You are on page 1of 2

Ano ang tayutay?

Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o
damdamin. ito rin ay isang pahayag na sadyang mamasining at kaakit-akit.

1.Ano ba ang Pagtutulad?


Ang Pagtutulad ay naghahambing sa dalawang magkaibang bagay, tao o pangyayari. Ito ay
tinatawag na hindi tuwirang paghahambing dahil ang mga pinaghahambing dito ay mga
magkaibang bagay, ginagamitan ito ng mga pariralang tulad ng, gaya ng, animoy, kawangis ng,
kagaya ng, mistula, tila, wari at iba pa.
Halimbawa:
A. Ang mga pananalita moy tila balaraw na tumatarak sa aking puso.
B. Wangis moy bituin sa langit aking sinta.

2.ANG PAGWAWANGIS ito ay tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng mga


parirala. Ito ay isang tuwirang paghahambing ng isang tao, bagay at pangyayari.
Halimbawa:
A.Ang kanyang pisngi ay talulot ng rosas na ibig kong hagkan.
B. Para kay Lito, si Marlyn ay isang anghel na nagmula sa kalangitan.

3.Ang Personipikasyon po ay ginagamit upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang


pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay. Sa personipikasyon ay isinasalin
ang mga katangian ng tao sa isang bagay na walang buhay.
Halimbawa:
A.Ngumiti ang kapalaran nang mapadpad siya sa ibang bansa.
B.Hinaplos ng hangin ang nagpupuyos niyang damdamin.

4.ANG PAGMAMALABIS Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang


tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan. Ito
rin ay isang pahayag na eksaherado o labis na katotohanan. Nagpapahayag ito sa higit na
kalagayan ng tao, bagay o pangyayari.
Halimbawa:
A.Nabasag ang kanyang bungo dahil sa bigat ng kanyang problema.
B. Nadurog ang kanyang puso dahil sa kapighatiang dulot mo.

5.ANG PAG-UYAM Ito ay mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng


mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na
kahulugan ay may bahid na pang-uyam. Ito ay pahayag na nangungutya, sa una ay maganda
ang katangiang sasabihin ngunit sa huli ay pangungutya ang kalalabasan nito.
Halimbawa:
A.Maganda at kahali-halina ang kanyang katawan na hubog bariles.
B. Kay bait mong kaibigan. Pagkatapos kitang tulungan sa iyong mga kagipitan ay inagaw mo
pa ang aking kasintahan.

You might also like