You are on page 1of 3

Alamat ni Maria Makiling

Marahil ibat-ibang alamat tungkol kay Mariang Makiling ang inyong nabasa. Itoy isa sa mga matatandang
alamat tungkol sa kanya na hindi pa palasak. Sinabi ng alamat, nang mga araw na yaong ang mga taoy
maaaring makipamuhay sa piling ng mga bathala, ay nangyari ang dakilang pag-iibigan nina Mariang
Makiling at Gat Dula. Si Maria ay kaisang-isang anak nina Dayang Makiling at Gat Panahon, na paraparang bathala o engkantado kung sa ngayong pakahulugan. Tanging-tanging mutya ang nabanggit na
lakambini sa kanilang tahanan pagkat siyayy bugtong na aliw ng kanyang amat ina. Siya ang liwanag ng
kanilang paningin; siya ang galak ng kanilang puso; anupat sa biglang pangungusap, siya ang kayamanang
impok ng kanilang buhay. Sa kanilang katandaan, si Maria ang bango at kulay ng mga araw nilang untiunting nawawalan ng siglat lakas.
Si Mariay hindi taga-lupa, bagamat siyay nakiki-ulayaw sa madlang kinapal. Gaya na nga ng aking na
sabi, nang panahong yaoy maaaring makipag-usap ang mga tao sa bathala; maaari silang magkatabi sa
lilim ng isang punungkahoy. Maaaring patulong sa kanila ang isang linikhang nasa kagipitan, at ang mga ito
naman, kung sadyang taimtim sa loob ang paghiling, ay hindi nagmamaramot. Kung ang pastol ay
humihihip ng subing o plauta habang siyay nagpapalipas ng maligayang sandali sa piling ng mga
binabantayang hayop, sa kaginsa-ginsay susulpot nalaman gsa kanyang harap ang isang nimpang lipos ng
alindog, upang makinig at makihati sa kaligayahan. Naging ugali na ni Maria, sa araw-araw halos, ang
lumuwas sa bayan at mamili sa talipapa. Kaparis ng ibang babae, siyay nakasuot ng sutlang kung minsay
may burdang bulaklak at malalapad ang guhit ng siyang kinaugalian nang panahong yaon. Ang kanyang
maitim at malagong buhok na kung ilugay ay abot hanggang sakong ay may pahiyas na sariwang bulaklaksuha. Sa kanyang dib-dib ay nakayakap ang mabangong kuwentas ng ilang-ilang. Magiliw siyang
mangusap at lipos ng galang. Mahinhing kumilos na wari-bang nahihiya. Bakit ang hawas niyang mukhay
salamin ng kagandahan. Bakit ang kanyang mga matay sakdal nang aamo. Maging ang kanyang kapwa
babaey naakit bumati sa kanya. Ang mga maginoo, sa kanyay nagyuyuko ng ulo.
Si Mariay laging may kasamang dalawang ita sa kanyang pamimili. Ang mga nasabing utusan ay hindi
lumalayo sa likod ng kanilang panginoon. Sa kanilang dalang buslo ay maliwanag na mapapansin ang mga
luyang kulay-ginto na pinamamalit ni Maria. Nang panahong yaoy walang kuwaltang katulad ngayon na
ating ibinibili ng kailangan. Noon, sa halip na bili ay palitan ang palakad ng bawat tao. Doon nga sa
talipapa nagtutungo ang may kailangan. Sari-saring bagay ang matatagpuan doon. Mga pinatuyong balat ng
hayop na may magagandang balahibo. Mga banig na yari sa bulit sa pandang may kulay salit-salit. Mga
sutlang habi na may malalapad na guhit ay may patak-patak. At kung anu-ano pang kagamitan sa lob ng
bahay ang paninda roon.
May tanging araw na tinatawag nilang pagpapalitan. Sa araw na yaon lumuluwas sa bayan ang maraming
tao upang makipamalit. Palibhasay hindi luyang talaga ang ipinamamalit ni Maria, kundi tunay na luyang
ginto, kung kaya marami ang nagbibili sa kanya ng ibat ibang lako. Kataon namang sa araw na yaoy
namamalit si Gat Dula. Bukod sa kanyang ilang kawal na lingkod na kasamay may kasama pa siyang mga
dugong-mahal. Si Gat Dula ay taga-Bai, kaya sa kanilang pagtungo sa bayan ng Makiling ay kinailangan
nilang gumamit ng malaking bangka. May kalayuan ang agwat ng dalawang bayang nabanggit. Kaya kung
sa mga kangga sila sasakay na hila ng mga kalabaw ay tatanghaliin sila ng pagdating.
Nawiwili ang lahat sa pagpapalitan ng kanilang daladalahan. Kasingkapal ng mga paninda ang tao sa
talipapa. Karaniwan nang dayuhin ang tanging araw ng pamamalitang ukol sa bawat pook. Kaya bukod sa
mga sadyang tubo sa Makiling ay may ibang mukhang mapapansin doong nangangalakal. Kabilang sa mga
lipingmahal na namamalit ay si Gat Dulang nagpapalipas lamang ng maligayang sandali sa talipapa. Kataon
namang nagkasabay ng padampot sina Maria at Gat Dula sa kanilang binibiling balat ng hayop na may
magagandang balahibo. Sa gayong pagkakasabay ay nagkabunggo ang kanilang mga balikat, at nagkatama
ang kanilang mga mata. Gaanong pagtataka noon ang naghari. Lalo na nang sa disinasadyay nahawakan ni
Gat Dula ang malasutlang daliri ng dalaga. Sandali silang nagkatinginan. Subalit sa taglay na kayumian ni
Mariay nagyuko ng ulo ang makisig na Gat tanda ng paggalang at paghingi ng paumanhin. Bago sila
nagkalayoy isang mahiyaing ngiti ang naitugon ng lakambini sa mapakumbabang patawad po ng binata.

