Professional Documents
Culture Documents
Ang Bawal Na Gamot Sa Buhay NG Isang Kabataan
Ang Bawal Na Gamot Sa Buhay NG Isang Kabataan
PAMANAHONG PAPEL
MGA MANANALIKSIK:
QUENNIE N. QUIOBE IV- ARCHIMEDES
KEN M. GALVEZ IV- ARCHIMEDES
MGA MANANALIKSIK:
QUENNIE N. QUIOBE IV- ARCHIMEDES
KEN M. GALVEZ IV- ARCHIMEDES
INIHANDA PARA KAY:
GNG. NELIA HERRERO
TAGAPAYO SA FILIPINO IV
PEBRERO 19, 2010
Pasasalamat
Isang taos pusong pasasalamat ang ipinararating ng mga mananaliksik sa
Maykapal, para sa lahat ng mga magagandang bagay na inihandog Niya sa mga
mananaliksik. Binigyan Niya ito ng nauukol na talino at galing upang matapos ang
pag-aaral na ito, kung wala Siya, hindi sana magiging posible ang katuparan ng
pag-aaral na ito.
Para kina Nicky Jonna Pitallano, Jonalyn Padillo, Isabel Ramos, Roda
Autor, Elsa Mae Villarosa, Catherine Ortinero, Mary Ann Jacinto, Vina Samonte,
Claudine Valencia at Sheenna Romero, maraming salamat sa tulong niyo bilang
mga respondents sa ilang katanungang ibinigay naming, dahil sa inyo nagkaroon
pa ng mas malalim na kabuluhan ang pag-aaral na ito.
Kay Gng. Nelia Herrerona nagbigay sa amin ng pag-aaral na ito at
nagsilbing patnubay naming para magkaroon ng maayos na pagsasa-ayos ng mga
impormasyon at upang maihanda kami sa paggawa ng parehong proyekto sa
hinaharap.
Kay Kuya Rico, maraming salamat sa ibinigay mong mga tips para mas
mapadali ang pagsasa-ayos namin ng mga datos, sa lahat ng kasapi ng S24CA,
salamat sa inyong pag-damay sa pagpupuyat ng mananaliksik para matapos sa
oras ang pag-aaral na ito.
Quennie at Ken
Mga Mananaliksik
Introduksyon
Isa sa pinamakatinding pagsubok na kinakaharap ng ating bansa sa
kasalukuyan ay ang problema sa iligal na droga. Ang pagkalat nito ay isang
malaking dagok sa ating lipunan hindi lamang dahil sa maraming buhay na
nawawasak at napipinsala kundi gayundin ang kayamanan/pag-aari nating
nasasayang.
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maipahayag at maipakita ang
kalagayan ng mga kabataang lulong sa bawal na gamot. Nakapaloob rito ang ibat
ibang konsepto tulad na lamang ng pagdiskubre sa personalidad, mag paksa ukol
sa bawal na gamot tulad na lamang ng mga dahilan kaya sila naligaw ng landas at
mga ahensiyang tumutulong sa mga kabataan at mga paksa ukol sa tamang
pakikitungo sa mga kabataang naligaw ng landas.
Ang pag-aaral na ito ay para sa mga guro, mag-aaral, propesyunal at iba
pang mambabasa na naghahangad na mas lalo pang maunawaan ang kabataang
lulong sa bawal na gamot.
Ang nilalaman ng pag-aaral na ito ay nakaayos ayon sa kahalagahan upang
magamit at makatulong sa ibang tao.
Sa hulihan ng pag-aaral ay may nakalagay na bibliyograpiya para sa mas
malawak pa na kaalaman at bilang patunay na ang lahat ng nakapaloob rito ay
katotohanan.
Talaan Ng Nilalaman
I.
II.
III.
IV.
V.
