You are on page 1of 8

ANGMARUNGKO APPROACH : SAGOT SA MABILISANG PAGKATUTO NG MGA BATA

SA PAGBASA
Leodigaria Laud-Reyno
Mananao Elementary School
San Manuel, Isabela
Ang isa sa pinapamahirap na gawain ng isang guro ay ang maturuang
bumasa ang isang bata. Alam ng lahat na ang bata ay dapat maihanda bago pa
man siya tuluyang maging bihasa sa pagbasa. Ang kahandaan nito ay nasusukat sa
pamamagitan ng mga tseklist at iba pang kagamitang pang-edukasyon. Kapag
nagawa na lahat ng guro ang mga hakbang na ito, makikita niyang maaari ng
bumasa ang bata kung kayat mag-uumpisa na niyang tuklasin ang kakayahan ng
mag-aaral sa larangang ito.
Narito ang isang mainam na gamitin sa panimulang pagpapabasa, ang
Marungko Approach. Ang Marungko Approach ay ipinakilala ni Nooraihan Ali, asawa
ng Malaysian Minister sa dalawang guro ng Marungko, Bulacan. Sa approach na ito,
unang natututunan ng bata ang mga tunog ng bawat titik ng Alpabetong Filipino o
ang tinatawag na Mastery of Sounds of Letters sa ingles. Ginagamitan ito ng phonosyllabic technique o pagbusisi sa tunog ng bawat titik upang mapagsama ito at
makabuo ng pantig-tunog nito. Dito, sisiguraduhing ang tunog ng titik ang unang
maituro ng guro hindi ang ngalan ng letra. Sa paggamit ng approach na ito, mas
madaling maintindihan ng bata ang bawat letra at mas maaga siyang matutong
bumasa lalo na sa mga pananalitang ginagamit sa bahay o Mother Tongue.
Mga Pamamaraan sa Paggamit ng Marungko Approach;
1. Ipakita sa mga bata ang letra.
2. Sabihin ang tunog ng letra.
3. Magpakita ng mga larawang may umpisang tunog ng letra. Isulat ang ngalan ng
nasa larawan at ipabanggit ang umpisang tunog nito. Hanggang sa masanay ang
bata.
4. Pagsamahin ang tunog ng katinig at patinig na tiitik hanggang sa makabuo ng
pantig.
Halimbawa:

/m/ /m/ /m/ /m/ /m/


/a/ /a/ /a/ /a/ /a/
/m/ + /a/ = ma

5. Pagsama-samahin ang mga pantig upang makabuo ng salita.


Halimbawa: ma+ma= mama

6. Sabihing papantig ang nabuong salita pagkatapos basahin ito nang mabilisan
ayon sa wastong bigkas nito. (ma-ma= mama)
7. Sa pamamagitan ng nabuong salita, bumuo ng parirala at pangungusap. Bumuo
ng payak na talata gamit ng nabuong payak na pangungusap.
Halimbawa:
A. Tunog ng Letra- /m/

/a/

/s/

/m/ /m/ /m/ /m/ /m/


/a/ /a/ /a/ /a/ /a/
/s/ /s/ /s/ /s/ /s/
B.

Pagbuo ng Pantig
/m/+/a/=ma

/ s/+/a/=sa

C. Pagbuo ng Salita
ma+ma=mama

sa+sa=sasa

a+sa=asa

a+ma=ama
ma+sa=masa

sa+ma=sama

a+a+sa=aasa

ma+s=mas
ma+sa+ma=masama
ma+sa+sa+ma=masasama

sa+sa+ma=sasama

D. Pagbuo ng Parirala
Mama sasama

sasama mama

Masama sasama

ama masama

ama sasama
masasama mama
Sa ama
aasa sa
E. Pagbuo ng Pangungusap
1.
2.
3.
4.
5.

Masama sasama sa ama.


