You are on page 1of 1

Stephanie Sundiang BSTM-1A

INTRODUKSYON:

Hindi nating maitatatangi na maraming mga magagandang mga


destinasyon ang makikita sa ibat ibang lugar sa ating bansa. Kung ako ang
inyong tatanungin kung anong probinsya ang aking paborito? Walang iba kundi
ang Pampanga na kung saan ako namulat. Ang Pampanga, isang lalawigan na
mayaman sa kultura. Isang lugar na kilala sa kanilang kahusayan sa pagluluto.
Isang lugar na kung saan ang halos lahat ng mga bayang nakapapaloob doon ay
maunlad. Napakaraming lugar ang iyong maaaring puntahan na makikita at
mauunawaan mo ang kultura ng Pampanga. Maraming mga turista ang mga
pumupunta rito dahil sa mga nakakamanghang kagandahan ng mga tanawin at
makulay na kultura nito. Dahil sa pagsasama sama ng mga Kapampangan,
nakagawa sila ng isang produktong napakaganda at nakakabilib. Hindi
masamang gamitin ang lente ng turismo para maipakilala ang mga
magagandang lugar sa Pampanga. Ito ay isang magandang lente dahil sa
pagdating ng mga turista sa mga lugar na ito mas naprepreserba ang mga lugar
na iyon dahil kinakailangang mapanatili ang pagiging maayos at ang
kagandahan ng lugar. Kaya Halinat ating tuklasin ang kagandahan ng
Pampanga.

You might also like