You are on page 1of 3

BABASAHIN

PANTAHANAN
MARIA MAKILING

PAGSUSURI SA PAMAGAT:
Sa alamat ng Pilipinas, si Maria Makiling ay isang diwata na nagbabantay ng
Bundok Makiling, isang bundok na matatagpuan sa Los Baos, Laguna.
Nilalarawan siya bilang isang magandang dalaga na may mahabang buhok at
kulay kayumangging kaligatan.

PAGKILALA SA MAY-AKDA:
Si Jose Rizal ay nakilala sa dahil sa kanyang dalawang nobela, ang Noli Me
Tangere, na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886) sa tulong ni Dr. Maximo Viola, at
ang El Filibusterismo, na nilathala sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni
Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo. Naglalaman
ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari
sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at
hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito
ang naging daan upang magising ang puso't diwa ng mga Pilipino.

PAGKILALA SA TAUHAN:
Mariang Makiling,Dayang Makiling, Gat Panahon at mga taga Nayon.

PAGSUSURI SA TAGPUAN: Bundok Makiling


PAGLALARAWAN SA TAGPUAN:
Bundok Makiling-isang bundok na nasa lalawigan ng Laguna sa pulo
ng Luzon, Pilipinas. Ito ay isang bulkang hindi aktibo, na may taas na 1,090 m sa
taas ng dagat. Maraming mga alamat ang patungkol sa bundok tulad ng mga
kuwentong bayan tungkol kay Maria Makiling.

PERSONAL NA RELASYON:
Imahen ng paghihimagsik laban sa mga kastila.
MENSAHE:
Ang mensahe sa kwento ay upang tularan natin si Mariang Makiling sa
kaniyang kabutihan at sa pagmamahal niya sa kaniyang mga magulang.At
upang matuto tayong pangalagaan ang ating kalikasan tulad ng alamat ni
mariang makiling.

You might also like