You are on page 1of 1

Unang Markahang Pagsusulit

Araling Panlipunan 9

Panuto: Piliin lamang ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

1. Ito ay isang sangay ng agham panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
a. Makroekonomiks. b. Ekonomiks c. Pilosopiya d. Mikroekonomiks
2. Paglalaan ng takdang dami ng pinagkukunang-yaman ayon sa pangangailangan at kagustuhan ng
tao.
a. Kapital b. Alokasyon c. Konserbasyon d. Business cycle
3. Hindi kasapatan ng pinakukunang-yaman upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan
ng tao.
a. Kakulangan b. Kakapusan c. Kapital d. Alokasyon
4. Kaganapan kung saan hindi kayang mapunan ng dami malilikhang produkto ang dami ng planong
pagkonsumo ng tao.
a. Kakapusan b. Kakulangan c. Alokasyon d. Kapital
5. Maingat at makatuwirang paggamit ng mga yamang likas at ang pangangalaga sa mga ito laban
sa walang pakundangang pagwasak at pagsira.
a. Korserbasyon b. Efficient c. Likas-kayang paggamit d. Alokasyon
6. Kabuuang bilang ng manggagawa 15 taon at pataas, kabilang ang may trabaho, walang
trabaho,at naghahanap ng trabaho.
a. Lakas- paggawa b. Likas yaman c. Manggagawa d. Entrepreneur
7. Sa Ekonomiks, tumutukoy ito sa salik ng produksiyon na yamang likas.
a. Entrepreneur b. Lupa c. Kapital d.Paggawa
8. Paggamit ng renewable na yamang likas sa paraang hindi ito manganganib na maubos.
a. Konserbasyon b. Likas-kayang paggamit c. Aksaya d. Alokasyon

You might also like