You are on page 1of 3

Mga Bahagi

ng
Pahayagan

Ipinasa ni: Samantha Nicole


Padayao
VI-Laurel

Ipinasa
kay:Gng.Marilyn
Pastoriza
Guro sa Filipino

Pangunahing Balita-mababasa sa unang pahina ng pahayagan


ang pinakamalalaki at pinakamahahalagang balita;nakasulat ang ulo nito
sa malalaking titik.

Balitang Lokal at Pandaigdig-ang mga balita ay


maaaring lokal o pandaigdig.Kapag ang mga pangyayari sa balita ay
naganap sa loob ng bansa,nauuri ang balita bilang balitang lokal;kung
ang mga pangyayari sa balita ay naganap sa labas ng bansa,nauuri ang
balita bilang balitang pandaigdig.

Pahinang Editoryal-dito mababasa ang editoryal o pangulong


tudling na naglalaman ng opinion ng editor ng pahayagan tungkol sa
napapanahon at mahahalagang isyu at balitang naipalathala.Matatagpuan
din sa bahaging ito ang mga kuru-kuro tungkol sa ibat-ibang isyu.

Pahinang Panlibangan-ang mga balita o lathalain tungkol sa


mga artistang local o banyaga st palabasa sa telebisyon at pelikula ay
matatagpuan sa pahinang ito,gayundin ang ibat-ibang gawaing
mapaglilibangan,tulad ng palaisipang crossword,horoscope,at komiks.

Anunsiyo Klasipikado-mababasa rito ang mga anunsiyo o


palathala tungkol sa mapapasukang mga trabaho gayundin sa
ipinagbibiling mga produkto,lote,bahay,sasakyan,at iba pa.

Pahinang pang-isports-ang mga balita tungkol sa ibatibang laro o isports ay mababasa sa pahinang ito.

Pahinang Panlipunan-dito nakalahad ang iba-ibang


impormasyon o balita tungkol sa pangunahing mga pagdiriwang at
mahahalagang pagtitipon o salo-salo ng kilalang mga tao sa lipunan.

Pahinang Pangkalakalan-matatagpuan dito ang ulat


hinggil sa negosyo,stock market at ekonomiya sa loob at labas ng bansa.

Obituwaryo- ay bahagi ng pahayagan kababasahan ng anunsiyo o


balita ukol sa kamatayan ng isang tao na ibig ipagbigay-alam ng
kanyang mga kamag-anak o mga kaibigan sa ibang mga taong
nakakakilala sa yumao.

You might also like