapan?" sagot sa amin ni
Xander na naging dahilan para magkatinginan kaming tatlo.
Ang ibig sabihin ba nito pati siya nasasaktan? Ano ba kasi ang nararamdaman niya?
"Hindi rin ako masaya na nagkakaganto kami ni Yannie ngayon. Pero alam ko naman na matatapos na
rin kami kaya habang mas maaga pa, sinasanay ko na ang sarili kong wala siya. Binabalik ko na
ang dating Xander bago pa kami pumasok sa deal na to. Para habang mas maaga, mas mapapadali ang
paglayo namin sa isa't isa."
***
Picture ni Ashley sa gilid. Wala lang. Namiss ko lang maglagay ng picture niya. :))
*******************************************
[59] Chapter 57 - Rule breaker
*******************************************
Ipagpatawad ang update. WB na talaga ko e. T.T
***
Xander's POV
Nilamutak ko ang pagmumukha ko gamit ang kamay ko. "Malay ko bang magiging ganto kahirap para
sa akin ang tapusin ang sinimulan namin. Kilala ako sa pagiging babaero pero bakit ngayon hirap
na hirap akong iwan ang isang babae?!" sigaw ko sa kanila.
"Bakit nga ba hirap na hirap ka?" tanong ni Ice sa akin na nakasandal pa sa pader. "Alam kong
alam mo ang dahilan kung bakit."
"Mahal mo pala pero bakit ganyan ka ngayon?" tanong naman sa akin ni Ken,
"Mahal pa niya si Tom. Namimiss niya pa di ba? Sinabi niya yun mismo habang ako yung nasa tabi
niya." humarap ako kay Ice, "Andun ka nun Ice. Nakita mong ako ang katabi niya. Pero ano? May
namimiss pa rin siyang iba. T*ngina lang."
"Magkaiba naman kasi ang ibig sabihin ng namimiss at mahal pa rin. Hindi dahil sa namiss nya si
Tom, ibig sabihin mahal pa niya." nabaling naman kay Josh yung tingin ko.
"Hindi mo naman siguro maiaalis sa akin ang masaktan di ba? May isang gabi rin na nagpunta ako
sa bahay nila para kausapin sana siya. Pero alam nyo bang nagsisi lang ako na pumunta ako dun?
Narinig kong sinabi niyang hindi niya makakalimutan si Tom. Siguro nga hindi ko siya masisisi
dun. Pero masakit kasi. Parang kahit anong gawin ko hinding hindi ko mapapantayan si Tom sa
puso niya."
"Bakit mo naman gugustuhing pantayan siya kung pwede mo naman siyang lagpasan?" tanong ni Ice.
Paano ko gagawin ang lagpasan si Tom sa puso ni Yannie? Maabutan nga lang siya hindi ko magawa.
Lagpasan pa kaya.
Tinanggal ko mula sa pagkakatakip ng mukha ko ang kamay ko at tiningnan siya. "Duwag ka Xander.
Natatakot kang masaktan."
"Alam ko. Alam ko yan. Sino ba namang tao ang gustong masaktan?"
"Hindi ko sinasabi sa kanya ang nararamdaman ko hindi dahil sa natotorpe ako. Natatakot lang
ako na hindi niya ko magawang paniwalaan at mawala ang kung anong meron kami. Natatakot akong
sumugal kasi ayoko siyang mawala."
"Pero ano bang nagyari ngayon? Hindi ba parang nawala rin siya sa'yo?" tanong ni Ice.
Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Kung aamin ako sa kanya, maaaring mawala
siya sakin. Kung hahayaan ko naman na maging ganto lang ang mangyayari, mawawala rin siya
sakin.
"Kahit anong gawin ko mawawala pa rin siya sa akin. Kung aamin ako sa kanya, pwedeng mailang
siya at lumayo. Kung hindi naman ako aamin at patuloy na iiwas, mawawala pa rin siya sakin."
Umupo si Ice sa tabi ko at umakbay, "Alam mo pre, hindi mo naman alam kung lalayo ba talaga
siya sayo kung sakaling umamin ka di ba? Malay mo naman. Wag mo naman siyang pangunahan. Dati
nagagalit kayo sakin kasi hindi ako umaamin sa nararamdaman ko at natotorpe ako. Bakit ngayon
ikaw naman ang hindi umaamin dyan sa nararamdaman mo?"
Tinanggal ko ang pagkaakbay niya at tumayo, "Magkaiba naman kasi yun Ice. Yung sayo, wala kang
kaagaw dyan sa puso ni Zoe. Alam nating wala siyang mahal. E si Yannie? Alam natin pinagdaanan
niya."
Nagkibit balikat si Ice, "May punto ka nga. Pero.." tapos ay humiga siya sa kama ko. "Wala
namang masamang sumugal. Mas ayos na siguro ang magsisi ka sa bagay na ginawa mo kaysa magsisi
ka sa bagay na hindi mo nagawa."
"Bahala ka. Baka mamaya mahal ka rin pala. Edi nanghinayang ka pa." sabi naman ni Josh at
humiga na rin.
"May oras ka pa. Sana huwag mo pagsisihan yang mga ginagawa mo ngayon." dagdag pa ni Ken sa
sinabi nila.
***
Ilang araw ang lumipas magbuhat nung nakausap ko yung tatlo. Ilang araw na rin akong naaabsent
sa school pati na rin sa No Name.
Ngayon nga pala ang huling araw dapat namin ni Yannie bago matapos yung deal. Bukas, wala na.
Tapos na dapat.
Balibalita na rin sa school campus na wala na kami. Ewan ko. Kung ako man kasi hindi ko alam
kung ano pa ba kami.
Nang makarating ako sa classroom agad akong sinalubong nung tatlong lalaki, "Buti naisipan mong
pumasok ngayon ha. Nahiya ka pang diretsyuhin ng one week ang pag-absent mo." biro sa akin ni
Josh.
Napatingin ako sa side nila Yannie. Nakatingin sa akin si Zoe, Ayu at Sab. Tinanguan at
nginitian nila ako at ganun din naman ang ginawa ko. Pero si Yannie parang walang pakialam at
nakaearphone lang sa tabi ni Zoe. Napabuntong hininga na lang ako.
Napangiti ako, "Oo. Miss ko." sabay tingin kay Yannie, "Sobra."
"Yun e!" sabi ni Josh. Tapos ay humarap siya kila Yannie, "YANNIE! MISS KA NA RAW NI
XANDEEEER!" sigaw niya kaya agad ko siyang hinila.
"Why are they looking at me?" narinig kong tanong ni Yannie kay Zoe at parang takang taka pa
siya.
"Wala kang narinig?" tanong naman ni Zoe kaya pinakita ni Yannie yung earphone niya. Napalo
naman ni Zoe yung noo niya.
"Bahala nga kayo dyan." sabay lagay ulit ni Yannie ng earphone niya sa tenga niya. Napatingin
siya sa akin pero agad din niyang iniwas ang tingin niya.
"Nakaearphone kasi. Tangi. Sisigaw na lang palpak pa." sabi ni Sab kay Josh. Pinagtawanan naman
siya ni Ayu at Zoe.
"Wahatever!"
"Tss. Tara na nga lang samahan mo na lang ako." sabi ni Josh at lumapit kay Sab sabay hila
palabas ng room.
Nagpunta na ako sa pwesto ko at sinubsob na lang ang mukha sa may desk ko. Ilang minuto lang
dumating na yung teacher namin kasunod si Sab at Josh.
"Good morning class. May clean-up drive tayo this morning. Nasabi ko na 'to kahapon di ba?
Since 40 lang kayo, I'll divide you into 5 groups. So 8 members per group."
"Kayong mga nasa harap, group 1, yung kasunod 2. Sunod sunod na yan. Kaya yung mga nasa likod,
5 kayo."
"Tayo tayo rin pala magkakagrupo." sabi ni Ken. Bale kaming wala pa rin ang magkakagrupo kasi
kami ang nasa likod.
Nagbunutan na lang kami para sa assigned places at pinalabas na kami ng room. At kung
sinuswerte ka nga naman sa school ground kami napunta. Ang laki na, ang init pa. Tirik na tirik
ang araw.
"Yung totoo, school pa ba 'to o dumpsite? Grabe naman ang mga kalat." reklamo ni Sab sabay
pulot nang mga kalat sa tabi tabi.
"Napakainam naman kasi ng naassign na lugar satin. Galing mong bubunot Ken ha." sabi ni Josh
kay Ken at nagpulot na rin.
"Edi sana ikaw ang bumunot. Tss." sagot ni Ken habang nagwawalis.
"Oo nga naman. Wag mo nga kasing sisihin si Ken." depensa ni Ayu kay Ken.
"MAGLINIS PA KAYO!" sabay na sigaw ni Ice at Zoe. Nagkatinginan yung dalawa at natawa na lang
bigla.
Pati yung apat na kaninang nagrereklamo at nagtatalo, tumawa na rin. Hindi ko alam kung bakit
sila tumatawa. Wala namang nakakatawa kung nagkasabay silang magsalita. Napailing na lang ako
sa mga baliw kong kaibigan.
Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Yannie. Nakita ko siyang seryosong nagpupulot ng
kalat sa tabi tabi. Maya maya lang, nagsimula na siyang magwalis. Pawis na pawis na siya kaya
lumapit ako sa kanya.
Pero sa halip na tanggapin, pinunsan na niya yung pawis niya gamit yung kamay niya, "Okay
lang." walang buhay niyang sagot at nagpatuloy na sa pagwawalis.
Tiningnan lang niya ako at inabot sa akin ang walis saka umalis. Galit pa rin talaga siya sa
akin. Sabagay. Maling mali naman kasi talaga ang ginawa ko. Kahit saang banda ko tingnan, ako
ang may kasalanan kung bakit galit siya.
Masyado akong nagpadala sa selos kaya nagawa ko ang mga bagay na hindi ko naman dapat ginawa.
Ang tanga tanga ko.
Nagpatuloy lang kami sa paglilinis at nang matapos kami ay umupo muna kami sa gilid para
magpahinga.
May tumatakbong babae ang lumapit sa amin at nagtanong, "May nakita po ba kayong plastic bag
dito?"
"Teka. Parang may nakita ako kaya lang nasama ko sa mga kalat." sabi ni Yannie at tumayo at
naglakad papunta sa mga naipon naming kalat kanina.
Tiningnan niya yung mga basura dun at maya maya ay kinuha ang isang plastic bag. Tinaas niya
yun at pinakita sa babae, "Eto ba?" tumango yung babae at kinuha yung plastic bag kay Yannie.
"Wala yun. Pero sana sa susunod kung alam mong mahalaga, wag mo nang iiwan at kalimutan. Baka
kasi mamaya wala ka ng balikan. Kaya swerte mo na nakuha mo pa yan."
"Tama nga naman siya." nagulat ako ng biglang nagsalita si Ayu sa tabi ko. "Eto naman nagulat
agad. Masyado ka kasing nakafocus kay Yannie. Haha."
"Psh."
"Dapat."
"Sayang naman. Nasayang yung two weeks no? Nauwi kayo kasi sa away." hindi ko na lang siya
sinagot kasi ako rin nanghihinayang sa amin.
"Namimiss mo siya di ba? Bakit wala kang ginagawa? Bakit hindi mo lapitan?"
"Kasi galit siya sa kin. Alam ko namang hindi niya pa ko napapatawad sa kalokohan ko nung
nakaraang linggo."
"Ah. Oo. Yung sinabi mong wala kang pakialam sa nararamdaman niya. Pati na rin yung hinalikan
mo yung kasama mo sa harap niya. Galing mo kasi e. Nice move." sarkastikong sabi sa akin ni
Ayu.
Napayuko ako sa sinabi niya, "I'm such a jerk. Pinapauna ko kasi 'tong lintik na selos na 'to
kaya hindi na ko nag-iisip sa mga ginagawa ko."
"Wow. Buti alam mo. At least yan alam mo. Aaminin ko nagalit ako sayo kasi sinaktan mo ang isa
sa bestfriends ko. Pero I just don't get it Xander. Why did you did those things? To get even
with her kasi nagselos ka sa taong wala na?"
"Hindi naman sa ganun Ayu. Sabihin na lang natin na kapag nasasaktan ka, may mga bagay kang
nagagawa na hindi mo na napag-iisipan. Aminado akong sobrang tanga ko at sobrang mali yung
ginawa ko. I was so blinded by jealousy kaya nagawa ko yun."
Napabuntong hininga si Ayu, "You need to patch things up with her. Alam kong mahalaga siya para
sayo Xander. I know she means so much to you. Hindi mo man aminin samin, nakikita ko naman yun.
Kaya habang hindi pa huli ang lahat, ipaglaban mo na. Dapat hindi mo iwan. Sabi nga niya
kanina, kung alam mong mahalaga, wag mong iwan. Baka kasi wala ka nang balikan." tinapik niya
lang ako sa balikat at umalis na.
Tama siya. Tama si Ayu. Hindi ko dapat patagalin 'to. Habang maaga pa, dapat magkaayos na kami
ni Yannie. I need to win her back. I will win her back.
***
"Thank you po tita. Kailangan ko lang po talaga 'to ngayon." sabi ko sabay yuko pa sa mama ni
Lumabas na ako ng office ng mama ni Ice dala dala yung bouquet na pinabili ko pa sa secretary
niya. Kinapalan ko na mukha ko. Para naman kay Yannie 'to.
"Eto. Punuin mo yan ha." nanlaki ang mata ko sa napakalaking card na inabot sa akin ni Josh.
One fourth illustration board ang laki niya at pupunuin ko yun?
"Ganyang kalaki?"
"Ayaw mo ata e. Ken, tara. Tapon na natin 'to." kukunin na sana ni Ken yung card pero hinila ko
agad yun.
Inabutan ako ni Ice ng ballpen, "Bakit ba kasi kung kailan last day niyo na dapat, saka mo pa
yan ginawa? Ayan tuloy, nagrarush ka."
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagsusulat. Kailangan kong matapos 'to. Patapos
na yung lunch break namin. Dapat matapos at maibigay ko to sa kanya bago mag-uwian.
Nang matapos akong magsulat, agad akong tumayo at kinuha yung nakalapag na bouquet sabay takbo.
"Kay Yannie."
"Wag ka ngang excited. Mamayang uwian na lang." sabi naman ni Josh. Napakamot ako sa ulo ko at
bumalik na sa pwesto ko kanina.
"Iwan mo muna yan sa office ni mama. Kunin mo na lang mamayang uwian." tumango na lang ako sa
suggestion ni Ice.
***
Nang mag-uwian na, agad kong pinuntahan ang card at bouquet sa office ng mama ni Ice at hinanap
si Yannie. Binalikan ko siya sa classroom pero wala na pala sila dun. Napakaewan naman ng
magagaling kong kaibigan at hindi man lang nila pinigilan umalis si Yannie. Tss.
"YANNIEEEE!" sigaw ko sa kanya kaya napahinto naman siya pero hindi siya humarap sakin.
Naglakad ako papalapit sa kanila, hinarap niya ako, "Yannie, pwede ba tayong -- "
"Hello Xander!" naputol ang sasabihin ko nang biglang may sumulpot na isang babae.
Sino ba 'to? Wrong timing naman. Tsk. Kumapit sa braso ko yung babae. Tiningnan naman yun ni
Yannie tapos ay tumingin ulit sakin saka tumalikod na parang walang nangyari at naglakad
papalayo. Naiwan naman si Ayu sa harap namin nung babae. Tinanggal ko ang kamay niya sa
pagkakakapit sa akin, "Miss, hindi kita kilala okay? Hindi ko rin alam kung bakit kumakapit ka
sa kin. Pero miss naman. Bakit ang wrong timing ng dating mo? Umalis tuloy si Yannie."
Umubo si Ayu kaya napatingin ako sa kanya, "Ako kilala ko yang bruhang yan. Siya lang naman
yung kasama mo noon sa parking lot. Nung nahuli namin kayo. Alala mo na?" ay sh*t.
"Excuse me lang ha. Pero hindi naman ako bruha. At isa pa -- "
"Miss, pasensya ka na. Medyo nagkaroon lang ng misunderstanding nung panahong yun kaya nangyari
yung bagay na hindi naman dapat mangyari."
"Sorry talaga miss sa nangyari nung nakaraang linggo. Kalimutan na lang natin yun. Sige na,
susuyuin ko pa yung asawa ko." sabi ko sa babae at umalis na para sundan si Yannie. Sumunod na
rin sa akin si Ayu.
Nakita ko naman agad siya, buti hindi pa siya nakakalayo, "YANNIE!" huminto siya at humarap sa
akin.
"Just give her some time." sabi ni Ayu sa akin. "Para sa kanya ba yan?" tinuro niya yung
bulaklak at hawak kong card. Tumango naman ako. "Ako na lang mag-aabot. Baka hindi tanggapin
kapag ikaw nagbigay." inabot ko naman sa kanya yun at saka siya nagpaalam na aalis na.
***
"Alam niyo, yung barkada niyo, barkada ng torpe. Hindi kayo nagmana sa'kin. Simula pa lang
sinasabi ko na nararamdaman ko." sermon sa amin ni Manager Ry.
"Hindi kami torpe. Si Ice lang ang torpe dito. Nag-iiba na ang concept ng pagkatorpe sa panahon
ngayon. Dapat ba kasi kapag naramdaman mo na yun, agad agad mo na sasabihin? Syempre hindi
naman dapat ganun. Minsan hahanap ka rin ng tamang timing. Hindi yung biglaan. Di ba ikaw
sinabi mo agad yung naramdaman mo, may napala ka ba? Hindi ba binasted ka? Kasi nga wala ka sa
timing Manager." sinamaan ng tingin ni Manager si Josh.
Tumayo na rin naman si Josh, "Aba Manager, ikaw nauna dyan e. Gumanti lang ako."
"Tss."
"Base sa sagot mo, pupusta akong galit pa siya." tinanggal niya ang pagkakaakbay niya sa akin
at nangalumbaba saka ako tininginan, "Ano pang ginagawa mo dito?"
Napakunot noo ko sa kanya, "Lumayas ka na kaya. Anong gagawin mo? Magmumukmok ka lang dito? E
kung sinusuyo mo siya ngayon di ba? Kahit ipagtabuyan ka, wag kang aalis. Malay mo na
sinusubukan lang niya yang sinseridad mo. Go na!"
Napatingin ako sa kanya. Tama si Ate Cass e. Dapat hindi ko siya tigilan. Dapat suyuin ko pa
rin siya, "Tama ka. Thank you Ate Cass." sabi ko sa kanya at niyakap siya sabay takbo palabas.
"Sama kami hoy." napangiti ako ng makita kong nakasunod na pala sa akin yung tatlo.
Agad akong nagmaneho papunta kila Yannie at nang makarating kami dun tinanong nila ako kung
anong gagawin ko ngayong nasa tapat na ko ng bahay nila.
"Susuyuin siya malamang." sagot ko sa kanila at kinuha yung gitarang nasa likod ng kotse ko.
***
Yannie's POV
"Grabe lang Yannie. Kung hindi ka siguro umalis agad kanina, narinig mo sana yung sinabi niya
sa babae." kwento ng kwento si Ayu pero hindi ko siya pinapakinggan. Ayos lang siguro yun sa
kanya kasi mukhang enjoy na enjoy naman si Sab at Zoe kakapakinig sa kanya.
Pinagpatuloy ko lang ang pagsasoundtrip at pagbabasa ng libro. Bahala silang mag-ingay dyan.
Basta ako, gagawa muna ng sariling mundo.
Bumalik ako sa totoong mundo ng may bulaklak at malaking card ang sumulpot sa harap ng
pagmumukha ko.
"Pinapabigay ng asawa mo." abot sa akin ni Ayu. "Try mong kunin. Saka pwede bang buksan mo na
yung card, gustong gusto ko na malaman yung nasa loob oh." iniripan ko naman siya at kinuha
yung inaabot niya.
Nilagay ko sa gilid ko yung bulaklak at binuksan ang card. Punong puno ng 'Sorry, please
forgive me' na handwritten niya ang card.
"Sakit sa kamay niyan. Bongga sa effort." sabi ni Sab nung matingnan niya yung card.
"Hear him out." sabi sakin ni Zoe. "Don't be too harsh on him. Alam kong mali yung ginawa niya.
Pero alam ko rin naman na nagawa lang niya yun dala ng selos. You can't put all the blame on
him Yannie. May nagawa ka ring mali. Hindi mo naconsider yung feelings niya. And besides, sabi
mo mahal mo siya.."
"Hindi ko -- "
"Shut up! Sasabihin mo na naman na lasing ka nun kaya mo lang nasabi yun? Hellooooo?! Kapag
lasing kaya ang isang tao lalo siyang nakakapagsabi ng totoo kaya wag ka ng maghanap ng alibi.
Napabuntong hininga ako, "Fine. Mahal ko siya. Pero the fact na inamin ko yan sa inyo, may
mababago ba? Wala naman di ba? Nalaman niyo lang. Yun na yun."
"Hindi mo naman kasi dapat sa amin inaamin yan. Kay Xander dapat." sabi ni Ayu.
"Pero please lang Yannie, bago mo sabihin sa kanya yan, pakinggan mo muna kaya siya. Kasi oras
na hindi mo pa siya pakinggan, wag kang iiyak kung sakaling sukuan ka niya. Kasalanan mo na
yun." dagdag pa ni Sab.
