You are on page 1of 5

Gomez, Mercy B.

SSP 7
10 May 2017
Written Report

Ang Pakikibaka ng Mayorya

Maikling Pagbalik Tanaw


Ang pakikibaka ng mayorya sa Mindanao na pinapangulohan ng Partido Komunista ng
Pilipinas (PKP-MLM) unang umusbong noong taong 1971, kumalap ito sa ibat ibang probinsya
sa Mindanao madapos ang isang dekada sa ilalim ng batas military ng diktatoryang Marcos. Mula
sa taong 1982 hanggang 1985, mabilis na lumaganap at lumakas ang hukbo. Matatag itong
nakaposisyon sa mga estratehikong lugar sa mga rehiyon sa buong isla at naabot nito ang
baybayin, highway at kapatagan. Lumaganap at lumakas ang mga taktikal na opensiba sa mga
kampanya at plataporma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB).

Mga Signipikanteng Pangyayari sa


Rebolusyonaryong Pakikibaka sa Mindanao

1971-1979 PAGPUNDAR
ULAHING BAHIN SA DEKADA 1960 HANGTUD 1972
Nagsimula ang mga kilusang masa sa mga manggagawa, magsasaka at mga kabataan
pati na sa mga ordinaryong mamamayan.

1971
Naitayo ang unang iskwad sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Mindanao sa border ng
Misamis Oriental at Agusan Norte.

Pinangulohan ito ni Ka Ben Esparagosa na ipanadala galing sa rehiyon sa Visayas.

Subalit namatay si Ka Ben na syang kadahilanan ng pagkasira ng iskwad nang inambus


ng kaaway dahil sa pagtraydor ng kaalyado nitong noon na si Ricardo dela Camara (Datu
Mabalaw).

1972
Naitayo ang tatlong (3) yunit sa BHB sa Mindanao:

Davao Oriental na naging area sa FRONT 2


Davao del Norte na naging FRONT 3

Western Mindanao na naging FRONT 1

1972 Idineklara ang Martial Law

Natigil ang demokratikong pagkilos ng masa.

Dahil sa mga pagpatay at pang aabusong nangyayari, marami sa mga kabataan ang
umakyat sa kabundukan at naging unang mga kadre sa BHB sa ibat ibang probinsya sa
Mindanao.

1974
Naitayo muli ang yunit sa BHB sa boundary sa Misamis Oriental at Agusan Norte na naging Front
4.

1978
Naitayo ang apat na Rehiyon sa Mindanao:

Western

North Central

Eastern

At Southern Mindanao

Nailunsad and Cadres Training Institute sa Urban Committee sa Mindanao nga


nakatulong para maipundar ang Marxismo-Lenismo (LM) na paninindigan, pananaw at
pamamaraan.

1979
Nailunsad ang unang inter-rehiyonal nga Batakang Kursong Pampartido (BKP), at
nasimulan ang kampanyang nagsusulong sa BKP sa buong isla hanggang 1982.
Ang BKP ay parang isang kurso o pag aaral kung saan ipinaiintindi sa mga kalahok nito
ang misyon at mithiin ng samahan. Kung saan ipinaliliwanag ang ugat ng mga pagkilos at
direksyon ng samahan.

1980-1984 PAG-ABANTE

1981
Unang Mindanao-wide military training.

Mayo. Idinaos ang Mayflower (White Area interregional conference)

1982 Hunyo
Pagtayo sa mga Main Regional Guerilla Units (MRGU).

Naging Limang Rehiyon ang Mindanao:

Western, North Central, Eastern, Southern at Far Southern Mindanao.


1983 Mayo
Naitayo ang North East Mindanao Region (NEMR) na nagmula sa hinating Eastern Mindanao
(EMD).

Sa taon ding ito naitayo ang Southeast Mindanao Region (SEMR) at naging anim na rehiyon na
ang Mindanao.

1984
Naging pito na ang Komite sa Rehiyon sa Mindanao nang maitayo ang Northwest Mindanao
Region (NWMR) na nanggaling sa hinating North Central Mindanao Region

1985-1993 PAG-ATRAS

1985
Kampanyang Ahos (Kahos).

Kampanyang Kontra impiltrasyon kung saan dinakip, tinurtyor at pinarusahan ng wlang hustong
proseso at hustisya ang mga impormer na mga daan daang kadre, hukbo at masa.

1985-1986
Halos sabay sabay ang malalaki at mabibilis na pag atras ng mga rebolusyanong pwersa, basing
militar at mga teritoryo sa kabundukan.

1986 EDSA
Pag- alsa sa EDSA, na nagpatanggal sa diktatoryang Marcos at pumalit ang rehiming US
Corazon Aquino. Subalit hindinakamit ang mga rebulosyonaryong pagkilos dahil sa dis-
oryentasyon ng mga hanay sa panahon na ito.