Pasasalamat . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .. ii
Introduksyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .. . iii
Talaan Ng Nilalaman
Kabanata I . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .1
Kabanata II (Kaugnay na Literatura) . . . . . . . . . . . . .3
A. Ano ang Bawal na Gamot?
B. Mga Pangkat Ng Bawal Na Gamot
C. Mga Sintomas Ng Pagkalulong Sa Bawal Na Gamot
D. Mga Pinsalang Dulot Ng Bawal Na Gamot
E. Prebensiyon Sa Bawal Na Gamot
F. Ang Mga Mag-aaral At Ang Bawal Na Gamot
G. Rehabilitasyon
H. Sintesis ng Pag-aaral
VI. Kabanata III (Disenyo Ng Pag-aaral) . . . . . . . . . . . . . 20
VII. Kabanata IV (Pagtatapos) . . . . . . . . . . . . . . . . . .. . . . 21
A. Lagom
B. Konklusyon
C. Rekomendasyon
VIII. Bibliograpiya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 25
IX.
Appendix . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .27
KABANATA I
Bawal na Gamot: Isang Masamang Elemento sa Buhay ng Kabataan
Isa na yata sa pinakamalaking suliranin ng ating bansa ay ang unti-unting
pagkahumaling ng mga kabataan sa bawal na gamot. Sa pagsusumikap na
makaiwas sa mga sariling problema may ilang mga kabataan ang gumagamit ng
bawal na gamot. Ang ilan ding dahilan ay ang pagkamausisa (curiosity), udyok ng
mga kasamahan (peer pressure), di pantay na kalooban (insecurity), pagtakas
(escape), pagkainip o pagkayamot (boredom), pagrerebelde (rebelliousness) at
pampalit sa makahulugang pakikipag-ugnayan.
KABANATA II
KAUGNAY NA LITERATURA
A. Ano ang bawal na Gamot?
Ang ipinagbabawal na mga gamot, ilegal na mga droga, inaabusong mga
gamot, o mapanganib na mga gamot ay tumutukoy sa anumang sangkap, hindi
kasama ang tubig at mga pagkain, na nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan ng
tao at katawan din ng tao. Maaaring makaapekto ang droga sa isip lamang ng tao o
sa katawan ng tao, subalit maaari ring parehong maapektuhan ang mga ito. Sa
malawakang kahulugan, kinabibilangan ang mga bawal na gamot ng mga
sa
konsentrasyong
pang-isipan
at
koordinasyong
pa
rin
ng
kanilang
pagkaadik,
humahantong
sila
sa
mga
kaparaanang
maisasagawa
upang
maiwasan
ang
Naaangkop din kilalanin ng mga magulang kung sino ang mga nagiging
kaibigan ng kanilang anak, pati na ang mga magulang ng mga kabarkadang ito.
Magagamit ding pang-iwas sa masasamang mga gamot ang paghimok at pagtuturo
sa anak ng mga mas makalusugang paraan ng pagrerelaks o pamamahinga at mga
mabubuting kaparaanan sa pangangasiwa ng mga suliranin sa buhay.
Kalimitang inilalaan lamang sa mga kamay ng mga kuwalipikadong mga
manggagamot, dentista, at siruhanong mga beterinaryoang paggamit at
pagtatago ng mga gamot na bawal ngunit ginagamit sa larangan ng medisina.
Ibinibigay lamang nila ang mga ito sa pasyente sa pamamagitan ng pagrereseta.
Sa kaso ng mga pasyenteng may paulit-ulit o
10
kronikong mga
droga araw-araw. Isa sa mga ibedensya nito ay ang mga batang makikita sa
lansangan na may hawak na plastik at inaamoy ang rugby sa loob nito. Kapag
nalulong sa droga ang isang tao, nawawala ito sa tamang pag-iisip. Hindi na niya
malalaman kung ano ang ginagawa niya kung ito ba ay tama o mali. kapag ang tao
ay nalulong sa droga, kakambal na nito ang iba pang krimeng lumalaganap.
Natututo ang isang tao ng pagnanakaw kung wala na itong pambili ng gamot, ang
ilan ay mananakit ng ibang tao kung hindi magbibigay ng perang pambili o hindi
kaya ang pinakasama sa lahat, ang pumatay sa kapwa.
May kaugnay sa personal na pagkalito ng tin-edyer ang kanyang paggamit
ng
12
Philippine
Drug
Enforcement
Agency
(PDEA)
at
ang
14
na droga. Hindi raw sila titigil lalo pat si President Arroyo na ang nag-utos na
wasakin ang drug traffickers.
