You are on page 1of 1

Bilang Asyano, napakalaking pribilehiyo na magkaroon ng ambag sa ikauunlad ng ating

pinakamamahal na kontinente. Kung ating babalikan, samut saring paghihirap ang naranasan ng
Asya, nariyan ang pagsakop ng mga Kanluranin sa ibang parte ng ating kontinente, maging ang
pag kakaroon ng alitan sa isat isa ay ating naranasan bago marating ang hindi man perpekto
ngunit maayos na posisyon sa kasalukuyan.

Sa mga nakalipas na taon tunay nga na mayroong maipagmamalaki ang mga Ayano, hindi
lamang sa pisikal at pinansyal na aspeto, ngunit maging sa kagandahang asal na naipamalas ng
bawat isa, maliit man o malaki upang magbunga ng ikabubuti at ikauunlad ng ating kontinente.

Hindi lingid sa ating kaalaman na nagkaroon ng digmaan noong sinaunang panahon, sa


kabila ng walang kasiguraduhan sa pagkapanalo laban sa mga mananakop, buong puso at buong
tapang na nakipagsapalaran ang ating mga ninuno upang maipaglaban ang tama at ituwid ang
baluktot na hangarin ng mga dayuhan. Ipinakita ng mga Asyano ang pagiging matulungin sa
bawat isa ng sinoportahan nila ang magandang layunin ng bawat isa ng walang pagdadalawang
isip. Ang pagiging makasarili sa panahon ng kagipitan ang awtomatikong magiging naturalesa ng
tao, ngunit pinatunayan natin na mas magandang mawala sa mundong ibabaw ng sama sama at
nagkakaisa sa tamang layunin kaysa sa mabuhay ng mag isa at wala ni isang nagawang mabuti
para sa ating bayan. Ang pagiging bukas ang palad ang isa sa mga katangian na hindi natin dapat
ikahiya bagkus ay ipagmalaki dahil nagawa nating pabungahin ang magagandang asal na
pinamana at itunuro sa atin.

Ngayon, maaaring hindi digmaan ang nagaganap ngunit isang malawakang pagbabago ng
klima, hindi tao ang kalaban ngunit ang kalikasan mismo. Tunay nga na isa tayo sa mga
responsible sa mga kaganapan, napabayaan man o nakalimutan ang tungkulin hindi tama na isa
isahin natin ang mga pagkakamaling nagawa, bagkus ating isa isahin kung ano ang mga bagay na
magagawa natin upang magdulot ng maganda at ating kapakikinabangan. Bilang asyano, dala
natin ang mabubuting kultura at pamana ng ating mga ninuno, minsan tayong nagkaisa nang mga
panahon na may iisa tayong hangarin.

Nakakasiguro ako sa inyo na, kameng mga Asyano dala ang kagandahang asal, ay
naniniwalang ito ang isa sa mga kasgutan upang matugunan ang malawakang pagbabago ng
klima, minsang naging posible ang pagtatagumpay at hindi malabong maulit ito lalo nat dala ng
bawat Asyano ang pamanang hindi kayang tumbasan ng ginto, ang kanilang magagandang
katangian.

You might also like