Sabagay, tama naman sila. May mali rin talaga ako. Wala nga naman masama kung pakinggan ko
siya. At least malalaman ko yung side niya. Hay. Kainis naman kasi. Bakit ba pinasok pasok ko
pa yung gulong 'to? Tss.
Lumabas kami ng bahay at halos malaglag ang puso ko ng makita ko yung apat na nasa tapat ng
bahay namin. Gabing gabi na ha.
Is gonna be a girl
She don't wanna deal with all the drama in your world
God knows I don't mean to give it to you
So girl I'm sorry for the stupid things I wish I didn't do but I do
Oh so sorry, oh no, oh so sorry
Sometimes I wish I was smarter
Wish I was a bit more like you
Not making stupid decisions made at the last minute
You live to regret when it's through
Well, sometimes the fool doesn't know he's a fool
And sometimes a dog he don't know he's a dog
Sometimes I do stupid things to you
When I really didn't mean it all
Pagtapos niyang kumanta, lumapit siya sa akin at hinawakan yung kamay ko. Yung puso ko naman
parang lalabas na sa sobrang lakas ng tibok. "Alam kong ayaw mo pa ako pakinggan pero ayokong
ipagpabukas yung pwede ko namang gawin ngayon."
Huminga siya ng malalim, "I'm sorry. Sorry kung sinabi kong wala akong pakialam sa nararamdaman
mo. Hindi totoo yun Yannie. Ayaw kitang saktan pero hindi ko alam bakit umiral ang katangahan
ko at gumawa ako ng bagay na makakasakit sayo. Sorry kung nagseselos ako. Hindi ko lang kasi
mapigilan masaktan kapag yung ex mo na yung usapan. Parang wala akong binatbat kung ikukumpara
sa kanya. Kumbaga sa cellphone, iPhone siya, 3310 lang ako. Sorry kung wala akong lakas ng loob
para sabihin sayo yung mga nararamdaman ko. Alam ko oo babaero ako. Pero kasi pagdating sayo,
napapaatras na lang ako. Parang lahat ng dapat at gusto kong sabihn, bumabalik lang sa bibig
ko. Sorry kung naduwag ako. Na sa halip na ipaglaban at harapin ko 'tong nararamdaman ko,
tumakbo na lang ako palayo sa'yo. Sorry kung dahil sa sobrang takot akong masaktan, ikaw pa ang
nasaktan ko."
"At higit sa lahat.." diniinan niya ang paghawak sa kamay ko, "Sorry kung nahulog na ako sayo.
Oo Yannie, mahal na kita. Mahal kita. Alam kong wala sa usapan natin ang mahulog ako sa'yo.
Pero hindi ko na napigilan e. Hindi ko alam kung anong meron ka at naging ganto kalakas ang
tama ko sa'yo. Sino mag-aakalang yung dating naglalaro lang ng babae, masasaktan at matutuong
magmahal? Siguro eto na yung karma ko sa lahat ng babaeng pinaglaruan at nasaktan ko. Ang
magmahal ng babaeng hindi ako ang mahal. Nakakatawa 'no? Ako ang nagsimula ng deal na 'to. Pero
sa bandang huli, ako pa rin ang talo. Naaalala mo yung sinabi mo nung nakulong tayo sa room ng
dance club dati? Na lagi akong talo sayo?"
"Tama ka nga naman. Kasi hindi ko pa nararanasan magmahal at mahalin. At ngayon namang
naranasan ko na, hindi nasuklian yung pagmamahal ko. Pero ayos lang yun. Kahit papaano naman
naranasan ko ng magmahal di ba? Nagawa ko na rin. Maraming salamat sa'yo. Dahil sa'yo,
natutunan kong gawin yan. Yannie..I love you."
Napaiyak na lang ako sa sinabi niya. Pareho lang pala kami ng nararamdaman. Bakit kasi hindi ko
pa nagawang aminin yun sa sarili ko? Kung sa simula pa lang umamin na kami, edi sana wala ng
nasaktan pa sa amin. Pero ayos na rin siguro yun. Hindi naman na mahalaga yung nangyari
kahapon. Mas mahalaga kung ano ang mangyayari ngayon.
Pinunasan niya yung luha ko saka ako nginitian at tumalikod.
"Ganun lang yun? Aalis ka na lang? Kala ko ba nagsosorry ka kasi naduwag ka at tumatakbo ka?
Pero bakit inuulit mo na naman?" huminto siya sa paglakad at humarap sa akin. Halatang
naguguluhan siya. "Hindi mo man lang ba hihintayin ang sasabihin ko?"
Nag-ipon muna ako ng hangin saka nagsalita, "Sorry. Sorry rin. Hindi lang ikaw ang may
kasalanan. Ako rin. Puro si Tom ang sinasabi ko kahit na ikaw ang nasa tabi ko. Hindi lang ikaw
ang naging tanga. Ako rin naman. Hindi ko rin gustong saktan ka pero alam kong nagawa ko yun
kaya sorry. Aaminin ko, oo. Mahal -- I mean, minahal ko si Tom. Pero dati na yun. Kasi iba na
ang mahal ko ngayon."
Nginitian ko siya, "Please don't say sorry kasi minahal mo ko. Kasi ako, I don't feel sorry for
loving you."
Nanlaki yung mata niya at agad lumapit sa'kin, "Mahal mo rin ako?" tumango naman ako at
ngumiti.
Bigla siyang tumalon talon habang sumisigaw tapos ay niyakap ako. Grabe. Parang sasabog yung
puso ko sa sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon. Parang mababaliw na ko. Posible rin kaya
yun? Ang mabaliw ka sa sobrang saya.
Bumitaw ako sa yakap, "Teka lang. Alam mo bang halos mabreak na natin yung lahat ng rules na
ginawa natin?"
Nagkamot siya ng ulo niya at ngumiti. Sheeeet. Tsk. Gwapo. "Oo. Hehe."
"You broke rule #1 sa labas ng No Name. You kissed me. We broke rule #2. Hindi tayo nagdedate.
Aminin mo yan." tumango naman siya at tumawa.
"Pero ikaw ang hindi sumunod ng rule #3. You called me Da. Kaya ikaw naman si Ma. E sa rule
#4?"
"Sinabi mo kila Zoe yan dati sa mall. And sinabi ko rin yan sa lalaking hindi ko kilala nung
nasa labas tayo ng No Name. Sorry." sabi ko at ngumiti sa kanya. Awkward smile. "Pero nilabag
mo yung rule #5. Nambabae ka."
"I was sorry. Hindi na po ako mambababae. Swear." sabi niya sabay taas ng kanang kamay. "But
you also broke rule #6. Inisip mo ang ex mo."
"Sorry."
"At least hindi pa natin nalalabag yung rule #7 di ba? At para hindi na natin malabag talaga
yun, I'm breaking up with you. Let's stop this relationship already." nanlaki ang mata ko sa
sinabi niya.
Seryoso? Nakikipagbreak siya sa kin pagtapos niyang sabihing mahal niya ko?
***
Guys! Pafollow ng public account ko sa twitter. @iDangsWatty. Or click the external link. I do
follow back until Dec.15. Hihi. Thanks. Lovelove. :*
*******************************************
[60] Chapter 58 - Ikaw lang
*******************************************
Dedicated sa kanya kasi gumawa sya ng video ng TC. Hihi.
Zoe's POV
"Kailangan nasa may location na kayo one hour earlier. Maaga dapat kayo since kayo ang
magcocover nung game."
"Okay po Sir."
Lumabas na kami ng photography club room. Kami kasi ni Ice ang napili para magcover nung
gagawing basketball game this year. Intrams namin at nag-invite sila from other school ng iba
pang players para kalabanin ang varisty team namin.
"Gusto mong mag-lunch muna tayo?" aya sa akin ni Ice habang naglalakad kami papunta sa.. ewan
ko.
"Sure."
Ang bilis ng panahon. Magpapasko na. Masyado talagang mabilis ang takbo ng oras kapag masaya
ka.
Kami lang ni Ice ang magkasama ngayon kasi may kanya kanyang business ang mga kaibigan namin.
Busy rin kasi kaming lahat dahil sa gaganapin na basketball game this month.
Ako at si Ice ang napili ng photohraphy club para kuhanan ng litrato ang laro. Si Ayu naman ang
gagawa ng article tungkol dito. Si Sab, Xander at Yannie naman, nagprapractice na para sa
cheer. Si Ken ang naatasan para ayusin ang event. At si Josh? Busy sa training kasi kasama sa
varsity.
"Susunduin na lang kita sa inyo." napatingin ako kay Ice at napatigil sa pagkain.
"Kailan?"
"Sa araw ng laro. Sabay na lang tayo." tinanguan ko naman siya at nginitian.
Nagpatuloy na kami sa pagkain. Gutom ako kaya wag lang siyang magulo. Napahinto ako sa pagkain
ng marinig kong natatawa siya.
Hala. Napopossess na ata 'tong taong 'to. Pero in all fairness, ang ganda talaga ng tawa niya.
Bihira kasing marinig kaya kapag narinig mo, maaamaze ka na lang. Ang sarap pakinggan. Parang
hindi mo pagsasawaan.
Nabalik ako sa katinuan nang maramdaman ko yung thumb niya sa gilid ng lips ko.
Napatingin ako sa kanya at ngayon, it's my time to laugh. Makapagpuna lang ng kadungisan ko,
kala mo siya wala. Hahaha.
Nang matawa ako ay tumingin siya sa akin ng nakakunot noo na para bang nagtataka sa kinikilos
ko. Umiling lang ako. Kakain na sana ulit siya pero pinigilan ko.
"Teka." pagpatigil ko at tinanggal yung kanin. "Ikaw rin madungis kumain. Hahaha." napangiti
naman siya bigla.
"*cough* Pwede po bang mang-istorbo?" napatingin kami ni Ice sa nagsalitang si Xander. Kasama
niya si Yannie at Sab na binigyan kami ng mapanlokong ngiti at tingin.
Umupo na yung tatlo katabi namin, "Parang kayo na." sabi ni Yannie.
Bigla namang nag-init yung mukha ko at biglang lumakas ang tibok ng puso ko.
"You're blushing Zoe." sabi ni Sab at tumawa ng malakas. Kung totoo ngang nagbablush ako
kanina, pakiramdam ko mas nagblush ako ngayon.
"Mas mapula ka na ngayon." tukso naman ni Xander sabay taas baba pa ng kilay.
"Hey. Stop bullying her." saway ni Ice sa tatlo. "Hindi pa kami, okay? Kaya wag niyo ngang
pagtripan si Zoe."
Lalo namang nagtuksuhan yung tatlo kaya wala na lang ako nagawa kundi ang manahimik.
***
"Ayan na kamo." binilisan ko na ang ayos ko. Inayos ko na rin ang gamit ko saka lumabas ng
kwarto. Inabutan kong nakaupo si Ice sa sala. Siya lang mag-isa dun kasi malamang, nag-aayos na
rin yung tatlo.
"Phineas and Ferb?" tanong ko ng makitang nanunuod pala siya ng cartoon na pinakagusto naming
tatlo nila Ate Cass at Ash.
"Yeah." sagot niya at pinatay ang tv saka ako niyayang umalis na.
"Saan?"
Napachuckle siya bigla. Hala. Ano kayang nakakatawa sa sinabi ko. Napapadalas tawa nito ha.
Baka nabaliw na. "Hindi ako baliw." OMG. Nakakabasa na siya ng isip ng ibang tao.
"Nahawa na siguro ako kay Ash at Ate kaya pinapanuod ko yun." sagot niya sakin habang
nakatingin pa rin sa daan. "Saka pampalakas na rin sayo. At least pinapanuod ko yung gusto mo."
Naspeechless naman ako sa sinabi niya. Kaloka. Bakit ba bigla bigla na lang babanat 'to? Sana
sinasabi man lang niya kung babanat siya para nakapaghanda naman ako di ba?
Nang makarating kami sa school agad kaming dumiretsyo sa club moderator namin para mapag-usapan
yung infos.
Nang matapos ang usapan, pumunta na kami ni Ice sa gym at maramirami na rin kaming estudyanteng
inabutan dun. Andun na rin ang iba pa naming kaibigan.
Nagsimula nang magcheer ang mga kaklase at kaibigan namin at todo picture na kami ni Ice. Pati
ang game nagstart na at maganda naman ang ipinapakita ng school namin. Umaariba rin si Josh.
Pang-MVP pala tong si Josh e. Hindi nagsasalita.
Nag-enjoy ako sa pagpipicture at hindi ko namalayan na patapos na pala ang third quarter. Pero
kahit na tapos na ang third quarter, pinagpatuloy ko pa rin ang pagpipicture ko.
Pero napatigil ako sa pagpictire ng makita kung saan nakafocus ang camera ko. Kay Ice lang
naman na nasa kabilang side ng court. May kausap kasi siyang isang cheerleader ng kabilang
school at kung makangiti pa parang wala ng bukas.
"I can see myself in you two months ago." napalingon ako sa bumulong sa akin na si Yannie.
"Ganyang ganyan ako nung unang beses ko makita si Xander na may kausap na babae tapos mukhang
masaya pa siya. Sungit ko lang nun." inirapan ko na lang si Yannie kasi napakanon-sense ng
sinasabi niya.
Tumawa siya bigla dahilan para tingnan ko ulit siya, "Ganyang ganyan talaga ako noon. Mahilig
mang-irap." dumikit siya sa akin at inakbayan ako, "Alam mo Zoe, kung type mo naman at hindi mo
feel makitang may kasama siyang iba, bakit hindi mo pa sagutin?"
"Ewan ko sa'yo Yannie. Dun ka na nga. Nagpipicture ako dito e." umalis naman siyang patawa tawa
pa. Tss.
Natapos ang game at nanalo ang school namim. Syempre. Magaling e. Ganun talaga. Napagdesisyunan
ng coach nila na sa No Name na lang magcelebrate since kakilala naman daw ni Josh si Manager.
Umaasa kasi sila sa discount. At syempre, lahat ng in-charge sa nangyaring game kasama. Pati
kami ni Ice, Ayu, Ken at ang buong cheerleading team.
Dahil sa sobrang dami namin, napagdesisyunan ni Manager na iclose muna ang No Name para kami
kami lang ang tao. Tinawagan na kasi agad siya nila Josh.
Palabas na ako ng campus para pumuntang parking. Hinhintay na kasi ako ni Ice. Sabay kasi
kaming pupuntang No Name.
Napahinto ako sa paglakad ng makita ko siyang may kasama. Siya na naman. Yung babaeng
kakwentuhan niya nung game. So, close na sila? Ganun? At kung makangiti 'tong lalaking 'to.
Kala mo naman -- Tss.
Napalingon sa akin si Ice at nginitian ako, "Ayan ka na pala Zoe." Obviously. Hindi mo kasi
napansin kasi busy ka sa pakikipagdaldalan dyan.
"Hindi. Sige, nag-uusap pa ata kayo e. I can wait." sabi ko at nginitian ko ulit siya.
Pinakilala niya ako sa babaeng kasama niya. At nakipagshakehands naman sa akin yung babae.
"Pasok na muna ko sa loob. Medyo ngawit kasi ako e. By the way, nice meeting you." sabi ko sa
babae at umakyat na ng kotse ni Ice.
***
Nang makarating kami ng No Name pumaparty na ang mga tao. Nako. Parang bukas din ang No Name
ha. Napakaingay. Sabagay buong varsity team 'to.
"Hi Ice. Hi Zoe." bati sa amin ni Manager. Binati lang din naman namin siya.
Pinagtripan nila kaming apat na babae na pakantahin sa stage. Kami naman, para na rin hindi
masabihang KJ, kumanta na lang din.
Tumayo kami sa may stage at nagsimula na akong kumanta. Yes, ako ang vocalist ngayon. Trip nila
e.
Is this love
Feeling
Wanting
I don't
You are
I can't
I think
restless inside
you to always be by my side
even want you out of my sight
in my thoughts all day and night
get you out of my mind
I'm in love
[Refrain:]
I think I'm in love
Think I'm in love with you
Every single day
Every single night
Every single moment of my life
I want to spend them all with you
I think I'm in love
I think I'm in love
I think I'm in love with you
Tell me that you care
Tell me...please
Tell me that you also feel
The way that I do...
Can't describe
Words are just not enough
Can't explain
It all happened so fast
What exactly am I feeling right now
If this is love I got to know somehow
Just how long this madness will last
'Cause I think I'm in love
I think I'm in love
Think I'm in love with you
Every single day
Every single night
Every single moment of my life
I want to spend them all with you
I think I'm in love
I think I'm in love
I think I'm in love with you
Tell me that you care
Tell me...please
Tell me that you also feel
The way that I do...
I think I'm in love
Think I'm in love with you
Every single day
Every single night
Every single moment of my life
I want to spend them all with you
I think I'm in love
I think I'm in love
I think I'm in love with you
Tell me that you care
Tell me... please
Tell me that you also feel
The way that I do...
Nagpalakpalakan at sigawan naman yung mga kasama naminat may isa pa ngang member ng varsity
team ang sumigaw ng "I love you Zoe." minsan expression na talaga yan ng audience namin kaya
sanay na ako at di ko na binibigyang malisya ang ganyang bagay. Tumawa na lang ako at
nagpasalamat.
Bumalik kami sa pwesto namin kanina at sinalubong namin kami nung iba.
"Ang cool niya talaga lagi kapag tumutugtog kayo sa stage." sabi sa amin ni Manager Ry.
"Sa sobrang cool may nainlove na ata sayo Zoe." biro ni Josh at natawa na lang ako.
"Tss." dinig kong pagrereact ni Ice na nasa tabi ko. Tiningnan ko siya sa pero hindi naman siya
nakatingin at umiinom lang.
"Hello?" medyo unsure na sagot ko pa sa kanya. Eto ata yung sumigaw kanina e.
"Pwedeng makiupo dito?" tanong nung lalaki at tinuro yung bakanteng upuan sa kabilang gilid ko.
Sasagot pa lang sana ako pero inunahan na ako ni Yannie, "Sige. Upo ka na dyan."
Nakipagkwentuhan sa akin yung lalaki kaya panay sagot lang din ako sa mga sinasabi niya. Pero
nagulat ako ng biglang tumayo si Ice at naglakad paalis.
"Hoy saan punta mo?" sigaw ni Ken sa kanya pero di niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa
paglalakad.
Pero dapat pala hindi kona lang siya sinundan. Kasama na naman niya yung babae kanina. Paano
nakarating 'to dito? Sabi na e. Hindi talaga nagselos 'to. Sadyang may kakatagpuin lang siya
kay siya lumabas. Galing lang. Napakainam niya. Ano to? Secret affair lang. Tss.
Babalik na sana ako sa loob pero may magaling na nilalang ang nagtapon ng plastic bottle sa
daan at kung tumatiming nga naman, naapakan ko yung bote kaya tumunog. Tss.
"Zoe?" tawag ni Ice sa akin. Tinaas ko lang ang kamay ko at nagwave habang nakatalikod sa kanya
saka lakad pabalik sa No Name.
Pero hindi pa ako nakakalayo ng maramdaman kong may humawak na sa braso ko.
Huminga akng malalim at humarap sa kanya saka ngumiti, "Oh bakit Ice?"
Tinitigan niya ako. Hindi ko napigilang mapairap. Papasok na sana ulit ako pero hinila niya ako
sa kung saan man.
"Ano ba Ice! Tigilan mo nga ako sa paghila hila mong yan! Balikan mo na yung kausap mo kanina!
Baka hinahanap ka nun!" sigaw ko sa kanya kaya napahinto naman siya.
Nakatayo lang kami at hawak pa rin niya ang braso ko. Nakatalikod pa rin siya sa akin pero maya
"Nung kausap ko siya kanina, pumasok ka agad ng sasakyan. Hindi mo pa ako kinakausap sa byahe.
Hindi mo rin ako masyadong pinapansin. Tapos nung nakita mong magkausap ulit kami sa labas ng
No Name, bigla kang tumalikod -- "
"Shut up Ice. Itigil mo na yang mga sinasabi mo. Lumabas lang ako kasi sabi ni Ayu nabadtrip
ka. Kakausapin lang naman sana kita at itatanong kung nabadtrip ka nga pero mukhang hindi ka
naman ata badtrip kasi -- "
"Nabadtrip nga ako. Nagselos kasi ako dun sa lalaking sumigaw ng I love you sayo. Umupo pa sa
tabi mo. Ikaw naman nakipagkwentuhan pa halos hindi mo na nga ako -- "
"Wala ka namang dapat pagselosan. Kung nag I love you siya, kahit pabiro lang yun, di ka pa rin
dapat magselos. Magselos ka kung nag I love you too ako sa kanya. Pero diko naman ginawa yun
kaya walang basehan yang sinasabi mong selos. Saka siya na lang ang kakausapin ko kesa naman
ikaw. Baka kasi mabadtrip ka lang sakin. Mukhang mas enjoy kang kausapin yung babae kanina e.
Kung makangiti ka pa -- "
"Sus! Sabi na e. Nagseselos ka rin. Hahahaha. Ganun lang naman ako makangiti kapag kausap ko
siya kasi ikaw ang pinag-uusapan namin. Alam mo naman ako. Kapag ikaw ang topic automatic na
napapangiti na ako. Saka may boyfriend yun na member ng varsity natin. Selos selos pa 'to.
Hahahaha." tapos ay bigla niya akong inakbayan.
Siniko ko siya sa tagiliran at tinaggal ko yung pagkakaakbay niya. "Selos mo mukha mo. Dyan ka
na nga." sabi ko sa kanya at naglakad na papalayo. Hindi ko alam pero bigla na lang ako
napangiti.
