You are on page 1of 2

ELENA D.

LEGASPI 2002-08924

PLAN 201PROF. BRAVO

Thought Paper: President Benigno S. Aquino IIIs SONA 2011 Sinimulan ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang talumpati mula sa isang bahagi ng kanyang talumpati nung kanyang inagurasyon, ang wang-wang. Matatandaan natin na ang Pangulo ay umani ng palakpak at papuri nung kanyang inagurasyon nang ihayag nya na maging siya na Pangulo ng Pilipinas ay laban sa literal na wang-wang sa kalsada. At ngayon nga sa kanyang ikalawang SONA, binigyan buhay nya muli ang wang-wang sa kanyang talumpati sa pamamagitan ng paggamit nito bilang representasyon ng pang-aabuso ng kapangyarihan at paghahari-harian sa ating bansa. Sa madaling salita, sa aking pananaw, ay kaagad na kinuha ng Pangulo ang atensyon at pagsuporta ng mga mamamayan sa simula pa lamang ng kanyang talumpati sa pamamagitan ng pagpapakita sa taong bayan na sya ay kanilang kaisa, kakampi, at taga-paglingkod, di ba nga at sinabi pa ng Pangulo na ang kanyang Boss ay ang mga mamamayang Pilipino. Inilatag din ni PNoy ang mga pagbabago na naibunsod ng kanyang administrasyon, at unang-una na nga rito ay ang pagtaas ng credit ratings ng Pilipinas mula sa mga international credit institutions na bunsod naman ng tiwala na binibigay ng mga mamumuhunan sa administrasyong Aquino, makikita rin ito sa patuloy na pagganda ng Stock Market. Dahil rin sa pagbaba ng interes na ibinibigay sa Pilipinas sa pagbabayad ng utang nito, malaki-laki na rin ang natipid ng pamahalaan kahit papano at dahil dito mas malaki kesa sa inaasahan at mas matagal na coverage ng proyekto ng pamahalaan na Conditional Cash Transfer para sa mga mahihirap na pamilya. Dagdag pa sa mga nabanggit, itinuon din ng Pangulo ang kanyang SONA sa pagbabalita sa mga parating na pamumuhunan sa Enerhiya at malinis na tubig sa mga pamayanan. Ibinida din ni PNoy ang naging epektibong pamamahala at muling pagbusisi sa mga proyekto ukol sa pagbuo at pagsasa-ayos ng mga daan at tulay. Nabanggit ng Pangulo ang kanyang pagpapahinto sa dredging ng Laguna Lake, ngunit wala naman itong nabanggit na pansamantalang paraan kung paano malulunasan ang napipintong posibilidad na umapaw ang lawa ng Laguna sa mga susunod na panahon. Isa sa mga inaantay kong ibalita ni PNoy ay ang lagay ng Public-Private Partnership (PPP) Projects na kanyang pinagtuunan ng pansin bago matapos ang nakaraang taon ngunit parang wala syang tinalakay ukol dito. Hindi rin nawala sa talumpati ng Pangulo ang pagpuna nya sa mga katiwalian ng nakaraang Administrasyon, halimbawa na rito ay ang pagbili ng 2nd hand na helicopter sa halaga ng

brand new nito, ang Food-for-School Program at ang hindi maayos na pamimili ng mga benepisyaryo ng programang ito at ang isyu sa kape sa pangunguna ng PAGCOR. Kung ako ang tatanungin, hindi na dapat pa lalong pinapalaki ang mga ganitong klase ng usapin dahil sa oras at panahon na sa halip na ginugugol sa mainam na pagpaplano para sa mga masa makabuluhang bagay ay nasasayang lang sa pagkondena sa mga gawain ng nakalipas na presidente.

You might also like