You are on page 1of 8

Aborsyon

Introduksyon

Ang pagpapalaglag, pagpapaagas o aborsyon ay ang sinadyang


pagtatanggal ng embryo o fetus sa loob ng matres, na nagsasanhi ng
kamatayan nito. Pwede itong mangyari ng biglaan tulad ng kapag ang
babae ay nakunan, o ng artipisyal sa pamamagitan ng kemikal, pagtistis
at iba pa. Sa pangkalahatan, ang "pagpapalaglag" o abortion sa Ingles ay
tinutukoy sa inuudyokang pagpapalaglag sa panahon ng pagbubuntis; sa
medikal na pagtawag, tinatawag na nakunan ang babae kung ang
pagpapalaglag ay nangyari bago ang ika-dalawampung linggo ng
pagbubuntis, kung saan ito ay tinuturing na hindi pa buhay.
Maraming mga paraan para umudyok ng paglaglag sa buong kasaysayan
natin. Ang mga legal at moral na mga batayan nito ay usapin sa mga
pagtatalo sa maraming mga bahagi ng mundo.
Noong 1973, inilabas ng Unang Panguluhan ng Ang Simbahan ni
Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang sumusunod na pahayag
hinggil sa aborsyon, na angkop pa rin ngayon:
Hindi pumapayag ang Simbahan sa aborsyon at pinapayuhan nito ang
mga miyembro na huwag magpalaglag o maglaglag maliban sa bihirang
mga pagkakataon kung saan, sa paniwala ng mahusay na doktor, ang
buhay o mabuting kalusugan ng ina ay lubhang manganganib o ang
pagdadalantao ay sanhi ng panggagahasa at nagdudulot ng malaking
pasakit sa kalooban ng ina. Magkagayunpaman dapat lamang itong gawin
matapos mapayuhan ng namumunong awtoridad ng priesthood sa lugar at
matapos tumanggap ng banal na patunay sa pamamagitan ng panalangin.

Resources

Ang aborsyon ay isa sa mga mahahalagang isyu na dapat bigyang pansin.


Dapat ba ito o hindi? Isa ako sa mga taong hindi sumasang-ayon sa
aborsyon. Hindi ko ito sinang-ayunan dahil para sa akin ito ay isang hindi
mabuting gawaain, at lalong-lalo ng hindi ito solusyon sa mga problema
tulad ng populasyon at pagkalimot sa taong nakasama sa atin. Naniniwala
ako na ang ating buhay ay bigay ng Diyos, at siya lamang ang may
karapatang kumuha nito sa atin. Ang pagmamahal sa atin ng Diyos ay
walang kapantay, kayat dapat ay ganun din ang ating gawin sa ating
kapwa at hindi ang pagpatay sa batang inosente. Para sa mga
nagdalangtao sa pamamagitan ng hindi magandang paraan ay hindi din
dapat magpa-aborsyon dahil hindi natin alam ang plano ng Diyos sa atin,
alam ng Diyos ang kanyang ginagawa. Ako ay hind sumasang-ayon sa
aborsyon dahil isang uri ito ng pagpatay. Dahil sa aborsyon marami din
na mga nanay ang namamatay dahil sa komplikasyon kapag silay
nagpapaaborsyon. Mayroon namang iba nagkakaroon ng impeksyon at
permanenteng sakit sa kanilang katawan. Ang aborsyon ay may
sikolohikal din na epekto ayon sa pag-aaral ni David C. Reardon. Ang mga
magulang na nagpa-aborsyon ay nakadaramdam ng depresyon, ang iba
naman ay binabangungot. Para sa iba, ang aborsyon ay dapat gawing
legal, ngunit hindi nila naiisip na maaari nga itong maging legal dahil iyon
ang gusto ng tao ngunit hindi nila naiintindihan na ito ay hindi
nakabubuti o ligtas at sa mata ng Diyos itoy isang uri ng pagpatay. Ang
aborsyon ay hindi dapat gawin legal. Dapat itong itigil dahil sa mga
masasamang epekto nito na naidudulot sa atin.

