You are on page 1of 2

King Frederick M.

Arocena

STEM 102-E

Discussion: Week 18

Nakatulong ang subhektong "Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino" sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman at angkop sa paksang
pinaguusapan. Ang subhektong ito rin ay nagsisilbing gabay ng mga estudyante na
nagsisipag aral sa antas na grade 11 ito rin ay siyang naging daan sa pagka hubog ng
bawat isang estudyante. nakatulong rin ito pagpapalawak ng kaalaman ng isa sa ungkol
sa tama at angkop na paggamit ng wikang filipino. At ito narin ay siyang naging tulay
namin upang magkaroon kami ng sapat na kaalaman tungkol sa kultura ng bawat
mamamayang pilipino na naninirahan sa ating bansa

Essay: Week 13

Bago ako magumpisa gusto ko muna bigyayan ng pasasalamat si Kalihim Luistro dahil sa
pagpapahayaag ng kanyang damdamin o saloobin ukol dito sa mga usaping ito. Ngayon naman
ay ipapahayag ko ang aking kaisipan ukol sa mga usaping ito umupisahan ko ang usaping ito
ukol sa Paglaganap ng Paggamit ng Beki language pero bago ko to simulan ay gusto ko parin na
ipahayag na inirerespeto ko parin ang kanilang lengguwahe, Ngayon ang masasabi ko sa kanila
ukol sa paraan ng kanilang pananalita ito napaka malikhain ngunit dahil sa pagkakroon ng
bagong wikang ito tila ba hindi na nagagamit ng wasto ang ating wikang kinagisnan kung sakali
naman na manatili ang wikang ito huwag nating hayaan na mawala sa puso at damdamin nain
ang wikang sariling atin panitilihin parin nating tong buhay at pumapayagpag sa puso bawat
isang Pilipino. Bago ko tapusin ang talakayin ko ukol dito gusto ko lang na malaman ng tao na
ang paggamit ng ibang wika ay maaring magdulot ng malaking pagbabago sa paraan ng
pananalita ng isang tao o kung paano sila magisip kaya ang naiisi ko lamang ay panatilihin naing
ang pag gamit ng wikang ating kinagisnan sa tamang paraan.

Ngayon talakayin naman natin ang tungkol sa Pagkabihasa ng Maraming Mag-aaral sa Wikang
Ingles kaysa sa Wikang Filipino sa aking palagay ay ito ay ayos lamang dahil ang kasanayan na
yon ang maaaring magdala o maging tulay ng mga magaaral upang maabot nila ang kanilang
mga kakayahan pero ang bagay na katulad nito ay di angkop kung ito dapat ay sususkatin dapat
lamang na balanse ang kakayahan ng pag gamit ng wikang ingles at ng wikang filipino ng bawat
mag-aaral at malaking pasasalamat nalang ng iba sa K-12 na nagiging daan nila upang lalong
mahubog ang kakayahan ng bawat estudyante ukol sa wastong paggamit ng wikang Filipino at
bago naman tapusin ang usapin ko ukol dito nais ko lang muna na sabihin na wag nating hayaan
na manaig ang wikang ingles ngunit panatilihin nating balanse ang paggamit ng dalawang
wikang ito.

Ang pang huling isyu ay ang Pagkakaroon ng Mother tongue Based-Multilingual Education ang
masasabi ko naman tungkol dito ay ang paggamit ng wika na naiintindihan ng lahat ng mga
Pilipino dahil ang wikang ito ang nagpalaki at maaaring ito narin ang maging daan sa paunlad sa
nating mga Pilipino. Pero kung iisipin mo din naman ay hindi rin naman masama na magkaroon
ng isang ganitong paraan hanggang nahuhubog at may natutunan tayong bagong kaalaman ito ay
maganda at para sa ikauunlad rin ng ating bansa.

You might also like