You are on page 1of 6

Huling Hiling: Iskuwala

Umikot ang unang kabanata ng storya sa pagkamatay ng ama ni


Hermano Huseng. Buhat ng mamatay ang kanilang ama ay pinaghati-
hatian nila ang mga gamit ni to sa paga-anluwage. Ang martilyo ang pinili
ng panganay, lagare ang sa pangalawa, katam naman ang sa pangatlo at
iskuwala ang tanging hiniling ni Hermano Huseng.

Ang iskuwala umano ay hindi gaanong nagagamit ng ama di tulad ng


ibang mga gamit na nasa mga kapatid na nito noong ito ay nabubuhay pa.
Kagaya na lamang niya na hindi nakatulong sa ama noong panahon nito
ng paga-anluwage dahil nga sa tinanggihan nito na sundin ang kanilang
tradisyon. Ito umano ang kaniyang huling hiling.

Huling Hinaing: Kalatas

Ang parte namang ito ay tungkol sa kalatas na iniwan ni Hermano


Huseng. Noong mga panahong ito ay dalawang taon ng yumao ang
kaniyang ama at isang taon naman sa kanyang ina. noong burol ng
kaniyang ina ay ang pangalawang anak na lamang ang nakarating dahil
ang panganay umano'y nagtatago, ang pangatlo nama'y nangibang-bayan
at si Hermano nama'y di matagpuan. Dito rin ay nasakop na ng mga
dayuhang Instik ang ang halos ikatlong bahagi ng Tungkong Bato.

Isang gabi ay narinig ng tagapagsalaysay na may pumasok sa


inabandunang bahay ng mga anluwage. Inisip nito na may mga taga-labas
nanamang pumasok dito. Kinabukasan ay pinuntahan ng tagapagsalaysay
ang bahay nila ngunit wala namang pinagbago ang lugar bukod sa nakita
nito ang iskuwala ni Tata Pulo agad na sinundan ng tagapagsalaysay ang
bakas ng paa ng taong pumasok dito at doon ay nakita nya ang isang
kalatas. Nakasulat dito ang hinaing ni Hermano Huseng. Pigilin umano
ang mga mapagbalat-kayong dayuhan sa pagsakop sa kanilang baryo.
Nais itong iparating ni Hermano Huseng sa lahat ng kanyang mga kabaryo.

Huling Halinghing: Kasal

Nagmistulang isang disyerto ang Tungkong Bato dahil sa pagsalanta


ng halos magli-limang buwan na tagtuyot.

Sumapi ang tagapagsalaysay sa isang lihim na kilusan na


kinabibilangan ni Hermano Huseng. Na naging dahilan ng pagtatakwil sa
kanya ng mga magulang nito pagtapos niyang ipagtapat sa mga ito ang
kanyang tunay na pagkatao. Namatay ang mga magulang nito at hindi siya
nakahingi ng kapatawaran sa kanila. Pinagsamantalahan ang
tagapagsalaysay ng mga militar pagtapos nitong pasukin ang kanilang
bahay. Binansagan syang Ka Hermana pagtapos niyang sumali sa kilusan
habang si Hermano Huseng ay di pinapalitan ang kaniyang pangalan gawa
ng paggalang nito sa namatay na ama.

Inimbita sya ni Hermano Huseng sa isang mahalagang pulong na


gaganapin kinagabihan nung araw ding iyon. Siya umano ang
pinakamahalagang tao na dapat ay nandoon sa oras ng pag-amin ni
Hermano Huseng ng kaniyang ikinukubling lihim, ang itinitibok umano ng
puso nito.

Sumapit ang gabi at inilahad ni Hermano ang kaniyang pahayag, sila


umano ni Ka Santan ay nagkaka-ibigan na at nais niya ng kasal. Iyon raw
ang kaniyang Huling Halinghing.
Sa sobrang lungkot ay naisipan ni Ka Hermana na umalis na sa
kilusan. Sa pag-alis niya sa kilusan ay isang engkuwentro ang naganap.
Pagbaba niya sa bayan ay isang pamilyar na mukha ang nakita niya sa
pahayagan. Mukha ni Hermano Huseng na umiiyak sa harapan ni patay na
katawan ni Ka Santan. Ang pangyayaring ito ay nagbigay pag-asa kay Ka
Hermana na ipaglaban ang kaniyang itinatagong damdamin para Kay
Hermano Huseng.