>>Darlene Ong<<
>>1 BS Psychology<<

Sa bawat paglipas ng panahon,naging malaking suliranin na ang Aborsyon


sa ating lipunan. Marami ng mga kababaihan ang mas pinipiling sumailalim
sa ganitong paraan kaysa ang buhayin at lingapin ang nasa sinapupunan
nila. Marahil sa napakaraming kadahilanan at madalas dito ang kahirapan

at kahandaan ng isang babae at lalaki na magsama. Kung ating susuriin,


iisipin nating hindi makatarungan ang kanilang ginagawa at nakabababng
moral bilang isang tao. Marahil nakararanas din sila ng paghusga sa ibang
tao at paninira sa kanilang pagkatao.mahirap nga naman isipin na tama
ang pagsasagawa ng aborsyon bilang isang babae na binigyang ng
pagkakataon maging ina na nagbibigay buhay sa halip ay iyong
pinapatay.Sang-ayon nga ba ako o hindi? Bilang isang mag-aaral at
nagsaliksik sa dalawang panig ng aborsyon masasabing mahirap nga
husgahan ang mga sumasailalim at hindi sa Aborsyon.Parehong panig ay
may punto o paliwang na kanilang pinaniniwalan na kung ibabase sa
kanilang mga datos at sinasabe ay kakikitaan ng liwanag sa panig na
kanilang itinatayo. Para sa mga sang-ayon sinasabing ito ay regalo na
binuhay sa katawan ng isang ina. Binibigyang diin din nila na sa maling
panahon man,may karapatan pa din bigyan ng buhay angisang nabuo na sa
loob ng bahay-bata. Higit na nagpatibay dito ay ang walng sinuman ang
may karapatang kumitil ng isang buhay sapagkat ito'y sa Diyos nagmula
at siya lamang ang may karapatang bumawi. Para naman sa hindi sangayon,sinasabi nilang ang nasa sinapupunan ay bahagi pa lamang ng isang
tao at ito'y hindi pa pinaniniwalaang may buhay na. Binibigyang diin din
nila ang karapatan ng isang may katawan tulad ng babae,ang pagpilit sa
pagbuhay nito na hindi nya kagustuhan ay masasabing pagkuha sa
kanyang karapatan at buahay.At ang tanung na "Anung pipiliin mo: ang
bumuhay ngunit ipamimigay na parang binawian mo na din ng buhay na
ipararamdam mo habang buhay o ang pagkitil sa sandaling oras upng
mapagpahinga mo na at hindi maiparanas ang kalupitan ng buhay?"
Napakaraming mga dahilan at paniniwala,ngunit tanging sarili lamang
natin ang magdedisisyon kung saan panig tayo.Bilang isang mag-aaral at
babae makatarungan pa din ang hindi pagsasagawa nito dahil unang-una
kung pinili mong makipagtalik ng walang iniisip nararapat lamang na kunin
mo ng buong buo ang responsibilidad na kaakibat nito. Lalo na't bilang
tao alam natin ang mangyayari sa ganitong pagkakataon,nagiging mahina
lamang tayo kapag dumating na. Masasabi kong sa buhay, dapat maging
maingat at huwag na hintayin pa na kailangan natin pumili o gumawa ng
ganung desisyon. Mas makabubuting maging matatag sa ating mga
nararamdaman. dahil mas mahirap pumili ng "pumatay o bumuhay" kaysa
mag-isip sa mga dapat ihanda o gawin bilang isang babae at lalaki.Para sa
mga sang-ayon moral bilang tao lamang ang kanilang itinatayo at
paniniwala at para sa hindi naman tanging 'buhay' ang kanila din

pinahahalagahan. Bilang isang malaya,nasa sa iyo na ang desisyon at


paniniwala ngunit walang sinuman ang may karapatang humusga. Tao
lamang tayo na may kanya kanyang paniniwala ngunit ating isipin na ang
kalayaan at karapatan ay para sa tama at makatarungan gawin sana
nating makabuluhan ang bawat hakbang sa ating buhay.
>>Jeldan Garcia<<
>>2 Pyshochology<<

