You are on page 1of 3

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KAGAWARAN NG EDUKASYON

Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 9

Name: ___________________________________________ Date: _______________________

I. Isulat ang titik tamang sagot sa patlang.

_____1. Ito ay agaham panlipunang nag-uukol ng pag-aaral sa paggamit ng mga yaman upang makamit ang
kasiyahang ninanais ng lipunan.
a. Ekonomiks b. Antropolohiya c. Sosyolohiya d. Sikolohiya
_____2. Isang agham na tumatalakay sa ugnayan ng mga tao at pangkat ng mga tao sa lipunan.
a. Ekonomiks b. Agham Panlipunan c. Agham Pisikal d. Agham
_____3. Ito ay ang pangkalahatang gawain ng tao sa sistematikong pagkalap ng bagong karunungan na
pinaraan sa pagsubok sa loob ng mahabang panahon upang maging batas o pamantayan sa
hinaharap.
a. Agham b. Disiplina c. Agham Panlipunan d. Agham Pisikal
_____4. Ito ay tumutukoy sa a marapat at maayos na pagpapatupad o pagsasagawabng isang partikular na
agham.
a. Agham b. Disiplina c. Agham Panlipunan d. Agham Pisikal
_____5. Isang agham na nagpapaliwanag sa mg pangyayari at mga hiwaga ng kalikasan, enerhiya at materya.
a. Agham b. Disiplina c. Agham Panlipunan d. Agham Pisikal
_____6. Nabibilang dito ang anumang kagamitan, maaaring pisikal na gamit o serbisyo, na may
kapakinabangan at may presyo sa pagbili o pagbebenta nito sa kalakalan, tulad ng damit, aklat,
sasakyan, bahay, lupa, o serbisyong pangmedikal.
a. Kakapusan b. Economic Goods c. Satispaksyon d. Ekonomiks
_____7. Tumutukoy ito sa kondisyon kung saan lahat ng bagay na gusto ng tao ay batay lamang sa limitadong
suplay.
a. Kakapusan b. Economic Goods c. Satispaksyon d. Ekonomiks
_____8. Siya ang nagpakahulugan na ang ekonomiks ay pag-aaral ng mga paggawa, pagpapamahagi,
pagbebenta at paggamit ng mga bagay at serbisyo.
a. Walstad at Bingham b. Collin C. Samuelson at Nordhaus d. Maslow
_____9. Ano agham na nag aaral sa pag iisip at pag uugali ng isang indibidwal?
a. Ekonomiks b. Antropolohiya c. Sosyolohiya d. Sikolohiya
_____10. Ito ay pag-aaral ng pag unlad ng kultura at sibilisasyon ng lahi ng tao.
a. Antropolohiya b. Sosyolohiya c. Agham Pulitikal d. Matematika
_____11. Ito ay pag-aaral sa sistematiko at mahusay na pamamahala at paggawa ng batas sa isang
pamayanan.
a. Antropolohiya b. Sosyolohiya c. Agham Pulitikal d. Matematika
_____12. Ito ay isang agham na nag-aaral sa eksaktong laki, dami, dalas, at iba pang bagay na masusukat ng
tao sa pamamagitan ng numero.
a. Antropolohiya b. Sosyolohiya c. Agham Pulitikal d. Matematika
_____13. Ito ay ang paglikha ng mga kapaki-pakinabang at mahahalagang produkto mula sa yamang likas.
a. Distribusyon b. Pagkonsumo c. Produksyon d. Pagpapalitan
_____14. Ito ang marapat at makatwirang pamamahagi ng kita o kabayaran sa mga ginagamit na salik ng
produksyon.
a. Distribusyon b. Pagkonsumo c. Produksyon d. Pagpapalitan
_____15. Ang unang nakagisnang pagpapalitan ng produkto.
a. barter b. selling c. beater d. consumer
_____16. Ito ay tumutukoy sa katugunan sa pangangailangan o hilig ng tao sa pamamagitan ng paggamit o
pagtamasa ng mga naprodyus na mga produkto o serbisyo.
a. Pagkonsumo b. Produksyon c. Pagpapalitan d. Distribusyon
_____17. Ano ang nagiging kabayaran sa paggamit ng lupa?
a. interes b. tubo c. sahod d. upa
_____18. Ano ang nagiging kabayaran sa isang negosyante?
a. interes b. tubo c. sahod d. upa
_____19. Ano ang nagiging kabayaran sa isang manggagawa?
a. interes b. tubo c. sahod d. upa
_____20. Ano ang nagiging kabayaran sa paggamit ng kapital?
a. interes b. tubo c. sahod d. upa
II. Piliin ang tamang sagot sa kahon upang tukuyin ang mga sumusunod na mga pangungusap.
____________________1. Ito ay tumutukoy sa dami ng produktong nais at maaring bilhin ng mga konsyumer
ayon sa presyo ng mga ito sa pamilihan.
____________________2. Ito ay tumutukoy sa dami ng produktong nais at maaaring ipagbili ng mga
prodyuser ayon sa presyo ng pamilihan.
____________________3. Ito ay isang pook , kung saan nagtatagpo ang konsyumer at prodyuser upang
magkaroon ng transaksyon o palitan ng pera o iba pang kabayaran para sa
nagtitinda at ibenentang gamit o serbisyo naman para sa mamimili.
____________________4. Tumutukoy ito sa pag-uusap ng dalawang sektor sa pamilihan.
____________________5. Ito ay tumutukoy sa pagsasalubong ng demand at suplay para sa isang produkto.
____________________6. Isang tao o samahan na nagsasagawa ng produksyon.
____________________7. Isang tao o samahan na nagsasagawa ng pagkonsumo.
____________________8. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na likha ng kalikasan bukod sa tao.
____________________9. Ito ay tumutukoy sa mga tao at kanilang angking kakayahan at kaalaman na
nagagamit upang sila ay maging produktibo.
____________________10. Kinapapalooban ng iba´t ibang uri ng lupain at mga miniminang mineral at metal.
____________________11. Kinapapalooban ng mga punungkahoy, halaman, at mga hayop na nabubuhay sa
lupa.
____________________12. Kinapapalooban ng mga ilog, dagat, talon, look, at iba pang anyong tubig sampu
ng mga halaman at mga hayop na nabubuhay rito.
____________________13. Mga yamang likas na agad napapalitan matapos gamitin sa madaling panahon.
____________________14. Mga yamang likas na matapos magamit ay hindi agad mapapalitan sa madaling
panahon.
____________________15. Tumutukoy sa halagang binabayad ng isang konsyumer sa merkado.
Konsyumer Ekwilibriyum Yamang Tao Presyo