Ang pakikipaglabang ito laban sa mga salot ay maaaring maging simula
para mabawasan ang problema sa illegal na droga. At mas magiging epektibo ang
kampanya, kung kasabay ding ililigtas ang mga estudyanteng lulong na sa bawal
na gamot. Sa kasalukuyan, may mga public high school students sa Metro Manila
ang gumagamit ng illegal na droga na kinabibilangan ng shabu at marijuana. Nala
thala kamakailan sa mga pahayagan ang tungkol sa mga estudyante sa isang public
high school sa Cubao, Quezon City na nahuli ng mga pulis dahil sa aktong
nagdodroga sa bakanteng lote na malapit sa school. Ayon sa mga pulis, pagkatapos
ng klase, sa bakanteng lote nagtutungo ang mga estudyante para gumamit ng
shabu at marijuana. Walang kamalay-malay ang magulang ng mga estudyante na
lulong na sa bawal na droga ang kanilang pinag-aaral na anak.
Ayon kay USEC.ANSELMO S. AVENIDO JR. Director General ng
Philippine Drug Enforcement Agency:
14Ang Delikadong Gamot Board ay nilikha sa pamamagitan ng kabutihan ng
Republic Act 6,425 sa dakong huli repealed sa pamamagitan ng RA 9,165, sa
kabilang banda ay kilala bilang ng Comprehensive Delikadong Drugs Act of
2002. Ang mga bago at stiffer ng batas ang mga utos na DDB na sa National
patakaran ng paggawa at diskarte formulating katawan sa lahat ng bagay na
nauukol sa mga bawal na gamot na pang-aabuso prevention at
control. Bilang tulad ng, ang mga isyu sa pagpapatupad ng mga patakaran at
programa, para sa pagsunod ng lahat ng mga operating gamot katawan ng
pagpapatupad ng batas at iba pang ahensiya ng pamahalaan. Ito ay, subalit,
hindi limitado sa pagbabalangkas ng patakaran na maaaring gleaned mula sa
mga enumerated function sa ilalim ng Seksyon 81 ng Drug Law.
rin ito katibayan para masabing buwag na ang mga sindikato. Ga-tinga lamang ang
nabawas sa kanila.
Kahit na nga maraming shabu lab ang sinalakay at nahuli ang mga Chinese
na nagluluto ng shabu kataka-taka pa rin ang pagdagsa ng shabu sa maraming
lugar. Kahit na nga ang mga liblib na lugar sa bansa na wala pang kalsada at
kuryente ay kataka-takang mayroon nang shabu. Hindi kataka-taka sapagkat
ngayon ay masyadong matapang na ang mga sindikato at idinadaan na sa
maraming port ng bansa ang shabu. Kamakailan, sangkatutak na shabu ang
nasabat ng Presidential Anti-Smuggling Group sa Subic Bay Free Port. Galing
Hong Kong umano ang shabu. Bilyong piso ang halaga ng shabu. Ang
nakapagtataka ay hindi na malaman kung nasaan na ang may-ari ng kargamentong
iyon. Nakatakas na o pinatakas?
Hindi maikakaila na malala na ang problema ng illegal drugs sa Pilipinas. Kung
hindi masasawata ang sindikato sa pagpupuslit sa bansa ng shabu, marami pang
sisiraing buhay.
Ang pagkakahirang kay dating senador Vicente Sotto bilang chairman ng
Dangerous Drugs Board (DDB) noong nakaraang linggo ay magandang simula
para masupil ang mga nagpapakalat ng illegal drugs. Ito ang pagkakataon para
maipakita ni Sotto ang lubusang paglaban sa illegal na droga. Si Sotto ang awtor
ng 17RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act. Ang batas na ito ang
naging daan para maitatag ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay Sotto walang lugar ang pulitika sa pakikipaglaban niya sa illegal
drugs. Sana nga ay totoo ang sinabi niya. Maraming masisiyahan kung mapalalaya
ang ilang Pinoy sa pagkasugapa sa illegal na droga.
G. Rehabilitasyon
Kapag nahumaling na ang isang tao sa bawal na gamot, nireseta man o
hindi, isa sa mga pinakamainam na pagbibigay-lunas ang paglalagay ng pasyente
sa isang institusyon para sa mga adikto o drogadiko. Partikular na ang sa loob ng
isang pagamutang hindi makakakuha ng bawal na gamot ang pasyente.
