You are on page 1of 7

PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

SINAUNANG LIPUNAN
Ang ating mga ninuno ay nabubuhay noon pagitan sa mga butil, bungang kahoy sa
gubat, natutong mangaso at mangisda, natutuhan din nilang magtanim ng
halaman, mag alaga ng hayop at kinukuha nila ang kanilang mga pangangailang sa
pang araw-araw na pamumuhay.

SISTEMANG PYUDALISMO
Nakabatay ang estruktura ng lipunan sa ugnayan ng panginoong maylupa at ng
kanyang basalyo.

SISTEMANG PANG-EKONOMIYA
Ang sistemang pang-ekonomiya sa panahon na ito ay ang BARTER na kung saan
hindi gumagamit ng salaping pangbayad ng produkto bagkus ay pagpapalitan ng
produkto. Ang bansang Tsina ang kapalitan ng ating mga ninuno sa pamilihan. Dala
ng mga Tsino ang porselana, banga, at seda kapalit ng produktong katutubo tulad
ng pagkain at kagamitan.

MGA IKINABUBUHAY
Paggawa ng bangka/barko Paggawa ng alahas

Paninisid ng perlas Paghahabi ng tela

Paggawa ng alak

PANAHONG KASTILA

Mga Pagbabago:
-Encomienda/Hacienda
- Pagbabago sa sistema ng
Agrikultura
- Pagtatag ng mga Bagong
Kompanya/Industriya
- Pagbubuwis
-Kalakalang Galyon
- Monopolyo ng Tabako

SISTEMANG REDUCCION

Pinaghihiwalay ng mga Espanyol ang magkakamag-anak sa pamamagitan ng


pagpapadala sa mga ito sa ibang lupain.

SISTEMANG ENCOMIENDA

Isinailalim ng pamahalaan ng spain sa Sistemang Encomienda ang mga nasakop na


lupain ng ating mga ninuno. Ang mga lupaing ito ay pinapangasiwaan ng mga
encomendero. Sa panahong ito sapilitang pinagtrabaho ang mga ninuno. Ang
nakukuhang produkto o kalakal ay dinadala sa Spain. Sapilitan ding pinagbabayad ang
ating mga ninuno ng buwis o tributo.

SISTEMANG HACIENDA

Sa sistemang Hacienda, naabuso rin ang kalagayan ng ating mga ninuno. Hindi sila
makakain ng maayos at kalupitan din lamang ang kanilang naranasan sa mga Espanyol.
Sa halip na palay ang itinatanim sa
mga lupaing agrikultural ng mga
katutubo, mga produktong tulad ng
tabako, niyog, at tubo ang ipinalit ng
mga Espanyol.

KALAKALANG GALYON
Nagkaroon ng Kalakalang Galyon sa pagitan ng Maynila at Acapulco sa Mexico. Ang
kalakalang ito ay monopolyo ng mga Espanyol ng naging daan upang magkaroon ang
kanilang bansang dagdag na yaman. Subalit, nalugi ang kalakalang ito dulot ng mga
digmaang nilahukan ng mga Espanyol ng naging sanhi rin ng paghina ng kanilang
bansa.

PANAHON NG MGA AMERIKANO


Ang mga pagbabago sa panlipunang pamumuhay ng mga Pilipino noong
panahon ng mga Amerikano ay nakatulong sa pag unlad ng bansa. Ayon sa mga
Amerikano, ang mga patakarang pangkabuhayang kanilang inilunsad para sa kaunlaran
ay isa pa ring paghahanda sa kaunlaran ay isa pa ring paghahanda para sa diumanong
nalalapit na pagsasarili ng mga Pilipino.

Ang Pilipinas ay isang bansang agricultural kaya ito ay isa sa mga pinatuunan ng
pansin ng mga Amerikanong malinang sa bansa. Dagdag pa rin anmg mga batas na
kanilang pinairal hinggil sa wastong paggamit at pangangalaga sa mga likas yamang
pinagkukunan ng bansa.

Itinuro sa mga magsasaka ang makabagong paraan ng ng pagsasaka, pagbili ng


pananim na magiging mabunga, paggamit ng pataba, pagpapatubig sa bukid at mga
gamit makinarya sa pagtatanim.

PANAHON NG HAPON
PANAHON NG HAPON

PATAKARANG PANG EKONOMIYA


Pamahalaang Puppet
Isang Pamahalaang Puppet ang itinatag na republika. Bagaman isang Pilipino ang
pangulo, mga Hapones pa rin ang makapangyarihan. Ang mga kautusang ipinalabas
ni Pang. Laurel ay hindi ipinatupad kapag hindi ito makakabuti para sa mga
Hapones.

Pamumuhay ng mga Pilipino


Nabuhay sa takot ang mga Pilipino. Laganap sa buong kapuluan ang walang awang
pagpaparusa at pagpatay sa mga Pilipino. Naging instrumento ng kalupitan ng mga
Hapones ang mga Kempeitai (pulis-militar) at MAKAPILI (Pilipinong maka-Hapon).

Comfort Women
Maraming mga babae ang naging biktima ng panggagahasa ng mga sundalong
Hapones. Sila ay tinawag bilang mga comfort women. Noong una, ayaw aminin ng
pamahalaang Hapon ang gawaing ito, hanggang sa naglakas-loob na inihayag ni
Maria Rosa Henson (Lola Rosa) kaniyang karanasan noong 1992.

Kilusang Gerilya
Dahil sa kalupitan ng mga Hapones, maraming mga Pilipino ang sumali sa kilusang
gerilya. Ito ay itinatag ng mga dating kawal na Pilipino at Amerikano. Ang iba sa
kanila ay itinatag ng mga dating pinuno ng bayan o lalawigan.

You might also like