You are on page 1of 3

Banaag at Sikat

Scene 1: _________- Makinig kayo! Aking mga kababayan, dapat ng mawala ang mga namamahala sa pamahalaan. Sila ang dapat sisihin sa ating paghihirap. Sila ang naluloklok sa kapangyarihan at nagpapakasasa sa pera ng ating bayan! Halinat ating silang singilin sa kanilang mga ginawa, kahit na ang ating gamiting paraan ay maparahas. Dapat silang mamatay at singilin sa mga buhay na nawala dahil silay nasa tuktok samantalang ang ibay nagpipilit makaahon sa kahirapan. ________- Hindi! Dapat walang mangyayaring pagdasak ng dugo. Kahit na paunti-unti nating iahon ang sarili natin mula sa kahirapan sa pamamagitan ng pagpapantay-pantay ng mga uri sa ating lipunan. Walang mayaman, walang mahirap, sabi nga nila, at ang meron lang ay ang nagkakaisang-lipunan na ang layunin ay mai-angat ang isat-isa mula sa kahirapan. ________- Sa tingin mo may pagbabagong magagawa ang paninindigan mo, ang sosyalismo na sinasabi mo? Eh sa pork barrel pa nga lang na pinagkakakitaan ng mga nasa pamahalaan, kitang-kita mo na kung bakit naghihirap ang ating bayan? ________- Magsitigil nga kayo, parehas lang naman ang inyong pinaglalaban, magkaiba nga lang ng paraan. Gusto niyo lamang na magkaroon ng kasaganahan ang ating mamamayan at tayong lahat ay makikinabang sa pera na ating pinaghihirapan.

Sosyalismo Itoy tumutukoy sa malawak na sistema ng teoryang ekonomiko ng panlipunan organisasyon na nagtataguyod sa estado o sa sama-samang pagmamay-ari o pamamahala sa paggawa at pamamahagi ng mga kagamitan, at ang lipunan ay kilala sa pagkakaroon ng pantay pantay na pagkakataon sa lahat ng indibidwal na may patas o igualitaryang pamamaraan ng pasahod. Anarkismo Itoy isang teoriya o panukalang nagsasabing masama ang lahat ng pamahalaan. Tinatawag na mga anarkista ang taong naniniwala sa o nagtataguyod ng anarchism. Maaari silang mga pasipista, terorista, indibiduwalista, mga naniniwala sa komyunal na pamumuhay, rebolusyonaryo, o mga naniniwala sa mabilisang pagbabago. Bagaman marami sila, mayroon silang iisang pinaniniwalaan at sinasang-ayunan: na masisisi ang pamahalaan sa lahat ng mga kamaliang nagaganap sa lipunan ng tao, kasama na ang pagsisi sa mga batas at autoridad.

You might also like