You are on page 1of 4

GISING MAJAYJAY

HATOL NG OMBUDSMAN
Kaugnay ng kasong administratibo (administrative case) at kriminal (criminal case) na iniharap sa OMBUDSMAN ni G. Froilan T. Gruezo at ng Pilipinas Para sa Pinoy (PPP), na kinakatawan ni Atty. Paterno L. Esmaquel, tungkol sa maanomalyang BULK WATER CONTRACT at dalawang (2) Water Supply Contracts na pinasok ng ating bayan para magsupply o magdala ng tubig sa Bayan ng Sta. Cruz at Lumban, Laguna, ang OMBUDSMAN ay naglabas ng isang HATOL na pirmado mismo ni OMBUDSMAN Conchita Carpio Morales. Sa Decision na may petsa February 21, 2013, ang HATOL ng OMBUDSMAN sa administrative case ay GUILTY ang mga respondents/akusado na sina Teofilo B. Guera (Guera), Ana Linda C. Rosas, Lauro C. Mentilla, Mauro C. Aragon, Juancho M. Andaya, Antonio S. Zornosa, Jr., Mario O. Mercolisa, Jr., Jovanie Ann G. Esquillo at Bernardo I. De Villa, at kaya sila ay binigyan ng parusa na pagkatanggal sa puwesto o serbisyo o DISMISSAL FROM THE SERVICE at may kasama pang karagdagan na kaparusahan (accessory penalties) na cancellation of eligibility, forfeiture of retirement benefits, perpetual disqualification from holding public office and bar from civil service examinations. Ang ibig sabihin ng PERPETUAL DISQUALIFICATION FROM HOLDING PUBLIC OFFICE ay mga akusado na opisyales ng ating bayan ay habang buhay na hindi na puwedeng magtrabaho o makakuha ng anumang puwesto sa gobyerno at ng dahil dito, ang mga akusado na opisyales ay hindi na puwedeng kumandidato sa mga susunod na halalan. Kaugnay naman ng kasong kriminal (criminal case) na isinampa sa mga nasabing respondents kasama na ang Presidente ng IBDC na si Arcadio B. Gapangada, Jr. (Gapangada) ayon sa Resolution na may petsa din na February 21, 2013, ang OMBUDSMAN ay nagdesisyon o nagbigay ng HATOL din na dapat sampahan ng kaukulang kasong kriminal sa SANDIGANBAYAN ang mga nasabing akusado kasama na si Gapangada. Nang dahil dito, ang OMBUDSMAN ay gumawa ng kaukulang rekomendasyon upang sampahan ng Informations o sakdal na kriminal sa SANDIGANBAYAN ang mga nasabing respondents/akusado kasama na si Gapangada at sila ay pinasasampahan ng Information o sakdal na kriminal sa SANDIGANBAYAN for one (1) Count ng paglabag sa Sec. 3(e) sa Republic Act 3019, o kilala sa tawag na Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Kung nasampahan na ng Information o sakdal na kriminal sa SANDIGANBAYAN ang 1

