You are on page 1of 2

Name: Section; Date: 10-26-2020

"Isa hanggang sampu"

Hayaan mo kong bumilang ng Isa hanggang sampu,


Isa hanggang sampung bilang na pinilit kong mabuo,
Isa hanggang sampung bilang para masabi ko lahat sayo,
Isa hanggang sampung bilang Lang Ang hinihingi ko.
Isa, Isang tao lang naman ang gusto kong Makasama habang buhay,
Isang tao lang naman ang gusto kong mapasakin habang Ako'y nabubuhay,
Isang tao lang naman ang gusto kong mahalin din ako, Tulad NG pagmamahal na
nilalaan ko.
At isang tao lang din ang gusto kong tukuyin sa tulang ito.
At yun ay ikaw, Mahal ko.
Dalawa, Dalawang salita Ang gusto kong Sabihin sayo,
Dalawang salita na gusto kong ulit-ulitin kapag Ikaw na kaharap ko,
Dalawang salita, Siyam na letra MAHAL KITA
Tatlo, tatlong salita Naman Ang lagi Kong hinihiling,
Na lagi kong naiisip sa tuwing Ikaw ay kapiling,
Na tatakot Lang ako harapang Sabihin sayo.
Tatlong salita lang, SANA MERONG TAYO.
Apat, apat na salita Ang pinapaniwalaan ko,
Apat na salita na laging isinasampal sa mukha ko, Ilan na silang nagsasabi Sakin
nito.
KUNG TAYO... TAYO TALAGA.
Pero wag sanang umabot sa lima.
Sa limang salita na labis na kinakakatakutan ko,
Limang salita na ayokong marinig Mula sayo na, KAYA MO KAHIT WALA
AKO.
Anim, anim na salita Ang gusto kong Sabihin sayo,
Anim na salita na gusto kong iparating sayo.
Per ayoko namang magmukhang tanga SA paningin mo, anim na salita
NASASAKTAN AKO KAHIT WALA NAMANG TAYO.
Pito, pitong araw sa isang linggo,
Hindi ka nawawala sa isipan ko,
Pitong araw SA isang linggo .
Ikaw Lang Ang tinitibok nitong puso ko.
Walo, walong beses sa isang araw Ikaw Lang Ang gusto kausap,
Walong beses akong nakapikit at nangangarap.
Pero nasaktan Lang ako kasi,
Minahal Kita ng buong-buo pero bakit ako minahal mo Lang ng kalahati?
Siyam, Siyam na letrang akala ko'y sapat na.
Para Sabihin na ako Rin itong sinisinta.
Pero nagkamali ako, nagkamali ako pero sasabihin ko parin sayo.
Ang Siyam. Na letra na binubuo ng Dalawang salita MAHAL KITA.
At sampu, sampung salita Ang nasa isip ko ngayon,
Sampung salita Ang Hindi ko pinapaniwalaan noon,
Dahil akala ko Meron akong pagkakataon ,
Huling bilang at huling sampung salita,
MAHAL KITA PERO SA TINGIN KO HINDI PA TAMANG PANAHON.

You might also like