You are on page 1of 5

2 kapatid, nahaharap sa murder raps ukol sa pagpatay kay Ram Revilla November 2, 2011 11:55am Sinampahan ng reklamong murder

at frustrated murder ang dalawang kapatid ni Ramgen "Ram" Revilla kaugnay ng pagpatay sa kanya at sa pagbaril sa kasintahan nito. Nananatiling nasa ospital si Janelle Manahan. Ayon sa kapulisan, mayroon umanong "star witness" na tinuturo ang kapatid ni Ram na si Ramon Joseph "RJ" Bautista, 18, bilang mastermind sa naganap na pagpatay. Idinawit din ang isa pang kapatid na si Ramona Bautista, 20, na kasabwat umano ni RJ. Sa isang press conference nitong Martes, inihayag ng kapulisan na inihain na ang reklamong murder at frustrated murder laban sa magkapatid na Ramona at RJ. Nasampahan na rin sina Michael Altea at Roy Francis Tolisora, na inaresto na ng mga pulis. Kasalakuyan pang pinaghahanap sina Ramona at tatlo pang suspek. Si RJ naman, nasa pangangalaga na ng kapulisan. Ayon sa mga pulis, itinuro ng "star witness" na si Ruel Puzon si RJ bilang mastermind sa pagpatay kay Ram at nagbayad umano ng P200,000 para sa pagsagawa ng krimen. Yung pito ay nag-conspire sa isat isa, pinlano nila yung pagpatay kay nasirang Ramgen. Nag-usapusap sila at ito nga ay pinatunayan ng ating witness," inihayag ni Chief Inspector Enrique Sy, pinuno ng task force na nag-aasikaso sa kaso ni Revilla, sa "24 Oras." Kabilang umano si Puzon sa pagplano ngunit hindi na sumama sa aktwal na pagpatay. Lumitaw si Puzon matapos makonsensiya sa naganap na krimen. Kasabwat umano ni Ramona si RJ, na nagkunwaring na-kidnap ng mga suspek habang pinatay ang kanilang kapatid, ayon sa pulis. Sa kabilang banda, hindi pa masabi ng kapulisan kung sino ang bumaril at sumaksak kay Ram. Ngunit siguro na sila na ang naging motibo sa pagpatay ay awayang magkakapatid lamang. Nanawagan na ang kapulisan kay Ramona at sa tatlong iba pang suspek na sumuko at tumulong na lamang sa imbestigasyon. Nauna nang ipinaalam ng pamilyang Revilla ang kanilang pagkagulat sa pagkakaroon ng kinalaman ni RJ sa pagpatay sa kanyang kapatid. Half-brother ni Sen. Revilla sina Ram at RJ. Anak ng dating Senador Ramon Revilla Sr. kay Genelyn Magsaysay si Ram at RJ habang si Sen. Bong Revilla Jr. naman anak din ng kanyang ama kay Azucena Mortel. Samantala, nasa stable condition na si dating Senador Ramon Revilla Sr. matapos na isinugod sa ospital. Dinala siya sa St. Luke's Medical Center sa Taguig City matapos pinagtatanong ng mga pulis si RJ sa pagkamatay ng kanyang nakatatandang kapatid na si Ram. Ipinagtanggol naman ni Laddielyn Madrigal, lola ni RJ, ang kanyang apo. Imposible, kasi kasama siya sa papuntang Baguio na pupuntahan nila ang recognition sa PMA sa isang kapatid. Kaya nagtataka kaming lahat. Pero siyempre wala tayong magagawa. Pulis iyan, inimbita ka, sumunod tayo sa batas," kanyang inihayag sa panayam ng 24 Oras. Noong maliliit sila, talagang close silang lahat. Noong lumalaki sila, may jealousy, siyempre. Pero not to the extent na gagawa naman itong bata ng ganon," dagdag niya. Ililibing na ang labi ni Ramjen nitong 2 p.m. ng Miyerkules. Amanda Fernandez/RSJ, GMA News Ramona, idinawit ang personal assistant sa pagpatay kay Ramgen November 6, 2011 12:15pm Kasabay sa kanyang pag-alis sa bansa, idinawit ni Ramona Bautista, 21, ang personal assistant ng pinaslang na kapatid Ramgen Revilla ang may kagagawan sa pamamaslang noong Oktubre 28. Sa isinagawang video recording na ipinalabas sa Cable channel ANC nitong Sabado, itinuturo ni Ramona si Ronaldo Ancajas, personal assistant ni Ramgen, ang umano'y maysala sa pagpatay kay Ramgen.

