Professional Documents
Culture Documents
Background of Dances
Background of Dances
Guro = Binayugan/Maglalatik
Binayugan Ito ay sayaw ng mga kababaihang Ilokano sa Pangasinan. Ito ay sinasagawa sa pamamagitan ng pagbalanse
ng palayok sa kanilang ulo upang ipangsalok ng tubig o ipangluto ng bigas.
Maglalatik Ito ay sayaw mula sa Laguna na nagpapakita ng mga galaw ng mga lalaking mandirigma.
Ang pagaper ay sayaw ng mga maharlikang Maranao para sa isang importanteng pagdiriwang. Ang mga babae ay
mahinhin na ginagalaw ang kanilang aper o pamaypay habang humakhakbang ng maliliit na sumisimbolo sa kanilang
pagkamagalang at prominenteng pamilya.
Ito ay nagmula sa Surigao del Norte. Ayon sa istorya, ito ay nanggaling sa sayaw na Sibay na nabago upang maging mas
halintulad sa itik ang galaw nito.
Ito ay nagmula sa Espanya at sinasayaw ng mga Ibanag sa Lambak ng Cagayan. Ang mga kilos ay halintulad sa mga
kilalang sayaw Europeo tulad ng mazurka, polka, gallop, at waltz.
Ang Saot ay sayaw pandigma ng mga Mandaya na kamag-anak ng mga Manobo. Kanilang winawasiwas ang kanilang mga
kasan (sibat) at kalasag sa saliw ng gimbal (tambol) at agong (malaking gong).
Ito ay sayaw ng mga Maranao na nagpapakita ng ibat ibang paraan ng pagsusuot ng malong. Karaniwang sinasayaw ng
mga babae upang ipakita ang makulay nitong disenyo, ito ay sinasayaw na rin ng mga lalaki upang ipakita kung paano rin
nila ginagamit ang malong.
Grade 12 = Singkil
Ito ay hango sa Darangen, isang istorya na interpretasyon ng mga Maranao sa epikong Ramayana ng mga Hindu.
Isinasadula nito ang pagtakas ni Putri Gandingan sa kagubatan mula sa isang demonyo kung saan nahanap muli siya ng
iniibig na si Rajah Bantugan.
Ang salakot ay tradisyonal na sombrero at simbolo ng mga Pilipino, partikular sa anyo ni Juan dela Cruz.
Tinatawag ding sibot sa Capiz, ito ay sayaw na pinapakita ang galaw ng mga isda at sugpo na nakatakas mula sa sirang
lambat ng mangingisda.
Ang ibig sabihin ng kunday-kunday ay igalaw ang mga kamay ng malumanay tulad nang sa kumintang. Ito ay sinasayaw
sa mga rehiyon sa Katagalugan.
Ito ay awit at sayaw ukol sa sagutan ng isang babae at lalaki sa panliligaw. Pinangalan ito mula sa baya-i (tawag sa sayaw
ng mga sinaunang Bisaya), valse (tawag ng mga Kastila sa waltz), at tawo (salitang Bisaya sa tao) kaya ang ibig sabihin ay
sayaw ng mga tao.
Ito ay sinasayaw ng mga Bisaya lalo na sa Bantayan, Cebu. Sinasaliwan ng awiting bayan sa Bisaya, ito ay kakikitaan din
ng impluwensya mula Espanya, Mehiko, at Pransya. Ito ay sinasayaw ng apat, kung saan ang pangunahing pares ay
tinatawag na cabeceras samantalang ang tawag sa isa pang pares ay costados.
Ito ay sayaw mula sa isla ng Lubang, Mindoro na hinango mula sa sayaw ng mga Espanyol na fandango. Kinakailangan
nito ng magaling na pagbalanse upang mapanatili sa pwesto ang tatlong tinggoy sa ulo at dalawang kamay.
Magulang = Salakot
Ang salakot ay tradisyonal na sombrero at simbolo ng mga Pilipino, partikular sa anyo ni Juan dela Cruz.
Ito ay sayaw sa Banauan, Batangas na nangangahulugang subsub at bali. Nagpapakita ito ng panata ng mga tagaroon na
nakaukol sa banal na krus ni Hesus.
Ito ay nagmula sa Leyte kung saan hinahalintulad ang sayaw sa galaw ng tikling, isang ibon na kilala sa mahaba nitong
leeg at paa. Ginagaya ng mahusay na pagdaan ng mananayaw sa dalawang piraso ng kawayan ang paglusong ng tikling
sa palayan at pag-ilag nito sa mga damo at bitag.
Ito nagmula mula sa lugar ng Pangasinan. Pinapakita nito ang husay at pagtutulungan ng pares sa pagpapalitan ng
pwesto sa pamamagitan ng paglukso at paghagis sa ere nang hindi nahuhulog mula sa makitid na bangko.
Ang sayaw na ito ay mula sa Panay hango sa impluwensya ng mga Kastila. Gamit ang pamaypay o panyo, ang mga
mananayaw ay nagtataguan habang inaakit ang isat isa.
Ito ay bersyon sa Pilipinas ng Jota, isang sayaw Espanyol. Ang lenggwahe ng awit na sinasaliwan nito ay Chabacano
Ermitense. Ito ay isang mapang-akit na sayaw kung saan ang pauelo at panderetas (tambourine) na may laso ay
winawasiwas ng mahinhin.
Nangangahulugang orkid at iba pang bulaklak, ito ay sayaw ng mga kwintas ng bulaklak na paligian sinasagawa tuwing
Mayo. Sa sayaw na ito hinango ang pangalan ng Bulakan dahil sa dami ng namumulaklak dito.