You are on page 1of 26

Cavite State University

Don Severino De Las Alas Campus


Indang, Cavite

SI RIZAL AT ANG KANYANG PAG-AARAL SA


UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
(1877 1882)

Inihanda ni
Riza O. Ponciano
BS Acc 2-1

Ipinasa kay
G. Joether A. Francisco

Marso 2010

SI RIZAL AT ANG KANYANG PAG-AARAL SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS


(1877 1882)
Nakasaad sa kabanatang ito ang mga tagumpay, kasawian, buhay-pag-ibig, pagtitiis ni
Rizal. Mula sa pagtatapos at pagiging pinakamagaling na estudyante ng Ateneo; maging ang
pagsisikap na mag-aaral sa panahon kung saan hindi popular ang maging edukado sa isang
bansang alipin ng simbahan at pananampalataya, at kinokondena ang mga taong intelektwal at
nag-iisip; hanggang sa pagpupursige na makatapos sa kursong Medisina, kahit na itoy naudlot,
- lahat ng mga pangyayaring naganap sa buhay ni Rizal habang siya nasa Unibersidad ng Santo
Tomas.

ANG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS (UST)

UST sa Kasalukuyan
Ang UST ay itinayo o ipinundar ni Miguel de Benavides, isang Arsobispo, noong ika-28
ng Abril, 1611 sa ilalim ng pangalang Colegio de Nuestra Seora del Santisimo Rosario at
kalaunay nagging Colegio de Santo Tomas bilang pagbibigay-pugay sa Patron ng unibersidad na
si St. Thomas Aquinas. Sa kasalukuyay itoy kilala sa taguring The Royal and Pontifical
University of Santo Tomas, The Catholic University of the Philippines o UST. Ito ang
pinakamatandang unibersidad sa buong Asya, at siyang itinuturing ring pinakamalaking
Kalotilong unribersidad sa buong mundo na nakatayo sa iisang campus (http://www.ust.edu.ph/).
Ang ilan sa mga naging produkto ng UST ay sina Pedro Pelaez, Jose Burgos, Apolinario Mabini,
Cayetano Arellano, Manuel Araullo, Sergio Osmea, Manuel Quezon, Leon Ma. Guererro,

Anacleto del Rosario, Felipe Calderon, Epifanio de los Santos, at siyempre, ang ating
pambansang bayani, Si Dr. Jose P. Rizal.
ANG PAGPASOK NI RIZAL SA UST
Pagkaraang makatapos ni Rizal sa Ateneo nang may pinakamataas na karangalan, ay
nagtungo naman siya sa Unibersidad ng Santo Tomas upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Noong panahong iyon, panahon ng mga Espanyol, ang pagtatapos sa ilalim ng Batsilyer ng
Sining, ay katumbas lamang ng mataas na paaralan at unang taon sa kolehiyo kaya naman ito ay
isa lamang kwalipikasyon upang makapasok sa isang unibersidad. Dahilan sa ipinamalas na
kahusayan sa larangang pang-akademya, naging mataas ang pangarap ng kanyang pamilya para
sa kanya kaya naman kapwa ninais ni Don Francisco, ang kanyang ama, at ni Paciano, kanyang
nakatatandang kapatid, na makipagkarera siya sa isang unibersidad sa Maynila. Ngunit ang
bagay na ito ay lubos na tinutulan ni Donya Teodora sapagkat tumatak ng lubusan sa kanyang
alaala ang insidente kung saan binitay sa pamamagitan ng garrote ang tatlong paring martir, ang
Gom-Bur-Za, sa harapan ng maraming Pilipino. Nabanggit pa nga niya minsan na sapat na ang
nalalaman ni Rizal at kung madadagdagan pa ito ay maaring mapugutan din siya ng ulo.
Abril 1877, si Rizal, na halos mag-lalabing anim na taong gulang, ay nagmatrikula sa
unibersidad ng Santo Tomas. Noong una ay naakit si Rizal sa pagpapari, dahilan na rin sa
namulat siya sa relihiyosong mga paaralan. Samantala, may mga paring Heswita naman na
nagmungkahi sa kanya na kunin niya ang pagsasaka (farming) dahilan sa makakatulong ito sa
kaniyang pamilya. Ngunit ang pinagpipilian niyang tunay ay sa pagitan ng sining at abogasya.
Kaya naman sa bandang huli, nagpatala siya sa kursong Pilosopiya at Sulat (Guerrero). Ito ang
kinuha niya dahil sa una, ito ay ang gustong kurso ng kanyang ama para sa kanya, at ikalawa,

hindi pa siya nakapagdedesisyon sa kung anong kurso ang kanyang dapat na tahakin.Nang
panahong yon, dahilan nga sa hindi pa siya makapagdesisyon, ay sumulat siya sa Padre Rektor
ng Ateneo na si Padre Pablo Ramon upang humingi ng payo sa kung ano ang dapat kunin ngunit
hindi agad nakasagot ang Pari pagkat siya ay kasalukuyan noong nasa Mindanao. Sa unang taon
niya sa Unibersidad, nag-aral siya ng Kosmolohiya, Metapisika, Teodisya, at Kasaysayan ng
Pilosopiya.
Matapos ang paghihintay ng isang taon, natanggap din ni Rizal sa wakas ang payo ng
Padre Rektor. Iminungkahi nito sa kanya na ang kursong Medisina ang nararapat para sa kanya.
Agad-agad naming sumunod si Rizal sa payong iyon, at nagpatala sa kursong Medisina (18781879). Bukod sa rekomendasyong ito ng pari, ninais na rin ni Rizal na kunin ang kursong ito
upang magamot ang nooy lumalalang pagkabulag ng kanyang ina sanhi ng katarata.

