You are on page 1of 4

CORE 3: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino |

Kasaysayan at Pag - unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas


Juan Manuel Tonido Banquito
Master ng Artes sa Filipinilojiya PUPGS
Walong (8)
Pangunahing Wika
(Pamela
Constantino, Lydia
Gonzales & Jesus
Ramo:2002)

Ilocano
Pangasinan
Kapampangan
Tagalog
Cebuano
Bicol
Waray (SamarLeyte)
Hiligaynon

Labindalawang
(12)
Pangunahing
Wika
(Komisyon ng
Wikang Filipino &
DepEd Order No.
16, s. 2012)

Ilocano
Pangasinan
Kapampangan
Tagalog
Cebuano
Bicol
Waray (SamarLeyte)
Hiligaynon

Tausug
Maguindanaoan
Maranao
Chavacano

Panahon ng
Katutubo

Tatlong (3) lahing unang nangandayuhan sa Pilipinas (ayos nang batay sa


pagdaong):
1. Negrito
a. Tunay na Negrito
Kabundukan at kagubatan ng Bataan at Zambales
Silangang bundukin ng dakong Hilagang Luzon mula Cabao Engano
hanggang Baler
Rizal, Bulacan, Pampanga, Tarlac, laguna.
Mga pangkat:
Aburlon (Zambales)
Ita (Bulacan, Bataan, Tarlac)
Agtas (Isabela)
Dumagat (Hilagang Luzon)
b. Astraloid-Sakai
Taga-Australia at Ainu ng Hilagang Hapon
c. Proto-Malayo
Tipong Mongoloid
2. Indones
Mga nagbuhat sa Kalooban ng Asya
Higit ang kabihasnan kaysa sa mga Negrito.
Sa Hilagang Luzon, sila ay:
Ibanag, Kalingga, at Apayaw
May lahi ring Indones ang mga Ilonngot at Tinggian
Sa kabisayaan:
Panay, Negros, Samar at Timog Mindoro; at mga Tagbanua ng
Palawan
Sa Silanganan, Kalagitnaan at Kanlurang Mindanao:
Taga-Bukidnon, Mandaya, Manobo, Bagobo, Tagakaolo, Bila-an,
Tiruray at Subanon.
3. Malayo
Pinakahuling nangandayuhan sa bansa.
Pinaniniwalaang nagbuhat sa Timog-Silangan Asya at lumaganap sa
tangway ng Malaysia.
Mga pagano na matatagpuan sa kaloob-loobang Hilagang Luzon at sa
isla ng Mindanao.
Ang ibay Mohamedano o naniniwala kay Allah, naninirahan sa
kapuluan ng Sulu, sa dakong Timog ng Palawan at sa mga lalawigan
ng Zamboanga, Cotabato at Lanao.
Masasabi na may paniniwalang panrelihiyon at patakarang pangkabuhayan
ang lahing Pilipino bago pa man ang kolonisasyon.
Sa wika, ito ang masasabing dahilan kung bakit walang komon na wika sa
bansa.
Mula sa mga pag-aaral ng mga misyonerong Kastila nang dumaong sa bansa:
Natagpuan ko rito ang apat na katangian ng apat na dakilang wika sa daigdig;
ang Ebreo, Griyego, Latin at Kastila. Nag-aangkin ito ng lalim at hirap ng Ebreo;
ang malilinaw na katawagan ng Griyego hindi lamang sa mga pangngalang
pambalana, kundi higit pa sa mga pangngalang pantangi; mga kaganapan at
kariktan ng Latin; at ng pitagan at paggalang ng Kastila.
Chirino
Masasabi na dinatnan ng mga mananakop ang mga Pilipinong may sistema ng
pagsulat at pagbabasa na sinusunod sa ALIBATA na kahawig ng sulat-Arabico
(alifba o alifbata)

