You are on page 1of 5

ANG MGA SINAUNANG TAO

Minsan magtataka ka at magtatanong kung papaano ba tayo lumitaw sa munado.


Mahirap ipaliwanag sapagkat lumitaw tayo na ang nakagihasnan ay ito na, I mean
namulat tayo na ganito na, tao na. Pero papaano nga ba lumitaw ang mga tao sa
daigdig?ito ang tanong na bibigyan natin ng mga kasagutan sa araw na ito.
MGA PALIWANAG TUNGKOL SA PINAGMULAN NG TAO
May tatlong paliwanag tungkol sa pinagmulan ng tao. Ang una diyan ay ang mga
paliwanag mula sa mga mitolohiya. Ayon sa mitolohiya na pinaniniwalaan ng mga
Filipino, nailuwal sa mundo ang mga tao sa pamamagitan ng isang kawayan. Ayon sa
kwento, may isang ibon na lumilipad sa kalangitan ang dumapo sa isang malaking
kawayan at tinuka-tuka ito hanggang sa mahati sa dalawa. Lumabas sa kawayan ang
dalawang tao at tinawag silang si "Malakas" at si "Maganda". Sila daw ang pinagmulan
ng mga tao sa daigdig.

ANG ALAMAT NI MALAKAS AT NI MAGANDA

Ang ikalawang paliwanag ay tungkol naman sa paniniwalang pangrelihiyon. Ito ang


pinakatanyag sa lahat at pinaniniwalaan ng bilyon-bilyong mga Kristiayano. Ayon sa
paliwanang na ito, nalikha ang tao sa pamamagitan ng isang Diyos na may lalang.
Mababasa ang mga tala tungkol sa paglalang ng mga tao sa Bibliya, partikular na sa
aklat ng "Genesis". Tinawag ng panginoon bilang sina "ADAN" at "EBA" ang mga tao na
kanyang nailalang. Ito ang pinaniniwalaang pinagmulan ng mga tao ayon sa mga
Kristiyano.
Ang ikatlong paliwanang naman ay mula sa SIYENSYA. Ayon sa mga Siyentipiko at mga
Antropologo, ang mga tao daw ay lumitaw sa daigdig sa pamamagitan ng proseso ng
ebolusyon. Nag evolve ika nila, mula sa simpleng organismo hanggang sa maging tao.

SINA ADAN AT EBA

Isa sa mga nagkatha at tagapagtaguyod ng Teoryang ito ng ebolusyon ng tao ay si


Chalrs Darwin.

CHARLES DARWIN

Ayon sa kanyang paliwanag, lahat daw ng specie sa daigdig ay nagmula sa iisang


ancestor at na dumami ito at naging ibat-ibang specie at na ang taning "matibay at
malakas" ay siyang nag evolve sa pamamagitan ng tinatawag na "natural selection".
Hindi lahat ay tumanggap sa kanyang pananaw, subalit naging batayan ito ng mga
siyentipikong pag-aaral tungkol sa pinagmulan ng tao.
MGA SIYENTIPIKO AT ARKEOLOGONG TUKLAS NA MAKAPAGBIBIGAY PALIWANAG
TUNGKOL SA PINAGMULAN NG TAO.
Batay sa maka-siyentipikong pag-aaral ng pinagmulan ng mga tao, ang mga tao daw
ay nagmula sa sinaunang mga specie ng Apes. Ito ang tinatawag nilang mga specie ng
"AUSTROLAPETHICUS" at ang pinakahuli ay ang specie ng mga "HOMO". Tinatayang
nabuhay mahigit 2.5 milyong taon na ang nakalilipas.

*APES --- Malalaking uri ng mga unggoy. Kilala din sa tawag na bakulaw ng mga
Filipino.

Halimbawa ng isang APE o Bakulaw

*AUTROLAPETHICUS--- Nagmula sa salitang "Austra" na nangangahulugang


TIMOG(south)at "Pithecus" na nangangahulugang APE(Bakulaw). Pagpinagsama ang
mga salita, ito ay nangangahulugang "SOUTHERN APES". Tinawag na ganun sapagkat
lahat ng mga labi at buto ng mga ito ay natagpuan lahat sa TIMOG AFRICA.

Artist impression ng isang uri ng AUSTRALOPITHECUS na natuklasan sa southern Africa.

*HOMO --- Nangangahulugang TAO, sila ang pinakahuling lumitaw na specie ng tao at
pinaniniwalaang siyang ating pinagmulan. May tatlong tanyag na HOMO na natagpuan
ng mga Antropologo. Ito ang mga sumusunod na Homo specie na natuklasan ng mga
antropologo sa ibat-ibang panig ng Daigdig, una ang mga HOMO HABILIS, ikalawa ang
mga HOMO ERECTUS, at ang ikatlo ay ang mga HOMO SAPIENS.
HOMO HABILIS --- Nangangahulugang taong marunong gumawa ng gamit o kagamitan.
("HANDY MAN")

http://archaeologyinfo.com/homo-habilis/
HOMO ERECTUS --- Nangangahulugang "upright man" o taong tuwid kung tumayo.
Natatangi sa ibang genus ng mga HOMO sapagkat siya ay tuwid kung tumayo kumpara
sa ibang HOMO na medyo kuba pa ang pangangatawan.May kakayahan na din siyang
gumawa ng mga kagamitan(tools)at nabuhay mahigit 1.9 milyong taon na ang
nakakaraan.

http://www.livescience.com/41048-facts-about-homoerectus.html
HOMO SAPIENS --- Nangangahulugang "modernong tao". Ang genus ng mga HOMO na
nabubuhay hanggang ngayon. Tayo ang tinutukoy dito, lahat ng tao na nabubuhay
ngayon ay sinasabing dito nagmula.

http://archaeologyinfo.com/homo-sapiens/

You might also like