BUHAY ESTUDYANTE SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS


Ang Kursong Pagsasarbey sa Ateneo
Habang nag-aaral si Rizal sa kursong Pilosopiya at Sulat sa unang taon niya sa UST, ay
nagpatala rin siya para sa isang kusong bokasyonal sa dati niyang kolehiyo sa Ateneo. Noong
mga panahong iyon, ang mga kolehiyong panlalaki ay may mga kursong bokasyonal tulad na
lamang ng agrikultura, komersiyo, mekaniko, at pagsassarbey. Kinuha ni Rizal ang kursong
pagsasarbey sa paniniwalang makatutulong ito sa pagpapa-unlad ng kanilang maliit na taniman
sa Calamba.

Ateneo Municipal
Nagkamit si Rizal ng gintong medalya sa agrikultura at topograpiya. Samantala, sa edad
naman na 17, ay naipasa niya ang eksamen sa kursong pagsasarbey na nagbigay sa kanya ng
titulong perito agrimensor (dalubhasang agrimensor). Ngunit, hindi agad naibigay sa kanya ang
titulong ito pagkat wala pa siya sa wastong edad, kaya naman naibigay lamang ito isang taong
ang nakalipas, noong Nobyembre 25, 1881.
Nanatili pa ring matapat si Rizal sa kolehiyong ito kahit na sa UST na siya nag-aaral
noong mga panahong iyon. Hindi lamang siya nanguna sa larangang akademiko, ngunit pati na
rin sa pamumuno sa ibat ibang organisasyon sa kolehiyo. Nanatili siyang aktibo sa mga
organisasyong ito. Naging pangulo siya ng Akademya ng Literaturang Espanyol, kalihim ng
Akademya ng Likas na Agham, at nagpatuloy sa pagiging aktibong miyembro ng at kalihim ng
Kongregasyon ni Maria.
Pangunguna sa Larangan ng Sining at Panitikan
Dahilan sa si Rizal ay isang tunay na alagad ng Sining, ipinamalas na niya ang kanyang
husay kahit noong nasa unibersidad pa lamang siya.

A La Juventud Filipina. Ang Liceo ArtisticoLiterario, isang samahan ng mga mahihilig sa sining at panitikan,
ay nagdaos ng isang paligsahang pampanitikan noong 1879.
Naglaan sila ng isang natatanging gantimpala para sa
pinakamagandang tulang maisusulat ng isang katutubo o mestiso.
Ang tulang pinamagatang A La Juventud Filipina (Para sa
Kabataang Pilipino) ay isinumite ni Rizal, na nooy 18 taong
gulang pa lamang, bilang panlaban sa paligsahan.
Gaya ang inaasahan, nakamit ni Rizal ang unang
Gantimpala sa A La
Juventud Filipina
siyang binubuo ng pawang mga Espaol. Kapalit ng pagkapanalong ito, ginawaran siya ng isang
gantimpala. Pinahanga ng tulang niyang ito ang inampalan na

gantimpala isang pilak na panulat, hugis pakpak at dekorasyong gintong laso. Lubos na
nasiyahan si Rizal sa atensyon at papuring natamo niya mula sa kanyang mga malalapit na
kaibigan, kapamilya at siyempre kasama na rin ang mga propesor niya sa Ateneo. Ang tulang A
La Juventud Filipina ay isang tula ng ispirasyon, at sa pamamagitan nito, ipinahayag ni Rizal ang
hiling niya sa kabataang Pilipino na huwag magbulag-bulagan at imulat ang kanilang mga mata
sa nangyayayri sa kanilang paligid at hayaang pumailanlang ang kanilang talino sa sining at
agham, at lagutin ang tanikalang pumipigil sa diwa nila bilang tao. (Zaide)
Ito ang tula (Zaide):
Para sa Kabataang Pilipino
Tema: Lumago ka, Kiming Bulaklak

Taas-noong tumindig ka.


O Kabataan, saanman naroroon,

Hayaan ang liwanag


Ng magandang bikas ay makita,

Ikaw na pag-asa ng bayan!

Halina, ikaw na tunay na


henyo,

At ikaw, ang diwang malinaw


Panahon na upang ikay

Na mahal nina Pebo at Apollo;

At bigyan ng inspirasyon:

magbangon

Ang kanilang kayang mahiwagang

Sa tulong ng mapagpalang kamay,

Iyong bagwis na pagal na pagal

kamay

Magsahangin ka ngat ilipad

Sa paghahanap ng langit ng Olympia

Ang siyang kumakalinga, umaayos

Ang aming isipan nang makataas-taas.

Mga awiting pagkatamis-tamis,

Sa kalikasan na nasa yong kanbas?

Mas malamyos pa sa patak ng ulan.