Bago pa ako makapasok ulit sa No Name, naabutan na niya ako at inakbayan ulit sabay bulong ng,
"Ikaw lang naman. Ikaw lang palagi. Ikaw lang kahit nung una pa lang. Ikaw lang."
*******************************************
[61] Chapter 59 - Christmas Party
*******************************************
Zoe's POV
Nakapalumbaba lang ako sa harap ng laptop at nakatitig sa mga pictires na kinuhan ko nung game.
"Alam mo Ate Zoe, walang mangyayari dyan sa mga litratong yan kung tititigan mo lang. Try mo
kayang i-edit di ba?"
"Hindi pa ako nagsisimula pero nanlulumo na ko. Tinatamad ako e." sagot ko kay Ashley at di pa
rin inaalis ang tingin sa laptop.
"Kung nagsimula ka na dyan edi sana umaandar ka na. Kung ako nag-eedit dyan baka kanina ko pa
ginawa yan at napangalahati ko na yan." nagkaroon ng malapad na ngiti sa labi ko at dahan dahan
akong tumingin kay Ashley na nakadapa sa kama niya at nagbabasa pa ng libro.
Nang maramdaman niyang may nakatingin siya, unti unti siyang tumingin sa akin at napakunot ang
noo niya sabay upo, "NO. Alam ko na yang iniisip mo. Hindi ako mag-eedit. A-yo-ko."
"See this?" tinaas niya yung librong binabasa niya kanina, "I'm reading. Busy ako."
"Hindi naman importante yan e. Percy Jackson and the Olympians lang naman yang binabasa mo."
Umacting siya na parang nagulat at nanlalaki pa ang mata, "Percy is important Ate Zoe. Isa
siyang Demigod. Don't say bad words."
Nagpout na lang ako at humarap ulit sa laptop. Sabi ko nga wala akong mapapala dito kay Ashley
e. Makapagsimula na nga lang.
Edit lang ako ng edit ng picture nang biglang magring ang phone ko. Sinagot ko yun kahit hindi
tinitingnan kung sino ang tumawag.
"Hello?"
[Kamusta naman kayo ni Ice dyan? Hahahahaha.] Si Sab pala 'to. Bwisit naman oh.
"Tse! FYI, wala po kaya kami sa bahay. Ako ang nagpunta sa bahay nila."
[Hahahahahahahahaha. Grabe ka naman Zoe. Masyado mo atang dinibdib ang panunukso namin sa'yo
kanina. Hahahahaha.]
"Whatever Sab. Bahala ka nga dyan. Busy ako." sagot ko sa kanya sabay end ng call.
Kainis kasi. Kanina pa nila ako inaasar. Yung tatlo kong magaling na kaibigan. Kasi ang usapan
namin ni Ice, siya ang pupunta sa bahay para dun kami mag-ayos ng pictures. Pero malay ko bang
aalis at may kanya kanyang lakad ang tatlo. Hindi ko tuloy alam na kami lang ni Ice pala ang
maiiwan sa bahay.
Nung nalaman ng tatlo yun, ininis inis na nila ko. Na kesyo kaming dalawa lang daw ang tao sa
bahay. Na baka raw mamaya e.. basta. Yun na yun.
Kaya para magtigil sila, sinabi ko na lang kay Ice na sa bahay na lang nila kami gumawa kaya
ayan. Andito ako ngayon.
"Ash ang tagal naman ng Kuya mo. Akala ko ba bibili lang siya ng pagkain natin. Bakit wala pa
rin -- "
"Andito na po. Namiss mo agad ako?" napalingon ako sa pinto ng room ni Ashley at nakita ko doon
si Ice na nakangisi pa habang may buhat buhat na plastic bag.
Tumalikod din agad ako at binalik ang tingin sa laptop, "Miss ka dyan. Akala ko nilayasan mo na
ko. Ang dami kaya nitong ineedit ko. Tapos meron pa sa camera mo."
Inayos na namin yung mga napamiling pagkain ni Ice at nagmerienda sa kwarto mismo ni Ashley.
Matapos kumain ay bumalik na ako sa pag-aayos ng pictures. Nilagay ko yung laptop sa ibabaw ng
kama ni Ashley at tumabi naman sa akin si Ice at nilagay din ang laptop niya sa ibabaw ng kama
ni Ashley.
Ang ginawa namin ni Ice, inuna namin i-edit yung pictures na nakuhanan ko. Mas marami kasi yung
nakuha ko kaysa sa kanya. Ewan ko ba dyan at ang konti lang ng pictures na kinuhanan. Mas
nagfocus ata sa panunuod ng game kaysa sa pagkuha ng litrato.
Edit lang kami ng edit. Hindi ko namalayan na gabi na rin pala at nakatulog na rin ata si
Ashley kakabasa. 7 na rin siguro. Masyado kasing naging tutok sa pageedit. Nirarush na kasi
namin 'to para maipasa na sa moderator namin bukas. Para makapagChristmas break na kami.
Tumayo bigla si Ice, "Saan punta mo?" tanong ko sa kanya habang nakatingala pa.
"Papahain lang. Dinner na e." tumango na lang ako at bumalik sa last photo na ineedit ko.
"Nga pala Zoe.." napatingin ako kay Ice na nakahinto sa may pinto at hawak hawak pa ang
doorknob. "Wag mo ko masyado mamiss. Saglit lang 'to." sabi lang niya at nagmadali na sa
pagsara ng pinto kasi binato ko ang unan na katabi ko sa kanya.
Hindi ko napansin na tapos ko na pala yung ineedit kong photo kaya sinave ko lang sya at saka
lumipat sa laptop ni Ice. Ililipat ko na kasi kalahati ng mga nakuhanan niya sa laptop ko para
edit na lang mamaya.
Nang iminimize ko ang Adobe photoshop niya, napangiti na lang ako bigla. Bigla rin bumilis
tibok ng puso ko. Picture pala kasi naming dalawa yung nasa desktop niya. Kikiligin ba ako o
hindi? Syempre kikiligin.
Napailing ako dahil sa kilig at binuksan na lang yung folder niya kung saan nakalagay yung mga
napicture-an niya nung game.
Oh? Kala ko ba konti lang nakuhanan niya? Ang dami naman pala e. Hundreds din 'to. Tss.
Nagscroll lang ako ng nagscroll pero napahinto ako ng may mapansin ako.
Bakit puro ako na ang picture dito? Puro pictures ko na 'to habang naglilibot sa court at
kumukuha ng pictures. Mayroon din naman na nanunuod lang ako sa game.
"Tara na. Nakahain na sa baba." biglang sulpot ni Ice. Pero hindi ko siya pinansin at
nagpatuloy sa pagtingin ng litrato.
Lumapit siya kay Ashley at ginising ito. Nang magising na si Ashley, tumingin siya ulit sa
akin, "Tara na Zoe. Mamaya mo na -- LAPTOP KO BA YAN?" gulat niyang tanong at tumakbo papunta
sa side ko.
Bigla naman akong tumayo at gumilid saka tumawa, "Hahahahaha. Grabe ka magulat. Hahahahaha."
"May nakita ka ba dito? Binuksan mo ba pictures nung game?" tanong niya na parang natataranta
pa.
Umiling iling ako, "Wala naman. Tinuloy ko lang yung ineedit mo kanina. Pero may dapat ba akong
makita?" pagmamaang-maangan ko. Buti na lang naclose ko agad yung folder niyang yun at nabuksan
ulit yung Adobe.
Napabuntong hininga siya, "Wala. Wala naman. Haha. Tara na lang. Kain na tayo." yaya niya sa
akin at sumunod naman ako.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa pag-eedit at nang matapos kami ay nagpaalam na
ako kay Ashley saka ako hinatid ni Ice sa bahay.
"Hindi na. Late na rin e. Para makapagpahinga ka na." sabi niya sabay ngiti.
Papasok na sana ako sa loob pero huminto ako, "Ah, Ice." tawag ko sa kanya at napahinto naman
siya sa paglakad saka humarap sa akin at nakapamulsa pa.
"Bakit?"
"Ano.. Nakita ko nga pala yung desktop wallpaper mo pati na rin yung mga pictures ko nung
game." sabi ko sa kanya saka madaling pumasok ng bahay.
Sinabi ko na sa kanya. Ayoko naman kasing akalain niyang hindi ko talaga nakita kahit na ang
totoo, nakita ko talaga.
***
Nang maiabot na namin sa moderator namin ang usb kung saan nakalagay ang mga pictures nung
game, umalis agad kami ni Ice para magpunta sa No Name. May Christmas Party din kasi kami
syempre.
Pagdating namin sa No Name, nanggulo na agad sila. Sinara na naman ang No Name para lang dito.
Kasama rin namin si Ate Cass at Manager syempre.
"Aalis? Saan kayo pupunta? Bakit hindi mo agad sinabi yan? Akala ko dito lang kayo magpapasko?"
sunod sunod na tanong ni Josh.
"Tss. Sab naman kasi. Nakakainis. Bakit hindi mo man lang ako iniinform sa ganyang bagay? Para
saan pa at boyfriend mo ko? Lagi na lang ba akong walang say sa mga plano mo?" inis na tanong
ni Josh kay Sab.
Nakatahimik lang kaming lahat kasi parang ngayon lang namin sila nakitang ganyan mag-away. Yung
seryoso na. Hindi na biruan.
For a minute, nakatingin lang si Sab kay Josh. Sigiro hindi inaasahan na magiging ganun yung
reaksyon niya.
"Alam mo ba 'to Ken?" tanong niya kay Ken at tumango naman si Ken. "Xander?"
"Oo."
"One week lang kayong mawawala? Hindi naman issue sa akin kung aalis ka sa pasko. Kasi alam ko
naman na pamilya mo ang dapat mong kasama nung araw na yun. Ang kinaiinisan ko lang ay yung
bakit hindi mo magawang ipaalam man lang sa akin ang mga plano mo. Parang hindi mo
kinokonsidera yung nararamdaman ko. Si Ayu, sinabi kay Ken. Si Yannie, sinabi kay Xander. Maski
si Zoe, sinabi niya kay Ice yun considering na hindi pa sila. Samantalang ako, boyfriend mo,
hindi mo nasabihan?"
"I'm sorry."
Naiwan naman si Sab na mangiyak ngiyak na. Lumapit kami sa kanya at kinomfort siya. Tuluyan na
siyang napaiyak. Yung mga lalaki naman, sinundan si Josh.
"Hindi ko naman alam na magiging ganun reaksyon niya e." sabi ni Sab habang umiiyak.
"Hindi mo naman siya masisisi. Kasi nga naman hindi mo pinapaalam sa kanya kung ano ang plano
mo." sabi ni Yannie sa kanya at hinihimas himas pa ang buhok ni Sab.
"Alam mo kasi Sab, dapat pinapaalam mo man lang sa kanya yung mga plano mo. Hindi para pigilan
ka niya o kung ano man. Paalam mo lang sa kanya para naman maramdaman niya na kasama siya sa
mga plano mo. Na hindi lang siya malaking display sa buhay mo." payo ni Ate Cass kay Sab.
Mukha namang natauhan si Sab sa sinabi sa kanya. Tumigil na rin siya sa pag-iyak.
Nagpasukan naman na ang mga lalaki pero hindi nila kasama si Josh. "Asan na?" tanong ni Ate
Cass.
"Nasa labas pa rin. Pero ayos naman na siya. Nagpapahangin na lang siguro." sagot ni Manager.
Tumayo si Sab at nagpaalam na lalabas lang daw siya ng No Name. Hinayaan naman namin siya pero
dahil sa dakila kaming intrigera, sinundan namin si Sab at nagtago sa likod ng halaman.
Nang makita ni Sab si Josh, agad niya yung niyakap kahit nakatalikod pa si Josh. Mukha namang
nagulat si Josh pero hindi naman siya gumalaw sa pwesto niya.
"Sorry na Bakulaw. Hindi ko naman alam na ganun pala mararamdaman mo. Ang selfish ko kasi e.
Sorry na. Bati na tayo please?" mangiyak ngiyak na sabi ni Sab kay Josh habang nakabackhug pa
rin.
Tinanggal naman ni Josh yung kamay ni Sab mula sa pagkakayakap at humarap siya kay Sab.
"Pasalamat ka kahit halimaw ka hindi kita matiis." sagot naman ni Josh kay Sab at niyakap niya
si Sab.
"Pero sana sa susunod, paalam mo na sakin mga plano mo ha? Para naman may alam ako kahit
paano."
"Opo. Sayo ko na unang sasabihin palagi. Saka malalaman mo na talaga yun. Kasi sa susunod, sa
lahat ng plano ko kasama ka na."
***
Pagbalik ni Sab at Josh sa No Name nagkunyari kaming walang nakita sa nangyari kanina sa kanila
kahit na ang totoo halos mabaliw na kaming girls sa kilig sa momemt nilang dalawa.
"Mukha kang regalo Ry. Umayos ka nga." sabi ni Ate Cass sa kanya.
Naglabasan na kami ng mga regalo. Unang nagbigay ng mga regalo si Manager. Tapos si Ate Cass,
Sab, Josh, Ako, Ice, Xander, Ayu. Nang si Ken na ang magbibigay ng regalo, nagulat na lang kami
ng naglabas siya ng napakaraming regalo.
"Ang sweet mo naman Ken. Talagang maraming regalo ibibigay mo sa amin? Ano yan? Pambawi sa
kakuriputan mo nung mga nakaraang taon?" biro ni Xander na nagpatawa sa aming lahat.
Nagkamot naman ng ulo si Ken, "Wag mo na ngang sabihin yun." inabot niya sa amin yung mga
regalo namin.
Nang si Ayu naman yung bibigyan niya ng regalo, nagulat na lang kami kasi lahat pala ng
regalong natira para na kay Ayu.
Ngumiti si Ken at tumango. "Para yan sa mga pasko na hindi kita nabigyan ng regalo."
"Huy Ken! Paano naman kami? Nasaan na yung mga regalo para sa mga paskong -- "
"Wag ka nga munang sumingit dyan Xander." suway ko sa kanya. Kitang may nagmomoment tapos
biglang gaganun.
"P-pero hindi mo naman kailangan bigyan pa ako ng mga regalo na ganyan karami. Syempre
maiintindihan ko naman kung hindi mo ko bigyan ng regalo nung mga nakaraan kasi di mo pa naman
ako kilala."
Nginitian niya si Ayu, "Hindi nga kailangan pero gusto ko. Saka para sa'yo naman yan kaya ayos
lang."
"Nakakainis naman 'to oh. Sana sinabi mo 'to sa akin. Para nabilhan din kita ng marami. Tingnan
mo, isa lang nabili ko sa'yo." sabay pout ni Ayu.
Tumawa naman si Ken at kinurot sa pisngi si Ayu, "Ang cute mo. Haha. Okay lang yun. Basta naman
ikaw nagbigay okay na e."
"Hep hep. Tama na. Masyado ng sweet. Itigil na yan." pigil ni Manager sa dalawa na nagpatawa na
lang sa amin.
"Oh Ikaw na Yannie. Regalo ko. Amin na." utos ni Ate Cass at nakalahad pa kamay niya.
"ATE!!"
"Ang pangit pakinggan. Umayos ka nga. Makahingi lang ng regalo kala mo may patago."
"Fine." sagot ni Ate Cass at umirap kay Ice sabay lingon kay Yannie. "Yannie. Ikaw na
magbibigay ng regalo."
Natawa na lang kami sa inasta nung magkapatid. Nilabas naman na ni Yannie yung mga regalo niya
at binigay na sa amin yun. Syempre tuwang tuwa naman kami sa mga natanggap namin.
"Alam mo Yannie, sana hindi ka na nag-abalang bigyan ako ng regalo." sabi ni Xander habang
nakatingin sa regalong bigay ni Yannie.
Napahinto si Yannie sa pag-oopen ng regalo at tumingin kay Xander, "Bakit? Ayaw mo nyan?"
malungkot na tanong niya.
"Kasi ano?"
"Ikaw lang sapat na. Sobra sobra ka pa nga e. Wala na kong hihingin pa basta ba andyan ka."
Kinuha namin yung mga nakakalat na gift wrapper nung nag-open kami ng gifts at binato yun kay
Xander.
"Hoy tama na!" sigaw niya habang nakayakap pa kay Yannie na tawa lang ng tawa.
***
"So, kailan na tayo magkikita kita niyan?" tanong ni Ice habang nakatayo kami sa tapat ng gate.
"Ahh. Sige. I'll see you then. Advance Merry Christmas." bati niya sa akin at nginitian ko
naman siya.
***
Zoe's POV
"Ang tagal. Zoe, ang bagal mo. Wag ka na kumuhang damit dyan. May damit ka naman sa inyo.
Dalhin mo lang yung importante. Ilagay mo na sa bag mo."
Ayan na naman si boss Yannie. Pinapagalitan na naman ako. Always and forever na lang ba?
Kaloka. Pero sa bagay, may point siya. Wag na nga ako magdalang damit. Marami naman samin. Yung
mga importante na lang dadalhin ko. Pero wait, importante raw ba?
"Hindi ko naman pwedeng dalhin lahat ng importante." sagot ko sa kanya habang nakatalikod pa
rin at binabalik ang mga nakuha ko nang damit.
"Bakit naman?"
"Hindi kasi pwede." sabi ko sa kanya at bumulong para di niya marinig, "Hindi kasi siya kasya
sa bag."
"Tss. Bahala ka nga dyan." tumayo ako at lumabas ng kwarto. Iniwan ko na lang si Yannie dun na
mag-isang tumatawa. Bahala siyang magmukhang baliw dun.
Pagbaba ko agad akong dumiretsyo sa labas para ilagay yung kakaunting gamit na kinuha ko sa
sasakyan.
"Hoy Zoe! Hahaha. Walk out lang talaga? Eto naman, highblood agad e. Porket narinig ko lang
yung sinabi mo ganyan ka na? Hahahaha." sinamaan ko na ng tingin yung bruhang 'to. Hindi
maubusan ng tawa sa katawan.
"Ang saya mo 'no? Tss." sarkastikong sabi ko sa kanya sabay cross ng arms ko.
"Problema niyong dalawa?" biglang tanong ni Ayu na naglalagay ng gamit niya sa likod ng
sasakyan.
"MA!" napalingon kaming tatlo sa sumigaw na si Xander na naglalakad papunta sa direksyon namin.
Bigla namang kumaway si Yannie sa kanya at hinug siya ng makalapit na. Kasunod naman ni Xander
si Ice at Ken na kumaway rin sa amin.
"Bakit kayo naligaw?" tanong ni Ayu kay Ken na nakalapit na pala sa kanya.
"Wala lang. Gusto lang namin kayo makita bago man lang kayo umalis."
"Para naman kaming mangingibang bansa niyan. Parang saglit lang kami mawawala e." biro ni Ayu.
"Huy Ice, bakit ang layo mo? Tara kaya dito?" sigaw ni Xander kay Ice.
Lumapit naman siya at tumabi sa akin. Nginitian ko sya at ganun din ang ginawa niya. Nakasandal
kami sa gilid ng sasakyan ng mapansin kong nasa harap namin yung apat at nakatitig sa amin.
Nagtaasan naman ang mga kilay nila. Pero kasi ayoko namang ipaalala nila yung kiss ko kagabi
kay Ice. Nakakahiya kaya. Narealize ko lang nung makapasok ako kagabi sa bahay.
"Sabi na may nangyari e." napatingin kaming lahat kay Josh na bagong dating pa lang pero
mukhang mapapaalis ko na agad.
"Ano?"
Nagkibit balilat si Josh, "Ewan ko. Basta ang alam ko lang inabutan kong tulala si Ice dito
kagabi na akala mo nakakita ng multo."
"Baka nga nakakita siyang multo? Hala." medyo takot na sabi ni Ayu.
"Karamihan ng nakakita ng multo, nangingninig na namumutla. Pero siya hindi naman. Steady lang.
Yun nga lang, namumula."
"Tama na usapan! Pwede na sigurong next time na tayo magkwentuhan para makaalis na kami di ba?"
pagchechange topic ko.
Mahirap na. Baka mabuking pa. Nakakahiya naman kung ganun. Pero totoo kaya yun? Na ganun yung
reaksyon niya? Sayang, dapat pala tiningnan ko yun kagabi.
"Oo nga naman. Tama na. Mag-ayos na lang tayo ng gamit." buti na lang at nakisang-ayon sa akin
tong si Ayu.
"Okay. Check niyo na yung mga gamit niyo. Baka may naiwanan kayong importante. Yung sinasabi ko
na importante, yung maliliit lang ha. Yung kasya sa bag." pagpaparining ni Yannie at talagang
diniinan pa niya yung last sentence.
Sinamaan ko siya ng tingin. Magsasalita na sana ako ng bigla niyang kausapin si Sab na
kakalabas lang ng bahay at may dala pang inumin at pagkain.
"Aalis na lang may dala ka pang pagkain. Pero Sab, yung inumin mo, may YELO ba yan? Ibigay mo
nga kay Zoe. Gusto niya ng yelo ngayon e." pigilan lang nila ko. Konti na lang masisipa ko na
tong si Yannie. Ano bang problema nito at ang lakas mang-asar? Tss.
Inaabot ni Sab sa akin yung inumin niya pero tinanggihan ko at tumingin ako ng masama kay
Yannie habang siya nagpipigil ng tawa.
"Halimaw."
