You are on page 1of 4

Dengue Fever

Ang
Dengue
ay
isang
malubhang sakit na nakukuha sa kagat
ng lamok na Aedes aegypti. Ang taong
naimpeksyon nito ay nagkakaroon ng
mataas na lagnat na tumatagal ng
dalawa hanggang pitong araw na
kapag hindi naagapan ay maaring
ikamatay. Mga bata ang kadalasang
biktima ng Dengue.
Ang sanhi ng sakit na dengue
ay mula sa kagat ng lamok na
tinatawag na Aedes Aegypti

Ito ay mga lamok na kadalasang


naninirahan sa mga madidilim na lugar
malapit sa bahay. Ito'y nangangagat
lamang tuwing umaga. Pagkat mababa
na ang kanilang lipad tuwing hapon.
Iyon din ang dahilan kung bakit sa taas
lng ng parte ng katawan sila
nangangagat. Nangingitlog ang lamok
na ito sa mga lugar na kung saan may
tubig na hindi dumadaloy, nakaimbak
lang at mga naipon sa lalagyan tulad
ng mga plorera o flower vase, lata,
dram, timba, lumang gulong, at iba pa.
Ang mga sintomas sa dengue:

Pagkatapos
makakagat
ng
lamok, ang incubation period ng
pagkakaroon ng dengue ay nasasabing
3 hanggang 5 araw bago lumbas ang
sintomas ng mga dengue:

Nagsisimula ito sa chills o


panginginig ng katawan
Masakit ang ulo
Mahirap at masakit igalaw ng mga
kalamnan, kasu-kasuan at likod na
parte ng mata sa loob ng isang oras
Mataas na temperature na umaabot
sa 40 degrees Celsius (104 degrees
Fahrenheit).
Lagnat na tumatagal ng
dalawa
hanggang pitong araw
Mabagal ang pagtibok ng puso at
mababa ang blood pressure
Panghihina
Pagkakaroon ng maliliit at pulang
pantal sa balat na tinatawag na
petechiae
Balinguyngoy kasabay ng pagbaba
ng lagnat
Maitim na dumi
Nahihilo at nasusuka
*Mabuting magpatingin agad sa doctor
pag nakaramdam ng alin mang
sintomas ditto. Para maiwasan ang
paglalala nito.
Paano nakakahawa
Fever?

ang

Dengue

Ang mga tao ay nagkakaroon ng


dengue fever mula sa kagat ng
infected o naapektuhan na Aedes
Aegypti na lamok. Ang lamok ay
nagiging infected kapag nakakakagat
sila sa mga infected na tao. Ngunit
hindi ito nakakahawa at hindi napapasa
ng tao sa kapwa. Nakakahawa lang ito
kapag kinagat ng lamok ang taong may
dengue at kumagat ulit sa taong wala
pang sakit.

Paano natutuklasan at nalulunasan


ang Dengue Fever?
Ang doctor ay nagsasagawa ng
blood test sa taong pinaghihinalaan
na may dengue. Ito ay isang uri ng test
na kukuhanan ng dugo ang tao.
Malalaman dito kung sya ay positibo o
hindi sa dengue fever.
Komplikasyon ng Dengue Fever:
Kapag hindi nagamot agad and
Dengue fever, maaaring mauwi ito sa
DENGUE HEMORRHAGIC FEVER. Ito ay
isa tinatawag na malalang klase ng
sakit at maaaring ikamatay ng
pasyente.
Ipagbigay-alam agad sa malapit
na barangay health center o ospital
kapag
nakaramdam
ng
mga
sumusunod na sintomas:
1.) Mataas na lagnat
2.) Masakit ang ulo
3.) Namamaga ang lalamunan
4.) Pagsakit ng tiyan
5.) Pagsusuka na may kasamang dugo
6.) Nahihirapan sa paghinga at inuubo
7.) Pagdumi na may kasamang dugo
8.) Mabilis magdugo ang sugat, ilong at
gilagid
Paraan
upang
Dengue Fever:

makaiwas

sa

Sa kasulukuyan, sinasaliksik pa
lamang ang bakuna sa Dengue. Ang
pagkontrol sa lamok na sanhi ng
Dengue ang pangunahing paraan
upang maiwasan ang sakit na ito.
Ang DOH
alituntunin
Dengue:

ay naglabas ng
upang
maiwasan

mga
ang

1.) Takpan ang mga dram at timba


kapag hindi ginagamit upang mapigilan
ang pagdami ng mga lamok.

2.) Palitan ang tubig sa mga plorera


linggo-linggo. T ng
3.) Linisin ang mga dram at timba
upang matanggal ang mga itlog ng
lamok na nakakapit sa mga ito.
4.) Linisin parati ang alulod ng bahay at
mga halamanan upang hindi maimbak
ang tubig ulan na maaring pangitlugan
ng mga lamok.
5.)Butasin ang mga lumang gulong
upang hindi maipon ang tubig dito.
6.) Itabi o itapon ng wasto ang mga
lumang lata, bote.
7.) Gumamit ng mga damit na may
mahabang manggas tuwing umaga
upang maiwasan na makagat ng
lamok.
8.) Gumamit ng pamatay sa insekto
upang indi pumasok sa bahay ang
lamok at mamatay ito.
KAALAMAN:
9.)IMPORTANTENG
Uminom ng bitamina
C, kumain ng
gulay at prutas para magkaroon ng
1.
Ang dengue
ay isangna
sakit
na
malakas
na resistensya
panlaban
sa
makukuha
sa
Aedes
Aegypti
na
sakit.
lamok. Trangkaso ang komplikasyon
nito na maaaring magpalalala sa
10.) Bumisita
at magpakonsulta agad
sitwasyon
ng pasyente.
sa
doctor
pag
nakaramdam
ng mga
2. Ang dengue hemorrhagic
fever ay
sintomas
ng
dengue.
mas malalalang sakit na maaring
ikamatay ng pasyente.
3. Lahat ng tao ay maaaring tamaan
ng sakit, bata man o matanda at
kahit anung edad. Subalit, kadalasan
mga bata na nasa edad na 5-9 na
gulang ang naapektuhan.
4. Panahon ng tag-ulan madalas
sumulpot ang sakit na dengue
(Hunyo-Disyembre).
Subalit
pinakamataas ay sa buwan ng
Sityembre
hanggang
dulo
ng
Oktubre.
5. Madaming dapat gawin upang
makaiwas sa dengue. At isa na dito
ay
ang
tamang
paglilinis
sa
kapaligiran upang mapigilan ang

Linisin ang
kapaligiran,
nang sakit na
DENGUE ay
maiwasan
Pinaghandaan ng Group 25:
Noel Joses G. Aguilar
Rachel Carla B. Baas
Renz Froilan Ocampo
Mirizza Pasos
Mark Anthony Pena
Margaret B. Pescante
John Nikki Pilapil
Ma. Realiza O. Rejuso
Mary Rechel P. Roncales
Ron Louie Santos
Andrea Francesca Santos
Adrienne Sumarinas

Clinical Instructor:
Ms. Lovelle Baricaua, RN, MSN

101

You might also like