Bumaba kang kasama ang
liwanag

Humayo kat pagliyabin ang


apoy

Ikaw, na ang dakilang tinig

Ng iyong henyo nang mangarap ng

Ng sining at agham, dunong na tunay,

Ang mas mairog kayasa Pilomel,

lawrel;

O Kabataan, kilos at kalagin

Sa gabing tahimik, malungkot

Kailangang maipamahagi ang apoy,

Ang tanikalang gumagapos

Ikaw ang siyan tanging lunas

Nang makamit yaring tagumpay,

Sa iyong diwa at kaluluwa.

Ng mga kaluluwang nagdudusa

Para sa mas nakararami sa ating lahi.

Masdan ang lumiliyab na

Ikaw, na ang diwa ay matalas

Araw, O masayang araw,

putong

Ginigising, binubuhay, aking isipan;

Mahal kong Pilipinas, aking bayan!

Sa gitna ng mg aninong naglipana,

At ang alaalang nagpapalinaw

Basbasan mo kamit alagaan

Mapagpalang kamay ng Inang Bayan

Sa iyong henyong ilaw

Ngayon at magpakailanman,

Putong niyay marikit na korona

Tunay na lakas ng isang imortal.

Tungo sa maunlad na kinabukasan.

Dakilang alay niya sa lupaing ito.

Itinuring ang tulang Para sa Kabataang Pilipino bilang isa sa mga klasiko sa panitikang
Filipino pagkat una, ito ay isang napakagandang tula sa wikang Espaol na isinulat ng isang
Pilipino na kinilala ng mga Espaol na awtoridad sa panitikan, at isa pa, sa kauna-unahang
pagkakataon ay nagpahayag ng konsepto ng pagiging makabayan ang isang Pilipino, at hindi
isang dayuhan, - na ang kabataan ang siyang magiging pag-asa ng bayan.
El Consejo de los Dioses. Nang sumunod na taon ay nagdaos muli ng
paligsahan sa panitikan ang Liceo Artistico-literario upang ipagdiwang
ang ika-apat na sentenaryo ng pagkamatay ni Cervantes, ang
pinakadakilang manunulat na Espaol at siyang sumulat ng Don Quixote.

Dahilan sa bukas ang paligsahang ito sa kapwa Pilipino at Espaol, maraming nga

Cervantes

manunulat na kinabibilangan ng mga pari, mamamahayag, iskolae, at mga propesor, ang


lumahok. Hawak ang inspirasyon ng pagkakapanalo noong nakaraang taong sa parehong
patimpalak, si Rizal na nooy 19 na taong gulang ay naglakas loob muling sumali at isinumite
ang kanayang dulang alegorikal na pinamagatang El Consejo de los Dioses (Ang Konseho ng
mga Diyos).
Gaya ng nauna, binubuong muli ng pawang mga Espaol ang inampalan ng paligsahan.
Matapos ang masusing deliberasyon, sa ikalawang pagkakataon ay iginawad muli kay Rizal ang
unang gantimpala kung saan nagkamit siya ng isang gintong singsing na may nakaukit na mukha
ni Cervantes. Samantala, si D.N. Del Puzo naman, na isang manunulat na Espaol, ang
pumangalawa sa kanya. Mahigpit itong tinutulan ng Espaol na kumonidad sa Maynila, sa
pangunguna na din ng pahayagang Espaol pakat hndi nila matanggap na ang nagwagi ay isang
indio.Ngunit nagmatigas ang inampalan pagkat nakita nila na karapat-dapat parangalan ang
gawang ito ni Rizal. Masayang-masaya siya pagkat napatunayan niya na hindi lamang mga
Espaol ang may karapatang makahigit sa anumang larangan dahil kung mabibigyan ng
pagkakataon ang mga katutubo ay kaya rin nilang maipakita na maari silang itapat sa kahit
anumang lahi.
Ang nagwaging alegorya ni Rizal ay base sa mga tanyag na klasikong Griyego. Upang
mabuo ang nasabing dula, si Rizal, bagamat estudyante na ng UST, ay tinulungan pa rin ng Padre
Rektor ng Ateneo sa pangangalap ng mga kakailanganing materyales para matapos ang obra.
Ipinakita ni Rizal ang pagkakatulad nina Homer, Virgil at Cervantes. Pinag-usapan ng mga
diyosa ang pagkakatulad-tulad ng mga kani-kanilang katangian bilang mga makata at sa huli ay
nagpasya silang ibigay ang trumpeta kay Homer, ang lira kay Virgil, at ang lawrel naman kay

Cervantes. Ang alegorya ay masayang nagtapos sa


pagsasaya ng mga ada, diwata, at iba pang mga tauhanng
mitolohikal.
Iba pang Pampanitikag Gawain. Bukod sa
dalawang matagumpay na obra ni Rizal, marami pa rin
siyang naisulat nang siya ay nag-aaral sa UST. Bagaman
abala sa pag-aaral sa medisina, nagkakaroon pa rin siya ng
oras upang ipagpatuloy ang hilig niya. Ang ilan sa mga
naisulat niya ay ang mga sumusunod:

Sipi ng El Consejo de los


Dioses ni Rizal na inilimbag
noong 1915

1. Junto Al Pasig (Sa Tabi ng Pasig) isang sarswela na


itinanghal ng mga Atenista noong Disyembre 8, 1880, pista ng mmaculada Concepcion,
ang Patron ng Ateneo. Isinulat niya ito nang siya ay naninilbihan pang Pangulo ng
Akademya ng Literaturang Espaol sa Ateneo. Hindi ganoon katampok ngunit kakikitaan
pa rin ng mga satirika ng mga makabayang ideya ni Rizal.
2. A Filipinas (1880) sonata na isinulat para sa album ng Samahan ng mga Iskultor.
Hinihikayat nito ang mga artistang Pilipino na magbigay-dangal sa Pilipinas.
3. Abd-el-Azis y Mahoma (1879) binigkas g isang Atenistang nagngangalang Manuel
Fernandez, noong Disyembre 8, 1879 bilang parangal sa Patron ng Ateneo.
4. Al M.R.P. Pablo Ramon isang tulang nagpapakita ng pagmamahal kay Padre Pablo
Ramon, ang butihing Rektor ng Ateneo, na naging mabuti at matulungin sa kanya sa
halos lahat ng bagay.
MGA PAG-IBIG NI RIZAL
Bagaman si Rizal ay isang masipag na mag-aaral, hindi pa rin siya nawalan ng panahon
para sa pag-ibig. Isa siyang romantiko na nais matikman ang tamis maging ang pait ng pag-

ibig.At nang naranasan niya ito sa kauna-unahang pagkakataon, nadadagan ang kanyang
karanasa at naging mas matalino na siya sa larangang ito.
Isang araw ng Abril 1877 habang si Rizal ay nasa dalampasigan ng ilog ng Dampalit, Los
Baos, upang maligo ay nakita niyang lumabas ang iang magandang dalagita at narinig na ang
pangalan nito ay Julia. Manghuhuli dapat si Julia ng paru-paro para sa kanyang lola na nooy
kasama niya ngunit hindi ito natuloy pagkat natalisod si Rizal at nakawala ang nasabing paruparo. Dahilan sa pagkapahiya sa dalagang una niyang pinaglaanan ng paghanga, inihuli niya ito
ng dalawang paru-paro at naging magkaibigan ang dalawa. Nag-alok si Rizal na ihahatid na niya
lamang ang dalawa pauwi, na tinanggap naman ng dalaga. Inihatid niya ang mag-lola sa kanilang
bahay na matatagpuan sa bayan ng Los Baos. Si Julia ang tinutukoy na Minang ni Rizal sa
kanyang alaala. Base sa ilang manunulat, si Minang o Julia ang itinuturing nilang unang babeng
hinangaan ni Rizal. (Rivera et. al.)

Samantala, karamihan sa mga manunulat ay itinuturing


ang dalagang nagngangalang Segunda Katigbak bilang unang
pag-ibig ni Rizal. Ang kapatid nito na si Mariano Katigbak, na
siya ing malapit na kaibigan ni Rizal ay madalas tumungo sa
kanyang tinutuluyan sa Maynila at pagkatapos naman noon ay
pupunta sila sa lola niya sa Trozo. Isang Linggo ng umaga ay
naabutan nilang maraming panuhin sa bahay ng kanyang lola.
Agad napukaw ni Segunda ang interes ni Rizal, at ito ay naging

Segunda Katigbak

pag-ibig sa unang tingin.Si Segunda ay nagmula sa lipa, Batangga. Labing-apat na taong gulang
pa lamang siya noon at labing-siyam naman si Rizal. Inilarawan ni Rizal bilang maliit, ang
kanyang mga mata ay parang nakikipag usap, mapupula ang kanyang mga pisngi, may kahalihalingan ngiti at magandang ngipin at para siyang ada; ang buong katauhan niyay dimaipaliwanag na bighani. Tagalay ang galing sa pagguhit, iginuhit niya si Segunda. At ang bagay
na iyon ay naging simula ng matamis na pagkakaibigian.
Simula noon ay madalas nang dumalaw si Rizal sa dalubhasaaan ng La Concordia,
sapagkat doon nakatira si Segunda na kasama ng kanyang nakatatandang kapatid na si Olimpia.
Ipinakita na ni Segunda ang pagmamahal kay Rizal, ngunit si Rizal ay nangimpi lamang.
Nabatid ni Rizal na ang dalagita ay ikakasal na sa kanyang amain na si Manuel Luz. Kaya naman
alam na niya na walang patutunguhan ang nararamdaman niya.
Nagpaalam na si Rizal kay Segunda at nagsabing hihintayin niya ang pagdaan ng bapor
na sasakyan ng dalaga sa Calamba. Ngunit, nabatid ni Rizal na hindi na matuttuloy ang pagdaan
ng bapor na ito kaya naman dali-dali niyang kinuha ang kabayo a nagtungo sa Binyang kung

