You are on page 1of 1

Tonyo, ang batang Ama

Mga tauhan: Tonyo, nanay Teresa, Tina at Tanya

Lumaking walang ama ang mga anak Ni nanay Teresa na Sina Tonyo, Tina at Tanya. Namatay ang kanyang
asawa pagkatapos ipanganak ang kanyang bunso. Ngunit Hindi ito naging hadlang upang magkaroon ng
maayos na buhay.

Tuwing linggo, ang pamilya Teodoro ay lumalabas para magsimba. Bilang panganay, si Tonyo ang
umaalalay sa kanyang ina. Pagkatapos magsimba ay tinulungan nya ang knyang ina sa pamamalengke.
Bumili sila ng Talong, Tahong, Talbos NG kamote at Tilapia. Nagpabili si Tina NG paboritong Tinapay.

Tinuruan Ni nanay Teresa na magluto si Tonyo. Siya din ang naglilinis, nag-iigib at nagpapakain ng
kanilang mga alagang Tupa.

Isang araw, nagkasakit si nanay Teresa. Bumili Sina Tonyo at Tina NG gamot. Sabi nya sa kanyang ina,
"huwag kayong mag-alala nanay, kami ang mag aalaga sa inyo. Ako ang magsisilbing ama at kuya sa aking
mga kapatid. Hindi ko kayo pababayaan."

Namuhay ng masagana, payapa at marangal ang pamilya Teodoro kahit walang ama na nagtaguyod sa
kanila. Ito ay dahil sa tulong Ni tonyo, ang tinaguriang Batang Ama.

You might also like