You are on page 1of 2

Adolescence Period: Panahon ng pagbabago sa pagkatao

Ang panahon ng adolescence ay isang bahagi sa buhay ng tao kung kailan nagaganap ang
pinakamalaki at pinakamabilis na mga pagbabago sa maraming aspeto ng pagkatao. Ang mga
pagbabagong ito ay napakahalaga at tiyak na makaaapekto sa buhay ng isang indibidwal at sa
pakikitungo niya sa lipunan na kanyang ginagalawan. Sa panahong ito din pinakamabilis na
nahuhubog ang personalidad, mga kakayanan at kaalaman, at pag-angkop sa mga kaganapang
emosyonal.

Kailan nagaganap ang mabilis na pagbabago ng pagkatao?


Walang ispesipikong panahon na maiuugnay kung kailan magaganap ang mabilis na pagbabago
sa pagkatao ng bawat indibidwal. Ang panahon ng mga pagbabagong pisikal, emosyonal,
sekswal, at sa iba pang apeto ay naiiba-iba sa bawat tao. Ang edad ay isa lamang sa maaaring
pagbasehan ng pagsisimula ng mga pagbabago sapagkat ang kultura ng isang lipunan na
kinabibilangan at ang pakikisalamuha sa iba pang indibidwal ay mga salik din sa pagtupad ng
mga pagbabago sa pagkatao.

Ano ang mga pagbabagong pisikal na nagaganap sa panahong ito?


Isa sa mahahalagang pagbabago na nagaganap sa adolescence period ay ang pagbabago sa hubog
ng pangangatawan ng isang indibidwal mula sa pagiging bata patungo sa panahon ng pagbibinata
o pagdadalaga. Ang mga panahong ito na tinatawag din na puberty stage ay binubuo ng mga
sumusunod na pagbabagong pisikal:

Pagtubo ng mga buhok sa ilang bahagi ng katawan gaya ng kilikili,


mukha na partikular sa mga kalalakihan, at sa maseselang bahagi ng
katawan sa parehong kasarian.

Mabilis na pagtangkad

Paglapad ng balikat sa mga kalalakihan, at balakang sa mga


kababaihan.

Paglalim ng boses ng mga kalalakihan

Paglaki ng dibdib ng mga kababaihan

Pagsisimula ng menstrual cycle o buwanang dalaw sa mga kababaihan

Ang mga pagbabagong ito ay dulot ng pagtaas ng mga lebel ng hormones: testoserone sa mga
lalaki, at estrogen sa mga babae.
Ano naman ang mga pagbabago sa mentalidad ng bawat indibidwal
sa panahong ito?
Malaki rin ang pagbabago sa kaisipan ng bawat isa sa panahong ito na maiuugnay din sa
pagbabago sa lebel ng hormones sa katawan. Dahil dito, maaaring magbago ang kakayanan ng
isang tao sa pagdedesisyon, pagpaplano sa buhay, emosyon sa bawat kaganapan sa buhay, at mga
bagay na ikaliligaya. Sa madaling salita, maaaring magkaroon ng mga pagbabago sa
personalidad ng isang tao sa panahong ito.

Pagbabago sa pakikisalamuha (social), at paraan ng pag-iisip


(psychological)
Ang pagbabago sa lebel ng hormones at mentalidad ng isang tao ay maaaring makaapekto rin sa
mga pagbabago sa pakikisalamuha at paraan ng pag-iisip ng isang tao. Nagbabago ang
kakayanan ng isang tao na matuto ng mga bagong kaalaman at kakayanan, gayundin ang
pagbibigay ng rason, lohika, at maging pananaw sa buhay. Ang impluwansya ng kultura at
lipunan ay mahalagang salik din sa pagbabagong ito.

Ang emosyon o damdamin


ay ang pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawa ng pisikal kundi ng
mental at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa, o ang ugali ng
isang indibidwal. Iba iba ang emosyon na mararamdaman sa buhay tulad ng
saya, lungkot, pagsisisi, pag-galit, tuwa at iba pa. Lahat ng tao ay may
emosyon, maaring manhid ang isang tao na minsan makaramdam kung siya
ay hindi mapag-bigay at mapagpatawad. Maari ring ang emosyon ng isang
tao ay dulot ng pag-ibig o pagmamahal.

Ugali

Ang ugali o asal ng tao ay nagbabago kapag ito ay nakaramdam ng


emosyon. Halimbawa, ang isang indibidwal ay nakaramdam ng tuwa, gusto
niya itong ulit-ulitin para maging masaya o kaya naman ay ang isang
indibidwal ay nangdaya, darating sa buhay niya ang pagsisisi.[2]
Pinagaaralang mabuti ng mga siyentipiko ang gawaing mental ng emosyon,
tulad nila William James (1842 1910) at Carl Lange (1834 - 1900), na
binase ang kanilang mga sinulat na libro sa mental at sariling karanasan.

You might also like