You are on page 1of 6

I.

Pamagat:

Ang “May Daigdig sa Karagatan” ni Clemente M. Bautista ay isang maikling kwentong


naglalarawan sa buhay ng buhay ng isang karaniwang mamamayan. Ito ay tumatalakay
sa pagkakakulong sa laot ng kahirapan sa buhay dahil sa kamangmangan.

Tagpuan:
Bakas ang tagpuan sa kwento na ito’y naganap sa baybaying dagat, dalampasigan at
karagatan. Dito umiikot ang buong istorya sa buhay ng pangunahing tauhan.

Tauhan:
Ang mga tauhan dito ay mga ordinaryong mamamayan. Sila ay nabubuhay sa
pangingisda. Ang mga pangunahing tauhan ay sina Mang Lope, isang ama na walang
ibang hangarin kundi maiahon ang buhay ng anak sa kahirapan sa pamamagitan ng
pagpapatapos sa kanila sa pag-aaral sa pamamagitan ng kanyang walang humpay na
pangingisda. Si Nilo, lalaking anak ni Mang Lope nagbalak huminto sa pag-aaral, at si
Aling Nena, ang butihing maybahay at ina ni Nilo. Ang iba pang mga tauhan ay sina
Mang Ador at Mang Ambo, na pawang mangingisda.

II. Buod

Nagalit ang ama at nasampal ang anak ng sabihin nito na ayaw na niyang mag-aral at
gustong sumama na lang sa pangingisda. Naalala ng ama yung panahon na ganun din
siya sa sarili niyang magulang dahil sa naakit siya sa tawag ng dagat, at hindi siya
napigilan ng sariling magulang. Naging mangingisda siya at yun ang pinangbuhay niya
sa kanyang pamilya. Bumalik sa dagat ang ama para mangisda, doon ipnakita ang
lahat ng hirap na dinadanas sa trabahong yon. Lakas, pawis , pagod, pagtitiis ang
puhunan. Nang siya’y umuwi sa bahay, hindi niya napansin ang anak sa hapag, Sa huli,
sinabi ng ina na kaya wala sa hapag ang anak at hindi makakasabay sa umagahan ay
dahil sa napuyat sa pag-aaral noong nakaraang gabi. Natuwa na at nakahinga ng
maluwag ang ama.
III. Paksang diwa

Tinalakay sa kwento ang kahirapan sa buhay, kawalan ng pagpapahalaga sa


edukasyon at kawalan ng kakayahan sa paggawa ng isang tamang disisyon sa uri ng
buhay na gustong tatahakin. Ngunit sa huli ay nakapagtanto kung gaano kahalaga ang
edukasyon dahil sa kahirapang napagdadaanan dahil sa kawalan ng pinag-aralan, at
pagnanais na makawala sa hawla sa gitna ng laot ng kamangmangan.

IV. Banghay

Panimula
Nagsimula ang kwento sa isang malalim na pag-iisip na may pangambang
nababakas sa kanyang mukha na nakatingin sa langit habang humihithit ng segarilyo si
Mang Lope.

Suliraning inihahanap ng lunas


Hangad ni Mang Lope na hindi matulad sa kanya ang kanyang mga anak na
walang natapos at walang pinag-aralan dahil sa kanyang naging maling disisyon sa
pagsuway sa kanyang mga magulang. Gusto niyang makatapos ang kanyang mga
anak sa pag-aaral at gagawin niya ang lahat na pagsisikap at pagpupunyagi sa
pangingisda matustusan lang ang kanilang pangangailangan. Ngunit napansin ng anak
na si Lito ang hirap na dinanas ng ama kaya naisipan niyang sabihin sa kanyang ama
ang planong paghinto sa pag-aaral upang makatulong ito sa kanya sa pangingisda,
ngunit sa halip na matuwa sa anak ay galit ang namuo sa puso ng ama dahil sa
ibinahaging plano ng anak. Nakita niya ang kanyang sarili sa kanyang anak noong
siya’y bata pa, at ayaw niyang maulit muli ang paggawa ng isang malaking maling
disisyon dahil lamang sa panandaliang solusyon sa suliranin sa kasalukuyan.