Pinananatili ang pasyente sa lundayang pagalingan o sentrong pangrehabilitasyon
sa loob ng sapat na panahon, upang makapanumbalik sa dati niyang kalagayang
hindi umaasa sa nireresetang nakahumalingang gamot. Ginagawa ito upang
magkaroong muli ang pasyente ng sapat na pagpigil at pagtaban o pagkontrol sa
sarili, at maging respeto sa sarili na makakatulong upang matalikuran ang
kanyang adiksyon. Kapag umalis ang pasyente na may pakiramdam na parang
bilanggo, isa itong tanda na hindi ganap o tama ang natanggap niyang paraan ng
panggagamot.
17isang intituating act comprehensive sa mapanganib na mga bawal na gamot ACT NG
2002, REPEALING Republic Act NO. 6,425, na kilala bilang mapanganib na mga bawal
na gamot ACT NG 1,972, AS susugan, na nagbibigay ng pondo para dito, at para sa
ibang layunin
KABANATA III
DISENYO NG PAG-AARAL
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng paraan na pagkalap ng mga datos sa
pamamagitan ng mga libro at babasahin o ang tinatawag na secondary source. Ito
ang paraang ginamit sapagkat hindi nagkaroon ng pagkakataon na makapag-ayos
ng isang panayam sa isang taong may kinalaman sa paksa o suliranin na mas
mainam sana. Ganunpaman ang mga datos na nakalap ay nasisigurong may
pinagbasehan at totoo.
Gumamit din ang mga mananaliksik ng internet para mas lalo pang
mapaliwanag ng maayos ang paksa. Nakatulong ito sa pagbibigay ng opinion at
rekomendasyon para sa paksang napili para sa pag-aaral.
Mayroon pang ibang ginamit tulad na lamang ng paggamit ng talaan ng
mga tanong o questionnaire, kung saan nakasaad ang mga tanong na
kapakipakinabang sa pananaliksik. Sa pamamagitan ng mga ito, nakakuha ang
mga mananaliksik ng mga datos na ginamit sa graph na kabilang sa
dokumentasyon.
KABANATA IV
PAGTATAPOS
A. LAGOM
Ang pag-aabuso ng mga kabataan sa bawal na gamot ay bunga ng
kapabayaan at hindi wastong pag gabay sa mga kabataan. Ayon sa mga datos na
nakalap ang bawal na gamot ay may ibat-ibang pangkat at ito ang nagiging
dahilan ng pagkalito o di sinasadyang pag-abuso ng bawal na gamot na nauuwi sa
pagkalulong pa rito. Marami ang mga ahensya ng gobyerno ang kumikilos upang
B. KONKLUSYON
Ang mga kabataang nalulong sa bawal na gamot na mas pipiliin ang
pagbabagong buhay ay walang dudang magkakaroon ng panibagong kinabukasan.
Maaaring may mga taong walang pakialam sa kung ano man ang kahihinatnan nila
ngunit natitiyak naman na mayroong mga taong hangad ang kanilang magandang
kinabukasan at pagbabago. Ang ibat-ibang organisasyon tulad na lamang ng
Dangerous Drugs Boardo DDB ay naglalayong maisalba ang mga kabataan mula
sa kasawiang idinulot ng bawal na gamot. Ang mga kabataang nasa ilalim ng
kanilang bubong ay nabibigyan ng pagkakataong tumira sa maayos na tahanan na
may kaakibat na wastong pangangalaga, rehabilitasyon at counseling kung saan
tinuturuan sila ng mga alternatibong mga gawain para tuluyan na nilang maiwasan
ang bawal na gamot.
Napakahirap para sa isang kabataan ang masira ang buhay dahil lamang sa
sandaling pagkahumaling sa bawal na gamot, sisirain nito hindi lamang ang buhay
niya kundi pati na rin ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya.
Totoong napakahirap lutasin ang ganitong klaseng problema, lalung lalo na
kung wala tayong pagkakaisa at pagtutulungan. Sa dami ng mga kaso ng
kabataang nalulong sa bawal na gamot siguradong mahihirapan ang mga ahensya
ng gobyerno na tulungan sila. Ang mga mamamayang may malasakit at
kagandahang loob ay maaaring mga taong magsilbing gabay at tulong sa ilang
kabataang minsan nang naligaw ng landas.