"Yo, bakulaw! Andyan ka na pala. Sabi ko sayo text mo ko e." sabi ni Sab kay Josh at luampit
dito para ikiss ang boyfriend niya sa cheeks.
"Mahirap kunin phone ko kasi. Sorry. Nga pala, dyan ka lang. Wait."
"Saan ka -- "
"Basta, wait." tumakbo si Josh papunta sa likod ng kotse niya at may kinuha siyang bag.
Sinara niya yung kotse at nilock saka bumalik ulit sa pwesto namin. Initsya niya yung susi niya
kay Xander at agad naman yun nasapo ni Xander.
Lumapit si Ken kay Josh at sinuntok siya ng mahina sa balikat, "Loko ka. Aalis ka? Bakit ikaw
lang? Hindi mo kami sinabihan. Sama rin kami."
"Uy Ken. Wag ka na sumama. Dapat kapag pasko, pamilya mo kasama mo. Kaya dito ka na lang.
Tawagan na lang tayo kapag andun ako. Okay?"
"Okay." malungkot na sagot ni Ken. "Pero bakit si Josh? Akala ko ba pamilya ang dapat kasama?"
"Pamilya ko naman kasama ko sa pasko. Sabi kasi ni ma, dun kami kila Tito Eric sa pasko.
Pamilya kami nila Ayu di ba?"
"Okay na. Okay na. Tama na usapan. Tara na at umalis na." sabi ni Yannie at initsya nya yung
susi ng sasakyan kay Josh, "Ikaw na magdrive. Kasama ka naman pala."
Nagpaalaman lang kami. Akala mo naman isang taon kami mawawala at mangingibang bansa. Masyado
na ata kami naging attach sa isa't isa kaya kahit isang linggo lang magkakahiwahiwalay kung
magpaalaman parang wala ng bukas.
Paakyat na sana ako ng kotse nang biglang hawakan ni Ice ang braso ko. Napahinto ako at
napatingin sa kanya.
"O, bakit?"
Binitawan niya ako at ngumiti, "Mag-iingat ka dun ha? Wag ka papalipas ng gutom. Saka wag kang
mananapak ng kung sinu-sino kapag nag-init ulo mo."
"Okay na e. Ayos na talaga pero yung last sentence mo medyo sablay." biro ko sa kanya.
Tumawa siya ng mahina pero naging seryoso rin ulit, "Kahit one week lang yun mamimiss kita.
I'll text and call you, okay?"
Tumango ako at nginitian siya. "Opo. Sige na. Babye na. Ako na lang hinihintay oh. Bye."
niyakap ko siya at tinap sa likod niya.
Kumaway rin ako kay Ken at Xander na nasa likod lang at nagpaalam.
***
Nang makarating ako sa bahay agad ako sinalubong ni Daddy at Mommy. Ang tagal na rin since I
last saw them. Namiss ko sila infairness.
Nagkwentuhan kami ng mga nangyari sa amin nung nakaraang mga buwan. Naikwento ko na rin sa
kanya sila Manager, Ate Cass, Ash pati ang mga boys. Nasabi ko na rin sa kanila yung tungkol sa
panliligaw ni Ice.
"Ay nako Mommy, kung nakita mo lang yung eksena nung mga naunang months ewan ko na lang kung
masabi mo pang cute yun."
"Hindi naman mahalaga kung paano nagsimula. Ang mahalaga, ayos kayong lahat ngayon." - Mommy
"At anak, we can't wait to meet those friends of yours. Pakilala mo sila sa amin someday." Daddy
"Oo naman po. Papakilala ko talaga sila." proud na proud kong sabi sa kanila. Sabi bang sign
pa.
Natawa silang dalawa sa ginawa ko at niyakap ako, "We really missed you dear."
"Hinahanap ka rin ng parents nila Yannie. You should visit them too. Ayan lang naman sila sa
tapat."
Nang makalipat at makapagkamustahan na kami ng parents nung tatlo, umuwi na ulit ako sa amin
para magpahinga.
To: Ice
Nang magising ako, napatingin ako sa orasan sa side table ko. Woah. Ang haba pala ng tulog ko.
11am na.
Agad kong kinuha yung phone ko. Nagtext nga pala kasi ako kagabi kay Ice. Baka nagreply tapos
hindi ko agad mareply-an.
Nang buksan ko ang phone ko, halos madisappoint ako ng makitang wala siyang reply sa text ko
kagabi. Tiningnan ko pa kung nasend yung text ko sa kanya. Pumasok naman. Dati reply agad yun.
Bakit ngayon.. aish. Hindi naman big deal yun Zoe.
"Gising ka na pala anak. Papatawag ka na sana namin sa taas. Buti bumaba ka na. Tara, kain na."
Umupo ako sa tapat ng mommy at kumain. "Any plans for today?" tanong ng daddy ko.
"Sinong pinsan?"
"Si Shaianna."
Buong maghapon akong nakatambay sa kwarto ko. Hawak hawak ko ang phone ko at mukhang tangang
naghihintay ng text nung yelong lalaki na yun.
Binato ko ang phone ko sa kama at nagtalukbong ng unan saka sumigaw. Nafrufrustrate ako.
"Ilang months tayong di nagkita tapos ngayong makikita kita ganyan ang aabutan ko?"
Napaayos ako bigla ng upo at tumingin sa taong nakasandal sa may pintuan ko habang nakacross pa
ang arms.
"Hey Zoe."
"Shainna?"
"Obviously. So, anong problema natin at ganyan ka?" tanong niya at umupo sa gilid ng kama ko.
Nag-indian seat ako at bumuntong hininga. "Kasi naman. Ayaw ako itext ni -- "
"Ice?"
"Naman. Haha. So, nagkakaganyan ka kasi ayaw ka niya itext?" tumango ako. "Boyfriend mo ba
siya? Manliligaw mo pa lang naman di ba?"
"Oo. Pero kasi ang hindi naman siya ganyan. Kapag nagtext ako sa kanya, reply agad yan. Pero
ngayon hindi na."
"Baka busy?"
"Walang load?"
"Nakaline yan."
"Hindi nakapagbayad?"
"Mayaman sila."
"E teka nga. Bakit ba binibig deal mo ang hindi pagtetext niya sa'yo? Wala naman siguro siyang
obligasyon na reply-an lahat ng messages mo. Saka hindi pa naman kayo ha. Bakit kung makareact
ka ngayon ganyan?"
"Kasi nga.. ano. Teka. Bakit nga ba ganto ko magreact? Ay nako Shainna. Don't mind me.
"Baliw ka na nga ata. At alam ko kung bakit nababaliw minsan ang isang tao." maloko niyang
sabi.
"Alam ko na yang iniisip mo. Wag kang mag-alala cous. Alam ko ang nararamdaman ko."
"Bakit hindi mo pa sinasagot?" nasa The Buzz ba ako? Daming tanong nito ha.
"Kasi nga gusto ko siya noon. Gusto. Gusto lang. Crush. Ganun. Ayoko naman makipagrelasyon sa
taong gusto ko lang at hindi ko mahal. Gusto ko kasi kapag sinagot ko siya alam ko sa sarili
kong mahal ko na talaga siya. Kaya ayan, nagtagal yung panliligaw niya."
"Noon? Wait. Ang ibig sabihin ba niyan hindi mo na siya gusto? Ayaw mo na ba sa kanya or -- "
"Binabalak kong sagutin siya kapag nag outing na kaming magbabarkada. So Shaianna, did I asnwer
your question already?" sagot ko sa kanya saka ngumiti. Siguro naman gets na niya ang gusto
kong iparating.
*******************************************
[63] Chapter 61 - Skype
*******************************************
Dahil sa nadedicate-an na kita dati, hindi ko na 'to maidedicate sa'yo, pero babatiin pa rin
kita. HAPPY BIRTHDAY kay IceLovesZoe na admin din sa page ng Teen Clash sa FB. Happy
Biiiirthdaaaaaaaay. Advance lang ng one day pero pwede na. Haha. Happy Birthday ulit. :*
Ken's POV
"Miss na miss na kita. Tara na. Umuwi ka na dito." pagpapacute ko pa kay Ayu.
"Miss na rin kita kahit isang araw pa lang tayo hindi nagkikita." sagot niya sabay pout. Tss.
Wag nga lang siyang gumanyan at baka hindi ako makatiis at mapunta ako ng di oras sa kanila.
Gustong gusto ko na siyang hilahin palabas ng monitor ngayon. "Kamusta nga pala dyan?"
"Ayos naman. Nung umalis kayo kahit isang araw lang parang ang dami agad nagbago."
Biglang napatalikod si Ayu kaya napahinto kami sa pag-uusap. "Bakit?" tanong ko sa kanya.
Curious lang. Hindi ko kasi syempre makita kung ano nangyari.
"Hi Zoe!" bati ko sa kanya kasi paniguradong maririnig naman niya ako.
Napatayo naman siya at lumapit sa may webcam saka kumaway, "Hello. Ikaw pala yan Ken! I miss
you na." sabi niya at tumawa.
"I miss you too. Uy Ayu, wag kang magseselos ha. Syempre alam mo naman na barkada tayo nila Zoe
kaya natural lang na sabihan ko -- "
"Hep! Grabe ka naman. Syempre hindi ako magseselos no. Si Zoe naman yan e. Pero kung ibang
babae yan.. nako Kenneth Yu, magtago ka na sa pagtataguan mo."
"Sus. Ibang babae? Psh. Anong mapapala ko sa mga yun? Ayan ka naman. Walang panama lahat ng
babae sa'yo. Ikaw pa."
"Okay. Ang keso niyo na. Nakakaloka. Bahala nga kayo dyan. Maglambingan muna kayo." sabay
hairflip ni Zoe at humiga ulit sa kama.
Nagkwentuhan kami ni Ayu sa Skype. Gustong gusto ko na talaga siyang ilabas sa monitor para
katabi ko lang siya. Para naman akong tanga nito. Kakaalis lang nila kahapon pero miss na miss
ko na siya ngayon.
"Nadidistract kasi ako dyan sa nasa likod mo." sabay turo ko pa sa kay Zoe. "Nababaliw na ba
yang kaibigan mo?"
Tumalikod siya para tingnan yung baliw niyang kaibigan. Panay gulong kasi niya sa kama tapos
itataas niya yung phone niya. Tapos bigla niyang ibabagsak. Tapos gugulong ulit, titingnan ang
cellphone at ibabagsak. Paulit ulit lang. -__-
"Bruha, hindi ka ba naturukan ngayon? Mukha kang baliw dyan. Ano bang problema mo?"
Mukhang nagulat si Zoe na pinansin siya ni Ayu. Umupo siya sa kama at ginulo ang buhok niya.
"Baliw na ata talaga ako."
"Bakit ba kasi?" tanong ko pa pero hindi siya agad nakasagot kaya nagtanong ulit ako, "Nga pala
Zoe. Anong balita kay Ice?"
Bumalik siya sa kama at dumapa at nakapalumbaba. "Malay ko dun. Kayo magkakasama dyan e." at
inirapan pa ko. Hala, ano bang ginawa ko at iniirapan ako nito?
"Hindi. Tss. Bwisit. Bahala nga siya sa buhay niya." sagot ni Zoe at humiga na ulit sa kama.
Nagkatinginan kami ni Ayu at napakunot noo niya. "Nangyari dun? Teka nga. Bakit mo kinakamusta
si Ice e kayo magkakasama dyan?"
"Tinetext namin ni Xander kagabi hindi naman nagrereply. Tinatawagan pa nga namin pero hindi
naman sinasagot."
"Shut up Ayu. Kung ano man yang balak mong sabihin wag mo ng ituloy." sabat ulit ni Zoe at
dumapa na naman sa kama ni Ayu.
Natawa na lang kami ni Ayu. Si Zoe talaga. Namimiss lang si Ice kaya nagsusungit e.
Napahinto na naman kami sa tawanan ni Ayu ng biglang may nagbukas ng pinto ng kwarto ko at
biglang may pumasok, "Ken, patext naman ako dali. Sira phone ko. Amina cellphone mo. Bilis."
"Si Zoe. Baka magalit sakin yun. Hindi ko pa siya natetext. Bwisit kasing cellphone yan. Kung
kailan wala sila saka nasira bigla. Tsk."
"Wag mo ng itext pre. Tara na lang dito." pinalapit ko siya sa harap ng monitor. Kahit mukhang
naguguluhan siya lumapit naman siya.
Tiningnan niya ang monitor, "Oh. Nagskaskype pala kayo. Hi Ay -- ZOE!" natawa kami sa reaksyon
ni Ice ng makita niya si Zoe. Ganun pa rin naman ang posisyon ni Zoe. Nakadapa sa kama ni Ayu
at nakapalumbaba.
"Zoe yer face." mahinang pagkakasabi ni Zoe pero narinig naman namin ni Ice.
"Tss. Sabi na magagalit 'to e." bulong ni Ice. "Uy Zoe. Sorry na. Nasira kasi talaga phone ko."
"Wala si Ate Cass at Ash sa bahay. Umalis sila. Hindi sila natulog sa amin. Kaya nga eto oh,
sumugod pa ako kila Ken para lang makitext."
Hindi ko alam kung bakit ganto umasta 'tong dalawang 'to. Kala mo sila na. Hindi pa naman.
Nakisawsaw ako sa usapan nila, kasi trip ko lang, "Para saan ang Facebook at Skype Ice? Pwede
mo naman siyang imessage dun ha." panggagatong ko kay Zoe. Mabwisit lang tong si Ice.
Napakamot siya sa batok niya, "Hindi ko naisip yung Facebook. Wala akong Skype."
Natahimik kaming tatlo. Hindi ko alam kung pagtatawanan ko ba tong si Ice o ano. Mukang tanga
lang kanina e. Hahahaha.
"So hindi naman siguro kayo magkaaway no? Hindi naman kayo galit at okay naman kayo di ba?"
paninigurado ni Ayu.
"Hay. Oo. Okay lang kami. Medyo nainis lang ako kasi siya pa ang nagsabi na tatawagan at
itetext niya ako tapos siya pa 'tong hindi nagrereply nung tinext ko siya." sagot ni Zoe kay
Ayu.
"Sorry na talaga. Pinapagawa ko na yung phone ko. Pagkagawa na pagkagawa, tatawagan talaga agad
kita."
"Okay. Okay na. Valid reason naman yan kaya ayos lang." sabay ngiti pa ni Zoe.
"Kamusta ka na dyan? Ayos ka lang dyan di ba?" tumango at ngumiti naman si Zoe sa kanya. "I
miss you."
"I miss you too." bigla namang lumaki yung ngiti ni Ice nang marinig ang sagot ni Zoe.
Nagkatinginan kami ni Ayu. Magsasalita pa sana si Ice pero pinigilan ko na siya, "Tama na.
Lumayas ka na dito Ice. Inaagawan mo pa ako ng moment kami ni Ayu nag-uusap dito."
"Oo nga. Ikaw rin Zoe. Lumayas ka na rin at dun ka na lang sa inyo makipag-usap at makipagSkype kay Ice."
"Gagawa na lang ako para makapag-usap tayo. Message mo na lang sa FB ko username mo ha. Uwi na
muna ako para makagawa na."
"Okay, sige. Ingat ka! Bye!" nagsalute si Ice sa kanya at lumabas na ng kwarto ko.
"Ayan na, uuwi na po ako. Mag-usap na kayo dyan." sabay labas niya ng kwarto ni Ayu. Napailing
na lang kaming dalawa sa dalawa.
***
Zoe's POV
Pag-uwi ko agad kong binuksan yung FB ko para imessage kay Ice ang username ko. Hindi rin naman
ako matagal naghintay para makapag-usap kami. Nagkwentuhan at kamustahan lang kami sa Skype.
Nagpaalam lang kami sandali sa isa't isa para kumain at bumalik na ulit kami sa pagskaskype.
Habang magkausap kami nagulat na lang ako ng biglang magring ang phone ko at mas ikinagulat ko
na si Ice ang tumatawag sa akin.
"Bakit tinatawagan mo pa ako e magkausap na tayo?" tanong ko sa kanya at tinaas ko pa ang phone
ko.
"Sinusunod ko lang promise ko na tatawagan kita pag nagawa na phone ko. Binigay na kasi sa akin
ni manang yung nagawa kong phone kaya ayan na. Tinatawagan na kita." hindi ko napigilan at
napangiti na lang ako sa sinabi niya. Bumabawi siguro 'to kasi hindi niya ako agad natext.
"Nako. Ngumingiti. Kinikilig ka?"
Halata naman sa mukha niyang nagulat siya kasi inamin kong kinikilig ako. Pero agad din naman
siyang nakabawi at ngumisi, "Ikaw ha. Marunong ka na kiligin ngayon? Sabi ko na e. Tumatalab na
pagpapapogi ko sa'yo."
"Ha-ha-ha. Confidence level mo ha. Tumataas ata bigla. Parang kailan lang totorpe-torpe ka pa
-- "
"Tss. Oo na. Oo na. Alam ko na. Uy Ice, inaantok na ako e. Bukas na lang ulit tayo mag-usap.
Bye bye. Goodnight."
"Sige, bye. Sweetdreams Zoe." sabay kaway pa niya. Nginitian ko lang siya at pinatay na ang
webcam pati ang laptop.
Nahiga na ako at papikit na sana ng biglang magring ang phone ko. Napangiti at napailing ako ng
makita ang pangalan ni Ice sa caller ID.
E ano ba yaaaan. Nakakainis. Nawala tuloy bigla ang antok ko at biglang bumilis tibok ng puso
ko. Parang nakikipag-unahan na sa kabayo. Hindi na ako makakatulog niyan malamang.
***
Days passed by in a blur. Nagdaan na ang pasko at like what we used to do, nagcelebrate kami ng
family ko together with Sab, Yannie and Ayu's family. Pero this time, may nadagdag na. Yung
pamilya ni Josh. Masaya syempre. Kahit hindi namin kasama yung boys, sila Manager at yung iba
pa, masaya pa rin kasi nakakapag-usap usap naman kami para magbatian.
At dahil nga sa sobrang bilis ng araw, pauwi na kami sa amin. Pabalik na. Hindi na namin sinabi
sa iba kasi wala lang. Trip lang. Ang alam kasi nila bukas pa ang uwi namin kasi bukas pa kami
aalis para sa outing na yan. Pero dahil hindi naman kami si wonderwoman at ayaw namin mapagod,
umuwi na kami para kahit papaano may pahinga kami at hindi yung diretsyo byahe agad pagkauwingpagkauwi pa lang.
Pagdating namin sa bahay, inayos lang namin yung gamit namin para bukas, alis na lang kami.
SInabi na rin namin kay Josh na wag na sabihin sa tatlo na nakauwi na kami at dito na lang sa
tapat ng bahay magkitakita.
***
"Everything's set?" paninigurado ni Ayu at chineck at binilang ang mga bags na nakahanda para
sa 4-days outing namin.
"Okay na? Lezzgo." energetic na sagot ni Sab. Palabas na sana siya ng pigilan siya ni Yannie.
"Don't be too noisy Sab. Nasa labas na sila. Akala nila pauwi pa lang tayo. Gulatin na lang
natin sila."
Nag-agree naman kami kay Yannie at dahan dahan na naglakad palabas.Nakatingin sila sa daan.
Mukhang hinihintay nila yung pagdating namin. Para silang ewan. Hindi nila alam na nasa likod
lang nila yung hinihintay nila. Haha.
Nang nasa likod na nila kami, tinakpan ni Ayu ang mata ni Ken samantalang tumalon naman si Sab
sa likod ni Josh. Nagulat naman sila, except kay Josh, at napaharap sa amin.
Nagulat ako ng biglaan akong niyakap ni Ice. "I missed you, Zoe." napangiti naman ako at tinap
siya sa likod niyo. "Namiss din kita."
Biglang umubo si Xander kaya napabitaw kami bigla ni Ice, "What?" tanong ko.
"Kayo na ba? Kasi kung hindi pa kung makapagyakapan kayo dinaig niyo pa kami ha." napailing na
lang at natawa na lang ako kay Xander at pumasok na sa van.
After ng ilang minuto nagpasukan na rin sila. Si Xander muna ang nagdrive. Sila ni Yannie ang
nasa harap. At dahil nga sa van 'to, tatlong upuan ang nasa likod. Sa first row nakaupo si Sab
at Josh, sa second row naman si Ken at Ice at sa last row kami nakaupo ni Ayu.
Pupunta kami sa rest house nila Ice somewhere. Mga limang oras daw ang byahe papunta dun kaya
malamang ko ba na mag-init 'tong upuan ko. Gabi na for sure ang dating namin dun since hapon na
ngayon.
Buong car ride namin nakipagkwentuhan lang ako o di kaya nakikinig sa iPod ko. Medyo nakaramdam
ako ng antok kaya sinandal ko ang ulo ko sa upuan. Pero dahil nga sa byumabyahe kami,
nahihirapan ako makatulog ng maayos.
"Palit tayo Ayu." hindi ko pinansin yung narinig ko tutal hindi naman ako si Ayu kaya
pinagpatulog ko lang yung paghahanap ko ng tamang pwesto pero makatulog ng maayos.
Nagulat at napadilat na lang ako ng biglang may humawak sa ulo ko. "Ice, ayos -- "
"Zoe, ayos lang. Matulog ka na. Mahaba haba pa ang byahe." dagdag pa niya.
Kahit nung una medyo naghesitate pa ako, tinuloy ko pa rin ang pagtulog ko. Pero paano ako
matutulog kung nariring ko yung heartbeat niya? Nakaakbay kasi siya sa akin at nakahiga naman
ang ulo ko sa dibdib niya.
