You are on page 1of 1

Filipino First Quarter Exams Grade 4

Bahagi ng Aklat:
DIREKSYON: Bilugan ang letra tamang sagot.
1. Hawak mo ang isang aklat. Gusto mo agad malaman kung ang
paksang kailangan mo ay matatagpuan dito. Anong bahagi ang
gagamitin mo?
a. Glosari o talahulugan
b. Talaan ng mga nilalaman
c. Pabalat
2. Nakita mong nasa aklat na ito nga ang iyong hinahanap. Ngayon ay
gusto mo nang basahin ang tungkol sa paksang ito. Anong bahagi ang
gagamitin mo?
a. Nilalaman ng aklat
b. Bibliyograpi o talasanggunian
c. Indeks o talatuntunan
3. Muli kang naghanap ng iba pang aklat. Gusto mong kunin lahat ng
aklat sa cabinet na kaugnay ng panitikang Pilipino. Anong bahagi ang
dapat mong tingnan upang agad mong makuha ang mga aklat na
kailangan mo?
a. Glosari o talahulugan
b. Indeks o talatuntunan
c. Pabalat
4. May mahihirap na salita kang hindi maunawaan ang kahulugan. Anong
bahagi ang gagamitin mo upang matulungan ka sa kahulugan ng mga
salitang ito?
a. Glosari o talahulugan
b. Indeks o talatuntunan
c. Bibliyograpi o talasanggunian
5. Gusto mong malaman kung kalian naisulat ang aklat upang Makita
kung ang mga impormasyong taglay ay bago pa o matagal na. Anong
bahagi ang gagamitin mo?
a. Glosari o talahulugan
b. Talaan ng mga nilalaman
c. Pahina ng karapatang sipi

You might also like