Kapag ang isang babae ay nagahasa at hindi gustong na magkaroon ng


bunga ang kahalayang sinapit silay napipilitang mag- punta sa mga
albularyo. Ang mga taong ito ay nag- bibigay panganib sa babae sa
pamamagitan ng delikadong pamamaraan, sapagkat silay hindi lisensyado
na ang ibig sabihin ay walang masyadong kaalaman sa Siyensya ng
panggagamot. Para lamang malaglag ang bata kahit illegal at malaking
kasalanan sa Dyos ang sariling buhay ay isususgal. Kahit ito ay
pinagbabawal patuloy parin ang ganitong gawain dito sa ating bansa,
marahil kung ito ay gagawing legal maaring masubaybayan ang mga
ganitong gawain at tataas ang porsyento ng kanilang kaligtasan.
Kung ito naman ay itutuloy niya, pareho lamang silang mahihirapan ng
bata sa kadahilanan hindi nila ito ginusto. Kadalasan din ang mga babae
ay tumitigil sa pagaaral para sakanyang pagbubuntis na simula ng
pagkasira ng kanyang mga pangarap dahil mapipilitan na syang
magkaroon ng responsibilidad na maaaring ina at ama sa murang edad.
Magiging kaawa- awa tuloy ang mga babaeng ito wala pang sapat na
kaalamanan sa buhay. Isang napaka- hirap na gampanin sapagkat sa halip
na pag- aaral at pag- paplano sa kanyang magiging kinabukasan ay
kinabukasan n ng kanyang magiging anak ang kanyang pag- aaralan at
pag- paplanuhan. Ang pangunahing tungkulin ng isang magulang ay
mabigyan ng magandang kinabukasan ang kainlang magiging anak, subalit
dahil sa sapilitang pagbuo sa buhay na hindi nila napag- planuhan hindi
ito nasasakatuparan
Samantalang kung mapapahihintulutan ang pagpapalaglag, ang kaligtasan
ng kanyang buhay ay sigurado na. Dahil sa batas na anti-abortion na
ang mga Babae ay umiiwas na pumunta sa mga Ospital dahil sa takot na
silay mahuli. Na nag- dudulot ng depresyon, dahil sa kahirapan na
dinararanas sa murang edad, nawawalan na ng kumpiyansa sa sarili ang
magiging ina sa sinapit. Sa dami ng iniisip pati ang batang nasa loob ng
sinapupunan ay naapektuhan sa nararamdaman ng kanyang ina. Dito
kadalasang humahantong sa pagpapatiwakal, na mas lalong nag- duddulot
ng malaking problema.

Pumapabor ako sa aborsyon sapagkat tinitignan ko ang mas lalong magpapakabuti sa dalawang buhay na naka- salalay dito.
>>Gripo,Mary Red<<
>>II Psychology<<

>>http://docdeverastudentsgreatminds.blogspot.com/2006/01/aborsyon-sang-ayon-ka-ba-o-disang.html <<

