You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Region III
Division of Zambales
SAN GUILLERMO NATIONAL HIGH SCHOOL
San Marcelino

ARALING PANLIPUNAN
Grade 9 – EKONOMIKS
Unang Markahang Pagsusulit
S.Y. 2017 - 2018

Name Grade & Section Score

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.
a. Antropolihya c. Sosyolohiya
b. Demograpiya d. Ekonomiks
2. Ang Ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang bahay, at
na pamamahala.
a. Nomia c. Nomesia
b. Nomos d. Noikos
3. Ito ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
a. Opportunity Cost c. Insentibo
b. Trade-Off d. Marginal Cost
4. Tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng
desisyon.
a. Opportunity Cost c. Insentibo
b. Trade-Off d. Marginal Cost
5. Mahalagang konsepto ng Ekonomiks na nangangahulugang karagdagang halaga.
a. Opportunity Cost c. Insentibo
b. Trade-Off d. Marginal Cost
6. Kung ikaw ay isang rasyunal na mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon?
a. Isinasaalang-alang ang relihiyon, paniniwala, mithiin at tradisyon
b. Isinasaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
c. Isinasaalang-alang ang trade-off at opportunity cost sa pagdedesisyon
d. Isinasaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon
7. Mahalaga ang pag-aaral ng Ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo
ng matalinong .
a. Ugali c. Desisyon
b. Gawi d. Program
8. Umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
a. Kakulangan c. Katapusan
b. Kakapusan d. Shortage
9. Nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produkto.
a. Kakulangan c. Katapusan
b. Kakapusan d. Scarcity
10. Ito ay isang modelo na nagpapakita ng mga estratehiya sa paggamit ng mga salik upang makalikha ng
mga produkto.
a. Batas ng Demand c. Production Possibilities Frontier
b. Batas ng Supply

AP 9 – EKONOMIKS First Quarterly Assessment / Evelyn Grace T. Tadeo / 1


d. Ceteris Paribus

AP 9 – EKONOMIKS First Quarterly Assessment / Evelyn Grace T. Tadeo / 2


11. Nangangahulugan itong other things being equal o ang hinuha na walang pagbabago maliban sa salik
na pinag-aaralan.
a. Cateris Paribus c. Cateris Peribus
b. Ceteris Peribus d. Ceteris paribus
12. Ang punto na nasa labas ng kurba ng Production Possibilities Frontier ay naglalarawan ng konseptong
na plano ng produksyon.
a. Infeasible c. Efficient
b. Inefficient d. Undefined
13. Isang palatandaan ng kakapusan ang extinction ng mga species ng halaman at hayop.
a. Tama c. Hindi Matukoy
b. Mali d. Walang Anuman
14. Ang kakapusan ay maaaring magdulot ng sigalot, pag-aaway-away at .
a. Pagkasira c. Proteksyon
b. Kompetisyon d. Konserbasyon
15. Upang mapamahalaan ang kakapusan, kailangan ng angkop at makabagong upang mapataas ang
produksyon.
a. Polisiya c. Programa
b. Teknolohiya d. Ekonomiya
16. Ito ang mga bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat kailangan niya nito sa kanyang pang-araw-araw
na gawain.
a. Pangangailangan c. Kaligtasan
b. Kagustuhan d. Respeto
17. Ang Theory of Human Motivation ay nagmula kay .
a. John Meynard Keynes c. John Watson Howe
b. Adam Smith d. Abraham Harol Maslow
18. Nakapaloob dito ang pangangailangan ng tao sa pagkain, tubig, hangin, pagtulog, kasuotan at tirahan.
a. Pangangailangang Pisyolohikal c. Pangangailangang Panlipunan
b. Pangangailangan ng Seguridad d. Kaganapan ng Pagkatao
at Kaligtasan

19. Kabilang dito ang pangangailangan na magkaroon ng kaibigan, kasintahan, pamilya at ng anak at
pakikilahok sa mga gawaing sibiko.
a. Pangangailangang Pisyolohikal c. Pangangailangang Panlipunan
b. Pangangailangan ng Seguridad d. Kaganapan ng Pagkatao
at Kaligtasan
20. Ito ang pinakamataas ng antas ng pangangailangan ng tao.
a. Pangangailangang Pisyolohikal c. Pangangailangang Panlipunan
b. Pangangailangan ng Seguridad d. Kaganapan ng Pagkatao
at Kaligtasan

