You are on page 1of 2

Hindi pa.

Nakakatuwa ang dalawang salitang iyon.


Hindi pa.
Para ang gandang pakinggan sa umpisa.
Parang laging may paanyaya ng simula.
Kumain ka na ba?
Hindi pa.
Napanood mo na ba tong pelikula?
Hindi pa.
Natikman mo na ba to?
Hindi pa e.
Natikman mo na ba ako?
Hindi pa.
Hindi pa.
Parang laging may kasunod na pero gusto ko sana. Parang nagsisimula ng
maraming oo, tama, magsisimula. May pangako ng isang simula. Kaya siguro
magandang pakinggan sa una dahil sa pinapangakong simula. Pero hindi pa,
sandali, huwag muna.
Mahal ko na ba? Hindi pa.
Sandali, huwag muna, mahal ko na ba? hindi kaya..huwag muna.
Tapos na ba? hindi pa, huwag sana.
Hindi pa.
Nagustuhan ko tong dalawang salita dahil sa ibang pagkakataon para bang
may pangako na balang araw magiging hindi na.
Umaasa ka pa ba? Hindi na.
Naghihintay ka pa ba? Hindi na.
Masakit pa ba? Hindi na.
Mahal mo pa ba sya? Hindi na.
Tama. Wakas. Hudyat ng isang wakas. Kaya siguro magandang pakinggan
hanggang sa ngayon dahil sa hinuhudyat nitong pagwawakas, hindi ba?
Umaasa ka pa ba? Hindi na.
Naghihintay ka pa ba? Hindi na.
Masakit pa ba? Hindi na.
Mahal mo pa ba sya? Hindi na.
Mahal mo pa ba sya? Hindi na.
Mahal mo pa ba sya? Hindi na.
Umaasa ka pa ba? Umaasa ka pa ba?
Nakalimutan mo na ba sya? Hindi na. Hindi na?
Nakalimutan mo na ba siya? Hindi pa. Tangina.
Nagsimula pero di tayo matapos- tapos sa hindi pa at hindi na. Tangina.

Isang letra lang ang pinagkaiba. Wala pang isang segundo para isulat, isang
pindot lang sa keyboard.
Tangina. Ang tagal na. Pero hanggang ngayon hindi pa.
Pag tinakpan mo nga ang letrang P magmumukha itong hindi na e. Pero
hindi pa.
Kung anu-ano na ang pinantakip ko pero gano'n pa din siya. Kung anu-ano na
ang pinambura ko, pero hanggang ngayon nasa simula pa.
Kung sinu-sino na ang nilapitan ko pero na sa'yo pa rin ang mga paa ko.
Na sa'yo pa rin ako.
Sabihin mo nga, gaano karaming salita pa ang kailangan kong isulat para
mapalitan ang isang letra? Tangina.

You might also like