You are on page 1of 1

KABANATA XXI: NAHATI ANG MAYNILA

Sumabog sa Kamaynilaan ang balitang magpapalabas ng operetang Pranses ang bantog


na pangkat ni Mr. Jouy./ Gaganapin ang pagtatanghal sa dulaang Variedades./
Pinamagatang Les Cloches de Corneville./ Tagaumpay ang gagawing palabas ng
operetang Pranses, dahil maaga pa lamang ay wala nang mabiling tiket. / Mahirap
matukoy kung dapat ipagpasalamat ito sa pagbabawal ng simbahan na panooring ang
ganoong palabas./

Pero para kay Tiyo Kiko, ang paglalagay ng kartel ay dahilan para dumugin ang
palabas./ Si Camaroncocido ay walang pakialam sa tagumpay ng palabas, bagamat isa rin
siya sa nagkakabit ng kartel./ Wala rin siyang pakialam sa maaaring maganap
nahimagsikang binabalak ni Simoun, bagay na kaniyang nakita at narinig./ Samantala, si
Tadeong nagkukunwaring nakauunawa sa wikang Pranses ay nagmamalaki sa kasamang
bagong salita mula sa lalawigan./ Wala si Basilio sa dulaan, kaya ang ticket na laan para
sa kaniya ay napunta kay Tadeo./

KABANATA XXII: ANG PALABAS


Naging maingay ang dulaan./ Lampas na sa oras ay di pa nagsisimula ang palabas dahil
wala pa ang Kapitan Heneral./ Kapansin-pansin ang isang upuang bakante at hinihinalang
ito ay para kay Simoun./ Tinugtog ang Marcha Real na hudyat ng pagdating ng
heneral./Hawak na ni Pepay ang kasulatang ibinigay ni Don Custodio sa mananayaw. /

Masaya ang lahat ng mag-aaral, maliban kay Isagani na labis na nagseselos kay Juanito
Pelaez dahil kasama nito ang kasintahang si Paulita Gomez./ Naroon din si Padre Irene na
kahit nagbalatkayo ay nakilala ni Tadeo./ Ipinagkanulo siya ng kanyang matangos na
ilong. Hindi tinapos ng mga mag-aaral ang palabas nang mabasa ang pasiya ni Don
Custodio./ Nagtuloy ang mga estudyante sa isang pansiterya ng mga Intsik.

You might also like