Ayon kay Ramona, maaaring makapasok kahit anong oras ang assistant sa kanilang bahay sa Paraaque. Inihayag din ni Ramona na nakita niya ang pagpatay sa kanyang kapatid. "Na-witness ko po ang brutal na pagkapatay ng aking kapatid." Mayroon umano siyang kinukuhang video tape para sa isa pa niyang kapatid nang maganap ang insidente. Ayon sa kanya, si Janelle [Manahan] (girlfriend ni Ram) umano ang nagbukas sa pintuan sa kwarto ng biktima. "Hindi po ako ang nagbukas ng pinto. Si Janelle po," aniya. Inamin din niyang hindi siya totoong dinukot ng mga suspek na pumatay kay Ram. Nagsinungaling siya sapagkat ikinahihiya niya ang kanyang pagtakbo at kanyang hindi pagtulong sa kapatid niya at kay Janelle. "Gumawa po ako ng maliit na storya dahil nahiya po ako," aniya. Itinanggi rin niya na mayroong sibling feud sa kanilang magkakapatid sapagkat maliliit lamang na bagay ang kanilang pinag-aawayan. Samantala, kinumpirma naman ng kanyang half-brother na si Sen. Bong Revilla na mayroon nang asawa si Ramona na residente ng ibang bansa. Ikinasal umano si Ramona sa isang Turk noong 19 na taong gulang pa lamang siya, na ikinagalit naman ng kanyang ama na si Ramon Revilla Sr. Bong Revilla, nadismaya sa pag-alis ni Ramona Samantala, inatasan na ni Senador Bong Revilla ang Department of Foreign Affairs at Philippine National Police na ipabalik ang kanyang kapatid sa bansa upang harapin ang mga kaso laban sa kanya. Inatasan naman ni Revilla ang PNP upang makipag-uganayan sa Interpol. Sa Philippine Senate website, nanawagan si Revilla sa mga pulis upang "to go much deeper in their investigation on the death of my late brother Ramgen Revilla and the frustrated murder of his girlfriend Janelle Manahan." "The unwarranted flight of Ramona Bautista is a sign of guilt that she has knowledge and direct participation in the commission of the crime. If there are others involved, be they my half brothers and sisters, they must bear the full force and weight of the law and suffer the penultimate consequences of their involvement either as principals, accomplices, or accessories, as the case may be," aniya. Sa ngayon, problemado pa ang DFA at PNP sapagkat hindi pa nasisimulan ng Paraaque City Prosecutor's Office ang preliminary investigation sa mga kaso laban sa magkapatid na Ramon Joseph "RJ" Bautista at Ramona Bautista kaugnay sa pagkapatay sa kanilang kapatid. Sa darating na Martes pa magsisimula ang Paraaque prosecutor sa pagsisiyasat sa kaso sapagkat walang pasok ang opisina ng gobyerno sa darating na Lunes, Nobyembre 7, dahil sa national holiday na Eid'l Adha (Feast of Sacrifice). Pahayag ng girlfriend ni Ram Ayon kay Task Force Ramgen head Chief Superintendent Enrique Sy, inihayag na ni Janelle sa mga pulis ang kanyang kaalaman sa naganap na pagpatay kay Ramgen. Nakuhanan na rin namin siya [Manahan] ng pahayag at lalong tumibay ang kaso namin laban kay Ramona," ayon kay Sy. Inatasan umano ni Janelle si Ramona na tumawag ng ambulansya ngunit hindi na sila nito binalikan. Hiningan niya ng tulong si Ramona sa loob ng kwarto nila noong may tama na sila ng bala. Pagkatapos ng insidente, pinatawag niya ng ambulansya at tulong pero hindi na bumalik si Ramona," aniya. Inihayag naman ni Ronaldo Ancajas, personal assistant ni Ram, ilang buwan nang hindi nag-uusap ang biktima at ang magkakapatid na RJ at Ramona dahil sa hindi pagkasundo sa pera na kanilang allowance