saan naabutan niya ang bapor sakay ang dalagang si Segunda habang nakangiti sa kanya at
nagwawagayway ng isang putting panyo. Wala nang nagawa si Rizal kundi itaas na lamang ang
kanyang sambalilo at pagmasdan ang unti-unting pag-alis ng kanyang unang pag-ibig.
Matapos ang mapait na sinapit ng kanyang unang pag-ibig, nalumbay si Rizal ngunit
nabatid niya na sahil sa nangyari, naging mas matalio na siya sa larangang ito. Kaya naman
dalawang gabi matapos ang pagdadalamhati sa pagkawala ni Segunda, iniukol naman ni Rizal
ang kanyang atensyon at pagtingin sa isang dalagang naninirahan sa Pakil, Laguna. Tinawag niya
ito sa kanyang talaarawan bilang si Binibining L, at inilarawan bialang isang dalagang mas
matanda sa kanya, maputi, at may mga matang mapanghalina at kaakit-akit.
Ilang beses ding dinalaw ni Rizal ang dalaga sa tahanan nito, ngunit bigla niyang inihinto
ang kanyang pangliligaw kaya naman tuluyan nang namatay ang pagtingin niya dito. Sa kanyang
talaarawan, binanggit ni Rizal ang dalawang dahilan ng kanyang paghinto: una, dahilan sa iniibig
pa rin niya si Segunda, at ikalawa, hindi gusto ng kanyang ama ang pamilya ng dalaga. Hindi
binunyag ni Rizal ang katauhan ng dalagang ito. Kailanmana ay hindi rin nabanggit sa
talaarawanniya ang tunay na ngalan nito. Pinaniniwalaang si Binibining L ay ang guro ni Rizal
na nagngangalang Jacinta Ibardo Laza, na nakatira kay Kapitan Nicolas Regalado na kaibigan ni
Rizal. (Rivera et. al.)
Matapos ang ilang buwan, sa ikalawang taon niya sa Unibersidad ng Santo Tomas,
nangupahan si Rizal sa bahay ni Doa Concha Leyba sa Intramuros kung saan naging kapit
bahay niya ang mag-asawang Kapitan Juan at Kapitana Sanday Valenzuela na mula pa sa
Pagsanjan, Laguna na may dilag na nagngangalang Leonor. Si Rizal ay laging panauhin sa bahay
ng mga Valenzuela dahilan na rin sa husay niya sa salamangka at kung saan siya ay at ang

kanayang mga kaibigan ay nagtitipun-tipon. Niligawan ni Rizal si


Leonor, na isang matangkad na babaeng maganda ang tindig.
Piandadalhan niya ng sulat ang dalaga sa pamamagitan ng
inbisibol na tinta na gawa sa ordinaryong asin at tubig. Dahilan sa
galing ni Rizal sa kemika, itinuro niya kay Orang (palayaw ni
Leonor) na ang sikreto para makita ang liham ay itapat ito sa
liwanag. Ngunit, kagaya ng mga naunang pag-ibig ni Rizal, ito ay
Leonor Valenzuela

natapos din.

Ang sumunod naman pag-ibig ni Rizal ay


isa pang Leonor sa pagkakataong ito, si Leonor
Rivera. Noong nasa ikatlong taon na siya sa
Medisina, ay nangupahan siya sa Casa Tomasino
na pagmamay-ari ng kanyang tiyuhing si Antonio
Rivera. Ang kanyang tiyo ay may anak na
magandang

dalagitang

may

labintatlong-taong

gulang na nagngangalang Leonor.

Si Leonor ay may maputing balat, alun-along buhok na mamula-mula; maliit at


mayuming bibig; may kalakihan at maitim na mga mata na natatabingan ng mahahabang pilikmata;ilong na may katamtamang tangosngiting

Leonor Rivera

binabagayan ng dalawang biloy ng malarosa na mga pisngi;


kaakit-akit

na

pakikipag-usap;

matamis

na

titig;

at

binabagayan ng kahali-halinang halakhak (Rivera et. al.).


Kayat ang kagandahang ito ni Leonor ay hindi katakatakang umakit sa mapaglarong diwa ni Rizal na nais
makasimsim ng nektar ng pag-ibig.
Si Leonor ay nag-aaral sa dalubhasaan ng La
Larawan ni Leonor Rivera
na Iginuhit ni Rizal

Concordia at kamag-aral ng kayang nakababatang kapatid na


si Soledad. Ang pag-iibigan nina Leonor at Rizal ay

nagsimulang yumabong, at sila ay naging magkatipan. Sa kanilang mga sulat ay ginamit ni Rizal
ang pangalang Pepe at si Leonor naman ay nagtago sa pangalang Taimis.
MALULUNGKOT NA ARAW SA UST
Bukod sa ligayang naranasan ni Rizal dahil sa pag-ibig na dumating at lumipas sa kanya,
nakaranas din siya ng mga paghihirap sa unibersidad na ito.
Biktima ng Kalupitan ng Opisyal na Espaol. Nang si Rizal ay nasa unang taon sa
Medisina, naranasan niya ang kalupitan ng mga Espaol. Isang madilim na gabi sa Calamba,
naglalakad si Rizal sa kalsada. Hindi niya napansin ang lalaking nakasalubong niya kaya naman
hindi niya nabati ng Magandang gabi o nasaluduhan man lamang. Natuklasan na lamang niya
na isa pala itong tinyente ng Guardia Civeles nang nagalit at hinarap siya nito. Hinampas siya