1988-1990
Nagpatuloy ang mga malalaking taktikal na opensiba sa Isla ng Mindanao tulad ng digmaan sa
Marihatag, Surigao del sur (Abril 19, 1990)

1993 Abril
Unang pagtitipon sa Mindanao sa IBKP

IBKP Ikaduhang Bantugang Kalihukang Pagtul-id na dinaluhan ng mga kadre sa lahat ng pitong
rehiyon sa Mindanao.

1994-2001 PAG-BAWI

1994
Pagkilos ng mga Lumad sa Talaingod, Davao del Norte laban sa Alcantara & Sons, isang
malaking kompanya ng logging. Nakakauhat ito ng malaking suporta galing sa ibat ibang sector.

1998
Pormal na nakipag-alyansa sa MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT (MILF)

Napapirmahan ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and the
International Humanitarian Law (CARHR-IHL)
2001
Napatalsik si President Joseph Estrada sa pamamagitan ng ikalawang pag alsa sa EDSA.

2002-2012 Pagkusog sa Gubat Katawhan

2002
Nailunsad ang Rehimeng US Arroyo sa bangis ng Oplan Laya 1.

2004
Serye sa mga matagumpay na mga anti pyudal na pagkilos sa Western Mindanao Region
(WMR).

2005
Itinayo ang Moro Resistance Liberation Organization (MRLO), pangmasang organisasyon
ng Moro at kaalyado ng NDF.

Nasimulan ang pagtayo ng mga Sub Rehiyon sa iilang rehiyon sa Mindanao.

Nailunsad ang Unang Mindanao YS Conference.

2006
Idineklara sa Rehimeng US-Arroyo ang Oplan Bantay Laya 2.

Muling iniorganisa sa AFP ang Southern Command (Southcom) , Eastern Mindanao


Comman (easterncom) at Western Mindanao Command (westmincom).

2010
Nanalo ang iilan sa mga anti-pyudal na pagkilos na ipinaglaban ang mga magsasaka ng
NEMR. 80,000 manggagawa ang nakabenepisyo.

2010 Disyembre
Umabot sa 12,000 ang dumalo sa ika-42 nga anibersaryo ng Partido na inilunsad sa
Surigao Del sur.

2011 Oktubre 3

Matagumpay na raid sa tatlong higanteng Kumpanya ng Mina sa Caraga:

Ang Taganito Mining Corp (TMC);

Taganito High Pressure Acid Leaching plant (THPAL), at Platinum Group Metals Corp. (PGMC)

2011 Oktubre
Pinatay si Fr. Fausto Pops Tentorio ng tagong death squad ng rehimeng US Benigno
Aquino III. Nagbunga ito sa malawakang kilusang insignasyon

(Si fr. Pops ay isang padre na nagsilbi sa kabundukan kasama ang mga indigenous group
of people. Nag kanyang pagkamatay ay naging dahilan sa paglahok ng maraming
indigenous people sa hukbo)

2011 Disyembre 16
Bagyong Sendong.
Rebulosyunaryong pwersa sa operasyong relief at rehabilitasyon sa lungsod ng Cagayan
de oro at Iligan.

2012
Matagumpay na naidaos ang Mindanao Military Conference.

Inilunsad ang Mindanao YS Conference

2012 Disyembre
Bagyong Pablo.

Paglunsad ng mga relief at rehab operations sa Compostella Valley, Davao Oriental ,


Surigao del Sur at iba pang apektadong lugar.

Hanggang ngayon patuloy pa ring nakikibaka ang mayorya at patuloy pa din nilang
isinisulong na sila ay marinig at mapakinggan. Bakit nga ba may mga pag aalsa at pakikibaka na
nangyayari sa ating bansa? Naitanong mo na din ba ang mga salitang ito saiyong sarili? Saaking
pagkakaintindi at saaking pananaliksik, aking napagtanto ang sagot sa mga tanong na umuusig
saaking isipan. Mayroong mga pag-aalsa at pakikibaka na nangyayari saating bansa dahil
mayroong mga pang aabuso at di makaturiwang nangyayari. May mga karapatan na naapakan,
may mga naaapi at naaabuso at may mga naghihirap dahil may mga biyayang ipinagkait bunga
ng kahakiman.

Kung sila ay mapapakinggan lamang at mabibigyang pansin ang kanilang mga


pinaglalaban. Kung mayroon lamang tatayo at makikipaglaban para sa mga naaapi at naghihirap.
Kung ang mga nasa taas ay masisimulang magmalasakit. Kung ang Sistema ay magbabago.
Kung ang pagbabago lamang ay magsisimula sa bawat isa satin, ang pagkakaisang minimithi ay
tiyak na maaangkin.

You might also like