You are on page 1of 2

ALAMAT

Alamat ng Daga

Sa isang syudad na kilala bilang Madagsa ay matatanaw ang mga naglalakihang bahay.
Tinagurian ang lugar bilang sagana dahil sa yaman at masaganang buhay ng mga nakatira dito.
Isa ang mag-asawang sina Tina at Dante sa mga naninirahan dito. Sila ay 20 dekada ng
nagmamahalan at sa taong ito ay naranasan nila ang iba’t-ibang pagsubok sa buhay kung saaan
ang kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa ay mas lalo pang tumibay. Ngunit isang sitwasyon ang
dumating na lubhang sumubok sa kanila at ito ay ang hindi pagkakakaroon ng supling ni Tina.
Maraming beses silang sumubok ngunit bigo ang magkasintahan. Lumipas ang panahon ngunit
ganon na lamang ang kapit ni Tina sa pag-asang siya’y magdadalang-tao kaya’t sinuportahan
siya ng lubos ni Dante ditto.

Habang patungo sa pamilihan si Tina ay may isang pulubi ang pumukaw sa kaniyang pansin.
Batang lalaki pa ito kung susuriing mabuti sa kabila ng dungis at nakaharang nitong buhok sa
kanyang mukha. Ito ay natutulog katabi ang basura. Basura na siyang nagsisilbi bilang kaniyang
unan at pinagmumulan ng kanyang pagkain. Nakaramdam ng matinding pagkaawa si Tina,
lalapitan niya sana ito ngunit naalala niyang
kailangan niyang magmadali upang hindi maabutan
ng madaming mamimili. Nagtungo na si Tina sa
pamilihan at laking tuwa niya dahil di siya aabutin
ng siyam-siyam. Sa kanyang pagbalik sa tahanan,
bitbit niya ang pasalubong para sa kanyang asawa at
pati na rin sa pulubing kanyang nakita. Binigyan
niya ng makakain at tubig upang kahit papaano ay
maibsan nito ang gutom at uhaw. Sinubukan din niya
itong kausapin ngunit tila isang hangin kung
kausapin ito. Kitang-kita sa paraan niya ng pagkain ang gutom na nadarama kaya’y minabuti ni
Tina na lisanin na ang lugar at hayaan na lamang itong kumain. Sa pagdating ni Tina sa kanilang
tahanan ay bakas padin ang pag-aalala niya sa nakitang pulubi kaya tumawag siya sa “We Live
as One” na ang layunin ay ang mangalaga sa taong walang mauwian. Agad namang umaksyon
ang nasabing organisasyon na nagpadulot ng kaginhawan sa pakiramdam ni Tina. Makalipas ang
ilang sandal, Wala pang 24 oras ay tinawagan si Tina na tumakas daw ang bata na kanya na
namang kinabahala. Nagpasya siyang antayin ang kinabukasan upang bisitahin ang lugar kung
saan niya ito unang nakita sapagkat nagbabaka sakali siya na ito ay bumalik. Sumapit ang
bagong umaga at maagang nag-ayos si Tina ngunit sa ‘di inaasahang pangyayari ay nakaramdam
siya ng pagkahilo. Ngayon niya lamang ito nadama kaya naman hindi niya alam kung ano ang
gagawin. Hindi na siya pinayagan pang umalis ni Dante baka makasama ang pag-alis nito sa
kanya kaya hindi na tumuloy si Tina. Nagkaroon ng hinala ang mag-asawa na baka ay
nagdadalang-tao si Tina kaya minabuti nila na magpahinga muna at bumisita sa malapit na
kakilala nilang isang doktor. “Sa wakas Tina nagbunga nadin ang pinaka-hihintay niyo” wika ng
doktora na siyang sumuri kay Tina. Samu’t-saring reaksyon ang pinakita ng mag-asawa sa
narinig na balita. Hindi maipagkakaila ang saya at pagkasabik sa kanilang mga mukha. Naging
maselan ang pagbubuntis ni Tina kaya doble ang pag-iingat ang kanilang ginagawa at
pinagbawalan nadin ang madalas na paglabas ni Tina dahil maari itong makasama sa kanya.

Sa kabilang dako, ang batang pulubi ay nakasanayan ng manirahan katabi ang mga basura kaya
noong araw na siya ay dinala sa mas maayos na lugar ay isa lamang ang kanyang nakita. Tanging
pagkain ang nagpahalina sa kanya dito kaya Nakaisip siya na isilid ang mga ito sa dala niyang
plastik at hindi nagdalawang-isip na tumakas upang bumalik sa marumi at mabahong kanyang
nakasanayan. Nagdaan ang maraming araw at naubos ang pinuslit na pagkain at walang sinuman
ang bumalik upang siyay bigyan ng makakain. Inabot ng ulan, baha at muling pagtaas ng araw
ngunit ni isa ay walang nagpaabot ng tulong sa kanya.

Sa muling paglabas ni Tina pagkatapos maisilang ang marikit na supling, napansin niyang wala
na ang batang pulubi na hindi niya natuloy tulungan dahil sa kanyang pinagdaanan. Hindi niya
na ito muling nakita at noong hahanguin na ang mga basura na lalong dumami dulot ng dumaang
bagyo ay may isang maliit na hayop ang lumabas mula sa marumi, basa at mabahong plastik.
Isang hayop na nakilala sa syudad ng Madagsa na lubhang inaayawan ng mga tao. Dumami nag
nakakadiring hayop na ito at tinawag itong daga

Mula noon ay nakilala ang syudad Madagsa bilang “madaga” o madaming daga.

You might also like