You are on page 1of 2

Mga Tauhan ng El Filibusterismo: 1.

Simoun mapanghimagsik, kumakatawan sa bahagi ng lipunang Pilipino na nagsagawa na sa pang-aaping pamamahala at nais niyang ibagsak ang pamahalaan sa anumang paraan. Subalit wala naman siyang balangkas ng pamahalaan kung sakalit siyay magtagumpay sa himagsikan. Hindi niya naiisip ang pagwawasto ng kamalian bagkus nais niya ang pagpaparusa at paghihiganti. 2. Basilio sumasagisag sa bahagi ng mga edukadong Pilipino na sa pagiging bantad na sa kaapihan ay naging manhid na sa pangangailangang ikabubuti ng lipunan. 3. Isagani simbolo ng mga kabataang mapusok na ang kanilang ideyalismo at hindi maaaring asahan sa panahon ng kagipitan. 4. Senyor Pasta kumakatawan sa isang bahagi ng lipunang naging mabuti lamang sa mga taong makapagbibigay sa kanya ng mabuting kalagayan sa buhay. Nangibabaw sa kanya ang pagmamahal sa sarili kaysa pagmamahal sa lipunang kinabibilangan niya. 5. Placido Penitente isang estudyanteng kasama sa paghiling ng pagtatatag ng akademya sa wikang Kastila. Nagkaroon siya ng paghahangad na mangibang bansa, subalit nang siyay pakitaan ni Simoun ng palatandaan ng paghihimagsik, natakot siya at hindi siya makapagpasya kung aanib siya o hindi. 6. Pecson isa ring estudyante na walang kamalay-malay sa mga mapanghimagsik na gawain ni Simoun. Ang kinatawan nina Placido at Pecson ay ang bahagi ng lipunan na hindi pa naisasadiwa ang pagkakaroon ng malasakit sa lipunan at sa bayan. 7. Padre Florentino isang paring Pilipino at sinasabing kumakatawan kay Padre Florentino Lopez ng Calamba, isang kaibigan ni Rizal. Naniniwala siya na ang Pilipinas ay magiging malaya rin balang araw subalit ang kalayaan ay makakamtan hindi sa pamamagitan ng pandaraya, katiwalian, krimen, bisyo, kundi sa pag-ibig, pagsasakit at mabuting gawa. Nananalig siyang ang taong mabuti at makatwiran ay nararapat na magsakit upang ang kanyang diwa at kaisipan ay matanto at makalat. 8. Chino Quiroga isang mangangalakal na Intsik na nagtatago ng armas para sa manghihimagsik. Sinasagisag niya ang banyagang kultura na nahahandang tumulong sa mapanghimagsik. 9. Padre Irene prayleng Kastila na tumutulong upang maitatag ang Akademyang Espanyol. Siya ay simbolo ng mga Kastila na may pagmamalasakit sa mga Pilipino. 10. Kapitan Tiyago Sinasagisag niya ang mga dating mayayamang unti-unting nawawalan ng pag-aaring yaman. 11. Ben Zayb isang mamamahayag na Kastila na sumusulat ng mga artikulong laban sa mga Pilipino. 12. Padre Sibyla pari paroko ng Binondo, dating bise-rektor ng Kolehiyo ng San Juan de Letran. 13. Padre Camorra pari paroko ng Kumbento ng Tiyani 14. Don Custodio isang Kastilang opisyal sa pamahalaan 15. P. Salvi prayleng Pransiskano: dating kura ng San Diego at kasalukuyang paring tagapayo ng kumbento ng Sta. Clara

16. Juanito Pelaez estudyante at anak ni Don Timoteo Pelaez, isang mayamang mangangalakal. Siya ang napangasawa ni Paulita Gomez. 17. Sandoval estudyanteng Kastila na nagmamalasakit sa mga Pilipino 18. Makaraig mayamang estudyante, isa sa may kinalaman sa pagtatayo ng Akademyang Espanyol 19. Kabesang Tales Sumasagisag sa lipunang binubuo ng mga may-ari ng lupa at ng mga magsasaka. Ipinakikilala rito na ang suliranin ng pag-aalsa laban sa pamahalaan ay nag-uugat sa suliranin sa lupa. 20. Ma. Clara sumasagisag sa magkasanib na kulturang makarelihiyon at kulturang likas na Pilipino 21. Donya Victorina ang paghahanap niya sa kanyang asawang si Don Tiburcio ay ang simbolo ng paghahanap sa banyagang gawi at kilos na hindi niya naaangkin. 22. Juli sagisag ng Pilipinas na nahahandang magpakasakit subalit may dangal 23. Paulita Gomez Kumakatawan sa bahagi ng kababaihang Pilipino, isang mestisang katulad ni Ma. Clara subalit salat sa pagmamahal sa bayan at sa kabutihan sa kapwa 24. Mga manang sa nobela [Mga Hermana] sinasagisag ang pagbabalatkayo ng mga tao sa pagsunod sa mga aral ng simbahan 25. Pepay ang baylarinang kalaguyo ni Don Custodio. Maaaring siyay isang masamang babae subalit may makabayang damdamin. Ang pagtulong niya sa mga estudyante ay isang pagpapatunay na mayroon siyang lakas o impluwensya sa mga matataas na pinuno ng pamahalaan.

You might also like