mula sa kanilang ama na si dating senador Ramon Revilla Sr. Ang alam ko ay matagal nang may tampuhan sila tungkol sa budget ng bahay, dahil si boss Ramgen ang humahawak at sinisiraan daw siya sa daddy nila, at mga ilang buwan din silang hindi nagkikibuan," ayon sa pahayag ni Ancajas. Ayon kay Ancajas, kasama niya umano si Ram bago maganap ang patayan ngunit umakyat ito sa kanyang kwarto upang matulog. Nang siya'y magising, nakita niyang palabas na ng subdivision ang dalawang kapatid ni Ram. "Nakaidlip ako dahil sa pagod at puyat at mga ilang minuto, bigla akong nagising. Pagsilip ko sa bintana ng kwarto ko ay nakita ko si Joseph na naglalakad palabas ng gate ng subdivision. Mga ilang minuto, sumunod naman si Mara (Ramona)," aniya. isinalin ni Amanda Fernandez /LBG, GMA News Ramgen case: Magkakapatid na Bautista, idiniin ng bagong testigo November 25, 2011 9:59pm MANILA Idiniin ng bagong testigo ang tatlong magkakapatid na Bautista na umanoy pagplano upang patayin ang kanilang panganay na kapatid na si Ramgen "Ram" Revilla. "Bale ang magpapapatay daw yung mga kapatid ni Ram Revilla, nabanggit niya po yung mga pangalan na RJ, Gail, at Mara tsaka kasama din po yung asawa ni Gail [na] is Hero," ayon kay Sheridan "Dondon" Embat sa panayam ni GMA News reporter Saleema Refran. Ang magkakapatid ay mga anak ni dating Sen Ramon Revilla Sr. sa dating aktres na si Genelyn Magsaysay. Bautista ang tunay na apelyido ni Ramon Sr., at screen name lang ang Revilla na ginamit rin ni Ramgen nang mag-artista ito. Ang tinutukoy umano ni Embat ay ang naging pahayag ni Ryan Pastera (alias Bryan), na sinasabing naging middleman sa pagpatay kay Ramgen. Pinaslang si Ramgen sa loob ng kanyang bahay sa Paranaque noong nakaraang buwan. Malubhang nasugatan naman ang kasintahan ng biktima na si Janelle Manahan. Kasama umano sa planong pagpatay kay Ramgen ang magkakapatid na sina Ramon Joseph "RJ" Bautista, 18, Ramona "Mara" Bautista, 22, at Maria Ragelyn Gail Bautista, 20. Sa tatlo, tanging si RJ pa lamang ang nasa kostudiya ng pulisya, habang nakalabas naman ng bansa si Ramona. Samantala, kapapanganak lang kamakailan ni Gail. Naunang itinanggi ng magkakapatid at kanilang inang si Genelyn ang akusasyon na may kinalaman sila sa nangyaring krimen. Nalaman ang plano Ayon kay Embat, una niyang nalaman ang planong pagpatay kay Ramgen nang tanungin siya ng ka-frat na si Pastera kung may kilala siyang hitman. "Nagkakasayahan po kami noon. Akala ko biru-biro lang. Lumapit sa akin, sabi may kakilala daw ba akong pumapatay ng tao. Tinanong ko kung kaaway ba niya. Sabi niya, may nagpapautos daw sa kanya," kwento ni Embat sa pag-uusap umano nila ni Pastera. Sinabi pa ni Embat na lasing siya noon nang ibigay niya kay Pastera ang contact number ng kanyang kaibigan na si Kiko (Roy Francis Tolisora). Sa mga sumunod na araw, nagulat umano siya nang malamang nag-uusap ang dalawa at nagsara ng transaksyon. Lalo umano siyang nagulat nang malaman niya kung sino ang ipapapatay at kung sino nagpapapatay. "Si Ramgen pala, Ramgen Revilla na half-brother daw ni Sen Bong Revilla at anak daw ni Revilla Sr. Tapos yun nga po, handa daw sila (yung magkakapatid) maglabas ng P800,000 up to P1 million," kwento ng bagong testigo. "Sila (magkakapatid) po yung mga nagti-tip o nagsasabi kapag kung ano po yung ginagawa ni Ram. Hindi lang po isang beses, maraming beses po nila pinagtangkaan yung buhay ni Ramgen," dagdag niya. Nadakip na ng pulisya at nasampahan ng kaso si Tolisora kasama ang isa pang suspek na si Michael Altea. Iginiit ni Embat na ipinaalam sa kanya ni Pastera ang planong pagpatay kay Ramgen pero hindi umano siya sumama.