21. Iayos ang hirarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow mula sa pinakamababa hanggang sa
pinakamataas na antas nito:
1. Pangangailangang Panlipunan
2. Pagkamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang Tao
3. Kaganapan ng Pagkatao
4. Pangangailangang Pisyolohikal
5. Pangangailangan ng Seguridad at Kaligtasan
a. 2, 3, 4, 5, 1
b. 1, 2, 3, 4, 5
c. 3, 2, 1, 5, 4
d. 4, 5, 1, 2, 3
22. Ang pangangailangan ng tao ay may pagkakaiba batay sa antas ng pinag-aralan, ito ang salik na
.
a. Kita c. Panlasa
b. Edad d. Antas ng Edukasyon

AP 9 – EKONOMIKS First Quarterly Assessment / Evelyn Grace T. Tadeo / 3


23. “There isn’t enough to go around,” kasabihang sumasalamin sa suliranin ng kakapusan, mula kay
.
a. John Meynard Keynes c. John Watson Howe
b. Adam Smith d. Abraham Harol Maslow
24. Ito ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto at serbisyo.
a. Supply c. Demand
b. Alokasyon d. Kakapusan
25. Katanungang pang-ekonomiko na nagsasabing maaaring gumamit ng teknolohiya o tradisyonal na
paraan ng paggawa upang mabuo ang output.
a. Ano ang gagawin? c. Para kanino gagawin?
b. Paano gagawin? d. Gaano karami ang gagawin?
26. Tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksyon,
pagmamay-ari, at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng
isang lipunan.
a. Sistemang Pang-ekonomiya c. Pagkonsumo
b. Alokasyon d. Salik ng Produksyon
27. Sistemang pang-ekonomiya na ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay
nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
a. Tradisyonal ng Ekonomiya c. Command Economy
b. Market Economy d. Mixed Economy
28. Sistemang pang-ekonomiya na nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan.
a. Tradisyonal ng Ekonomiya c. Command Economy
b. Market Economy d. Mixed Economy
29. Pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami
ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
a. Tradisyon c. Presyo
b. Kita d. Mga Inaasahan
30. Bahagi ng buhay ng tao simula nang kanyang pagsilang sa mundo.
a. Alokasyon c. Produksyon
b. Pagkonsumo d. Distribusyon
31. Alin ang hindi salik na nakaaapekto sa pagkonsumo?
a. Kapaligiran at Klima c. Kita
b. Pagbabago ng Presyo d. Mga Inaasahan
32. Tataas ang kakayahan ng tao na kumonsumo kapag kaunti ang kanyang .
a. Mga Inaasahan c. Pagkakautang
b. Kita d. Pangangailangan
33. Pamantayan sa pamimili kung saan ang mamimili ay laging handa, alerto at mapagmasid sa mga maling
gawain ng tindero o tindera lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan.
a. Hindi Nagpapadaya c. May Alternatibo o Pamalit
b. Mapanuri d. Makatwiran
34. Kailan masasabing matalino kang mamimili?
a. Gumagamit ng credit card sa iyong pamimili at laging inaabangan ang pagkakaroon ng sale.
b. Segunda mano ang binibili upang makamura at makatipid sa pamimili na pasok sa badyet.
c. Sumusunod sa badyet at sinusuri ang presyo, sangkap, at timbang ng produktong binibili.
d. Bumibili nang labis sa pangangailangan upang matiyak na hindi mauubusan sa pamilihan.

35. Kagawaran ng gobyerno na naglabas ng walong karapatan ng mga mamimili.


a. DOH c. DSWD
b. DTI d. DepEd
36. Tungkulin ng mamimili ang magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at
kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang kanilang kapakanan.
a. Mapanuring Kamalayan c. Kamalayan sa Kapaligiran
b. Pagkilos d. Pagkakaisa