CORE 3: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino |

Panahon ng
Kastila
1565 1898

Disyembre 10, 1565 : Adelantado Miguel Lopez de Legazpi


Itinuturing ng mga Kastila na ang mga Pilipino ay barbariko, di-sibilisado at
pagano, kung kayat tungkulin nila na gawing sibilisado ang mga ito sa
pmamagitan ng kanilang relihiyon.
Kasabay ng ni Legazpi ang anim (6) na misyonerong Kastila sa pagdaon dito sa
bansa, piag-aralan ang wika natin upang higit na mapalapit sa atin (Chirino,
1604)
Paaralang Parokyal sa Cebu ang pinakaunang paaralan sa Pilipinas. Noong
dakong una ng 1565 nang binuksan ito.
Edukasyon ng mga Mamamayan
a. Nasa kamay ng mga misyonerong Kastila ang edukasyon ng mamamayan.
b. Katungkulan ng mga enkomendero na magbiay ng edukasyon sa mga
katutubo kung walang misyonero.
c. 1591 - inatasan ni Gobernador Gomez Perez Dasmarias ang paglalaan ng
sapat na halaga para sa pag-aaral ng mga batang sakop ng mga
enkomendero.
d. Ang paggamit ng wikang katutubo ang pinakamadali at mabisa sa
kumbensyon at edukasyon ng mga katutubo.
Sitwasyong Pangwika
a. Nag-aral ang mga prayle sa wikang katutubo ng Pilipinas
b. 1580 naisulat ang bokabularyo sa Wikang Cebuano na sinasabing ang
karangalan ng unang pagkakasulat ng tungkol sa wikang Tagalog ay utang
sa prayleng Agustin Albuquerque na dumating sa Maynila noong 1571.
c. Ang mga nasusulat kaugnay sa Wikang Tagalog ay inangkin at ibinigay kina
Padre Juan de Placencia, isang Francescano, ang karangalang nakasulat
nang ito ay makapagpalabas ng:
d. Arte y Diccionario de Tagala noong 1581.
e. Nobyembre 14, 1603 naglunsad ang hari ng Arsobispo ng patakarang
pangwika para sa Pilipinas: hindi pinapayagan ang ang mga pari o kura na
magturo kung hindi pa natutuhan ang wikang katutubo ng mga Pilipino (Blair
& Robertson 20:250-10)
f. Mga layon ng Kastila sa pag-aaral at pagtuturo ng wikang Katutubo ng
Pilipino:
Pagpapalawig ng kapangyarihan
Matanggalan ng karapatan ang mga Pilipino na makihamok sa usaping
pampamahalaan dahil wika ng Kastila ang gamit ng mga nakatataas.
Makaiwas sa rebolusyon
Malakas ang paniniwala ng mga prayle na sila ay superyor ang kanilang

CORE 3: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino |

lahi
g. Dahilan kung bakit walang naging pagkilos o kahit pagtatangka ang mga
Pilipino na magkaroon ng wikang komon sa pakikipagtalastasan:
Walang isang katutubong wika na maaaring maging midyum ng
pakikipagtalastasan
Sapagkat kinikilala na ang Wikang Kastila ang wika ng mga nakapagaral at wika ng pamahalaan
Karamihan sa mga propagandistang kabilang kila Rizal ay mga
nagkaroon ng pagkakataon na makapag-aral sa Espanya.
Hindi naiisip ng mga karaniwang mamamayan ang pagkakaroon ng
komong wika.
h. TAGALOG ang ginawang Wikang Opisyal sa pagpapatibay ng Konstitusyon ng
Biak-na-Bato noong 1897.