Ilang minuto lang siguro yung lumipas ng biglang huminto yung sasakyan. Syempre nagkunyari pa
rin akong tulog kahit na ang totoo, gising na gising ako. Hindi ko alam kung bakit ko yun
ginawa. Basta magulo kasi akong tao.
"Kain muna tayo. Nagugutom na ko. Saka pagtapos nito, ikaw naman Josh magdrive."
Narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng van. "Ice, bakit di ka gumagalaw dyan?" narinig ko rin
na tanong ni Ken.
Nakakakonsensya naman kung mahuhuli siya ng pagkain para lang sa akin. Kaya para makababa kami,
nagkunwari akong bagong gising. Gumalaw ako at kinusot ang mata at nagpanggap na hinahanap yung
iba, "Nasaan tayo? Bakit wala sila?"
Ngumiti naman siya at inayos yung buhok na naging dahilan na naman ng pagbilis ng tibok ng puso
ko, "Kumain. Gusto mo rin bang kumain na?"
"Sige, nagutom na rin ako e. Tara." tumango naman siya at bumaba na kami para sumunod sa
kanila.
Inabutan namin silang nasa counter at umoorder. Sinabi na rin namin ang order namin s at saka
naghanap ng mauupuan. Pagkatapos naming kumain nagstay muna kami sa labas at naupo.
Habang naglalakad kami papuntang CR, may dalawang babae ang tumuturo sa amin. "Sila yun di ba?"
"Excuse me po, pero kami po pinag-uusapan niyo di ba? Bakit po?" tanong ni Yannie. Hindi ko
alam kung matatawa ako sa kanya o ano. Kasi naman magtanong daw ba ng ganun.
"Ah, kasi po kayo po yung nakita naming nagkakainan kanina. yung maraming kasama. Napansin
namin na kasama niyo boyfriends niyo. Ano lang po, nacucute-an kami sa inyo. Parang ang sweet
sweet niyo po kasi."
Naramdam kong nagblablush ako sa sinabi nung babae. Kasama ang boyfriends? Sila oo. Ako suitor
pa lang. Pero parang maganda at masarap nga rin pakinggan kung sasabihing boyfriend ko siya.
"Okay. Thank you Kath. Nakakatuwa naman at napansin mo pa yung kasweet-an factor namin. Sweet
pala kami sa isa't isa." natatawang sabi ni Yannie.
"Oo po kaya ate. Sobrang cute niyo pong walo. Kaya po kahit kakakita ko pa lang sa inyo parang
gusto kong maging kagaya niyo. Yung magkaroon ng ganyang friends at special someone. Yung
tipong kahit hindi kayo kilala, isang tingin pa lang makikita ng mahal niyo yung isa't isa.
Ganun po kasi yung nakita ko sa inyo kanina."
Nagpatuloy lang sa pag-uusap si Yannie at yung Kath. Gusto ko sanang makipag-usap sa kanila
pero sasabog na talaga. I need to pee.
"Excuse me lang. Mauna muna ako sa inyo. Yannie, CR muna ko." paalam ko sa kanila at nagCR na.
Pagtapos kong magCR at nung makalabas na ako ng cubicle, andun na si Yannie at nakasandal pa sa
may sink habang nakacross ang arms. "Hoy babae. Nakita ko yun. Nagblush ka sa sinabi kanina ni
Kath."
"Ikaw nga umamin sa akin, kailan mo ba balak sagutin yang si Ice? Alam ko namang sasagutin mo
yan dahil halata naman sa'yong may feelings ka para dyan sa yelong yan."
"Tangi. Kaibigan kasi kita kaya alam kong may nararamdaman ka sakanya. Halata kasi sa kilos mo.
Infairness girl ang sweet niyo sa likod kanina. Yung tulog ka. Sa sobrang kilig ko nga
pinicture-an ko kayo e." sabi niya sabay pakita sa akin ng phone niya na may picture nga namin
ni Ice.
Nakasandal ako sa dibdib ni Ice at nakapikit habang si Ice nakatingin sa akin at nakangiti.
"Ang sweet niyo 'no? Cute pa. Haha. So ano na girl? Balik sa tanong ko kanina, kailan mo na ba
sasagutin si yelo?"
Bigla namang tumili si Yannie kaya tinakpan ko yung bibig niya, "Sssh. Ang ingay nito. Wag kang
maingay ha. Wag mong sasabihin sa boys yan maski kay Xander."
"Oo. Oo. Grabe kinikilig ako. Finally magiging kayo na. Konting push na lang. Ayan na. Abot
kamay na."
Hindi muna ako agad sumagot sa kanya. Tiningnan ko siya at ngumiti, "Hindi."
Bago pa tuluyang makalabas ng CR si Yannie, tinawag ko siya, "Why?" tanong niya at napaharap sa
akin.
***
Yung isa sa tatlong angrequest na umextra sa Teen Clash, ayan na. Ayan na po Kath Narciso.
Konti na lang mararating na natin ang finish line. Malapit na 'tong matapos. Konting tiis na
lang. :)
*******************************************
[64] Chapter 62 - No title
*******************************************
Zoe's POV
"Waaa. Ang ganda naman pala dito." kitang kita mo kay Sab na sobra nga talaga syang nagandahan
sa pagbabakasyunan namin.
Sa bagay. Ako man gandang ganda e. Isa siyang beach. Puti yung sand. Hindi rin siya masyadong
populated kaya hindi ka maiirita. May makikita ka rin na magkakasamang pamilya dito pero more
on group of friends ang nakikita namin. Nagpunta kami sa tutuluyan namin.
Two-story house siya. Hindi masyadong malaki. Hindi rin naman maliit. Sakto lang kumbaga.
Mayroong five rooms sa taas. Since walo kami, napagpasyahan namin na dalawang tao ang matutulog
kada kwarto. At hindi na lang namin gagamitin yung isang room.
Si Yannie at ako ang magkatabi. Si Sab at Ayu. Si Ice at Josh. At si Ken at Xander.
Tumango at sumama naman kami sa kanya. Naglakadlakad lang kami nang bigla akong hilahin ni Sab.
Pero sa halip na pansinin ay humarap lang siya sa iba, "Guys, pasama lang ako kay Zoe ha. Kita
kita na lang tayo mamaya. Babye!" sabay wave niya at hinila na ako palayo sa kanila.
"Oy Sab. Ano bang trip mo at kinakaladkad mo ko ngayon? Pwedeng medyo bagalan mo lang at
nakakahingal kaya." paano naman kasi ang bilis bilis ng lakad niya. Parang maiiwan ng bus. -.-
Huminto siya at humarap sa akin na nakapeace sign, "Sorry. Naexcite lang kasi ako."
"Naexcite saan?"
"Huh?"
"Na sasagutin mo na si Ice -- " biglang nanlaki ang mata ko at tinakpan ko ang bibig niya.
"Jdkpspapxlss"
"Akdkfodod"
Agad kong tinanggal yun, "Sorry. Kasi naman ang ingay mo. Baka may makarinig sayo. Gusto ko nga
surprise ang pagsagot sa kanya e." pabulong kong sabi kay Sab.
"Sorry."
"Paano mo nga pala nalaman? Sinabi ba ni Yannie? Loka loka talaga yung babaeng yun. Sabi --
"Walang nagsabi sakin no. Narinig ko lang kayong dalawa sa cr. Magccr dapat ako nun pero di na
natuloy dahil sa sobrang kilig." at umacting pa siya na para talagang kinikilig.
"Asan na ba mga yun?" tanong niya habang patingin tingin pa rin sa paligid.
"See? Maski ikaw wala. Tara na nga lang. Libot libot pa tayo."
Tumalikod siya at hihilahin na sana ulit ako pero tumigil siya at pinalo sa balikat yung nasa
unahan niyang lalaki.
"Sab!" saway ko sa kanya. Paano naman kasi, sinong matinong tao ang papaluin sa balikat ang
taong hindi naman niya kilala?
Pero hindi niya ako pinansin at tinapik ang lalaki, "Uy Ice. Suplado lang ulit ang peg?" Ice?
Nababaliw na ba si Sab? Hindi naman si Ice 'to. >.<
"Ay kuya! Sorry. Sorry po. Akala ko ikaw yung kaibigan ko. Medyo kamukha mo kasi." kamukha?
Tinitigan ko ang lalaki. Oo nga no. May hawig kay Ice. Ang cute.
"Ayos lang miss. Pangalawa ka na na napagkamalan akong ibang tao. Sige, una na ko." paalam nung
lalaki at umalis na.
Si Sab naman naiwang nakanganga. Napailing ako at hinawakan ang baba niya para maisara ang
bibig niya.
"Zoe hindi mo ba nakita yun? Look alike ni Ice. Ang galing. Para silang male version ni Katy
Perry at Zooey Deschanel."
"Kasi -- "
"ZOE! SAB! Andyan lang pala kayo. Kanina pa namin kayo hinahanap." napalingon kami sa sumigaw
na si Yannie.
Nang makalapit na sila sa amin super excited na nagkwento si Ayu tungkol sa lalaking
nakasalubong daw nila kanina.
"I think I met him kanina. Actually tinapik ko pa nga sya e. Nakakahiya."
Pinagtawanan na lang namin yung naging reaksyon ni Sab, "Pero teka nga pala Zoe. Sagutin mo na
ang tanong ko."
Nanlalaki ang mata na lumingon sa akin si Yannie, "Totoo? Hindi mo sya napagkamalang si Ice?"
"Bakit? Anong big deal dun? E hindi ko talaga siya napagkamalang si Ice e."
"Astig ha. Kung ako ngang kaibigan ni Ice magbuhat nung bata pa, napagkamalan kong si Ice yung
lalaki e." tuwang tuwang sabi ni Xander.
Natawa na lang kami sa dalawa. "So ano, sasagot ka ba or sasagot?" ang kulit lang talaga ni Sab
ha. Psh.
"Ewan ko. Basta. Alam ko lang na hindi si Ice yun. Besides, hindi naman sila super magkamukha.
Magkamukha lang sila pagnakatalikod kasi nga halos same height, hair at complexion. Pero kapag
nakaharap, hindi na sila magkamukha."
Nginitian ko naman sila at niyaya na ulit maglakad. Pero bago ako lumakad, bumulong pa ko.
"Saka hindi naman bumilis tibok ng puso ko kanina kaya alam kong hindi siya yun."
Agad kong tinakpan ang bibig niya pero mukhang huli na kasi napatingin na silang lahat samin.
"Narinig ang ano? At bakit mo tinatakpan yung bibig nya?" tanong ni Ayu.
Agad kong binawi ang kamay ko, "Ah kasi ano, baka maingayan yung mga tao. Oo. Kasi baka
maingayan sila."
***
"Samahan na kita." sagot nya sa akin at umupo pa sa kama niya. Nakahiga na kasi siya at mukhang
readyng ready na matulog.
"Pero -- "
"Yannie, dyan lang ako sa tapat. Hindi ako mawawala. Kaya ko na sarili ko." natatawa tawa ko
pang sabi sa kanya.
"Sure?"
Gabi na at malamang ko ba natutulog na yung iba. Pero hindi kasi ako makatulog, kaya binalak
kong pumunta sa may seashore.
Naupo lang ako dun. Ang lamig pala. Sana nagdala akong jacket or cardigan. Pero titiisin ko na
lang at tinatamad akong tumayo.
Niyakap ko na lang ang sarili ko habang tinatangay naman ng hangin ang buhok ko.
"Oo nga." sagot ko sa kanya habang nakatingala pa rin at nakangiti. Ang dami kasing stars
ngayon kaya ang ganda talaga ng langit.
Inalis ko ang tingin sa langit at tiningnan siya. Nakatitig pala siya sa akin at nung magtama
yung mata namin, ay nginitian niya ako. Ayan na. Nagwawala na naman yung puso ko.
Agad kong iniwas ang tingin ko at tumingala. Baka kasi mapansin nya ang kilig ko kapag
nakipagtitigan pa ako.
"Oo."
"Kahit saan naman masaya basta kasama kita." napatingin ako sa kanya nung sabihin niya yan.
Mababaliw ako kapag bigla bigla na lang syang bumabanat. Hindi ako handa. Tss.
"Inaantok na ko. Pasok na ko. Ikaw ba, dyan lang?" pag-iiba ko ng usapan. Mahirap na.
Tumayo ako at pinagpag ang short ko. "Ano, dyan ka lang ba?" tanong ko pa ulit.
Pumasok na kami at bago pa ako makapasok sa kwarto ay niyakap niya ako para maggoodnight.
***
Ayu's POV
Naglibot lang kami ni Ken. Pabalik na kami sana sa loob pero napahinto ako sa tapat ng pinto
dahil parang may importanteng pinag-uusapan ang tatlong lalaki sa loob.
Sila lang kasi ata ang tao dun. Naglibot din ata sila Zoe, Yannie at Sab.
"Wala. Talo ka na Josh. Panalo na ko sa pustahan." mula sa pwesto ko, alam kong si Xander tong
nagsasalita.
"Huu. E paano kung may mangyaring di maganda at maudlot ang pagsagot. Hanggang di pa sinasagot,
hindi ka pa panalo."
"Hoy Ice! Ano ba yan. Tulungan mo nga ako dito kay Josh. Paliwanagan mo na mamayang gabi na
yung pagsagot niya ng oo kaya talo na tong Josh na to sa pustahan. Dali na Ice. Tutal kasama ka
naman sa pustahan na to."
"How could they do that to Zoe? Bakit kailangan pa nilang pagpustahan yung sa pagsagot ni Zoe
kay Ice?"
"Haven't you heard that awhile ago? Tss. Nakakainis. Narinig siguro nila yung usapan namin
kagabi ni Zoe. Kaya ayan. Nalaman nilang ngayon na dapat sasagutan ni Zoe si Ice. Alam mo,
nakakairita yang mga kaibigan mo. So everything's just a bet?"
Nakakainis lang kasi talaga na malaman mong pinagpupustahan pala yung araw ng pagsagot ng
kaibigan mo sa manliligaw niya.
Alam kong masasaktan si Zoe kung sakaling malalaman niya to pero sa tingin ko, dapat niyang
malaman 'to.
"Alam ko rin yan Ken. Mahal niya si Zoe. Kaya lang, hindi pa rin tama na pagpustahan nila yung
araw ng pagsagot ni Zoe kay Ice. Importante sa isang babae ang araw na yun. Tapos ano? Tapos
pagpupustahan lang pala nung mga lalaki yung araw na yun. Don't you think it's a bit unfair?"
"Pero may posibilidad na magkagulo Ayu. Kung sasabihin mo yun, baka hindi matuloy yung pagsagot
ni Zoe kay Ice. Masasaktan sya."
Hay. Ano ba yan. Naguguluhan na ko. Tss. Ano ba ang magandang gawin?
***
Zoe's POV
Ginabi na kami nila Yannie sa paglilibot kaya naisipan na naming bumalik sa bahay.
"This is it Zoe. Eto na talaga 'to. Sasagutin mo na siya." kilig na sabi ni Sab.
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Eto na nga. Sasagutin ko na siya. Sana maging maganda
talaga yung gabing 'to.
Nang makarating kami sa bahay, si Ayu lang ang inabutan namin. Nasa labas siya at mukhang
seryosong nag-iisip.
"Ayos mo?"
Mukha naman siyang nagulat sa biglaang pagsulpot namin. Pero sa halip na sumagot ay nginitian
niya lang kami.
"Bumili lang ng pagkain natin sa resto na nadaanan natin bago makarating ng bahay."
Tumango naman ako sa kanya, "Alis lang kami saglit ha." paalam ko sa dalawa.
"Okay."
Agad kaming umalis ni Yannie para puntahan yung apat. Nagtatawanan at nagkwekwentuhan lang kami
habang papunta sa resto na sinasabi ni Ayu.
Pagdating namin dun, hindi ko agad makita yung apat. Medyo maraming tao at maingay. Ang lugar
na konting tao lang sa umaga, pagdating pala ng gabi, halos mapuno rin.
"Asan na ba mga yun?" pasigaw na sabi ko kay Yannie para marinig niya ako.
Pero sa halip na sagutin niya ako, nanahimik lang siya at nakatingin sa isang direksyon.
"Okay ka lang ba?" hindi pa rin niya ako kinikibo at nakatingin pa rin sa lugar na yun.
Dahil sa naintriga ako sa tinitingnan niya, tumingin na rin ako sa direksyon na yun.
At nung mismong pagtingin ko dun, nagsisi agad ako sa ginawa ko. Kung totoong nadudurog o
nahahati ang puso, malamang ko ba ganun na ang nangyari sa puso ko ngayon. Mali, baka mas
malala pa dun.
"Zoe, tara na." hinihila na ko ni Yannie pero hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko.
kahalikan niya.
Ang tanga ko rin e. Alam ko na ngang nasasaktan ako sa nakikita ko, pero tinitingnan ko pa rin.
"Zoe, tara na." yaya na naman sa akin ni Yannie at pinunasan ang pisngi ko. Marahil ginawa niya
yun dahil sa patuloy na pagtulo ng luha ko.
Paalis na sana ako ng magtama ang mata namin ni Ice. Halata mong gulat na gulat siya na
makitang nandun ako. Pero kung nagulat siya, mas nagulat naman ako sa inabutan ko.
Agad akong umalis sa resto para na rin makatakas kay Ice. Sinusundan din ako ni Yannie. Hindi
ko alam kung bakit ngayon pa. Bakit kung kailan mahal ko na siya, saka ko pa makikita yun?
Hindi ko alam kung ano ang nangayri. Hindi ko alam kung paano yun nangyari. Pero magpaliwanag
man siya ngayon, sarado pa rin ang utak ko. Puro sakit lang ang nararamdaman ko.
"Zoe, yung nakita mo kanina -- " bago pa niya matapos ang sinabi niya ay sinampal ko na siya.
"Kung gagawa ka ng kalokohan, siguraduhin mong hindi kita makikita. Hindi mo na sana ako
niligawan kung hindi mo kayang mapanindigan Hindi pa nga kita sinasagot, may ginagawa ka ng iba
habang nakatalikod ako."
"Zoe -- "
"Paanong pustahan?"
"What? Nako! Wag na wag lang magpapakita sa akin yang Josh na yan, babalatan ko yan ng buhay.
Iba na ang usapan kapag napag-lalaruan na ang kaibigan ko."
"Kahit masaktan pa siya?" saglit na natahamik ang dalawa pero binasag din nila ang katahimikan.
"Ano ba ang dapat gawin? Sabihin ang totoo kahit alam mong may masasaktan? O wag na lang para
di sya masaktan?"
Nang marinig ko ang usapan ni Ayu at Sab, napaupo na lang ako sa tapat ng pinto at umiyak.
Bigla namang dumating si Yannie at niyakap ako.
"Yannie, bakit ganun? Bakit ganun siya? Bakit kung kailan mahal ko na siya saka pa niya ko
sasaktan? Bakit Yannie?"
"Sana hindi na lang niya ko niligawan para hindi ako umasa. Sana hindi na lang niya ako
nilapitan para wala ako ngayon iniiyakan. Sana hindi na lang niya 'to sinimulan para ngayon
hindi ako nasasaktan."
*******************************************
[65] Chapter 63 - Alex and Eunice
*******************************************
Zoe's POV
"Ano ka ba Zoe? Isang buong araw ka ba magkukulong sa kwarto? Look, hindi ka lumabas para
kumain. We brought your meals sa loob pa ng kwarto. Try mo kayang magpaaraw man lang. Dali na.
Sama ka na samin."
Pagpalit ko ng damit ay nag-aalangan pa kong lumabas ng kwarto. Mahirap na. Baka makita ko pa
siya. Baka lalo lang madagdagan yung sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Ahh. Ehh."
"Zoe, walang mangyayari sayo kung tataguan mo lang siya. Dapat nga ngayon mo ipakita sa kanya
na ayos ka lang. The best revenge is to be happy. Kahit wala siya."
Nginitian ko si Yannie at unti-unti ng lumabas ng kwarto. Good thing walang tao sa second flr
bukod sa amin.
Pero nung pagbaba namin, inabutan namin yung apat na lalaki sa may sala at nag-uusap-usap.
Naramdaman o narinig ata nila yung pagbaba namin kaya napatingin sila sa direksyon namin.
Sandaling nagtama ang mata namin ni Ice pero agad ko rin inwas ang tingin ko. Yung mga mata
niya, parang iba ang dating sa akin. Parang may kakaibang pakiramdam na.. hindi ko alam.
Pero sh*t lang. Hindi ko maipaliwanag 'tong nararamdaman ko ngayon. Yung tibok ng puso ko,
parang huminto. Pero at the same time, parang bumilis. Posible ba yun? Ewan ko. Wala na akong
maintindihan.
Binilisan ko ang lakad ko para makaalis sa lugar na yun. Baka masuffocate lang ako.
Pinalo naman ni Ayu ang kamay niya, "That's rude Sab. At saka, ano ka ba." pinanlakihan niya
ng mata si Sab at ngumuso sa direksyon ko.
Napangiti at napailing na lang ako sa ginawa ni Ayu. Sana kung gagawin niya yun yung di ko
nakikita di ba? Fail.
Napayuko ako sandali at nung inangat ko na ulit yung ulo ko ay nakita ko ang tatlong
nakatitig sakin na parang nag-aalala. Pero nung tumingin ako sa kanila ay agad silang umiwas ng
tingin.