Prodyuser Merkado Yamang Di-Napapalitan Yamang Tubig

Suplay Transaksyon Yamang Napapalitan Yamang Gubat

Demand Yamang Likas Yamang Lupa


III. Tukuyin kung Tama o Mali.
______________1. Ang kagustuhan ng tao ay walang hanggan.
______________2. Ang ekonomiks ay pag –aaral kung paano ginagamit ng lipunan ang sobra sobrang yaman
ng isang bansa.
______________3. Isa sa malaking trabaho ng ekonomista ay nakatuon sa pamilihan.
______________4. Barter ang sistema ng kalakan hanggang sa ngayon.
______________5. Ang konsyumer ang siyang nagbabayad sa upa, tubo, interes at sahod.
______________6. Ang Ekonomiks ay isang halimbawa ng Agham pisikal.
______________7. Ayon kay Collin, ang ekonomiks ay ang pag-aaral ng mga paggawa, pagpapamahagi,
pagbebenta at paggamit ng mga bagay at serbisyo.
______________8. Ang economic goods ay may kakapusan at nararapat lamang na ang mga ito ay
maipamahagi sa pamamagitan ng pag pepresyo o ng iba pang paraan.
______________9. Walang kinalaman ang kultura at paniniwala sa paggamit o pagbili ng isang bagay.
______________10. Madalas na naaapektuhan ng mga sistemang pulitikal ang ekonomiya ng bansa.

IV. Essay
A. Ipaliwang ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks (5 puntos)

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

You might also like