You are on page 1of 2

Ang Dalawang Matalik na Magkaibigan

Tauhan- Toto at Tata


Tagpuan- Sa munting bayan, sa bahay ni Tata, noong unang panahon

Noong unang panahon, may dalawang magkaibigang nagngangalang Toto at Tata. Sila
ang magkababata at matalik na magkaibigan. Sila ay nakatira sa munting bayan na malayo sa
kabihasnan. Sila ay palaging magkasama hanggang sa pagtulog pati narin sa pagpunta ng
paaralan.Sila rin ay nagtotolungan sa kahit ano mang problem ana dumarating sa kanilang buhay.
Dumaan ang maraming taon. Nagkahiwalay sina Toto at Tata. Si Toto ay pumunta sa
syudad upang makahanap ng marangyang trabaho para mairaos ang kanyang pamilya sa
kahirapan samanatalang si Tata naman ay hindi sumama at nanatili sa kanilang bayan.
Lumipas ang maraming taon. Si Toto ay nakahanap ng maayos na trabaho, nagging
maayos ang kanilang pamumuhay at nagkapagasawa. Si Tata naman ay nakapagasawa narin
ngunit hindi nagging maayos ang kanilang pamumuhay. Siya ang nagaararo sa bukid upang may
pagkain sa kangyang pamilya.
Isang araw, naisipan ni Toto sa dumalaw sa kanilang munting bayan. Siya ay nagdala ng
maraming pasalubong upang may ipamigay doon. Pagkarating niya roon, maraming tao ang agad
sumalubong sa kanya. Agad siyang namigay ng kanyang mga dalang pasulobong at laking gulat
niya ang kanilang maliit na bayan noon ang lumaki na ngayon. Marami ng naninirahan at
makikita mo rito ang lubos na kahirapan. Marami ang walang trabaho, nanghihingi ng pera at iba
pa. Pagkatapos niyang mamigay ay agad siyang nagtanong kung saan ang bahay ni Tata. At may
tumugon naman sa kanyang katanungan. Si Tata ay nasa bukid ngunit ang bahay niya ay nasa
likod ng malaking puno ng manga. Agad naming pinuntahan ni Toto ang bahay ni Tata. Nong
siyay papalit na sa kanilang bahay may babae na lumapit sa kanya at humingi ng tulong. Sabi ng
babae, tulong po yong asawa ko po ay may malaking sugat. Galing pa po siya sa bukid. At agad
namang pinuntahan ni Toto ang bahay. Tinulungan niya ang lalaki at sabay sabing ito ba ang
bahay ni Tata. Oo, ito po ang bahay niya at ako po si Tata. Laking gulat ni Toto sapagkat malaki
na ang ipinagbago ni Tata. Maraming mga galos at halatang halata na pagbubukid ang kanyang
trabaho. Si Toto naman ay ipinakilala ang kanyang sarili. Ako po si Toto ang iyong matalik na
kaibigan. At yumakap agad si Tata kay Toto sa labis pagkamimis at sabay sabing ang laki ng
pinagbago mo ang yaman mo na at sabay silang nagtawanan. Sila ay nagusap at lumipas ang
hapon upang umuwi sa sila Toto sa kanilang tahanan. Bago sila umuwi sinabi ni Toto kay Tata
na kung gusto niyang guminhawa ang kanilang buhay ay pumunta lamang sa kanya at tutulungan
niya ito.
Lumipas ang mga araw at napagpasya ni Tata na pumunta kay Toto. Agad namang
binigyan ng trabaho si Tata at nagging marangya ang kanilang buhay.
Hanggang ngayon nagging matalik parin silang magkaibigan at nagtutulungan sa oras ng
kagipitan.

You might also like