You are on page 1of 2

PAGSUSULIT SA EKONOMIKS #1

Pangalan: ___________________
Grupo: ______________________

Petsa: _______

I-Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ito
ay
ang
pag-aaral
upang
tugunan
ang
walang
katapusang
pangangailangan at kagustuhan o hilig pantao mula sa limitadong
pinagkukunan.
a. Pilosopiya
k. Matematika
b. Ekonomiks
d. Sosyolohiya
2. Ang proseso ng pagpili mula sa mga alternatibo o choice na may kaakiat
na pagsasakripisyo mula sa ginawang pagdedesisyon
a. Opportunity cost
k. Incentives
b. Marginal Thinking
d. Trade-off
3. Halaga ng tinatawag na best alternative na handang ipagpalit sa
bawat paggawa ng desisyon.
a. Opportunity cost
k. Incentives
b. Marginal Thinking
d. Trade-off
4. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang-yaman
tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Bakit
nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?
a. Dahil limitado ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan
ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
b. Dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa
mga pinagkukunang-yaman
k. dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga
produktong ibinebenta sa pamilihan
d. dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa
pinagkukunang-yaman ng bansa
5. Ang kakapusan ay maaaring magdulot ng ibat ibang suliraning
panlipunan. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng suliraning
ito?
a. Maaaring magdulot ng kaguluhan sa mga taong nakaranas nito
b. Tumataas ang presyo ng mga bilihin kung kaya nababawasan ang
kakayahan ng mga mamimili na bumili ng ibat ibang produkto at
serbisyo
k. Pag-init ng klima na nagdudulot ng mas malalakas na bagyo at
mahabang panahon ng El Nio at La Nia
d. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ang mga negosyante
6. Bakit may nagaganap na trade-off at opportunity cost sa tuwing may
gagawing pagdedesisyon?
a. Dahil walang katapusan ang kagustuhan ng tao
b. Dahil limitado ang kaalaman ng mga konsyumer
k. Dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo
d. Upang makagawa ng produktong kailangan ng pamilihan
7. Ang kagubatan ay isa sa mga likas na yaman na maaaring masira at
magdulot ng mga sumusunod MALIBAN sa:
a. Extinction
ng mga hayop
k. Endangered na flora at
fauna
b. Reforestation ng kagubatan
d. Pagkasira ng biodiversity
8. Ang mga sumusunod na paraan ay maisasagawa upang mapamahalaan ang
kakapusan maliban sa:
a. Paggamit ng teknolohiya para sa produksiyon
b. Pagsasanay sa mga manggagawa upang mapataas ang kapasidad ng mga
ito
k. Pagpapatupad ng mga programang
nakakatulong sa pag-unlad ng
ekonomiya
d. Pagbibigay diskwento sa mga bibilhin ng tao
9. Ang pagkain, damit at tirahan ay kailangan ng tao upang
a. Yumaman
k. maging tanyag

b. Mabuhay
10.

d. maging dakila

Ang kagustuhan ay hinahangad ng tao na matamo upang


a. Mabuhay
k. Makibagay
b. Masiyahan
d. Maging sikat

II-Panuto: Isulat sa patlang bago ang bilang kung TAMA o MALI ang isinasaad
ng bawat pangungusap.
_________________ 11. Ang nickel at natural gas ay itinuturing na
non-renewable resources
_________________ 12. Ang pag-init ng klima at pabago-bagong panahon
ay maaaring magdulot ng kabawasan sa nakukuhang
produksiyon sa lupa
_________________ 13. Walang limitasyon sa paglikha ng produkto ang
mga makinarya at gusali
_________________ 14. Ang patuloy na paglaki ng populasyon ay isa sa
Palatandaan na mayroong umiiral na kakapusan
_________________ 15. Ang shortage ay pansamantalang pagkukulang ng
supply ng isang produkto.
_________________ 16. Mahalagang maunawaan ang kakapusan sapagkat sa
pamamagitan nito ay maaaring makaisip ang tao
ng mga paraan upang epektibong mapamahalaan.
_________________ 17. Nakapaloob sa matalinong pagdedesisyon kung
gaano karami, para kanino, kung paano gagawin
ang produkto.
III-Pagpapaliwanag (3 puntos)
Bakit mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sa iyo bilang isang
mag-aaral? (isa hanggang tatlong pangungusap lamang)
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Inihanda:

GREG S. MINGUA
MT-I/OIC, AO IV

You might also like