You are on page 1of 2

Ang mga Prayle ang mayroong pinakamataas na posisyon sa lipunan.

Sila ay sinusunod ng mga


gobernadorsilyo, kapitan heneral, guwardiya sibil at iba pang may mga posisyon sa gobyerno. Kahit
ang kapitan general, ang taong kumakatawan sa hari ng Espanya, siya ay nasa ilalim pa rin ng mga
Prayle dahil ang mga Prayle ay mayroong kapangyarihang gawin ang kanilang mga kagustuhan.
Takot ang mga tao sa mga Prayle kasi sinasabi ng mga Prayle na kailangang sundin ang kanilang
sinasabi kung hindi sila ay hindi makakapunta sa langit. Itong pananakot na hindi maligtas ang
kaluluwa ay nakapagbigay ng kapangyarihan para masunod ang kagustuhan ng mga prayle.

Sina Padre Damaso at Padre Salvi ay parehong Pransiskano. Si Padre Damaso naging pari sa San
Diego sa loob ng dalawampung taon. Si Padre Salvi naman ang kasalukuyang kura ng San Diego
dahil sa pagkakalipat ni Padre Damaso sa ibang parokya. Sila ay ang mga mahahalagang tauhan sa
nobela dahil nagpakita sila ng kasamaan sa kabila ng kanilang posisyon. Nararapat silang maging
mabuting halimbawa sa kanilang mga nasasakupan ngunit kinakitaan sila ng kagaspangan ng paguugali.
Ang tingin ni Padre Damaso sa mga Pilipino ay mababa at hindi niya binigyan ng respeto ang mga
Pilipino. Siya ay isang prayleng hindi maaasahan sa mga oras ng pangangailangan at kagipitan. Siya
ay masiyahin, mahilig kumumpas ng kamay at taklesa. Hindi niya isinasaalang-alang ang damdamin
ng iba kung makakasakit siya o hindi. Gusto ni Padre Damaso na siya ay nakakaangat sa ibang tao
at siya rin ay gustong maupo sa kabisera. Sa Kabanata 3 Ang Hapunan, dito makikita ang
kagustuhan ng mga Prayleng sina Padre Sibyla at Padre Damaso na maupo sa kabisera para sabihin
na sila ay ang kataas-taasan sa lipunan. Sa kabisera dapat nakaupo ang pinakamataas na tao sa
pamilya o lipunan pero sa hapunan ayaw ni Kapitan Tiago kumain dahil masyado siyang abala,
maging si Tenyente Guevarra ay ayaw maupo dahil ayaw niyang mapagitna sa mga prayleng
nabanggit. Ito ang kabisera na pinag-aagawan ng dalawang Prayle dahil gusto nilang dalawang
umupo rito. Noong hapunan na, inihain na ang tinola sa bawat bisita at noong nakita ni Padre
Damaso ang inihain sa kanyang parte ng manok. Ayaw niya ng mga inihaing parte ng manok dahil
para sa mga Kastila ang magagandang parte ng manok gaya ng malamang parte nito. Ang hindi
magagandang parte ng manok tulad ng pakpak, leeg, paa, gulay at sabaw ay para lamang sa mga
mabababang uri tulad ng mga Indio at mga utusan. Siya ay isang masamang kaibigan dahil tinuring
siyang kaibigan ni Don Rafael pero noong nakulong siya dahil napagbintangang pumatay sa isang
artilyero, wala si Padre Damaso sa kanyang tabi upang ipagtanggol o tulungan siya. Sinabi ni Padre
Damaso na erehe si Don Rafael dahil hindi siya nangungumpisal sa Simbahan na makikita sa
Kabanata 4 Erehe at Filibustero. Ito ay nagpapakita na hindi tunay na kaibigan si Padre Damaso
dahil sa halip na tulungan niya si Don Rafael pinalala pa ni Padre Damaso ang kaso ni Don Rafael.
Sa Kabanata 1 Isang Pagtitipon makikita ang isa pang hindi mabuting katangian ni Padre Damaso
dahil siya ay isang taklesa. Wala siyang pakialam sa taong kausap niya kahit ito ay nakakasakit sa
ibang tao. Masalita siya na parang hindi pinag-iisipan ang kanyang sinasabi, salita lamang siya ng
salita at hindi iniisip ang kausap kung naapektuhan o hindi.

Si Padre Salvi ay isang halimbawa ng isang walang awang tao. Siya ang kasalukuyang kura ng San
Diego. Nang sina Crispin at Basilio ay hindi pinaalis ng sakristanmayor dahil ibinintang ng
sakristanmayor at ni Padre Salvi na si Crispin ang nagnakaw ng dalawang onsa. Kahit anong
paliwanag ni Crispin na hindi siya ang nagnakaw siya ay hindi pinakinggan at patuloy na
pinagbintangang nagnakaw ng pera. Sa ginawang parusa ng sakristanmayor at ni Padre Salvi, hindi
na nakita ni Basilio si Crispin mula noon. Ito ay makikita sa Kabanata 15 Mga SaSakristan. Ang
lihim na pagtingin ni Padre Salvi kay Maria Clara ay hindi dapat makikita sa isang Prayle. Hindi
lamang hinahangaan ni Padre Salvi si Maria Clara; mayroong gusto kay Maria Clara si Padre Salvi.
Ito ay makikita sa Kabanata 5 Isang Bituin sa Gabing Madilim.

Ang Espanyol ay tumutulong sa kapwa Espanyol kahit hindi sila magkakaibigan. Sila ang
nagtutulungan kaysa tulungan ang mga higit na nangangailangan tulad ng mga Pilipino. Ito ay
nagpapakita ng paghihiwalay ng ibat ibang mga lahi sa lipunan. Ang mga Prayle noong mga
panahong iyon ay maraming hindi magandang ginagawa sa lipunan at sa mga taong nasasakupan
nito.

You might also like