You are on page 1of 2

Mga kababayang inihayin ng kasukaban

sa tampalasang sungit ng mga mangagagang [?]


lumulupig sa ating Bayan!
Tatlong maningning na ilaw na pinatay ng
makamandag na hihip ng sama!
Ang kanilang buhay, ang mahalaga
nilang buhay ay nilagot sa kalupit-lupit na
bibitayan nang ikalabing anim ng Febrero ng
taung isang libo, walong dan, pitong puot dalawa!
Kailan may di napapanood ng langit ang
gayong kalaking kataksilang linsil!
Gawang di lilimutin magpahangang
kailan man ng bayang tagalog! Araw na
napakarawal at kalagim-lagim!
Buhat sa araw na yaun, ang kanilang mga
pusung bukal ng saganat wagas na pagibig sa
kanilang mga kalahit kapatid, ay hindi na
tumitibok; ang kanilang kaloobang karurukang
mataas ng mga banal na nasa ay hindi na
nagpipita; ang kanilang mga bibig ay hindi na
nangungusap, hindi na tumututol sa
pagsasangalang ng Katuiran at ng kagalingang
lahat... Ang kapusungan at ang lilong galit ng mga
palamara ay nagdamit hukom, at silay kinitlan ng
hininga nang walang makawangis na
katampalasanan.
Ngunit, sa aba ng nagtatayu ng
kapangyarihang hawak sa lusak ng kasamaan!
sa aba ng pangahas na naghahapay ng Katuiran
sa ngalan ng Katuiran, ng uslak na nagwawalat ng
mga dibdib na mahal sa ngalan ng kamahalan! sa
aba nila! Sapagkat sa kabagsikang malabis ng
ginamit na poot, ang bakal na pumatay sa tatlong
ginawang sadlakan ng hamak nilang higanti, ay
tumagus at nagbukas pa mandin ng isang maluang
at malalim na sugat sa pusung kanilang mga
kababayan.
Dalawang puot apat na taun na ang
nakararaus, buhat nang mangyari itong di
matingkalang kaliluhan, at ang mahapding sugat
ay di pa naglalangip, at hanga ngayoy
dumudugo...dumudugo ng walang patid...

Gomez, Burgos, Zamora! Kapurihang


walang katapusan ang handog ng inyong mga
kababayan sa malinis ninyong mga pangalang
iniirog!
Mapalad na buhay, yaung nagiiwan
karakarakang maamis [?] ng isang butihing binhi
sa kalooban ng kaniyang bayan, upang
magdamdam ang mga alipin at matutuhan nilang
ibangun ang dangal ng kanilang katauhan na
tuntungan ng kapalaluan ng sukabang panginoon!
Ang inyong alaala ay kalakip ng lahat ng
makapagbibigay buhay sa Bayang tinubuan.
Sapagkat, kung sa gunitay nahaharap ang inyong
dustang pagkamatay, ang lalung tamad at pikit na
pagiisip ay nagbubulay-bulay, at sa naliliming na
mga karamaang naghaharit nakapangyayari,
nililimot ng tapat na pusu ang sariling katiwasayan
at naaakay lumingon at lumingap sa kalagayang

kaaba-abat kahambal-hambal na kinasapitan ng


lahing tagalog.
Kung tinatanghal sa gunamgunam ng
mata ng panamdam ang inyong kahabag-habag na
anyo, ang mga liig ninyong supil ng panakal na
bakal, ang ulong naglungayngay ng malamig
ninyong bangkay, sa nagsisikip na dibdib ng inyong
mga kapatid ay sumisilakbo ang ningas ng poot,
naaalaala nila ang lubhang pagkaayop at
pagkailing na lubha ng kanilang kapurihan;
naaalaala nila na ang kanilang pinagkalooban ng
kanilang kalayaan at mga banal na matuid, ang
hinahandugang lagi ng pagud, yaman, buhay at
sampung karangalan, ay siyang ganid na halimaw
na sumisila tuina mahalagang buhay ng mga
lalaking [one word illegible] na sa kanilay
nagtatangol; naaalaalat nakikilala nila na ang mga
kapusungang [?], itoy nangyayari dahil sa silay
kulang ng pagdaramdam at pagkakaisa, punot
mula [?] ng kanilang kahinaan; naaalaalat
nakikilala nila na wala nang iba pang dapat
pagkatiwalaang makapagbabangun ng kanilang
Katuiran, kung di ang sariling dahas ng kanilang
mga kamay at ang matapang na tibay ng kanilang
loob. At sa di na makayang bathing mga kaapihan,
ang sa isip na matay itinititig sa ibang kabuhayan
sa pagasang sakdal, na darating at darating ang
bagong maligayat marilag na kaarawan.
Ang mga buhay ni Gomez, ni Burgos at ni
Zamora ay nautas, datapuat ang mga
katutuhanang pinangugulan ng mga buhay na iyan
ay hindi namamatay, hindi nawawala. At kung di
lumalaganap ng lubos na lubos, at di pa kumakalat
sa lahat ng kaisipan, ay dahil sa nangababalut sa
gipong kalawang ng masasamang gawi at hamak
na pagsasarili; dahil sa nauulapan pa ng
masangsang na aso ng mga pasucob ng marayang
simbahan.
Datapuat ang nangyaring kakila-kilabot
na sinisimulaan sa bibitayan ng Bagumbayan ay
hindi pa natatapus....
Si Gomez, si Burgos at si Zamora ay
natutong mamatay dahil sa kanilang mga
kababayan at dahil sa lupang tinubuan. Ang
kanilang mga kababayan kaya naway hindi
matututong mamatay dahil sa lupang tinubuan at
dahil sa kanila?
Tanung itong may kahirapan sagutin;
datapuat ang nangyaring kakila-kilabot ay hindi pa
natatapus...
Dimas Ilaw
Maynila 30 Abril 1896
Taung 1 Bilang 2

ALAN

DIMAS ALANG

DIMAS

You might also like