nito ng kanyang espada at sinaktan ang likuran. Hindi naman naging malalaim o malala ang
sugat ngunit napinsala pa rin nito ang pagato ni Rizal.
Si Rizal at ang Compaerismo. Dahilan sa pagkakaiba ng mga lahi na nagaganap sa
unibesidad, laging nag-aaway ang mga estudyanteng Pilipino at Espanyol. Hindi natatanggap ng
mga Espanyol na nahihigitan sila ng mga Pilipino kaya naman iniinsulto nila ang mga ito at
tinatawag na Indio, chongo! Samanatal, bilang ganti, tinatawag naman ng mga Pilipino ang
mga estudyanteng Espanyol Kastila, bangus! At dahil dito, madalas na nauuwi ang mga alitan
ito sa mga away lansangan.
Dahil sa katapagan ni Rizal at sa husay niya sa eskrima at wrestling, nakilala siya sa mga
away na tio. Kaya naman noong 1880, bilang kinikilalang kampeon ng mga estudyanteng
Pilipino sa UST, itinatag niya ang isang sikretong samahan na tinawag niyang Compaerismo
(Pagsasamahan). Samantala, ang mga kasapi naman ditoay tinawag na Mga Kasapi ni Jehu. Ito
ay isinunod sa pangalan ng isang heneral na Ebreo na nakipaglaban sa mga Arminiano at
namuno sa Kaharian ng Israel sa loob ng 28 taon. Siya ang pinuno ng lihim na samahan
samantala ang kanyang pinsang taga-Batangas na si Galicano Apacible ang nagsilbing kalihim.
Isang beses ay nagkaroon ng away sa pagitan ng mga Pilipino at Espanyol sa may Escolta
kung saan nasugatan si Rizal. Duguan, dinala nila si Rizal sa tinutuluyan nitong Casa tomasina
kung saan masuyo niyang ginamot ni Leonor Rivera.
Dahilan ng Kalungkutan sa UST (Zaide). Bagamat si Rizal at isang mahusay na
estudyante sa Ateneo, maging sa UST, hindi niya nagustihan ang atmospera sa UST dahilan sa
instutusyon ng mga paring Dominikano. Una, dahil sa hindi maganda ang tingin sa kanya ng

mga Dominikanong propesor. Ikalawa, mababa ang pagtingin sa mga estudyanteng Pilipino. At
ikatlo, sinauna at mapang-api ang pagtuturo.

DESISYONG MAKAPAG-ARAL SA IBANG BANSA


Pagkaraang matapos ni Rizal ang ika-apat na taon ng Medisina sa UST,nagpasya si Rizal
na mag-aral sa Espanya. Agad siyang sinang-ayunan ng kanyang naktatandang kapatid na si
Paciano, kasama na rin ang kanyang dalawang kapatid na babae, sina Saturnina at Lucia, kasma
na rin si Antonio Rivera, ang mag-anak na Valenzuela at ilan pang kaibigan.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi humingi ng permiso si Rizal sa kanyang mga
magulang dahilan sa alam niyang pipigilan lamang siya ng mga ito. Inilihim niya rin ito maging
sa kanyang pinakamamahal na si Leonor Rivera dahil alam niya na magdadamdam lamang ito.
Pati na rin ang awtoridad ng mga Espanyol ay walang ideya. Nanatiling sikreto ang kanyang
pag-alis para makapagpatuloy ng pag-aaral sa liberal na bansa ng Espanya.
PAGLILINAW NG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
Kinamumuhian ni Rizal ang UST. Ito ang palasak na paniniwalang sinusunod pa rin
hanggang ngayon ng maraming mga sikat na manunulat at tagapagtala ng buhay ni Rizal
(http://varsitarian.net) tulad nina Retana, Craig, Russel, Laudback, Coates, Hernandez, at Zaide.
Maraming mga manunulat ang kumopya lamang sa mga isinulat. Ito ang ideyang sinikap
baguhin ni P. Fidel Villaroel, O. P. katuwang na archivist ng UST sa kanyang akdang Rizal and
the University of Santo Tomas (UST Press, 1984). Sinabi ni P. Villaroel na wala ni isa sa mga
manunulat na ito ang nag-abalang tingnan ang mga orihinal na dokumento na matatagpuan sa
UST. Ang mga sumusunod ay ayon sa mga puntos na ginawa ni Villaroel sa kanyang pag-aaral.
Ang mga nakasaad sa ibaba ay mga ideyang binanggit ng ilang mga manunulat:

1. Hindi naging maganda ang ippinakita ni Rizal sa UST, at hindi siya gusto ng mga Paring
Dominikano
2. Nagkaroon ng Diskriminasyon sa mga Pilipino sa UST (Zaide)
3. Mababa ang pagtingin sa kanya kahit na ang kanyang kakayahan at talino ay mas higit sa
mga Espanyol dahilan sa siya ay kayumanggi ang balat, isang Pilipino at isang Indio
(J.M. Hernandez)
Ito at iba pang mga puntos ang pinasinungalingan ni Villaroel sa kanyang akda.

Hindi naging maganda nag mga grado ni Rizal sa UST at hindi siya tinrato ng mabuti ng
mga paring Dominikano.
Nang pumasok si Rizal sa UST noong 1877, kinuha niya ang kursong Pre-Law o

metapisika (Pilosopiya at Sulat sa ibang libro). Dahilan sa ito ay tunay na interes ni Rizal,
nakapasa siya sa unang taon ng may matataas na grado. Sumunod naman nito ay kumuha siya ng
medisina. Nang mga panahong yun ay kailangan munang kunin ang kursong pre-medikal bago
makuha ang kursong medikal. Ngunit pinayagan siya ng unibersidad na kunin ito ng sabay. Ang
kursong pre-medikal ay tinatawag din Ampliacion dahilan sa kukunin lamang ng estudyante ang
mas mataas na antas ng kursong Pisika, Kemika, at Natural na Kasaysayan na kinuha na nila sa
mataas na paaralan. (Ito ay isang patunay na ang Klase sa Pisika ay hindi naganap sa UST
kung totoo mang ang ito ay personal na karanasan ni Rizal.)
Sa kursong medisina, mahusay ang ipinakita ni Rizal, ngunit hindi pinakamahusay at
wala ring pinakamahusay sa kanyang mga kamag-aral. Dalawamput isang mga subject ang
kinuha niya sa paaralang ito kung saan nakakuha siya ng isang aprobado (pasado), walong bueno
(mahusay), anim na notable(mahusay na mahusay), at anim na sobresaliente (pinakamahusay).
Ang isang normal na estudyante ay makokontento na sa mga ganitong grado. Maaaring hindi nga