C. REKOMENDASYON
Dahil sa hindi nabibigyan ng pansin ng gobyerno o ibang mga ahensya ang
karamihan sa mga kabataang lulong sa bawal na gamot, tuluyan ng naliligaw ng
landas ang mga ito at nawawalan ng pag-asa. Makakatulong sa mga kabataang
lulong sa bawal na gamot kung magbibigay ng ispiritwal, emosyona at pisikal na
tulong sa mga ito.
Hindi lamang makakabigay ng kaalaman sa pag-iwas sa bawal na gamot
kundi ang pagkalinga at pagmamahal para muling mabuo ang maayos na
pagkatao.
Inererekomenda ng mga mananaliksik na gawin ng pamanahong papel sa
mahabang oras, sikapin din na maghanap pa ng iba pang pagkukunan ng
impormasyon tulad ng mga departmento.
BIBLIYOGRAPIYA
BOOKS
Remedios Nalundasan Abijan, DR. R.C. Cruz at Dr. A.L. Miranda,
Physical Education Health and Music II, pp. 193-194, St. Augustine
Publication Inc., 1997
Kawanihan ng Edukasyong Sekondarya, Kagarawan ng Edukasyon at
Sports, Edukasyong Pangkatawan, Kalusugan, at Musika III, p.77, Book
Media Press, Inc., Ediyon 1997
Impact of Science on Society: Mans Addiction and How to Deal With
Them Volume 34, No. 33, 1984
Celia T. Adriano, G.I Sacdalan at R.R Calubayan, Edukasyong
Pangkatawan, Kalusugan at Musika III, p. 168, FNB EDUCATIONAL
INC., Ediyon 2000
Guineveve I. Sacdalan, I.B. Avino at R.R Calubayan, Edukasyong
Pangkatawan, Kalusugan at Musika IV, p. 97, FNB EDUCATIONAL
INC., Ediyon 2000
Robert C. Kolodny, N.J. Kolondy, T.E. Bratter at C.A. Deep, How to
Survive Your Adolescents Adolescence, p.95, Brown and Company, 1984.
Are, Eriksen et al. Alcohol and Drugs Perspective: Prevention and Control
Asia Pacific Region, Ramatlana, Sri Lanka Fe. 1988
Gold, Mark, The Facts About Drugs and Alcohol
Nowlis, Helen. Drugs Demystified. UNESCO Press, Paris 1975
SOURCE BOOKS/HANDBOOKS
Questions Young People Ask, Answers that Work, pp. 280-281,
Watchtower bible and tract Society of New York Inc. 1989
Source Book on Drug Education, DECS, Pasig Metro Manila, 1999
A Primer, Drug Abuse and You R.A No. 6425 as amended
Handbook and Resource Guide on the Intensified School-Based
Community Oriented Drug Abuse Prevention and Control Program.
Resource Book for drug Abuse Education (Second Edition) National
Clearing House for Drug Abuse Information.
MAGAZINES/PAMPHLETS/JOURNALS
The Dangerous Drugs Act of 1972
What you should Know About Drugs- An Information Kit for a Drug-free
Philippines
Adolescent Counselor, Vol. I, No. 6, February-March 1989
Health and Home VIII (compilation from August to November)
A Primer of Parent How Can You Tell of Your Child Is Into drugs
WEBSITES
denzy-dane.xanga.com, ni Dane Anderson P. Estialbo, Mga Suliranin ng
Bansa: Paano ka mawawala?, ikalawang talata, Monday, 08 September
2008
http://www.docstoc.com/docs/8080035/RA-9165-ComprehensiveDangerous-Drugs-Act
APPENDIX
Ang mga mananaliksik ay nagpakalat ng questionnaire para masagot
ang
mga
katanungang
representation na ito.
kinailangan
upang
mabuo
ang
graphical
Bilang Ng Kabataan
6
4
2
0
Mga Sanhi
10
8
6
4
2
0
Oo
Hindi
Ewan
Paliwanag: Sumasang ayon ang mga kabataan ang paglalagay sa mga taong
lulong sa bawal na gamot sa mga rehabilitasyon.