Saglit na kasiglahan
Mula sa isang malalim na pag-iisip at pagbabalik tanaw sa mga karanasan ng
kanyang kabataan sa gitna ng laot ay umuwi siya sa kanilang bahay kinaumagahan.
Isang handang hapagkainan ang kanyang nadatdan at may hinahanap ang kanyang
mata na kanyang ikinabahala dahil hindi niya matagpu-an si Lito. Napansin ito ng
asawa at kwenintuhan siya na hindi pa ito kakain dahil hihintayin niya ang kanilang
anak na gumising na napuyat sa pag-aaral kinagabihan.
Kasukdulan
Sa mga narinig na balita ni Mang Lope mula sa kanyang asawa tungkol sa
kanilang anak ay nakahinga siya ng maluwag.

Kakalasan o katapusan
Hindi direktang sinabi ng awtor na nagbago ng isip ang anak mula sa pangarap na
maging mangingisda kaysa ang pag-aaral, pahiwatig ang ginamit ng awtor para sabihin
ito , tulog pa dahil napuyat sa pag-aaral kagabi, pahiwatig din ang ginamit para sabihing
natuwa o nasiyahan na ang ama sa wakas ng kuwento, nakahinga ng maluwag.

Himig

Ang pagsisisi, pag-asa at pangamba ang naghaharing damdamin sa akda.


Ngunit minsan gaano man tayo katotoo sa ating pagsisi sa mga maling nagawa natin sa
buhay, at gaano man kaliwanag ang pag-asa ang ating nakikita sa hinaharap ay hindi
natin maiwasan na mangamba dahil sa multo ng ating nakaraan. Minsan may mga
pagkakataon na nayayanig ang ating kinatatayuan dahil sa mga pangyayaring hindi
natin kontrolado. Gaano man tayo kadeterminado na itama ang ating pagkakamali sa
ating nakaraan, hindi parin natin maiwasan na matakot na muling mangyari ito dahil
hindi tayo ang may hawak sa buhay at damdamin ng ibang tao.

V. Mga Teoryang Pampanitikan

Teoryang Panlipunan -ang akda ay nakapaloob sa teoryang panlipunan sapagkat ito


ay sumasalamin sa tunay na kulay at kaganapang nangyayari sa lipunan. Tulad ng
kahirapan at kamangmangan. Mapapansin natin ang teoryang ito sa buong nilalaman
ng akda. Una, sa pagbibilad sa dagat at pagtitiis sa lamig ng hangin at tubig sa gitna ng
laot makahuli lang ng isda upang may maiahin sa hapag kinabukasan. Pangalawa, ang
kawalan ng edukasyon at pagiging mangmang dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili at sa
edukasyon na ito’y maaaring makapag-ahon sa kahirapan dahil sa piniling
panandaliang solusyon sa kahirapan at kahinaang harapin ang mga pagsubok sa buhay
sa kasalukuyan.
Teoryang Pangkaisipan – pangkaisipan sapagkat anuman ang mga pinaniniwalaan at
pinanghahawakan ni Mang Lope sa kasalukuyan ay dahil sa paulit-ulit nitong
pagbabaliktanaw sa kanyang nakaraan. Ang kwentong ito ay isang mahabang
paglalakbay sa mga naganap sa nakaraan na nag-udyok sa kanya na kailan man ay
ayaw na niyang maulit pa sa buhay ng kanyang sariling anak.

Teoryang Pangmoral – sapagkat lahat ipinakikita dito ang pagpapahalaga sa pag-


alam kung ano ang tama at mali. Matapos nakita ni Mang Lope ang resulta sa kanyang
mga maling disisyon nang siya’y bata pa, ay napagtanto niya na kailangang maturuan
niya ang kanyang anak sa tama at mali. Ang hindi pagsunod ni Lope sa kanyang ama,
ay siyang nagkulong sa kanya sa daigdig ng karagatan.