Tumingin sa kaliwa si Yannie. Sa kanan si Ayu at tumingala naman si Sab.
"Hindi naman siya yun kaya ayos lang. Ano ba kayo." natatawa kong sabi sa kanila.
"You sure?"
Tumango ako at ngumiti.
Pero parang wala silang narinig at nakatingin pa rin sila sakin. Napailing na lang ako at
naglakad para pumunta sa isang resto.
Masakit na nga ang puso ko kaya di ko hahayaan na sumakit pa ang tiyan ko dahil sa gutom. Tama
ng isa lang sa kanila ang masakit.
Umorder ako ng hindi hinihintay ang tatlo. Pero bakit parang ang tagal naman nila makasunod sa
akin? Tiningnan ko ang lugar kung saan kami nakatayo kanina at napabuntong hininga na lang ng
makitang wala na pala ang tatlo dun.
"Saan nagpunta mga yun?" bulong ko sa sarili ko at yumuko.
"May tatlong lalaki ang humila sa kanila." napaangat ang ulo ko ng may sumagot sa tanong ko.
Of all people, why him? Tss.
Hindi ko na lang siya pinansin at hinintay ang order ko.
"May nakaupo dito?" tanong niya at tinuro yung upuan sa harap ko.
Napairap ako bigla, "May nakikita ka ba?"
Napachuckle siya, "Pwedeng umupo?"
"Kapag sinabi ko bang hindi pwede hindi ka na uupo dyan?"
"Uupo pa rin." sagot niya at umupo na nga sa tapat ko.
"I'm Alex." pakilala niya sa akin.
Tiningnan ko lang siya at tumingin na sa ibang direksyon.
Buti na lang dumating na ang order ko. Kung hindi, baka makain ko 'tong lalaking kaharap ko
ngayon.
Kinain ko na yung pagkain ko ng hindi siya inaalok or nagpapasintabi man lang. I don't care if
it's rude. Pero moments after may nagdala naman ng pagkain para sa kanya.
"Pasan mo ba mundo?" huminto ako sa pagkain at humarap sa kanya. "Nagtatanong lang." kibit
balikat niyang sabi.
"Paano kung oo?" inis na sagot ko sa kanya.
"Hindi naman pwede yun."
"Tatanong tanong ka tapos di ka maniniwala." sabi ko sa kanya at nagsimula na ulit kumain.
"Problemado ka lang. Pero hindi mo pasan ang mundo." hindi ko na lang siya pinansin.
"Pwede magtanong?"
"Ano yun?"
"Yung Ice. Kaanu-ano mo ba siya?"
Napahinto ulit ako sa paglalakad. Hindi ko naman ineexpect na itatanong niya sa akin yun.
Huminto rin siya at tumingin sa akin, "Boyfriend mo ba yun?"
Hindi ko pa rin sinagot ang tanong niya.
"Siya ba ang dahilan kung bakit ganyan ka ngayon? Mukhang problemado?"
Mukhang wala namang masama kung sasagutin ko ang mga tanong niya.
Umupo ako sa may sand at ganun din ang ginawa niya. Patuloy pa rin siyang naghihintay ng sagot
sa mga tinanong niya.
"Hindi kami. Pero.."
"Pero?"
"Pero muntik ng maging kami." nanatili lang siyang tahimik at hinahantay ang kasunod na
sasabihin ko. "Kagabi.. sasagutin ko dapat siya. That was supposed to be the sweetest night.
But something happened. Bagay na nagpabago ng isip ko."
Inaasahan kong itatanong niya kung ano ang nagpabago ng isip ko. Pero hindi niya ginawa.
Instead, dinugtungan niya ang sinabi ko.
"Nakita mo siya na may kahalikan na iba." agad akong napatingin sa kanya. "Kagabi.. you saw him
and some random girl kissing."
"Paano mo nalaman yan?"
"I was there. I saw you. I saw them."
Niyakap ko ang tuhod ko at ipinatong doon ang baba ko. Pinipigilan kong umiyak kapag naaalala
ko yung scene na yun pero hindi ko magawa. Bigla na lang tumulo ang luha ko.
"Masakit. Nakakainis. Nakakaasar. Alam mo yun? Yung akala mo seryoso siya sa'yo pero -- "
"Wag mong gawing basehan ang nakikita mo lang. Narinig mo ba ang side niya? Hindi mo pwedeng
sabihin na niloko ka niya dahil lang sa nakita mo siya sa ganung paraan kagabi. Hindi mo alam
kung sino ang nag-initiate. Hindi mo alam kung lasing ba yung babae at inakala na yung Ice pala
ang boyfriend niya."
"Bakit.. bakit mo sinasabi yan?"
Nagkibit balikat siya, "Siguro kasi iba ang interpretation mo sa nakita mo. Ayun ang hirap sa
mga tao e. Mabilis manghusga. Everything is not what it seems. Hindi dahil sa ayun ang nakita
mo, ay ayun na ang totoo. May dalawang side ang mga kwento. Wag kang bumase sa alam mo lang."
"Bakit parang -- "
"Parang ang dami kong alam?" tumango ako.
Ngumiti siya at saka tumingin sa may dagat.
"Kasi alam kong misunderstanding ang lahat."
"Paano mo naman nasabi yan? Kilala mo ba si Ice? Kilala mo ba yung babae?"
"Hindi ko kilala si Ice. Pero yung babae, kilala ko." tiningnan ko lang siya.
Inalis na niya ang tingin sa may dagat at tumingin sa akin sabay ngiti, "She's my girlfriend."
***
Ice' POV
Badtrip.
Akala ko pa man din magiging masaya 'tong bakasyon na 'to. Kabaligtaran lang pala ang akala
ko.
Bwisit kasi yung babaeng yun e. Hindi ko naman kilala kung makahalik kala mo girlfriend ko.
Hindi ba niya alam na para lang ako kay Zoe? Pero dahil sa kanya, wala na. Galit na sa akin si
Zoe. Ni hindi man lang niya ko nagawang pakinggan.
Naglalakad lakad ako sa may gilid ng dagat para makapag-isip-isip. Gulong gulo na ako.
"Excuse me." naptalikod ako ng may magsalita sa likod ko.
Nagsalubong ang kilay ko nang makita ang babaeng nasa harap ko.
"Uhh. Kagabi.. ano. I'm sorry."
Napangisi ako bigla, "Wala namang magagawa ang sorry mo." mukha siyang nagulat sa sinabi ko.
"Nagalit na sa akin ang taong mahal ko dahil sa ginawa mo."
"W-what? Galit?"
"Oo! Galit! Sino bang babae ang hindi magagalit kung makita niyang yung manliligaw niya ay
hinalikan ng babaeng ni hindi man lang niya kilala?!"
"S-sorry."
"Ganun ka ba talaga miss? Ang malas lang ng boyfriend o magiging boyfriend mo. Bakit? Kasi
yung girlfriend niya, kapag nalalasing, nanghahalik na lang ng kung sinu-sino." inis na sabi ko
sa kanya.
Napayuko siya at biglang naiyak. Nang makita ko siyang ganun, bigla akong nakonsensya. Masyado
atang masakit ang nasabi ko.
Napabuntong hininga ako at pumikit. "Look miss -- "
"Tama ka. Ang malas malas ng boyfriend ko sa akin. Sakit ng ulo lang ang nabibigay ko sa
kanya. Sinasaktan ko lang siya e. Dapat sa akin hinihiwalayan na lang e."
"Miss, pasensya na. Hindi ko naman sinasadyang sabihin ang mga bagay na yun. Nagkataon lang na
-- "
"Hindi. Okay lang. Tama ka naman kasi. Malas siya at ako ang girlfriend niya. Nakikipaghiwalay
na nga ako sa kanya. Pero nakakainis siya. Ayaw niya. Nasasaktan lang siya sa akin pero bakit
ayaw pa rin niya akong hiwalayan?"
Hinawakan ko siya sa balikat, "Miss, hindi ko alam kung ano ba yang problema mo. Pero tumigil
ka na sa pag-iyak oh. Baka isipin nila na pinapaiyak kita dito." medyo natawa siya sa sinabi ko
at pinunasan na niya yung luha sa mata niya.
"So, tinatanggap mo na ba ang sorry ko?" tanong niya.
"Ano pa bang magagawa ko?"
"Eunice nga pala." at inilahad niya ang kamay niya.
***
*******************************************
Ice' POV
Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko yung nakita kong eksena kanina. Si Zoe na may kayakap na
iba.
Masakit. Siguro ganito rin yung naramdaman niya nung nakita niya ako nung nakaraang gabi. O
baka mas masakit pa?
Teka. Bakit naman siya masasaktan di ba? Wala siyang pakialam sa akin. Masaya naman siya
ngayon.
Ayos na rin siguro 'to. Ayos na rin na ako lang yung nasasaktan. Maging masaya lang siya kahit
masaktan pa ako ayos na.
Pero madaling sabihin yun. Madaling sabihin na magiging ayos lang ako basta ba masaya siya.
Mahirap lang talagang gawin.
Paano ko gagawin ang maging masaya kung alam kong hindi naman ako ang nagpapasaya sa kanya?
Paano ko gagawin ang maging masaya kung sa bawat tingin ko sa kanya, naaalala ko lang yung
taong sobrang mahal ko at gusto kong maging sa akin pero hindi ko naman makuha?
Nasa may tapat lang ako ng tinutuluyan namin at nakaupo nang matanaw ko na si Zoe. Napatayo ako
ng makita siya.
"Hindi Ice. Ayos lang. Ayos lang talaga. Alam ko naman na ang nangyari. Hindi mo nga siguro
ginusto yung nangyari. She kissed you."
"Alam mo na?"
"Oo. Nakausap ko yung babae kanina. Pero wala na rin namang mababago kung malaman ko pa ang
totoo o hindi. Kagabi, tinapos ko na kung ano ang meron tayo. Kaya kahit na alam kong hindi mo
ginawa yung akala kong ginawa mo, wala pa ring mangyayari. Kasi nga tapos na. Wala na. End na
ng story natin."
Ngumiti siya, "Siguro narealize ko lang na wala talaga akong balak sagutin ka. Na hindi ko
magawang gustuhin ka tulad ng pagkagusto mo sakin. Yun. Sige ha. Pasok na ko." sabay palo niya
sa balikat ko.
***
"Umuwi na tayo Ice. Nakakailang bote ka na dyan e." saway naman ni Josh at hinila yung boteng
nasa kamay ko.
"Wag nga kayong magulo." sabay kuha ko ulit ng bote ko kay Josh.
"Ice nakikinig ka ba?! Ano ba?!" sigaw na sa akin ni Ken. Napangisi lang ako at di siya
pinansin. "Tumigil ka na sabi!"
"Hayaan niyo muna ako. Kahit ngayon lang hayaan niyo muna akong maging ganto. Baka kasi kapag
nalasing ako mawala na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kahit panandalian lang."
"T*ngina pre. Nakakabobo. Nakakabaliw na. Bakit naman siya ganun? Ayos pa naman kami nung una.
Bakit biglang nagkaganun? Nalaman naman na niya yung tungkol sa babae. Na wala akong ginusto sa
nangyari. Ayun naman ang punto ng lahat ng to di ba? Pero bakit wala pa rin? Bakit sa ganto pa
rin kami nagtapos?"
"Tama na pre. Uwi na lang tayo." pero di ko pa rin sila pinakinggan at patuloy na uminom.
Nakailang bote pa ako ng beer ng maisipan ko ng bumalik sa bahay. Nakaalalay pa rin sa akin
yung tatlo.
Sa dami ng nainom ko wala pa ring nangyari. Wala pa ring epekto. Nararamdaman ko pa rin lahat
ng sakit. Ni hindi man lang yun nabawasan kahit kaunti lang.
Nang makarating kami sa bahay ayaw pa sana ako iwan nung tatlo pero nakiusap ako sa kanila na
gusto ko munang mapag-isa. Pumayag naman sila at nagpunta na rin sa kwarto nila para matulog.
Nagpunta ako sa bakanteng kwarto. Mas gusto ko sanang matulog mag-isa ngayon. Gusto kong ako
lang.
Pero nagulat na lang ako ng makita na may tao sa bakanteng kwarto. Lumapit ako sa kama para
makita kung sino yung andun.
Bumilis yung tibok ng puso ko nang makitang si Zoe pala ang nasa kwarto at natutulog.
Tinitigan ko lang siya habang natutulog siya. Parang wala siyang kaprobleproblema. Siguro nga
wala lang ako sa kanya kaya hindi siya naapektuhan ng sobra.
Hinawakan ko yung pisngi niya, "Mukhang ang himbing ng tulog mo. Siguro nga ayos ka lang
talaga. Okay na rin siguro yun. Kesa naman magaya ka sa akin at maramdaman mo 'tong mga
nararamdaman ko ngayon." para akong siraulong kinakausap ang tulog. Pero wala akong pakialam.
"Ang sakit. Sobrang sakit." hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. "Umasa akong baka
mahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sa'yo pero nabigo ako. Ako lang pala talaga ang
nagmamahal sa ating dalawa. Gusto kong magalit Zoe. Gusto kong magalit sa'yo kasi nasaktan ako
ng ganito. Pero hindi ko magawa. Mahal kasi kita."
"Sobrang mahal kita kaya kahit siguro ilang beses pa akong masaktan dahil sa'yo hindi ko
magagawang magalit. Nakakabaliw na Zoe. Hindi ko alam kung paano ako lalayo sa'yo. Hindi ko
alam kung paano ko titigilan 'tong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano mawawala tong
pagmamahal sayo kung sa bawat minuto na makikita kita lalo lang tumitindi tong nararamdaman ko.
Ano bang dapat kong gawin? Saan ba ako magsisimula?"
Tumigil ako sa pagsasalita at hinaplos lang ang mukha niya habang patuloy pa rin ang pagpatak
ng luha ko.
"Mahal kita Zoe." bulong ko at hinalikan ang noo niya saka lumabas ng kwarto.
***
Zoe's POV
"Mahal kita Zoe." naramdaman ko ang paghalik niya sa noo at ang pagpatak ng luha niya sa mukha
ko.
Nang makalabas na siya ng kwarto, saka na lumabas yung mga luhang pinipigilan ko kanina habang
nagsasalita siya.
Oo, narinig ko lahat. Sobra na ba siyang nasasaktan? Sobra na ba kaming nagkakasakitan? Tama pa
ba tong ginagawa kong paglayo?
Ano ba yan. Hindi ba ako mauubusan ng luha sa mata? Kanina ko pa siya iniiyakan ha. Pwede bang
"Gabing gabi na bakit tumawag ka pa? Saka sana nilabas mo na lang ako dyan at pumunta ka na
lang dito sa kwarto natin. Tinatamad -- "
Bigla naman nagend ang call. At ilang saglit lang ay bumukas na ang pintuan ng kwarto at nakita
ko si Yannie.
Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Niyakap ko rin siya at umiyak ng umiyak.
"Sige lang Zoe. Iiyak mo lang yan." sabay himas niya sa likod ko.
"Bakit ganun? Bakit mas masakit ngayon Yannie? Bakit mas masakit malaman na nasasaktan siya
nang dahil sa akin? Na sinasaktan ko siya? Mas masakit pa ata 'to kaysa sa nung nakita ko
siyang hinalikan nung babae. Mas masakit pa 'to kaysa nung nalaman kong napagpustahan ako."
"Nakakabaliw naman 'to oh. Nakakainis. Nababaliw na talaga ako." inalis ko yung pagkakayakap ko
kay Yannie at pinalo palo yung unan ko.
Humiga ako at tinakip yung unan sa mukha ko pero tinanggal ko rin yun agad.
"Mag-usap dapat kayo. Pag-usapan niyo lang yan. Pakinggan mo rin yung paliwanag niya. Hindi mo
rin alam kung nagkaroon lang ba ng misinderstanding o ano."
"Misunderstanding? Alin pa ba sa parte na pinagpustahan nila yung araw ng pagsagot ko kay Ice
ang hindi maliwanag? Ano pa ba yung hindi ko alam?"
Napatahimik ako at tiningnan ko lang siya. Naguguluhan ako. Ano ba ang totoo? Lahat ba ng alam
ko ngayon ay mali? Ano nga ba ang totoo?
"Anong mali? Yannie, ipaliwanag mo naman sa akin lahat kasi gulong gulo na ko."
"Kasi Zoe.. mali tayo. Mali kami. Alam na natin yung nangyari sa babae at kay Ice. Lahat yun ay
walang ibig sabihin at hindi rin yun ginusto ni Ice. Alam kong nagkakaganyan ka na lang ngayon
dahil sa pustahan. Dahil sa nasaktan ka."
Umayos siya ng upo at hinawakan ang dalawa kong kamay, "Nasaktan ka dahil ang akala mo
napagpustahan ka. Kaya ang ginagawa mo ngayon ay lumalayo sa kanya para mabawasan yang sakit na
nararamdaman mo. Pero sa halip na mabawasan, parang lalo lang nadaragdagan. Tama ba?" pero
hindi ko siya sinagot at tiningnan lang siya.
"We're all wrong Zoe. Misunderstandings lang ang lahat. Walang nangyaring pustahan. Wala. Yung
narinig lang pala nila Ken at Ayu ay pustahan nung dalawang lalaki sa pinanuod nilang series.
Walang alam sila Ice na sasagutin mo na dapat siya. Maski hanggang ngayon hindi niya alam na
nagkakaganyan ka dahil sa pustahan."
"H-ha?"
"Kanina nung nawala kami, kinausap kami nila Xander. Nasabi namin yung tungkol sa pustahan. Ni
hindi nga nila alam na may ganun pala tayong alam. Sorry Zoe. Kasalanan talaga namin 'to kung
bakit kayo nagkaganyan ni Ice. Kasalanan namin kung bakit nasasaktan kayo pareho. Sorry talaga
Zoe."
Sorry Ice. Akala ko.. Akala ko.. Mukhang sa aming dalawa siya ang mas nasasaktan ngayon.
Nagkakasakitan kami dahil sa maling akala. Sorry Ice.
***
"Ahh." sagot lang niya ng patango tango pa pero halata namang hidi siya naniniwala.
Napatingin ako sa katapat kong upuan. Wala pa siya. Siguro natutulog pa.
"Nasaan na ba si Ice?" agad akong napatingin kay Xander ng tanungin niya yan.
Yumuko ulit ako at tiningnan lang ang plato ko habang tinutusok tusok yung ulam ko.
"Kawawa naman po ang ulam." tiningnan ko ang nagsalitang si Sab. Nginuso niya yung plato ko
kaya tiningnan ko yun. Nabitawan ko yung tinidor ng marealize na kinawawa ko yung pagkain.
"Oh Ice! Andyan ka na pala." agad akong napatingin kay Ice ng marinig ko siyang tinawag ni
Josh. "Ang tagal mo -- Teka. Parang may mali sa mata mo. U -- "
Napatingin siya sa akin pero agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Nahihiya na kasi ako.
Pagkatapos ng lahat ng pananakit ko sa kanya parang hindi ko na siya magawang tingnan ng
diretsyo sa mata.
"Parehas puyat." bulong ni Sab kaya sinipa ko yung paa niya. "Aw."
"Ha? Ah. Oo. May lamok lang." sabay tingin niya sa akin.
Binilisan ko ang pagkain ko para makaalis agad ako sa pwesto ko. Ang hirap kasi.
Tumayo ako at kinuha ang plato ko, "Tapos ka na agad Zoe?" tanong sa akin ni Ayu.
"Ah, oo. Hindi naman kasi ako gaanong gutom." sagot ko sa kanya at nginitian siya.
Nabaling yung tingin ko kay Ice pero patuloy lang siyang kumakain dun.
Nakakainis lang. Sa isang araw aalis na kami pero eto, hindi pa rin kami ayos ni Ice. Pero ano
nga bang ineexpect ko? Na siya pa ang maghabol sa akin? Ang kapal naman ng mukha ko kung ganun.
Ako na nanakit. Ako pa ba ang hahabulin? Tss.
Bigla namang tumunog yung phone ko kaya chineck ko. Nagtext pala si Alex. Yung kamukha ni Ice.
Naibigay ko nga pala number ko sa kanya.
"Anong I need you I need you yan? At sino yang Alex na yan?" nagulat ako kasi biglang nagsalita
si Sab sa gilid ko at hinila ang phone ko.
"Sino ba kasi yang Alex na yan? At bakit ka sinasabihan ng I need you? Saka try mo kaya magsara
minsan ng pinto ha?" sarakstikong sabi niya at tinuro yung pinto ng kwarto namin ni Yannie.
Napatingin ako sa may pinto at nakita ko si Ice na nakatayo dun. Nakahinto lang siya sa tapat
ng pintuan pero hindi naman siya nakatingin sa amin.
Nakatingin lang ako kay Ice ng magsalita na naman si Sab, "Zooooeee! Sino ba kasi yang Alex?"
pagsabi ni Sab nyan, bigla namang naglakad na papaalis si Ice.
Napayuko ako at napabuntong hininga, "A friend." walang buhay kong sagot at agad kumuha ng
damit para makapaligo at makapunta na kay Alex.
***
Napatahimik ang dalawa. At ang awkward nito para sa akin. Ako lang kasi at silang dalawa ang
tao dito.
Nasa may gawing forest kami. Nagpatulong sa akin si Alex na maghanda para kay Eunice kaya
tinulungan ko naman siya. Nag-ayos kami ng lamesa at upuan para sa dalawang tao. Basta inayos
namin ang lahat.
