You are on page 1of 3

Lito Life Story

Researher: Stanley Pabilona

Pangatlo sa apat na magkakapatid si Lito. Sa edad na pitong taon daw ay marunong ng mag sideline ng
trabaho si Lito. Gusto n'ya kasing makatulong sa kanyang nanay. Si tatay kasi ay laging wala sa bahay. Si
nanay naman ay wala ding trabaho at nag-aalaga lang sa kanilang apat na magkakapatid. Ang kuya
naman daw ni Lito ay nag dadrive ng side car para din sa kanila.

Natutong maghanap buhay si Lito. Umaakyat daw sila ng mga jeep na nakahito at nagpupunas ng mga
sapatos ng mga pasahero at ang makukuha nilang limos mula sa mga pasahero ay ibibigay niya sa
kanyang nanay. Kapag umuulan naman daw ay naglilinis sila ng mga wind shield ng mga nakahintong
sasakyan.

Kung umuwi daw si tatay sa kanilang bahay, pinakamatagal na daw ang 3 araw na mag stay sa kanila.
Idol na Idol ni Lito ang tatay n'ya, kasi pag umuuwi ito galing daw sa trabaho, maraming pasalubong sa
kanilang magkakapatid. Kung ano ang meron ang mga kapit bahay nilang bagong laruan ay binibilhan din
sila ng tatay ni Lito. Wala daw gumagalaw sa kanila at nang-aaway tuwing nandoon ang tatay ni lito
dahil siya ang siga sa kanilang lugar. Kaya naman lalo siyang bumilib sa kanyang tatay.

Dahil sa sobrang pag iidolo ni Lito sa kanyang ama. Tuwing aalis ito ay sinusundan niya para malaman
niya kung ano ba ang trabaho nito, pero palagi din naman siyang nakikitang sumusunod kaya pinapauwi
din siya at hindi niya nalaman kung saan pumupunta si tatay. Ang alam lang ni Lito ay engineer si tatay o
arkitekto, dahil tuwing umuuwi daw ito ay nagkukumpuni sa kanilang bahay.

Malaapit si Lito sa kanyang ina... Tuwing wala kasi si Tatay ang nanay ni Lito ang tagapagtanggol nilang
magkakapatid. Kapag inaaway sila ng mga kalaro at kapit bahay si Nanay daw ang nagtatanggol sa
kanila.

Lumaki si Lito at dahil sa kulang din sa gabay ng kanyang magulang at napasama sa masasamang
barkada ay naligaw din si Lito ng landas. Hangang sa tuluyan na nga siyang napariwara. Natuto s'yang
mang hold up at gumamit ng mga solvent, marijuana at kung ano-ano pa.

Minsa daw, isang gabi sobrang lasing at sabog si Lito. Biglang dumating ang tatay n'ya at pumasok sa
kanilang bahay. Hindi ito namukhaan ni Lito dahil madilim daw. Nakipag suntukan siya sa kanyang tatay
at hangang sa magulpi n'ya ito. Noong bumagsak ang kanyang tatay tyaka nalang niya namukaan at
nahimasmasah si Lito.

Ganun padin ang takbo ng buhay nila Lito. Napasama din si Lito sa mga estribo gang kung saan nang
dudukot sila sa mga bus at patuloy padin sa pang hohold-up. Tinanong ni Lito kung ano ba talaga ang
trabaho ng kanyang tatay pero ayaw itong sabihin sa kanya. Pag dating daw ng panahon malalaman din
ni Lito kung ano ang kanyang trabaho.
20's year old si Lito ng una siyang makulong. nahuli kasi siya na nag shoplift sa isang mall at nakulong
siya ng isang araw dahil doon. Agad naman pumunta sa presinto ang kanyang nanay para piyansahan si
Lito at nakalabas nga siya.

Isang araw, nang hold-up nanaman sina Lito at ang kanyang mga kasamahan pero sa pagkakataong ito
hindi na sila pinalad. Nahuli sila ng mga pulis at nakulong si Lito. Habang nasa kulungan daw si Lito ay
naging kanang kamay daw siya ng mayor doon sa kanilang selda. Sa mading salita sa loob lang daw ng
maiksing panahon ay nagkaroon ng position si Lito sa loob ng kulungan.

Lumipas ang ilang mga taon na nakakulong si Lito, my isang bagong pasok sa selda nila. Sabi ng mayor
nila sa selda, mabigat daw ang kaso nitong bagong pasok. Nang hold-up daw ng bus at my isang
matanda na nahulog sa bus at nag 50/50 ang buhay. Alam na daw ni Lito kung anong dapat na gawin
n'ya sa taong ito.