Teoryang Pang-arketipo – ang kwento ay gumagamit ng mga simbolismo; gaya ng


kulubot ng kanyang mukha, dagat, laot, bangka, tala, at sumisikat na araw.

Kulubot na mukha: simbolo ng pangamba at pagkabalisa


Dagat: ginagamit bilang salamin ng kanyang nakaraan
Laot: ito ay nagbibigay buhay ngunit kumukulong sa mga mahihirap sa kamangmangan
Bangka: Lumuko kay Lope ng siya’y bata pa. Akala niya na ito ang magdadala sa
kanya ka sa kalawakan ng mundo ngunit dinala pala siya sa isang hawla at ikinulong.
Sumisikat na araw: Ito ay simbolo ng pag-asa na nakita ni Lope nang marinig niya sa
kanyang asawa na napuyat si Lito sa pag-aaral kinagabihan.

VI. Mga Bisa

Bisang Pangkaisipan
Anumang disisyon na ating gagawin sa kasalukuyan ay kailangan natin itong
pag-isipan ng matagal dahil sa bawat disisyon na ating ginagawa ay hindi lang tayo ang
naapektohan dito kundi pati narin ang mga tao na nasa paligid natin. Huwag gumawa
ng isang bagay na alam mo sa huli ay pwede mong pagsisisihan.
Bisang Pangkaasalan
Dapat buksan natin ang ating puso’t isipan sa buhay ng mga tao lipunang ating
ginagalawan. Minsan nakakalimutan natin na may nangangailangan ng ating tulong
dahil sarado ang ating mga mata sa sarili nating mga suliranin. Ang hindi natin alam,
may mas mabigat pang dinadala ang iba kaysa sa atin.

Bisang Pandamdamin
Magandang bigyan ng pansin ang intensyon ng may-akda upang ikintal sa
isipan ng mga mambabasa ang nilalaman ng akda. Minsan lahat ng takot na ating
nadarama, kadalasan ay hindi nangyayari at hindi totoo.

Pangkalahatang Reaksyon:

Sa kwentong “May Daigdig sa Karagatan{“, aking napagtanto na talaga palang


ang lawak ng mundo. Kung titingin tayo sa ibang ibayo ay makikita natin ang
katotohanan na hindi lang umiikot sa atin ang mundo. May mga tao sa iba’t ibang
bahagi ng mundo ang may pinagdadaanan na pangamba at takot. Minsan
napakalungkot isipin na sa takot na kanilang nadarama ay mag-isa nila itong hinaharap.
Ang kwentong ito ay nag-udyok sa akin sa isang katanungang, “Ilan pa kaya ang mga
taong katulad ni Mang Lope at Nilo na naghihirap itawid ang pag-aaral dahil sa
kahirapan?” Napakalungkot isipin na marami sa mga katulad nila ang nangangailangan
ng supurta at inspirasyon upang itulak sila na mangarap at abutin ito. Sino kaya ang
makikinig sa kanila? Mayroon kayang mga pusong handing magbukas upang kanilang
masilayan ang pagsikat ng araw? Sana’y matunton ko ang mga taong ito, at bigyan ako
ng Diyos ng kapangyarihang tumulong.
CEBU NORMAL UNIVERSITY
College of Arts and Sciences
Graduates Studies
Osmena Blvd., Cebu City

PF4006- Pananaliksik sa Panunuring Pampanitikan at Kasaysayang Pampanitikan


Unang Semestre, 2016-2017

Kritikal na Pagsisiyasat sa Maikling Kwentong “May Daigdig sa Karagatan”

ni Glory Gwendolyn N. Vosotros

Ipinasa Kay:

Dr. Elsie T. Alvarado

Professor

You might also like