Pinapunta ni Alex dito si Eunice. Ang ineexpect ko, kapag nakita niya 'to matutuwa siya. Pero
kabaligtaran ang nangyari. Naiyak na lang siya bigla at nagsagutan na nga sila ni Alex. Hindi
ko alam kung ano ba ang sitwasyon nila. Pero sa tingin ko, mukhang parehas silang nasasaktan.
"I love you so much Alex. Kaya nga pinapakawalan na kita habang maaga pa. Kasi oras na umalis
ako, di ko na alam ang mangyayari. Pero Alex, if you'll ask me to stay. I will. Hindi na ko
aalis." naiiyak na sabi ni Eunice.
"Ayokong isakripisyo mo
dahil sa bagay na hindi
you Eunice. Sobra. Kaya
hadlangan yan. Ang akin
hiwalayan."
"Pero ayokong mahirapan ka sa long distance relationship. Maraming pwedeng mangyari. Pwedeng
magkagusto ka sa iba -- "
"Oo maraming pwedeng mangyari sa atin habang magkalayo tayo. Maraming pwedeng magbago. Pero
kahit na ano pa yun, isa lang naman ang hindi na magbabago. Yun yung nararamdaman ko sayo. Kaya
lumaban ka naman para sa akin. Para sa atin." halos mangiyak ngiyak na rin na sabi ni Alex.
Tiningnan siya ng matagal ni Eunice at niyakap siya nito. "Sorry. Sorry kung naging mahina ako.
Tama ka. We'll get through this. As long as mahal natin ang isa't isa, may panghahawakan ako.
Alam kong may babalikan pa ako."
Naging maayos ang pag-uusap nung dalawa at sobrang saya nila. Syempre naayos na nila ang
problema e. Sobra sobra rin ang pasasalamat nila sa akin.
Nagkwentuhan lang kami sandali at nung maisipan kong bumalik na sa beach, ay sumama sila sakin.
"Seriously? Cr kaya yun. Haha. Dyan na lang kayo. Mabilis lang 'to." tumango naman kami ni Alex
at tumakbo na paalis si Eunice.
Nagkwekwentuhan lang kami ni Alex habang hinihintay si Eunice ng biglang may tumawag sa akin.
Nginitian ko naman siya. Kasama pala niya yung iba. Maski si Ice. Napatingin ako sa kanya at
"Hi guys." bati ko sa kanila. "Si Alex nga pala. Alex friends ko."
"Teka. Alex? Ikaw yung nagtext ng I need you kay Zoe?!" gulat na tanong ni Sab.
Sasagot pa lang sana siya ng biglang naputol yun dahil sa pagalis na lang ni Ice ng biglaan.
Dinaanan niya lang kami habang nakapamulsa pa.
"Good job Sab." sarkastikong sabi ni Ken sabay tapik pa sa balikat ni Sab.
"Sorry."
"Papayag saan?"
"Hindi kami papayag na magpaligaw at makatuluyan mo yang Alex na yan." humarap siya kay Alex at
yumuko, "Sorry Alex pero hindi talaga ako papayag na ikaw makatuluyan ni Zoe. Nararamdaman ko
namang mabait kang tao pero hindi lang talaga -- "
Para kasing ewan tong mga kaibigan ko. Maski si Alex natatawa na lang sa mga inaasta nila e.
Lumapit si Xander kay Alex at humawak sa balikat nito saka tinapik, "Pre, pasensya na pero
hindi kami boto sayo. Si Ice, yun yung dapat na makatulu -- "
"Hep hep. Hindi niya sinasadya yun Yannie. Okay? Kamukha lang kasi talaga ni Ice etong si Alex
at lasing siya nung panahong yun, kaya niya nagawa yung bagay na yun." awat ko kay Yannie. Baka
kasi mamaya sumugod na lang siya at sabunutan tong si Eunice. Hindi ko kasi naexplain sa kanila
yung nangyari Ang alam lang nila, walang kasalanan si Ice.
"Yes. Boyfriend ni Eunice tong lalaking to." sabay turo ko kay Alex. "Kaya false alarm na naman
kayo. Makapagassume lang kasi mga 'to. May atraso pa nga pala kayo sakin"
"Yung pustahan na sinasabi niyo." bigla namang nagsipag-iwas ng tingin ang mga loko. Napailing
na lang ako.
"Dyan na nga kayo." sabi ko at humarap kay Alex at Eunice, "Pagpasensyahan nyo na tong mga
kaibigan ko. May mga sayad lang yan sa ulo. Mauna muna ko ha. May aayusin lang ako." paalam ko
sa kanila.
***
Nagpunta ako sa lugar kung saan kami nanggaling ni Alex at Eunice. Hindi ko alam pero dito ako
dinala ng mga paa ko. Yung lugar na parang forest pero may batis sa gilid. Para talagang
paraiso tong pinuntahan namin. Nakakaloko.
Nang makarating ako, hindi ko naman inaasahan pero inabutan ko si Ice. Nakatalikod siya at
nakaupo sa may malaking bato sa gilid ng batis.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya. Halatang nagulat siya at tumingin sa
akin saglit pero binalik din ang tingin sa batis.
Saglit kaming nanahimik ng bigla niyang binasag ang katahimikan, "Gusto mo siya?" ha? Anong
sinasabi nito?
"Yung kasama mo kanina, yung kayakap mo kahapon, gusto mo ba siya?" teka. Si Alex ang tinutukoy
niya? Nakita niya kami kahapon? Pero niyakap ko lang naman siya noon kasi kinocomfort siya.
Problemado siya noon kay Eunice.
"O sige, hindi mo masagot? Eto na lang, gusto mo ba ko?" napatingin ako sa kanya ng tanungin
niya yan. Nakatingin din siya sa akin.
Inalis niya ang tingin sa akin at ngumiti pero peke. "Sige. Mukhang -- "
"Teka lang Ice. Patapusin mo naman muna ako. Humihingi ako ng sorry sa'yo kasi nasaktan kita."
napatingin naman ulit siya sa akin at halata mong naguguluhan siya sa sinabi ko.
"Sorry kasi nasaktan kita. Nung nakaraang gabi, tinapos ko ang lahat sa atin. Kasi galit ako.
Kasi naiinis ako. Ganun naman di ba talaga minsan? May mga bagay kang nasasabi dahil galit ka
kahit hindi mo naman talaga intensyong sabihin ang bagay na yun. Nagkataon kasi na nakita kita
na hinalikan ni Eunice. Kaya nasabi ko yun. Tapos nung umuwi pa ko may nalaman pa kong isang
bagay na hindi naman pala totoo. Nasaktan ako Ice. Aminado ako. Pero ngayon mas nasasaktan ako.
Mas nasasaktan ako kasi alam kong nasasaktan ka dahil sa akin."
"Zoe."
Hindi ko napigilan, may pumatak na naman na luha sa akin. "Sorry talaga Ice. Kapag naaalala ko
yung hirap mo dahil sa akin, naiisip ko na ang sama sama ko. Na parang ang hirap hirap kong
mahalin. Hindi kasi ako marunong makinig. Siguro sa ugali kong yan, darating yung panahon na
susukuan mo rin ako." naiiyak pa rin ako habang sinasabi yan.
Nagulat na lang ako ng bigla akong niyakap ni Ice, "Ssh. Tahan na Zoe."
"Inunahan kasi ako ng sakit. Kaya ayan. Lahat pala puro maling akala lang. Dapat hinayaan kita
magpaliwanag para hindi tayo umabot sa puntong nagkasakitan tayo."
Bumitaw sya sa pagkakayakap at hinawakan ang pisngi ko gamit ang dalawa nyang kamay, "Tumahan
ka na Zoe. Wag ka ng umiyak. Kapag umiiyak ka mas nasasaktan ako. Nasaktan mo man ako, ayos
lang yun. Ayos na, Zoe."
"Pero -- "
"Kakambal na ng magmahal ang masaktan. Kahit hindi man gustuhin, masasaktan at masasaktan tayo.
Pero ang mahalaga ay ang matuto tayong bumangon matapos natin masaktan. Maisaayos ang mga
dahilan kung bakit tayo nasasaktan."
Nginitian niya ako at saka niyakap, "Sorry rin. Kasi nasaktan din kita. Hindi man sadya, nagawa
ko pa rin. Sorry." niyakap ko lang din siya.
Matapos ang eksena namin, nanatili lang kaming tahimik parehas. Pero binasag niya ang
katahimikan.
"Zoe." napalingon ako sa kanya ng tawagin niya ang pangalan ko. Nakatingin lang siya sa may
batis pero maya maya ay lumingon din sa akin. "Di ba tinapos mo na nung nakaraan ang lahat sa
atin?"
"Pwede bang.. ligawan pa rin kita?" tanong niya na nakatingin ng diretsyo sa mga mata ko.
Nagulat siya sa sinagot ko at halos manlumo. Nginitian niya ako. Malungkot na ngiti. Kita ang
sakit sa mukha niya.
Bigla akong nakaramdam ng guilt ng makita yung reaksyon niya. Ang lakas talaga ng topak ko
paminsanminsan. >.<
Tiningnan ko siya at hinawakan ang kamay niya at saka inintertwine ang daliri niya sa daliri
ko.
Agad siyang napalingon sa akin at mukhang naguguluhan. Nginitian ko naman siya at saka
hinalikan sa pisngi. "Wag mo na ko ligawan. Tapos ka na manligaw. Sinasagot na kasi kita."
Tinanguan ko naman siya. Napatulala siya at nakatitig lang sa akin. Natawa naman ako sa
reaksyon niya.
"Uy. Tulala ka na dyan. Hindi masamang gumalaw. Umayos -- " naputol ang sinasabi ko ng bigla
niya akong halikan.
"I love you. I love you. I love you." umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha ko. Natawa naman
siya at pinisil ang pisngi ko. "Ang cute cute ng girlfriend ko kapag nagbablush." pinalo ko
naman siya at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya kaya ang labas ay nakayakap ako sa kanya.
Syempre modus ko yun para hindi na mahalata yung pagiging pula ng pisngi ko.
"Hmm?"
*******************************************
[68] Chapter 66 - Last Chapter
*******************************************
Zoe's POV
2 months later..
"Dun muna kaya tayo sa may kabila. Horror house na kasi. Dali na." yaya sa amin ni Sab.
Hinihila pa niya ang kamay ni Yannie kaya mukha siyang batang nagpapabili ng kung ano sa nanay
niya.
Bumitaw si Yannie sa hawak ni Sab at pinagdikit ang dalawa niyang palad, "Tama yan! Agree ako
sa'yo Zoe. I'm starving."
"Bahala ka maghorror house mag-isa Sab. Sasama na ko sa kanila kumain." dinig ko pang sabi ni
Ayu.
Foundation day ngayon kaya para kaming ewan na tuwang tuwa maglibot sa school para maningin ng
mga booths. Wala kasing ganto sa dati naming school. Inosente pa. Buti na lang talaga lumipat
ako sa school na 'to. Ang saya.
***
Yannie's POV
"Nasaan na ba ang mga boys?" tanong ko sa tatlo. Kanina pa kasi kami ikot ng ikot pero hindi
namin sila makita.
Sinamaan namin siya ng tingin. Tinaas niya ang kamay niya, "Chill lang naman. Biro lang.
Subukan lang nila mambabae. Baka di na sila sikatan ng umaga."
Sasagot na sana ako ng biglang may dalawang babae ang lumapit sa akin at bigla akong nilagyan
ng piring sa mata. "O-oy. Ano ba! Tanggalin niyo nga 'to. Wala akong makita." tatanggalin ko na
sana yung piring pero hinawakan nila yung kamay ko.
"Ate. Ano ba yang ginagawa niyo sa kaibigan namin?" boses ni Zoe tong naririnig ko.
"Napag-utasan lang po. Saka sumama na rin kayong tatlo. Sali raw po kayo."
"Anong sali? Anong akala niyo? Naglalaro lang ng langit lupa? Ayoko nito. Tanggalin niyo 'to."
"Yannie, mukha namang enjoy 'to. Wag ka na magreklamo. Just go with the flow."
"Sab, alam kong ikaw yan. Hindi 'to nakakaenjoy. Magtigil ka. Tanggalin niyo na tong piring sa
mata ko."
"Ate, may isa ka pa bang panyo dyan? Pahiram lang at ayaw manahimik nitong kaibigan ko e."
dinig kong tanong ni Ayu.
Mukhang alam ko na gagawin ni Ayu sa panyo. Sasagot pa sana ako kaya lang bigla ng tinakpan
yung bibig ko. Sabi ko na nga ba e. Ang sama ng mga kaibigan ko. T____T
Wala na akong nagawa kaya sumama na lang ako kung saan man. Ginaguide naman nila ako kahit wala
akong nakikita kaya ayos lang. Sa ngayon. Makawala lang ako dito.. nako.
"Ate, wait lang ha. Bilang kang 5 saka mo tanggalin yang piring."
Binitiwan na ako ng babae pero hindi ko siya sinunod. Tinanggal ko na agad yung piring.
Medyo nasilaw pa ako pagtanggal ko kaya kumurap kurap muna ako. Pero halos mapanganga ako ng
makita kong sa harap at di kalayuan si Xander na ngiting ngiti sa akin. May hawak siyang mic.
at bigla siyang kumanta.
Bigla namang may humawak sa magkabilang gilid ko at nakita ko si Ayu at Ken na wagas din kung
makangiti. At kinindatan pa ako ni Ken.
Nang makarating ako kay Xander, nilahad niya yung kamay niya at kinuha ko naman yun. Dinala
niya ako sa harap. Parang mini altar.
"Ikakasal kaya tayo Ma. Asawa naman na kita di ba? Ginagawa ko lang official." sobrang ngiti ni
Xander at nagbaba taas pa ang kilay.
"Kahit na ba. Magsusumpaan naman tayo kaya ayos na yun." natawa na lang ako sa kanya kasi para
siyang bata. "Ano? Pwede na ba ituloy 'to?" tanong niya at tumango naman ako.
Matapos ang mahabang seremonyas ng kunyaring pari na hindi mo naman malaman kung pari ba talaga
ang ginagawang role o albularyo, hindi kasi sure sa mga sinasabi niya, ay nagpalitan na kami ng
'I do' at ng singsing.
Sa parte ng 'you may now kiss the bride', instead na kiss ang sabihin ay hug na lang daw. Hinug
naman ako ni Xander tulad ng sinabi nung hindi ko malaman kung anong role na nasa harap namin.
"Mahal na mahal na mahal kita Ma." bulong ni Xander habang niyayakap ako at mas hinigpitan pa
ang pagkakayakap sa akin.
Napangiti ako sa narinig ko, "Mahal na mahal na mahal din po kita Da." ngiting ngiti kong sabi.
Nagulat na lang ako ng bigla siyang bumitaw sa yakap at ninakawan ako ng halik. "Hindi pwedeng
walang kiss sa bride." natatawa niyang sabi. Pinalo ko naman siya ng mahina pero niyakap din
agad.
***
Sab's POV
Ang haba ng hair ng friend ko. Wala, talbog ang beauty ni Rapunzel. Walang binatbat. Kahit na
ba sabihin mong joke joke na kasal lang yun, wala akong paki. Kinasal sila. Period.
Bakit ba kasi ang sweet sweet ni Xander? Medyo nakakainggit tuloy si Yannie. Eto kasing bakulaw
na 'to parang hindi tinubuan sweet bones sa katawan. Napakaunfair lang. >.<
Pumalakpak ako at tumalon papayakap kay Yannie kasi nag-agree siya, "I love you talaga Yannie."
at kiniss ko pa siya sa pisngi niya.
Pinunasan niya yung pisngi niya at umarteng nandidiri pa, "Eww Sab." Binelatan ko na lang siya.
Ayan na. Ayan na. Ayan na. Makakapag horror house na kami. Yes! Ay teka lang. Tama nga bang
horror house ang itawag ko dito? Kasi hindi naman ganun ang theme. Parang tunnel siya. Sabi ng
iba kapag namali ka ng way, posibleng matrap ka sa loob ng parang isang room tapos kailangan
mabuo mo yung puzzle pieces dun para makalabas agad. Pero kung hindi man daw mabuo yun,
makakalabas ka pa rin. After three hours nga lang.
Pagpasok namin bigla agad may kumalabog. Yung front door nasara. There's no turning back now.
Nagsimula na rin kaming maglakad.
"O-oo naman. Yayayain ko ba kayo dito kung natatakot ako? Hindi naman di ba? Matapang ata -WAAAAA. MOMMY!!" sigaw ko at napayakap ako agad kay Josh.
Paano naman kasi may biglang humawak ng paa ko at kulang na lang ay hilahin ako papunta sa
kanya.
Tinanggal ko agad pagkakakapit sa kanya at pinagpag sarili ko, "Hindi nga. Nagulat lang.
Magkaiba yun."
"Tss. Bahala ka nga kung ano gusto mo isipin. Bwisit." tatalikod na sana ako para sumabay kila
Ayu kaya lang bigla silang nawala. "Nasan na sila?"
"Or naligaw na tayo." tinaas lang nya ang balikat niya at naglakad na ulit kami. Dapat
makalabas na kami.
May pinasukan kaming isang pintuan pero dead end lang pala. Lalabas na sana kami kaya lang nung
pinihit ko yung doorknob, ayaw na mabuksan.
"Oh no! Natrap tayo. Nako. Nako. Eto na ata yun. Yung room na pwede mapagtrap-an. Ano ba yan.
Ang malas natin. Nakakainis. Ano na? Tatlong oras tayo mastuck dito? O higit pa? Ay teka. May
puzzle. Oo. May puzzle."
"Nasaan na ba ang puzzle? Kailangan kasi natin yun para makalabas tayo. Oo. Tama. Baka andun sa
lamesa sa gilid."
"Ano kayang puzzle yun? Mahirap kaya yun? Nasaan na ba kasi yun. Ayoko namang matrap ng ilang
oras dito. Ang init init. Saka oo na. Oo na. Nakakatakot na. Kaya kailangan ko na talaga
masolve nung puzzle na yun. Nang makalabas na tayo. Kasi -- " napatahimik ako ng bigla akong
ikiss ni Josh.
"Kasi naman ayaw mo tumahimik. Kalma ka lang, okay? Saka wag kang matakot. Andito naman ako.
Hindi naman ako mawawala sa tabi mo. Chill lang." sabi pa niya at hinawakan ang kamay ko.
"Tara. Dun tayo sa may table. Baka andun yung puzzle na dapat mabuo."
Tama nga at nandun ang puzzle. Sinubukan na namin yung buoin. Pero kahit na binubuo namin yun,
hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Para raw kasi mapanatag ako at mabawasan yung takot
na nararamdaman ko.
"Ayan. Tapos na." nakasulat sa puzzle kung saan makikita yung susi para makalabas kami.
Nanag makalabas na kami nung horror house, inabutan na namin yung anim na naghihintay sa labas.
"Tara na nga lang. Malapit na magdilim. Mag ferris wheel na tayo para makita natin yung
paglubog ng araw kung nasa taas na tayo." yaya ni Ken.
Pumayag naman kami. Pero bago kami maglakad ni Josh, hinigpitan ko ang kapit ko sa kamay niya.
Oo na. Holding hands pa rin kami.
Tiningnan niya ako na parang nagtatanong, "Thank you kanina. Nawala ang takot ko."
Ngumiti siya at pinisil ang ilong ko, "Sus. Ikaw pa. Alam mo namang gagawin ko lahat maging
safe ka lang e. Lakas mo kaya sa akin. Saka isa pa, hahayaan ko ba namang matakot ang mahal ko?
Syempre hindi."
***
Ayu's POV
"Napakahaba naman ng pila dito sa ferris wheel. Wag na nga tayo dito ng matigil na." sinamaan
ko ng tingin si Sab kasi naman alam na niyang gusto kong magferris wheel tapos biglang gaganun.
Bastusan lang? "Pero syempre joke lang yun." biglang bawi niya at tumawa.
"Joke nga lang. Kulit naman nito. Hindi pwede magjoke? Hay nako. Tara na nga. Ayan na oh.
Umaandar na pila."
Ilang sandali lang naman kami naghintay at nakasakay na rin. This is it. I've waited for this
moment. Okay. OA ko. -.-
Nahiwalay kami ni Ken sa kanila kaya kami ang naging magkasama. Syempre pabor naman sa amin
pareho 'to.
Nang umikot na ang ferris wheel at unti-unti nang umakyat, napatahimik na lang ako.
Nagbuntong hininga ako at pumikit, "I'm afraid. Okay? Baka kasi bigla tayong bumagsak. Gusto ko
lang maxperience to."
Naramdaman kong medyo umuga yung balloon at naramdaman ko ang pag-upo ni Ken sa tabi ko.
Hinawakan niya ang kamay ko pero nanatili pa rin akong nakapikit.
"Don't be afraid Ayu. You're with me. I'll make you feel safe." ewan ko pero parang sa isang
salita lang nya na yan automatic na na gumaan ang pakiramdam ko. Pero nanatili pa rin akong
nakapikit.
"Open your eyes. Paano mo makikita yung scene kung nakapikit ka lang?" diniinan ko lang ang
pagkakahawak ko sa kamay niya pero di pa rin dumidilat.
Natawa siya ng konti, "Bahala ka. Kapag nanatili kang nakapikit, baka hindi mo makita ang mga
dapat mong makita."
I let out a deep sigh and slowly opened my eyes. Sa kanya muna ako tumingin at nginitian niya
ako saka itinuro ang paligid. Kinuha ko ang lahat ng lakas ng loob ko at unti-unting tumingin
sa paligid.