GUILTY

mga nasabing respondents/akusado kasama na si Gapangada, ang SANDIGANBAYAN ay maari ng maglabas ng WARRANT OF ARREST laban sa nasabing mga respondents/ akusado kasama na si Gapangada at kung sila ay hindi makapagbigay ng bail o piyansa, sila ay makukulong hanggang sila ay hindi nakakapagbigay ng piyansa. Magkakaroon ng paglilitis ang mga nasabing respondents/akusado sa SANDIGANBAYAN at kung sila ay mapapatunayan na GUILTY ang parusa sa kanila ay pagkakakulong na hindi bababa sa 6 years and 1 month hanggang 15 years o labinlimang taon. Maliban sa paglabag sa Sec. 3(e) ng R.A. 3019, si Guera ay sasampahan pa rin ng OMBUDSMAN sa SANDIGANBAYAN ng kasong kriminal na dalawang (2) Counts or 2 kasong kriminal sa paglabag sa Sec. 3(g) ng R.A. 3019 dahil sa 2 maanomalyang Water Supply Contracts na kanyang pinirmahan upang ang ating bayan ay magsupply o magdala ng tubig sa bayan ng Sta. Cruz at Lumban, Laguna. Kaya kung si Guera ay matagpuan ng SANDIGANBAYAN na guilty sa nasabing 2 Counts sa paglabag ng nasabing Sec. 3(g) ng R.A. 3019, siya po ay mahahatulan sa kada 1 Count (per Count) ng kaparusahan na pagkabilanggo na hindi bababa sa 6 years and 1 month hanggang 15 years o labinlimang taon. Kaya sa kabuuan kung si Guera ay mahahatulan ng SANDIGANBAYAN na GUILTY sa 3 kriminal cases siya ay bibigyan ng kaparusahan kada 1 case ng pagkakabilanggo na hindi bababa sa 6 years and 1 month hanggang 15 years o labinlimang taon. Maliban sa nahatulan na mga nasabing respondents na GUILTY sa administrative case at sila ay pinasasampahan ng kaukulang kasong kriminal sa SANDIGANBAYAN, ang isa pang magandang naging resulta ng nasabing HATOL o Desisyon ng OMBUDSMAN ay ating napatunayan na maanomalya at labag sa batas hindi lamang ang BULK WATER CONTRACT kung hindi maging ang nasabing dalawang (2) Water Supply Contracts. Dahil ayon sa OMBUDSMAN, ang 2 Water Supply Contracts ay labag sa batas dahil ang mga ito ay maanomalya at makasasama sa ating bayan. Nang dahil dito, tuluyan ng mapipigilan natin ang balak ni IBDC na dalhin ang mga yamang tubig ng ating bayan sa mga kalapit bayan. Sa madaling salita, hindi na puwedeng dalhin at ibenta ni IBDC ang ating mga yamang tubig sa ating mga kalapit bayan. Kung atin pong matatandaan, nabalita na sinabi mismo ni IBDC na ang kanyang tunay na layunin ay hindi upang mag-operate ng water system ng ating bayan kung hindi ay upang dalhin at ibenta ang ating yamang tubig sa ating mga kalapit bayan. Kaya tayo po ay dapat na tunay na magsaya dahil ating napigilan ang isang banyaga na kanyahin at dalhin/ibenta ang ating yamang tubig sa mga kalapit bayan na kung saan ang kikitain lamang ng ating bayan ay kakarampot. Sa kasalukuyan, si Mayor Tino Rodillas ay walang malinaw na ginagawa upang tuluyang mapaalis si IBDC sa ating bayan o upang tuluyang mapatigil ang Bulk Water 2

Contract. Sa halip noong January 6 at 13, 2014 sa ginawang flag ceremony ng mga empleyado ng ating bayan ay paulit-ulit na pinasasalamatan ni Mayor Tino Rodillas si IBDC samantalang maliwanag na sinabi sa HATOL ng OMBUDSMAN na ang Bulk Water Contract ay labag sa batas dahil ito ay maanomalya at binigyan dito ng Unwarranted Benefits si IBDC. BAKIT KAYA PINASASALAMATAN NI MAYOR TINO RODILLAS SI IBDC? DAPAT BANG PASALAMATAN SI IBDC GAYONG MALINAW SA HATOL NG OMBUDSMAN NA LABAG SA BATAS ANG BULK WATER CONTRACT at 2 WATER SUPPLY CONTRACTS DAHIL BINIGYAN DITO NG UNWARRANTED BENEFITS SI IBDC? Kaya si Mayor Tino Rodillas ay dapat magbigay ng paliwanag sa mga taong bayan kung bakit paulit-ulit niyang pinasasalamatan si IBDC. Ang atin pong abogado ng bayan ay nagpadala na ng Notice and Demand kay Mayor Rodillas upang ipatigil na ang ma-anomalyang Bulk Water Contract at take over o kunin na ng ating Munisipyo ang pagpapatakbo ng ating water system. Hindi pwedeng sabihin ni Mayor Tino Rodillas na hindi puwedeng ipatigil ang Bulk Water Contract at take over o kunin na ang pagpapatakbo ng ating water system dahil walang court order. Kung ito ang magiging katwiran ni Mayor Tino Rodillas, ito ay isa lamang na malinaw na pagpapalusot o kawalan ng kakayahan upang ipatigil ang pagpapatupad ng isang maanomalya at labag sa batas na kontrata. Marami ng ginawang desisyon sa ibat ibang kaso ang ating Supreme Court na nagsasaad at nagsasabi na ang isang kontrata na null and void at labag sa batas ay maaring ipatigil na hindi kailangan ng court order. Sa isang sulat na may petsa September 27, 2013 na ipinadala ng abogado ng bayan kay Mayor Tino Rodillas, ipinaliwanag at ibinigay ng ating abogado ang mga legal basis o basehang legal kung bakit dapat take over o kunin na ng ating Munisipyo ang pamamahala sa ating water system subalit magpahanggang ngayon ay walang ginagawa tungkol dito si Mayor Tino Rodillas. Kaya kung patuloy si Mayor Tino Rodillas na hahayaan na patakbuhin ni IBDC ang ating water system o ipatupad ang Bulk Water Contract, ang abogado ng ating bayan ay magsasampa rin laban kay Mayor Tino Rodillas ng kaukulang kasong administrative case for gross negligence at grave misconduct in the performance of duty at kasong kriminal na paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Kaya mga kababayan ang GM ay humihingi ng tulong sa inyo na magkalap tayo ng ebidensiya na patuloy na hinahayaan ni Mayor Tino Rodillas si IBDC upang mag-operate o magpatakbo ng ating water system. Ang mga ebidensiya na kailangan natin ay tulad ng mga pictures o larawan ng mga tauhan ni IBDC na siyang naghihigpit o nagbubukas sarado ng balbola ng tangke ng ating tubig. Kung maari kunan ninyo ng mga litrato gamit ang inyong mga cellphone ang mga tauhan ni IBDC na pakalat kalat sa ating bayan na 3