Sa ama sasama.
Sa mama sasama.
Aasa sa ama.
Aasa sa mama.

sa mama

F. Pagbuo ng Talata
Sasama
Sa ama sasama. Sa mama sasama. Mama, sa ama sasama. Sa ama
sasama,mama. Aasa sa ama. Aasa sa mama. Mama, ama sasama. Samasama mama,ama. Ama, mama sama-sama.
Sagutin ang mga tanong:
1. Sino sa palagay mo ang sasama?
2. Kanino siya sasama?
3. Sa palagay mo sinu-sino pa ang sasama?
4. Ikaw, sumasama ka ba sa kani-kanino?
5. Bakit di-dapat sumama kung kani-kanino?
8. Ituro ang wastong pagkakasulat ng bawat letra nang naaayon sa wastong
prosesong pagkakasulat ng mga ito.
Ang Pagkasunud-sunod ng Letrang Ituturo Gamit ang Marungko Approach;
1. Mm
2. Aa
3. Ss
4. Ii
5. Oo
6. Ee
7. Bb
8. Uu
9. Tt
10.Kk
11.Ll
12.Yy

13. Nn
14. Gg
15. Rr
16. Pp
17. NGng
18. Dd
19. Hh
20. Ww
21. Cc
22. Jj
23. Ff
24. Zz

25. Qq
26. Vv
27. Xx
28.

(Reference: www.google.com)

MARUNGKO APPROAH(Pagtuturo sa
Pagbasa)
Ang mga tunog ng isang wika ay
may pasalitang simbolo namaaaring maging titik o simb
olong pasulat. Maaari namangmaging pasalitang simbol
o ang mga simbolong pasulat kungating babasahin ang
mga ito.

Ibig sabihin lamang na ang isang tunog ay kumakatawan


sa isang titik at ang isang titik ay may kanyang sariling
tunog.
Ang Marungko Approach ay gumagamit ng 28 titik ng
makabagong alpabetong Filipino na itinuturo sa ganiton
g
pagkakasunud-sunod.

m s a i o b e u t
k l y n g ng p r d
h w c f j n q v x
z (enye)
Unang Antas ng Pagbasa
1.Pagpapakilala ng mga larawan ng
nagsisimula sa tunog na pinag-aaralan.
2.Pagpapakilala ng tunog
3.Pagpapakita ng hugis ng tunog
4.Pagpapakilala ng titik
5.Pagpapasulat ng hugis sa hangin,
sa sahig, sa palad atbp.
6.Pagpapasulat ng hugis ng titik sa papel

mga bagay na

7.Pagpapasulat ng simulang tunog.


Ikalawang Antas ng Pagbasa
Pagsasama-sama ng mga tunog upang makalikha ng
isang makabuluhang salita
m s a ..
ama
sama
masama

mama
sasama

asa
aasa

Ikatlong Antas ng Pagbasa


Pagpapakilala ng mga pantulong na kataga
ang
mga
si
ay
ng
kay
Ikaapat na Antas ng Pagbasa
Pagbubuo ng mga parirala at pangungusap
Samasama ang mga mama.
Sasama ang Mama kay ama.
Aasa ang Mama sa ama.
Pagsagot sa tanong na may: sino, ano,saan
nasaan, kanino
Pagbasa ng maikling kuwento
Pagsagot ng mga tanong tungkol sa kuwento
Mga Halimbawang Gawain
Salita (m s a i o b)
baso basa
abo iba baba
bomba

mabisa

masiba

Parirala
iba ang abo
Pangungusap

ang mga baso

bomba sa baso

Ang mga baso ay basa. Babasa si Sam.


Ang baba ni Sisa ay basa. Iba ang aso sa oso.
Masiba ang mga aso.
m s a i o b e u t k l y n
Salita
yoyo
butas

noo

bota

tabo

lobo

mata luya

ubas

kain

Parirala
mata ng ibon bola sa ilalim ng kama
lobo sa mesa
m s a i o b e u t k l y n
Pangungusap
Ang lobo ay kay Bea.
Kakain ng ube si Tina.
Kulay itim ang siko ni Lea.
Nasa lamesa ang tasa.

ibon

Takot ako sa leon.


m s a i o b e u t k l y n
Pangungusap at Tanong
Ang lobo ay kay Bea.
Kanino ang lobo?
Kakain ng kalabasa si Tina.
Sino ang kakain ng kalabasa?
Kulay itim ang siko ni Lea?
Ano ang kulay itim?
Nasa lamesa ang tasa.
Nasaan ang tasa?
Takot ako sa leon.
Saan ako takot?
m s a i o b e u t k l y n
Maikling Kuwento
May lobo sa loob ng kotse.
Kay Bambi ang asul na lobo.
Masaya si Bambi sa lobo niya.
Kanino ang lobo?
Anong kulay ang lobo?

Sino ang masaya?


Nasaan ang lobo?

You might also like