You are on page 1of 3

Jollibee Foods

Kung saan may Pinoy, naroon din ang Jollibee. Ang numero unong burger fastfood chain ng bansa. Ito ay naging sikat sa
langhap sarap na layunin nito. Sa ngayon, ang Jollibee ay may 600 na sangay sa buong bansa at humigit kumulang 50 pa sa
labas nito na matatagpuan sa Hong Kong, Guam, Saipan, Taiwan, Brunei, Los Angeles, Las Vegas, at New York. Tunay na
nagbago tungo sa mabuti ang industriya ng fastfood sa bansa ng ipinakilala ang Spaghetti Special, Yumburger, at Chicken Joy
sa panlasang Pinoy. Kahit na ang mga henerasyon ng mga kabataan ay kumikilala sa Jollibee bilang pagkakakunan ng paborito
at masasarap na pagkain.

Ayala Corporation

Ang Ayala Corporation ay 175 taon na kung kaya ito ay nakaukit na sa kamulatan ng mga Pilipino. Sinasabi na kung ikaw ay
nagtatrabaho sa kumpanyang Ayala, ikaw ay nasa mabuting kamay. Ang kumpanya ay isa sa pinakamalaki at pinakasikat na
negosyo sa Pilipinas. Ito ay may mga pagmamay-aring kalupaan, bangko, otel, serbisyong pang-pinansyal, telekomunikasyon,
at serbisyo sa tubig.

Ayala Land

Ang buong Makati Business District ay ang pinakamahalagang pagmamay-ari ng Ayala Land. Ang isang tingin sa matataas na
gusali at malalaking malls dito ay ang magpapaintindi kung bakit ito na ang pinakamamahaling lupa sa buong Asya. Ganun pa
man, hindi tumitigil ang Ayala Land sa pagtatangkang manatili bilang isang nangungunang tagapamahala sa pagpapatayo ng
mga residential subdivisions, condominiums, shopping centers, industrial business parks, at iba pang gawaing konstruksyon.

San Miguel

Ang San Miguel ay ang pinakamalaking kumpanya ng pagkain at inumin sa buong Southeast Asia. Ang pangalang ito ay kilala
nang kadugtong sa masasarap na beer at inumin kagaya ng San Miguel Pale Pilsen, San Miguel Super Dry, Ginebra San
Miguel, San Mig Strong Ice, San Mig Light, Red Horse Beer at GSM Blue. Nakayanan ng mga ito ang makipagkumpetensya sa
kilalang mga dayuhang inumin. Ang pangunahing produkto nito, ang San Miguel Beer, ay patuloy na kumakapit sa posisyon
bilang isa sa mga beer na pinakamalakas sa bentahan at naipasok sa 10 nangungunang beer sa buong mundo.

Bank of the Philippine Islands

Ito ang pinakamatandang bangko sa Pilipinas at sa Southeast Asia. Ang BPI ay isa ring BSP Hall of Famer. Ito ay pagmamayari ng Ayala Corporation, isang kumpanya na institusyon pagdating sa negosyo dito sa Pilipinas. Ang BPI ay nagbibigay ng
samut-saring serbisyong pinansyal kagaya ng consumer banking, trust banking and asset management, corporate banking, at
iba pa. It rin ang may pinakamalaking network ng ATM sa bilang na 1,700 at 830 na sangay sa buong bansa.

Globe Telecom

Abot ko ang mundo, ang pangakong patuloy na natutupad ng Globe Telecom. Nagawa ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng
serbisyo kagaya ng postpaid at prepaid mobile phone subscriptions, landline phone connections, at broadband wireless internet
connections. Kahit na ito ay pinalitan na ng Smart Communications sa numero unong posisyon sa negosyo ng
telekomunikasyon, patuloy pa rin itong naging nangungunang player sa industriya. Ang kasalukuyang kampanya nito sa
advertisements ng Globe Tattoo ay nagpapatunay lamang kung gaano ito kaseryoso maangking muli ang posisyong naiwan.

Banco de Oro Unibank

Ang Banco de Oro Unibank o BDO ay pinarangalang Best Bank in the Philippines noong 2008 ng Euromoney, isang
internasyunal na pahayagang pinansyal. Kahit sa 2009, nakikilala pa rin ang BDO sa loob at labas ng bansa dahil sa mga
makabagong serbisyo at estilo sa pamamahala. Dapat ding bigyang pansin ang BDO sa pagiging unang bangko sa bansa na
nagbigay ng mas mataas na banking hour at pagbubukas sa mga sangay nito kahit Sabado at Linggo. Tinutupad lamang ng
tagapamahala nito ang islogan na We find ways.

Philippines Long Distance Telephone Company

Ang PLDT ay itinatag noong Nobyembre 1928. Mula nang ito ay itinatag, naging monopolyo na ito sa industriya ng
komunikasyon. Nang naging pangulo nito si Manny Pangilinan, nagkaroon na ng malaking pagbabago sa operasyon ng PLDT.
Ngayon, ang kumpanya ay may isang mahusay na organisasyon at nakapagpalawak ng kanyang kakayanan mula sa fixed line
business hanggang sa wireless, cellular, at satellite network. Kung pag-uusapan ang iba pang higante sa telekomunikasyon,
hindi ito maaaring mahiwalay sa PLDT.

SM Prime Holdings

Ang SM Mall of Asia ay nagpapatunay lamang kung gaano kalakas ang epekto ng SM Prime Holdings sa ekonomya ng bansa.
Ang lahat na mai-uugnay sa SM Prime Holdings ay malalaking negosyo. May SM mall na sa halos lahat ng malalaking lungsod
sa Pilipinas. Ang sabi nga ng iba, halos hindi na nakukumpleto ng Pinoy ang kanyang Sabado o Linggo kung hindi
makapagpasyal sa isang SM mall na kung saan pwedeng gawin ang mag-shopping, kumain, o kayay manood ng sine.

Metrobank

Ang Metrobank ay ang bangko sa Pilipinas na may pinakamataas na kapital at may naitalang PhP 4.4 bilyon nitong kita. Ito ay
may 700 lokal na sangay at 36 pa sa labas ng bansa. Ito rin ay may 58 remittance tie-ups at 1,000 ATM sa buong bansa. Sa
katunayan, ito ay inilagay sa kategorya ng Financial Reputations, isang pagkikilala na ibinigay ng mga mambabasa ng Wall
Street Journal Asia.

1. Petron Corporation
2. Pilipinas Shell Petroleum Corporation
3. Manila Electric Company
4. San Miguel Corporation and Subsidiaries
5. Philippine Long Distance Telephone Company
6. TI (Philippines), Incorporated
7. Chevron Holdings Incorporated
8. Nestle Philippines Incorporated
9. Philippine Associated Smelting and Refining
Corporation
10. Mercury Drug Corporation

You might also like