siya nakontento sa ganitong grado, ngunit wala ni isa sa kanyang mga gawa ang nagpapakita ng
hindi pagkagusto at pagrereklamo sa patakaran ng UST.
Isa pang puntos ay ang pagkukumpara ng kanyang grado sa grado niya sa Ateneo. Kung
mapapansin, ang unibersidad ay mas mataas ang antas kumpara sa isang mataas na paaralan.
Kaya hindi maaaring ipagkumpara ang galing niya sa Ateneo, kundi sa kanyang mga kamag-aral.
Sa unang taon ni Rizal ay 24 silang kumuha ng medisina, ngunit dahil sa mga bagsak na grado
labing pito sa kanila ang natanggal at tanging piyo na lamang ang nakakuha ng huling
eksaminasyon noong ikaapat na taon nila. Sa ikaapat na taon na ito ni Rizal (at huli para sa
kanya), pumangalawa siya sa klase kung saan ang nanguna ay si Cornelio Mapa. Kung totoong
siya ay diniskrimina at hindi ginusto ng mga propesor sa UST, hindi niya maabot ang kanyang
mga naabot sa unibersidad na ito, ang pagpayag pa lamang ng unibersidad na kunin niya ang
kursong pre-medikal at medikal ng sabay ay isa nang malakas na ebidensya na mali ang sinasabi
ng karamihan sa mga manunulat.
Base sa mga rekord ng UST, anim na mga Espanyol ang nakapagmatrikula sa kursong
medisina sa unang taon kasama si Rizal, kung saan tatlo ay Peninsular, at tato ay ipinanganak sa
Pilipinas. Kung totoong pinaburan ng mga Dominikano ang mga Kastila, ang anim na ito dapat
ang natira sa para kumuha ng huling eksaminasyon. Ngunit, sa kasamaang palad, tanging isang
Kastilang ipinangank dito sa Pilipinas ang natira na nagngangalang Jose Resurreccion y Padilla,
na may gradong aprobado (pasado) lamang, at sa sumunod na taon naman ay nakatikim ng
pagkasuspinde.
Isa pa ay ang dahilan kung bakit hindi ganon katataas ang nakuha niyang grado sa
unibersidad. Nasabi ni Leon Ma. Guerrero na marahil ay hindi para kay Rizal ang kursong

medisina, dahilan sa hindi na rin naman maitatanggi ang kanyang pagkahilig at galing sa sining
kung saan nabibilang ang kursong Pilosopiya at Sulat. Ngunit para sa isang estudyante na hindi
naman gaanong gusto ang kursong kinukuha, ang pagkakaroon ng mga gradong tulad kay Rizal
ay isa nang malaking biyaya.
Nang pumunta si Rizal sa Espanya upang ipagpatuloy ang pag-aaral ng Medisina sa
Unibersidad ng Madrid, nakakuha rin siya ng mga gradong sobresaliente sa mga subject na
kauganay sa mga humanistikong pag-aaral at nakakuha ng mga gradong sapat lamang para sa
Medisina. Pareho lamng ang kalagayan ni Rizal dito at sa UST ngunit hindi nabanggit na
diniskrimina siya sa paaralang ito.
Lingid sa kaalaman ng nakararami, nagkaroon rin si Rizal ng mga kaibigang paring
Dominiko sa UST. Kaabilan dito sina Padre Evaristo Aria at Padre Joaquin Fonseca. Kung
matatandaan, sa mga panahong nag-aaral siya sa UST kung saan siya nakilala bilang isang
manunula. Habanag nasa Santo Tomas ay nalikha niya ang ilan sa mga pinakamamagaling
niyang obra, kasama na rito ang A La Juventud Filipina na nanano ng unang gantimpala sa
patimpalak ng Liceo Artistico-Literario.

Nilisan ni Rizal ang UST dahil sa sumusunod:


a) may ilang mga propesor na hindi niya nagustuhan sa unibersidad (P. Pastells, SJ, 1897)
b) hindi niya nagustuhan ang atmospera sa unibersidad (E. Retana, 1907)
c) sa kanyang klase sa medisina, may isnag propesor na binasa ang nakasulat sa libro
ngunit hindi na pumayag na magtalakay at magtanong sa kanya ng tanong ukol dito
kaya naman nawalan siya ng amor sa patakaran (Craig, 1909)
d) dahilan sa ayaw sa kanya ng mga propesor sa Ateneo (Lauback, 1936)
e) dahilan sa hindi naibibigay ng UST ang kinakailangang kaalaman, at ang gamit ng
paaralan ay wala, kung hindi ay kaunti lamang (D. abella, 1965)

