SG 2 Hydroponics

You might also like

You are on page 1of 4

HYDROPONICS

Session Guide Blg. 2

I. MGA LAYUNIN

1. Nailalarawan ang mga hakbang sa hydroponics na paghahalaman

2. Nailalarawan ang mga kagamitan o materyales na kailangan sa


hydroponics na paghahalaman

3. Naipapaliwanag ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga


hakbang sa hydroponics na paghahalaman

4. Nakapagpapasya nang wasto upang malutas ang suliranin

II. PAKSA

A. Aralin 2 : Mga Hakbang sa Hydroponics na Paghahalaman, p. 20- 37

Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay: Mabuting


pagpapasya at paglutas sa suliranin

B. Kagamitan: Akwaryum, Styrofoam, balat ng bigas, pinagkataman,


pambomba ng hangin, maliliit na bato, gomang tubo, mga
halamang may mapipinong ugat, nakahandang
hydroponics

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Balik-Aral

• Itanong kung anu-ano ang mga alternatibong paraan ng


pagtatanim. Ipahambing ang tradisyunal na paraan ng
pagtatatanim sa hydroponics. Isa-isang tatawag ng mga
mag-aaral at isusulat ang mga sagot sa tsart na nakapaskil
sa pisara.

TRADISYUNAL ALTERNATIBONG
(HYDROPONICS)

5
2. Pagganyak

• Ipaawit ang “Magtanim ay Di Biro”. Itanong kung sino sa


kanila ang mahilig magtanim.

B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad

• Magpakita ng nakahandang hydroponics: isang ginamitan ng


sistemang “water culture” at isang ginamitan ng sistemang
buhangin at bato.

• Ipahambing ang dalawang uri at bigyang diin ang midyum na


ginamit. Ipabasa ang pahina 20-25 ng modyul.

• Ipasulat ang pagkakaiba ng dalawa sa pisara.

2. Pagtatalakayan

• Gamit ang mga pamamaraan sa paggawa ng hydroponics


sa pahina 20 at 21 ng modyul, ipakita sa mga mag-aaral
kung paano gumawa ng hydroponics. Ipakita rin ang paraan
ng paggawa ng solusyon ng sustansya batay sa tamang
sukat ng mga sangkap na makikita sa pahina 25.

1. Anu-ano ang mga materyales o sangkap na


gagamitin?
2. Anu-ano ang mga hakbang sa paggawa ng solusyon?

• Maaaring mag-imbita ng isang “resource speaker” na


magpapakita ng paggawa ng hydroponics at
magpapaliwanag sa mga terminong ginamit.

Halimbawa:

nutrient film
litmus paper
calcium nitrate
potassium phosphate
magnesium sulfate

• Pag-uusapan ng klase kung ang hydroponics nga ba ay


isang mabisang alternatibo sa pagtatanim.

6
3. Paglalahat

• Itanong:

1. Ano ang pagkakatulad ng dalawang sistema ng


hydroponics?
2. Ano ang kanilang pagkakaiba?
3. Alin ang mas madaling gawin? Bakit?

• Bumuo ng dalawang pangkat

• Gamit ang Venn Diagram, ipasulat ang pagkakatulad at


pagkakaiba ng dalawang (2) simpleng sistema ng
hydroponics: ang sistemang water culture at sistemang
buhangin at bato upang makabuo ng isang paglalahat.

Pangkat 2
Pangkat 1 Pagkakaiba
Pagkakaiba
Pagkakatulad

Water Culture Sistemang


Buhangin at Bato

4. Paglalapat

• Bumuo ng dalawang pangkat. Ipahanda ang mga


kagamitang ipinadala at gumawa ng hydroponics. Ang
unang pangkat ay gagawa ng water culture, at ang isa ay
sistemang buhangin at bato. Bigyang diin ang pag-iingat lalo
na sa paggawa ng solusyon upang makaiwas sa disgrasya.

• Ibibigay ang activity card sa bawat grupo kung saan


nakasulat ang mga paraan ng paggawa ng hydroponics.

5. Pagpapahalaga

• Bigyang diin na kahit walang lupang pagtatamnan, maaari


pa ring magtanim gamit ang sistemang hydroponics.

7
IV. PAGTATAYA

• Magpapaligsahan ang mga mag-aaral. May 4 na poste na may


markang A, B, C, at D. Ang lahat ng may sagot na katumbas ng
letrang nasa poste ay pipila sa tapat nito. Ang maiiwan ang siyang
panalo. Gagamitin ang mga tanong sa pahina 25-26 ng modyul.

• Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa bagong kaalaman sa


hydroponics. Isaad dito ang mga kagamitan na kinakailangan, mga
wastong pamamaraan kung ano ang gamit nito sa ating buhay, at
kung ito ba ay maaaring maging alternatibong paraan nila sa
pagtatanim.

V. KARAGDAGANG GAWAIN

• Gumawa ng isang sariling manwal na maaaring gawing sanggunian


sa paggawa ng hydroponics.

• Sundin ang balangkas na makikita sa pahina 33-36 ng modyul.

• Subukang gawin ito sa sariling bakuran at gumawa ng obserbasyon


kung wasto ang iyong ginawang mga hakbang.

You might also like