Oh ilaw ng aming tahanan, nagbubukod tangi kang magpakailanman
Nagmimistulang gabay sa madilim na daan ng aming tinatahak humihila papalayo kung may pagsubok mang tinatahak Oh ilaw ng tahanan, pagmamahal, pag-aaruga moy di mahihigitan.
Mukha mong mala-anghel na bumubungad sa aming mga umaga
Bibig mong walang preno kung tumalak kapag napupuno na Mga masasarap mong luto na bumubusog sa kumakalam na tiyan mga yakap mong pumapawi sa takot na nararamdaman.
Oh ilaw ng aming tahanan, ikay makapangyarihan
sa pagmamahal mong taglay, sayo kamiy hindi mawawalay ang puso mong ginto na handing sumakripisyo Gagawin ang lahat para lamang sa ikabubuti ng lahat.
Nanay, Mama, Inay kung ikay aming tawagin
Oh ilaw ng tahanan naming minamahal mga paghihirap moy amin ding mapapalitan Oh ilaw ng tahanan ikay isang tunay na dangal.