You are on page 1of 2

CLEOPATRA

Si Cleopatra VII Filopator o Cleopatra VII (Griyego:


) (Disyembre 70 BK o Enero 69 BKAgosto 12, 30 BK) ang huling
paraon-reyna ng Sinaunang Ehipto. Namuno siya sa Ehipto mula 51 BK
hanggang 30 BK.[1] Siya rin ang huling miyembro ng dinastiya o pamilyang
Ptolemy na nagmula sa Masedonya, na namuno sa Ehipto sa loob ng 300
mga taon.[1] Dahil dito, siya rin ang huling Griyegong namuno sa Ehipto. Si
Ptolemy XII Auletes ang kanyang ama. Pagkalipas ng ilang taon, nakasama
niya sa paghahari ang kaniyang anak kay Julius Caesar na si Ptolemy XV
Caesarion.
Talambuhay:
Sa pagkamatay ng kanyang ama noong 51 BK, naging
kasama siyang pinuno ng Ehipto ng kanyang kapatid na lalaking si
Ptolemy XIII, na naging asawa niya rin, ayon sa kaugaliang Ehipsiyo.
Naganap ito noong 18 taong gulang na siya. Noong 49 BK, pinatalsik ng
mga tagapag-alaga ni Ptolemy XIII si Cleopatra mula sa kanyang
kapangyarihan. Nang makilala ni Cleopatra si Julius Caesar noong nasa
Ehipto ito habang tinutugis ang kalabang si Pompey, ibinalik ni Julius
Caesar sa kanyang trono at pamumuno ng Ehipto. Pagkamatay ni
Ptolemy XIII, nagpakasal naman si Cleopatra sa isa pa niyang
nakababatang kapatid na lalaking si Ptolemy XIV. Subalit nagpunta si
Cleopatra sa Roma sa piling ni Julius Caesar. Nagkaroon siya ng anak na
lalaki kay Caesar.
Noong sumakabilang buhay si Julius Caesar, nagbalik si Cleopatra sa
Ehipto. Umibig siya kay Marcus Antonius, isang Romanong heneral.
Nagkaroon si Cleopatra ng kambal na mga anak kay Marcus Antonius.
Nang mamatay si Marcus Antonius, nagpakamatay si Cleopatra noong 30
BK.
Pinagmulan ng pangalan:
Ang pangalang "Cleopatra" ay hango sa
Griyegong salitang ang ibig sabihin ay "luwalhati ng ama". Ang kaniyang
buong pangalan ay Cleopatra Thea Filopator na may pakahulugang "ang
Diyosa Cleopatra, Minamahal ng Kaniyang Ama".
Kaugnayan sa kasalukuyan:
Sa kasalukuyan, marahil isa na siya sa
pinakatanyag sa lahat ng namuno sa makalumang Ehipto; at kinilala rin

sa pangalang "Cleopatra". Nakalimutan na ang lahat ng kaniyang mga


sinundan. Sa katunayan, hindi namunong mag-isa si Cleopatra. Kapinuno,
o kasama niyang namuno ang kaniyang ama, kapatid na lalaki, kapatid
na asawa rin, at anak. Gayumpaman, sa lahat ng mga pagkakataong ito,
ang mga kapinuno niya ay hari lamang sa pangalan dahil si Cleopatra
ang may tunay na kapangyarihan.

You might also like