"Wow." I whispered. Kitang kita kasi taas ang lahat ng ilaw na nanggagaling sa baba. Words
can't explain this kind of view. Sobrang ganda "Ang ganda." dagdag ko pa.
"Alam mo.. sobrang saya ko kasi sa Kingdom High kayo lumipat. If not, paano na lang ako." sabi
pa niya.
"Kung hindi dahill sayo I'll never be this happy. You bring out the happiness in me Ayu. You
changed me and made me the best person that I can be. It may sound so cliche and cheesy, but
Ayu, you complete me."
Napatulala na lang ako sa sinabi niya. Bakit ang sweet niya ngayon? Grabe lang. Ano ang
isasagot ko? Dapat nga ba akong sumagot?
Tumawa siya at ginulo ang buhok ko, "Ang cute mo. Speechless? Hahaha. Wag ka mag-alala. I don't
demand you to answer. It's not a question after all. Sinabi ko lang nararamdaman ko. Saka
naglalambing lang naman ako."
***
Zoe's POV
Inikot ko ang paningin ko baka sakaling makita ko yung apat na lalaki pero wala naman. Saan na
kaya napunta yung mga lokong yun? NagCR lang kami saglit pagbalik namin mga nawala na. >.<
"Hayaan na nga natin. Tara na lang dun." aya ni Ayu at tinuro yung lugar kung saan maraming
tao.
"Kung saan maraming tao at masikip dun mo pa talaga gustong pumunta no?" tanong ko sa kanya.
"Nakakacurious kaya."
"Oo nga. Parang may pinagkakaguluhan sila dun. Malay mo may artista dun."
"E kung pumupunta na lang tayo dun. Baka nakarating na tayo di ba?" singit ni Yannie.
Napabuntong hininga na lang ako at sumama na sa kanila papunta dun. Alangan namang paiwan ako.
"Excuse me po. Excuse." sabi ko sa mga dumadaan. Pero nung nasikipan na talaga ako, huminto ako
sa panggigitgit sa mga tao.
Hinawakan ko si Yannie, "Hintayin ko na lang kayo sa gilid. Masyadong crowded. Masakit sa ulo."
paalam ko at umalis na sa lugar na yun.
OA naman kasi sa pagkarami ng tao. Akala mo naman may artista. O kaya yung parang nangyayari sa
movies na may pagkaromantic. E parang normal na battle of the bands lang ang nangyayari.
"Teka lang po sandali." ibang boses na ang narinig ko. Hinarap ko na ang stage at nakita ko na
nga ang apat. Nagkukumpulan sila sa gitna ng stage at parang may pinag-uusapan.
Ilang sandal lang humarap na ulit sila sa mga tao. Kinuha ni Josh ang mic., "Pasensya na. Medyo
nahihiya lang 'tong si Ice kaya --" napahinto sa pagsasalita si Josh ng hilahin siya nila
Xander at Ken.
"Pasensya na. Medyo kinabahan lang ako kanina." sabay kamot niya sa ulo niya at nagtawanan
naman ang mga tao.
"Hindi ko naman kasi gawain ang ganto. Pero para sa kanya, gagawin ko ang bagay na 'to. Hindi
naman niya akong inobligang gawin 'to. Gusto ko lang. Proud kasi ako. Proud akong ipagsigawan
ang nararamdaman ko. Ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang nararamdaman ko para sa'yo." bigla
siyang tumingin sa direksyon ko na ikinagulat ko. Hindi naman ako nagulat na sa akin niya
sasabihin niya. Malamang na sa akin di ba kasi ako ang girlfriend niya. Kaya lang sa sobrang
dami ng tao dito, posible bang makita niya ko? Nagkataon lang siguro na dito siya napatingin.
Napakachuckle siya sa harapan na naging dahilan ng pagtilian na naman ng mga babae. Lakas ng
impact ng boyfriend ko ha.
"Ang cute mo kapag nagugulat ka. Nakikita kita. Sa'yo nga ako nakatingin ngayon di ba?"
napangiti na naman ako dahil sa kanya.
"Nagtataka ka siguro ngayon kung bakit ako nandito sa may stage. Hindi naman kasi ako
palasalitang tao pero ngayon nasa harap niyo ko at dumadaldal dito. Wala lang. Tulad nga ng
sinabi ko kanina, proud lang ako ipagsigawan na ikaw ang girlfriend ko. Pero teka lang.
Magkwekwento lang pala muna ako."
"WAAAAAAAA. NAPAKAGWAPO MO TALAGA ICE!!" dinig kong sigaw ng baklang katabi ko.
"Isang araw, may isang suplado, masungit, tahimik at salbaheng lalaki. May nakita syang isang
magandang babae na tumutugtog sa may stage ng isang bar. Nalove at first sight siya sa babae.
Siguro hindi naniniwala yung iba dito, pero wala e. Yun yung naramdaman nung lalaki sa babae.
Tapos nagkakilala sila kaya lang hindi naging maganda ang simula nila. Naging magkaaway ang
grupo nila. Kaya kailangan palabasin ng lalaki na ayaw at galit siya sa babae para mapanatili
yung nakagawian nila sa school. Tiniis niya yun. Hanggang sa isang araw nagkabati na rin sila.
Pero papaikliin ko na lang ang storya. Nagkaroon ng aminan, selosan, sakitan at kung ano pa
man. pero pagdating naman sa dulo, nauwi pa rin ang lahat sa oo na inaasam. Kaya ngayon, masaya
na yung lalaki. At alam niya na ganun din ang nararamdaman ng babae. At isa pa.. sobrang mahal
na mahal nung lalaki yung babae. At sana nagagawa yung maramdaman nung babae."
"Hey Zoe. Gusto ko lang sabihin na naging masaya talaga ako magbuhat ng makilala ka. Yung black
and white kong mundo naging colored nung dumating ka. Dahil sa'yo nagawa kong magbago. As long
as kasama kita, wala na akong hihilingin pa. I love you so much Zoe. So much." at nagsimula na
siyang kumanta.
Yung mga napapanuod ko sa movies na mahahati yung daan at pupuntahan ng lalaki si babae, ngayon
sa akin na mismo nangyayari. Papababa si Ice sa stage at papunta na sa direksyon ko. Patuloy pa
rin siyang kumakanta habang nakatingin lang sa akin. Hindi ko mapigilan ang maiyak. Tears of
joy kumbaga.
Nang nasa tapat ko na siya, pinunasan niya yung luha ko at ngumiti. Instead na kantahin niya
yung last lines, sinabi niya na lang ito sa akin, "I could not ask for more."
Matapos niyang kumanta, pinalo ko siya sa dibdib niya. "O, bakit?" tanong niya habang tumatawa
pa.
Pinunasan ko ang pisngi ko, "Nakakainis ka naman kasi. Bakit ba ang spontaneous mo? Hindi ako
handa. Tumatalon tuloy puso ko ngayon."
"I have all I've waited for. And I could not ask for more."
***
Graduation Day:
This is it. Gagraduate na kami. Alam mo yung pakiramdam na ang saya saya mo pero at the same
time ang lungkot lungkot din. Ganung ganun kasi ang nararamdaman ko ngayon. Mixed emotions
kumbaga.
"And now, let's call on this year's class valedictorian to give us his graduation speech. Mr.
Kenneth Yu." nagpalakpakan ang mga tao at syempre kasama ako sa mga pumapalakpak. Proud
girlfriend ata 'to.
Tumayo na siya sa upuan niya na katabi ko lang since ako ang class salutotorian.
"Good evening everyone. Bago ko 'to simulan, babalaan ko na kayo. Hindi ako magaling sa mga
speech na ganto. Mas gusto kong nagsusulat o nagbabasa kaysa nagsasalita ng ganto sa harap ng
maraming tao. Pero dahil sa ito ang unang beses kong gagawin ang bagay na 'to, hayaan niyo na
akong magsalita ng medyo mahaba. Di ko alam kung mababagot kayo pero kung mabagot man kayo, wag
niyo na lang pahalata please lang. Medyo nakakatense kasi." nagtawanan ang mga tao sa loob ng
hall. Nagawa pa kasing magpatawa nitong si Ken.
"Ano ba ang dapat sinasabi kapag graduation speech? Hindi ko rin alam kasi. Ang alam ko lang sa
ngayon, dalawa lang ang nararamdaman ko. Masaya at malungkot. Masaya kasi eto na. Gagraduate na
tayo. Apat na taon din tayong naghirap. Apat na taon tayong nag-aral at ngayon ayan na. Eto na.
Eto na ang bunga ng pinaghirapan natin. Kumabaga sa games, level completed na tayo at paakyat
na tayo sa higher level. Pero syempre malungkot din. Malungkot kasi iiwanan mo na yung mga
bagay na ayaw mo namang iwan. Iiwan mo na ang mga bagay na nakasanayan mo. Sa totoo lang nung
una wala naman akong pakialam. Wala akong pakialam kung iiwan ko ang highschool. Ano ba namang
paki ko sa mga tao dito? Pero ngayon, nagbago ang lahat. Malay ko ba naman kasing may mga
darating at magbabago ng nakasanayan ko. Nang nakasanayan namin dito." ngumiti ulit si Ken at
tumingin sa direksyon namin.
Napangiti rin ako at napatingin kila Zoe, Yannie at Sab na nasa may gawing gitna.
"Alam kong kilala nang lahat kung sino ang mga tinutukoy ko. Salamat sa inyo. Salamat sa
pagbabago sa eskwelahan na 'to. Salamat sa pagbabago sa nakagawian namin. Salamat sa pagbabago
sa amin.. sa akin. At ngayon, eto na. Eto na talaga. Nakamit na natin ang tagumpay. Naabot man
natin ang dulo ng level na 'to, sana sa next level wala pa ring iwanan. Walang limutan. Kaya
graduates.. congratulations sa atin!" nagsigawan ang mga estudyante at napatayo.
Hindi ko alam pero di ko talaga mapigilan ang maiyak. Malay ko ba namang magiging ganto kadikit
at kaimportante sa akin ang eskwelahan na 'to. Hay.
Nang matapos ang seremonya, napagpasyahan naming magpunta sa No Name. Syempre. Saan pa ba kami
pupunta? Dito lang naman di ba? Magcecelebrate kami kasama pa ang iba.
Nandito ang pamilya naming lahat. Pati sila Ate Cass, Manager, Ash. At maski si Drake ay
inimbitahan na rin ni Sab.
wine.
Nagkwentuhan kami sa No Name hanggang sa mapagpasyahan na ng mga magulang namin na umuwi. Kaya
kami kami na lang ang naiwan.
"What?! Excuse me. Wala ka lang kasing taste mister. Pati pabango ko pinapakialaman mo."
"We live in a democratic country. I can do what I want. And besides, ginagamit ko lang ang
freedom of speech ko."
"Freedom of speech your face. Di mo ba alam na ginagamit ng mabuti ang freedom na yan kaya wag
mo yang magamit gamit na dahilan."
"Tss."
"Ate Sab, why is your bestfriend like this? Napakarude." sumbong ni Ashley kay Sab.
Natawa bigla si Sab, "Ganyan talaga yan. Masungit sa lahat ng babae. Pero syempre bukod sa
aming apat."
"Shut up." sagot naman ni Drake at lumipat ng upuan. Umupo siya sa tabi ko to be specific. Siya
katabi ko sa kaliwa at si Ken naman sa kanan.
"For real?" tumango siya at ininom yung wine niya. "Third year ka na pagpasok di ba?" tanong ko
pa ulit.
"Yep." actually dapat fourth year na yan. Mas matanda lang kasi kami ng isang taon sa kanya.
Pero dahil sa nagmigrate sila, nagstop siya muna ng one year kaya nahuli.
Magsasalita pa sana ulit ako pero bigla akong napatingin kay Ate Cass kasi bigla siyang tumayo
at pinalo palo ang basong hawak niya ng kutsara.
"Hey guys. Listen up! Since it's a very special day for the eight of you.. why don't you get
cheesy kahit ngayon lang. Speech naman dyan." nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Ate Cass.
Tumayo si Ken, "Ako na. Ako na una." medyo umubo siya at inayos yung collar ng damit niya,
"Nagspeech na ako kanina pero itutuloy ko na. Ano.. maraming maraming salamat sa lahat sa inyo.
Hindi ko inakalang magiging ganto kasaya ang taon ko. At lahat to ay dahil sa inyo. Kaya
inuulit ko.. Salamat sa inyong lahat." sabay bow niya at umupo na sa upuan.
Nagtaas naman ako ng kamay, "Ako naman. I know masyado nang gamit ang word na salamat ngayon
pero seriously, salamat talaga sa inyo. Sa tulong niyo, nagawa kong ayusin ang problema ko sa
sarili ko pati na rin sa pamilya ko. Sa paglipat ko dito, lumaki ang pamilya ko. Hindi lang
dahil sa nagkaroon ako ng bagong kapatid at mommy, pero dahil na rin nagkaroon ako ng mga
kaibigan na tulad niyo. Kaya thank you talaga."
"Sabi ko nga ako na." sabay kamot niya sa ulo niya. "Ano ba? Wala naman ako masyado sasabihin.
Basta masaya lang ako kasi nangyari ang lahat ng nangyari nitong taon. Wala akong
pinagsisisihan. Kasi nakilala ko kayo. Zoe, Yannie, Ayu. Lalo ka na Sab."
Bigla namang tumayo ang ngiting ngiti na si Sab. Time na nya. "Una sa lahat, masaya rin ako
nakilala kita Josh na bakulaw kahit na puro away at sakit ng ulo lang ang naibigay mo sa akin
nung una. Napasaya at napapasaya mo naman ako ngayon. Ano lang.. maraming salamat sa lahat sa
inyo kasi tanggap niyo ko. Na kahit ganto ako. Minsan parang palengkera. Tanggap niyo pa rin
ako. Kaya salamat." sabay upo niya pero tumayo ulit, "Yannie, ikaw na."
Natawa si Yannie at tumayo naman, "Thanks Sab. Hahaha. Uhh. Ano ba sasabihin ko? Siguro tulad
ng lahat.. salamat din. Salamat kasi pinagtyagaan nyo ang katarayan ko at tinulungan niyo akong
iwanan na ang kahapon ko. Kasi seryoso, mas masaya ako ngayon." pagkasabi niya niyan, bigla
siyang lumingon kay Xander at ngumiti.
Bigla namang napangiti rin si Xander at niyakap si Yannie. Napakasweet talaga ng lalaking 'to.
-.
"Thanks Ma. Masaya rin talaga ako ngayon dahil sa'yo. Salamat na lang nakilala kita. Buti na
lang lumipat kayo ng school. Buti na lang dumating ka sa buhay ko kasi kung hindi baka hindi
ako ang Xander na nasa harap niyo ngayon. I'm a mess before, you know that. But thanks to you.
Kasi I managed to change."
"Salamat Xander. Salamat sa speech mo exclusively for Yannie." sarkastikong sabi ni Ate Cass.
"Sino na mauna? Ikaw na?" napalingon ako sa gilid ko. Nag-bubulungan kasi si Ice at Zoe.
"Depende sa'yo. Kung gusto mo, ikaw na. Kung ayaw mo, ako na."
"Ikaw -- "
"Zoe mauna ka na. Hindi tayo matatapos e." singit ko sa usapan nila. Pagbibigay na lang ng
speech e.
"Sabi ko nga ako na. Ano.. gusto ko lang sabihin na.. mahal na mahal ko kayo guys. I'm so
blessed to have a friend and a boyfriend like you. Feeling ko napakaswerte ko. Wala na kasi
akong hihilingin pa kung andyan naman kayo. Parang kayo na ang kukumpleto sa pagkatao ko na
kapag nawala kayo, hindi na ako buo. I super love you guys. Thank you for coming into my life
and making me feel this way. You're all the best." bigla na lang ako tumayo at niyakap si Zoe
dahil sa speech nya. Bakit ba. E sa natouch ako e. Ganun din naman ang ginawa ng iba.
Nang matapos ang yakapan portion biglang nagsalita si Manager, "Ice! Ikaw na! Wooo." di naman
siya masyado excited. -.-
"Ano sasabihin ko?" inosenteng tanong ni Ice. Bigla naman kaming nagtawanan sa naging reaksyon
nya. Epic e. :)))))))
"Oo na. Tss." nanahimik siya sandali at ganun din kami habang nakatingin lang sa kanya.
"Nagbago ako."
"Di pa ko tapos." inis na sagot niya kay Ken. "Nagbago ako. Nagbago ako dahil sa inyo. I've
become a better man. A better person dahil sa inyo. Nabago ko mga mali ko. Napabuti ko sarili
ko. If I will be given a chance to choose my friends, I'll pick all of you over and over again.
Masaya kasi ako sa inyo. Hindi ako sanay na sinasabi 'to pero seryoso.. the best kayong lahat
para sakin." pagkatapos magsalita ni Ice natahimik kaming lahat.
Parang di mo lang kasi ineexpect na sasabihin niya ang lahat ng yon. Of all people, not him.
"GROUP HUG!!!" sigaw ni Manager Ry. Nagtayuan naman kaming lahat at naggroup hug.
Matapos maggrouphug, nagtaas ng kamay si Ate Cass. "Pwedeng ako rin? Paspeech?" nagtawanan kami
at nagtanguan.
Pumalakpak siya at tumayo, "I'm so proud of you guys. Hindi ko inakala na magiging ganyan kayo.
Ni hindi ko nga inakala na magiging close tayong lahat na ganito. Pero dahil graduation nyo..
sa inyong walo lang ako magfofocus."
Tumingin siya kay Xander, "You Mr. Cassanova. Nakakatuwa ka. Sa lahat sa kanila ikaw 'tong
pinakababaero. Pero look at you now. Ikaw na ang pinakasweet at mukhang pinakaloyal sa lahat."
Nilipat naman niya ang tingin niya kay Yannie, "Ikaw naman Ms. Mataray. Dati rati kunot yang
noo mo araw-araw. Minuminuto nga ata e. Or permanent na. Pero tingnan mo ngayon. Lagi ka nang
nakasmile. Halata na ang pagiging masayahin at energetic mo."
"Ikaw naman Sab. Well.. wala naman masyadong nagbago sayo except na lang siguro sa fact na
nainlove ka sa kaaway mo. And mas nagbloom ka ngayon. And speaking of kaaway.. ikaw Josh. Sino
mag-aakalang ang taong hindi naman marunong magseryoso at puro panggugulo lang ng buhay ng
ibang tao ang alam ay matututong magseryoso ng ganyan lalo na sa isang babae. Keep it up."
sabay thumbs up pa niya.
"Ken. Kung ikukumpara noon, mas nagmature ka na ngayon. Hindi ka na rin masungit. Mas masaya ka
na rin ngayon. Ikaw naman Ayu. Hindi ka na ganun katahimik. Nagagawa mo na makisalamuha sa iba
at hindi ka na tutok at nakikibestfriend sa mga libro mo."
Humarap naman siya kay Zoe, "Zoe. Ikaw. My new sister. Please take care of my brother ha? Wag
mong sasaktan yan. Pero kung kailangan saktan, go na. Wala akong angal. Thank you for bringing
happiness to my brother."
"At ikaw. Ikaw magaling kong kapatid. Ang laki na ng pinagbago mo. Mula sa suplado at walang
pakialam na Ice.. iba ka na. Ayan ka na. Masayahin at puno ng pagmamahal na Ice."
"Looking back.. makikita nyo na napakalaki na ng pagbabago niyong lahat. Pero lahat naman kayo
ay nagbago for the better. At ang changes na nangyari ay epekto niyo na rin sa isa't isa.
Alagaan niyo ang bawat isa at wag na wag kayong magsasakitan. You all look perfect for each
other." sabay ngiti ni Ate Cass.
Di ko namalayan na naiyak na ko sa sinabi niya. Kababawan nga naman. Pinunasan ko lang ang luha
ko at tumayo at saka niyakap si Ate Cass. At sa ikalawang pagkakataon, naggroup hug na naman
kami.
Tulad nga ng sinabi ni Zoe, siguro kami na ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Hindi dahil
sa mga materyal na bagay na mayroon kami kundi dahil sa pagkakaibigan na nabuo namin.
Sino ba mag-aakalang ang walong magkakaibang tao na magkakaaway noon ay magiging iisa at mga
nagmamahalan na ngayon?
Malaki ang pagbabago namin kung ikukumpara noon. Lahat ng iyakan, awayan, bangyan at sakitan
noon, ay napalitan naman ng tawanan, intindihan, kasiyahan at pagmamahalan ngayon.
Sino ba naman ang mag-aakalang sa Kingdom High kung saan dating magkakaaway ang babae at lalaki
ay may nabuong pagsasamahan, pagkakaibigan at pagmamahalan? Ang dating boys versus girls,
naging boys and girls na ngayon. At ang lahat ng ito ay nagsimula dahil lang sa isang bagay.
Ang lahat ay nagsimula dahil sa tinatawag nilang
TEEN CLASH.
The end.
*******************************************
[70]
*******************************************
Hindi po ito special chapter o ano. Author's note lang pero please take time to read this. Lalo
na yung may mga questions dyan. Baka masagot ko dito yung mga tanong niyo. :)
Kahit na natapos ang Teen Clash, magfafunction pa rin naman ang fan page nun sa Facebook kaya
magiging updated pa rin kayo kung magkakaroon pa ng mga bagong stories o ano. Yun lang. Thank
you guys >:D<
************************************************
STORY END