Panahon ng
Americano

Sitwasyong Pangwika
a. INGLES Wikang Panturo mula primary hanggang dalubhasaan
b. Abril 7, 1900 ibinigay ang libreng edukasyon sa kanilang wika dahil
barbaro ang wikang katutubo
c. 1900 inirekomenda ng Superintende Heneral ang paggamit ng
bernakular bilang pantulong na Wikang Panturo (Isidro, 1949)
d. Marso 21, 1901 mula sa Komisyong Pampilipinas ay itinakda ang Batas
Blg. 74 na nagpapahayag na Ingles ang Wikang Panturo
e. 1906 ipinagtibay ni Dr. David Barrows ang isang Kurso sa wikang Tagalog
para sa mga gurong Americano.
f.
1915 inilabas ni Eusebio Daluz ang Gramatikong Kastila Tagalog at
ang Filipino English Vocabulary upang matagpuan ang pngangailangan
ng mga naghahangad na lumika ng wikang Pilipino.
g. 1932 Batas Komonwelt Blg. 558 (An Act Providing for the Use of
National Dialect as Medium of Instruction)
h. 1935 Nagmungkahi si Delegado Wenceslao Q. Vinzons ng pagkakaroon
ng isang pambansang wikang base sa mga umiiral na wika sa buong
kapuluan.
i.
Dalawang batas na nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa:
Batas Komonwelt Blg. 184 (An Act to Establish a National
Language Institute and Define Its Powers and Duties)
Batas Komonwelt Blg. 333 (An Act to Amend Commonwelth Act
No. 184)
Pansinin ang sipi mula sa libro
Pahina 16 19
Kawanihan ng Pambayang Pagtuturo (Manhit, 1970)
1. Paghahanap ng mga titser na Americano lamang
2. Pagsasanay sa mga Pilipinong maaaring magtuo ng Ingles at iba pang
aralin
3. Pagbibigay ng malaking emphasis o diin sa asignturang Ingles sa mga
kurikulum sa lahat ng antas ng edukasyon
4. Pagbabawal ng paggamit ng bernakular sa loob ng paaralan
5. Pagsasalin ng mga teksbuk sa wikang ito
6. Paglalathala ng magasing local para sa mga paaralan
7. Pag-aalis at pagbabawal ng Wikang Kastila sa paaralan

Panahon ng Hapon Oktubre 14, 1943 binuhay ang Surian ng Wikang Pambansa
Debate tungkol sa wika, ang sa ilalim ang apat na mahahalagang salik ng
pagtatalo (nailathla sa pangunahing magasin noon na Pillars at Philippine
Review):
1. Ang mga tagapagtaguyod ng Wikang Pambansa laban sa mga liberal na
aral tradisyon g mga Americano na naniniwalang ang Ingles ang tulay sa
karunungan at kultura, bagamat hindi nila lantarang ipinakikita ito dahil
sa ang bayan ay nasa ilalim ng Batas Militar.
2. Ang mga Tagalista laban sa Tagalista na ang pinagtatalunan nmay mga
nauukol lamang sa mga maliliit na batayan tulad ng kung saan dapat
damitin ang gitling /-/.
3. Ang mga Tagalog laban sa mga di-Tagalog.
4. Ang mga Tagalista laban sa mga may kaalamang panlinggwistika na
kapwa naman para sa Wikang Pambansa ngunit nagnanais lamang na

CORE 3: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino |

matalakay ang wika batay sa pagiging tradisyunal ng iba na sa palagay


nilay hindi naman makatwiran.
Punan ang mga bilang sa ilalim ng bawat grupo batay sa kanilang paniniwala
kaugnay sa ikauunlad at ikalalaganap ng wika:
1. Grupo ni CARLOS RONQUILLO
a.
b.
c.
2. Grupo ni LOPE K. SANTOS
a.

b.

3. Grupo nina N. SEVILLA at G.E. TOLENTINO


a.

b.

Panahon ng
Republika

Hulyo 4, 1946 panahon ng liberasyon


Sa halip na gamitin ang Pilipino, pinagdudahan pa itong gamitin kung kayat
nagkaroon ng ibat ibang mga pag-eeksperimento sa wika.
Ang mga klase sa Tagalog ay naging labis na gramatikal at hindi nakaakit at
nakahikayat sa mga estudyante sa wikang pambansa.
Itinuturing na panahon ng pagkamatay ng Pilipino sapagkat dito naganap ang
pagtutol ng mga delegado sa konstitusyunal kumbensyon sa kanilang
deliberasyon noong Marso 23, 1987 (Lansang, 1972).

You might also like