You are on page 1of 7

KAHULUGAN NG EKONOMIKS

TAMA O MALI

1. Ang ekonomiks ay tumutukoy sa hindi kasapatan ng pinagkukunang yaman upang matugunan


ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
2. Sa matalinong pagpapasya, ang pang-ekonomikong tanong na “Ano ang gagawin?” ay
tumutugon sa produkto o serbisyo na may kakapusan.
3. Ang Ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na oikos at nomos na nangangahulugang
“pamamahala ng yaman”.
4. Gaano man kalaki ang pera o resources, ito’y palaging kulang o limitado dahil ang ating
pangangailangan at kagustuhan ay unlimited o walang katapusan.
5. Ang pang-ekonomikong tanong na “Paano gagawin?” ay tumutukoy sa mga taong
manginginabang sa produkto o serbisyo.
6. Ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.
7. Ang mga mahihirap lamang ang nakararanas ng kakapusan.
8. Ang suliranin ng kakapusan ay maaaring masolusyunan sa pamamagitan ng pagdarasal na
manalo sa lotto
9. Sa Ekonomiks, walang perang sobra o sapat, lagi itong kulang.
10. Isa sa apat na pangunahing pang-ekonomikong katanungan ay “Sino ang gagawa?”

GRAPHIC ORGANIZER

Isaayos ang apat na pangunahing konsepto tungkol sa paksang tinalakay sa isang chart.

• Ekonomiks

• Kakapusan

• Limitadong pinagkukunang-yaman

• Walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao


KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS
I. Tukuyin kung anong salik sa paggawa ng matalinong desisyon ang inilalarawan ng bawat sitwasyon.
Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.

A. Trade-off C. Marginal Thinking


B. Opportunity Cost D. Incentives

1. Ngayong nasa Grade 9 na si Mergie ay lalo pa siyang ginanahang mag-aral nang mabuti upang
makakuha ng average grade na 90 pataas dahil sa pangakong mamahaling cellphone ng
kanyang mga magulang.

2. Masaya si Lydia sa kanyang napiling baonan dahil maliban sa ito ay maganda at mura, eco-
friendly pa.

3. Nakaugalian na ni Ardie na pag-isipan muna nang mabuti ang pagdesisyon sa isang bagay
kung ito ba may pakinabang sa kanya o wala.

4. Kahit masama ang pakiramdam ni Ariel ay pinilit pa rin niyang pumasok sa paaralan dahil
nanghihinayang siya sa maari niyang matutunan na leksiyon.

5. Maraming bansa sa Aprika ang pinipiling magtanim ng tabako kaysa mga food crops.

6. Sa pagtatanim ng food crops, hindi lang nakatutulong na maibsan ang kagutuman sa buong
mundo, nababawasan pa nito ang mga suliraning pangkalusugan na maaaring idulot ng
tabako o paninigarilyo.

7. Ito ay tumutukoy sa pagsusuri ng karagdagang kapakinabangan o benepisyo na maaaring


makuha sa gagawing desisyon.

8. Hindi maaaring piliin ang dalawa. Sa pagpili ng isa, may isasakripisyong iba.

9. Ito ay tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best alternative na handang ipagpalit sa bawat


paggawa ng desisyon.

10. Ang premyo o reward na kakabit ng gagawing desisyon.

KAKAPUSAN
I. TAMA O MALI
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang TAMA kung
ito ay nagpapahayag ng wastong kaisipan tungkol sa kakapusan, at isulat naman ang
MALI kung ito ay hindi wasto.

1. Sa ekonomiks, ang kakapusan at kakulangan ay konseptong magkasingkahulugan


dahil parehong nagpapatungkol sa hindi kasapatan ng resources.

2. Lahat ay nakararanas ng kakapusan kaya’t ito ay maituturing na isang suliraning


panlipunan.

3. Ang kakulangan ay pansamantala sapagkat may magagawa pa ang tao upang


masolusyunan ito.

4. Maaaring maging permanente ang kakapusan dahil ito ay itinakda ng kalikasan.


5. Sa pagtugon sa kakapusan, dapat suriin at gawing gabay ang apat na pangunahing
katanungang pang-ekonomiko.

6. Ang kakapusan ay nangyayari dahil limitado lamang ang ating pinagkukunang-


yaman ngunit walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.

7. Ang kakulangan ay tumutukoy sa hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman upang


matugunan ang mga pangangailangan ng tao.

8. Sa paggamit ng Production Possibility Frontier, kailangang mayroon lamang


dalawang produkto o serbisyong maaaring likhain.

9. Upang maiwasan ang permanenteng pagkaubos ng likas na yaman, kailangang


makiisa ng lahat sa mga programang pangkonserbasyon.

10. Walang magagawa ang pamahalaan upang masolusyonan ang kakapusan at


matugunan ang mga epekto nito sa ekonomiya ng bansa.

II. MULTIPLE CHOICE


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat ito sa patlang.