Pinuntahan ni Lito ang bagong pasok para bigyang ng leksyon at gulpihin pero pagkakita niya sa bagong
preso ang tatay pala n'ya ito! Walang magawa si Lito kung hindi gawing ang utos ng mayor nila sa selda.
Pikit mata nalang daw niya itong ginulpi. Kinuha ni Lito ang kahoy na gamit nila para mag welcome daw
ng mga kapwa preso at ginawa niya kung ano ang dapat n'yang gawing sa lahat ng bagong pasok na may
mabigat na kaso.

Kinabukasan daw ay nilapita ni Lito ang kanyang tatay. Kinausap niya ito na wala siyang magawa kung
hindi ipatupad ang batas sa loob ng kulungan. Bilang pag galang niya sa kanyang tatay, inabot niya dito
ang kahoy na gamit niya pang hampas. sinabi ni lito na kung ilang palo ang inabot mo sakin, doblehin mo
at paluin mo din ako. Hindi naman ginawa ng tatay ni Lito ito. Sinabi ng tatay niya na kung ano ang
patakaran doon ay susundin niya lalo na at my katungkulan daw si Lito doon.

Doon na nalaman ni Lito ang lahat tungkol sa kanyang tatay. Akyat bahay pala ito kaya palaging wala
noong maliliit pa sila hanggang sa naging holdaper nadin ito at kung ano-ano pa. Hindi daw s'ya
makauwi palagi sa kanila dahil madalas din silang mahuli at makulong. tuwing makakapag piyansa lang
daw sila tyaka siya magkakaroon ng pagkakataon na makauwi sa kanila.

Pinagtakpan ni Lito ang kanyang tatay at hindi niya inamin kahit kanino na tatay niya ang bagong pasok
na iyon. Ilang buwan ang lumipas at naging ganun nga ang takbo sa kanilang selda. hindi sila magkamag-
anak at magkakilala. Hanggang sa isang araw ay nagkaroon daw ng riot sa loob ng kulungan. Nagkagulo
ang lahat at nagrambulan na. Nakita ni Lito na may papalapit sa tatay niya at my dalang kutsilyo. Agad
na hinarang ito ni Lito at sinalo ang saksak na dapat para sa taytay niya. Pagkatapos ay tinulak niya
palayo ang kanyang tatay para makalayo sa gulo.

Natapos ang gulo at nawalan ng malay si Lito. Nang magising siya hinahanap na niya yung taong niligtas
daw niya. Ang sagot daw sa kanya ng kanilang mayor, sino yung tatay mo? Nagulat si Lito at nalaman na
nila ang totoo. Humingi ng patawad si Lito sa kanilang mayor. Pero nagalit ito sa kanya. dapat daw sinabi
niya ito dahil kahit anong mangyari tatay daw niya yoon. Pwede daw baliin ng mayor ang batas lalo na at
magkadikit silang dalawa.

Nakalaya na ang tatay ni Lito pagkalipas ng ilang buwan. Naiwan naman si Lito sa kulungan dahil nga
kasama sila sa naging gulo sa loob ng kulungan. Nagsimula ng magbagong buhay si Lito. Nakinig siya sa
mga religious group. hanggang sa naging active na siya doon. Hindi nagtagal ay nakalaya nadin si Lito.

Bumalik si Lito sa kanilang bahay pero hindi na pala doon nakatira ang kanyang pamilya. Nalaman niya
doon sa kanilang kapit bahay na lumipat na pala sila ng bahay. Hindi rin alam kung saan na lumipat ang
kanyang pamilya. Nagtrabaho ng marangal si Lito pagkatapos niyang makalaya. Nagdadrive siya ng
sidecar at kung minsan motorsiklo.

Isang araw nagsimba si Lito at dito niya nakasabay ang kanyang kuya sa simbahan. Nagkausap sila at
tinanong niya kung bakit lumipat na at hindi pinaalam sa kanya. Sinabi daw kasi ng tatay nila na
matatagalan pa bago makalaya si Lito kaya hindi nila nasabi kaagad ang pag lipat na ginawa ng pamilya
nila.

Umuwi na din si Lito sa bagong bahay na nilipatan ng kanyang pamilya at tuluyan ng nagbagong buhay.
ang tatay ni Lito ay nagtitinda na ngayon ng mga ihaw-ihaw at si Lito naman at patuloy na din sa
pagmamaneho ng tri-cycle. May sariling pamilya nadin daw si Lito ngayon at my mga anak.

You might also like