Buhat nooy naging malimit ang pagdalaw ni Gat Dula sa Makiling. Subalit mula rin nooy hindi na niya
napagmalas ang maalindog na katauhan ni Maria. Hanggang noong makalipas ang ilang panahonng
pamumulaklak ng suha, ay saka lamang niya muling napalarang mamasdan sa dating talipapaang
luwalhating bumihag sa kanyang pihikang pag-ibig. Gaanong galak niya, at tuloy na ibulong sa kanyang
loob: Ang tiniis kong hirap nang nagdaang mga araw, marahil ngayoy malulunasan na. Banayad siyang
lumapit kay Maria, at nagbigay-galang. Walang kasintamis na ngiti ang isinagot naman sa kanay.
Buhat nooy naging matalik na silang magkakilala hanggang sa nakaraan ang ilang pagbibilog ng buwan.
Sa isang tabi ng batis na umaaliw-iw sa loob ng gubat ay nahiwatigan nilang sa ubod ng pusoy may
tinitimpi silang pagmamahal. Itoy naramdaman nila nang magtamang matagal ang kanilang mga paningin,
at hindi maibuka ng kanilang labi ang binibigkas ng dibdib. Sa gayong lihim na pag-iibigan ay nagkayakap
ang datiy magkalayong langit at lupa. Ngunit ang gayong pagsusuyuan, sa nilakadlakad ng mga ataw ay
hindi nalihim sa kaalaman ng ama ni Maria.
Sabihin pa ang galit ni Gat Panahon; halos mayanig ang buong lawa nga Bai. Gaanong damdamin ang
nilasap ni Dayang Makiling, buhat nang matantong ang bugtong na anak niyay may kasuyong taga-lupa.
Ang puso ng ina, palibhasay kadluan ng awa, kung kaya dinakatiis na tanungin si Maria. Madalit salita,
dahil sa malabis na pagmamahal ng magulang ay pinagbawalan ang kanilang anak. Sapul noon, hindi na
nakapanaog sa lupa si Maria. Pinutol ni Gat Panahon ang pagtungu-tungo ni Maria sa talipapa. Binawi sa
kanya ng nagmamalasakit na magulang ang engkanto ng pagiging tunay na kinapal: Yaon ang pinagmulan
tuloy ng pagkakahiwalay ng mga bathala at madlang tao.
Subalit kung umibig si Mariay minsan lamang, at walang kasindakila. Kung siya may hindi na
nakapapanaog sa lupa, dahil sa wala na siyang kapangyarihang makihalubilo sa madlang kinapal, sa alaala
ni Gat Dulay hindi nagkukulang ang kanyang pagdalaw. Naroong kung minsay pamalas siya sa sandaling
nag-iisa ang mabunying Gat, ngunit pag nilapitan nito upang yakapin ay bigla siyang nalalaho. Naroong
umawit siya nang lubhang matimyas kung nangungulila si Gat Dula ngutnit pag hinanap nito kung saan
nanggaling ang tinig ay hindi naman malaman. Anupat ang lahat sa bintay parang panaginip. Walang
kasingwagas naman ang pagmamahal ni Gat Dula kay Maria. Ang lahat ng pook at nayong ni yapakan ni
Maria, maging ang tabing-batis na madalas nilang pagtagpuan, ay hindi nakaliligtaang dalawin.
Nang panahong yaoy malimit ang pakikipagdigma ng mga bayan sa kapwa-bayan. Di-kataka-takang
