You are on page 1of 3

Kabanata 26

L: Oh, Basilio! Pumunta ka ba sa piging kagabi?


C: Hindi eh, may sakit kasi si Kapitan Tiago.
L: Ganun ba. Ay, oo nga pala. Kasapi ka ba sa kilusan ng mga mag-aaral?
C: Nag-aambag ako. Bakit?
L: kung ako sayo ay umuwi ka at sunugin mo ang lahat ng mga papeles at
ebidensya na maaring magpahamak sa iyo. Ang himagsikan ay natuklasan at
maraming estudyante ang nasasangkot.
C: Bakit puro mag-aaral?
L: May mga paskil na nagkalat sa unibersidad na mapanghimagsik kaya ang lahat
ng itinuturo ay mga mag-aaral.
C: Kung ganun ay salamat sa impormasyon. Mauuna na ako at may pupuntahan pa
ako.
---(madadaanan ni Basilio si Isagani na nagtatalumpati)
J: di dapat tayo nagpapaapi sa mga kastila! Wag tayong matakot sapagkat isang
karangalan ang pagtatanggol sa ating bayan
(mapapailing si Basilio dahil di siya sang-ayon at aalis)
----(sa bahay ni Makaraig)
C: Kaibigan, may nais akong hilingin sa iyo.
Bianca: Kahanga- hanga ka kaibigan! Sa kasayahan ay di mo kami sinasamahan
ngunit sa oras ng kagipitan ay dinadamayan mo kami!
(darating mga guwardiya)
R & L: Binata, ano ang iyong pangalan?
C: Basilio po at siya ay si Macaraig
L: Dakpin sila!

Kabanata 27
(knock, knock)
A: Pasok.
J: padre Fernandez, pinatawag niyo ho raw ako?
A: Oo. Maupo ka
J: Hindi napo.
A: Ikaw ang bahala. Gusto lamang kitang purihin sa iyong talumpati, ikay kahangahanga. Nasabi mo ang iyong mga saluobin at nararamdaman. Sa mahigit walong
taon kong pagsisikap na magturo ng mabuti ay linait at hinamak lang ako. Walang
naglakas ng loob na lumapit saming mga guro. Sabihin mo, ano ang nais niyong
mag-aaral samin?
J: Di niyo po masisi ang aking mga kapwa kugn maging ganun sila sa inyo, padre.
Ipinagkait po sa amin ang kalayaan upang magsalita.
A: Bibigyan kita ng pagkakataon upang mailabas mo ang iyong damdamin. Ano nga
ba ang nais niyong mag-aaral samin?
J: simple lang po padre, and tumupad kayo sa inyong tungkulin. Maaring kayo po ay
tinutupad niyo ang iyong tungkulin ngunit may iba pa rin po na hindi tulad ninyo.
Hindi lubos na natututo kaming mag aaral dahil sa paghahamak ninyo sa amin
kayat mananatiling mangmang ang bayan natin.
A: Ang karunungan ay para lamang sa malinis ang kalooban at may mabuting asal
upang ito ay magkaroon ng kabuluhan at hindi masayang.
J: Huwag niyo po sanang hadlangan ang aming kalayaang matuto at sa halip ay
tulungan niyo kaming matuto. Pakitunguan niyo po sana kami ng mabuti.
A: ANO?! Ang ibig mo bang sabihin ay hindi ako nakikitungo ng mabuti sa aking
mga estudyante? Nais ko lamang ipagkaloob ang karunungan sa mga karapatdapat.
J: sana po ay maintindihan din kayo ng aking mga kapwa mag-aaral. Mauuna na po
ako padre.

Kabanata 29

(sa tahanan ni Kapitan Tiago)


R: Kapitan Tiago, si Padre Irene ito.
P: Ano na po ang balita kay Basilio?
R: Ayun, ang magaling mong ampon ay nahuli dahil nakitaan siya ng mga papeles
at ebidensya.
P: Ano?! Hindi ito maari.

You might also like