You are on page 1of 1

Ang pulmonya ay pangunahing sanhi ng mga impeksiyong dulot ng bakterya o mga

birus at mas bihirang dulot ng fungi at mga parasitiko. Mayroong mahigit sa 100 uri
(strain) ng mga nakakahawang nagdudulot nito (agents).
Bakterya ang pinaka-karaniwang sanhi ng community-acquired pneumonia
(pulmonyang nakuha sa komunidad) (CAP). Ayon sa World Health Organization, ang
Streptococcus pneumoniae bacterium ay pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng
pulmonya.
Ang ibang karaniwang hiniwalay na mga bakterya ay kinabibilangan ng:
Haemophilus influenza (Birus ng trangkaso)
Chlamydophila pneumoniae
Mycoplasma pneumoniae.

Sa mga nasa hustong gulang, ang mga birus ang responsable para sa humigit-
kumulang na ikatlo karaniwan sanhi ng mga kaso ng pulmonya. Kabilang sa mga
karaniwang birus ay:
Rhinobirus
Coronabirus
Birus ng trangkaso
Adenobirus
Parainfluenza
Ang pulmonyang sanhi ng fungus ay hindi karaniwan, ngunit mas karaniwang
nangyayari sa mga indibiduwal na mayroong huminang mga sistema ng resistensiya
dahil sa AIDS, mga gamot na pampahina ng sistema ng resistensiya, o ibang mga
medical na problema. Ito ay pinakamadalas na sanhi ng Histoplasma capsulatum,
blastomyces, Cryptococcus neoformans, Pneumocystis jiroveci, at Coccidioides
immitis.
Maari din maging sanhi ng pulmonya ang mga parasitiko. Ang ibat-ibang mga
parasitiko ay maaaring makaapekto sa mga baga, kabilang ang: Toxoplasma gondii,
Strongyloides stercoralis, Ascaris lumbricoides, at Plasmodium malariae.

You might also like