lusubin ni Lakan Bunto ang kaharian ng Bai na sakop ni Gat Dula. Subalit kung ilang kaharian na ang
nakikipaghamok sa matapang na Gat, maano man lamang na mapipilan siya o kayay masugatan. Ang
dahilan ay sapagkat siyay tinangkilik ng engkanto ni Maria. Ang adhikaing pag-ibig ng paraluman ay
nagiging baluti at kalasag ng mabunying Gat. Marami na siyang napasukong kaharian; marami na siyang
napagtagumpayang tabak, ngunit ang hindi lamang niya napasusukot napagwawagihan ay ang kamandag
ng pangungulila sa pag-ibig. Yaon ang dahilan ng kanyang pagkakasakit, hanggang sa siyay naputulan ng
hininga.
Ang sabi ng alamat, hinihiling ni Maria sa Bathalang Maykapal na ang kaluluwa ng kanyang irog ay ibigay
sa kanya. Nooy yumao narin ang kanyang mga magulang kayat sang-ayon sa sabi sina Maria at Gat Dula
ang nag-uwi sa naiwang kayamanan at lupain. Subalit hindinalilimot ni Maria ang pagkamasintahin ng
kanyang inang si Dayang Makiling sa lahat ng nasasakupan. Ang pag kamahabagin ni Dayang ay minana ni
Maria sa kanyang puso. Sa bawat bakuran ng bahay ng kanyang mga sakop, gaya rin nang dating
ginagawa ng kanyang yumaong ina, ay ibinubudbud niya ang mga luyang ginto. Ang sinumang ikakasal sa
walang magamit na magarang kasuutan ay hinahandugan niya. Ang isang mag-anak na maghahanda,
ngunit walang magamit na kasangkapan ay kanyang pinahihiram. Ang lahat nang daing at kahilingan ng
kanyang mga sakop ay tinutugon niya ng mapagpalang kandili.
Ngunit ang gayong malimit na pagpapahiram ay madalas magbunga ng di-mabuti. Ang karamihan sa
tinatangkilik ni Mariay di-marunong tumingin ng utang na loob. Hanggang sa wakas ay nakaisip ang ibang
mag-imbot sa di nila pag-aari. Ang mga kasangkapang ipahiram sa kanila ni Maria, palibhasay pawang
ginto, kung kaya tikis nilang hindi ibinabalik. Bakit ang samay hindi lamang inaaangkin yaon ng iba, kundi

ipinagpapalit pa sa mataas na halaga sa mga taga-ibang bayan. Sa gayon nang gayoy nayamot si Maria.
Tuloy nawika sa sariling: Nag-iba na ang panahon.
Kaya pati pahintulot na iginawad niya upang malayang makapanguha ang sinuman ng madlang bungang
kaphoy sa gubat ay kanyang binawi. Dahil sa pagmamalupit ng tao sa hayop ay ipinagbawal din niya ang
pangangaso, ang paninilo ng mga manok-labuyo, at pamamana ng mga ibon. Kung ang kanyang utos ay
sinusuway ng sinuman, ang ginagawa ni Mariay pinagdidilim ang panahon at pinabubuho ang malakas na
ulan; pinagugulong niya ng malalaking tipak na bato sa bundok, hinahagkis niya ng baliti ang pinawalang
mababangis na kalabaw at nang manugis at lumikha ng matinding kidlat. Ang mga yaoy panakot lamang
naman ni Maria upang ang mga mangangasong gumagambalang malabis sa katahimikan ng sakop niyang
kagubatan ay magsilayo at umalis.

You might also like