AP 9 – EKONOMIKS First Quarterly Assessment / Evelyn Grace T. Tadeo / 4


37. Ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa reklamo laban sa pagbebenta ng di-wastong sukat o
timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng “Liquified Petroleum Gas.”
a. BFAD c. POEA
b. ERC d. SEC
38. Ahensya ng pamahalaan na tumutulong sa reklamo laban sa illegal recruitment activities.
a. BFAD c. POEA
b. ERC d. SEC
39. Proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik upang
makabuo ng output.
a. Alokasyon c. Sistemang Pang-ekonomiya
b. Produksyon d. Kakapusan
40. Dapat bigyang-pansin ng pamahalaan ang produksyon sapagkat ito ay isang gawaing pang-ekonomiya
na:
a. Gumagamit ng mga produkto at serbisyo c. Lumilikha ng mga produkto at serbisyo
b. Lumilinang ng likas na yaman d. Namamahagi ng pinagkukunang-yaman
41. Tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo.
a. Lupa c. Kapital
b. Lakas-paggawa d. Entrepreneurship
42. Mga manggagawang may kakayahang mental o .
a. Blue-collar Job c. White-collar Job
b. Yellow-collar Job d. Red-collar Job
43. Tumutukoy sa kalakal ng nakalilikha ng iba pang produkto.
a. Lupa c. Kapital
b. Paggawa d. Entrepreneurship
44. Tagapag-ugnay ng lupa, paggawa at kapital upang makabuo ng produkto at serbisyo.
a. Ekonomista c. Entrepreneur
b. Siyentista d. Mananaliksik
45. Ito ang patuloy na pagbabago sa produkto at serbisyo bilang susi sa pagtamo ng pagsulong sa bansa.
a. Imbensyon c. Imbestigasyon
b. Inobasyon d. Improvisation
46. Tumutukoy sa anumang gawaing pang-ekonomiya na may layuning kumita o tumubo.
a. Produksyon c. Negosyo
b. Alokasyon d. Sistemang Pang-ekonomiya
47. Negosyo na pag-aari at pinamamahalaan ng isang tao.
a. Sole Proprietorship c. Corporation
b. Partnership d. Cooperative
48. Organisasyong binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na nagkasundo at sumasang-ayong
paghatian ang mga kita at pagkalugi sa pagtatayo ng isang negosyo
a. Sole Proprietorship c. Corporation
b. Partnership d. Cooperative
49. Pinakamasalimuot na organisasyon ng negosyo.
a. Sole Proprietorship c. Corporation
b. Partnership d. Cooperative
50. Layunin nito na makapagbili o makapagbigay ng mga produkto at serbisyo sa mga kasapi sa
pinakamababang halaga.
a. Sole Proprietorship c. Corporation
b. Partnership d. Cooperative

Prepared: Checked: Approved:

Evelyn Grace T. Tadeo Liza C. Ordonio / Ike Anthony P. Mina LIBERTY A. ABDON, Ed. D.
Teacher HT I HT III Principal IV

AP 9 – EKONOMIKS First Quarterly Assessment / Evelyn Grace T. Tadeo / 5


Republic of the Philippines

Region III
Division of Zambales
SAN GUILLERMO NATIONAL HIGH SCHOOL
San Marcelino

ARALING PANLIPUNAN
Grade 9 – EKONOMIKS
Unang Markahang Pagsusulit
TABLE OF SPECIFICATION
S.Y. 2017 - 2018

CONTENT STANDARD:
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa:
sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-
araw-araw na pamumuhay.

CONTENT PERFORMANCE STANDARD:


Ang mga mag-aaral ay
naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng
matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.

ITEM NUMBER
KNOWLEDGE ANALYZE APPLY INTERPRET TOTAL
ARALIN 1:
KAHULUGAN AT
1, 2 3, 4, 5, 6 7 7
KAHALAGAHAN NG
EKONOMIKS
ARALIN 2:
8, 10, 11 9 13, 15 12, 14 8
ANG KAKAPUSAN
ARALIN 3:
PANGANGAILANGAN 16, 17 18, 19, 20 21 22 7
AT KAGUSTUHAN
ARALIN 4:
23, 24, 26 25, 27, 28 29 7
ALOKASYON
ARALIN 5:
35 30, 31, 37, 38 32, 33, 36 34 9
PAGKONSUMO
ARALIN 6:
39, 41, 42, 43, 44, 45 40 7
PRODUKSYON
ARALIN 7:
MGA
46, 47 48, 49, 50 5
ORGANISASYON NG
NEGOSYO
TOTAL 15 20 9 6 50

Prepared: Checked: Approved:

Evelyn Grace T. Tadeo Liza C. Ordonio / Ike Anthony P. Mina LIBERTY A. ABDON, Ed. D.
Teacher HT I HT III Principal IV

AP 9 – EKONOMIKS First Quarterly Assessment / Evelyn Grace T. Tadeo / 6

You might also like