You are on page 1of 3

Buwan ng Wika

Yolly: Ang minamahal nating punungguro (Josephine S. Cornico) mga


magulang, mga kapwa guro, mga mag-aaral, mga panauhin,
magandang umaga sa inyong lahat.
Tayoy nagkatipun-tipon sa umagang ito para sa
pagtatapos ng Gawain kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng
Wika na may temang Wika Natin ang Daang Matuwid.

Nenarose: Simulan natin ang ating palatuntunan sa pagbibigay-pugay


sa Maykapal sa pangunguna ni Jastine Mapette Merida at
manatiling nakatayo para sa pag-awit ng Lupang Hinirang
na pangungunahan ni MaryGrace Ellizalde.

Yolly: Ngayon tatawagin natin si Gng. Rhodora A. Borja ang


pangalawang pangulo ng samahan ng mga Guro ng Catarman
SPED Center sa kanyang pambungad na pananalita.

Nenarose: Salamat po Gng. Borja sa inyong mensaheng pagbati.


Tawagin naman po ang ikalawang baitang xylophone sa
kanilang sabayang pagbigkas ng Ang Wikang Pinoy. Atin
po silang palakpakan.
Yolly: Maraming salamat mag-aaral sa ikalawang baitang. Ang ikatlong
baitang naman ay magbibigay din ng sabayang pag-awit na
pinamagatangn Masdan ang Kapaligiran.

Nenarose: Salamat po sa magandang awitin. Atin naman pong


pakinggan ang isa pang sabayang pagbigkas galing sa
ikaapat na baitang.

Yolly: Maraming salamat mag-aaral sa ikaapat na Baitang sa inyong


tula. Isang balagtasan naman ang ating matutunghayan mula sa
piling mag-aaral sa ikalimang baitang.

Nenarose: Salamat pa sa inyong napakagandang balagtasan. Ngayon


naman po ay maririnig naman natin ang isang
deklamaasyon mula kay Bernice Bless Intal.

Yolly: Salamat Bless sa iyong madamdaming deklamasyon. Muli po


ating tawagin ang isang mag-aaral sa ikaanim na Baitang; si
Jonsel Juris C. Ballicud sa kanyang talumpati.

Nenarose: Maraming salamat Juris sa iyong magandang talumpati.


Tawagin nating ang mag-aaral sa Ikalimang Baitang sa
kanilang Tableau na pinamagatang Magellan.
Yolly: Salamat mag-aaral sa ikalimang baitang sa inyong magandang
presentasyon. Ating pong nasaksihan ang ibat-ibang
presentasyon ng ating mga mag-aaral sa SPED na nagsisimbolo
ng ating pagpapahalaga sa sariling wika sa ibat-ibang paraan.
Sana po ay ating patuloy na gampanan ang ating mga tungkulin
upang maipatuloy ang pagpapahalaga sa ating wika sa mga
susunod pang henerasyon.

Nenarose: At ngayon naman po sa ating pangwakas na pananalita ay


ating tawagin ang ating punongGuro si Josephine S.
Cornico.

Yolly: Dito po nagtatapos ang ating programa sa umagang ito. Salamat


po sa inyong pagdalo sa kaganapang ito at magandang umaga
po sa inyong lahat.

You might also like