siyang nagbubukas sarado sa balbola ng tangke ng tubig ng ating bayan. Mas mabuti kung actual ninyong makukunan ang mga tauhan ni IBDC habang sila ay nagbubukas sarado sa balbola ng tangke ng tubig ng ating bayan. Bilang panghuli, napabalita noon na magtataas ng singil sa tubig upang gamitin na pambayad sa sinisingil na kabayaran na P24M ni IBDC. Dahil malinaw sa nasabing HATOL ng OMBUDSMAN na ang BULK WATER CONTRACT ay labag sa batas, tayo po ay hindi dapat magbayad ng anumang taas na singil sa tubig upang gamiting pambayad kay IBDC. Dahil pa rin ang BULK WATER CONTRACT ay labag sa batas, si IBDC ay hindi dapat bayaran kahit singko ng ating bayan. Ating pananagutin ang sinumang opisyales ng ating bayan na magbibigay pahintulot o makikipagsabwatan upang bayaran si IBDC. Ang mga water meters naman po na nakakabit sa inyong mga bahay ay hindi maaring gawing basehan ng pagsingil ng bayad sa tubig dahil ang BULK WATER CONTRACT ay labag sa batas. Nang dahil dito, ang mga nasabing water meters ay isipin o consider na lamang ninyong palamuti sa inyong mga tahanan at isang magandang alaala na ang isang banyaga ay hindi nagtagumpay sa kanyang nabalita na masamang layunin na kanyahin at kunin ang mga yamang tubig ng ating bayan. Sa madaling salita, ating napatunayan na kung tayo ay magsasama-sama ang isang banyaga ay hindi magtatagumpay na kunin o nakawin ang yamang tubig ng ating bayan. Kung matatandaan ninyo, sinabi na namin noon na halos 100 taon na ang nakalipas, ang isang banyaga ay nagbalak din na kunin at dalhin ang ating yamang tubig sa mga kalapit bayan subalit ang banyaga ay hindi rin nagtagumpay. Ang ating mga ninuno sa tulong ng abogadong Batangueo na si Don Antonio delas Alas, na naging asawa ni Citas Gruezo na kapatid ni Froilan Gruezo, ay nagtagumpay din na hadlangan ang kagustuhan ng gobernador noon ng Laguna na dalhin ang tubig ng Sinabak sa Magdalena, Laguna. Ating pinatunayan pa rin na tulad ng ating mga ninuno, tayo kahit kailanman ay hindi papayag na kunin o angkinin o pagsamantalahan ng isang banyaga ang yamang tubig ng ating bayan. Ang ating tagumpay sa paghadlang sa balakin ng isang banyaga na kunin at pagsamantalahan ang yamang tubig ng ating bayan ang siyang pinakamagandang pamana na ating maiiwan sa mga susunod na henerasyon ng Majayjayeos. MABUHAY ANG MAJAYJAYEOS!!!

You might also like