MGA TAUHAN

Hermano Huseng - Kababata ng nagsasalaysay sa kuwento, walang taon


ang agwat niya sa tagapagsalaysay

- Bunso sa apat na magkakapatid na pulos lalaki ng mag-asawang Tata


Pulo at Nana Docia, nanatiling binata

- Mula sa angkan ng mga anluwage

- Tanging, sa apat na magkakapatid na lalaki ang hindi sumasama sa ama


kapag may batarisan o kapag nangingibang-bayan para mag-anluwage.
Mas ginusto pa nitong magsulat ng mga tula. Mas kinahiligan pa nitong
mag-alagat magpalaki ng mga itik at bibe.

- Malalim ang pananaw sa buhay, maurirat sa mga isyung pulitikal

- Laking Tungkong Bato, isang natutulog na baryo sa San Antonio


Tagapagsalaysay - Kababata ni Hermano Huseng

- Bugtong na anak ng mag-asawang maggugulay

- Laking Tungkong Bato, lugar sa kuwento Cabanatuan, Nueva Ecija

- May lihim na pagtingin kay Hermano Huseng

- Binansagang Ka Hermana ni Hermano Huseng

Tata Pulo - Isang anluwage na siyang ama ni Hermano Huseng

- Isang maestro karpintero ng kanyang panahon

- Bagamat itinuturing na pinakamahusay kumarkula ng mga kahoy at


kawayan kahit hindi nakatuntong man lamang ng unang grado sa
paaralang-bayan, siya ay walang inaaksayang gamit. Maging ang mga
pinagtabasan at pinagkatamang kahoy ay kanyang nagagamit sa ibang
paraan. Ang kayang katwiran, Dapat panghinayangan ang alinmang
bagay na natatapon. Ang lahat ng yan ay may paggagamitan. Pag-uwi
mula sa pinaggawaan, sunung-sunong niya ang mga lumabis na pira-
pirasong yero, kahoy at kawayan. Maayos na isasalansan sa silong ng
bahay. Dudukutin sa bulsa ang naipon at nahinging mga pako na may ibat
ibang sukat at isisilid sa isang lumang lata, kasama ng naipon ding maliliit
na lapis na bagong tasa.

Nana Docia - mabait, maalalahaning may-bahay ni Tata Pulo


- namayapa ( mag-iisang taon) matapos ang halos magdadalawang taon
na ring pamamayapang asawang si Tata Pulo

Mga kapatid na lalaki ni Hermano Huseng

Kuya(panganay) ni Hermano Huseng

- nakapangasawa ng isang Sebuwanang namasukang katulong sa tahanan


ng isang mayor

- Sa munisipyo nagtatarabaho ang

Diko ni Hermano Huseng

- itinanan ang dalawang taon nitong nobya na taga-Aluwa; sa bayan na ng


babae( May minanang kiskisan ng palay ang babae nang mamatay ang
mga magulang nito at ito ang kanilang pinagkikitaan) nanirahan

Sangko ni Hermano Huseng

- nagpapakasal na rin sa kasintahan nitong nasa kabilang ibayo (Maestra


sa isang publikong paaralan ang napangasawa nito.)

- ( Nagtayo ng maliit na tindahan ang mag-asawa at ito ang kanilang


pinalalago. )

Impong Gande - nagpaanak sa magkababata


Ka Santan isang kasapi sa kilusang binuo o kinaaaniban ni Hermano
Huseng

- Lihim na naging kasintahan ni Hermano Huseng na siyang nais niyang


pakasalan at pakisamahan habambuhay. Ito ay dahil Kasal ang tanging
halinghing ko kay Ka Santan. Ito ang huling halinghing ko, masaya na ako
para sa aking sarili. mga pahayag ni Hermano Huseng

You might also like