"Hindi na po ako madalas nagrereply noon kasi ayoko pong masangkot diyan. Kaya po ako lumabas para linisin yung pangalan ko. Alam ko naman po na wala talaga akong kinalaman dito," pahayag nito. Nanawagan din si Embat kay Pastera na lumabas na at ipaalam ang kanyang nalalaman sa nangyaring krimen kay Ramgen. "Alam mo magkakaibigan tayo, lumabas ka at sabihin mo yung totoo. At ikaw yung nakakaalam ng totoo kung sino ang nasa likod niyan, sana lumabas ka na lang," pakiusap ni Embat. FRJ/GMA News Janelle Manahan admits to being a battered girlfriend in TV interview By Glen P. Sibonga 01/14/12 12:35 pm Dati raw battered girlfriend ang murder witness na si Janelle Manahan at sinasaktan siya noon ng kanyang napaslang na nobyo na si Ramgen Revilla. Ito ang inamin ni Janelle sa interview sa kanya ni Karen Davila para sa Headstart na napanood sa ANC, ang ABS-CBN news channel, Biyernes, Enero 13. Ayon pa kay Janelle, protective boyfriend daw si Ramgen at madalas magselos kaya't humantong pa para pagbawalan siyang makipag-usap sa ibang lalaki. "It was bad. I was hoping he would change and he did naman," ani Janelle. Sabi pa ng dalaga, sinasaktan din daw ni Ramgen maging ang mga kapatid nito. Ito raw ang dahilan kaya nagagalit sa kanyang nobyo ang mga kapatid nito lalo na nang paboran umano si Ramgen ng kanilang ama na si dating senador Ramon Revilla Sr. Paglalarawan naman ng abugado ni Janelle na si Atty. Argee Guevarra kay Ramgen, isa itong violent person whose violence manifested in several beatings and strangulations of his own siblings." Sabi pa ni Atty. Guevarra, maging ang nanay ni Ramgen na si Genelyn Magsaysay ay nagawa nang protektahan si Janelle kapag nagiging bayolente ang kanyang anak. Aniya, "In fairness to the mother, she protected and provided protection to Janelle. Every time she was about to be beaten, she would proceed to the room of the mother and that was like sacred ground, like a safe zone." Nang tanungin si Janelle kung bakit niya isinisiwalat ang mga bagay na ito tungkol kay Ramgen, ang sagot niya, "I want to be transparent about what he really is." REVENGE OF THE BULLIED. Matatandaan noong Oktubre 28, 2011, ay pinatay si Ramgen sa pamamagitan ng pagbaril at pagsaksak ng isang nakamaskarang lalaki sa loob ng bahay nila sa Paraaque City. Maging si Janelle ay binaril din pero nakaligtas ito at nabuhay. Sa statement ni Janelle, inakusahan niya ang mga kapatid ni Ramgen na sina Ramona "Mara" Bautista at Ramon Joseph o RJ Bautista bilang masterminds sa pagpatay sa kanyang nobyo. Si RJ ay kasalukuyang nakakulong sa Paraaque City jail habang si Ramona naman ay nakatakas at tumungo sa hindi pa malamang lugar. Kalaunan ay isinangkot na rin ni Janelle ang isa pang kapatid na si Gail. Ayon kay Atty. Guevarra, ang pagpatay kay Ramgen ay maaaring dahilan ng maraming bagay: ang pananakit, ang awayan sa sustento, at pagkainggit ng mga kapatid dahil sa umano'y pagpabor ng ama nila kay Ramgen.Paglalarawan nga ng abugado, "[This] combined into an explosive mix." Dagdag pa niya, "Sa kulturang Pilipino, may kasabihan: 'Lintik lang ang walang ganti.' This is a revenge of the bullied." Sabi pa ni Atty. Guevarra, dapat daw lahat ng miyembro ng pamilya ni Ramgen ay tratuhing coconspirators o magkakasabwat sa krimen.Nakatanggap din daw siya ng impormasyon na si Ramona ay palipat-lipat ng lugar sa Europe.Nang matanong nga kung kumbinsido ba siyang may kinalaman si Ramona sa krimen, sagot ng abugado, "We are almost certain she is part, she is a co-conspirator. "She's a principal in legal terms. She is a principal by indispensable cooperation." Nakaramdam naman ng pagkaawa si Atty. Guevarra kay Genelyn, na inihayag ni Janelle na may sakit na schizophrenia. "She failed to perform her duties as a mother," sabi ng abugado.

You might also like