11. Ito ay isang kaisipan tungkol sa kakapusan na tumutukoy sa pagpili o pagsakripisyo ng


isang bagay kapalit ng ibang bagay.
a. Marginal Thinking c. Production Possibility Frontier
b. Opportunity Cost d. Trade Off

12. Ito ay isang modelo na nagpapakita ng kombinasyon ng produkto o serbisyo na


maaring magawa ng ekonomiya sa isang tinakdang oras.
a. Marginal Thinking c. Production Possibility Frontier
b. Opportunity Cost d. Trade Off

13. Sa paglaki ng populasyon ng ating bansa, anong dalawang produkto o serbisyo ang
dapat maghalinhinan upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao?
a. Lupang sakahan at Pabahay c. Tela at Pagkain
b. Kalsada at Palay d. Oras ng pagtulog at oras ng paglalaro

14. Saang pinagkukunang-yaman makikita ang mga palatandaan ng kakapusan?


a. Yamang Kapital c. Yamang Tao
b. Yamang Likas d. Lahat ng nabanggit
15. Ito ay ang halaga ng bagay o ng best alternative na handang ipagpalit sa paggawa ng
isang desisyon.
a. Marginal Thinking c. Production Possibility Frontier
b. Opportunity Cost d. Trade Off

16. Upang mapamahalaan ang kakapusan, mahalagang suriin ang mga sumusunod,
maliban sa isa. Alin ito?
a. Produktong lilikhain c. Gaano karami ang lilikhain
b. Paano lilikhain d. Sino ang lilikha

17. Kapag ang mga kombinasyon ng produkto o serbisyo sa Production Possibility Frontier
ay gumamit ng wastong salik ng produksyon at walang nasayang sa mga ito, ano ang
tawag dito?
a. Inefficient b. Infeasible c. Most efficient d. Most inefficient
18. Isa sa mga kakapusang kinakaharap ng ating bansa ay ang brain drain o ang pagkaubos ng
mga mahuhusay na manggagawa dahil sa pagtatrabaho sa ibang bansa na may mataas na
pasahod. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng pamahalaan upang mapamahalaan
ang kakapusan?
a. Paggamit ng angkop at makabagong teknolohiya upang mapataas ang produksiyon.
b. Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay proteksyon sa mga
pinagkukunang-yaman.
c. Pagsasanay para sa mga manggagawa upang mapataas ang kapasidad ng mga ito sa
paglikha ng produkto at pagbibigay ng kinakailangang serbisyo.
d. Pagpapatupad ng mga programa na makapagpapabuti at makakapagpalakas sa
organisasyon, at mga institusyong nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya.

19. Ang mga sumusunod ay programang pangkonserbasyon na nangangalaga sa likas na


yaman, maliban sa isa. Alin ito?
a. Pagtatanim ng mga puno sa nakakalbong kagubatan at sa kalunsuran.
b. Pagbabantay sa kalagayan at pangangalaga sa mga nauubos na uri ng mga hayop.
c. Pagbubukas ng turismo sa mga lugar na may malalang kaso ng pagkasira ng kalikasan.
d. Pangangampanya upang ipagbawal ang paggamit ng mga kemikal at iba pang bagay na
nakalilikha ng polusyon.

20. Alin sa mga sumusunod ang bunga ng kakapusan?


a. Kaguluhan c. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin
b. Pagtaas ng krimen sa bansa d. Lahat ng nabanggit

III. PRODUCTION POSSIBILITY FRONTIER (25 pts)


Panuto: Ipagpalagay na ang inyong pamayanan ay mayroong suplay ng abaka sa paggawa ng
dalawang pinagpipiliang produkto: bag o tsinelas. Kumpletuhin ang graph at
interpretasyon ng PPF batay sa production plan.
Tsinelas Bag
Posibilidad Interpretasyon Konklusyon Posibilidad
(pares) (piraso)
Makapaglilikha ng 50 pares ng tsinelas, A 50 0
A
ngunit 0 piraso ng bag.
B B 40 5

C Opportunity Cost C 30 10

D D 20 15
Makapaglilikha ng 10 pares ng tsinelas, E
BAG (piraso) 10 20
E
at 20 piraso ng bag. 0
F 25
F Trade off

TSINELAS (pares)
PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN
I. MULTIPLE CHOICE
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat ito sa patlang.

1. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na nagbibigay sa tao ng kaginhawaan at kasiyahan.


c. Pagkain b. Pangangailangan c. Teknolohiya d. Kagustuhan

2. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na dapat mayroon ang tao sa araw-araw upang mabuhay.
c. Pagkain b. Pangangailangan c. Kagustuhan d. Kayamanan

3. Ang Teorya ng Hierarkiya ng Pangangailangan ay nagpapaliwanag na ang pangailangan ng


isang indibidwal ay baitang-baitang. Ang pagtugon sa susunod na pangangailangan ay
nakasalalay sa pagkamit sa mga pangangailangan sa naunang baitang. Kaninong kaisipan
ito?
c. Adam Smith c. Karl Marx
d. Abraham Harold Maslow d. John Maynard Keynes

4. Ang diaper at formulated milk ay halimbawa ng mga pangangailangan. Sa anong salik ito
nakabatay?
c. Panlasa b. Kita c. Edad d. Katayuan sa
Lipunan

5. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na isang kagustuhan?


a. Tirahan b. damit c. gamot d. alahas

6. Ang pagtugon ng tao sa mga bagay tulad ng pagkain, tubig, damit, tirahan at iba pa ay
maagap na ginagawa ng tao. Ano ang tawag sa mga ito?
a. Hilig-Pantao b. Kagustuhan c. Economic goods d.
Pangangailangan

7. Si Aling Nena ay nagpunta grocery upang bumili ng diaper at gatas para sa kanyang 2 taong
gulang na anak. Pagkatapos, nagtungo sya sa botika upang bilhin naman ang kanyang
gamot para sa high blood. Anong salik ng pangangailanganang nakaapekto sa sitwasyong
ito?
b. Edad b. Kita c. Panlasa d. Kalusugan

8. Ang mga sumusunod ay itinituring na mga pangangailangan MALIBAN sa


_______________.
e. Tirahan b. Damit c. Play Station d. Pagkain

9. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng isang matalinong pagdedesisyon?


e. Bumibili lamang si Joel kapag panahon ng sale.
f. Mas inuuna ni Ben na bilhin ang kanyang mga pangangailangan kaysa luho.
g. Tuwing namimili si Josie, binibili nya ang pinakamurang produkto sa pamilihan.
h. Si Manuel ay palagi ng humihingi ng diskuwento sa kanyang mga pinamimili.

10. Ikaw ay binigyan ng Php 1,000 na allowance ng iyong magulang. Paano mo ito gagastusin?
a. Ililibre ko ang mga kibigan ko.
b. Ibibili ko ng mga bagong damit.
c. Gagastusin ko ang lahat ng badyet sa pagbili ng pagkain.
d. Bibilhin ko lamang ang dapat bilhin at iiwas sa mga di kailangan.

11. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng kapaligiran at klima bilang
isang salik ng pangangailangan?
a. Si Arnel ay bumili ng mga gamit pampaaralan dahil malapit na ang pagbubukas ng klase.
b. Tuwing buwan ng Abril, nagbabakasyon ang pamilya Reyes sa isang beach resort.
c. Dahil nataas sa posisyon si Danilo, namili siya ng mga pormal sa damit upang magamit
sa kanyang opisina.
d. Sa tuwing sasapit ang tag-init ay nahihirapan ang anak ni Mang Ben dahil sa sakit na
hika. Kaya, naisipan ng kanyang pamilya na bumili ng aircon.

12. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, ang mga sumusunod ay maaaring
mangyari MALIBAN sa ______________.
a. Magiging maayos ang pagbabadyet.
b. Hindi maisasakatuparan ang mga layunin.
c. Maaaring malutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan.
d. Magiging pantay ang distribusyon ng mga pinag-kukunang-yaman.

13. Ang antas ng kaganapang pantao ay nasa pinakamataas dahil ___________________.


a. Ito ang pinakamahirap na matugunan.
b. Kakaunti lang ang nakakabot sa antas na ito.
c. Ang tao sa antas na ito ay masasabing perpekto.
d. Ang tao sa antas na ito ay may mas malawak na pagkakakahulugan at pagtingin sa mga
bagay-bagay.

II. BAITANG-BAITANG
Panuto: Isulat sa patlang sa bawat baitang ng pyramid ang mga batayan ng pangangailangan ng
tao batay sa Teorya ng Pangangailangan.

III. LET ME DECIDE


Panuto: Ipagpalagay na ikaw ay nag-aaral sa malayo at pinapadalhan lamang ng iyong magulang
ng Php 10,000.00 para sa iyong dapat pagkagastusan sa loob ng isang buwan. Nasa
ibaba ang mga aytem na iyong pagkakagastusan. Lagyan ng tsek () ang inyong dapat
pagkagastusan, at (x) kung hindi. Isulat ang dahilan kung bakit (x) ang iyong sagot.
Ilagay sa pinakababa ang kabuuang halaga ng napili mong pagkagastusan sa isang
buwan.

HALAGA
MAAARING
BAWAT / x Dahilan
PAGKAGASTUSAN
BUWAN (Php)

Pagkain 2, 500

Tubig 500

Kuryente 1, 000

Upa sa bahay 3, 500

Sine 300

Cellphone load/ Internet 500

TV Cable 1, 200

Pamasahe/ baon 500

Panlibre sa barkada 1, 000

Pamamasyal 1, 000

Video games 100

School supplies 700

Kabuuang Halaga ng Gagastusin mo sa


Isang Buwan

You might also like