Maraming mga manunulat na ang nagsabi ng iisang bagay sa daan-daang paraan. Ang
mga nakasaad itaas ay may iisa lamang na pagkakatulad: hindi ito binase sa kahit anong
ebidensya tulad na lamang ng mga aktwal na pakikipagsulatan ni Rizal o ang mismong
talaarawan nito. At kung meron man silang pinagbabasihan, tanging sa mga nobela lamang ni
Rizal nila ibinatay ang konklusyon. Ang isang nobela ay isang kathang isip lamang kaya naman
hindi ito maaaring pagbasihan ng mga katotohanan sa buhay ng tao. Kung ano ang totoong ibig
sabihin ng mga sulat at letra sa kanyang nobela ay si Rizal lamang ang nakaaalam, kaya naman
hindi maaaring gumawa ng interpretasyon base dito at sabihin iyon ay pawang katotohanan
lamang.
Bilang paglilinaw, una, nabanggit na may isang propesor sa UST na tumangging
magbigay ng eksplanasyon at sumagot ng mga tanong mula sa mga estudyante niya tungkol sa
itinuturo niya. (Pastels at Craig) Ang propesor na ito ay pinangalanan ni Craig bilang si Dr. Jose
Franco na kalaunan ay naging kamag-aral ni Rizal sa Medisina sa Unibersidad ng Madrid.
Ngunit kung iisiping mabuti ay imposibleng maging dahilan ito n pag-alis ni Rizal sa Pilipinas,
lalung-lalo na kung hindi naman siya ibinagsak nito sa huling pagsusulit. Ipinakita rin ng mga
kamag-aral niya ang pagpapatunay na wala siyang naka-alitang propesor sa UST pagkat
ikinagulat nila ang biglaang pag-alis ni Rizal dahil wala naman silang nakikitang dahilan para
dito.

Ang Kabanata XII Ang Klase Sa Pisika ng El Filibusterismo ay isang kabanata na


sumsalamin sa buhay niya sa unibersidad at ang mga gawa niyang kontra sa mga prayle ay
nagpapakita lamag ng pagkamuhi niya sa Unibersidad.

Nabago ng pamamalagi ni Rizal sa Europa ang paniniwala niya ukol sa relihiyon.


Marami siyang binitiwang mga prinsipyo at mga bagay na haligi ng kanyang relihiyon hindi
dahil sa kinamuhian niya ng isang unibersidad na pinamamalakaran ng relihiyon kundi dahilan
sa nakasalamuha niya ang mga tang rasyonal at liberal ang kaisipan. Ang mga oag-atake sa
relihiyon ay hindi naging kakaiba nang mga panahong yun dahilan sa halos lahay na ng
unibersidad sa buong mundo ay may nagaganap na mga ganitong bagay.
Nakaapekto ng malaki sa pagsulat niya ng El Fili ang nangyaring panggigipit ng mga
Dominikano sa kanyang pamilya sa Calamba. Kaya maaring sabihin na nakaimpluwensiya ito sa
kanyang opinyon para sa mga paring dominikano na siyang nagpapatakbo s aUST kaya naman
ganun na lamang ang deskripsyong ginawa ni Rizal sa El Fili.
Ang palasak na sinabi ni Retana at Coates na ang klase sa pisika ay isang repleksyon ng
buhay estudyante ni Rizal sa UST ay isang ideya na walang pinagbabasihan. Isa pa, hindi kinuha
ni Rizal ang paunang kurso ng Pisika sa UST kundi sa Ateneo. Si Rafael Palma na kumuha ng
Pisika at Kemika sa Ateneo noong 1890 ay nagsabing ang mga pasilidad sa mga laboratoryo ay
hindi sapat at bihirang gamitin, at ang kanya namang nakuhang grado sa Pisika ay very poor.
Nagpapatunay lamang na hindi ni Rizal naranasan ang ganitong bagay sa UST, kung sasabihin na
ito ay isang personal na karanasan nga. (Rafael Palma, My Autobiography, Manila 1953)

SANGGUNIAN

Guerrero, Leon Ma. (1977) The First Filipino: A Biography of Jose Rizal. Manila: National
Historical Institue.
Rivera, C., Landicho, D. & Valenciano, D. (1969) Rizal ang Bayani. Metro Manila: M&L
Licudine Enterprise.
Zaide, G. et.al. Jose Riza; Buhay, Mga Ginawa at mga Sinulat ng isang Henyo, Manunulat,
siyentipiko, at Pambansang Bayani. All Nations publishing Co. Inc. Karapatang ari 2007,
pahina 264-275.

Comanda, M.K.L & Paje, Kacelyn Faye L. Si Jose Rizal Bilang Isang Tomasino. The
Varsitarian. UST Press. http://varsitarian.net
Feria D. S. The Insurecte and the Colegiala. Retrieved March 8, 2010,
http://www.freewebs.com /pi100/colegiala1.htm
Shattering the Myth About Rizal And the Pontifical UST (December 2008). Retrieved March 8,
2010. http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?s=d186bd4a91ce8577fed
3fec3d657684&t=374849
With respect to:
Villaroel, Fidel (1984). Rizal and The University of Santo Tomas. UST Press.

Morales, Kennedy B. Mga Pag-ibig ni Rizal (Compilation Prject). Retrieved March 8, 2010.
http://www.scribd.com/doc/20184699/Mga-Pagibig-Ni-RIZAL?secret_password=&
autodown=doc

You might also like