Konklusyon

Maraming tao ang nagiisip ng mabuti tungkol sa isyu ng aborsyon. Ang


argumento na ipiniprisenta ng pagsang-ayon sa buhay o "pro-life" ay ang
bawat bata na bubuhayin ay ginusto at kailangan alagaan, at bawat
batang ipinagbubuntis ng kanyang ina ay kailangan mabuhay.
Samantalang, sa kabilang panig naman ay ang "pro-abortion" o tuwirang
karapatan ng mga kababaihan na magdesisyon para sa kanilang sarili;
kung ang batang nasa kanilang sinapupunan ay gusto o hindi ba nila ito
gutong buhayin.
Ang batang nasa sinapupunan ng kaniyang ina ay kanyang pagmamayari at
nasa kanyang sariling pangangatawan at ang buhay ay hindi nagsisimula
hanggat ang bata ay hindi pa nailuluwal sa mundong ibabaw.
Ang pansariling karapatan ng mga kababaihan at sariling kabuuang
kalayaan ay nagbibigay pahintulot sa mga kababaihan na magdesisiyon
para sa kanilang sarili kung nais ba nilang ilaglag o ituloy ang kanilang
pagbubuntis.
Ang karapatan sa pagpili ng aborsyon ay personal at napaka-halaga sa
buhay ng kababaihan; Na kung wala ang karapatan na ito sa pagpili at
pagdedesisiyon ay hindi tuwirang naisaisagawa at natutupad ang iba
pang pundamental na karapatan at kalayaan na tiyak na nararapat
lamang nilang matamo.
Sa ganitong sitwasyon, ang estado ay walang direktong karapatan at
hindi maaring makialam o sumalungat sa bawat pribadong buhay ng
mamamayan sa kaniyang bansa.
Sa pagkakaroon ng karapatan ng pagpili ng aborsyon, ang mga
kababaihan ay maaaring makapag-saya at magawa ang kanilang plano sa
buhay ng kanilang buong kagustuhan at pagdedesisyon; Ang
kapangyarihan ng bawat nilalang na gamitin ang lakas at impluwensiya ng
kanilang isip at pangangatawan.
Kagaya na lamang ng mga kalalakihan, mayroon silang karapatan na
mamili at gustuhin ang mga bagay-bagay sa kanilang buhay. Ang mga
lalaki ay maaaring umayaw o umalis sa isang relasyon ng kasing dali at
bilis ng kanilang pagdedesisyon na iwanan ang babae sa madaling panahon
na malaman nito ang tungkol sa isang pinagdadalantao. Walang animo
tanung-tanong o kinalaman ang mga ito ukol sa naganap na pangyayari.
Pinili nila ang ganitong desisyon. Ginawa niya ang kanyang gusto. Maaari
lamang natin sabihin na patas o parehas ang pinaglalabanang karapatan
kung ang mga kababaihan ay maaari rin bigyan ng parehas at kaayon na
pagdedesisyon.
Kung ang isang babae ay ayaw humawak ng responsibilidad at akuin ang
kanyang tungkulin bilang isang ina at humarap sa isang pananagutan,
samakatuwid, naaayon sa kanya ang aborsyon; ang pagdedesisiyon sa

pagpili ng aborsyon bilang isang pagpipiliang opsyon. Hindi lahat ng


"contaceptives" o gamot sa pagapapalaglag o mga alternatibong paraan
ng hindi pagbubuntis ay epektibo at sigurado. Hindi sa lahat ng oras ito
ay nasa kamay o pwedeng gamitin. (availability of the object)
Ang aborsyon ay kinakailangan sa mga kababaihan na alam at may
kakayahang malaman kung gusto at kailan magbubuntis o ipalalaglag ang
isang bata. (whether and when to "bear or beget a child")
Ang pagkakaroon ng aborsyon ay hindi lamang posible upang magkaroon
ng sapat na karapatan sa pagpili ng dami ng numero ng anak na gusto sa
isang pamilya kundi, ang pagbuo ng uri at klase ng pamilya na kanilang
ginusto sa kanilang mga sarili kasabay ng pagkamit ng kanilang mga
responsibilidad.
Kung ang isang babae ay hindi makapili o makpagdesisyon sa kanyang
sarili na hindi ituloy o ipalaglag ang kaniyang dindala na hindi naman niya
ginusto o ayaw nitong buhayin, Siya mismo ay maitatanggi at maitatatwa
sa pansariling karapatan sa posesyon at control ng kaniyang sariling
pangangatawan.
Isa sa pinakasagradong karapatan ng isng batas ay ang PAGPILI, at
kung ang isang babae ay hindi ito kayang gawin, kung gayon, ang pinakaimportanteng posesyon ay inaalis at pinawawalang halaga.
Ang ABORSYON ay hindi lamang pangkababaihang KARAPATAN, ito ay
karapatan ng mga kababaihang PUMILI.

You might also like