You are on page 1of 14

TAYUTAY

Ano ang tayutay?


O Ito ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang
paggamit ng salita upang gawing mabisa,
matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang
pagpapahayag.
Ilan sa mga uri ng tayutay ay ang
mga sumusunod:
1. Pagtutulad o Simili
2. Pagwawangis o Metapora
3. Personipikasyon (Personification)
4. Metonomiya
5. Aliterasyon
1. Pagtutulad o Simili
o Ito ay ang paghahambing sa dalawang
magkaibang tao, bagay, pangyayari
atbp.
o Ginagamitan ito ng mga pangatnig o
salitang: tulad ng, katulad ng, paris ng,
kawangis ng, parang, animo, kagaya ng,
magkasing, atbp.
Halimbawa
a. Ang puso mo ay gaya ng bato.
b. Ang tao ay gaya ng halamang
nararapat diligin.
c. Ang kanyang kagandahan ay
mistulang bituin sa ningning.
d. Tila maamong tupa si Juan kapag
napapagalitan.
2. Pagwawangis o Metapora
O Ito ay isang tiyak na
paghahambing at hindi na
ginagamitan ng pangatnig.
O Nagpapahayag ito ng ng
paghahambing na nakalapat sa
mga pangalan, gawain, tawag o
katangian ng bagay na
inihahambing.
Halimbawa
a. Siya ay langit na di kayang abutin
nino man.
b. Ang kanyang mga kamay ay
yelong dumampi sa aking pisngi.
c. Ahas siya sa grupong iyan.
d. Si inay ay ilaw ng tahanan.
3. Personipikasyon
O Ginagamit ito upang bigyang buhay at
pagtaglayin ng mga katangiang pantao
tulad ng talino, gawi at kilos ang mga
bagay na walang buhay sa pamamagitan
ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos
tulad ng pandiwa.
Halimbawa
a. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa
ulap.
b. Sumasayaw ang mga puno sa pag-ihip
ng hangin.
c. Napangiti ang bulaklak sa aking
pagdating.
d. Lumuluha ang liham na natanggap ni
Carla.
4. Metonomiya (Metonymy)
O Ito ay isang uri ng tayutay kung saan ang tawag
sa isang bagay ay ipinapalit o inihahalili bilang
isang bagay na ipinahihiwatig. Sa simpleng salita,
ang metonomiya ay paggamit ng isang salita para
pumalit o kumatawan sa kahulugan ng ibang
salita.
O Ito ay nagmula sa salitang Griyegong “Meto” na
nangangahulugang “change o palitan”, at
“Onym” na ang ibig sabihin ay “name o
pangalan”.
Halimbawa
a. Nangangalit ang bag-ang (Matinding galit)
ng ina nang suwayin ng kaniyang anak ang
utos nito.  
b. Ang ikalawang tahanan (Paaralan)  ng
mga kabataan.
5. Aliterasyon (Alliteration)
O Ang aliterasyon o paripantig ay isang
uri ng tayutay na gumagamit ng pag-
uulit ng unang ponema, titik o tunog
upang magbigay ng kakaibang punto o
istilo.
Halimbawa
a. Makikita sa mga mata ni Maria ang mga
masasayangnangyari sa kaniya kasama si Marco.
b. Mababakas sa mukha ng isang mabuting
mamamayan ang marubdob niyang pagtanggi sa
mahal niyang bayan.
c. May pitong puting putong nakapatong sa
pitumpong pato.
d. Sunod sunod na sumakay sina Sisa sa sasakyan
ni Siso.

You might also like