You are on page 1of 32

Panalangin ng

Isang PARI
Amang
minamahal,
Pinupuri kita,
Minamahal
kita,
Sinasamba
kita,
Isugo mo
ang iyong
Espiritu
upang
tanglawan
ang aking
isipan
at akayin tungo sa mga
katotohanan ng iyong
anak
na si Jesus, Pari at
Handog.
Sa Espiritung ito,
gabayan mo ang aking
puso na matulad
sa Mahal na Puso ni
Jesus,
upang
panibaguhin
sa akin ang
marubdob
na
pagmamahal
ng isang pari;
na ako rin ay
handang
maghandog
ng sarili
sa
paglilingkod
sa banal
mong altar.
Sa Espiritung ito,
linisin mo
ang aking
mga
kahalayan
at palayain sa aking mga
pagsalangsang sa
pamamagitan ng Kalis
ng kaligtasan.
Nawa ang iyong kalooban
ang aking tanging
masundan.
Ang Mahal na
Birhen, Ina ni
Hesus,
ang siya
nawang
maging
aking
kulandong
at sanggalang sa lahat ng
masama.
Gabayan
nawa niya
ako
na gawin
lamang ang
naisin ni
Hesus.
Turuan nawa niya ako na
magkaroon ng katulad ng
puso ni San Jose,
na kanyang esposo,
na ipagtanggol
at pangalagaan ang
Simbahan.
Nawa ang
kanyang
pusong
nasugatan
ang aking
maging
inspirasyo
n at
tanggapin
ito bilang
isang anak
na handang magpakasakit
sa paanan ng krus.
Ako’y
nagsusumamo
na ikaw sana
ay maging
mapag-
ampong Ina sa
akin,
at tulungang ako’y
maging isang mabuting
anak.
Panginoon, gawin mo
akong isang banal na pari,
pag-alabin mo
sa apoy ng
iyong pag-ibig,
na walang hinahangad
kundi ang iyong higit na
kaluwalhatian
at kaligtasan ng mga
kaluluwa.
Pakumbabang
nanalangin at
nagpapasalamat
ako sa iyo,
aking Ama, sa
pamamagitan
ng Espiritu
Santo,
kay Kristo
Jesus na iyong
anak at aking
kapatid.
AMEN
O Maria, Ina
ng mga pari,
ipanalangin
mo kami.
San Juan
Maria
Vianney,
ipanalangin
mo kami.
 Copyright July 2009
PARISH YOUTH MINISTRY

St. Joseph the Worker Parish

Canlubang, Calamba City


PHOTO CREDITS
CATHOLIC BISHOPS’ CONFERENCE OF THE PHILIPPINES
2009 Launching of the Year of the Priest

PARISH YOUTH MINISTRY


2008 Parish Youth Encounter

You might also like